Prologue

Song: Paalam- Moira Dela Torre, Ben&Ben

Heartbreak

It's been five years.

Five grueling years since I left this country for good. Now, I can't believe that I'm suddenly back.

"Got everything you need?" tanong ni Carol sa akin, ang agent ko.

I nod my head lazily. "Yeah."

Tumango siya at tinulak na ang luggage cart na naglalaman ng mga bagahe namin. I carried along with me my mini suitcase. I groaned.

Kung hindi lang talaga ako pinilit, hindi na talaga ako babalik dito!

Halos mapamura nalang ako nang maramdaman ko ang panghapon na hangin ng Pilipinas. I removed my shades and floppy hat irritably. I fanned myself using the hat. Ang ilang hibla rin ng mahaba kong buhok ay dumikit na sa pawisan kong leeg.

"Where is the van that you are talking about, Carol?" I asked and crossed my arms over my chest.

Mabilis niyang inangat ang tingin sa akin. I'm way too taller than her na kinalingan niya pa akong tingalain para lang magtama ang tingin namin. She looks a little problematic.

"The driver told me they arrived fifteen minutes ago."

"And?" I raised a brow at her. "Where are they? I don't see anyone here? Or maybe... they're invisible that's why we cannot see them, Carol?" I said sarcastically.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at umiling nalang. Binalik niyang muli ang tingin sa telepono upang tingnan kung nagreply na ba iyong driver ng van na tinutukoy niya.

Umirap ako at nagpatuloy sa pagpaypay sa sarili. Wala pa akong ilang minuto dito sa labas ng arrival area ay pinagpapawisan na agad ako!

I could feel my cheeks flushing. Mabuti nalang talaga at naisipan ko nang wag mag-suot ng sweater dahil alam kong ganitong init ang sasalubong sa akin!

Hindi rin nakakatulong na Summer ngayon dito kaya mas lalong nakakairita! Pinalis ko ang tumulong pawis galing sa aking noo gamit ang likod ng aking kamay.

Every time I turn my head, I look at everyone irritably. Pawisan na ako dito at wala parin iyong van na tinutukoy nitong si Carol!

I checked the time on my wrist watch. Oh, great! Mukhang hindi lang pala ang airplane ang nadedelay. Pati na rin pala ang van! Kumusta naman ang fifteen minutes niya? Baka mag-isang oras na kami dito sa labas, wala parin siya!

Habang naghihintay ay may dalawang teenagers ang lumapit sa akin upang makipicture kasama ako. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Miss Serena, pwede po bang magpapicture? We're a big fan po!" nahihiyang taong ng nakasalamin na dalaga.

"No." agaran kong sagot sabay inirapan na silang dalawa.

They immediately became disappointed. Mukhang hindi nila inaasahan na tatanggi ako. The girl who asked for a picture parted her mouth widely. Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang telepono.

Pasalamat nalang sila at diretsahan akong tumanggi. Hindi katulad ng iba diyan na kahit gusto namang tumanggi ay hindi ginagawa dahil gustong maging mabait sa mata ng mga tao.

I'm no saint and I don't intend to be one. Kung ano ako sa personal, matuto silang tanggapin iyon. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang mas magustohan ako ng tao.

Kaysa naman sa hayaan ko nga silang makipagpicture sa akin pero nakasimangot naman ako? That would suck! Hindi ba't mas nakakaoffend iyon at mas gugustohin mo nalang na tumanggi siya kaysa makita siyang nakasimangot sa picture na para bang labag na labag iyon sa loob niya. Well, I'm just trying to prove a point here!

That's also what other people needs to learn when approaching celebrities or what else. Hindi naman kailangan palagi silang pumayag na makipagpicture sainyo dahil di rin naman nila obligasyon iyon. They also need some personal space. Hindi sa lahat ng oras ay dapat pinagbibigyan. They need to accept no for an answer, hindi kagaya ng dalawang 'to...

"Totoo nga ang sinasabi nila, masungit nga daw talaga 'to! Tara na nga!" sabi nung kasama nung nakasalamin na babae.

