SAANL 23-1: Maling Pagpapasya
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
Matapos ang kanta ni Zenon, nag patuloy kami sa pagve-video oke at sila Mikoy, Earl at Daniel naman ang nag salitan sa pagkanta, magaling sila talaga. Minsan kumakanta si Aiden, panabla sa kagalingan ng tatlo at pati rin si Zenon na walang kupas ang ganda ng boses, ganun lang hanggang samatapos ang isang oras. Kumanta din ako syempre, "In Your Arms" ni Crissy and Erika at pagakatapos ay nanood na lang ako sa kanila.
Maya maya, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Wala na namang iba kundi si Zenon. Pilit akong ngumiti.
"Anong problema?" tanong niya.
"Napaka plastik ng ngiti mo."
"Wala" sagot ko. Ikaw kasi di ko malimutan ang unang kinanta mo.
"Nalilito lang ako."
"Pwede bang..." natigil siya sandali, nakatingin sa basong pinapaikot niya sa lamesa gamit ang kamay niya.
"... mamaya na yan? Mag enjoy muna tayo. Kanta ka, ang galing mo nga eh. Sarap pakinggan ng boses mo!" tumigil siya sa pag lalaro ng baso at ininom ang laman nitong juice.
"Sorry!" sabi ko. "Yung kanta mo kasi, nakakadala."
Saktong pag tapos ng kanta ni Earl, umalingawngaw ang tunog ng pagtakbo. Pagtingin namin sa pinang gagalingan nito, nakita namin si Stefany na tumatakbo papunta sa amin kasama ang lola nila.
"Kuya!" pag tawag niya kay Zenon. "There's someone outside, shouting Ate Saikha's name."
"Zenon, may lalaki sa labas, kasing edad niyo lang siguro." sabi ng lola nila. "Pero si Saikha ang tinatawag na pangalan eh."
Nagkatinginan kami ni Zenon, alam na namin kung sino yun. Naramdaman ko ang pag hawak ni Aiden sa kamay ko. Sa ganitong pagkakataon, pinagpapasalamat ko na nandito siya.
"Lola, dito lang po kayo ha, wag kayong lalabas." sabi ni Zenon. "Pati si Mama, wag niyo pong palabasin."
Nag taka naman ang lola nila dahil sa sinabi ni Zenon.
"Bakit? Ano bang meron Hijo? Tatawag ako ng pulis."
"Hindi, hindi po." sagot kaagad ni Zenon. "Kaya na po namin to, walang masasaktan, promise!"
Hinawakan ni Zenon ang kamay ko at sabay kaming lumabas. Nasa labas ng gate ang isang lalaki na kasing edad lang namin. Nung makita niya ako, ako, napangiti siya. Nung tuluyan kaming makalapit tyaka namin napansin ang kalagayan niya kung bakit niya ginagawa to.
Lasing sya."Saikha!" tuwang-tuwa niyang sabi nung makita ako. Kitang kita ko ang saya sa mata nya.
"Wesley." sambit ko sa pangalan niya. Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Zenon sa kamay ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi mo ba nakikita?" balik niya ng tanong. "Susunduin na kita, tara na. Dala ko kotse ko oh, ipag da-drive kita pauwi."
"Papatayin mo ba kapatid ko?" asar na tanong ni Aiden. "Lasing ka, umuwi ka nalang Wesley. Tsaka wag mong ipilit ang gusto mo kung ayaw mong sa ospital uli ang bagsak mo!" madiin na sabi ni Aiden. Nakakuyom na ang kamao nito.
Biglang tumigas ang ekspresyon ni Wesley.
"Hindi" madiin ring niyang sagot. "Hindi hangga't hindi ko kasama si Saikha."
"Hindi siya aalis, lalo na't ikaw ang kasama!" sagot ni Zenon.
Hindi ako makapagsalita. Nababaliw na si Wesley, hindi na siya yung Wesley na nakilala ko.
"Wag mong sirain ang araw ko."
"Saikha, Saikha!" pag tawag ni Wesley. Gusto ko siyang lapitan, gate lang ang nakaharang sa amin. At nakahawak sa akin si Zenon at kahit na gusto ko, may pilit na pumipigil sa akin. Nasa isip ko na yun, ang dapat kong gawin dahil sa kalagayan niya ngayon, nandoon parin ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi na matindi tulad ng dati.
"May sasabihin ako sayo, mag usap tayo."
Bago pa ako makasagot, nag salita na si Zenon para sa akin.
"Wala na kayong pag-uusapan umuwi ka na!" utos niya.
"Hindi ikaw ang kausap ko!" galit natugon ni Wesley. "Hindi ikaw si Saikha, hindi tayo ang may problema na aayusin ko, kaya tumahimik ka!"
