SAANL 18-1: Siya Parin
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Earl's POV"
"Zenon!?" gulat na sambit ni Daniel nung makita niya yung isa sa lalaking nakatumba sa lupa.
"You know him?" tanong ko habang inaayos sila para mabuhat.
"Oo, pinsan ko to sa side ni Mama eh." sagot niya at siya na yung nag buhat kay Zenon.
"Yang isang yan, hayaan mo yan, siya may gawa nito kay Zenon!"
"Baliw!" tugon ko sa kanya.
"Hindi kaya ng konsensya ko, babe."
Since dalawa sila, tig-isa kami ni Daniel. Hindi naman namin pwedeng iwan ang isa, o yun lang ang sa tingin ko -- iba nga kasi yung kay Daniel.
Sinukbit ko yung kamay nung lalaki sa leeg ko at hinawakan siya sa bewang. Sinama ko siya sa pagtayo ko. Inayos ko ulit para hindi siya bumagsak.
"Arg" mahina niyang daing. Mabuti yun, alam kong buhay pa siya.
"Tara na." sabi ko sa kanya. Nakipag-cooperate naman siya kahit papano. Humahakbang siya nang bahagya. Weird lang kasi walang tao sa paligid. Kakagaling lang namin ni Daniel sa pag bili ng kailangan namin sa school. Sakto naman at may dumaan na tricycle. Pumara yun sa harapan namin. Hindi ko alam kung paano pag kakasyahinang mga sarili at etong dalawa sa loob ng tricycle. Kung sa likod naman, baka may mas masama lang na mangyari.
"Mauna na kayo." sabi ko kay Daniel na nasa loob na ng tricycle. Pinasok niya muna si Zenon, inayos ng upo bago tumabi.
"Dito na lang kami sa susunod."
"Sige." sagot niya at umalis na yung tricycle niya. May dumating na isa pang tricycle, ginawa ko yung ginawa ni Daniel at sinabi sa tricycle driver na sa pinaka malapit na hospital.
*********
"Hindi ko akalaing makikipag away siya nang ganito." sabi ni Daniel habang nakatingin sa wala paring malay na pinsan niyang si Zenon.
Nalaman kong Wesley ang pangalan nun isa, tinignan ko yung ID niya. Tumawag na rin kami ni Daniel sa mga kapamilya nila para puntahan sila dito. Maya-maya lang siguro dadating na yung mga yun.
"Napaka bait ng isang to." sabi niya. "Parang kapatid ko na nga to eh, mabait talaga."
"Baka babae." sabi ko. Napatingin sa akin si Daniel.
"Daniel, dalawa silang lalaki. Basag ang mga mukha, sa tingin mo ano pa bang posibleng dahilan? DOTA?" sabi ko sa kanya.
Bumukas yung pintuan nung kwarto at sumilip ang isang nurse.
"Sir, nagkamalay na po yung isang pasyente sa kabilang kwarto." sabi niya.
"Sige, pupunta na kami." sagot ko. Iniwan muna namin si Zenon at pumunta sa kabilang kwarto kung nasan si Wesley. Gising na siya, pero nakatingin lang sa kisame.
Madaming patch sa mukha niya katulad ng kay Zenon. Napatingin siya samin nung pumasok kami ni Daniel.
"Kamusta ka na?" tanong ko.
"Hindi okay." sagot niya. "Kayo ba nag dala sakin dito?"
Tumango kami. "Salamat" sabi niya bago binalik angtingin sa kisame.
Umupo ako sa upuan sa may tabi ng kama niya.
"Tinawagan na namin ang parents mo, pasensya na kung nangi-alam kami sa phone mo. Emergency naman eh." sabi ko.
Tumingin ako kay Daniel na nakasandal sa pader at may matalim na tingin kay Wesley. Galit parin siya dahil sa ginawa nito sa pinsan niya. Pero hindi rin ba niya nakikita kung ano ang ginawa ni Zenon dito?
Hindi pa namin alam ang totoong nangyari, pero nakapag desisyon na siya kaagad na magalit. Bumabalik nanaman ang dating siya. Pero sa kabilang banda, hindi ko rin naman siya masisi. Kapamilya mo yun at alam mong mabait. At kahit hindi mabait, masasaktan at magagalit ka parin kapag may nangyaring masama dun.
"Ayos lang yun." sabi niya.
"Pwede bang makiusap sayo?"
"Ano?"
"Sa phone ko" sabi niya.