Hinila niya ang hindi parin makapaniwala niyang kaibigan palayo. Tamad kong inilubay ang tingin sakanila at tsaka humalukipkip. Pinagpatuloy ko ang pag-paypay sa sarili.

So, what now? May balak pa bang dumating 'yong van na 'yon?!

"They're here now. Come on." Sabi ni Carol at agad na tinulak ang dalang luggage cart patungo sa papalapit na itim na van.

"Ah! Finally!"

I almost celebrated on that one. Wow! Congratulations! You made it after making us wait for twenty fucking minutes!

"I'm sorry, Ma'am. I'm so sorry."

Pagbaba niya palang ng van ay agad siyang humingi ng paumanhin sa amin. I glanced at him irritably before going inside the van. Paulit-ulit niya iyong sinasabi kay Carol habang tinutulungan itong ipasok ang mga bagahe namin sa van.

Pinagtatapat ko naman agad ang lahat ng aircon sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sumandal sa upuan. I'm glad that the van's air condition is on full blast. The driver probably expected that we'll get irritated by the heat.

Sino ba naman hindi maiinis sa ganitong init hindi ba? Wala pang ilang minuto pinagpawisan agad ako at pakiramdam ko ay hihimatayin pa ako. Sa tinagal-tagal ko nang hindi nakakabalik dito, nasanay na ang katawan ko sa malamig na klima.

Marami na akong bansang napuntahan nang dahil sa pagmomodelo pero wala ni isa sa mga bansang napuntahan ko na ay kasing init ng Pilipinas!

I almost backed out and just go back to New York again. Hindi ko naman talaga choice na bumalik dito, pinilit lang nila ako!

Alam nila na ang mga offers sa akin sa Pilipinas ang pinakaiiwasan ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa talaga naisipan na tumanggap ng offer dito?

"I have a great deal for you." Salubong ni Carol sa akin nang pumasok ako sa agency.

Binati ako ng kapwa kong modelo na nabisita rin dito. Tipid ko silang nginitian. Nanatili namang nakasunod sa akin si Carol hanggang sa naupo na ako sa sofa sa tapat ng lamesa niya.

I played with my necklace as I wait for her to continue. While preparing herself up for the "big reveal" of the "great deal" that she was talking about, I unconsciously glanced at my necklace and remembered who gave it to me.

Oh, the bitter memories that this necklace gives me. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang hubarin ito, e! Every time I tried to, I just turn emotional and how pathetic is that?

Limang taon na ang nakakalipas pero parang sariwa parin sa akin ang nangyari.

Nawala lang ang tingin ko sa kwintas nang magsalita nang muli si Carol.

"A big company is asking you to endorse their product. According to them it was a new venture but they're hoping that it'll become big in the future since you're going to be the one to endorse it."

"And what company is that?" hindi ko matago ang excitement sa boses ko.

What if Chanel, Versace, Louis Vuitton, Dior or any famous brands opened up a new clothing line and they want me to be their first ever ambassador? That will definitely help me boost up my career more.

Ever since I moved to New York, kabi-kabila nang offers ang natatanggap ko sa iba't ibang brand. Madalas ay nag-uunahan pa ito para lang mabook ako. New York indeed helped me in reaching the peak of my career.

Nang umalis ako sa Pilipinas ay dumiretso ako sa Milan kung saan namamalagi ang uncle ko. Out of all my relatives, siya lang ang may gusto sa akin. Siya lang ang tanggap ako. Kaya naman nang naisipan kong umalis ay walang pag-aalinlangan akong humingi ng tulong sakanya. Siya rin ang rason kung bakit nakapasok ako sa isang modeling agency sa Milan.

And oh, actually, he's the sole reason why I became interested in modeling. Siya ang nagpumilit sa akin na pasukin ang industriyang ito. Kaya laking pasasalamat ko kung hindi dahil sakanya, hindi magiging ganito ang buhay ko ngayon.

I lived with him and his boyfriend for two years until Carol's boss, Dennis (the owner of the agency that I'm in), discovered me when I walked during Milan fashion week. He didn't wait any longer and offered me a contract on their agency.

