SAANL 20-1: Last Performance!

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

Check the Video on the side and feel the Chapter's emotion!

"Zenon's POV"

      Ngayon ay naihatid ko na si Saikha sa kanila pagkatapos kasi naming kumain sa resto kasama nila Daniel at Earl ay inuwi ko na siya.

7 pm pa lang naman kaya ok lang.

"Tuloy ka muna, Zenon." sabi niya

"Naku wag na muna, Saikha. Kaka text lang ni Mama hinahanap daw ako ng little sister ko. Ikamusta mo na lang ako kina tita at Aiden." sagot ko.

"Ganon ba. Sige, kita na lang ulit bukas."  binuksan niya ang gate.

"Good night!" sabi ko at sabay kiss sa kaliwang pisngi niya.

      Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero after a while eh ngumiti naman.

"Good night din." at papasok na sana siya pero pinigilan ko ang kamay niya.

"Wala ba akong good night kiss diyan?" tanong ko.

     Medyo kumunot ang noo nito at ngumiti. "Baliw, makita pa tayo ni Mama." sabi niya.

      Ngumiti na lang ako at humakbang na patalikod. "Sige, uwi na ako."

"Zenon," bigla niyang tawag sa akin.

"Hmm?" napalingon ako sa kanya.

Humakbang siya ng mabilis at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Mabilis lang, pero sapat na para magdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.

    After that mabilis pa siya sa ipis na nawala. Napatulala kasi ako kaya di ko napansin na umakyat na siya.

That completes my day.

*************

        Kinabukasan ay as usuall maaga ako at hinintay sila sa lobby. Parang gaya nang dati. Ngayon ay sigurado na akong ayos na kami. Napapatawa ko na ulit siya na gaya ng dati.

"Yow! Zenon." tawag ni Mikoy sa akin.

      Nasa canteen kami ngayon ni Saikha at Aiden at kumakain.

"O, bakit Mikz?" tanong ko.

"Ready ka na ba?" sabi niya. "Ngayong  2pm na yung program."

"Ah, oo nga pala. Sure, ako pa? Always ready yata to!" sagot ko.

"Asus! parang walang stage fright ah." puna ni Saikha.

Ikinawit ko ang aking kamay sa beywang niya. "Basta ba manonood ka eh, nawawala ang stage fright ko." sabi ko sabay ngiti.

"Ayeeiiee! Bumabanat ka na naman Zenon ah!" sabi ni Aiden. "Well, in that case manonood talaga kami. Kami kaya number one fan mo!" sabi niya.

Nginitian ko lang siya.

"Yan ang gusto ko sayo eh! So kami na ni Kila ang bahalang mag prepare just be there on time." sabi ni Mikoy na nakipag bump fist pa sa akin bago umalis.

"Wow! I can't wait. Teka ano bang kakantahin niyo?" tanong ni Aiden.

"Oo nga, ano?" tanong din ni Saikha.

"A Sky Full of Stars by coldplay." sagot ko. "Ako pumili nung kanta."

"What's with the song?" tanong naman ni Aiden.

"Wala lang, I just like it's message. I the type of singer na nilalabas yung emotion ko through a song." makabuluhan kong sagot.

      Saglit namang nagkatinginan ang dalawa. Magkapatid nga talaga tong mga ito. Haha...

****-****-*-----********

Program..

         Sakto lang ang dating namin sa Gymnasium kung saan ginaganap ang isang school program ng paaralan namin. Di pa masyadong maraming tao.

"O sya, sa backstage muna ako ha." sabi ko.

"Sure, sure, we'll just stay here to see you perform later." sabi ni Saikha.

"Yeah, galingan mo ah." sabi naman ni Aiden na mukhang excited na.

      Iniwan ko na sila para mapuntahan ang mga kasama ko sa music club.

"Hey guys!" bati ko ng makita sila.

"Uy Zenon, buti naman you're here na." bati ni Karen our female vocalist. Though hindi ko siya makakasama sa number ko kasi may ibang number siya na hiwalay. So kami ni Mikoy at Kila ang magja-jam mamaya.

"Galingan niyo ha." pagmomitivate nito sa amin.

Hanggang sa tinawag na kami ng MC.

      Nakaayos na sa stage ang mga instrumento namin kaya pumwesto na kami.

