Chapter 3 : Mall


Klein's POV

~So baby pull me closer at the backseat of your rover~

Napalikwas ako sa kinahihigaan ko ng tumunog yung Cellphone ko sa malapit sa tenga ko Kainis naman! Inaantok pa ako eh. Panira ng tulog kaya tinignan ko yung tumatawag at nakita ko yung pangalan ni calix sa screen.

Kaya sinagot ko na lang ito ." Hello." Inaantok na sabi ko rito .

"Pare, punta tayo sa Mall niyo." Yaya nito narinig ko pa nga yung ibang kaibigan ko na nagtatawanan .

"Anong oras?" Tanong ko habang pinipilit pikit yung mata kong malaki ang eyebags. Napuyat kasi ako kakapanood ng palabas ni Conan.

"Mga Alas dose ng tanghali ." Cool na sagot nito pero natawa ako nung magmura ito ng malakas sa kabilang linya.

"Shit ka Vernon! Yung bird ko yung natamaan mo ng Bote! Arrghh! Fuck ang sakit!." Namimilipit na sabi nito panay naman ang hingi ng tawad ni Vernon rito kaya natawa na lang ako.

"Bye muna, Klein. May gugulpihin lang akong tigang na Blondie ang buhok." Sabi nito pero ramdam mo yung inis sa Tono ng pananalita nito.

"Okay, Patingin mo yung itlog mo baka nabugok na." Asar ko rito narinig ko pa ngang minura ako nito at pagkatapos ay namatay na yung itlog este kabilang linya.

Napapailing na tumayo na lang ako sa kama at napatingin sa bedside table ko dun kasi nakapatong yung Alarm clock ko na walang kwenta dahil hindi rin naman ako nagigising kapag tumutunog.

Alas Nuebe na pala ng Umaga ni hindi man lang ako ginising ni Lola Cumeron. Siya ang nanay ng ama kong namatay at pag nakilala niyo siya naku! Panigurado kahit kayo maiirita sa kabastusan ng bunganga palibhasa kasi wala ng ngipin puro gilagid na lang . Bastos na nga ang bunganga pano pa kaya pagnalaman niyo yung buong pangalan .

Kaya bago ako amagin sa kakatayo ay dumiretso na ako sa bathroom para Maligo at maka-almusal na sa baba.

Makalipas ang kalahating oras ay maghahanap na ako ng maiisusuot . Napatingin naman ako sa mga damit na nakapatong sa kama ko pero wala sa kanila yung gusto kong style ngayong araw.

Parang may umilaw naman sa ulo ko at alam ko na ang susuotin ko.

Louella's POV

"Ilang araw na lang pala at pasukan niyo na,Anak." Sabi ni tatay habang nagkakamot ng ulo. Seriously? Marami ka bang kuto tay? . Uso Magsuyod brad . Gusto ko sanang sabihin 'yan Kay Tatay kaso wag na lang mamaya hindi pa ako bigyan nang pambili ng bagong gamit sa School .

" Oo nga tay ,bibigyan mo na ba ako ng pera pambili ng gamit sa School? Kasi kung bibigyan mo ako ngayon, Sasabay na akong bumili ng School supplies Kay Jingle ." Mahabang sabi ko rito Umayos naman ito ng upo sa aming kulay Red na Sofa . Galing pang Korea ang sofa na yan padala ng 'tiyahin kong nagbebenta ng Kalan . (Kalandian)

"Mamaya ko na bibigay nasa Nanay mo pa yung pera ko." Sabi nito. Palibhasa under de saya kasi Kay Nanay.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng may sumigaw

"Tay!"

Parehas naman kaming napalingon sa likod ni Tatay at nakita si kuya Hanz na Hinihingal Teka? Anyare ?

"Anyare 'sayo? " Takang tanong ko rito .

"Hinabol.. ako ng.. bakla sa kanto." Pahinto hinto na sabi nito with matching hawak pa sa dibdib . " Tapos sabi pa 'nun ." Nahinto naman ito sa Pagpapaliwanag na parang nahihiya siyang sabihin yung susunod .