Sinabi ko iyon kay Tito Chad at siya rin ang nagpumilit sa akin na tanggapin iyon. He knows Dennis because he already worked with a lot of agencies before at sabi niya isa nga daw iyon sa pinakasikat sa agency sa New York.

Kaya naman nang tinanggap ko ang offer na iyon, mabilis na umusbong ang career ko at ngayon, isa na ako sa pinakasikat at kilalang modelo sa buong mundo.

"A distillery company." Sagot ni Carol na may malaki pang ngisi sa labi.

Agad na nawala ang ngiti ko sa labi at bumagsak ang aking mga balikat. Walang gana ko siyang tiningnan. I remember someone wanting to start his own distillery. Sana hindi niya tinuloy iyon.

"Are you kidding me?"

"I know it may sound weird but, Serena, this is a big company! They are also offering a great amount of deal for you. After this deal, I'm pretty sure your name will continue to make noise around the world! Isn't that what you want?"

More like what this agency wants. Alam kasi nilang marami na naman silang magagawang pera kapag tinanggap ko itong offer na 'to. They consider me as their money maker kaya naman ay halos lahat ng malalaking offer ay sa akin nila ibinibigay.

"What am I going to do with a distillery company? Drink their wine and tada! I made million bucks and I'm good to go? I doubt that's going to help me with my career. Look for another model because I'm not interested." I rolled my eyes.

I stood up from my seat and grab my bag. Handa na sana akong umalis ng opisina ni Carol nang magsalita siyang muli.

Naglakad siya patungo sa akin at hinarangan ang pinto para hindi ako makalabas.

"But the company wants you, Serena! And it's not just wine, they also have a lot of products to offer and they really want you to become the endorser of those products! They told us that it's a take it or leave it deal. We just couldn't let this pass because it's a big amount of money, Serena! Big!"

I sigh heavily. Never in my wildest dreams did I ever see myself endorsing wines, beers, champagnes, whiskeys or whatsoever. Like duh? Anong mapapala ko dun? Talk to some investors and convince them to buy that product? Become a commercial model who sings and dance in a commercial? Fucking hell!

Since when did I became a promotional and commercial model? I'm a fashion model for goodness sake! Just by imagining myself dancing for the commercial while holding the product makes me sick to my stomach. Nakakasuka! Hinding-hindi ko gagawin iyon!

"They only want you, Serena. So, please... think about it. They are willing to wait for your decision."

I massage my temple. Mukhang hindi ako titigilan nitong si Carol hangga't sa hindi niya ako nakukumbinsi na pag-isipan ito.

"Where's that offer going to be then?"

If it's going to be in Germany, then it's really a great deal. Isa ang bansang iyon sa kilala bilang top producers ng liquors. Kaya kung doon man ang offer, maaaring maganda nga ito.

"In the Philippines..." may pag-aalinlangan na sagot ni Carol.

Bahagya siyang tumawa at napakamot ng ulo. Alam nila kung gaano ko kinasusuklaman na tumanggap ng kahit anong offers sa bansang iyon. Kaya bakit nila ako pinipilit ngayon? Dahil ba sa malaking offer nito?

Now I just found a good reason not to push through this offer. Hinding-hindi ko 'yan tatanggapin. Hinding-hindi ako babalik sa bansa kung saan puro sakit at puot lang ang iniwan sa akin na alaala.

"I'm sorry but I don't need to think about it anymore because it's automatically a no. Find another model whose willing. I don't want it."

I reached for the doorknob but Carol immediately blocked it. I glared at her.

"Please, Serena... it's not only the distillery company that wants you. There are also a lot of brands in that country who wants you. You have a lot of offers in that country! Please don't waste it."

"I'm going to talk to Dennis." Seryoso kong sinabi.

Baka sa ganong paraan ay mapapayag ko sila na huwag na ako ang tumanggap ng offer na iyon. He knows how I hate to accept offers in that country. Marami na naman silang natanggihan noon ah? Bakit parang hindi nila ulit magawa iyon ngayon?

Walang nagawa si Carol nang buksan ko ang pinto ng opisina niya. Dali-dali akong lumabas at nagtungo sa opisina ni Dennis. May kausap siya sa kanyang telepono nang pumasok ako.

