Chapter 1
"Time of death 12:00 am," huling sambit ng doktor na umasikaso sa kaniyang mama sa mahabang panahon bago siya nito iwan sa bangkay na lamang na katawan ng kaniyang ina.
Dala ng halo-halong emosiyon na nararamdaman ay napasalampak na lamang siya sa sahig na kinaroroonan ng kwarto ng yumaong ina habang walang patid ang pagtulo ng mga luha sa mga pagod na mata. Pilit niya itong pinupunasan na para bang sa ganoong paraan ay mapapaniwala niya ang sariling hindi pa patay ang ina.
Hindi na halos niya mabilang kung ilang beses niya ng nakwestiyon ang Diyos sa utak niya, kung bakit agad binawi sa kaniya ang kanyang mama? Kung bakit hindi man lamang natikman ng mama niya ang lumabas ng ospital at mamasyal kasama niya at ng kaniyang papa? Kung bakit ang aga siya nito iniwan at mas pinili nang sumama sa liwanag?
Alam niya naman sa sarili na isa sa mga araw na ito ay kukuhanin na ng Diyos ang kaniyang mama pero hindi niya inaasahan na sa mismong kaarawan niya pa mangyayari ang trahedyang ito.
Ang kaniyang mama ay matagal ng na-diagnose ng stage four cancer at dalawang taon na silang nasa hospital, ang totoo ay mistulang naging bahay na niya ang hospital dahil minsan na lamang niyang mauwian ang kanilang bahay, ang ama naman niya ay pumasok bilang family driver at bodyguard sa pamilyang San Cuenco upang may maipambayad sa hospital bill ng kaniyang ina
Kahit na masakit, pinilit niya na lakasan ang loob para sa papa niya na siyang natitirang pamilya niya na lamang, alam niya sa sarili na mas lalong masakit sa papa niya ito dahil ang mama at papa niya ang may mas maraming matatamis na ala-alang binuo bago siya
dumating.
"Papa. . .," nahihirapang tawag ni Jeruzah sa papa nito sa kabilang linya at pilit itinatago ang pag-iyak para kahit papaano may mapagkuhanan ng lakas ang papa niya sa ibabalita niyang masakit na katotohanan.
"Anak may nangyari ba?" bakas ang pagkalito sa malalim ngunit malambing na boses ng kaniyang ama. Dinig niya pa ang tawanan sa backround ng kaniyang papa, kasama siguro nito ang amo niya ngayon.
"P-Papa, si mama. . . Wala na po si mama," kahit masakit sabihin ang mga katagang iyon ay pinilit pa rin niya ang sarili na ibalita sa papa niya ang nangyari.
"Jeruzah, anak hindi ito magandang biro," sa tingin ko ay biglang napatayo ang papa mula sa upuang bakal base sa naging langitngit nito sa kabilang linya.
"Papa punta ka na dito, hindi ko po alam ang gagawin ko."
"Hintayin mo ako ha anak? Magpapaalam lang ako sa boss ko."
"Papa bilisan mo ha?"
"Opo, basta anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng mama mo, sadyang kailangan na ng Panginoon ang kabutihan ng puso ng mama mo sa langit. Kahit wala na kami ng mama mo, lagi ka lang tumingin sa kalangitan at makikita mo kami agad, nakangiti at proud na proud sa kung gaano katapang ang anak namin," alam kong nakangiti si papa ngayon habang sinasambit niya ang taos puso nitong mensahe na para bang iyon na ang huli naming pagu-usap.
"Papa bakit parang nagpapaalam ka na, hindi mo naman ako iiwan hindi ba? Basta papa bilisan mo maghihintay kami ni mama dito sa ospital. Papa wag mong kakalimutan ang regalo ko ha?" kahit na may pagdududa isinantabi niya iyon at pilit na pinasisigla ang boses upang maipakita sa papa niya na kaya niya at matapang siya.
"Ikaw pa ba anak ko, kahit kailan hinding-hindi kalilimutan ni Papa ang anak niyang nakapabait, napakamasunurin, napakasipag, mapagmahal at higit sa lahat ay maunawain, basta anak hintayin mo si papa ha? Magkasama nating ihahatid ang mama sa huli niyang hatungan ng masaya," iyon ang huling sinabi ng kaniyang papa bago maputol ang linya ng tawag.
