SAANL 18-2: Saikha and Monique
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
"Wesley." sambit ko sa pangalan niya nung makita ko siya. He then looked at me and smile. May mga patch siya sa mukha niya tanda ng pag kakaroon ng damage ng parteng yun.
"Akala ko hindi ka na dadating eh." malungkot niyang sabi pero hindi parin nawawala ang ngiti. Lumapit ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo? Sino may gawa niyan?" sunod sunod kong tanong.
"Ayos na ako ngayon, lalo na't nandito ka." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko magawang kiligin sa sinabi niya, nasasaktan ako sa kalagayan niya.
"Nagka-asaran lang kami ng boyfriend mo..." binigyan diin niya talaga yung boyfriend. "... maliit na bagay."
"Bakit naman? Ano na naman pinagawayan nyo?" tanong ko.
"Tulad ng dati," tumingin siya nang diretso sa mata ko. "Ikaw"
"Wesley." wala akong ibang nasabi kundi ang pag sambit sa pangalan niya.
"Hindi naman sana mangyayari to kung ipapaintindi mo sa kanya na ako ang mahal mo at iwan siya." sabi niya. "Handa akong iwan ang lahat para sayo, si Monique ang pamilya ko. Lahat sila, para sayo."
"G-Ganun ba?" tanong ko. Dama ko ang sinseridad sa sinabi niya. Narinig ko na yang mga yan sa TV at lahat hindi natupad. Pero ang marinig ko sa kanya, damang dama ko talaga.
"Pero bakit kailangan pang paabutin dito?" hindi ko na napigilan ang luha nung bumalik sakin ang lahat.
Nung makita sila ni Monique sa bahay niya, nung sabihin niyang wala na kami. Tapos ngayon, mahal pa pala nya ako.
"Bakit kailangang saktan mo pa ako at may madamay na ibang tao?"
Hindi siya nakasagot agad. Tumingin siya sa kisame kung saan siya nakatingin nung maabutan ko.
"Magulo pa kasi ang lahat sa utak ko. Takot ako, naduwag, nawalan ng sariling boses." sagot niya.
"Sa alin? Ang labo mo talaga eh!" asar kong sabi sa kanya.
Napangiti siya.
"Naalala ko pa dati nung tayo pa at sasabihin mo sakin yan kasi ang gulo ko."
"Magulo ka hanggang ngayon!" paglilinaw ko sa kanya.
"Nandyan ka kasi, pakiramdam ko bumalik ang dating ako."
"Tama na nga, Wesley. Linawin mo sa akin lahat kung bakit mo ko iniwan. Kung bakit iniwan mo ko at ipinag palit kay Monique tapos ngayon makikipag balikan ka?" utos ko sa kanya.
"Ayaw ko talagang sabihin sayo kasi baka lalo ka lang magalit. Pero eto yung totoo." huminga siya nang malalim.
"Ipinagpalit kita para sa---"Biglang bumukas ang pintuan kaya natigil siya sa pag sasalita.
"Wesley" nag aalalang sambit ni Monique sa pangalan niya. "Hindi makakapunta sila Tita... kaya... ako..." natigil siya sa pagsasalita nung makita niyang kasama ako ni Wesley, napatingin siya sa kamay ni Wesley na nakahawak sa kamay ko.
Agad kong hinila ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.
"Monique--" may sasabihin sana si Wesley pero pinigilan siya kaagad ni Monique.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" galit niyang sabi.
"Nag-uusap lang kami." sagot ko.
"Yun nga lang ba? Kailangan ba talagang magkahawak ang kamay?" tanong niya. "Wag na tayong mag tanga-tangahan dito!" bakas ang galit sa kanya, ngayon ko lang to nakita.
"Ikaw Saikha, may boyfriend ka na pero anong ginagawa mo? Sa tingin mo ngayon may pag kakaiba pa ba kayo ni Wesley!? Sa ginawa niya?"
"Tama na, Monique!" madiin na sabi ni Wesley.
"Shut the hell up Wesley! At ikaw umalis ka na dito, baka hindi ako makapagtimpi." utos sakin ni Monique.
"Hindi sya aalis!" sagot ni Wesley.
"Kung may kahihiyan ka pa para sasarili mo, umalis ka na!" sabi sa akin ni Monique na talaga namang bumaon sakin. "May boyfriend ka na, pero eto ka, nasa ex mo. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang mga nangyayari dito!"
