SAANL 19-2: Second Date

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

SAANL official Video Slideshow is on the side..

"Saikha's POV"

     "Di pa to natatapos dito." bulong sa akin ni Zenon kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko lang siya.

     He gave me a quick smile and turned to Aiden. Nakita ko kung paano namula ang mukha niya, kanina pa yan, pero ngayon ko lang napansin na ang sarap niyang kurutin sa sobrang kakyutan sa ganito kalapit na distansiya.

"Aiden, pwede ko bang hiramin muna itong si Saikha? Hatid ko na lang siya mamaya sa inyo." paalam niya kay kuya.

"Huh? Bakit?" tanong ko.

"Hehe.. basta!" sagot ni Zenon sa akin.

”Oo naman, pwedeng-pwede." sagot ni kuya Aiden. "O sya, mauna na ako. Ingat ka diyan kay Saikha, Zenon."

"Baliw!" sabi ko.

"Bye!" sagot ni kuya sa akin.

"Don't you dare eat those pizza! Yari ka sa akin pag-uwi ko mamaya at ubos na yan!" banta ko, lumingon lang siya at dinilaan ako, dinilaan ko rin siya.

Humarap na ulit ako kay Zenon na parang hindi komortable sa suot niya. Nakatingin lang sa malayo nakakunot ang noo. Kagat-kagat ang labi at halatang hindi mapakali. Bakit kaya..?

"O, ano na?" tanong ko.

"Lika, sumama ka sa akin." sagot niya.

"Okay."

    Naglakad na kami paalis dun, nakakailang na rin kasi eh. Dahil sa mga taong nakatingin sa amin at ang mga ekspresyon nila. Although wala akong pakialam, si Zenon kaya tong kasama ko. Pero wierd lang talaga sa pakiramdam ang pagtinginan ng mga tao.

     And because of that ay nilantakan ko na lang ang hawak kong pizza. Isusubo ko pa lang yung pangalawa nung biglang hawakan ni Zenon ang kamay ko at ibaba ulit, dahilan para mapalayo yung pizza sa nakanganga kong bibig. Para hindi mabitin, hinabol ko yun kaya napayuko ako.

"Wag ka munang kumain." sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Basta." sagot niya ulit.

"Kanina ka pa basta ng basta. Para kang ewan." asar kong sagot.

     Tumahimik lang siya. Patuloy lang kami sa paglalakad ako naman nakikipagtitigan sa mga pizza ko na nagmamakaawa na sa aking kainin ko na sila. Naawa naman ako sa kanila, hindi ko muna sila dapat kainin tulad ng sabi ni Zenon.

      Lalo akong nagutom nung nag amoy masarap na pagkain ang paligid namin. Medyo nag dim ang ilaw kaya nag taka ako. Tinigil ko na ang pakikipag titigan sa mga pizza ko nung huminto kami sa pag lalakad. Tinignan ko ang paligid, nasa tapat kami ng isang restaurant.

"Zen!" sambit ko sa pangalan niya.

"Tara na." sabi niya sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Well, obvious naman na date ito, pero para isunod sa napakaraming pizza, masyado na tong marami. Sana lagi na lang akong nagagalit sa kanya para aamuin niya ako at ililibre ng pizza at sa gantong restaurant. Kaya lang, alam ko rin sa sarili ko na hindi ko kayang magalit sa kanya nang sobra at matagal.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Sa tingin ko." sagot ko. Umupo kami sa isang pang apatan na table, mag kaharap kaming dalawa. Bakit ganun? Parang mas gumanda ang mata niya ngayon at yung mga tingin niya, kakaiba.

"Ikaw, ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo naman." sagot niya kaagad.

"Since nagugutom ka na, umorder na tayo. Wag kang mag alala, libre ko." kinuha niya yung menu.

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Oo, mag... mag boyfriend pa naman tayo diba?" nag-aalangan niyang tanong.

Bakit? Nag break na ba kami?

"Oo naman." sagot ko.

May lumapit na waiter maya maya, kinuha ang order namin at umalis na.

"Hindi ka na ba galit sakin?" tanong niya.

Binigyan ko lang siya ng ang-kulit-mo na tingin.

"Sa tingin mo ba sasama ako sayo kung galit pa ako?" balik ko ng tanong, ngiti na lang ang sinagot nya sa akin.

