CHAPTER 10

Chapter Ten

Least Expect It


Palingon-lingon ako at hindi makapag-concentrate habang nasa loob ng library sa mansion ng mga Deontelle. Biyernes ng gabi, dalawang araw matapos ang pag-uusap namin ni Ramiel sa parking lot ay hindi ko na ito nakausap kaya minabuti kong sumadya na rito para kausapin siya ulit at linawin ang mga napagkasunduan.

"Any news Izzi?"

Napapitlag ako ng makita ang pagsulpot ni Ate Sky makalipas ang isang oras nang pakikipag-usap nito kay Jaycint kanina.

"S-Sa school po?"

She nodded at smiled sweetly at me. Parang gusto kong ma-guilty dahil sa patuloy kong pagsisinungaling pero 'yon ang kailangan kong panindigan sa ngayon. I don't want her to get hurt. Naisip kong totoo rin palang may mga bagay na mas mabuting hindi mo alam minsan. Because what you don't know won't hurt you and I think I'll leave it that way... At least for now.

"Wala Ate... Tahimik ang buong San Martin," totoo iyon. "Walang gulong nangyayari. Baka busy lang rin po talaga sa pag-aaral sila Ramiel."

Lumawak ang ngiti niya. Hindi man buong loob na naniniwala ay binigyan na rin ang sarili ng benefit of the doubt. We talked about school for a bit. Nang maisip ko ang pakay ko ay saka lang ako nagtanong.

"Speaking of Ramiel, Ate, nandiyan na po ba?"

"Why? May atraso na naman ba sa'yo ang kapatid ko?" nag-aalala niyang tanong pero agad akong umiling.

Of course, hindi ko pala dapat sinabi.

"Wala, Ate! Hindi po ba sabi ko nga tahimik na siya ngayon. Ibig sabihin kung nandito na siya at nakauwi ng maaga ay totoong nagtitino na kahit paano."

"Right. He's in the patio."

Pinigilan kong magmukhang excited. Hindi dahil sa pagtatagpo namin kung hindi dahil magagawa ko ang pakay ko. Naghintay ako pero hindi na rin nagtagal ng iwan ako ni Ate Sky kaya nakalabas ako. Agad kong pinuntahan ang sinabi niyang kinaroroonan ng kapatid. Malayo palang pero bumibilis na naman ang pagwawala ng bagay sa aking dibdib. Bukod sa panalangin na sumunod siya sa napagkasunduan ay hiling ko rin na hindi ko makasalubong si Rigel o di kaya'y makita kami ng kapatid na magkausap.

Hinayaan kong sumagap ng hangin ang aking baga bago maingat na lumabas sa patio. Nakatalikod si Ramiel at tahimik na naninigarilyo, siguro nakatulala rin. Ayaw ko mang istorbohin pero kailangan kong dalian para matapos na kaagad.

"Ramiel." malumanay kong sambit sa kanyang pangalan.

I'm proud that I didn't stutter. Iyon nga lang, sa pagharap niya ay parang gusto kong pagsisihang inistorbo ko siya.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay pero hindi ako natakot. Good job, Izzi. You are doing great!

"Gusto ko lang ipaalala lahat ng napag-usapan natin last time."

Umangat ang isang gilid ng labi niya at parang walang narinig dahil hindi ako sinagot. Imbes kasi na 'yon ang gawin ay inangat niya lang muli ang hawak na sigarilyo. Kuminang ang mga singsing na nakasuot sa kanyang bawat daliri maging ang bato sa kanyang hikaw.

"Kung iniisip mong huwag gawin ang napagkasunduan, ngayon palang sinasabi ko nang magsisisi kapag hindi mo ginawa," kinuha ko sa aking bulsa ang aking telepono at ipinakita sa kanya. "Alalahanin mo, isang tawag ko lang kay Ate Sky tapos na ang lahat ng kalokohan mo."

Bumaba ang ngisi sa kanyang labi at muling tumalim ang titig sa akin. Oh, try me Ramiel. Ako naman ang napangisi.

"Hihintayin kita dalawang kanto simula rito sa mansion bukas ng eksaktong alas sais ng gabi at hindi mo na kailangan pang sabihin kay Rigel ang pagpunta ko. Malalaman niya kapag nagkita na kami sa pit."