Tinamaan ako sa sinabi niya. Nandito si Zenon, sa kabilang kwarto lang, pero heto ako. Heto ako, umaasang totoo ang mga sinabi ni Wesley na iiwan niya ang lahat para sa akin. Pero sa mga nangyayari ngayon, parang hindi. Wala siyang magawa kay Monique.
Pero totoo naman lahat ng sinabi ni Monique. Nakakalito, mananatili ba ako dito o aalis na. Dati lang ako, si Monique ang girlfriend niya ngayon kaya mas may karapatan siya.
Si Zenon, hindi ko pa nakikita at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Siya ang may kagagawan nito kay Wesley, walang mapag sidlan ang galit ko sa kanya.
Oo, alam kong marami na siyang nagawa para sakin. Pero wala siyang karapatan para gawin to kay Wesley. Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Aalis na ko." sabi ko sa kanila.
"Saikha." sambit ni Wesley. Damang dama ko sa boses niya na ayaw niya akong paalisin. Pero sa kwartong to, kahit mahal ko siya at kahit na sinabi pa niyang mahal niya ako, wala parin akong magagawa kay Monique.
Wala na akong ibang sinabi at nag lakad na palabas. Dire-diretso lang ako kaya si Monique na mismo ang tumabi sa dadaanan ko. Pag labas ko nakita ko sina Earl at Aiden na nag uusap. Natigil sila at napatingin sakin, bakas ang pag aalala sa kanila.
"Anong nangyare, Saikha?" tanong ni Aiden. "May mga bagay lang naman na pinamukha sakin." sagot ko at pumasok sa kwarto ni Zenon.
"Zenon's POV"
Naramdaman ko ang pagkakahiga ng katawan ko, pero sa komportableng kama na. Dinilat ko ang mata ko at kasabay nun ang pakiramdam sa buo kong katawan. May kaunting sakit at may ilang mga nakakairitang nakadikit sakin.
"Zenon." narinig kong pag tawag sagilid ko. Pag lingon ko, nakita ko si Daniel.
"Daniel?" tanong ko.
Baka mamaya nananaginip lang ako.
"Nasa hospital ka na." sabi niya sa akin. "Nakita namin kayo na nakahandusay sa may park."
Naalala ko yung mga nangyari. Kung paano gumapang sa katawan ko ang galit kaya ko nagawa ang mga yun. Nagbago na ako. Hindi ko rin akalaing magagawa ko ang mga yun at mailalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon na ito.
"Nasabi mo na ba kina Mama?" tanong ko kay Daniel.
"Oo" sagot niya. "Pero hindi pa sila dumadating."
"Nasan si Wesley?" tanong ko.
Ngayon ako nakaramdam ng pagkaawa sa kanya. Hindi naman sa nakakasigurado akong nakalamang ako, pero yung bagay na nasaktan ko siya. Kung inabot ko ang kalagayan ko na to, siguradong ganun din siya.
"Nasa kabilang kwarto lang." sagot niya. "Nandun din yung si Saikha? Oo,Saikha nga."
Tumigil ang mundo ko nung marinig ang pangalan niya. Nandun si Saikha, nasa kwarto ni Wesley. Tumingin ako kay Daniel na normal parin ang ekspresyon.
"Pumunta ba siya dito?" tanong ko.
"Hindi eh. Nung malamang nandito si Wesley, dun siya dumiretso."
Ano pa bang aasahan ko? Ako nga ang boyfriend pero sino ang mahal? Ako lang naman ang may nararamdaman para sa kanya eh. Di ko na talaga mapipilit na ako ang mahalin niya at magkaroon ng espesyal na parte sa buhay niya.
"Zenon," tawag ulit ni Daniel kaya napatingin ako sa kanya. "May masakit ba sayo? Bakit namumuo yang luha sa mata mo?" tanong niya.
Tyaka ko lang napansin na nanlalabo na nga ang paningin ko dahil sa tubig. Pinilit kong pinigilan ang nalalapit na pag patak nun. Pinunasan ko ang luha ko at lumingon sa kabilang side ng kwarto para itago kay Daniel.
"Ayos lang ako." sabi ko sa kanya. Sa tingin ko hindi niya ako matutulungan sa problema ko.
Baka hindi niya maintindihan yung mga sasabihin ko.