Matapos ang tawag ay iginayak niya ang mga binilin ng doktor tulad ng paga-ayos ng billing at ang death certificate ng kaniyang mama. Kahit na antok na antok dahil mula kagabi ay hindi pa siya nakakatulog dahil sa biglang pag-arrest ng mama niya, hindi niya ito ininda upang para sa pagpunta ng kaniyang papa ay aayusin na lang ang lamay.
*************
Kasalukuyang nasa loob siya ng chapel ng hospital para ipagdasal ang kaluluwa ng kaniyang mama at ipanalangin ang kaligtasan ng kaniyang Papa ng tumunog ang kaniyang telepono. Agad niya itong kinuha, ng makita anng pangalan ng ama ay hindi maipaliwanag na kaba ang kaniyang nadama ng mga oras na iyon.
"Magandang araw po," bati ng boses ng isang lalaki sa kabilang linya. Puno ng pagtatakang binati niya rin ito.
"Kaano-ano niyo po si Cairus Dizon?"
"Papa ko po siya, may nangyari po ba?" ramdam niya ang bawat pintig ng kaniyang puso dala ng halo-halong emosyon, hindi niya maiwasang kabahan sa kung ano man ang balitang hatid ng kausap niya sa telepono.
"Mabuti pa po ay pumunta kayo sa Avalon Residence Hospital para i-claim ang bangkay ni Cairus Di-," hindi na niya napakinggan pa ang huling sinambit ng pulis nang bigla niya na lamang mabitawan ang hawak na cellphone.
Kakamatay lang ng mama ngayon naman ang papa? Hindi ba ang kaarawan ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay? Kaya bakit. . .? Bakit magkasunod pa ang pagkamatay nila? Buong buhay ko naging mabuti at mapagmahal akong anak, pero bakit? Bakit nila ako iniwan? Kaya ba ganoon na lamang kung manalita ang papa kanina?
"May nagawa ba akong mali? Bakit mo naman po ako pinarurusahan ng ganito? Araw-araw naman akong nananalangin sa iyo, araw-araw kitang binibisita sa tahanan mo pero bakit? Bakit kinuha mo pa rin ang kasiyahan ko? Ha! Bakit?! Bakit mo sila biglang binawi sa akin?!"
Ang buong chapel ng ospital ay napuno ng kaniyang hagulgol, hindi man tama na sisihin ang Diyos ngunit sobrang sakit, ang sakit na sa mismong kaarawan ko dalawang mahalagang tao sa buhay ko ang binawi niya. Dalawang importanteng tao na walang ibang masamang ginawa sa kapwa kung hindi kabutihan, dalawang taong nagpamulat sa kanya ng pagmamahal at kabutihan, dalawang tao na hinarap ang kahirapan ng buhay upang maitaguyod lamang nila ako, dalawang taong. . . dalawang taong hindi ko kakayaning mawala.
Walang Jeruzah kung wala sila, wala nang magtatanggol sa akin sa tuwing inaapi ako ng mga pinsan ko, wala na ang taong napakalambing at bini-baby ako, wala na ang mga taong araw-araw pagkagaling sa trabaho kahit pagod ay binibigyan pa rin ako ng pansin. Hindi na ako buo kung wala sila, eh. Kahit kailan hindi ko nakita ang sarili ko na wala sila sa tabi ko, sinanay nila ako ng lagi silang nandiyan, nangako pa nga sila na hanggang pagtanda ko proprotektahan nila ako. Maybe what other said was true, that a promise are meant to be broken.
One week later. . .
Isang linggo ang inabot ng lamay nila mama at papa bago sila ilibing. Umasa pa nga ako noong una na baka hindi si papa ang tinutukoy ng pulis, umasa ako na baka nagkamali lamang ang mga pulis ngunit bigo ako, namatay ang papa dahil inatake ito ng heart attack. Noong una hindi ko matanggap sapagkat wala namang sinabing ganoon si papa sa amin, pero ngayon naiintindihan ko na hindi niya ipinaalam ito katulad ng ginawa ni mama na kung hindi pa lulubha ang sakit ay hindi pa malalaman.
