SAANL 15-2: Words
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Saikha's POV"
Biglang may kumatok sa pintuan.
"Kakain na!" sigaw ni Aiden.
***
"May tanong ako." anunsyo ng Mama ko pagkaupo na pagkaupo namin sa harap ng lamesa.
"Ang makakasagot, may premyo!"
"Sige" ganadong sagot ni Kuya.
"Ayan na naman tayo." sabi ko. Lagi kasi may tanong si Mama, pang tanga lang, at ang sagot, syempre. Siguro mas magandang dito ko na lang ituon ang isip ko kahit na ayaw ko para mawala ang atensyon ko sa iniisip ko ang kanina.
"Ikaw, Zenon?" tanong ni Mama.
"Sige po, sasagutin ko kung alam ko." sagot ni Zenon. Nakangiti siya na parang walang nangyari kanina, bakit nga pala ganun siya? Palangiti at parang walang problema.
"Okay." sabi ni Mama at ngumiti nang nakakaloko.
"Bakit tumawid ang manok?" tanong ni Mama na nag panganga samin ni kuya, natawa lang si Zenon.
"Mama, wag niyo nga kaming ipahiya sa bisita. Ayan ka na naman eh!" sabi ko.
"Bakit!?" tanong ni Mama na parang na-offend. "Ano bang masama sa tanong ko? Nakakahiya ba ang tanong ko, Zenon?"
"Hindi po, maganda po tanong niyo." nakangiti niyang sagot.
"Diba?" sabi ni Mama. "Oh ano? Maysagot na ba kayo?"
"Hindi ko maisip, Ma." sagot ni Lori na nag isip pa talaga. Sumubo na lang ako ng pagkain.
"Para namang may sagot dun. Kulang yung tanong, yun lang? Bakit tumawid? Hays"
"Ikaw Zenon?" tanong ni Mama.
"Meron po" sagot ni Zenon.
"Ano!?" gulat na tanong ni kuya Aiden at ako ay nabulunan.
"Seryoso?" tanong ko.
"Oo naman, dali lang nung tanong eh." sabi niya.
"Ano?" tanong ni Mama.
"Kasi yung manok, alaga ng farmer. Nagkasakit yung anak ng farmer kaya sabi nung Nanay gagawan niya ng chicken soup yung anak niya para mainitan ang sikmura. Narinig yun ng manok kaya umalis siya papunta sa butika sa kabilang kalye para bumili na lang ng gamot para mailigtas ang buhay niya. Yun ang dahilan kung bakit siya tumawid." mahabang sagot ni Zenon.
"Seryoso ka ba talaga?" tanong ko ulit kay Zenon.
"Ang galing naman!" tuwang tuwang sabi ni Mama. "Matalino talaga tong batang to!" tawa nang tawa si Mama kaya hindi ko na masyadong naintindihan pa yung mga sumunod niyang sinabi.
Nag kibit-balikat lang si Zenon na nag yayabang.
"Kalokohan." asar kong sabi.
"Anong premyo, Ma?" tanong ni kuya.
"Kunin mo sa ref mamaya, Zenon." sabi ni Mama.
"Sige po..." natigilan si Zenon na parang hindi alam kung anong itatawag kay Mama.
"Tita, Tita na lang itawag mo sakin." sabi ni Mama.
"Sige po Tita. Salamat po ulit." nakangiti nitong sabi.
***
"Pahinge!" sigaw ko nung makita ko ang isang box ng pizza na dala ni Zenon pag pasok ng kwarto. Natagalan siya siguro sinalang pa niya iyon sa oven para initin.
"Sagutan mo muna mag isa yang number 1. Pag tama, bibigyan kita." sabi niya.
"Pag nasagutan ko, ibibigay mo lahat." hamon ko.
"Lahat?" bigla siyang sumimangot.
"Wag na uy!"
"Anong wag na?" gigil kong tanong, hindi ako susuko sa pizza.
"Syempre, lahat ng makakaya ko ibubuhos ko no, hindi naman sapat ang isang slice lang."
Nag isip siya sandali.
"Sige, sige. Basta tama ang sagot mo."
Kailangan ko tong sagutin, kailangan kong i-challenge ang sarili ko para sa studies sa school at higit sa lahat, para sa pizza. Teka, speaking of school. Paano siya papasok bukas?
"Pano uniform mo bukas?" tanong ko.
"Oo nga no?" sambit niya.
Nilapag ko muna yung ballpen at humarap sa kanya.
"Labhan mo na lang muna ngayong gabi, may dryer naman kami eh." sabi ko sa kanya.
"Paano yung susuutin ko?"
