SAANL 2-1: Sila na
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Zenon's POV"
Kasalukuyan kaming nasa pizza house ngayon. Nasa mall parin kaming dalawa. Kinailangan pa ng pizza para lang mapatahan lang ang babaeng to. Pero hanggang doon lang ang kayang gawin ng pizza. Nandoon parin ang kalungkutan niya. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya.
.
'ako nalang muna ang magiging boyfriend mo!'
,
Biglang nag-echo ang mga salitang iyon sa isip ko.
.
"Seryoso ka ba sa mga sinabi mo kanina?" bigla ay tanong niya sa akin.
.
"Oo naman! Besides, hindi ko kayang baunin sa alaala ko na may nagpakamatay sa mismong harapan ko at wala akong nagawa. So I decided to do that." sagot ko.
.
"Talaga?" sabi niya at muling kumain.
.
"Oo, kaso nakakapanibago lang. Di ko kasi akalaing magkakarelasyon ako ngayong araw. At sa babae pa." matapat kong sagot sa kanya.
.
Kumunot ang nuo nito at muling kumibo. "Bading ka?"
.
"Tigilan mo nga ako! Hindi ako bakla! It's just that nakikipagrelasyon ako sa mga kapwa ko lalaki. Lalaki ako, walang duda dun. We can't choose kung sino ang ating mamahalin. Lalaki man o babae, it just happend like magic." mahaba kong sagot.
.
"So seryoso ka ngang maging BF ko?" ulit niya.
.
"Oo nga sabi eh!" pabalang kong sagot. "Aftet seeing you like that kanina I suddenly wanted to help you recover. Kaya I want to spend my time sa relasyong ito... Kung meron nga ba.?" hindi niya ako sinagot at kumain lang ng pizza.
.
"Hanggang kailan mo ba balak magtagal itong... Sa ating dalawa?" shet!! hindi ko masabi ng direkta.
.
"Ikaw, hanggang kailan mo gustong panindigan?" biglang balik niyang tanong sa akin.
.
Bigla akong nahulog sa malalim na pag-iisip. "Ganito... I will stay until dumating ang araw na sa tuwing naiisip at nakikita mo siya ay hindi mo na iisiping magpakamatay. Ok ba yun!?" sabi ko.
.
"Ok, can you give me 3-5 months." sabi niya.
"Ok, deal?" sabi ko.
"Deal." tugon niya.
"Teka nga lang, kanina pa tayo nag-uusap pero di pa kita kilala." bigla kong nasabi.
.
"Saikha," pakilala niya.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nagpakilala. "Zenon,"
,
Pinagpag niya ang mga kamay ay nakipag shake hands.
.
"Gusto mo nabang umuwi, hatid na kita sa inyo." nag-alok akong ihatid siya.
.
"Huwag na, kaya kong mag-isa." sagot niya.
.
"Nope, I insist! Baka bigla mong maisipang magpakamatay along the way noh. Hatid na kita just to make sure. Multuhin mo pa ako, ngayon pa't nagkakilala na tayo" sa sinabi ko sa tingin ko di na siya makatanggi.
"Sige,."
"Saan ka ba nakatira?" I asked her.
.
"Sa kabilang bayan pa. Sa San. Isidro pa." sagot niya.
.
"Eh bakit ka napadpad dito?"
.
"Eh kasi nga dadalawin ko sana ang boyfriend...ex ko....basta! Huwag na nating pag-usapan yun naaalala ko lang ang...." di na niya naituloy ang anumang sasabihin dahil muli siyang naiyak.
.
.
"Tama na nga yang pag-iyak mo diyan." pinatahan ko siya bago kami lumabas sa mall.
.
Nagtaxi na kami dahil nakakapagod mag jeep. At habang nasa loob ng sasakyan ay nag-uusap kami.
"Mahahawakan ko ba ang mga salita mo, that you'll be there until I move on?" tanong niya.
"Promise!" tinaas ko ang kanang kamay ko at ngumiti. "I can be your shoulder to cry on sa mga oras na nasasaktan ka. Ako ang magiging sandalan mo kapag di mo na kayang tumayo. But it's not me that will help you move on. Isang tao lang ang makakatulong sa'yo. Iyon ay wang iba kundi....
..ikaw..."
After twenty minutes ay narating na namin ang bahay nila. Well in fareness malaki ang bahay nila at halatang mayaman. Maganda ang pagkakaayos ng mga halaman sa harap. Halata naman din sa itsura niya na may kaya sila sa buhay.
"College ka na ba?" tanong nito ng nasa tapat kami ng gate nila.
"Yep, kakagraduate ko lang ng high school. Ikaw ba?" balik ko sa tanong niya.
"Pareho lang tayo. First year college na ako next week sa Jarden University dito sa amin. Nga pala mukhang di ka tagarito sa atin. I mean sa pinas." sagot niya.
.
"Nope, taga rito ako. 8 years na kami dito sa pinas. 11 years ako sa Europe pero naisip ni Dad na dito na lang kami for good. Nagpaiwan siya dun to work at dumadalaw-dalaw lang siya sa amin." sabi ko.
"Computer Technology ang course ko, ikaw?"
"Talaga? Parehas lang tayo! Sa ibang school nga lang. So, pano na ngayon yung... sa atin? Ang layo natin sa isat-isa." sabi ko.
.
"Basta, bahala na.!" sagot niya.
"Ok. Penge number mo para ma-contact kita." hiningi ko ang cell number niya bago magpaalam. Tatalikod na sana ako ngunit nagsalita siya.
.
"Zenon, "
"Yes, ano yun.?" tanong ko.
.
"Salamat!" at ngumiti siya.
.
"No problem." at umakto na siyang papasok.
"Saikha..." sabi ko.
"Hmm?"
Lumapit ako sa kanya at nilapit ang mukha sa mukha na at ginawaran siya ng isang halik sa pisngi.
"Uwi na ako." at tinalikuran ko na siya."
.
.
My day is not that bad after all!
.
End of chapter...
.
.
You like it so far?....
Vote and comment lang po..
.
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top