"I'll call you back later."

Agad niyang binaba ang tawag nang makita ako. He motioned for me to come inside. I'm sure he knows what I came here for.

"I'm not going to accept that offer." I started. "You know that no matter what it takes, I'm not going to accept any offers from the Philippines."

He sighed and chuckled lightly. Tinuro niya ang upuan sa tapat ng lamesa niya, sinesenyasan akong umupo doon. Umiling ako.

"I'm not here to stay longer. I just want to tell you that I'm not going to accept that offer and that you need to find another model for it."

Nanatili akong seryoso at walang emosyon. Pero ang totoo talaga ay gusto ko nang magmura at sumigaw dito. He massaged the bridge of his nose. Tumalikod na ako sakanya para lumabas na ng opisina niya. I don't need to explain further. Sinundan naman ako ng tingin ni Carol. She's got a questioning look on her face.

"Your uncle also thinks that you should accept that offer." Ani Dennis bago pa ako tuluyang makalabas ng opisina niya.

I stop in my tracks. Bumuka ang bibig ko at dahan-dahan siyang nilingon habang kunot ang noo. My uncle thinks what?! Is he insane?

"Stop fooling around, Dennis. Uncle Chad knows that I don't want to go back to that country anymore. I'm sure he also thinks that I should reject that offer just like how I rejected the previous offers from that country." Nakangisi kong sinabi.

He scoffs. "I talked to him yesterday and told him about the offer that was given to you. He also thinks that it's a good deal and it might help you with your career."

I couldn't help but laugh. I look at him ridiculously as I shake my head in disappointment.

"A distillery company's offer might help me with my career? Are you nuts?! What is this a Victoria's Secret Fashion Show where every model dreams of being casted in? I already told you, look for another model because I don't want it!"

Sa halip na pakinggan ako ay tinawagan pa nga ng mokong ito ang tito ko mula sa Milan! I rolled my eyes.

"Hi! Yes, Chad, it's me. Dennis." Mapangasar niya akong nginisian.

I rolled my eyes again. Humalukipkip ako at galit na binalingan ng tingin si Carol na nananahimik lang ngayon. Nag-iwas siya ng tingin at yumuko.

"I just told that Serena about the offer that was made for her weeks ago," he laughed on the other line. "Yes! She doesn't want to accept it like the usual."

This time, I glared at him.

"She's here... sure, you can talk to her... here," inabot niya sa akin ang telepono. Galit kong kinuha sakanya iyon at tsaka siya inirapan.

"Tito," I said on the other line. "I don't want to accept it!"

I heard him sigh. "Serena, hija... naiintindihan ko kung bakit. Pero hindi mo naman kailangan na habang buhay mong iwasan ang bansang iyan. You still need to come back and this is the best time!"

I groaned. Oh, please... pati ba naman siya? Alam niya kasi kahit anong sabihin niya ay susundin ko iyon. Malaki ang utang na loob ko sakanya kaya hindi ko siya kayang suwayin. Wala akong lakas ng loob na gawin iyan sakanya. Hindi kagaya sa mga magulang ko na wala namang pakealam sa akin.

"Tito..."

"You can't keep on hiding yourself away from those people. At isa pa, para sa trabaho mo naman ito, hija. Hindi para sakanila. Maaari mo naman silang iwasan kung gusto mo."

I shut my eyes and massaged my temple again. Sumasakit ang ulo ko nang dahil sa nangyayari. Sumasabay pa itong mapaglarong ngisi sa labi ni Dennis kaya mas lalong nakakairita!

I rolled my eyes at him.

"Iisang tao lang naman ang ayaw kong makita doon." Sabi ko.

"Ayun naman pala! Then don't let that one person hinder you from accepting that offer! Nabasa ko iyong contract at maganda nga iyon. There are also a lot of brands who are willing to work with you kaya imposible na magkrus pa ang landas ninyo. You're going to be so busy while you're in there! Hindi naman siya ang dahilan para bumalik ka ng Pilipinas hindi ba? Iwasan mo kung gusto mo. Gano'n lang kadali, hija!" he chuckled on the other line.