Nagpatuloy lang ito sa paninigarilyo at hindi pa rin sumagot pero imbes na pakatitigan lang ako ay tumalikod na siya, walang amor at wala talagang pakialam sa lahat ng mga pinagsasasabi ko.

"Good talk. Mabuti at nakapag-desisyon ka na," sinadya kong idagdag. "Totoo nga talaga ang balitang matalino ka."

Narinig ko ang mahina ngunit sarkastiko niyang tawa, nanatiling nakatalikod sa akin.

"Piss the fuck off. Leave me alone."

Mas lumawak ang ngisi ko sa narinig.

"You're welcome!" masaya kong sagot sa kanya pero ng umikot palingon sa akin ang kanyang mukha ay doon na ako naduwag!

I don't want to push his buttons kahit na ngayon ay alam kong ako ang panalo. Kahit kasi pumayag na siya dahil wala naman siyang choice ay hindi ko pa rin sigurado kung dapat kong ikakampante 'yon. Alam kong may kabayaran ang lahat ng ito at dapat ko pa rin iyong paghandaan.

"Mari, bakit naman?" malungkot kong tanong nang sabihin niya sa aking hindi niya talaga ako masasamahan ngayong araw sa pit.

"Kailangan ko kasing samahan si Mama sa pagdi-deliver ng mga bulaklak ngayon. Isa pa, hindi rin ako pwedeng gabihin dahil magsisimba kami bukas."

Malungkot akong napatango at wala na ring nagawa kung hindi ang harapin si Ramiel at tiisin ito sa buong biyahe na mag-isa patungo sa pit na 'yon.

Malakas ang kalampag ng aking dibdib habang kagat-kagat ang labi at naghihintay sa itim na sasakyan kinahapunan. Hindi ko pa man ito nakikita ay parang gusto ko nang matakot. Hindi lang para sa sarili kung hindi para na rin kay Rigel sa gagawin nito ngayong araw.

Naupo ako sa waiting shed pero hindi inalis ang tingin sa direksiyon ng posibleng pang gagalingan ng lalaki. Habang umiikot ang oras ay bumibigat ang pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang ring sisihin ang sarili ko dahil kung hindi naman dahil sa akin ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. I sighed heavily. Muling kinagat ang pang-ibabang labi habang iniisip ang mga posibilidad. Gano'n akong naabutan ni Ramiel kaya nang businahan niya ako ng malakas ay napapitlag ako't napamura pa!

Inis akong tumayo para lapitan ang sasakyan ngunit ng makapasok doon ay hindi naman nagawang pagalitan ang lalaki. He just looked at me and that's it. Parang hangin lang kami sa isa't-isa. Ilang minuto pa ang lumipas ng magkaroon ako ng lakas ng loob na basagin ang katahimikang namamagitan sa amin.

"M-May daraanan pa ba tayong iba para isabay papunta do'n?"

Tahimik siyang umiling.

"Marami bang manunuod?"

Sa pagbaling niya gamit ang matalim at nananakal na titig ay naitikom ko ang aking bibig... Pero sandali lang 'yon.

"Manunuod ba ang mga alipores mo? Sila Clare?"

"Why do you care? Can you just shut up?"

Napasimangot ako pero hindi nagpadaig sa mga pagsusungit niya.

"I can't. May bibig ako para gamitin upang magsalita. Isa pa, gusto ko lang maghanda. Paano kung ako lang pala ang babae do'n at–"

"Ikaw lang ang babae do'n kaya pwede bang manahimik ka nalang."

"W-What?!" marahas akong napalunok! "Bakit ako lang?!"

"Bakit hindi?!" sarkastiko niyang sagot.

Tinanggal ko ang tingin sa kanya at itinutok ito sa daan. Sa pagkakataong 'yon ay gusto kong magsisi. Una, hindi ko siya lubos na kilala. Pangalawa, kahit naroon si Rigel ay wala itong magagawa dahil si Ramiel naman ang palaging nasusunod sa mga desisyon at pangatlo, marami akong atraso sa kanya at hindi imposibleng dito niya ako gantihan!

Paano kung ibenta niya ako sa mga lalaking dadalo ngayon sa event?! Oh my God!

