SAANL 14-2: Kiss
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Zenon's POV"
"Ganda ng gising ah!" bati ni Mama pag pasok ko sa kusina. "Looks like may nangyaring maganda kahapon sa school niyo ah."
Nginitian ko lang siya. Sa totoo niyan, kanina pa ako nakangiti, tinuon ko lang sa kanya. Ay hindi pala kanina pa, kagabi pa. Hindi kasi maalis sa isip ko na nagalingan sa pag kanta ko si Carl, hindi talaga mawala.
"Masarap lang po ang tulog." sagot ko na lang.
"What happened to your dreams, Kuya?" tanong ni Stefany habang namamapak ng chocolate.
"Life" sagot ko sa kanya at pinisil ang pisngi. "Dont eat too much of that, you might get tooth ache." sabi ko sa kanya.
Nag pout lang siya pero patuloy parin sa pag kain nun. Umupo na ako at kinain ang almusal na hinanda ni Mama.
"Zen, mamaya nga pala pupunta kami kay Mama, baka hapunin na kami or baka di makauwi." sabi ni Mama sa akin.
"Sige po." sagot ko.
"Kamusta niyo na lang ako kay Lola at lolo, with kiss."
"I will kiss Lola and lolo for you, Kuya." sabi ni Stefany.
"Thanks, baby!" nakangiti kong sagot.
*********************
Pag dating sa school, kasabay ng mga weird na tingin, may ilan-ilan nang nginingitian ako. May nag bubulungan pa at naririnig kong pinag uusapan yung ginawa ko kahapon. Medyo nahihiya ako, kung sa kanila.
"Zenon!" bati ni Mikoy nung makasalubong ko siya.
"Uy Mikz!" sabi ko at nginitian ko siya. Nginitian rin niya ako at umakbay sakin.
"Galing natin kahapon ah, bilib na ko sayo! Full pack ka rin kasu, gwapo na talented pa! Like me!"
"Salamat" tugon ko. Mayabang din pala to eh. Hahaha...
"Bakit ka nga pala biglang nawala kahapon? Maraming gustong makilala ka, pag tingin ko sa kinalalagyan mo, wala ka na." sabi niya.
Napakamot ako sa ulo ko."Nahihiya na kasi ako nun" sagot ko.
"Huwhaat?! Humble mo naman masyado, ang galing galing nung ginawa mo kahapon, nahiya ka pa?" sabi niya.
"Oo nga pala, salamat dun ha. Marami-raming naipon ang Music Club at... maraming bagong members at karamihan sa kanila ay babae at half-half."
"Half-half?" tanong ko.
"Gays" sagot niya. "Dahil yun sayo for sure. Kasi member ka rin ng club. Gusto ka ngang makita ngayon eh."
"Ayaw ko, mahiyain ako eh." sagot ko.
"Wag ka kasing mahiya. Sayang talent mo, bigay mo na lang kay Wesley, wala siya nun eh!" sabi nya na tila may ibang kahulugan.
"Ayaw ko" sagot ko kahit na alam kong biro lang niya yun. "Napapa-ngiti ko si Saikha sa talent na to eh." nakangiti kong sabi.
"Kaya nga ipakita mo yang talent mo." sagot niya. Nakarating na kami sa room. Nandun na sina Saikha at Aiden, ang aga nila lagi ah.
"Damang dama ko aura mo ngayon, papa Zen." sabi ni Aiden pag upo ko sa pwesto namin. "Blooming ka."
"Ngayon lang ba?" tanong ko. Dahil sa sinabi niya, bumalik yung mga paro-paro sa sikmura ko.
"Oo nga, anong meron?" tanong ni Saikha na nasa tabi ko.
"Wala, masaya lang ako." sagot ko. "Pwede ko bang mahawakan ang kamay mo?" tanong ko bigla.
Namula ang mukha ni Saikha at napaupo nang diretso sa upuan niya.
"Wooooo. Yun oh!" kumento ni Aiden sa tabi niya. "Sige na, Saikha. Hinarana ka na kahapon eh. Tyaka mag iinarte ka pa ba? Si Zenon yan oh."
"Tumahimik ka nga, kuya.!" asar na tugon ni Saikha sa kanya. Tumingin na sa akin si Saikha na namumula ang mukha, alam kong yun din ang problema ko, ewan ko lang kung pati siya maraming paro-paro sa sikmura.
"May I know why?" tanong niya.
"Bakit din hindi?" balik ko ng tanong. "Ayaw mo ba?"
"Hindi" sagot niya kaagad at mas namula pa ang mukha. "Hindi lang ako sanay. You know."
"Nagawa na naman natin to dati eh." sabi ko sa kanya at inabot ang kamay nito. Natahimik siya at tumingin na lang sa unahan.
Si Aiden, nakatingin sa kanya na pinipigilan ang tawa. Gusto ko ring tumawa kasi ang pula na rin ng mukha niya. Pero mas lamang ang kakaibang pakiramdam sa akin. Tama nga kaya si Aiden?
Para sakin dapat lang talaga naming gawin to.
Pero may mga tanong.