"Anong sinabi ?" Curious na tanong ni Tatay .

"A-ano." Nahihiyang sabi nito at pinahiran pa niya yung noo niyang basa na ng dahil sa pawis .

" Kuya, pa-chupa bigyan kita ng limang daan." Pagpapatuloy ni kuya Ice ginaya pa nito yung boses ng bakla .

"WAHAHAHAHA!" Sabay naming tawa ni Tatay at nag-apir pa kaming dalawa. Kumunot naman yung dalawang noo ng kuya ko .

"Anong nakakatuwa? / Bakit kayo tumatawa?" Sabay na tanong ng dalawa kong kuya .

Napahinto naman kami sa pagtawa at parehas na umiling .

"Tss." Tinignan pa kami ng masama ni kuya hanz sabay Alis rito sa may sala . Sumunod naman rito si kuya Ice na naka 'lagot kayo look'.

Naku! Mahirap pa naman suyuin si kuya hanz kapag nagtatampo daig pa nga sa akin yan kung magtampo parang babae . Tumingin naman ako kay Tatay na napapailinh na lang .

"Ikaw may kasalanan,tay." Sisi ko rito.

Napatigil naman ito sa pag-iling at nanlalaking matang tumingin sa akin ."Ikaw kaya ."

"Ikaw tay , sino ba ang unang tumawa diba ikaw?," Tanong ko rito .

"Eh,bakit? Diba nakitawa ka rin." Balik na tanong rin nito.

"Ah basta ikaw pa rin ang may kasalan." Sabi ko rito at akmang tatayo na ng may sabihin ito .

"Sige ako na may kasalan. Hindi kita bibigyan ng pambili ng gamit mo sa school." Nakangising sabi nito. Aba't kung hindi lang kita ama naku! Hehe pero labs ko Tatay ko syempre dyan ako nanggaling eh .

"Hehe, Sabi ko nga ako ang may kasalanan." Pilit na tawa ko rito .

"Good." Nag-thumbs up pa ito at nanood na sa tv naming flatscreen na basag ang Screen pero inayos ni Tatay .

Napailing na lang ako at nanood na rin ng Wonder pets na pinapanood ni Tatay.

"~wonder pets ,wonder pets ~ handa na kami ." Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng sabayan ni Tatay yung mga kumakanta sa tv . Yung totoo tatay tumatanda ka ba ng Paurong? Hahaha!

Wag na kayong mag-taka paborito talagang manood ni tatay ng mga cartoon sa umaga. Lalo na yung YEY Channel naku ! Palibhasa naka abs-cbn tv plus.

*Phone ring *

Napatingin naman ako sa may bandang ulunan ko ng tumunog yung Cellphone kong 3210 Nokia . Pinaglumaan ito ni kuya Macoy palibhasa lumevel up yung kanya porke't 3310 na yung sa kanya yumabang na .

*Insert 3210 Nokia Ringtone*

Yung tumunog ulit ay sinagot ko na yung tumatawag .

"Low?" Tanong ko rito .

"High." Sagot nito. yung Totoo nag-gagaguhan lang ba kami nitong kausap ko? Kasi kung Oo nakakagago na.

"Gago! Ayusin mo kasi ." Inis na sabi ko rito . Narinig ko pa ngang humagikgik ito sa kabilang linya .

"Sabi mo kasi Low eh, kaya sumagot ako ng High ." Pilosopo na sabi nito .

"iba-baba ko na ito kung hindi mo aayusin."Banta ko rito .

"Hihihi." Pang-aasar nito .

"Tsk! Abnormal paalam na." Akmang baba ko na sana ang tawag ng.

"Waggg!!!" Sigaw nito kaya nailayo ko yung Cellphone ko sa tenga ko.

"Tsk! Hinaan mo naman muntikan ng mabasag yung eardrum ko sayo."

"Hehehe, sorry po." Ginaya pa nito ung boses ni chichay.

"Hoy! Pidoerto Marasigan, hindi bagay sayo nagmumukha ka lang tanga." Asar ko rito.