***************
"Kasya naman pala sayo eh." sabi ko pag labas niya ng banyo. Ibinaba niya ang shorts niya para lumebel sa tuhod niya, pero masyadong mababa ang garter para sa bewang nya, kaya tinaas nya ulit ito. Maikli sa kanya yung shorts na binigay ni kuya, wala nang iba eh. Ganun ang mga pambahay niya, kung pang-alis naman na pantalon niyo ang susuutin niya, hindi kasya. Yung damit, yun ok pa siguro, medyo body fit nga lang. Medyo alanganin ang mukha niya nung humarap sakin.
"Okay ka lang?" tanong ko kahit na kitang kita ko na hindi. Tumango siya. "Ngayong gabi lang naman eh." Isinampay ko na ang na-dryer niyang uniform at t-shirt. Kahit naman dumaan na dun, medyo basa parin, pero bukas, sure na tuyo to.
"Ano ba yan!?" sigaw ni Kuya, napatingin ako sa kanya. Nakatakip siya ng mata pero nakaharap kay Zenon. Tinignan lang ako ni Zenon na nag sasabing gumawa ako ng paraan sa kung ano man ang nangyayari.
"Saikha, paalisin mo yang boyfriend mo kung ayaw niyang may mangyaring masama!" sigaw niya.
Binigyan lang ulit ako ni Stefan ng ganung tingin.
"Sige na, Zenon. Baka ma-rape ka niyan." sabi ko sa kanya. Tumango siya at nag lakad paalis ng banyo at laundry area. Kada hakbang ibinababa niya yung shorts niya tapos taas ulit. Hindi naman masagwa na nakalabas ang tuhod niya eh. Mukha nga siyang good boy tignan, sabagay, good boy naman talaga siya. Baka hindi lang siya komportable.
"Seryoso, Saikha." sabi ni kuya nung makaalis na si Zenon. "Ang hot ng boyfriend mo!"
"Oo nga eh, siguro kanina pa may nakatayo sayo." asar ko sa kanya.
"Ang bastos mo talaga!" asar niyang sabi.
"Pero, Saikha, pag nag hiwalay na kayo, akin na lang siya ah. Bigyan mo kami ng oras."
Tinulak ko siya paalis ng daan ko.
"Utot mo, akin lang siya!"
"Zenon's POV"
Pag pasok ko sa kwarto niya, dumiretso ako sa kama. Dito na lang daw ako sa room niya dahil baka gapangin ako ni Aiden. Sumang-ayon din naman si tita dun.
Hindi talaga ako mapakali sa suot kong shorts, masyadong maikli para sakin, hindi ako sanay. Ewan, hindi lang talaga ako sanay. Makalipas ang ilang segundo, pumasok na rin si Saikha sa kwarto.
"Pasensya ka na kay Aiden ah." sabi niya.
"Ayos lang." sagot ko. "Medyo inaasahan ko na yun sa kanya. Hindi yung ganoon na mismong ire-react niya." dugtong ko kaagad.
"Inaasahan ko na, na hindi natural ang reaksyon niya."
"Ganun talaga yun." sabi niya at humiga sa tabi ko. Nakaupo ako at nakasandal ang likod sa headboard.
"Napagod ako."
"Sabi naman sayo ako na lang ang gagawa nun eh." sabi ko sa kanya, nakatingin lang siya sa kisame.
"Hindi, nakakahiya, bisita ka kaya." sabi niya kaagad.
"Mas nakakahiya nga eh, nakituloy na ko, nakikain, ikaw pa pinaglaba ko ng damit ko, nanghiram pa ng damit."
"Ng hindi komportableng damit." natatawa niyang sabi. "Tyaka, hindi naman ako sa paglalaba napagod, sa math."
Kahit na hindi siya sa akin nakatingin, yung ngiti niya, may kakaibang ibigsabihin parin sa akin. Sinamantala ko nang pag masdan ang ngiti niya habang hindi halata mula sa kinalalagyan ko. Ibang iba talaga, nawawala sa isip ko ang lahat ng problema. Ano nga bang masama kung pag masdan ko siyang ngumiti... at naaakit ako?
"Mablis ka namang natuto eh." sabi ko sa kanya makalipas ang ilang sandali ko ng pag iisip. Hinampas niya ako ng unan.
"Mabilis daw, eh di ko nga ma-gets sa school." sabi niya.
Sa tingin ko kailangan ko ng oras mag-isa, basta hindi malapit kay Saikha. Nadedemonyo ako eh!
Kung ano-ano ang naiisip ko tungkol sa kanya. "Pwede bang maki-tooth brush?" tanong ko.
Bigla siyang napabangon at nanlaki ang mata na nakatingin sakin.
"Hindi mo naman hihiramin ang tooth brush ko diba?" tanong niya. Siya naman ang hinampas ko ng unan.