"Paki-hanap na lang yung pangalan na 'The One in my Heart', at pakitawagan."
Napatingin lang ako sa kanya. Parang may kakaiba dito o trip lang talaga niyang ibigay yun na pangalan sa mga contacts niya, mga title ng kanta.
"Sige" sagot ko. Pumunta ako sa mga gamit niya at kinuha ulit yung phone niya. Hinanap ko yung The One in My Heart na pangalan, nandun nga siya, pero siya lang yung title ng kanta. Sinubukan ko yung tawagan, nakatingin lang sakin si Daniel at Wesley habang nagri-ring yung phone. Hanggang sa makailang ulit na akong try pero hindi sinasagot.
"Hindi sinasagot eh." sabi ko kay Wesley at mukhang yun ang inaasahan niya. Huminga siyang malalim at tuminginulit sa kisame.
"Baka busy." sabi ko at umupo ulit sa upuan.
Ngumiti siya.
"Tawagan niyo na lang siya gamit ang phone ni Zenon, paki sabi ang nangyari. Salamat." hindi na niya inantay ang sagot namin at pinikit na niya ang mga mata niya.
Napatingin ako kay Daniel na binigyan din ako ng tingin na hindi niya alam. Bumalik kami sa kwarto ni Zenon, wala parin siyang malay. Tinawagan ko yung number ni The One In My Heart sabi ni Wesley, kung sino man to. Nakakailang ring pa lang, sinagot na kaagad ito.
"Zen!" sabi ng boses ng babae.
"Ahm, hindi to si Zenon." sabi ko. Itatanong ko sana kung siya si The One In My Heart, pero agad kong na-realize na mag mumukha akong tanga kaya pinigilan ko ang sarili ko.
"Kung sino ka man ano... ahm... Pumunta ka dito sa hospital."
Natahimik ang kabilang linya, narinig ko ang isang lalaki na siguro'y malapit sa kanya.
"Tanong mo kung bakit, wag kang tumunganga diyan!" sabi nung lalaki.
"Bakit? Anong meron?" tanong niya, halata ang panginginig sa boses.
"Nandito ngayon sa hospital si Zenon." sabi ko.
ANO!?" gulat niyang tanong pati na rin nung kasama niyang lalaki.
"B-Bakit?"
"Dito na lang namin ipapaliwanag." sagot ko. "Tyaka, may kilala ka bang Wesley?
Nilamon na naman ng katahimikan ang kabilang linya, hanggang sa sumagot na ulit siya.
"O-Oo"
"Nandito rin siya."
*************
Sinabi ko sa kanya ang kwarto, inantay na lang namin siya sa labas para agad namin siyang makita. Makalipas ang ilang oras, nauna pa siyang dumating sa mga kapamilya nilang kanina pa namin tinawagan. Isang maputing babae ang galing sa isang hall at lumingon sa amin, nakalugay ang buhok at nakaputing damit lang. May kasama siyang gwapong lalaki na may mahabang buhok, medyo magkamukha silang dalawa.
"Sila na siguro yun." sabi ni Daniel sa may tabi ko.
Tumakbo yung dalawa palapit sa amin. Hingal na hingal sila at naliligo sa pawis.
"Ikaw ba yun?" tanong niya.
"Oo" sagot ko. "Ako si Earl, eto si Daniel." pag papakilala ko. "Ikaw sino ka? Kayo?"
"Saikha, eto si Aiden, kapatid ko." sagot niya.
Hindi ko alam kung sino sa kanila si The One In My Heart. Si Saikha ang sumagot ng tawag, pero nandun din si Aiden. Dalawang lalaki yun, baka si Saikha, bobo ko naman.
Pero hindi ko rin maiwasang mag isip ng kung ano-ano. Posible ang isang bagay, kami nga ni Daniel eh.
"Anong nangyari? Nasan sila?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ayos na naman ang lagay nila." sagot ni Daniel.
"Hindi ko alam ang dahilan nilang dalawa kasi nakita na lang namin sila sa park, wala nang malay at duguan ang mukha." sabi ko.
Napahawak si Aiden sa bibig niya. Lalo namang namulta si Saikha dahil sa narinig.
"Dinala namin sila agad dito, tinawagan na namin ang mga kapamilya nila pero hindi parin sila dumadating. May malay na si Wesley at naki-usap siya na tawagan ka daw namin gamit yung phone niya." kwento ko.
"Ikaw pala yun?" pag-aalala niya kanina. Tumango ako.
