SAANL 14-1: Pasikat sana

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Zenon's POV"

     Aiden is right, dapat ko lang ipakita kung sino talaga ako. Dala dala ko ang mga salitang yun sa pag pasok ko, kasama ang isang Rubik's cube. Yeah, dahil sa way number 2, kaya eto ang naisip ko. Bumili pa talaga ako ng bago. Sa tingin ko bihira lang dito sa lugar namin ang magaling sa Cube. Hindi naman ako halimaw na 20 seconds lang ay buo na, inaabot ako ng isang minuto with concentration na yun. Sa tingin ko, nakakamangha na yun. Napadaan nanaman ako sa music room, medyo napag tanto ko na yung tinutugtog nila. Fix you by coldplay, ang problema, wala yung vocals. Mamaya pa kasi kami ni Mikoy after 10 sasali sa praktis.

"Sayang, ang ganda pa naman nung kanta." bulong ko sa sarili ko.

"Oo nga eh" biglang nagsalita sa may gilid ko. Nasa may pintuan pala ako ng Music Room at nandun nakatayo si Mikoy.

"Miksz!" sabi ko.

"Pang emo ko kapag malungkot."

"MIKOY, ZENON!" sigaw ng isang babae sa likuran ni Mikoy.

"Halika ka nga muna kayo dito." sabi niya na medyo stress na.

Lumapit muna kami.

"Wala kasi yung pianista natin eh. nagback out." sabi ni Karen.

"Yun lang ba? Don't worry I can play piano." sabi ko.

Marunong din ako mag piano, marunong ako bumasa ng notes, pero hindi ko masyadong ginagamit ang talent ko na yun. Ewan ko, di ko lang feel mag piano. Minsan lang ako sumpungin na magba-babad ako sa piano namin buong araw. Sa pag kanta, marunong lang ako at gitara.

"Hoy! Modelong lalaki!" sigaw ni Aiden sa likod ko. Wala na kasing ibang may alam nun dito... dati, sa nakalipas na limang segundo. Sinigaw lang naman kasi yun ni Aiden kahit na maraming tao sa paligid. Nilingon ko siya, nasa may pintuan siya

"Hali na kayo" sabi nito. Sumabay na siya sa amin papunta sa upuan namin.

"Nasan si Saikha?" tanong ko para maiba naman ang topic.

"Nag-CR" sagot niya.

"Ah ok." sagot ko. "Akala ko kasi nakita ko siya." dahilan ko na lang. Pag upo ko sa silya, pinagmasdan ko ang Rubik na hawak ko. Wag kang papalya mamaya ha, ayaw kong mapahiya kay Saikha. Bulong ko dito.

"WOW!" biglang sigaw ni Aiden kaya agad akong napatingin sa kanya, nakatingin siya sa hawak ko.

"Marunong kang mag buo niyan?" tanong niya.

"Oo" sagot ko.

"Ang galing galing naman!" kumento niya, ngiti lang ang sinagot ko.

"Pahiram nga, try kong ayusin." Binigay ko sa kanya yung cube. Lumipas ang ilang sandali, nakakunot noo parin siyang nakatingin sa Cube. Dumating na si Saikha, sinauli na rin sa akin ni Aiden yung Cube.

"Hindi ko talaga kaya, nag damot kasi yung isa diyan!" sabi niya.

Anong nag damot? Hindi ko pa naman binabawi sa kanya ah.

"Anong meron?" tanong ni Saikha. Pinakita ko sa kanya yung Cube.

"Rubik's Cube?" sabi niya.

"Yep" tugon ko. "Orasan mo ko, ipapakita ko sayo kung gaano ko kabilis mabubuo to." pag mamayabang ko sa kanya.

"Sige" kinuha nya yung cellphone niya. "Ready?" tanong niya.

Pinagmasdan ko muna yung Cube.At nung inumpisahan ko nang galawin, inumpisahan na rin niya ang oras. Kinailangan ko ng lahat ng konsentrasyon ngayon, putek kasi, nanonood si Saikha. Hindi ako makaayos sa ginagawa ko. Makalipas ang akala ko'y walang hanggan na, natapos ko ang Cube. Nabuoko siya, tinaas ko na parang record card ko na nakapasa sa Science.

"Ilang oras?" tanong ko."1 minute and 8 seconds." sabi niya na nakapagpa simangot sakin.

"Putek naman, samantalang mag isa ako sa bahay 1 minute and 6 seconds lang." reklamo ko. "Kasi ikaw eh, nanonood ka!"

"Ako?" gulat niyang tanong.

"Oo, ikaw." sagot ko.

