SAANL 22-2: Zenon's Birthday
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
Oh my GOD! Birthday na ni Zenon. Kaya naman ay busy akong nakaharap sa salamin. Suklay ng suklay ng buhok. Pinaayos ko pa ito kahapon sa parlor, syempre dapat presentable ako. Maraming tao dun tsaka si Zenon ang may birthday. Boyfriend ko siya so natural dapat maganda ako.
"Hoy bilisan mo dyan.!" pasigaw na sabi ni Aiden.
"Eto na nga eh. Nahmamadali na." sabi ko. Nakalugay lang ang buhok ko at konti lang ang makeup na suot ko. Natural beauty ika nga ng iba. Nakasuot ako ng blue dress na above the knee na si Aiden ang pumili kahapon. Tumingin ako muli sa salamin at napangiti. "Perfect!" sabi ko.
"Wish mo lang!" sabat naman ni Aiden. Kaya naman tinitigan ko siya ng matalim.
Lumabas na ito ng kwarto ko at narinig kong bumaba ng hagdanan.
Kinuha ko ang regalo ko para kay Zenon at sumunod kay Aiden.
Simpleng relo lang naman tong regalo ko kay Zenon. Wala kasi siyang relo at madalas siyang late kaya eto ang naisip ko. Wala kasi talaga akong maisip na espesyal kaya eto na lang, at least may dahilan.
Pag dating namin sa malaking bahay nila, bakas ang pagdiriwang na nagaganap. Ang lalim ng tagalog ko. By the way, bukas kasi ang pintuan nila, hindi ang gate at dama ko yun o yun ang inaasahan ko kasi kainan nga ito. Pero nung makalapit kami, marami-rami nga ang tao kesa sa normal na siya lang at ang nanay niya.
Nakailang door bell kami bago may lumabas na batang babae. Sobrang cute na kinailangan kong mag concentrate nang mabuti para pigilan ang sarili ko sa pag bulsa sa kanya. Naka pony tale siya, doll dress at doll shoes at ang pink talaga ng pisngi.
Nakangiti siyang lumapit sa amin, mga nasa anim na taon siya. Habang papalapit, medyo may kahawig siya kay...
"Kapatid ba yan ni Zenon?" tanong ni Aiden.
Bago ko siya masagot, nakarating na sa gate yung bata at binubuksan yun para papasukin kami.
"Hello!" masaya nyang bati sa amin.
"Ang cute talaga!" sabi ni Aiden sa sarili niya. Yumuko si Aiden, pinatong ang dalawang kamay sa tuhod niya para mas lumapit ang tingin niya sa bata.
"Kapatid mo ba si Zenon?"
"Yes!" nakangiti niyang sagot. "And today's his birthday. He's 20 already."
"English speaking pa!" tuwang-tuwa na sabi ni Aiden.
"Halika nga dito." binuhat niya yung kapatid ni Zenon. Pumasok na sila sa loob, sinara ko muna ang gate bago sumunod sa kanila.
"What's your name?"
"Stefany" sagot ng kapatid ni Zenon. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya.
"And you?"
"Im Kuya Aiden, your Kuya's friend." pagpapakilala ni Aiden sa sarili niya. "And this..." tinuro niya ako. "... is Ate Saikha, your Kuya's special friend."
"Special?" tanong ni Stefany.
"You mean very special?"
"Yes!" nakangiti ring sagot ni Aiden.
"Then you should go inside. I think Kuya's waiting for you." sabi ni Stefany.
Hindi ako makapagsalita sa harap niya. Ang cute kasi eh! Pag pasok namin sa bahay, may matandang babae ang naka upo sa sofa. Binaba na ni Aiden si Stefany na tumakbo naman papunta dun. Siguro siya yung lola ni Zenon.
"Magandang hapon po." bati namin ni Aiden. Ngumiti naman siya sa amin at bumati rin.
