SAANL 21-2: Magpasya Ka Na
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Zenon's POV"
"Ang dami na namang assignment!" reklamo sa akin ni Saikha habang tinitignan ang mga notes niya.
"Tulungan kita." offer ko. Nandito kami sa canteen. Nauna nang umuwi si Aiden dahil aalis na naman daw sila ni Tita. Libing na daw kasu bukas nung kamag-anak nila. Doon na naman ako sa kanila. Ayos na naman kami ni Saikha. Ngayon ko na talaga nadama na balik na ulit kami sa dati.
Normal na ang araw araw namin, at sa bawat pag lipas ng araw na kasama ko siya, lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Lahat ng siya, lahat ng ginagawa n8ya, lahat lahat sa kanya. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ba to. Hindi ko nga naramdaman na dumating, parang regalo na natanggap ko nang hindi ko alam kung kelan ko binuksan at kinuha mula sa balot.
Si Saikha. Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. Hindi ko sinasabing maganda lang sa pisikal... maganda rin sa loob. Okay, magandang babae talaga siya, bonus na yun. Pero ang ibig sabihin ko ng maganda ay siya yung nakakapag pasaya sa akin. Presensya lang niya napakasaya ko na. Kausapin lang niya ako, makipag biruan sa akin, maasar sa akin.
Lahat.
Hindi ko na nga to mapipigilan.
"Oy, parehas lang tayo ng dami ng assignments noh." nilayo niya sa akin yung notebook niya. "Gawin mo yang iyo!"
"Kaya ko naman tong akin mamaya sa bahay niyo." sagot ko. "Gawin na natin yang iyo dito para maturuan kita."
"Zenon James Valencia," tinuro niya ako gamit ang ballpen niya. "Hindi ako bobo, hindi ko lagi kailangan ng turo mo!"
"Ah ganun?" nag isip ako ng pwedeng ipangsagot sa kanya.
"Ilang percent ang---"
Nilapat niya yung ballpen niya sa bibig ko kaya natigil ako sa pag sasalita.
"Tama na, ayoko na."
Tinabig ko yung kamay niya. "Ilayo mo nga yan sa akin, amoy laway mo pa!" sabi ko sa kanya.
"Oy! Hindi ko to nginangatngat noh." sagot niya pero pinunasan niya yung ballpen niya, baliw lang.
"Tara na, gawin na natin yan."
"Saikha's POV"
Iba talaga to si Zenon. Bakit kaya hindi na lang siya ang prof ko? Mas pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya kesa sa mga lisensyadong nagtuturo. Sa mga prof nga ba to? O kay Zenon... o sa akin na?
Ang swerte ko talaga't nakilala ko siya. Ito talaga ang masasabi kong swerte. Minsan nga naiisip ko na... sana siya na lang. Naiisip ko na sa kanya ko na lang ibaling ang nararamdaman ko.
Pero ang bagay na yun ay sobrang imposible. Una, hindi ko parin maalis ang nararamdaman ko para kay Wesley at pangalawa kung maibaling ko naman sa kanya ang nararamdaman ko, anong sunod?
Mag hahabol na naman ako, mag hihintay ako sa wala, masasaktan na naman ako. Siya lang ang sandalan ko, bago lang niya ako nakilala at pagkatapos ng pagmo-move on ko at tapos narin to.
Malinaw naman sa amin na tutulungan niya lang ako kaya eto, isa talaga siyang boyfriend sa akin kaya ayaw ko rin siyang mawala. Mabait siya, gwapo, matalino, at super talented! Fangirl na talaga niya ako.
Hindi naman sa nagiging selfish talaga ako, pero... kailangan ko ngayon si Zenon.
"Gets mo na?" tanong niya matapos i-explain ulit lahat sa napakadali at maiintindihang paraan.
"Oo, sisiw lang sa akin to, ako nang bahalang mag-sagot." sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ulit yung ballpen ko para sagutan yung assignment namin. Abala ako sa pag iisip nun nung dumating si Monique at Wesley.
Wala namang kakaiba sa kanilang dalawa, pero sa akin, meron. Nakatingin lang ako kay Wesley at ganun din siya sa akin.
