SAANL 12-2: Preparation

All Right Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014


"Zenon's POV"

"Nasabi ko na sa kanya" sabi ni Saikha matapos ang isang buntong hininga. Napangiti naman ako dun.

"Anong reaksyon niya?" tanong ko. Mag kausap kami sa phone, at kine-kwento niya yung nangyari sa date nila ng kapatid niya.

      Those things that happened between me and Wesley, sa amin na lang yun. Hindi niya dapat malaman. Lalo na nung sinabi ni Wesley na mahal pa niya si Saikha. Baka lalong umasa si Saikha at masira ang kung anong meron sa amin dahil sa sinabing yun ni Wesley.

       Dama kong nagsasabi siya ng totoo nung sinabi niya yun. Pero may malalaking bagay ang pumipigil sakin para paniwalaan yun. Ang pag iwan niya kay Saikha at ang relasyon niya kay Monique. Baka sinabi lang niya yun para iwan ko si Saikha, which is, hindi ko gagawin. Ano siya, sinuswerte?

"Nagulat siya, tapos balik sa pagiging baliw."  sagot niya.

"Sige, kita na lang tayo." sabi ko sa kanya.

"Sige, bye" sagot niya.

"Nasan yung 'love you'?" tanong ko.

"Ulul! Sige na." sabi niya ulit.

"Sige, bye" sagot ko.

"Love you!" pahabol niya. Kaya lang, saktong matapos niyang sabihin yun ay napindot ko na ang end call button.

"Sinabi niya talaga yun?" tanong ko sa sarili ko. "Sinabi niya nga, totoong totoo eh!" sagot ko rin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Bakit ganto? Parang may kinikiliting parte ng katawan ko na kailan man ay hindi nag-exist. Bahala na nga, antok lang to.

***Laptop - check!Wifi - check!

Komportableng upuan - check!

Notebook at ballpen - check!

Juice - check!

For what's these for, para sa mahaba-habang pagsi-search. Kanina pa kasi ako nag iisip kung paano ko gagawin yun?

Ang alin?

Yung sinabi ko kay Wesley. 

'Hindi ko hahayaan yun, Wesley. Hindi ko hahayaang bumalik siya sa taong nang-iwan at nanakit sa kanya. Yang ipinag mamalaki mong nararamdaman niya para sayo, mawawala rin yan at mababaling sakin'

Paano ko mapapa-ibig si Saikha? Binuksan ko ang laptop at nag-browse sa google.

'How to make a girl fall in love'.

"Enter" sambit ko sabay pindot din dito.

Tapos ang daming nagsilabasan. Lalo lang akong nalito eh. Ang laki ng problema ko.

      Paano ko magagawang ma-inlove sakin si Saikha? Ano ba kasi yung magic na sinasabi niya? May nabibili ba dun? Nakakain ba yun?

"Bahala na nga!" binuksan ko ulit ang browser. Sinearch ko ulit lahat ng ginawa ko kanina. Parehas silang lahat, sinulat lahat ng pag kakapareho nila at nauwi sa listahang ito.

1) Alamin ang kanyang type - Kung anong klase ng lalaki ang gusto nya. Medyo alanganin ako sa isang ito. Isang lalaki lang ang gusto niya, at si Wesley pa yun, leche!. Hindi ko gustong maging si Wesley. Pero try na rin natin yung magagandang traits ni Wesley. Baka sakaling gumana.

2) Ipakita kung saan ka magaling -Dun sa bagay na bihira lang ang taong magaling o kaya siya mismo ay hindi ganoong nabigyan ng talento sa bagay na iyon. Bago sa kanyang paningin na mag papamangha talaga sa kanya. Meron ba? Ilan lang ata.

3) Ibigay ang iyong Sweet TLC - Mas maging sweet sa kanya, ipakitang mahal mo siya at may parte talaga siya sayo. Kung mapaparamdam mo yun, mag kakaroon ka rin ng special part sa kanya. Putek, bakit ko nilagay to? Sweet na naman ako. The problem is, paano ko ipapakitang mahal ko siya. Oo, may parte siya sa akin, yung parteng;  'hindi ko hahayaang masaktan'.

Pero yung sa pagmamahal talaga, alanganin. Ni Hindi ko nga alam kung paano mag mahal ulit ng babae mula nung huli kong naging gf dati. Basta! Bahala na talaga!