"Yak! My name is pida not pidoerto." Maarteng sabi nito.

"Ulol! Ang arte mo ! tandaan mo wala kang mattress para mag- inarte Meron ka lang Bayag!" Narinig ko pa ngang minura ako nito kaya natawa na lang ako .

"Bakit ka ba tumawag?" Tanong ko rito . Narinig ko pa ngang umiyak 'tong gaga na ito.

"Kasi...*huk*...may goodnews na.. badnews ako sa iyo ." Lungkot lungkutan na drama nito .

"Ano naman yun aber? " Mataray na tanong ko rito.

"Puntahan mo ako sa Mendez Mall. Kita tayo sa Starbucks ." Sabi nito. sosyal Starbucks daw?

"Saktong sakto diba papasok ka na rin sa isang linggo sa Thompson University? " Tanong ko rito .

"Oo,bakit?"

"Ibig sabihin mamimili ka na rin ng gamit mo para sa pasukan? "

"Yes"

"Sige! Bababa ko na." Narinig ko pa ngang may sasabihin si pido este Pida pero binabaan ko na ng tawag. Bastos ba? Yaan niyo na mas bastos nga mukha nun sa akin eh.

Pagkalagay ko ng Cellphone ko sa aking bulsa ay Nagmamadali agad akong nagbihis ng damit at dumiretso sa sala .Kung sinusuwerte ka nga naman ! Paano ba naman pagkababa ko ay nakita ko sa sofa ang magaling kong magulang na naglalampungan. Si tatay ay nakaupo samantalang si nanay naman ay nakaupo sa lap ni Tatay . Aba Matinde hindi manlang nahiya na nasa Harapan nila ako . Tsk tsk!

"tay!" Sigaw ko rito kaya naitulak nito si nanay sa Sahig .naku! Yare! Ang sama ng pagkakabagsak ni Nanay sa may sahig ! Una ang mukha at paniguradong ang sakit nun .
"Naku! Mahal , pasensiya na n-nagulat lang ako ." Hinging patawad ni Tatay kay nanay na kulang na lang ay maging si Goku ng dragon ball .

"Bwiset ka talaga! " Galit na sabi ni Nanay kay Tatay sabay Hampas ss dibdib nito. Tumingin pa nga sa akin ng masama si Tatay at sinuyo ulit si nanay .

"Mahal,Sorry na." Naglalambing na sabi nito at ngumiti naman si Nanay . Naku! Nagtitigan pa ang dalawa malapit na sana silang maghalikan ulit ng harangan ko ng palad ko yung mukha nilang dalawa. Mahirap na baka mamaya saan na naman mapunta yung ginagawa nila .

"Kainis naman." Mahinang bulong ni Tatay at Halata sa boses nito ang pagkainis niya .

Tumingin naman ako kay Nanay at saka lahad ng palad ko rito para manghingi ng pera. Pero nagtatakang tumingin lang ito sa akin at 'ano yun Look' .

"Penge po akong pambili ng gamit para sa school, sasabay na po ako kay Marasigan." sabi ko rito .

"ahh, ganun ba? o ito limang daan ." sabay abot sa akin ng dilaw na papel inamoy ko pa nga yung palad ko dahil may naamoy akong malansa saka ko lang naalala na nagtitinda ng isda si Nanay.

Humalik muna ako sa pisngi nilang dalawa at saka umalis na meron pa naman akong ipon sa wallet ko kaya hindi ako kakapusin sa pera.

Naumpog pa nga ako sa may pintuan naming kasing liit Ni Mahal O ni Dagul kailangan mo pa kasing yumuko para makapasok at makalabas ka.

********

(Fast forward)

"Pag ako talaga nakatapos ng pag-aaral bibili ako ng sosyal na pintuan yung glass siya pero hindi mo na kailangan buksan at isarado yung tumatagos ka na lang." Nagiimagine na sabi ko .

Napatigil naman ako sa pagsasalita at napatingin sa Harapan ko na nakatulala. "Huy!" Panggugulat ko rito pero wala pa rin kakalabitin ko na sana ng magsalita ito.

