SAANL 13-1: Wesley

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Zenon's POV"

         Una, kilalanin ang type niya. Ayaw ko mang gawin to, pero para kay Saikha, kakayanin ko. Hindi ko talaga kayang makita syang paulit-ulit na nasasaktan sa Wesley na yan eh. Kahit hindi ko pa siya ganoong katagal na kakilala. Ngunit nung mga sandaling nakita ko siya sa rooftop, nag karoon na kaagad siya ng parte para sakin. Napadaan ako sa music room, medyo binagalan ko kasi may naririnig akong nag pa-praktis ng kung ano, hindi ko kasi maintindihan kung ano yung tinutugtog o kinakanta nila. May drums, gitara, piano at rinig ko rin yung vocals. Medyo pamilyar yung kanta, pero hindi ko talaga marinig. Hinayaan ko na lang, nung mapalapit ako sa pintuan, bigla namang may lumabas mula dito.

"Uy!" bati ni Mikoy.

"Uy, Mikz" sagot ko.

"Mikz?" tanong nya. "Ayan na naman yung tawag mo sa akin. Close na ba talaga tayo?" sabi nya.

"Mahaba kasi pag Mikoy eh." sagot ko na lang.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko.

"Ah, ako ang susunod na magpa-practice. Kasama mo, hindi na pala kita kailangang hanapin eh."sagot nya. "Member ka na kaya ng banda ano. Masyadong napaaga ang pasok ko. Teka, nasan si Saikha?" tanong niya.

"Wala pa eh, mauuna na ako sa room ha. Hihintayin ko lang si Saikha para magpaalam." paalam ko.

"Sige" pinalo niya nang bahagya ang balikat ko at nag patuloy na sa pag lalakad. So, sino kaya ang tatanungin tungkol kay Wesley? Obviously, hindi si Saikha, baka mag break down ulit siya kapag naalala kung ano si Wesley sa kanya dati.

Dati... Bakit hindi kaya yung ngayon? Kung sinuswerte nga naman. May ilan-ilan na akong kaklase sa room, at nandun na din si Monique, mag isa. Nilapitan ko siya.

"Nasan si Wesley?" tanong ko.

"Wala pa, nauna akong pumasok sa kanya eh." sagot niya.

"Bakit mo siya hinahanap? Nung nakaraan lang binangasan mo siya ah."

"Pasensya na sa bagay na yun." sagot ko.

"Actually, hindi talaga siya yung gusto kong maka-usap, ikaw."

"Why? Ano bang kailangan mo?" tanong niya.

"Ano ang magandang katangian ni Wesley na nagustuhan mo sa kanya?" tanong ko. Natigilan siya sandali.

"May malasakit sa ibang tao." sagot niya at nag isip ulit, para namang napaka hirap na bagay nun. "Mabait sya."

Binigyan ko na siya ng kakaibang tingin dahil sa sinabi nya.

"Mabait talaga siya" pag kumbinsi niya sakin. "Kung kikilalanin mo siya, masasabi mong mabait siya. Masipag, matulungin, madami eh" nakangiti niyang sabi.

"Sige, thank you!"

"Wiat, why did you asked those things?" tanong niya.

"Medyo nag tataka lang kasi ako." pag sisinungaling ko.

"On what?" tanong niya.

"Kung bakit hanggang ngayon, baliw parin sa kanya si Saikha." okay, sige. Medyo curious din ako sa bagay na yun, bakit nga ba? Dahil din ba sa magic?

"Tanggap mo ba yun? Girlfriend mo si Saikha ah" sabi niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. I was caught ofguard sa tanong niyang iyin. Kaya hinayaan ko nalang na bumuka ang bibig ko at lumabas ang sagot na nanggaling sa kung saan mang parte ng kalooban ko.

"Hindi nga eh, kaya gagawin ko ang lahat para mapunta sakin ang pag tingin na yun."

Tumango na lang siya. Wait what? parang kakaiba yung sinagot ko. Bahala na, lumabas na eh.Wala man lang akong nakuhang kakaiba sa kanya. Lahat naman ng sinabi niya, ganun din ako. Siguro dahil nga yun sa magic. Hay nako, nandyan nanaman tayo sa magic na yan. Sino pa kaya ang pwedeng tanungin para dun? Naubos ang oras ko kakaisip, dumating na ang iba ko pang kaklase. Syempre, sina Saikha at Aiden na mag kasabay at ang inaalam ko ang pagkatao, si Wesley. Ngayon, may isang alas na lang ako para tanungin. Walang iba kundi si Aiden. Pero mamaya na lang kasi nga may praktis pa kami ni Mikoy. Nag excuse ako sa klase at nagpaalam kay Saikha.

Makalipas ang walang kaekse-eksenang buhay college namin ngayong araw. Nag punta muna kami sa canteen para kumain. Mga two hours lang naman ang praktis namin ni Mikoy.

"Mag si-CR na muna ako ha." paalam ni Saikha. Medyo may kalayuan ang CR dito sa canteen kaya may sandaling panahon kami ni Aiden para mag usap.

"Sige" sagot ni Aiden at umalis na si Saikha.

       Mag uumpisa pa lang ako ng usapan namin ay nauna na siyang mag salita.

"Ikaw ha! Ang bilis mo kay Saikha ha." sabi niya. Nag bigay na lang ako ng pilit na ngiti.