"Dahil hindi mo sinagot, sabi niya gamitin daw namin yung phone ni Zenon at yun na."
Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin nang diretso sa mata ko, nag mamakaawa.
"Nasan si Wesley? Gusto ko siyang makita." sabi niya.
"Nasa kabilang kwarto lang siya." sagot ni Daniel. Agad naman siyang umalis at pumasok sa kabilang kwarto. Kaninang tinatawag namin si The One In My Heart, hindi niya sinasagot at nung kay Zenon na phone na ang ginamit, bigla niyang sinagot.
Hindi kaya...Hindi nga kaya may relasyon sila Saikha at Wesley dati, ewan, dahil sa name nanakalagay sa phone niya. Yung pag aalala ni Saikha kay Wesley, siya na nga siguro. Pero ano si Zenon ni Saikha?
"Babantayan ko lang si Insan." sabi ni Daniel at pumasok na sa kwarto ni Zenon.
Napaupo naman si Aiden sa upaun sa may pader. Halata ang hindi magandang mga bagay na nararamdaman niya at gumugulo sa isipan niya. Tumabi ako sa kanya kaya napatingin siya sakin.
"Pwede bang mag tanong, Aiden?" tanong ko.
"Oo naman, ano yun?"
"Alam kong wala talaga akong kinalaman at hindi ako dapat mangialam." panimula ko, nakinig naman siya. "Pero kanina sa phone ni Wesley, nung nakiusap siya sa akin, ang pangalan na gusto nyang tawagan ko ay The One In My Heart. Pwede bang paki-linaw sa akin ang lahat kung meron kang alam."
Huminga siyang malalim.
"The One In My Heart." sabi niya.
"Pero bago ko sabihin yun may tanong lang ako."
"Ano yun?" sa biko.
"May girlfriend ka na?" sus akala ko kung ano.
"Wala, pero boyfriend meron." sagot ko. Gets ko na siya. hahaha.. "Si Daniel..." pagtutuloy ko.
"Talaga? Boyfriend mo yung gwapo na yun?" tanong niya ulit.
"Oo" sagot ko.
"Ano na yung ike-kwento mo?"
"Mukha ka namang mapag kakatiwalaan bukod sa gwapo ka." sabi niya.
"Ganito kasi yan, si Wesley at si Saikha mag ex, nabuo ang relasyon nila nung fourth year highschool kami at natapos naman nung bakasyon sa hindi malamang dahilan. Yun ang dahilan kung bakit hindi kaagad sinagot ni Saikha yung phone niya nung tumawag si Wesley --- kayo, gamit yung phone niya. Pumunta siya sakin para kung sakaling tatawag ulit ay ako ang sumagot, pero nag-ring ulit ang phone niya, kay Zenon na ang pangalan kaya sinagot na niya."
"Ano naman si Zenon?" tanong ko.
"Sya ang boyfriend ngayon ni Saikha." sagot ni Aiden.
"Siya!?" gulat kong tanong. "Eh bakit kay Wesley siya nag mamadaling pumunta?"
"Hindi pa siya nakaka move-on." sagot niya.
"Hindi pa!? Bakit sila na ni Zenon?" tanong ko. Ang gulo naman nito. Ano to lokohan? Kawawa naman si Zenon.
"Nung bakasyon, wala ako nasa ibang bansa kasama ang Papa ko dahil sa nagbakasyon kami, ibang kwento na yun." panimula niya. "Mag isa lang siya dito nung bakasyon, hindi pa sila opisyal na break ni Wesley, pero etong si Wesley hindi na nagpaparamdam sa kanya. Kaya pumunta siya sa bahay nun at nakita nyang may iba na, dun sila tuluyang nag hiwalay. Etong tanga kong kapatid, naisipang mag pakamatay, dun niya nakita si Zenon.
Si Zenon nakipag kasundo kay Saikha na wag siyang magpakamatay at para tulungan siyang maka move-on, siya na muna ang boyfriend nito."
Totoo nga yung sabi ni Daniel, mabait si Zenon. Para hindi magpakamatay ang isang tao, handa siyang maglaan ng sarili niyang oras dun. Mag papanggap silang mag boyfriend.
Ibang klaseng kabaitan naman. Malayong malayo sa dating ugali ng boyfriend kong si Daniel. Sigurado ba talaga siyang magpinsan sila?.
.
End of Chapter...
May karugtong pa ito at madrama na.
So, better prepare yourselves!
Magbaon na ng tissue o panyo ok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top