"Yung Totoo Louella, anong Nasinghot mo ngayong araw? Pintuan na glass pero tumatagos ka nalang? Gaga! Kailanagn mo munang Maging kaluluwa bago mangyari yun," Sabay pitik sa noo ko.

"Aray naman! Walang pakialaman ng mga Pangarap! Gusto mo pakialaman ko rin yung pangarap mong magbuntis? Gago! Kahit magpalagay ka ng mattress dyan malapit sa abs mo hinding hindi ka magkaka-anak." Pero ang gaga inirapan lang ako .

Humigop na lang ako sa Frappe ko sabay subo ng KitKat na Chocolate. Ganun rin ang ginawa nung nasa Harapan ko at kumalumbaba pa . Tinitignan nito yung buo kong mukha pagkatapos ay nagsalita na naman.

"Yung Totoo Louella, nag-iisip ka pa ba? Mamaya kinain na ng mga chocolate yung utak mo." Napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang yung isang palad niya ay nakatakip sa bibig niyang naka -nganga.
Napahinto naman ako sa pagsubo ulit ng KitKat at diretso siyang tinignan sa mata.
"Malawak akong Mag-isip." Seryosong sabi ko rito.

Napa-weh? Naman ito pero may kasunod pa yung sasabihin ko.

" Pero mas malawak yung Noo mo." Bored nasabi ko sabay kain ulit ng Chocolate na kala mo ay mauubusan samantalang may dalawang box ako ng KitKat sa bag kong Death note Characters ang design .

"Grabe ka naman! Hindi naman malawak yung noo ko ah?" Sabay kapa sa malawak niyang noo na tinubuan ng pigsa.

"Tingin ka sa salamin para makita mo." Yun na lang ang nasabi ko at nag-angat ng tingin rito. Nakatulala? Kaya sinundan ko yung tinignan nito Nakita ko lang naman ay limang lalaki. Hindi ko naman maiitanggi na gwapo silang lahat pero syempre mas gwapo yung tatlo kong Balahurang mga kuya.

Hindi ko namalayan na nakatulala na ako sa kanila lalo na dun sa cute na lalakeng parang si Conan? Omg! My real life na Conan? Ang cute niya sa suot niyang tokong na black at longsleeve na Dark blue meron rin siyang ribbon katulad Kay Conan ultimo Salamin parehas sila.

"Huy! " Sigaw ni pisga este pisa anunbayan pida pala.

Inis ko naman itong nilingon at nakita yung mapaniksong ngiti nito. "Anu ba yun?!" Inis na sabi ko rito at bumalik na ulit ako sa dati kong pwesto.

"Ikaw ah! Baka malusaw si Conan boy sa kakatitig mo? Sino ba talaga sa dalawa si Mentos Stealer o si Conan boy?" Taas baba pa yung kilay nito .

Napa-isip naman ako sino nga ba? Gwapo kasi si Mentos Stealer tapos cute naman si Conan boy? Ang hirap naman! Tumingin ako sa Harapan ko na naghihintay ng isasagot ko.

"Pwedeng buy one take one?" Nagbe-beautiful eyes pa ako sa harapan nito .

"Gaga! Anong kala mo sa dalawa? Burger lang ang 'peg? Mangarap ka nga ng gising." Sabay bato nito ng tissue sa mukha ko na kaagad ko namang tinanggal dahil may naramdaman akong malagkit na dumikit sa pisingi ko.

Pinahiran ko naman ng palad ko sabay tanong "ano yung malagkit na dumikit sa mukha ko?" Nanlaki naman yung mata nung nasa Harapan ko.

"Hehehe,Shurrie." Kinakabahang sabi nito.

Napatingin naman ako sa tissue nitong nakarolyo at binuka iyon . Nanlaki yung mata ko sa nakita ko! Paano ba naman sipon pala niya yung dumikit sa pisingi ko! Kadiri talaga itong baklang ito!

Kinuha ko na lang yung alcohol at bulak sa bag ko sabay punas sa pisngi ko. Pagkatapos ay ibinalik ko na ulit sa bag at humarap Kay pida na nakapout pa.