4) Suyuin din ang family niya - yung tipong magugustuhan ka nila para sa kanya. Syempre, hindi lang dapat maging mabait, magalang, etc. Pag nasa harapan sila, hindi man nila nakikita dapat maging kaaya-aya ka parin. Mas may pag-asa pag may kapit sa pamilya. Hindi ko na naman kailangang mag panggap sa bagay na to. Kaya lang, si Aiden pa lang ang nakakasama kong kapamilya nya. Tingin ko naman, ayos lang sa kanya lalo pa't alam na niya ngayon.

5) Patunayan ang sarili mo sa kanya - Kahit na nakalagay na yun sa ibang number o halos parehas lang. Kailangan mo tong sundin, give your efforts twice and make it last. Ang pangliligaw, hindi matatapos hanggang sa sagutin ka. Patuloy yun sa araw-araw na kasama mo siya. This number 5 really matters. Pero ang hirap talaga. Hindi kaya mag mumukhang niloloko ko lang siya? Hindi yun dahil sa kami na bago ko siya liligawan. Kundi, susubukan kong paibigin siya, ibaling sakin ang pag mamahal na nararamdaman niya kay Wesley.

       In any chance, paano kung mahulog sya? Paano kung mahalin nga niya ako? Anong gagawin ko? Hindi ko talaga siya mahal, ginagawa ko lang to para hindi na siya masaktan sa Wesley na yun. Eh paano na nga kung mag tagumpay ako? Sakin naman siya masasaktan kasi mahal na niya ako tapos hindi ko pa siya mahal. Ako naman ang mang iiwan sa kanya sa ere? Paano kung hindi ako makatagal? Iiwan ko lang din siya? Ako pa mismo ang mananakit rin sa kanya? Hindi ko rin kaya yun.

     Sinarado ko yung laptop sabay tungo. Ginapang ulit ang dalawang kamaysa buhok ko.

"Problema tong pinasok ko." sabi ko sa sarili ko.  Sa totoo lang, nung ialok ko sa kanya na ako muna ang boyfriend niya, problema na talaga. Hindi ko kayang mag-handle ng relasyong ito. Hindi ko siya magagawang mahalin. Sandalan lang nya ako, nakapangako ako. Pero parang hindi pa rin siya nag uumpisang mag move-on. ANG GULO!!!

    Sumandal ako sa sofa at tinignan ang kisame. Napuno ang paligid ng tunog ng pag takbo.

"KUYA!" sigaw ni Stefany. Umayos ako ng upo at tinignan ang direksyon niya.

"What's your problem?" tanong niya nung kinandong ko na siya sa lap ko.

"Life, this life is my problem" sagot ko sa kanya.

"No, its not, Kuya" sagot niya.

"Life is love." nakangiti niyang sabi.

"How'd you know that?" tanong ko.

"Mom" simple niyang sagot.

"She said, if you're having a problem it means your in love. You wont get frustrated in something that you dont like. If you're having a problem on a thing or people, it only means they matter to you. The root of all is love." sabi nya na pilit pang ginaya ang tono ng pananalita ni Mama at may pasingkit singkit pa ng mata dahil sa pag alala sa litanyang kinabisado niya. Aba tong batang to ah. Parang matanda!

"Do you love me?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Then, Im a problem."

Umiling siya.

"No, Kuya. You're just love!" nakangiti niyang sabi.

"I love you too!" sagot ko at pinisil ang ilong niya.

"I got to go, Kuya. Lola's coming." sabi niya. Tumakbo siya papunta sa may labas para hintayin si Lola tulad ng sinabi niya.

'Hindi ka mag kakaroon ng problema sa bagay na hindi mo gusto'

       Tama, kung wala kang paki-alam sa isang bagay, hindi mo iisipin kung ano mang meron dun. Oo, mahalaga si Saikha sakin. Kahit walang pundasyon ang pag kakaibigan namin, kahit ilang araw pa lang kaming nag kakasama. Para kasi siyang isang babasaging dyamante na dapat kong pag ingatan, lalo na nung mga oras na nakita ko siya sa rooftop. Mahalaga talaga siya, pero hindi ibigsabihin nun, mahal ko siya.

Hindi nga ba?

.

.

End of chapter...

Ayun na oh.

Nag resrarch pa talaga diba?

Ibang klase din tong si Zenon eh.

Abangan!

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top