At nang dahil doon... wala akong nagawa! Now, here I am. Back in the country I've been avoiding for years!

I'm going to stay here for a year dahil iyon ang nakasaad sa kontrata. Isang taon akong magiging endorser/ambassador ng kompanyang iyon! It's true that their offer is big. Hindi pa kasama doon ang accomodation na sila pa mismo ang nagbigay!

They provided me a penthouse, a car, bodyguards, monthly groceries, a maid, and a van who's going to fetch us from the airport na late naman dumating! In short, the company really wants me that they are willing to provide these things to me!

Hindi ko kilala kung sino ba ang may-ari ng kompanyang iyon at ang galante naman para bigyan ako ng ganoong klaseng offer. Pumayag na ako dahil naisip ko na isang taon lang naman. Kaya kong mag-tiis ng isang taon. Mabilis lang naman iyon.

Iritable parin ako kahit nakarating na kami sa aming tower. Patuloy na nanghihingi ng tawad ang driver sa amin. Hindi ko naman siya pinansin. Ilang beses niya na ring sinasabi na naligaw siya kaya siya natagalan.

Pagod ako mula sa byahe namin galing New York kaya wag niya akong sabayan.

I keep my sunglasses on as I watch them get our luggage out of the van. Pinasadahan ko naman ng tingin ang buong tower. I remember the condominium that Tito Chad named after me. Doon ako tumira matapos kong mag-layas ng bahay noon. I suddenly wonder how it was doing ever since I left. Sana pala binenta ko na iyon bago ako umalis.

"Let's go, Serena." Aya ni Carol

Agad naman akong sumunod sakanya. Nagpaalam naman ang driver sa akin at tipid ko lang siyang tinanguan bago pumasok ng tower.

I crossed my arms over my chest while waiting for the elevator to reach the ground floor. Tamad kong binalingan ng tingin ang elevator na pababa palang galing ng 38th floor. I heard from Carol that our unit is located on the topmost floor. Sakop ata noon ang buong floor.

I glanced at the person beside me who's been staring at me for a while now. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang namumukhaan niya ako. I raised a brow. Pairap kong iniwas ang tingin sakanya.

Mabuti nalang rin at dumating na ang elevator sa ground floor. Agad kaming sumakay doon. Ang taong kanina pa nakatitig sa akin ay sumakay din sa elevator kung nasaan kami ni Carol.

Sumilip ako sa labas at napansin kong may iba pang available na elevator na walang sakay pero dito pa talaga siya sumabay sa amin! He looks like an innocent college boy who likes to play video games.

"Tss..." I said under my breath.

Umiling ako at pagilid na isinandal ang sarili. Napansin kong lumapit iyong lalaki sa pwesto ko. Kahit si Carol ay kuryoso na ring napabaling ng tingin sakanya. Galing pa ang tingin sa telepono nang inangat niya ang tingin sa amin.

"What is your problem?" hindi ko na naiwasang tanungin iyon lalaki.

He shyly scratched the back of his head. Nahihiya rin siyang tumawa bago ipinakita ang cellphone sa akin.

"Hindi po ba si Serena de Chavez po kayo? Madalas ko po kasi kayong makita sa internet at mga magazines. Pwede po magpapicture?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. I glanced at Carol who's got a questioning look on her face. Hindi niya naintindihan iyong sinabi nung lalaki kaya nagtataka siya.

"You almost creeped me out tapos picture lang pala ang gusto mo. Fine."

Ngumiti siya at tsaka binuksan ang camera sa phone niya. Ipinatong ko ang sunglasses na suot sa ibabaw ng ulo ko. I smiled a little at the camera when he placed it in front of us.

"Thank you po! Ang ganda niyo po talaga sa personal!" masaya niyang sinabi.

Tinanguan ko nalang siya at sinuot nang muli ang sunglasses ko. Hinintay kong dumating ang elevator sa floor niya para makaalis na siya dito.