"Pasok kayo sa loob, nandun si Zenon." sabi ni Lola. Tumango kami bago dumiretso sa direksyong tinuro niya. Pag pasok namin sa kusina, may tatlong lalaki ang nakaupo sa lamesa. Nagkekwentuhan habang ang dalawa ay kumakain. Nung marinig nila ang pag pasok namin, napalingon sila.
Si Earl a Daniel at Mikoy.
"Uy!" masayang bati ni Earl. "Kain kayo." sabi nito. Si Mikoy naman ay ngumiti lang.
"Earl, Daniel, Mikoy!" sabi ni Aiden.
Saktong pumasok si Zenon sa kabilang pinto.
"Ay... Happy Birthday, Zenon!" bati niya sa pinakamasigla niyang paraan. Kaya kasama na dun ang pag kembot, pitik ng kamay at kindat.
"Nakakahiya ka talaga." sabi ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Salamat, Aiden." sabi ni Zenon. Tumayo siya at lumapit sa amin. Niyakap niya si Aiden at hinalikan naman siya nito sa pisngi.
"Sorry, Saikha, nakakiss na ko sa pisngi niya, kaya sa lips ka na lang." sabi niya sa akin. Natawa naman yung apat, habang ako nag-iinit ang pisngi dahil sa pinagsasasabi niya.
"Ah eh... Happy Birthday!" sabi ko nalang sabay abot ng regalo ko..
Kinuha ni Zenon ang regalo ko bago nilatag sa lamesa.
"Nag abala ka pa." sabi niya. "Salamat" nakangiti niyang sabi.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako bago bumulong sa akin.
"Wag kang mag-alala, alam ni Mama ang tungkol sating dalawa. Kaya... asan na yung kiss ko?"
"Wooooo!!!" sigaw ng mag boyfriend at nila Aiden at Mikoy.
Sinamaan ko sila ng ngiti bago ko tinignan sa mata ni Zenon. Nang hahamon ang mata niya at
nang-aakit naman ang nakangiti niyang labi. Tinaasan niya ako ng kilay kaya wala na akong nagawa.
Hinalikan ko siya, smack lang na nag dulot ng lalong pag-init ng mukha ko.
"Yun oh!" sigaw ni Earl. Nilingon ni Zenon yung dalawa at bumulong na narinig ko naman, "Best gift, ever!"
Binatukan ko siya nang bahagya kaya napatingin siya ulit sa akin.
"Tara, kain na kayo!"
Umupo kaming dalawa ni Aiden sa lamesa. Nung mag umpisa siyang mag salita, nagisa na naman ako ng bibig niya.
"Ang pula pula mo ata, Sai." asar sa akin ni Aiden. Hindi na ako sumagot para hindi na siya mag patuloy pero ginatungan siya ni Earl.
"Oo nga, naiinitan ka ba?" pakunyaring inosenteng tanong ni Earl.
"Kunyari ka pang hindi mo alam, eh madalas ka ring nagkakaganyan." pang-aasar ni Daniel kay Earl.
Sinamaan siya ng tingin ni Earl, gusto ko sanang kunin ang hawak niyang tinidor baka kasi bigla niya yung isaksak kay Daniel.
"Shut up!" madiin niyang sabi.
"Kinikilig ako sa inyo!" yun nga, kinikilig na sabi ni Aiden.
"Ang sweet nkyo talaga sa isa't isa! Kainggit naman!" sabi pa ni Mikoy.
"Oo" pag sang ayon ni Daniel.
"Hindi nga lang kasama yung tinidor."
"Papa Mikoy, wag ka ng mainggit andito lang ako oh!" sabi ni Aiden sabay kapit sa braso ni Mikoy.
Natawa na lang kami.
"Sayang, Saikha, Aiden." sabi ni Zenon.
"Hindi nyo naabutan yung mga kabanda ko dati, siguradong napaka ingay ng bahay na to kung nagsama-sama tayo." nakangiti niyang sabi.
"Hindi pa ba sila maingay sa lagay nila kanina?" tanong ni Earl.