Ako ang lead guitar ngayon at vocals. Si Mikoy naman sa base guitar at backup voice. While Kila is on the drums , at mga kung ano-ano pa.

"Play:  A Sky Full of Stars by Boyce Avenue on the background"

The crowd started to be alive. Nagcheer ang mga ito sa amin. Kaya naman sa kumpas ko ay nagsimula na kaming tumugtog.

'Cause you're a sky,
'cause you're a sky full of stars,

I'm gonna give you my heart

Ohh...

This is a song dedicated to the one I LOVE!  korni na kung korni pero wala eh. Tinamaan ako. Nakita ko sila na nakaupo sa may harap. Kinawayan pa nga ako ni Aiden na panay ngiti lang.

'Cause you're a sky,
'cause you're a sky full of stars

'Cause you light up the path

I don't care, go on and tear me apart

I don't care if you do, ooh...

      Kay Saikha lang ako nakatingin. Every words and every beat ay inaalay ko sa kanya.

'Cause in a sky,
'cause in a sky full of stars

I think I saw you.....

I think I saw you....

Nagpadala na lang ako sa emosyon ng kanta. At syempre ginalingan ko ang pagtugtog. May mahabang part kasi na instrumental. Kaya todo hiyaw na yung mga kababaihan na nagagandahan sa tugtog.

'Cause you're a sky,
'cause you're a sky full of stars

I wanna die in your arms

'Cause you get lighter the more it gets dark

I'm gonna give you my heart

ohh..

I don't care, go on and tear me apart

I don't care if you do, ooh

Tama, I don't care anymore kahit na nasasaktan na ako. Basta makasama ko lang siya matutoto akong makuntento.

'Cause in a sky, 'cause in a sky full of stars

I think I see you.....

I think I see you......

Yeah...

ohh.. ohh...

ohh.. ohh..

'Cause you're a sky,
you'rea sky full of stars

Such a heavenly view.........

You're such a heavenly view......

Yeah..

Yeah..

yeah!.

yeah!.

     Nang matapos ang kanta at di magkamayaw ang mga manonood kanya kanyang hiyawan. Umandar na naman ang hiya ko sa katawan. Nakita ko si Aiden na nakatayo at nagtatalon samantalang si Saikha nakatingin sa akin at naka thumbs up siya. Nagmadali na akong bumaba ng stage para puntahan sila Saikha. Kaso nga lang pahirapan gawin, ang daming fangirls eh himaharang. Di naman sa mayabang lang pero ganon talaga eh I can't help it. Pinanganak akong ganito ka gwapo. :)

     Nang makarating ako sa kanila ay agad ko ng hinawakan ang kamay ni Saikha.

"Tara na!" sabi ko.

"Okay."

At umalis na kami.

     Habang nasa daan ay panay ang dada ni Aiden tungkol sa performance namin ng banda.

"Grabe! Talo niyo pa ang mga sikat na banda Zenon! Galing, galing!" exagerated nitong sabi.

"Salamat." at nginitian ko lang siya.

Nasa may labasan ma kami at nag-aabang ng jeep ng mag ring ang phone ni Aiden.

**-Hello Ma..*** sagot nito sa phone.

***-Ano?-*** dismayadong sagot nito sa kausap sa kabilang linya.

Tapos biglang inabot yung phone sa akin.

"Kausapin ka raw ni Mama." sabi ni Aiden.

"Ako? Bakit daw?" tanong ko.

"Basta!" sabay bigay nito sa akin.

**-Hello Tita.-**

**-Hello din Zenon. Buti at di ka pa nakauwi. May pakiusap lang sana ako sayo.-** sabi ni Tita sa kabilang linya.

**-Bakit, ano po ba yun?-**

      At yun nga, nakiusap siya sa akin na samahan ko muna si Saikha sa bahay nila dahil aalis sila ni Aiden papunta sa kabilang bayan para sa lamay ng isang kamag-anak nila. Takot daw kasi si Saikha mag-isa sa bahay at ayaw din niyang pumupunta sa lamay. Kaya ako naman syempre pumayag.

Kawawa naman si Saikha ko kung walang kasama.

"Sigeh po, no problem!" sabi ko bago ibalik ang phone kay Aiden.

.

.

End of Chapter..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top