"Gusto mo bang tumawag ako ng---"
"Hindi" pag pigil ko sa kanya.
"Ayos lang talaga ako."
Bumukas ang pintuan kaya napalingon ako dun, ganun din si Daniel. Nakita ko si Saikha na walang emosyong pumasok sa kwarto ko.
"Pwede bang iwan mo muna kami?" tanong ni Saikha kay Daniel.
Tumingin sakin si Daniel, halata ang pag-aalala sa pinsan ko pero tumango ako. Wala namang mangyayaring masama kung kaming dalawa lang ni Saikha sa kwarto.
Lumabas si Daniel at sinara ang pintuan, nakita ko pa sa labas si Aiden na may kakaibang tingin nung magtama ang mata namin.
"Bakit mo ginawa yun kay Wesley?" madiin niyang tanong.
"Hinamon niya ako eh." sagot ko, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Yung taong ipinag lalaban mo, lumalaban para sa iba. Mahirap diba?
"Para saan?" tanong niya, nananatiling nakatayo kung nasan siya nung una siyang mag salita.
"Pa..." hindi ko alam kung sasabihin pa ba sa kanya, baka nasabi na sa kanya ni Wesley o iba ang sinabi ni Wesley. "... Para sayo"
"Sakin?" gigil niyang tanong at lumapit na.
"Sa tingin mo ba natutuwa ako ngayon? Bullshit naman, Zenon!"
Sa tingin ko mas magandang nakatayo lang siya dun. Kasi ngayon habang nag sasalita siya, ang likot ng lakad niya at sinusuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya.
Namumula na naman siya at higit sa lahat, may namumuong luha sa mga mata niya.
Tumigil siya at humarap sa akin.
"Sinaktan mo si Wesley, Zenon. Nakita mo na ba ang kalagayan niya ha!? Nakita mo ba!?" galit na galit niyang tanong habang tinuturo ang pader, sa kabila siguro nun ay nandun si Wesley.
"Hindi pa, Saikha." mahinahon kong sagot sa kanya. Hindi ako dapat makipag sabayan sa init ng ulo niya, dapat mahinahon lang at hindi ko rin kayang magalit sa kanya.
Hindi ko kayang magalit na mas nag aalala pa siya kay Wesley na nang iwan sa kanya kesa sakin na ngayo'y boyfriend niya. Hindi ko kayang magalit kasi ako tong tanga na nahulog sa kanya kaya nangyayari ang lahat nang ito
"Hindi ko pa siya nakikita kasi kagigising ko lang. Ngayon lang ako nagkaroon ng malay. Malala kasi ang head injury ko." sagot ko at tumingin sa kanya. "Ikaw Saikha, nakita mo na kaming dalawa. Anong masasabi mo?"
Parang sinampal siya sa sinabi ko. Kumalma ang mga mata niya at pag hinga niya. Tumayo siya nang tuwid, tinuon ang ulo sa pader at tyaka tuluyang umiyak.
Umiyak siya na parang kanina pa niya yun pinipigilan at sa pag-iyak na yun nakadepende ang buhay niya. Sa tingin ko mas magandang makita siyang galit sakin. Mas masakit ang makitang siyang nasasaktan. Nasasaktan dahil sa ginawa ko, nasasaktan para sa iba, hindi sa akin.
Kung tutuusin, bakit naman sa akin? Umupo siya at pinatong ang dalawang kamay sa tuhod. Nakaharap parin sa akin at patuloy sa pag-iyak.
"Ang sakit sa akin na makita siyang ganun eh!" sabi niya.
"Tapos ikaw pa pala ang may kagagawan at ako ang dahilan. Masakit, Zenon!"
Wala akong magawa para aluin siya. Napakasakit rin ng nararamdaman ko pero pilit ko lang pinipigilan ang mga luha ko. Ang makita at tumakbo sa isip ko ang lahat nang to.
"Saikha." sambit ko na lang sa pangalan niya. Tumayo siya at pinunasan ang mgaluha niya.
"Zenon..." tumalikod siya sa akin. "... sana hindi na lang maulit to."
At lumabas na siya sa kwarto ko. Kung paano niya sabihin ang mga yun, kung paano siya mag-alala para kay Wesley at hindi sa akin.