"Akin na nga yan" sabi niya, inabot niya yung Rubik's Cube kay Aiden. "Guluhin mo." Masayang ginulo ni Aiden yung Cube. Makalipas ang ilang sandali, binigay na niya yun kay Saikha. Inabot naman ni Saikha sakin yung phone niya para sa timer. Tinignan niya yun sandali at nung mag umpisa na siyang mag ikot ng side, inumpisahan ko na ang timer.

Unti-unting nabubuo ang mag kakaparehas na kulay. Maya-maya pa."Oh!" nilapag njya yung Cube sa lamesa. Hindi ako makapaniwala, wala akong masabi. Pag tingin ko sa phone niya, 32 seconds pa lang ang nakalipas nung mag umpisa siya. Pahiya ako dun.

"Sabi ko sayo, Zen eh" sabi ni Aiden. "Nag damot to sa talento sa Rubik's Cube, kinanya lahat!"

So yun pala ang ibig sabihin nung sinabi niya kanina. Bakit naman hindi sinabi kaagad o lininaw. Pahiya ako, ako 1min mahigit, siya 32 seconds lang.

Napaka epic fail naman nito. Dapat pala hindi na lang eto ang ginawa ko. Mas magaling pa pala sakin ang dapat kong pamanghain. Nakaka badtrip talaga. Dumating ang prof namin, lumipat kami ng room, lipat, lipat. Aral, aral, sulat, sulat. Pero hindi ko parin maalis sa pakiramdam ko ang kahihiyan at asar sa sarili. Pahiya talaga ako eh, ako dapat ang kamanghaan eh, pero nauwi sa; ako pa ang nagulat sa ginawa niya.

"Zen, kanina pa ang sama ng mukha mo." bati ni Aiden.

"Wala lang sa mood" sagot ko.

"Rubik?" tanong niya.

"Mind Reader ka ba?" tanong ko.

"Sabi na eh.!" nakangiti niyang sabi, pero pinanatiling mahina ang boses para hindi marinig ni Saikha.
"Gusto mo sanang mag pa-impress kay Saikha, pero nabulilyaso."

"Tara nga" hinila ko siya palayo kay Saikha.

"Wait! San kayo pupunta!?" tanong ni Saikha at akmang susunod.

"Dyan ka lang!" sigaw ko sa kanya kaya umupo ulit siya sa upuan niya. "Sandali lang kami." paalam ni Aiden. Dinala ko siya sa labas at nung wala nang tao sa paligid, tyaka ko siya kinausap.

"Hindi ko naman akalaing mas magaling pala siya sakin.." umpisa ko.

"Bata pa lang kami ni Saikha, kumakain na yan ng Rubik's Cube." sabi ni Aiden.

"Marami pa nga akong hindi alam sa kanya." sagot ko na lang. Totoo naman eh, basta na lang kasi kami nagkakilala.

"Alam mo may napapansin ako, actually, nararamdaman eh.." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"May gusto ka na ba kay Saikha?" diretso niyang tanong. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ako? May gusto kay Saikha? Ginagawa ko to dahil nangako ako. Wala nang iba. Okay, it didn't sound convincing-__-

"W-wala." gah! Ang hirap sabihin.

"Sige, sa ngayon, maniniwala muna ako sa sagot mo." malaman niyang sabi.

"Aiden" asar kong sambit sa pangalan niya.

"Zenon!" balik niya at pinag-lakihan pa ako ng mata.

"Maganda ang kapatid ko, pero mas cute parin ako, kaya hindi imposible na magka-gusto ka sa kanya. Tyaka ayan! Ayang ginagawa mo. Boyfriend ka talaga para sa kanya!"

"Dahil yun naman talaga ako." sagot ko. "Nasa relasyon talaga kami, Aiden. At nangako ako sa kanya at sayo.."

"Para saan pa yung pagpapa-impress mo?" tanong niya. "At nung epic fail, sobrang down ka!"

Hindi ako nakasagot. Kahit ako hindi ko alam, hindi ko masabi. Pero nasa isip na; simple lang, napahiya kasi ako. At may kadugtong na... napahiya ako kay Saikha.

"Okay, ganito." sabi niya nung hindi na ako sumagot. "Tatanggapin ko yang sagot mo ngayon, watch out for your feelings, Zen!"

"Drop it!" galit kong sabi. Ibig ba niyang sabihin umiibig na ako kay Saikha? Well, sa mata ng ibang tao, oo kasi yun naman yung pinapakita ko. Pero wala naman talagang feelings yung sakin, tapos sasabihin niya...nahuhulog na ko? Pero bakit nga ba? Bakit ko nga ba ginagawa ang mga to?