"Para sabihin ko sa'yo, hawak ko ang telepono ko sa buong durasyon Ramiel," kinuha ko 'yon at ipinakita sa kanya. "At nakatapat na 'yon sa contact ni Ate Sky kaya kapag sinubukan mong gawan ako ng masama, malalagot ka. It will be over for you." pagbabanta kong dahilan ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay! Mukhang nababaliwan sa akin.

"What the fuck are you talking about?"

"Well, binabalaan lang kita. Alam kong marami akong atraso sa'yo pero hindi 'yon dahilan para gawan mo ako ng masama ngayon. Mabuti pang ibaon mo na sa limot ang pagganti–"

His laugh cut me off. Para akong nabulunan sa paghinto ng mala-demonyo niyang tawa sabay baling sa akin.

"Baka nakakalimutan mo, I said I wouldn't make it easy for you, Almera. I wouldn't harm you today or tomorrow, who knows. My wrath is like the second coming, it will happen when you least expect it."

Imbes na matakot ay lumiwanag ang mukha ko.

"So you read the bible, huh?"

Ngumisi siya. "No, fucking way."

"Eh bakit may pa second-second coming kang nalalaman? Alam mo bang galing 'yon sa bible?"

"What's the point?"

"Ang punto, nagbabasa ka ng bible kahit na mukhang imposible dahil sa..." hindi ko maituloy, ayaw ko nang dagdagan pa ang mga kasalanan ko at dahil sa nalaman ay parang ayaw ko na rin muna siyang i-judge.

What else will I discover?

Iritado niyang tinanggal ang titig sa akin at hindi na ako sinulyapan.

"I read a lot of books, so fucking what."

"Nothing. You don't have to be defensive."

"Stupid, girl." mahina niyang sabi pero sadya para marinig ko.

"I can take that. Whatever you say. Kung stupid ang tingin mo sa'kin, barumbado, adik, fuck boy at masamang ugali naman ang tingin ko sa'yo and I think it's just fair."

"Shut up already."

"Fine, malapit na ba tayo?" hindi ko pa rin maiwasang pasiglahin ang boses ko dahil hindi na nawala sa utak ko ang pag-iisip na nagbabasa siya ng bible.

Hinintay kong sumagot siya pero hindi na nito ginawa. Doon na ako tuluyang nanahimik. Ilang minuto pa ang lumipas bago humiwalay ang sasakyan sa mahabang kalsada patungo sa bayan. Lumiko ito sa mga lumang daan na mayroon nang matatayog na damo. Limang minuto namin iyong tinahak. Maya maya ay natanaw ko na ang mga sasakyang nakaparada, siguro sa mga bisita pero malayo pa ang abandonadong resort sa kinalalagyan ng mga ito.

"Maglalakad tayo?" lito kong tanong nang patayin niya ang makina matapos iparada sa gitna ng mga sasakyang naroon.

"Depende sa'yo. Kung gusto mong lumipad, feel free." aniya sabay labas ng kanyang sasakyan.

Nagmadali naman akong sumunod. Pinilit kong pantayan ang kanyang mga hakbang pero dahil mahahaba ang biyas niya at maiiksi naman ang sa akin ay naglakad-takbo ako. Mabuti nalang at hindi gaya doon sa warehouse ang daan na masukal, mabato at malamok. Dito ay may daang tinabas at wala ng damo. Maliwanag rin ang buwan kaya hindi ako nahirapang sundan siya.

Ilang dipa ang layo namin sa resort nang may tatlong lalaki nang lumabas galing doon. Pinanuod ko siyang kunin ang kanyang vape at humithit dito habang palapit kami. Nakilala ko ang isang sumalubong sa amin. Si Lorenzo, iyong bouncer sa warehouse pero ang tatlo ay nanatiling estranghero sa aking mga mata. They talked in Spanish and I watched them in awe. That kind of made me admire him, well, siguro dahil crush ko si Jaycint at bihasa iyon sa lenggwaheng espanyol kaya hindi ko rin mapigilang ma-amaze sa kanya ng kaunti.

Tamad niya akong sinulyapan nang siguro'y itanong ni Lorenzo kung bakit kasama ako. Nagsalita ulit siya ng espanyol bago ako kausapin.

"Tara." naglakad siya at awtomatiko namang sumunod ang mga paa ko.