Kung paano niya ako iwan kanina. Ang makita kung gaano kasakit ang mga nanaramdaman niya. Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang mga luha ko sa sarili nilang kagustuhan. Masakit eh, ang sakit talaga. Mas masakit pa sa mga sugat na natamo ko. Totoo nga, mas masakit ang sugat pag nasa loob.
Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko. Sa tingin ko naman mababawasan ang sakit. Ang sakit na dati ko nang naramdaman, pero kada aatake, doble kesa sa nakaraan.
Wala akong ibang masisi kundi sarili ko. Wala namang nag tulak sakin para pasukin ang buhay nila. Ako tong nagkusa, hindi ko kasi inaasahang mahuhulog ako at ngayon, nasasaktan.
Sarili ko lang talaga ang may kasalanan. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Agad akong lumingon sa kabilang direksyon at pinunasan ang mga luha ko. Naramdaman ko silang lumapit sa akin.
"Alam na namin ang lahat." narinig kong sabi ni Daniel. Tumingin ako sa kisame, hindi ko kayang tignan ang mga mata nila. Nakakahiya, akala ko hindi ko mararamdaman to. Pero ang pakiramdam na malaman ng kapamilya mo na may girlfriend ka kaso di ka mahal. Nakakatakot na marami pang kahalo.
Tumango ako kahit na hindi sa kanila nakatingin.
"Ano na?" tanong ko. Hindi ako komportable gayong alam kong nakatingin sila sakin. May kasama si Daniel na hindi ko kilala.
"Alam ko ang nararamdaman mo." sabi nung lalaki sakin, tumingin ako sa kanya.
"Seryoso?" tanong ko.
"Siya nga pala, Zen." sabi ni Daniel.
"Siya si Earl, boyfriend ko."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Si Daniel ang random kong pinsan, may boyfriend? Akala ko ako lang noon ang nagka boyfriend. Ngayon ko lang din napansin ang pagbabago niya. Ibang iba siya mula kanina kesa sa huling pag kikita namin.
Dati, kitang kita ang pagiging pilyo niya at walang paki-alam sa iba.
"Mag... mag boyfriend kayo?" tanong ko.
"Oo" sagot ni Daniel. "Kaya alam namin ang pinag dadaanan niyo. Though opposite sex kayo katulad lang din yun. Ganyan talaga pag umibig Zen.
Hindi ko nanaman mapigilan ang pag iyak. Bihira ko lang makasama si Daniel pero sa pag kakataong to, pakiramdam ko sobrang lapit namin sa isa't isa. Naiintindihan niya ako, ang pakiramdam na magmahal ng totoo. Sa lalaki man pero batid kong masaya siya. Mukha silang masaya ni Earl, hindi tulad ko ngayon.
"Naikwento na rin sa akin ni Aiden ang lahat. Bilib ako sayo!" nakangiting sabi sa akin ni Earl.
"Hindi ba parang ginagamit ka lang niya?"
"Hindi!" sagot ko kaagad. "Ginusto ko to. Ako ang nag-offer sa kanya. Kung nakita niyo lang siya kung gaano siya nasaktan nung mag hiwalay sila ni Wesley. Kahit kayo, gugustuhin niyong tumulong. Sa mga pag kakataon na yun, gusto na niyang tapusin ang buhay niya at wala akong ibang maisip kundi ito, ang sitwasyon na ito."
"Kung umabot siya sa puntong yun, ibig sabihin mahal na mahal niya si Wesley." sabi ni Earl. "At ngayon, nahulog ka sa kanya. Siya, baliw parin sa ex niya. Hindi mo ba naisipang sumuko?"
"Naisip ko na yan, madaming beses na." pag-amin ko. "Pero wala, mahal ko eh. Kahit papano ako ang boyfriend niya ngayon, kahit na sa salita lang naming dalawa. Pero nakapag bitaw ako ng salita sa kanya na handa ko siyang iwan kung gugustuhin niya at mukhang malapit na yung mga oras na yun." pinunasan ko kaagad ang mga luhang pumatak mula sa mata ko.
"F*ck ang drama ko!" pilit akong tumawa para pagaanin ang loob ko."Nandyan pa ba si Aiden?" tanong ko para maiba na ang usapan.
"Iniuwi na nya si Saikha, parang kahit anong oras magsha-shutdown eh." sagot ni Daniel. "Grabe din ang kapulahan ng mukha niya."
