CHAPTER 15
Chapter Fifteen
Destiny
A month being glued beside him was the craziest month I've ever been.
Bukod sa hindi na ako nilubayan ng galit ni Clare at mga tsismis na pinagsasabay ko ang magkapatid ay pakiramdam ko'y sanay na sanay na akong si Ramiel ang kasama at dapat ay siya lang. Kaya ngayong si Rigel ang sumundo sa akin ay gusto kong manibago. Not that I don't want him to do it pero ewan ko ba, parang may kulang ngayong ito ang kasama ko. Hindi gaya kapag si Ramiel na nag-uumpisa palang ang klase at katatapos palang naming maghiwalay ay gusto ko nang idasal na sana matapos kaagad ang lahat para makasama ko siya ulit.
Kapag ito ay para akong kinikiliti sa tagiliran palagi. Para akong napipipi at wala nang ibang gustong gawin kung hindi ang namnamin ang bawat segundong nasa tabi ko siya. And yes, it's because it wasn't just a mild crush. Mabilis iyong na-develop at hindi ko na alam kung posible pang mawala. It's funny to think that I'm thinking about all these things when I should have catch up with Rigel. Na-guilty ako't napabuga ng hangin sa ere dahil sa mga naisip.
"You don't need to make me feel that Ramiel is your favorite driver now."
Awtomatikong nawala ang paningin ko sa labas ng sasakyan, lito akong napabaling sa kanya.
"W-What?"
Tumawa siya at umiling.
"Sobrang tahimik mo. Azalea, isang buwan palang kitang hindi naipapag-drive pero ang bilis mo namang magpalit ng favorite bodyguard." may tampong pagbibiro niya.
Napanguso ako at pabirong sinapak ang braso niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"You're not usually that silent when I was your regular driver."
"Sorry. Siguro nasanay na akong tahimik sa biyahe. Hindi naman kasi kami nag-uusap ng kapatid mo."
"Sus. I'm hurt but I'm okay. Kaya ko 'to. Wala 'to, Izzi."
Muli kong sinapak ang braso niya. Nakangiti man ako pero hindi nawala sa utak ko ang ilang katanungan.
Tahimik nga ba ako dahil tahimik si Ramiel at nasanay na rito o nami-miss ko ito kaya wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya?
Mabilis kong ipinilig ang ulo ko ng may maalala. Hindi naman ito ang unang beses naming pagkikita ni Rigel pagkatapos ng isang buwan pero ito ang unang kami lang ulit dalawa ang magkasama. Doon ko na-realized na sa lahat ng nangyari ay hindi rin ako lubos na nakapagpasalamat sa kanya noong huling malagay ulit ang buhay ko sa peligro.
"Rigel, you're still my favorite Del Rio, okay? Pero huwag mong sasabihin 'yon kay Ate Sky,"
Naiiling itong tumawa.
"Anyway, bukod sa gusto kong sabihing na-miss ko rin ang ganito, gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng mga nagawa mong pagtulong sa akin. I've never had a chance to talk to you since the incident happen. Parang ang daming nangyari at nakalimutan ko 'yon. I'm sorry."
"Don't think about it, Izzi. It's all my brother. Siya lang ang dapat mong pasalamatan. Iyong una ay kasalanan ko dahil ako ang nagdala sa'yo sa lugar na 'yon kaya ka napahawak."
Mabilis akong umiling upang putulin siya.
"I still want to thank you at mali kang si Ramiel lang ang lahat ng may gawa kung bakit maayos ako ngayon at nakakulong na ang mga lalaking nagtangka sa akin. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ibabalik ni Ramiel ang mga libro ko at kung hindi siya sumunod sa utos mo ay hindi niya ako maabutan sa gano'ng sitwasyon. Ikaw pa rin ang puno't-dulo ng lahat kaya maraming maraming salamat."
Nilawakan ko pa ang ngiti ko para ipakitang totoo 'yon at galing sa puso pero unti-unti rin iyong napawi nang mahinto kami sa traffic light at lingunin niya ako gamit ang mga nalilitong titig, tila nagkaro'n ng amnesia at pilit na pinupunan ang mga pangyayari para maintindihan ako.
"What books?" naguguluhan niyang tanong.
"Iyong librong naiwan ko sa sasakyan ni Ramiel. Iyong dadalhin niya sa bahay ng gabing–"
"I don't know about your books, Izzi." putol niya sa aking dahilan ng paglaglag ng aking panga!
"W-What?"
"Hindi ko alam na pupuntahan ka niya ng gabing 'yon at mas lalong wala akong kinalaman sa librong naiwan mo. Besides, no one is allowed to go inside his car without his permission kaya paano ko malalamang may naiwan ka?"
Naningkit ang mga mata ko habang pilit na inaalala ang mga sinabi ni Ramiel nang gabing 'yon. Hindi na ako nakapagsalita. Iniisip ko kung nananaginip ba ako ng mga panahong sinabi niya 'yon o talagang totoong ginamit niya lang ang pangalan ng kanyang kapatid para idahilan sa akin? But why?
Naputol ako sa pag-iisip ng umandar ulit kami kasabay ng pagtawa ni Rigel.