Gusto ko sana siyang tanungin kung ayos na ba siya. Kung okay na ba ang mga sugat at pasa niya. Pero hindi ko magawa, hindi dahil kay Monique, kundi dahil sa desisyon ko.
Napalingon si Zenon sa direksyong tinitignan ko. Napatagal ako ng titig, Shit. Bakit ko pa nga pala siya tinititigan at nag-aalala sa kalagayan niya.
Mag mu-move on na ako. Pipilitin ko na ngayon.
Tapos.
Tahimik si Zenon na bumalik ulit sa ginagawa niya, walang sinabi na kahit na ano sa mga inasal ko. Kaya kinuha ko na yung mga gamit ko at pinasok sa bag. Napatingin siya sa akin.
"Dun na lang tayo sa garden sa baba, mas mahangin dun, mas makakapag isip ako nang maayos." aya ko sa kanya. Sinabi ko yun na kunyari hindi ko pa nakikita si Wesley, sa madaling salita, walang sakit.
"Sige, kung gusto mo." nag aalangan niyang sagot.
Inayos rin niya ang mga gamit niya pag tapos ay bumaba na kaming dalawa. Pumunta kami sa pinakatahimik na garden, inokyupahan namin ang isa sa mga lamesa at pinag patuloy ang ginagawa namin sa canteen.
Pinaikot-ikot ko ang ballpen sa kamay ko. Alam kong iyun ang iniisip ni Zenon, nararamdaman ko. At hindi ako mapakali, parang may bombang sasabog sa pagitan namin ano mang oras.
"Zenon," pag tawag ko sa kanya.
Natigil siya sa pag susulat niya pero hindi ako nilingon, inaantay lang ang sasabihin ko.
"Zenon... bakit hindi mo pa ako iniiwan?" wala akong maisip na maitanong. Kaya kahit ano na lang para mawala ang tensyon sa amin, at sa katangahan lang, bakit yun pa?
Hayaan na, lumabas na sa bibig ko. Baka sa loob loob ko gusto ko talagang malaman ang sagot.
"May isang salita kasi ako eh, tyaka hindi naman sa pag mamayabang, kailangan mo talaga ako." sagot niya, totoo naman.
Kailangan ko siya.
"Bakit mo naitanong? Nakapag move-on ka na ba?"
Napatingin ako sa notebook ko sa lamesa. Nahihiya akong tumingin sa kanya kahit na hindi siya sa akin nakatingin. Kanina lang masaya ako na nagkaroon ako ng kaibigan tulad ni Zenon, pero ngayon parang gusto ko na siyang mawala.
Nahihirapan siya dahil sa akin, nahihirapan siya dahil sa pangako niya para sa akin. Kahit na ganun, lamang parin ang kagustuhan kong manatili siya kaya mas lalo lang tumatatak sa isip ko na selfish ako pag dating sa kanya.
"Kasi... kung anu-ano nang dumaan sa buhay mo dahil sa akin
" sagot ko.
Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa kamay kong nakalapag lang sa lamesa kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya, yung ngiting nag sasabing okay lang ang lahat. Yung ngiting maihahambing mo talaga sa nagpakitang araw matapos ang ulan.
"Hindi ko naman pinagsisisihan yun." sagot niya. "Lalo nga akong tumitibay sa bawat tapon ng tadhana ng problema sa akin eh. Tignan mo, bihira lang sa mga lalake sa panahon tong ang magkaroon ng problemang ganito. Ganito talaga kung gwapo. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Seryoso ako, Zenon."
"Ang bigat kasi ng loob mo eh." sabi niya, mas lumapit siya sa akin. "Pero seryoso, ayos lang naman sa akin lahat. Sabi nga nila pag nalagpasan mo ang problema, mas tatatag ka. Kaya sa susunod na sasalampak ako sa lupa, wala na sa akin yun, napag daanan ko na eh."
"Baliw ka talaga." siniko ko siya ng bahagya. "May tanong pa ko."
"Shoot!"
"Wala ka bang nagugustuhan na babae dito sa school? I mean, pag tapos nitong sa atin, pag nakapag move-on ako, may binabalak ka na bang ligawan?" pinilit kong lumabas sa lalamunan ko ang boses ko para sa tanong na yun. Isipin ko pa lang ay hindi na maganda ang nararamdaman ko.