"Alam mo na ba ang lahat?" tanong ko. Tumango siya.

"Oo, at dahil dun, mas naging crush kita!" sagot niya. "Kakaiba ka rin talaga, handa mong gugulin ang mga mahahalagang oras sa buhay mo para kay Saikha. Yung puntong lumipat ka pa ng school, sandalan niya at kahit na walang feelings ang relasyon niyo, ginagawa mo parin ang part mo bilang boyfriend."

"Yun ang pangako ko eh." sagot ko.

"Sabi ni Saikha kaya mo nagawa yun kasi ayaw mong may makita na magpakamatay sa harapan mo." sabi nya. "Pero sa tingin ko, hindi lang yun dun."

      Ang galing ng isang to ah.

"Tama ka" sagot ko. "Alam ko kasi yung pakiramdam ng masaktan. Nung unang beses na makita ko si Saikha, nasabi ko kaagad sa sarili ko na, kung may magagawa ako, hindi ko ipaparanas sa kanya yung daan na ilang ulit ko nang dinaanan. Hindi ko man siya maalis kaagad dun, nandito naman ako para gabayan siya sa kalyeng kabisadong kabisado ko na."

         Binigyan nya ako ng matamis na ngiti. "Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan" sabi niya. "Mahal na mahal ko yang kapatid ko na yan, kahit na minsan may topak siya. Sa ngayon nga hindi na siya masyadong dinadalaw nun, marami nang nag bago simula nung iwan siya ni Wesley at nami-miss ko na ang dating siya."

Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Tumingin ulit sya sakin.

"Hindi naman sa mapang abuso ako o kung ano pa man" sabi niya. "Pero, pwede bang dalhin mo siya hanggang sa dulo ng daan na sinasabi mo? Samahan mo siya hanggang sa bumalik ang dating siya. Hindi ko rin kasi alam kung paano, wala na akong ibang maaasahan."

Nginitian ko din siya.

"Oo naman, yun talaga ang plano ko" sagot ko sa kanya.

"Pangako?"

"Pangako" sagot ko.

Ngayon, hindi na lang si Saikha ang pinangakuan ko, pati si Aiden. Sana nga magawa ko, sana nga maialis ko na siya sa sakit na nararamdaman niya. Sana.

"Pero..." uumpisahan ko na sana ang topic na gusto kong pag usapan namin, pero nakita ko si Saikha na palapit na.

"Tyaka na lang, pengeng number mo, tatawagan na lang kita mamaya."

Bigla nanamang nag bago ang mood niya. "Sus! Eto naman, sabi ko na nga ba type mo ko eh!. Wag kang mag alala, handa akong mag hintay hanggang sa matapos yang pinag dadaanan ng kapatid ko."

Ngumisi ako.

"Baliw! May itatanong lang ako." sagot ko.

"Ano na!?" bati ni Saikha nung makaupo siya.

"Wala" sagot ni Aiden. "Pinag uusapan lang namin kung gaano ka ka-cute."

Tinignan lang niya nang masama si Aiden.

"Seryoso." dagdag ko kaya napatingin siya sakin.

"Ang cute cute talaga ng girlfriend ko!" sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.

"Trip niyo nanaman ako" asar niyang tugon.

"Hindi ah!"


**********-******--*--------


"Ano ba yun?" tanong ni Aiden sa kabilang linya, hindi naman halatang excited siya.

"Sige, eto na nga" huminga akong malalim. "Ano ba yung mga bagay na gusto ni Saikha kay Wesley?" tanong ko.

"Mababaw lang naman kaligayahan nitong isang to." sagot niya. "Kaya tignan mo pag nasaktan, ang lalim."

"Ano na yung sagot mo?" tanong ko ulit.

"Okay, okay, iniisip ko pa kasi eh" sagot niya. "Pero bago yan, eto lang munaang gusto kong sabihin sayo. Si Wesley ay si Wesley at ikaw ay ikaw. Ang isa sa mga nagustuhan ko kay Wesley ay totoong tao siya, kaya malaki rin ang pag tataka ko kung bakit niya nagawa yun kay Saikha... Hindi yun ang point ko, ang punto ko dito. Just be yourself, ang pagiging ibang tao ay nakakapagod, mas mahihirapan ka lang"

Napaisip ako sa sinabi niya. May punto siya dun. Ano naman kung mas gusto ni Saikha si Wesley?

Si Wesley ay si Wesley, kailan man hindi magiging ako. Ibigsabihin ba nun hindi na mababaling sakin ang pag tingin ni Saikha?

"Hindi, isa lang ang ibigsabihin nun. Kailangan mo siyang higitan sa mata ni Saikha."

"Salamat Aiden. Salamat!" sabi ko.

"Sure thing, Zen." sagot niya.

"Sige, salamat ulit. Bye"

"Bye" paalam niya at pinatay ko na ang tawag. Kailangan ko siyang higitan. Kailangan. At kung bakit? Sa sarili ko mismo, hindi ko malaman ang dahilan.

Ang GULO TALAGA......


.

End of Chapter...

Ano sa palagay ninyo? Ano bang nararamdaman ni Zenon?

Tulungan niyo ngang mag-isip to.

Parang timang eh. Indenial lang talaga.

Abangan!

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top