"Eh kung ikaw patahimikin ko! Gagong to." bulyaw ni Aiden na parang any moment ay susugurin na si Wesley ng suntok.
"Siguro, kailangan naming pumasok ulit sa loob." narinig kong sabi ni Earl.
"Sigaw na lang kayo kapag kailangan niyo ng tulong." sabi ni Daniel at narinig ko silang nag lalakad pabalik sa bahay nila Zenon kasama ni Mikoy.
"Aiden, pwede bang iwan mo muna kami." sabi ko sa kanya. "Mag uusap lang kaming tatlo." sabi ko sa kanya.
Aangal pa sana siya pero tinanguan ko siya na nagsasabing magiging ayos ang lahat. Alam kong ayaw niya talagang umalis, pero ginawa parin niya. Pero bago yun ay tumingin muna siya kay Zenon. Parang sinasabi niya na 'ikaw na ang bahala sa kapatid ko'
Tumango lang si Zenon.
Ayaw ko mang sirain ang birthday ni Zenon, hindi ko rin naman maiiwan si Wesley. Siya ang nangangailangan ng tulong ngayon at sa aming lahat, alam ko at nakakasigurado na ako na wala nang magbabalak na tulungan siya.
"Sorry, Zenon!" bumakas ang gulat niya sa sinabi ko. "Ihahatid ko lang siya pauwi, promise, babalik ako." pangako ko na kahit sa sarili ko hindi ko alam kung magagawa ko.
"Pero, Saikha.--"
"Hi... hindi ko kayang mapahamak siya. Hindi ko siya hahayaang mag drive sa ganyang kalagayan niya, Zenon." sagot ko.
Lumunok ako ng laway para mas lakasan ang loob ko. "Babalik ako, promise!" hinila ko ang kamay ko mula sa pag kakahawak niya at dumiretso sa gate.
"Saikha!" pag tawag ni Zenon, napahinto ako sa pag lalakad.
"Wag please, wag mo namang ipamukha sakin to! Wag mo namang ipamukha na..." natigil siya sandali. "... lagi na lang ako ang huli para sayo!"
"Zenon, sa ngayon si Wesley ang dapat kong samahan." sagot ko.
"At... nalaman ko na ang lahat."
"No Saikha, hindi ako makakapayag.
"Paano ako?" halata sa boses niya na malapit na siyang bumigay din at lumuha. May bagay na pilit pumapasok sa isip ko pero pilit kong pinapalabas. Tinutulungan niya lang ako, hindi niya ako mahal. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Matapos sabihin ni Wesley ang totoo, alam kong iyun ang totoo at sa kalagayan niya ngayon, alam kong kailangan niya ako. Pero may parte sa akin, parehong pakiramdam na kanina pa ako pilit na pinipigilan.
"Mamili ka ngayon, kanino ka sasama? Sa kanya o sa akin?" pinapapili na niya ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang nakikita kong tamang gawin ay samahan si Wesley. Matagal ko tong hinintay, ang malaman ang totoo at sabihin niya sakin na mahal parin niya ako kasama nito. Hindi ko na to sasayangin, pero may bagay na pilit paring pumipigil sa akin. Hindi ko alam kung ano kaya lalong nakakagulo sa nararamdaman ko. Hindi ko na sinagot si Zenon at lumabas na ng gate nila.
"Zenon's POV"
Yung pakiramdam na parang natalo ka sa sugal at nalugi sa negosyo, mas matindi pa dun ang nararamdaman ko. Napaka miserable ko at wala namang duda para sa bagay na yun. Pakiramdam ko wala akong kwenta, hindi ako sapat, hindi ako deserving sa mga bagay na gusto ko... mahal ko.
Ginawa ko naman lahat diba? Siguro nga kahit na anong laban ko kung may iba naman siyang pinaglalaban, hindi talaga ako mananalo. Pag pasok ko ng bahay namin, ang nag aalalang si Aiden ang sumalubong sa akin.
"Zenon?" sambit niya sa pangalan. Malamang nakita nila kung paano ako isinantabi ni Saikha.
"Ayos lang ako..." pag sisinungaling ko. Sa totoo lang kontinh-konti na lang bibigay na ako eh. Harap-harapan akong tinanggihan.
"Aakyat muna ako sa taas. Salamat sa pag punta ha." paalam ko sa kanila.
Wala na naman akong ibang narinig kundi ang video oke na patuloy sa pagtugtog. Kasalanan ko lahat to eh. Kung hindi ako pumasok sa buhay at tangang magpakahulog kay Saikha, hindi mangyayari sa akin to. Hindi ko rin suya masisi, mahal niya yung tao eh. Pero hindi lang talaga mawala yung sakit kasi mahal ko rin siya.