Alam ko namang ginawa lamang iyon ni papa upang hindi na ako mag-alala pero hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob sa kaniya. Hindi ba nila kayang sabihin sa akin ang mga dinadamdam nila? Kailangan ko din namang malaman para may magawa ako habang nandito pa sila. Si mama naalagaan ko, pero si papa hindi ko man lamang nasabi sa kanila kung gaano ako nagpapasalamat sa kanila at kung gaano ko sila kamahal.
"Condolence."
"Condolence."
"Condolence."
Puro pagtango na lamang ang nagawa ko sa mga kaibigan at kapitbahay naming dumalo ng lamay ng mga magulang ko.
"Jeruzah, nakikiramay ako," narinig ko ang nakaiiritang boses ng kapatid ni mama na si Tita Roxxane ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid.
"Nakikiramay nga ba? Siguro tuwang-tuwa ka nang malaman mong namatay na ang mama hindi ba?" panunuya ko dito.
"Bastos kang bata ka! Nga naman saan pa ba magmamana eh di sa bastos at malanding ina," iring nito saka ako inikutan ng mga mata.
"Kumpara sa inyo, mas masasabi kong desente ang mama ko," kuyom ang kamaong sagot ni Jeruzah sa Tiya Roxxane niya.
"Wala kang galang! Ngayon patay na ang mga magulang mo sa tingin mo saan ka pupulutin hindi ba sa pangangalaga ko?"
Hindi na muling kumibo si Jeruzah at piniling ituon ang atensiyon sa mga payapang mukha ng magulang. Tama nga naman ito ngayong wala na ang mga magulang niya ang Tiya Roxxane niya na lamang ang siya niyang malalapitan. Hindi naman siya pwedeng mamuhay mag-isa sapagkat menor de edad palamang siya, ayaw naman niyang mapunta sa DSWD.
Matapos ilibing ang mga magulang niya ay tuluyan na siyang inampon ng tiya niya, subalit ang pagkupkop nito sa kaniya ay maraming kapalit at puro paghihirap.
"Aba mahal na prinsesa bakit hindi ka pa nakakapag-saing?" bungad sa kaniya ng Tiya Roxxane niya ng makapasok siya sa bahay bitbit ang bayong na naglalaman ng karne at mga gulay.
Sa loob ng isang buwan puro ganito ang eksena namin ni tiya buti na nga lang at naghilom na agad ang iba kong mga sugat na kagagawan ni tiya. Buti nga din wala dito ang mga pinsan ko na anak nila tiya kung hindi baka halos hindi na ako humihinga ngayon. Mas malala kasi ang mga iyon kaysa kay tiya. Balita ko nasa Manila ang mga ito at nag-aaral sa isang pribadong paaralan, may kaya naman kasi sila tiya kaya hindi na nakakapagtaka na doon ang mga ito naga-aral.
"Karara-" hindi na niya nagawa pang ipagpatuloy ang dapat niyang sasabihin ng maramdaman niya ang pamamanhid ng kaliwang pisngi niya.
"Roxxane! Itigil mo na nga iyan, kakarating lang ng bata galing sa palengke dahil inutusan mo. Ano bang akala mo sa pamangkin mo may super power para sundin lahat ng ipinagu-utos mo!"
"Manahimik kang lampa ka ha! Baka nataandaan mo na isa ka ring pabigat sa bahay na ito!"
Dinuro-duro pa ni tiya ang asawa nitong si Tiyo Ivan bago kami talikuran saka ito padabog na pumanhik sa kanyang kwarto.
"Pagpasensiyahan mo na ang tiya mo ha," malambing na saad sa akin ni tiyo habang pasensiyoso nitong itinutulak ang wheelchair niya palapit sa akin gamit ang mga kamay niya.
"Okay lang po tiyo, kamusta na po ang pakiramdam niyo?" kaya pala hindi nakasama si tiyo noong libing ng mga magulang niya ay dahil may sakit ito, idagdag mo pang kagagaling lang nito sa aksidente dahilan upang hindi na ito makalakad pa at tanging ang wheelchair na lamang ang sandigan nito.
"Ako ay mabuti lang, sige na at magsaing ka na baka sapian na naman ng kademonyohan iyang tiya mo," sinundan pa niya ito ng tawa na nagpatawa rin sa akin.
"Si tiyo talaga," natatawa kong reklamo dito.