Natahimik ako. Ako ang may kagagawan ng pag iyak niyang yun. Bumukas na naman ang pintuan kaya napatingin kaming tatlo dun. Ang una kong nakita ay si Stefany at sinundan ni Mama. Tumakbo sila palapit sa akin. Nag bigay daan naman sina Earl at Daniel at umupo sa upuan sa may pader sa tapat ng kama ko.
"Zen." nag-aalalang sambit ni Mama. "Ayos ka lang ba? Sinong may gawa niyan sayo? May masakit pa ba? Zenon, hindi dapat palagpasin to."
Hinawakan ko ang aligaga niyang kamay na nag lilikot sa balikat at mukha ko.
"Okay lang ako Ma." sagot ko sa kanya. Totoo, nung makita ko siya, umayos ang pakiramdam ko, kaunti, pero sapat na para hindi pekein ang ngiti ko."Wag niyo na lang sila isipin."
"Kuya, you look like banana, so many bruises." kumento niya
"You're so mean, Stef" sabi ni Daniel at binuhat niya.
"Kuya Dan." tuwang-tuwang sabi ni Stefany, iba talaga charm ng batang to. Makita ko lang siyang nakangiti, napapangiti na rin ako.
"I will carry you from now on." sabi ni Daniel kay Stefany. "Since your Kuya is still in his banana form."
"Ok" sagot ni Stefany.
"Daniel, salamat sa pagdala mo kay Zenon ah. Tama nga si Kathy, nag bago ka na." sabi ni Mama kay Daniel.
"Tita naman, kahit naman hindi ako nagbago dadalhin ko parin si Zenon dito sa hospital." sagot ni Daniel.
"Pero hindi mo siya babantayan." sagot ni Mama. Ngumiti na lang si Daniel, ibig sabihin, totoo.
"By the way, Tita. This is Earl." pag papakilala niya kay Earl.
"Hello, salamat sa pag babantay sa anak ko." sabi ni Mama.
"Wala po yun." sagot ni Earl.
"May alam ba kayo sa nangyari?" tanong niya kina Daniel.
"Ah..." nag iisip si Daniel kung ano ang sasabihin. Kung sasabihin ba niyang nakipag away ako dahil sa isang babae at alam rin niyang hindi pa alam ni Mama ang lahat kaya nag aalangan siya.
"Daniel, ako na lang." sabi ko, tumango siya at nag lakad na palabas kasama si Stefany, sumunod naman sa kanila si Earl.
"Want something to eat, Stef?" tanong ni Daniel.
"Yes! Candies!" tuwang-tuwa na sabi ni Stefany.
Nung kaming dalawa na lang ni Mama sa loob mas naging komportable ako sa mga sasabihin ko. Naisipan ko na ring umamin kay Mama. Umaming nagmamahal ako ng isang babae. Ang alam kasi nito lalaki ang mga karelasyon ko pero kahit na ganun ang tawag dun, basta hindi ako bakla.
Siguro naman matutuwa siya dahil tumino ako.
"Ano yun, Zenon?" tanong ni Mama.
"Tungkol ba to sa nangyari?"
Umiling ako.
"Hindi, Ma" sagot ko.
"Tungkol to sa dahilan kung bakit nangyari to."
Sana katulad din siya ni Tita Kathy na cool lang sa nangyari. Pero paano kung nagwala pala si Tita, ang gulo. Wala na akong ibang magagawa kundi umamin.
"Ma, na---" natigil ako nung mag salita siya bigla.
"Wag mong sabihin na nakabuntis ka?" sabi niya kaagad at nangingiti pa. "Zenon! Magandang balita yun!"
"Mama!" suway ko. "Hindi yun.""
Wag mong sabihin na nakapatay ka?" hula niya.
"Patapusin niyo muna ako, naman Ma eh." asar kong sabi.
"Alam ko namang hindi iyun. Gusto ko lang tanggalin ang takot mo. Di ka na mabiro. Ano ba yun?" tumingin siya sakin at tumahimik na.
Naging seryoso na ulit ang paligid namin. Pero epektib yung ginawa ni Mama, hindi na ako natatakot ngayon. Sana nga lang, hindi ako mag kamali sa mga sasabihin ko. At sana lang talaga, hindi maging negatibo ang reaksyon ni Mama.
"Ma, may girlfriend po ako. Pero di ako mahal." pag amin ko.
Parang nakakita ng multo si Mama, napatingin lang siya sa akin.