"It's all him, Izzi. Siya ang may gustong ibalik ang mga libro mo kahit na pwede namang ipagpabukas," kumunot ang noo ko sa nakangisi niyang mukha. "But I'm glad that he did that dahil kung hindi ay baka tuluyang nagawa ng mga lalaking 'yon ang pakay sa'yo."
Inalis ko ang tingin sa kanya. Nalaglag ang mga 'yon sa aking mga kamay na nasa ibabaw ng aking hita, muli akong nag-isip pero wala akong nakuhang sagot kung bakit kailangan niyang magsinungaling at kung bakit nga ba niya isasauli ang mga libro ko gayong magkikita rin naman kami kinabukasan?
Pareho kaming natahimik hanggang sa makarating na kami sa bahay. Naroon si Mama at nag-aabang pero bago pa ako makalabas ay napigilan ako ni Rigel. Parang may kung anong bumundol sa puso ko ng makita ang kaseryosohan sa mukha niya habang hawak ang kamay ko.
"Do you believe in destiny, Izzi?" nababaliw niya tanong.
"A-Ano?"
"Kasi kung hindi, gusto kong maniwala ka," the side of his lips gently curved. "Tingin ko it was destiny's work para pareho kayong mag-isip ng dahilan para puntahan ang isa't-isa ng gabing 'yon at ang masalimuot na nangyari ay parte lang ng kung ano ang magandang nangyayari sa inyong dalawa ngayon." aniya sabay bitiw sa akin.
Hindi ako nakagalaw. Ang tanging naisip ko lang ng mga oras na 'yon ay hindi ang destiny kung hindi ang pagiging weirdo ni Rigel na dinaig pa si Kupido sa mga haka-haka niya. Pinilit kong ngumiti nalang bilang sagot bago nagpasalamat at bumaba sa kanyang sasakyan pero bago ko pa maisara 'yon ay nagpahabol pa ito.
"I will never be your driver again, Izzi. Hindi na bale kung hindi na ako ang magiging paborito mo. I am the best but Ramiel isn't that bad. He is not bad for you–"
Malakas kong naisara ang pinto bilang sagot. I see him laughing inside his car pero hindi ko na inintindi. Bumusina siya ng isang beses bago imaniobra ang sasakyan pabalik sa mansion. Sapo ko ang aking dibdib habang pinapanuod iyong lumayo.
It was Ramiel... Just him...
Hindi ako pinakalma ng ilang milyong katanungan at pagsusumigaw ng utak ko matapos malamang walang kinalaman si Rigel sa mga librong idinahilan ni Ramiel nang gabing 'yon.
Napalunok ako. Nasisilaw man ako sa batong nasa hikaw niyang kumikinang sa tuwing nasisinagan ng araw ay hindi iyon dahilan para maputol ang titig ko sa kanya. We are just fifteen minutes away from SMDD pero pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras ngayong araw na 'to.
Binibilang ko ang pintig ng puso ko pero habang tumatagal ang titig ko sa kanyang seryosong mukha habang nakatitig sa daan at nagmamaneho ay bumibilis iyon. Like it's working out on its own. Tumatakbo sa treadmill, nagbubuhat ng barbel...
"I know I was gone yesterday but you don't need to make me feel like you haven't seen me for ages."
That made me swallowed the bile in my throat. Hinanda ko ang sarili ko sa maraming tanong na gustong ibato sa kanya.
"S-Sorry... May iniisip lang."
Say it, Izzi! Say something about his lies!
"Kailangang nakatitig ka sa'kin habang nag-iisip?"
"M-Masama?"
Doon na niya ako sinulyapan gamit ang matalim at nagsusungit na titig. Napasinghap ako.
"I-I mean..."
Tumaas ang kilay niya.
"What?'
"Naalala mo 'yong gabing nangyari 'yung..." iginalaw ko ang kamay ko para hindi na kailangan pang banggitin ang nangyari, mukhang nakuha niya naman kaya nagpatuloy ako. "Sabi mo kaya ka pupunta sa bahay kasi isasauli mo ang mga libro ko."
Nanatili siyang tahimik, gusto lang akong pakinggan.
"Sabi mo inutusan ka ni Rigel na gawin 'yon, 'di ba?"
Hindi siya sumagot.
"Sabi mo kaya ka pupunta kasi sinabi niyang ibalik mo, tama?"
"Yes."
Liar!
"Oh..."
Inilihis ko ang mga mata sa kanyang mukha at itinuon iyon sa kanyang mga kamay na nasa manibela, napirmi ang titig ko sa kanyang mga singsing. Imbes na aminin sa kanyang alam ko nang nagsisinungaling siya ay iniba ko ang usapan. I don't want to ruin his already ruined mood.
"You really love wearing jewelries, do you?"
Gumalaw ang kanyang mga kamay na mayroong singsing sa lahat ng daliri maliban sa dalawang fourth finger.
"May I ask why?" ibinalik ko ang tingin sa kanya.