Minsan iniisip ko din paano kaya natitiis ni Tiyo ang ugali ng asawa niya? Paano kaya niya nakakayang kainin ang mga masasakit na salitang ipinaparatang sa kaniya ni tiya? Siguro nga gan'on kapag mahal mo, sabi nga love is patient, siguro pasensiyosong hinihintay ng tiyo ang masuklian ang pagmamahal na binuhos niya kay tiya.
Napailing na lamang ako at nagumpisa nang magsaing at magluto para naman mabawasan ang init ng ulo ng tiya niya.
"Kakain na po tiya," sigaw ko habang kinakatok ang kwarto nito, hindi ko na siya hinintay pang lumabas at dumiretso agad ako sa kwarto ni tiyo upang i-assist ito para makakain na.
"Tiyo kain na po," agad kong inalalayan ang bigat nito upang mailipat siya sa wheelchair nito at itinulak patungong dining table.
"Roxxane siya nga pala susunduin ako ng mga kapatid ko dito, kamatayan ni mama bukas, sabay-sabay kaming dadalaw baka gusto mong sumama?" nakangiti basag ni Tiyo sa katahimikan ng hapagkainan na nagpa-ismid kay tiya.
"Ikaw na lang ayokong makasama ang mga matapobreng mong mga kapatid," magkasalubong ang mga kilay nito at halos umusok na ang ilong nito habang sinasambit ang mga katagang iyon saka mabilis na umalis ng hapagkainan.
"Tiyo gusto mo samahan na lang kita?" pagpriprisinta ko dito dahil nababanaag ko ang kalungkutan at panghihinayang sa mga mata nito.
"Salamat pero mas makakabuti kung sasamahan mo ang tiya mo dito hindi sanay iyan ng walang kasama," nakangiti nitong saad habang suno-sunod na sumusubo ng pagkain.
"Sabagay po."
Kinabukasan ay nagsi-datingan ang mga kapatid ni tiyo, dalawang lalaki at tatlong sopistikadang mga babae. Nang makaalis ang van na sinasakyan ng mga ito ay agad akong pumasok sa bahay upang maglinis ngunit maya-maya lamang ay galit na galit na bumaba si tiya at sa direksiyon ko ang tungo nito.
"Tiya bakit po?" nababahala kong tanong ng makalapit ito sa akin.
"Ikaw na walang utang na loob na magnanakaw ka!" galit na galit nitong singhal sa akin at agad akong pinagbibira, pinagsasampal at sinabunutan.
"Tiya masakit po tama na po!" pilit kong sinasangga ang mga bira nito, subalit sa lakas nito ay halos wala ring silbi ang pag-iwas ko. May isang bagay na dumaplis sa tagiliran ko ngunit hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin dahil patuloy pa rin si tiya sa pananakit sa akin.
"Pinatira na kita sa pamamahay ko nagawa mo pang nakawan ako!"
"Wala po akong alam sa sinasabi niyo, hindi po ako pinalaki ng magulang ko na magnakaw ng gamit ng iba!"
"Sinungaling, ilabas mo ang kwintas ko!"
"Wala po talaga tiya, parang awa niyo na po tama na po!"
Agad pa sana ako nito dadambahin ng bira ng biglang may mga naka-itim na naglalakihang lalaki ang pwersahang pumasok sa bahay at biglang hinawakan si tiya dahilan upang hindi na nito ako mapuntahan pa.
Hingal na hingal akong napaupo sa sahig habang hawak-hawak ang sugatan at dumudugo kong braso na siyang pinangsangga ko sa lahat ng atakeng ginawa ni tiya.
Nagpumiglas nang nagpumiglas si tiya, ngunit sa laki ng katawan ng mga lalaking may hawak sa kaniya ay wala na siyang pag-asa. Hindi na siguro nakapagtimpi ang isa samga ito kaya mabilis nitong tinapik ang batok ni tiya dahilan upang mawalan ito ng malay.
"Sir!" agad na sumaludo ang mga lalaking pumasok sa loob ng bahay namin ng iniluwa ng pintuan ang isang matikas na lalaking may kaedaran na ngunit ang tindig ay masasabi mong malakas pa, nakasuot ito ng isang long sleeve na kulay puti na pinatungan nito ng isang itim na nectie at sa pangibaba ay isang black pants at black shoes.
"Jeruzah Dizon?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top