SAANL 13-2: Monique Ongpauco

All Rights Reserved ® Kwentongsulatoinoy Stories 2014

"Monique's POV"

        I'm such an early bird. Maaga kasi akong dumating sa school. But I'm not like this before, lagi akong late at absent. Lately lang akong naging ganito, nung nagtransfer ako ng school. Dito kasi sa Jarden University nag-aaral si Wesley so I have to be here.

        I need to be here! Mahirap na ang maagawan. Oo, mababaw na kung mababaw ang reason ko for transfering but can you blame me? Mahal ko siya, at ayokong maagaw siya sa akin ng iba lalo na ni Saikha. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapakatanga ng ganito? Alam ko namang hindi niya ako mahal pero sinisiksik ko parin ang aking sarili. Mahal ko yung tao, mahal na mahal kaya kahit nagmumukha na akong desperada o martyr wala akong paki. I'll be his wife and no one can ever stop it from happening! Kami ang para sa isat-isa.

       Nakaupo na ako sa upuan namin sa classroom pero wala parin si Wesley. Napatingin ako sa harap na silya na katapat ng kay Wesley. Si Saikha ang nakaupo doon before buti na lang at lumipat siya ng silya ng bago niyang boyfriend na si Zenon. At sa ganoong akto ako nadatnan nito.

     Si Zenon, tumabi sa upuan ko. Ewan ko lang kung bakit pero kinausap niya ako. Things about why I like Wesley. Wierd siya pero kalaunan naintindihan ko rin siya.

        In a way ay pareho kami, parehong nagmamahal sa isang taong iba ang tinitibok ng puso. Naconfirm ko iyon ng tinanong ko siya kung tanggap ba niya na si Wesley parin ang mahal ni Saikha. I can't stop my self to somehow show sympathy towards him. Ganito pala ang magmahal? Masakit!

          Maraming beses ko nang naitanong sa sarili ko na kung bakit si Wesley pa ang minahal ko. Sa dami-dami ng mga suitors ko bakit sa kanya pa? Pero wala eh, hindi nadidiktahan ang puso kung sino ang mamahalin. I just have to be strong, kailangan ko lang namang bantayan lagi si Wesley para di siya makalapit kay Saikha.

.

        Mabilis lumipas ang oras at dumating si Wesley.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya. He just look at me with blank expression.

Lagi na lang ganito kapag tinatanong ko siya. He's so cold to me kung makitungo siya sa akin. Pero hindi naman sa lahat ng oras. Nagsimula lang ito noong nakita kami ni Saikha sa bahay nila Wesley. That was the time that he finally broke up with her!

"It doesn't matter. Nandito na ako diba?" sagot niya.

"Hindi na lang ako umimik."

       Few minutes later dumating na sila Saikha at ang brother niya at doon sila umupo sa kabilang dulo katabi ni Zenon. Nakita ko na namang napatingin si Wesley sa mga ito at napabungtong hininga. Di naman nagtagal at umalis si Zenon. He excused himself sa klase due to club practice. Napatingin ulit si Wesley sa direksyon nila Saikha.

"Cut the bullshit Wesley! Wala na kayo, at may iba na siya. Let her go!" mahina kong sabi.

Tumingin lang siya sa akin ng masama. Kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. "Kung hindi mo siya titigilan I won't have any other choice! Ipapaalam ko ito kay---" bigla niyang pinigil ang mga sasabihin ko.

"Alam ko Monique. Hindi ako sisira sa kasunduan dahil may isang salita ako." sabi niya.

"Ganon naman pala. Then prove it!" madiin kong sabi. Tinuon ko na ang atensyon sa aralin.

      Ganon din naman siya. Pero hanggang kailan ko siya mapipigilan. Habang tumatagal kasi sa tingin ko ay palayo ng palayo sa akin si Wesley. At kahit anong hila ko sa kanya palapit ay lalo lang siyang lumalayo.

"Crap! I don't like this anymore."

.

.

End of chapter....

Monique,... Monique,... Monique...

Hayy nakuu,..... mas lalong nagiging kumplekado ang lahat diba?

Ano bang pinaglalaban niya?

What's the reason why Wesley is with her?

Bakit parang napipilitan si Wesley na makisama sa kanya?

Hindi ko pa sasabihin no.

Hahaha...

Abangan....

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top