Para saan? Bakit ngayon? At bakit... ako kinikilig?
Ngiti na lang ang ginawa ko habang dinadama ang init ng mga palad niya. Tulad ng dati, pakiramdam ko safe ako.
"Kinikilig ako sa inyong dalawa" sabi ni Aiden.
"Tigilan mo nga ako!" banat sa kanya ni Saikha.
"O sige, hindi ka maka-focus eh." pang aasar pa nito.
"Aiden!"
Matapos ang mga klase, diretso kami sa cafeteria, san pa ba? Mga patay gutom kami eh. Wahahaha.... Matapos mapiga ang utak nila sa quiz sa math, sila pa talaga ang nag aya.
"Ayaw ko talaga ng math." sabi ni Aiden sabay salampak sa upuan.
"Sino ba kasi nagpauso niyan? Si Satanas?"
"Siya nga!" pag sang-ayon ni Saikha. "Ikaw?" napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka ba mag rereklamo sa math?" tanong niya.
Umiling ako.
"Bakit naman? Ilan ba grade mo?" tanong niya.
"100" sagot ko.
Literal na bumakas ang gulat sa mukha nila.
"Seryoso?" tanong nila nang sabay.
"Oo" pinakita ko sa kanila yung papel ko.
"What the fuck!, Zenon." sabi ni Aiden. "Hindi ka tao! Sis!, hindi tao boyfriend mo!"
Tinignan ko lang siya.
"Ang dali dali lang kaya, math rin yan nung highschool, iniba lang ang tawag." sabi ko sa kanila at humigop sa juice ko.
"Pwede ka bang mag share ng math skills mo?" tanong nila, sabay nanaman.
"Pwede ko kayong turuan." offer ko."Madali lang naman yan eh, una, wag kang matakot, yun ang pumipigil sa pag intindi mo sa numbers. Kasi nauunahan ka ng 'mahirap to' at marami pa."
"Gusto ko talagang turuan mo kami." sabi ni Aiden at tumigil.
"Pero tyaka na lang. Pahinga muna, kailangan ng irigasyon sa tuyot na naming utak." dugtong ni Saikha.
Para silang kambal nagdudugtungan ng mga sentences eh.
"CR muna ako" paalam ko sa dalawa.
"Ok, di na kita sasamahan ah." sagot ni Aiden.
"Baliw." sambit ko bago tuluyang umalis.
Pag pasok ko sa CR, diretso ako sa cubicle at umihi. Lumabas ang lalaki sa kabilang cubicle, ilang sandali lumabas narin ako. Pag tingin ko sa may sink, nag huhugas ng kamay si Wesley, napatingin din siya sa akin. Ano ba? Lagi na lang kaming nagkikita sa CR.
Nagulat din siya, hindi rin niya siguro plinanong mag kita kami - tulad ng lagi niyang ginagawa. Hindi ko na lang siya pinansin, kunyari wala akong kasama. Nag hugas rin ako ng kamay sa sink, wala na sana akong balak na kausapin siya, pero yung mga sinabi niya, nag pakulo ng dugo ko.
"Alam ko talagang nag papanggaplang kayo." sabi niya.
"Are you not yet over that issue?" balik ko, hindi siya tinitignan. Sinusuri ko lang ang mukha ko sa salamin, mas gwapo parin sa kanya.
"Hindi ganung tao si Saikha, hindi siya makikipag relasyon sa taong hindi niya mahal!" sabi niya.
"Babalik nanaman ba tayo dito?" tumingin na ako sa kanya, tulad ng tingin ko, matalim din ang tingin niya sa akin. "So sino nga? Ikaw? Babalik siya sayo, pag sasabayin mo rin sila. Hindi lang si Saikha ang bababuyin mo dito, pati si Monique. Tama na siguro yung ilang buwan niyo ni Saikha."
"Aayos din ang lahat, babalik siya sakin." sabi niya. "Sa oras na yun, maiiwan ka at wala kang magagawa. Alam kong hanggang ngayon, mahal parin niya ako. At ikaw, ewan ko kung anong meron sayo at ginagawa mo to."
"Oh boy, masama na yang mga sinasabi mo." sagot ko, keeping my cool. "Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko kay Saikha."
"Pathetic" sambit niya. "Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Nag mumukha ka lang tanga."
"Nope" sagot ko. "Ikaw ang nag mumukhang tanga, nag hahabol ka sa bagay na hindi mo na makukuha!"
"Talaga?" balik niya. "Ni hindi ko nga kayo makitang mag-kiss"
Okay, una, para kaming dalawang babaeng nag tatalo dito. At pangalawa, mas babae siya. May nalalaman pa siyang kiss-kiss.
"Hindi na kailangan nun, kung talagang nag mamahalan---"
"Hindi ka niya mahal!" pag putol niya sa sinasabi ko. Biglang kumulo ang dugo ko. Yung malapit nanaman sa puntong gusto ko na siyang balian ng buto. Ano bang alam niya? Ano bang alam niya sa nanaramdaman ko?
Alam kong mahal parin siya ni Saikha, pero wala siyang karapatan para sabihin yun sa akin.