Nanatili ang mata niya sa daan pero wala sa hitsura niya ang kagustuhang sagutin ang tanong ko. Ano pa nga bang bago? Isang buwan na pero hindi naman kami nag-uusap ng mga ganitong bagay. Ang tanging topic namin ay kung saan magkikita at anong oras, bukod doon ay wala na.
"It's okay," inalis ko ang tingin sa kanya. "Sorry kung matanong ako. I'm just trying to get to know you lalo na ngayong palagi tayong magkasama but it's okay. Kung ayaw mo, okay lang–"
"Walang malalim na rason." pagpuputol niya sa akin kaya muling bumalik ang ngayo'y nahihibang kong tingin sa kanya.
Nakagat ko ang aking pisngi ng bagalan niya ang takbo ng sasakyan pagkatapos akong lingunin.
"This is something I need more than I want."
Kumurap-kurap ako, siya naman ang binibigyan ng pagkakataong magsalita. Sabay naming nilingon ang kanyang mga kamay. Bahagya niyang iginalaw ang bawat daliri rito.
"I always get into trouble at kamao ko ang mas ginagamit ko sa bawat kaguluhang nasasangkutan ko and these babies make it easier for me every time."
Para akong baliw na tumango-tango.
"That's it?"
He nodded too.
"That's still a reason at tingin ko malalim 'yon. They're basically your little helpers."
Gusto kong mapangiwi sa mga sinabi ko ngunit ng makita ko ang bahagyang pagkurba ng kanyang labi para palabasin ang isang ngiti ay parang gusto kong magtatatalon sa tuwa! Oh my God! Did he just smile?
"Little helpers..." he murmured.
"Hindi ba?"
"It's weird. Parang sinabi mong may mga duwendeng nakatira sa daliri ko."
Hindi ko na rin napigilang mapangiti. Hindi makapaniwalang pinagsasaluhan namin ang simpleng tuwang ito. I never thought of this moment, ever. Ni minsan nga ay hindi ko inisip na makakausap ko siya pero iyon ang nangyayari ngayon!
We are having a nice conversation and there, right in that moment, I wished that he would go much slower... Mabagal na mabagal na sa sobrang bagal ay hihinto nalang ang oras at magbibigay para sa aming dalawa... Sa oras na kasama ko si Ramiel.
"I-I'm sorry. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." masaya ko pa ring sabi, hindi na yata ako malulungkot ng ilang buwan pagkatapos nito.
"Can I ask more?"
"I'll answer what I want to answer."
"Right. Kung kailangan mo 'yan, bakit hindi lahat? Bakit ang mga ring finger mo wala?"
"I don't want to answer it."
"Okay. Pero may chance bang masasagot mo 'yon balang araw?"
"I might if you stop being weird."
"Anong weird 'don? It's just a plain question."
"That I don't want to answer."
"Fine," huminga ako ng malalim habang patuloy na iniisip kung paano sasamantalahin ang pagkakataong ito. "Eh kung ang mga singsing mo ay needs mo, ano naman ang mga wants mo?"
Naramdaman ko ang pagbalik ng takbo namin kanina kaya natataranta akong nagsalita ulit!
"O-Okay! Hindi mo kailangang sagutin pero huwag mo namang bilisan ang pagpapatakbo!"
"Huh?" magkasalubong ang kilay niyang tanong nang sumulyap sa akin.
"I mean, tingin ko mas okay kung mabagal lang ang takbo natin! Mas safe tayong makakarating sa university at mas marami pa tayong oras para mag-usap!" hindi ko na napigilang aminin dahil iyon naman talaga ang totoo ngunit imbes na makinig siya ay mas hinarurot niya lang ang sasakyan.
Nawala ang lahat ng tuwa at kabaliwan sa utak ko ng matanaw ang unibersidad. Nahuli niya akong parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha pero wala namang sinabi.
He carefully parked his car to his usual spot. Inayos ko nalang rin ang sarili ko ng tuluyan niyang patayin ang makina ngunit nang akmang aalis na ako ay sunod kong naramdaman ang pagdapo ng mainit niyang kamay sa aking palapulsuhan.
Gaya ng maraming pagkakataon, habang nagfo-focus ang mga mata ko sa kanyang gwapong mukha ay parang pinapakawalan naman ang mga insekto sa aking sikmura at hindi na napakali!
Ang pagbagal ng galaw ng mundo ko habang nananaginip ng gising ay agad naputol ng magsalita siya.
"I don't want you to be late," tila napapaso niyang tinanggal ang kamay na nakahawak sa akin at agad na kinuha ang mga libro ko. "Marami pang oras para istorbohin mo ako at makausap but for now I want you to be on time for you first class."
Tumindi ang pagwawala ng mga paro-paro sa sikmura ko, ang lagnat sa pisngi ko at ang kombulsyon ng puso ko.
"R-Ramiel–"
"Go now. I'll see you after your class, Almera. Hihintayin kita." mabagal at masuyo niyang sabi kaya muli akong bumalik sa pananaginip ng gising.
~~~~~~~~~~~~
Continuation of this book is only available on Patreon. Join now and read it for FREE. Just click the link on my bio or any announcements link on my wall and sign up to read some of my other free stories and exclusive contents. See you there!
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top