Isang madilim at mahabang daan ang dinaanan namin. Gaya sa warehouse, tago iyon at mukhang mahirap ring malaman kung may nangyayaring kalokohan sa loob. Nang magkaroon na ng mga ilaw maliban sa flashlight ni Lorenzo sa amin ay hindi ko naiwasang suriin ang kabuuan ng lugar.

I remember being here a long time ago. Buhay pa si Papa no'n at nag-outing kaming tatlo nila Mama rito. Napangiti ako ng malungkot. I still remember how lively this place was. Hindi mo aakalaing magiging ganito na ngayon.

Sa pag-ibis namin sa may mahabang slide ay tumambad na sa akin ang hula kong tinatawag nilang pit. There were alcohol everywhere. Kahon-kahong mga alak ang nakalatag sa isang mahabang lamesa. May mga waiter, marami-rami rin ang tao pero tama si Ramiel sa sinabing ako lang ang babaeng narito ngayon.

Ramiel was greeted by another guy. Sandali lang siyang kinausap at pagkatapos ay sinundan lang ito. Sa paghawi ng mga tao ay doon lang tumambad sa akin ang luma at malalim na swimming pool na tiyak kong pangyayarihan ng event.

Prenteng naupo si Ramiel sa malaking pulang upuan na mayroong pinaka-magandang view sa pit. Nang sumigaw ang malaking lalaki sa tabi ni Lorenzo ay natahimik ang lahat at nagsibalikan na rin sa pag-upo sa nag-iisang bagong istraktura sa lugar maliban sa malawak na ring. Iyong mataas na mga bench na nakikita ko lang sa track and field. Hindi natigil ang mga mata ko sa pagkamangha. It was really a place that people regularly visit, like an underground arena.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki na ngayon ay gamit na ang mikropono. Nanatili akong nakatayo sa likod ni Ramiel pero ng maalala ko ang lalaking dahilan ng pagpunta ko ay hindi ko na napigilang kalabitin ito. Nakita ko na kasi si Alejandro na kasama ang ilang mga kaibigan pero ang kalabanin ay wala pa.

"Where is Rigel?"

Kinuha niya ang bote ng hard na alak na inabot sa kanya at walang baso-basong tumungga rito. Nahawa ako sa paglunok niya dahil alam kong mapait iyon pero ang lalaki ay hindi man lang naapektuhan! Parang tubig lang ang ininom.

"Mukha ba akong tanungan ng mga taong nawawala, Almera? I got you inside, 'yon lang ang usapan natin kaya wala na akong pakialam kung anong gagawin mo rito."

I scoffs at that.

"You're just as awful as that alcohol!"

"You mean, amazing and delicious?"

Inirapan ko siya at inis na umalis sa kanyang tabi! Hinawi ko ang mga lalaki, kung wala akong mapapala sa kanya, bakit pa ako maghihintay?

Gusto ko sanang tanungin si Lorenzo dahil ito lang naman ang pamilyar sa akin bukod sa mga alipores ni Ramiel pero nang maalala kong iba ang lenggwahe nito ay iniwan ko nalang rin. Sinuyod ko ang daan paikot sa pit para hanapin si Rigel. Mabuti nalang dahil kahit nakasuot ako ng bestida ay naka-jacket naman ako. Itinaas ko sa aking ulo ang hood para hindi makakuha ng maraming malisyosong pansin.

Malakas ang kabang nararamdaman ko habang patuloy siyang hinahanap pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi ko pa rin ito nakita. Nang makita ko ulit si Alejandro sa kaliwang side ng pit ay umibis ako ng daan at minabuting pumwesto sa tapat ng mga ito dahil siguradong doon naman ang pwesto ni Ramiel.

Tahimik akong naupo, naghintay at hindi naman ako nabigo. Napatayo kaagad ako sa inuupuan ko ng makita si Rigel dala ang kanyang gym bag. Mukhang galing pa yata sa work-out!

Kung nitong mga nakaraan ay gusto kong magtago, ngayon naman ay agad akong tumayo at kumaway sa kanya sabay tanggal ng hood sa ulo ko.

"Rigel!" malakas kong sigaw dahilan para sandaling tumahimik ang kapaligiran at mahinto naman ito sa paglalakad patungo sa aking direksiyon.

"Izzi?!" nalilito niyang tanong kasabay ng paglaglag ng kanyang panga.

~~~~~~~~~~~~


Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top