Tumingin siya sa malayo na parangnandun ang babaeng liligawan niya kaya hindi ko naiwasang mapatingin, wala namang tao.
"Wala pa eh." diretso niyang sagot.
"Ako kasi pag may karelasyon, stick lang ako dun. Naniniwala kasi ako na ang tunay na lalaki, isa lang ang mamahalin kahit anong mangyari."
Dahil sa sinabi niya, may karpinterong nagpukpok nang nagpukpok sa dibdib ko.
"Teka," sabi niya at humarap sa akin."Bakit ba puro ganyan ang tanong mo? Gusto mo na ba akong mawala?"
"Hindi!" sagot ko kaagad. "Ngayon kasi... desidido na akong mag move-on." natigilan ako sandali at ako naman ang tumingin sa direksyong tinitignan niya. Ang sarap kasi sa mata nung mga berdeng dahon ng halaman at damo. "Ako na yung lalayo, pipilitin kong umiwas. Hindi na ako aasa sa ibang tao kasi yung ibang tao na kilala ko, handang sumalo ng suntok at halikan ang lupa."
"Oy!" pag-alma niya. "Hindi lang naman ako tumanggap nagbigay din ako, tyaka wala na akong ibang ki-kissan kundi ang girlfriend ko!" umakbay siya sa akin at pinag dikit ang katawan namin.
"Speaking of, pahinge ngang isa, malapit na naman ang birthday ko eh."
Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa ayaw ko at sana hindi yun nagtunog na gusto ko. Pero kasi naalala ko yung unang beses na hinalikan niya ako dun sa banyo sa harap ni Wesley at Monique.
Gumapang na naman ang hiya sa akin.
"Oh? Kelan? Di mo sinabi sa akin." tanong ko para ibahin ang usapan.
"Sa isang araw na, Sabado, punta ka ah may handaan." sagot niya. "Pero ngayon, yung kiss muna." naramdaman ko ang paghinga niya sa may pisngi ko.
May mga pangyayaring bumalik sa isip ko. Yung gabing walang kuryente, magkatabi kami sa kama at may...
"Lumayo ka nga sa akin!" pilit ko siyang tinutulak pero nakayakap na ang dalawnag kamay niya sa akin. "Manyak! Manyak!"
"Aba! Parang ikaw pa ang lugi ah!" sabi niya. Sa ginagawa namin ngayon, sigurado akong wala na ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Child abuse to!" nagawa kong maka-kawala sa yakap niya. Agad akong tumayo at umalis sa lamesa palayo sa kanya. "Lumayo ka sa akin, Zenon."
Sigurado namang nagbibiro lang to. Hindi naman niya balak talaga gawin yun. Yung nangyari sa banyo, ginawa lang niya yun para palayuin na si Wesley sa akin na hindi naman naging effective.
Pero aaminin ko, masarap siyang humalik at... parang gusto ko pa. Siguro marami na siyang nahalikan kaya ganun, sana naman hindi pa. Gusto ko, ako lang.
"Bumalik ka dito!" sigaw niya. "May sinasagutan ka pa!"
"Ayoko! Minamanyak mo ko!" naglakad ako palayo sa kanya, hindi inaalis ang mata sa direksyon niya. Hindi ko maiwasang mapangiti nang todo, parang eto na ang break namin sa nangyayari sa buhay namin.
"Saikha!" sigaw niya, tumayo na rin mula sa lamesa. Hindi na rin mawala sa kanya ang mga ngiting hinding hindi ko pagsasawaang makita. Kaya sana kung sakaling matapos to, kung sa oras na makapag move-on ako, sana nandyan parin siya para sa akin, bilang kaibigan.
"Umupo ka lang dyan!" utos ko.
"Ah ganun, matigas ka ha!" agad narin itong napatakbo sa direksyon ko. Kaya naman ay napatakbo na ako sa berdeng damuhan ng hardin.
"Di mo ko mahahabol!"
Walang pagsidlan ang saya na mararamdaman ko. Sana hindi na ito matapos.
.
End of Chapter...
Ano sa tingin ninyo?
Nakapagpasya na ba si Saikha?
Sino na sa tingin niyo ang mahal niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top