"Ma, look, im sorry to disappoint you. Pumasok ako sa relasyong ako lang ang nagmamahal." sabi ko kaagad bago pa siya mag salita, sapat na si Saikha para pababain ang tingin ko sa sarili ko.
"Kahit po ako disappointed sa sarili ko. Hindi ko po sinasadyang---"
"Sino may sabing disappointed ako?" ako naman ang natigil sa pag sasalita.
"Naisip ko lang kung paano ako mag kakaapo sayo... kung ganyang malabo pa ang estado niyo. Ayusin mo yan Zenon. Ipaglaban mo!"
"Mama, ano na pong tingin niyo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Saging." sagot niya.
"Mama naman!" asar kong sabi.
"Zenon, kine-kwestyon mo ba ang pag mamahal ko sayo? Kung noon nga tanggap kong lalaki ang gusto mo." natigil ako dahil sa sinabi ni Mama.
"H-hindi po." sagot ko. "Gusto ko lang malaman kung anong nasa loob niyo."
"Mahal kita, lahat ng bahagi ng pagkatao mo, lahat lahat yun." sagot ni Mama. "Ako nagpalaki sayo, sakin ka galing. Tignan mo, ang gwapo mo, mana ka sakin eh!"
"Tigilan niyo nga ako Ma!" asar kong sagot sa kanya.
"Ano ba talagang nangyari?" sabi ulit ni Mama nung malaman niyang okay na ako. Nakaraos ako. Wala na para sa akin ang ibang tao, si Mama, pamilya at matatalik na kaibigan ko lang ang mahalaga.
"Okay, kasama na dito yung girlfriend mo." sabi niya.
"Kasi Ma ---"
Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Simula sa rooftop, sa nararamdaman ko na hindi ko napansin una pa lang. Ang ex ni Saikha, ang obvious na nararamdaman niya parin para kay Wesley. Hanggang sa kanina.
"--- Hinamon niya po ako." pag papatuloy ko. "Dahil ayaw ko naman siyang bitawan, eto inabot ko. Mama, sa tingin niyo po ba tama tong ginawa ko? Ipinaglalaban ko siya, pero siya hindi parinmaka-get over sa past niya?"
Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.
"Hindi ko akalaing darating ang araw na may ipaglalaban ka na, samantalang dati, ako lang at si Stefany ang babae sa buhay mo." sabi niya. "Alam mo, anak. Tama ang ipaglaban mo siya, pero mali ang paraan mo. Pakikipag basag ulo?" tanong niya.
"Hindi ka sanay dyan. I mean hindi ka gangster." "Tyaka hindi belt ng wrestling ang pinag aagawan niyo para mag sakitan kayo. Tao yun, sigurado ako hindi maganda ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang ang present at past niya nag sakitan dahil sa kanya. Sisihin niya ang sarili niya."
Oo, nakita ko kung gaano siya nasaktan. Pero hindi tulad ng sinabi ni Mama, para lang kay Wesley ang mga luhang yun.
"Matapos ang ginawa mo sa ex niya, kayo pa ba?" tanong ni Mama.
"Hindi ko po alam sa kanya." pag amin ko. "Hindi naman niya sinabi na wala na kami o kami pa. Pero Ma kung nakita niyo siya kanina, handa na niyang bitawan ang lahat sa amin."
Hindi kami yung tipo ni Mama na sobrang close na parang mag ka-tropa. Pero sa pag kakataong to, nakakatulong talaga. At dahil siya nga ang Mama mo, mas nakakagaad ng loob.
"Nasubukan mo na bang angkinin ang pag tingin niya?" tanong ulit ni Mama.
"Opo, gumawa pa nga ako ng listahan, pero wala talaga." sagot ko.
"Mag umpisa ka ulit sa umpisa." utos ni Mama.
"Mama, sa tingin ko malabo na talaga. Bibitaw na siya eh."
"Kaya bibitaw ka na rin?" tanong ni Mama, parang nasabi na sa akin yan ni Aiden ah.
"Nasa iyo rin naman yan, kung handa kang masaktan sa pagkawala niya o masaktan ka kasi lumalaban ka."
"Kahit anong piliin ko, may kasama paring sakit." sagot ko.
"Ganun talaga, pag nag mamahal, nasasaktan anak."
.
End of chapter...
Super haba...
Daming emotions...
Di ko kinakaya to!....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top