Sa totoo lang matapos ang pag uusap namin kahapon, napatawad ko na kaagad siya kahit na medyo nag iinarte pa ako. Matapos kong makita ang lungkot sa mga mata niya, oo, nakita ko taaga. Hindi mahirap basahin si Zenon, kung ano siya, yun na talaga. Nawala lahat ng galit at tampo ko, naisip-isip ko, kahit sino namang boyfriend gagawin yun kaya dapat pa nga matuwa ako.

      Sineryoso niya talaga ang pagiging boyfriend niya sa akin kaya ang sarap sa pakiramdam. Pero paano na lang kaya pag nakapag move-on na ako? Nandyan parin ba kaya siya? Siguro nandyan parin pero mapuputol na ang kung ano mang namamagitan sa amin. Syempre, masyado na akong abala sa kanya, kailangan niya ng kalayaan para naman sa sarili niyang lovelife. Wish ko lang talaga maging masaya ang lovelife niya, mabait siya at sobrang mapag mahal sa kapwa.

Ano na nga bang estado ng pagmu-move on ko? Wala parin, nandito parin yung feelings ko para kay Wesley. Hindi na nga lang tulad ng dati na nasasaktan ako kada maalala ko siya, ang nakaraan namin at ang kinahinatnan namin. Sa tingin ko tanggap ko na, ayan na eh. Pero hindi parin talaga nawawala yung pag-asa na mag kakabalikan kami at sasaya na ako.

"Hey!" sabi ng pamilyar na boses. Napalingon kami dun, nakita ko si Earl at Daniel.

"Mukhang nagde-date ang dalawa ah" sabi ulit ni Earl.

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Si Zenon ang ka date ko pero sa kanila, ewan ko, bigla akong nahiya.

"Daniel." sambit ni Zenon. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Tulad din ng ginagawa niyo, naunahan niyo lang kami." sagot ni Daniel at nag palingon-lingon sa paligid. "Pwede bang maki-table na kami sa inyo, wala na kasing bakante eh."

Wait what? Tama ba ang narinig ko?

Umupo sa tabi ko si Earl at sa tabi naman ni Zenon si Daniel.

"Teka, wag niyong sabihin niya..."

"Yep!" sagot kaagad ni Earl. "Mag boyfriend kami ni Daniel, hindi ba nasabi ni Aiden sauo?"

"Tumingin ako kay Zenon, hindi na siya nasorpresa dun. Sabagay, pinsan naman niya di Daniel at close sila.

"Lately ko lang din nalaman." sagot niya sa tingin ko.

"Naka-order na ba kayo?" tanong ni Damiel sa amin.

"Oo, kani-kanina lang." sagot ni Zenon.

"Sige, oorder na rin kami." tugon ni Daniel.

"Wag mong kalimutan yung icecream ko." sabi ni Earl kay Daniel.

"Wag ka nga!" tugon ni Daniel. "Nakakabobo daw yun!"

"Hindi totoo yan." sagot ni Earl. "Ikaw nga hindi kumakain ng icecream---"

"Oo na, bibilhan na." asar niyang pag pigil ni Daniel kay Earl. "Pag ako talaga taya, luging-lugi!" bulong niya.

"May sinabi ka?" tanong ni Earl.

"Love you!" pabalang na sagot ni Daniel.

"Love you too!" pang asar na sagot ni Earl. Ang sweet nila! Kahit pareho silang lalaki eh parang ang saya nila sa isat-isa.

Tinawag na ni Daniel yung waiter at binigay ang order nila.

"Kamusta na nga pala kayong dalawa?" tanong samin ni Earl. "Oo nga pala, alam namin ang lovelife niyo. Pasensya na ha, pero reliable naman yung source namin, si Aiden."

"Ayos na." sagot ko.

"Okay, good to hear that!" sabi ni Daniel.

"Wag na nating pag usapan, alam kong medyo komplikado."

"Sandali, since alam niyo na naman yung samin, pwede bang ikwento niyo naman yung inyo." request ko. Curious lang ako eh.

Tumingin si Earl kay Daniel nginitian lang siya nito.

"Ganto yan, na love at first sight sya sa akin." kwento sa akin ni Earl.

"Hey!" protesta ni Daniel. "Ang kapal ng mukha mo! Ikaw kaya!"

"Sino kayang unang nanghalik?" tanong ni Earl, namula naman ang mukha ni Daniel.

"Manyak mo talaga, insan!" sabi ni Zenon.