Bigla ko na lang siyang iniwan sa loob. Baka makapatay pa ako ng tao! Pero nung makalabas na ako ng CR ay nandun si Saikha. Nagulat siya nung makita kami.
"Saikha." sambit ni Wesley ng makalabas na rin. Mahal pa nga ng mokong na to si Saikha.
Pero hindi ko hahayaang mabalik ulit sa kanya si Saikha.
Para saan? Para saktan lang niya ulit. Hindi na. Lumapit ako kay Saikha at hinila palapit sa akin.
"Eto bang gusto mo?" tanong ko kay Wesley. Nanlaki ang mata niya nung mapagtanto ang gagawin ko. Hindi ko gagawin to para ipakita lang sa kanya. Gagawin ko to dahil nag tataka na rin ako, nag tataka na sa puntong to sa nararamdaman ko. At gagawin ko to para ipaalam sa kanyang hindi ko na hahayaang mapunta sa kanya si Saikha. Hinarap ko sakin si Saikha, hinawakan ang pisngi niya at medyo yumuko. Hindi na siya nakakilos dahil sa gulat sa gagawin ko. Sana lang hindi siya ma-offend, sana hindi siya magalit sakin pag tapos nito, hindi niya ako layuan, pandirihan, kamuhian, lahat na.
At sana, makumpirma ko rin ang magulong bagay sa loob ko. Nilapat ko na ang labi ko sa labi ni Saikha. Hindi lang basta ganun, hindi walang kwentang halik. Pinaramdam ko sa kanya kung ano ang gumugulo sa loob ko, baka sakaling matugunan at malinawan ako. Biglang mat naririnig akong nagsasalita palapit sa amin.
"Bakit ang tagal---" natigil sa pag sasalita si Monique nung makita kami. Humiwalay na ako kay Saikha. Tulala parin siya, pati si Wesley at si Monique dahil sa nakita, lakas ng epekto sa kanila, ako lang ata ang hindi tinamaan ng yelo sa paligid. Kumukulo kasi ang dugo ko kay Wesley eh. Yung mukha niya kaninang umaga, akala ko wala nang ipupula pa.
"Tara na." sabi ko na lang at hinila na si Saikha palayo. "Excuse me." sabi ko kay Monique at umalis naman siya sa daan. Hila-hila ko parin si Saikha hanggang sa makarating na kami sa pwesto namin kanina kung saan kumakain parin si Aiden. Nung makita niya ang mukha ni Saikha, agad siyang tumayo at lumapit.
"Anong nangyari?" tanong niya saming dalawa.
"Di ko kayang ikwento." sagot ko kaya tumingin siya kay Saikha.
"Ah- ano- sa bahay na lang." sabi ni Saikha.
"Ano ba?" tanong ni Aiden, alalang alala. "Ayos ka lang ba?"
"Oo, ayos lang ako" sagot ni Saikha.
"Uwi na tayo." sabi ko. "Ihahatid kona kayo."
Umalis na kami sa cafeteria at lumabas ng school para mag hintay sa jeep na sasakyan nila. Ngayon lang tumama sakin yung mga ginawa ko. Hinalikan ko si Saikha, sa harap ni Wesley at nakita ni Monique. Hinalikan ko ang girlfriend ko! Hindi ako makapag salita, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Saikha.
Baka galit siya, baka nandidiri na siya sakin. Baka ayaw na niya sakin, baka na-offend siya. Hindi ko maiwasang isipin yun kahit na mag kahawak parin kami ng kamay, kahit na hindi niya binabawi ang kamay niya sakin, tulala lang din siya sa pag hihintay ng jeep. Nag para bigla si Aiden kaya nalaman kong nandun na yung sasakyan nila. Huminto sa harapan namin yung jeep at lumakad na silang dalawa.
Pero hinila ko pabalik si Saikha kaya napatingin siya sakin. Laking luwag ng kalooban ko nung wala akong nakitang galit o kahit anong negatibo sa mata niya. Tanging hiya lang at gulat dahil sa ginawa ko. Tulad ng nararamdaman ko ngayon.
Agad kong iniwas ang mata ko sa mga mata niya, tanga ko rin eh. Nag padala ako sa galit at asar ko sa Wesley na yun.
"Sorry" sabi ko.
"Hindi, ayos lang." sabi niya kaya nag karoon ulit ako ng lakas ng loob na tumingin sa kanya.
"Sige, uwi na kami."
Binitawan ko na siya.
"Ingat." sabi ko.
"Ingat ka rin." sabi niya na medyo may pagka-ilang pa. Sumakay na siya sa jeep at tuluyannang umalis palayo sa akin. Hindi siya galit, o baka hindi pa lang galit. Ano kaya talaga ang nasa isip niya?
Ano kayang nararamdaman niya?
Eh ako? Ano na bang nararamdaman ko?
.
Mas lalo lang gumulo.
.
End of chapter.....
Lalo daw gumulo?
Eh siya naman nagpapagulo eh.
Bat di pa kasi aminin!
Hay naku.
Till next chapter!
Abangan....
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top