"Wag kang gumanyan, mukha kang Asong ulol." Pang-aasar ko rito.

"Bati na tayo?" Parang batang sabi nito.

Tumango na lang ko at akmang yayakapin ako nito ng iharang ko yung palad ko sa mukha nito kaya bumalik na lang ito sa pagkakaupo. "Ano ba yung Good news na bad news mo?" Seryosong tanong ko rito nung maalala ko yung sinabi niya sa cellphone kanina.

"Eto kasi yun, yung good news ko ay sa akin na mapupunta lahat ng ari-araian ng magulang kong pumanaw diba ang saya nun?" Excited na sabi nito . Kung sabagay galing talaga si Marasigan sa mayamang pamilya.

"Ano naman yung bad news? Aber?" Curious na ako eh.

"Kailangan may ipakilala akong girlfriend next month kapag dumating na yung tiyuhin kong mukhang pera. Hindi kasi alam nun na bakla ako eh kailangan kasi kapag napunta sa akin ang Marasigan Incorp . Ay magka-asawa at anak ako na siyang magmamana ng kompanya ko kapag ako ay tumanda na o mawala sa mundo." Namomorblemang sabi nito.

"Eh di maghanap ka ng babae na magpapangap na asawa mo O bibigyan ka ng anak." Suggest ko rito.

"Madikit pa nga lang sa babae ay nangangate na ako makipag-chu Chu pa kaya." Maarte kasi itong baklang ito .

"Anong gagawin mo?"

"May naisip na ako." Sabay tingin sa akin.

"Ano naman yun?"

"Ikaw na lang! Tama! Ikaw na lang girl. Jebal!" Pagmamakaawa nito . ( Jebal/ Please.)

"Ayoko nga." Sabay kain ulit ng KitKat ngumisi naman ito na parang may naisip siyang kalokohan.

"Kahit One year supply ng KitKat?" Nakangising sabi nito.

Ano daw? One year supply ng kitkat kong mahal? Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya. Hindi na ako mangungutang ng Box ng kitkat sa Grocery ni Mang Junior.

"Ano na---" hindi ko na ito pinatapos ng magsalita ako.

"Deal." Pumalakpak naman ito sa sobrang Tuwa .

Klein's POV

Napatingin ako dun sa babaeng nakatulala sa akin kanina pag-pasok namin sa Starbucks . Masaya siyang kumakain ng KitKat sabay inom ng frappe di kaya Magkaron ito ng tonsilitis? O Di kaya naman ay diabetes?

"Sinong tinitignan mo?" Bulong ni Calix sa tenga ko. Tss! Chismoso talaga itong Babaero na ito. Nabugok na yung itlog lahat lahat pero Babaero pa rin.tsk tsk!

Babaero ka rin naman! Sigaw nung nasa isip ko.

Aba! Kasalanan ko ba na pinanganak akong gwapo? Ang may kasalanan nun ay yung kagwapuhan ko hindi ako.

"Uy! Sino na?" Pangungulit ni Calix.

"Tss! Wala." Inis na sabi ko at binalik ko na lang ang atensyon sa cellphone ko manonood na lang ako ng Train to busan pinasa kasi sa akin ni Kroger ito yung driver namin na ka-M.U ni Lola Cumeron.

Plinay ko na yung palabas sabay saksak ng earphones sa tenga ko.naramdaman ko pa ngang kinakalabit ako ni Calix pero hindi ko na ito pinansin dahil busy na ako sa palabas.

___________________

A/n : Annyeong! Mianhae sa matagal na update ko bilang pambawi ay hinabaan ko na yung Chapter na ito. Hahaha! Tengene! Gandang-ganda kasi ako sa Train to busan kaya pinanood ko Kay Klein para naman hindi puro Detective Conan ang panoorin niya . Enjoy Reading !

Don't forget to Vote.Comment.Share

Klein + Louella #Kleila
Cody + Louella #Loudy
Pwede rin namang si Calix +Louella #LouCa HAHAHA! xD joke lang!






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top