Hindi ko naman masumbat sa kanya ang lahat ng nagawa ko dahil kusa ko namang ginawa yun. Kung siya nag papakabaliw kay Wesley, ako naman sa kanya. Parehas lang kami ng nararamdaman pero ako... wala akong masasandalan.
Pamilya?
Kaibigan?
Ayaw ko nang guluhin sila sa mga problema ko. Ako nagpasok sa sarili ko sa bagay na ito kaya wala nang ibang dapat madamay. Siguro, panahon na rin para tigilan ko na to. Wala na naman talagang pag asa eh. Masyado na kong maraming naranasan para hindi ko malaman na nag papaka-tanga na lang ako.
Hindi matitigil ang sakit na ito kung hindi ako titigil sa katangahan ko. Hanggat kaya ko pa, tatayo na ko. Panigurado, wala na naman akong masasandalan. Mag isa na naman akong tatahak sa miserableng daan na yun. Kabisado ko na, oo. Sanay na ako? Hindi pa. :(
"Saikha's POV"
Habang nasa kalsada, sa harap ng manibela, katabi ni Wesley... hindi ako mapakali. Parang may sasabog na bomba at hindi ko malaman kung nasaan o kung kelan sakto sasabog. Hindi ako makatingin sa kanya, nakatuon lang ang mata ko sa kalsada. Alam kong nakatingin siya sa akin, nakikita ko sa sulok ng paningin ko. Wala nang salita ang namagitan sa aming dalawa, tahimik naming binaybay ang daan pabalik sa bahay nila. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. Sa lugar kung saan nag umpisa lahat ng pasakit sa buhay ko.
"Nandito na tayo." sabi ko.
"Salamat, Saikha." narinig kong sabi. Tinanggal niya ang seat belt niya at lalapit sa akin. Para akong magnet na nag-repel saisa pa. Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse sa tabi ko at lumabas.
Kunyari walang nangyari... walang muntikang nangyari. Hindi ko talaga alam. Alam kong eto ang gusto ko. Makasama siya, bumalik siya sa akin. Umamin na siyang mahal parin niya ako.
Pero may mali. May napakalaking mali. Parang may nakasulat na malaking 'MALI' sa harapan ko pero sobrang lapit para hindi ko makita. Lumabas siya sa kotse at tumingin sa akin. Makapal ang itim sa ilalim ng mata niya, nangayayat din siya at halatang pagod. Sinara niya ang pintuan ng kotse niya bago lumapit.
Hindi na tulad kanina na may balak siya, na ipinagpapasalamat ko naman. Huminga siyang malalim. Wala na ang kalasingan sa itsura at pananalita niya.
"Gusto mo bang pumasok?" tanong niya.
Naalala ko ang mga sinabi niya. Ayaw sa akin ng pamilya niya. Pinilit siya kay Monique para sa negosyo nila.
"Hindi." sagot ko. "Bakit ako papasok sa bahay na---" pinigilan ko ang sarili ko. "Babalik na ako kina Zenon."
"Saikha" bago pa ako makaiwas, nahawakan na niya ang kamay ko. "Wag kanang bumalik dun na... nasasaktan ako!"
Gusto ko sanang isumbat lahat ng naramdaman ko sa nakalipas na ilang linggo. Lahat ng mga panahong para na akong tanga, paulit-ulit ang mga sinasabi,paulit-ulit sa pag iyak. Mga bagay na nadamay pa ang ibang tao. Pero tulad kanina, pinigilan ko ang sarili ko.
Parang mas mabuti na maiwan na lang ang lahat na wag nang pag-usapan. Na parang may mga bagay na dapat akong gawin na mas mahalaga. Hindi, hindi parang. Kailangan ko nang bumalik kina Zenon.
"Kailangan ko na talagang umalis." pagmamatigas ko. Eto ang gusto ko. Alam ko eto ang matagal ko nang gusto. Pero mali talaga.
Sasagot pa sana siya nung mag-ring ang cellphone ko. Nakatingin lang siya sa akin habang kinukuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Pag tingin ko sa tumatawag, si Aiden.
"Hello" bungad ko. Ilang sandaling katahimikan bago siya sumagot.
"Umuwi ka na!"
Uwi? Hindi balik?
"Nasan ka na ba?" tanong ko.
"Umuwi na ako kaya umuwi ka na rin!" madiin at galit niyang sabi at dinugtungan ng, "Ngayon na!," bago pinutol ang tawag.