"Hindi pa." sagot kaagad ni Zenon.
"Oo nga pala, since nandito na kayo gusto niyo ba akong kumanta may piano kami tutugtog ako." sabi ni Zenon.
Bago pa ako makasagot, sumabat na si Aiden.
"Sige! Tsaka may video oke ba kayo? Narinig mo na bang kumanta si Saikha? Naku! Lalo kang mai-inlove!"
Lalong mai-inlove?
"Alam mo kanina ka pa eh." sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba!? Ikaw na nga tong inaangat ko eh." sagot niya sa akin.
"Para kang bugaw eh." tugon ko.
"Tumahimik ka na lang dyan at tara na." sabi nito.
"Yun oh!" cheer nila Earl.
Dinala kami ni Zenon sa kabilang parte ng bahay nila kung saan nandun ang piano at ibang bisita.
"Kuya, are you going to sing again?" tanong ng cute niyang kapatid.
"Yes baby! I'm going to play the piano as well." sagot ni Zenon
"Hep! Teka lang, hindi pa prepared ang video recorder." sabi ni Mikoy.
"Ano to, taping?" sabi ko.
"Kailangang e-record toh. Si Zenon yan eh. Papatok sa youtube ang boses at mukha niya." sagot nito.
"Kaw talaga Mikz!" sabi ni Zenon.
Umupo na ito sa harap ng piano at muling tumingin sa amin. Inayos naman niya ang nakahandang mic.
"All set, Go!" at nag thumbs up si Mikoy.
*****Play the youtube video "Stay with Me" by Boyce Avenue (piano)*****
"Zenon's POV"
Nagsimula na akong tumugtog ng piano. Mahalaga tong kantang ito. Dito ko ibubuhos ang lahat ng gusto kong ipahayag kay Saikha. Ang gusto kong malaman niya.
Guess it's true
I'm not good at a one night stand
But I still need love'
Cause I'm just a man
These nights never seem to
Go to plan
I don't want you to leave
Will you hold my hand?
Natahimik na silang lahat ng kumanta ako. And as of now isa lang ang tinititigan ko. Si Saikha lang. Heto na naman ang puso ko. Damang-dama ko na naman ang kanta.
Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me
Why am I so emotional?
No, it's not a good look
Need some self control
And deep down, I know this never works
But you can lay with me so it doesn't hurt
Ayaw ko na siyang mawala sa akin. Hindi ko na maintindihan ang damdamin ko. Selfish na ba ako? Siguro nga....
Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me
oh..oh... no...
hmmm.....
Bawat salita sa chorus ng kanta yun ang mensahe ko kay Saikha. At sana naman makuha niya yun.
Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me
Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
Oh darling, stay with me
Won't you stay with me...
Natapos ang kanta ko ay natahimik parin ang lahat. Anong problema nila?
"Wala bang clap dyan?" mahina kong sabi.
Saka pa sila biglang natauhan at nagsipalakpakan. Lumapit ako kina Saikha. Nakita ko si Aiden umiiyak yata.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko dito.
"Oo, pinaiyak mo lang ako sa lungkot ng kanta mo. Bat ba yun kinanta mo?" sagot niya. Nakita ko si Saikha na nakatitig lang sa akin at nagtatanong ang mga mata nito.
"Wala lang, feel ko lang kantahin. Yun yung nandito eh." sagot ko sabay turo sa dibdib ko. Tinignan ko ng makahulugan si Saikha.
"Nice one! Ang ganda ng kuha ko.!" sabat ni Mikoy para mawala ang awkward na pakiramdam.
"Kahit saang anggulo gwapo parin ako. Diba Saikha?" sabi ko sabay akbay sa girlfriend ko.
.
end of chapter...
Nakuha kaya ni Saikha ang mensahe ni Zenon?
Makakapagdulot kaya ito ng malaking pagbabago ng mga bagay-bagay?
Abangan ang nalalapit na katapusan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top