"May dala akong toothbrush araw araw, pagkatapos mag tanghalian nag tu-toothbrush ako sa school."
"Buti naman." sabi niya. "Oo naman, diyan ka na lang sa banyo. Mamaya makasalubong mo pa si Kuya."
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Takang taka ako ngayon sa sarili ko. Kanina ko pa siya pinag mamasdan pero hindi parin ako nag sasawa at hindi ko talaga mapigilan. Kanina nung nagulat siya, ang sarap talaga niyang ibulsa o gawing keychain sa sobrang kakyutan.
Lalo na kanina habang nag so-solve ng math problem. Yung mga kilay niya pag nagtatama sa sobrang pag iisip, yung lips niyang tumutulis at minsan ginagawa lang niyang guhit pag wala na talaga siyang ideya. Lalo ko lang napansin ang mga yun matapos ang halik namin kanina. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin sa sink, hanggang sa matuon ito sa mga labi ko. Marami na tong nadampian, pero unang pagkakataon kanina na sobrang kakaiba. Kakaiba, hindi sa masamang paraan. Kakaiba kasi hindi ako kinilabutan o kung ano pa man. Maraming bagay ang nagtulak sakin para gawin yun. Yung iba galing sa ibang tao at yung iba, galing mismo sa sarili ko. Pagkalito, magulo, hindi ko rin masabi. Yung mga bagay na ginagawa ko para sa kanya. Hindi ko na kasi alam kung ginagawa ko yun dahil sa dapat maging boyfriend ako sa kanya o dahil girlfriendko siya. Matapos kong mag toothbrush at mag hilamos, lumabas na ako ng banyo. Nakita ko siyang tulog na sa kama niya, ganun na ba ako katagal na nasa banyo?
Yakap yakap nya yung box ko ng pizza at may hawak pa siyang isa na may kagat. Siguro nag talo ang isipan at katawan niya kung kakain pa siya o matutulog na. Lumapit ako sa kanya para punasan ang bibig niyang may mga cheese pa mula sa pizza. Pero nahuli na naman ako ng mukha niya, nakuha na naman nito ang atensyon ko. Tama pa ba to? Tama lang naman siguro na makita ko ang isang babae ng ganito. Pero yung sa kanya, iba talaga yung dating. Napatingin ako sa labi niya, yung labing natikman ko kanina. Napakatamis, iba sa lahat. Ganun ba talaga ang labi ng mga gaya niya, ganun rin kaya yung akin? Ganun parin kaya siya hanggang ngayon?
Ganun parin kaya sya hanggang ngayon? Namalayan ko na lang ang sarili kong unti-unting nilalapit ang mukha ko sa kanya. Hindi ko mapigilan, parang gravity na humihila sa lahat. Sana naman hindi maging telenobela ang buhay ko, na sa oras na mag lapat ang labi namin ay bigla na lang siyang magigising. Yun ang huling nasa isip ko hanggang sa mapalitan ito ng mga imahe niya. Lumapat na muli ang mga labi namin sa isa't isa. Ibang iba talaga, ganun parin tulad kanina. Paanong ang isang maling bagay ay maging ganto kasarap sa pakiramdam, maging tama? Bigla siyang gumalaw kaya agad akong lumayo sa kanya, nananatili siyang tulog, buti naman.
"Isa pa" bulong niya.
Isa pa?
Isang pang halik mula sakin? Nagustuhan ba niya?
Hindi nga kaya siya magagalit kung ulitin ko pa? Hindi kaya siya magagalit sakin kung magising siya at makita akong ninanakawan siya ng halik?
O baka naman ang tinutukoy niyang isa pa ay yung pizza.
"A-anong isang pa?" kinakabahan kong tanong. Baka gising talaga siya, pero kung gising siya, dapat nag-react na siya sa ginawa ko.
"Isang halik pa." sabi niya ulit, mas malakas ang boses sa pagkakataong to. Kumunot ang noo nya.
"Kahit huli na lang..."
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Yung mga paro-paro sa sikmura ko at biglang nag karoon ng karpintero sa puso ko na pukpok nang pukpok.
Hindi na ako nag dalawang isip pa, unti-unti ulit akong lumapit sa kanya. Pero dahil sa sunod niyang sinabi, dahil sa isang salita, natigilan ako. Nawala ang lahat ng nararamdaman ko kanina at napalitan ng sakit, sobra-sobrang sakit na hindi ko alam kung bakit at kung saan nanggaling. Dahil lang lahat sa isang salita kasabay ng isang luha sa kanyang mata.
"... Wesley."
.
End of chapter...
Sakit naman!
Magkaka heart attack yata ako eh.
Kawaw naman tong si Zenon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top