"Eh kasi siya maingay, hinahabol akong mga lamang dagat nun. Pumunta ako sa banyo para mag tago, nandun siya, eh ayaw kong palabasin kasi mag kakaroon ng pag kakataon na makapasok yung mga bisugo. Ayun, nag-ingay siya, sobrang lito ako nun kaya yun ang ginawa ko." kwento ni Daniel.

"Effective naman. Tyaka, Earl, wag mong sabihin hindi mo nagustuhan, sumagot ka sa kiss na yun."

"Ang laki talaga ng bilib mo sa sarili mo no?" sagot ni Earl. "Ikaw nga tong gustong gustong mag nakaw ng halik sakin lagi."

"Kunyari ka pa." walang emosyong sagot ni Daniel.

"May tanong lang ako." sabi ko kaya napatingin silang tatlo sa akin. "Paano niyo nasabing sa sarili niyong siya na nga ang mahal niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ganto kasi yan, lagi kaming pinag sasama ng tadhana, sa school at maging sa dorm, kami yung magkasama. Nung una asar kami sa isa't isa pero hindi ko nalaman kung kelan yung eksaktong pagkakataon basta parang magic na gusto ko na siyang asarin lagi, ang cute niya kasi pag nagagalit eh. Hanggang sa lumalim nang lumalim, yung tipong pakiramdam ko protektado ako pag kasama ko siya na akin lang talaga siya. Namalayan ko na lang, hindi ko na matakasan yung hukay ng pag-ibig ko para sa kanya." sagot ni Daniel.

"Kahit kailan ang korni mo talaga." asar na sabi ni Earl.

"Asus! Ewan ko sayo, Earl. Ayaw mo na lang aminin na kinilig ka nama diyan." inabot ni Daniel ang kamay ni Earl na nasa lamesa at pinisil.

"Oo na nga lang, wala na naman akong magagawa sayo..." sagot ni Earl. Kahit na anong pag tago niya sa kilig niya, kitang-kita ko parin yun. Hindi niya mapigilang ngumiti na dahilan para mawala ang mata niya.

"... kaya nga sinamahan kita sa hukay ng pag ibig na pinag hulugan mo."

Natawa naman bigla si Daniel at tumingin sa ibang direksyon. Iba talaga yung ngiti niya. Si Earl naman natawa na lang din sa sinabi niya.

Humarap ulit si Daniel kay Earl.

"Bumabanat ka din ah." tapos lumingon ulit para itago ang kilig na lalo lang nahahalata. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita ko sa kanila. Masaya sila at mukhang magiging masaya sila hanggang sa tumanda sila. Kitang kita sa mga mata nila na natatangi ang isa't isa para sa kanila.

Mga tinging dati naming pinag sasaluhan ni Wesley. Hays.

Natigil ako sa pag-iisip nung may humawak rin sa kamay ko. Napatingin ako kay Zenon.

"Hindi naman pwedeng sila lang ang sweet!" sabi niya sa akin na may pataas taas pa ng kilay. Parang puputok na ang pisngi ko sa init, parang may kuryenteng gumagapang mula sa kamay niya papunta sa akin.

"Woooo!" sigaw ni Earl. "Alam mo, Saikha. Tested and proven na, and Im the living proof. Sa pag ibig, kahit na anong gawin mong standard, kung may isang taong mag papaibig sayo, mahuhulog at mahuhulog ka. Mabubura lahat ng standards mo."

Gusto ko sanang sabihin na hindi yun ang kaso naming dalawa. Kahit naman may standars ako, pasado naman lahat dun si Zenon, nag uumapaw pa. Kaya lang may laman na ang puso ko, may laman na ang tinawag niyang hukay sa akin.

"Basta, mamalayan mo na lang yan. Hindi mo mapapansin na siya na pala hanggat wala pang ibang nangyayari." sabi niya.

"Like what?" tanong ko.

Nag isip siya sandali.

"Ang madalas, malalaman mo na lang na siya ang mahal mo kapag... Nagmahal na siya ng iba o napagod na siyang mag mahal sayo."

Yun ang makahulugan niyang sinabi.

.

End of chapter..

.

Oo nga, at sana wag umabot sa point na iyon Saikha bago mo marealize.

Tao lang din si Zenon at napapagod din, sige ka baka mawala pa sya sayo.

Abangan ang mga nalalabing chapters.

Malapit na ang ending nito so todo-todong pagda-drama na hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top