"Sino yun?" tanong ni Wesley. Ngayon ko lang narinig ang tonong yun ni Aiden. Hindi ako mapakali, kung kaya ko lang talagang lumipad, liliparin ko na papunta sa bahay namin. "Aalis na ko" at tuluyan na akong nag lakad palayo sa kanya. Sakto naman na papalayo ako ay may lumabas sa bahay nila, tinawag siya para papasukin kaya hindi na niya ako nahabol
********
Kinakabahan akong dumating sa bahay namin. Pagpasok ko, nakita ko si Aiden na nakaupo sa sofa. Naamoy ko naman ang niluluto ni Mama sa kusina at naririnig ko rin ang pag kilos niya dun. Nung makita ako ni Aiden agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Ngayon ko lang siya nakita na ganito, nakakatakot. Yung tipong pigil na pigil ang galit niya pero nakikita parin. Napahakbang ako ng isa patalikod dahil sa pag lapit niya. Pinilit kong mag salita.
"Ba't nandito ka na?" tanong ko. "Anong nang nangyari sa party?"
"May sumira!" simple niyang sagot. "Gusto mo ikwento ko kung paano?" tanong niya, halatang pinapasaring sakin. Bago pa man ako makasagot, nag salita na ulit siya.
"Meron kasing tangang babae na sumama sa ex at iniwan ang boyfriend niya na celebrant!"
Lumunok ako ng laway. Eto ang masama pag sobrang ginagalit si Aiden. Konting mali lang na sasabihin ko, parang kakainin na niya ako.
"Pero, si Wesley. Lasing siya, manggugulo lang siya sa party at hindi daw siya uuwi kapag hindi ako kasama, kaya hinatid ko siya sa bahay nila. Sinabi ko naman sa kanya yun."
Inikutan niya ako ng mata. Lumayo ng konti sa akin. "At naniwala ka naman?" napahawak pa siya sa ulo niya.
"Saikha! Sa pelikula lang yun. Sa bagay, feeling mo nga pala nasa isang pelikula ka kung saan di maka move-on sa ex niya. At may dadating na prince charming na aalagaan ka, laging nandyan para sayo, pinapasaya ka. Pero dahil ikaw ang bida, ikaw ang pinaka tanga. Pipiliin mo parin yung magaling mong ex!"
"Sumosobra ka na ah!" bulyaw ko.
"Ganun ba? So, ikaw naman yung taong salita nang salita nang hindi alam ang nangyayari." sagot ko. "Sinabi na sakin ni Wesley ang lahat, inamin na niya. Hindi niya mahal si Monique, pinilit lang siya dun. Ako parin ang mahal niya pero tinakot siya na pag lalayuin kami pag pinagpatuloy ang relasyon namin. Kaya kahit na meron na siyang girlfriend, hindi siya lumayo. Nasaktan din siya. Ang laki ng sakripisyo niya para sa akin!"
Hindi nag bago ang reaksyon niya sa mga sinabi ko.
"Sa tingin mo hindi ko rin yun alam? At eto ha, nakita mo yun? Nakita mo yung sakripisyo niya sa sandaling pag uusap lang? Eh paano naman yung ilang linggo ni Zenon? Ano? Gusto mo bang isa-isahin ko pa lahat?"
Pumutok na talaga ang fuse ko sa mga sinasabi niya. Ngayon, wala na akongpaki-alam kahit nasa kusina si Mama. Kahit na ang usapan namin ay ang komplikado kong buhay sa dalawang lalaki.
"Hindi ko naman hiningi sa kanya yung mga yun ah. Sya---"
"Kaya gaganyanin mo lang siya?" sabat niya. "Kasi alam mo na maisusumbat mo na hindi mo naman hiningi sa kanya, na nag kusa siya! Iba ka rin ano?" patuloy ni Aiden.
"Ano bang nangyayari dito?" tanong ni Mama pag labas ng kusina. "Akala ko normal na pag aaway niyo lang yan pero kung mag salita kayo parang kakainin niyo na ang isa't isa."
"Mag isip ka, Saikha!" sabi ni Aiden. "Sobrang bulag mo. Puro si Wesley lang ang nakikita mo. Eh siya? Hindi mo makita na---" pinigilan niya ang sarili niya. "Mas mabuting wag na!" pagtatapos niya bago umakyat sa taas.
.
"Ano ba yun?" tanong ni Mama.
"Problema, Ma." sagot ko.
"Malaking problema."
.
End of Chapter..
Ayun na away-away na ang lahat!
Masyado ng magulo kinakaya niyo pa ba?
Ano na, bakit parang susuko na ang ating bida..?
Bibitawan na ba niya si Saikha para lumigaya ito?
Titigil ba siya sa pagpapaka tanga?
Ano? Can you guess it?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top