"ANO!?" gulat na sigaw sa may likuran ni Aiden, pag tingin namin, nasa labas ng room si Mikoy na may kausap sa phone. "Mamaya na agad? Paano yan, ready na ba tayo? Mamaya na yun, shit naman. Nakaayos na ang lahat sa stage diba? Ano ba yan!?" asar niyang sabi. Lumapit kami sa kanya.

"Ano yun? Sino ba yung kausap mo?" tanong ko kay Mikoy, mukhang malaki talaga ang problema niya eh.

"Alam mo naman yung Fix You na iniinsayo natin diba?" tanong niya pabalik.

"O---o. Bakit?" nag aalangan kong sagot.

"Okay, ganto kasi yan eh" panimula niya. "Mamaya mag kakaroon na tayo ng fund raising event para sa Music Club, kasabay na rin nun ang pag invite ng mga bagong members kasi konti lang talaga tayo."

"Ha!?" gulat kong tanong. "H-hindi ko kayang kumanta sa harap ng maraming tao. Hindi pa ako ready." sabi ko sa kanya.

"Okay" sagot ni Mikoy. "Ipapa-cancel ko na lang muna." sabi niya at kinuha ang phone.

"Teka!" pag pigil ko, kinuha ko yung cellphone niya.

"Sige na, payag na ko. Susubukan ko."

"Saikha's POV"

      Ano kayang trip ng dalawang yun at ang tagal tagal. Sa pag kakaalam ko mas matagal kaming mag kakilala ni Zenon kesa kay Aiden. Bakit parang close na kaagad sila? Isa pa, ako ang girlfriend dito. Hay. Bumukas na ang pintuan at pumasok si Aiden. Ang liwanag ng mukha niya, parang may nangyaring maganda.

"Anong pinag usapan niyo?" tanong ko.

"Wala" sagot niya.

"Pero dapat na tayong pumunta sa stage ngayon" hinila niya yung kamay ko.

"Teka lang" sabi ko. Pilit kong inabot ang bag ko at nagawa ko naman. Isinukbit ko yun sa balikat ko habang ang isa kong kamay ay hila-hila ni Aiden papuntang stage. "Ano bang meron?"

**Play Fix You by Boyce Avenue feat: Tyler Ward on the background.**

Papalapit pa lang kami nadinig na ng tenga ko ang tugtog ng gitara sa stage, isang pamilyar na magandang kanta. Medyo mahina pa nga lang at habang palapit pa kami ng palapit, napagtanto ko. Fix you yun ng Coldplay.

"When you try your best but you don't succeed." isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng musika.

"When you get what you want but not what you need.

When you feel so tired, but you can't sleep

Trap in reverse."

At nung mapunta na kami sa covered court sa tapat ng stage kung saan ay may marami-rami nang tao. Nakita ko siya, nakaupo sa harap ng isang mikropono at may hawak na electric guitar. Sa kanya nanggagaling yung magandang boses at musika kasabay pa ng ilan niyang kasama. Hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko. May tinatago siyang ganyang kagandang boses.

mikoy:

"And tears comes streaming down your face

When you lose someone you can't replace

When you love someone but it goes to waste..

Could it be worst?

Duet sila ni Mikoy na may medyo manipis na boses. Wow! Galing galing!

Zenon and Mikoy:

"Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you.

Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya habang kumakanta siya at tumutugtog, lalo na nung ngumiti siya matapos sabihin ang huling linya. Hindi naman sa feelingera ako, pero damang dama ko ang mga salita na para sakin.

Zenon:

And high up above or down below

When your too inlove to let it go

But if you never try you'll never know

Just what you're worth.

Ewan ko, hindi naman niya ako gusto. Mag kasintahan kami, oo, pero walang feelings yun. Pero hindi ko talaga maiwasang isipin na para sakin yung mga lirikong lumalabas sa bibig niya. Ang weird ko talaga.

Zenon and Mikoy:

Lights will guide you home

And ignite your bones

And I will try to fix you..

Nag tilian yung mga babaeng nanonood sa kanila, yung iba, hindi talaga babae. At isa sa mga yun ay si Aiden, para siyang fangirl na nakakita ng artista. Hinawakan niya ako at inalog nang inalog.

"Nakatingin sya sa akin!" sigaw niya.

"Tanga, sa akin" pabulong kong sagot. Hindi niya yun narinig, bulong nga eh. Tyaka naka-focus siya kay Zenon at Mikoy na kumakanta sa stage at maingay rin sa paligid dahil sa sigawan. Para namang rock band yung kumakanta, eh ang sweet-sweet nga.

Ayos yung instrumental part ah. Ang galing lang ni Zenon sa electric guitar. Halos siya ang kumukontrol sa musika.

Zenon and Mikoy

Tears stream down your face

When you lose something you cannot replace

Tears stream down your face

And I...

Zenon: High pitch

oh whoa ho..

Zenon (high pitch) and Mikoy:

Tears stream down your face

I promise you I will learn from my mistakes!

Tears stream down your face

And I....

Hindi ako makakurap ang sarap kasi sa tenga at napaka gwapo tignan ni Zenon while his hitting the high notes.

Chorus: Zenon

Lights will guide you home

And ignite your bones

And I will try to fix you..

Medyo kumalma si Aiden, napagod ata kakasigaw. Sumandal sya sakin.

"Ang gwapo talaga ni Papa Zen!" narinig kong sabi niya. Malas mo, akin siya. Hindi ko na binulong yun, sa isip na lang, baka marinig na niya. Mas dumami yung mga tao, mas dumami yung babae. Lakas lang talaga ng hatak ng lalaking to. Okay, aminin na natin. Maganda na boses, gwapo pa. Pero ang kinamamanghaan ko sa kanya ay yung pag tugtog nya ng gitara ng walang tingin-tingin. Alam ko namang marami ring taong marunong tumugtog nun, may mga halimaw pa nga eh. At malas ko, kahit na gustuhin ko ay hindi ako matuto.

Ito pang wierd kanina. Naulit na naman. Habang tumatagal ang tingin ko sa kanya, parang unti-unting nawawala ang mga kasama niya. Ang tao sa paligid, pati na rin si Aiden. Magic. Natira lang ay siya at ang gitara niya. Nananatiling nariring sa paligid ang maganda niyang boses at musika. Nakangiti siya, nakatingin sa direksyon namin. Malayo man ay alam kong nag tatama ang tingin namin. Ang galing talaga. Hanggang sa mga huling salita, damang dama ko. Bumalik na lang ulit ako sa ulirat ko nung umalingawngaw ang palakpakan, at sa pag talon talon at pag sigaw ni Aiden.

"Eto girlfriend oh!" sigaw niya habang tinuturo ako. "Eto girlfriend ni Papa Zen! Taken na siya! Narinig niyo!?"

Hinila ko siya since nakahawak siya sa kamay ko. "Tumigil ka nga" gigil kong sabi.

"Ano ka ba? Dapat nga maging proud ka kay Zenon. Saikha si Zenon ang boyfriend mo." sabi niya.

Tumahimik na lang ako.Totoo lang, manghang mangha talaga ako. At ang saya saya, kasi siya nga ang boyfriend ko.

"Zenon's POV"

      Sa buong kanta, hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. Hinigop ako ng presensya niya, wala na akong paki-alam kung tama pa ang ginagawa ko. Basta, kumakanta at tumutugtog ako... para sa kanya. Parang para sa kanya yung mga liriko nung kanta, kaya nag padala na lang ako. Yun daw ang sikreto sa kanta, emosyon. Eh anong emosyon nga ba ang nararamdaman ko? Nawala ako sa pag iisip nung umalingawngaw ang palakpakan at sigawan. Gumapang ang kahihiyan sa katawan ko, bigla nanamang akong natakot nung makita ko kung gaano na karami yung tao. Konti lang yan kanina ah, bigla silang nagsulputan. Ngumiti na lang ako at nag-bow bago umalis sa stage.

"Maraming salamat, Zenon and Micko." narinig kong sabi ng kung sino mang babae yun.

"Gwapo na, talented pa. So, kaya po ginanap ang event na to ay para..."

Hindi ko na pinakinggan kasi nag lalakad na ako papalapit kina Aiden at Saikha. Todo ngiti si Aiden at si Saikha walang ekspresyon. Kanina, hindi ko alam kung ano ang naka-paskil sa mukha niya. Masyado silang malayo para makita ko nang malinaw. Tanaw ko lang si Aiden na todo suporta dahil sa pag talon at pag sigaw niya.

"Ang galing galing mo talaga. Si Mikoy din!." sabi ni Aiden.

"Hehe, salamat" sagot ko. Hindi parin mawala ang paro-paro sa sikmura ko, lalo na sa pag hihintay ng sasabihin ni Saikha. Ngumiti siya at yung mga sinabi niya, nag pakawala sa mga paro-parong nasa loob ng katawan ko.

"Ang galing naman ng boyfriend ko!"

Akala ko mauuwi sa wala ang araw na to. :)

.

End of chapter....

Super habang ud ito!

Hope that na meet ko ang inyong expectations.

Pogi points for Zenon!

Clap, clap, clap!

Abangan!

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top