Nagpaalam na muna siya sa amin bago siya tuluyang lumabas ng elevator. Nang dumating na kami sa tamang palapag ay agad na bumungad sa amin ang malaking penthouse na tanaw ang buong syudad sa labas.

"Wow. This is nice." Sabi ko habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng penthouse.

It's a mixture of brown, white, and green colors. It's surrounded by glass walls. Malinis ang marmol na sahig at moderno rin ang mga kagamitan. May mga halaman rin sa gilid na mukhang alagang-alaga ng caretaker nito.

Mukhang pinaghandaan talaga ng kompanyang iyon ang pagtanggap ko ng offer nila. Narinig ko rin mula kay Carol na last year pa balak ng kompanyang iyon na kuhanin ako bilang modelo pero hindi lang natuloy agad dahil hindi pa tapos ang ibang mga produkto.

Everyone expected that I'll be back here because the company keeps on boasting that they'll get me as their model. Hindi naman ako aware na marami palang umaasang babalik ako dito sa Pilipinas. Never thought my name would also become famous here. Hindi pa naman gaanong maingay ang pangalan ko noong nagsimula akong magmodelo dito.

Naupo ako sa malambot na sofa. Tanaw mula rito sa kinauupuan ko ang magandang tanawin sa labas. I wonder how this view will look like at night. I'm sure it's breathtaking.

Nawala lang ang tingin ko doon nang sinalubong kami ng isang may edad na babae. I think she's on her fifties or something. Nakaputi siya at malaking ngiti agad ang sinalubong sa amin ni Carol. Tumayo ako.

"Good afternoon, Ma'am! I'm Nerissa. I'm the maid and I'm going to uh... clean the house everyday." She said in a slightly broken english.

"Hi, Nerissa! I'm Carol," nilahad ni Carol ang kamay niya kay Nanay Nerissa. "and this is..."

"Serena po." pakilala ko at tsaka siya nginitian.

Mabilis na lumandas ang ngiti sakanyang labi. Tinanggap niya ang nilahad kong kamay para sakanya.

"Ay! Marunong po kayo mag-tagalog, Ma'am?"

"Opo. Dito po ako lumaki."

Tumango siya.

"Mabuti nalang po at marunong kayo dahil hindi rin ho ako masyadong magaling sa ingles. Kung hindi baka nosebleed na ako araw-araw!" biro niya.

I translated what she said for Carol. Tumawa naman ito at pinautos na sakanya na ilagay na ang iba naming gamit sa sari-sarili naming kwarto.

Agad namang nagsimula si Carol na ipaalam sa akin ang agenda ko sa buong linggo. The launching of the product is going to be on Friday night. It's Wednesday today and according to Carol, tomorrow is going to be our rest day. Sigurado akong mamaya ay tatablan na rin ako ng jetlag.

"What's the distillery's name again, Carol?" kuryoso kong tanong habang nag-iikot ikot sa loob ng penthouse.

"La Distilleria."

Ngumuso ako at tumango. "It doesn't ring a bell."

Isang malaking ginhawa rin sa akin iyon dahil sa pagkakatanda ko, hindi naman iyon ang balak na ipangalan ng kakilala kong nais na magtayo ng sarili niyang distillery. Kaya imposible na siya ang kumuha sa akin kahit na paulit-ulit nang sumasagi sa isip ko iyon.

At isa pa, bakit niya ako kukunin kung sakali? I've been clear that we're both done now and I have nothing to do with him anymore. Kaya kung sakaling siya man ang kumuha sa akin, walang pagaalinlangan kong iaatras itong kontrata at agad na babalik sa New York!

"So, when am I going to meet the boss?"

"I'm sure they'll be here on Friday to fetch you. You'll meet them on that day."

I nod my head. Pagkatapos naman noon ay nagpahinga na ako sa sarili kong kwarto. Malaki ito at may sarili ring walk-in closet. Malaki rin ang vanity at bathroom nito. I smiled to myself.

That company must be really hungry to get me huh? Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klaseng accommodation simula nang magmodelo ako.

Umaga na nang magising ako. Buti nalang at hindi na naghanda pa si Nanay Nerissa ng pagkain namin kagabi dahil masasayang lang iyon lalo na't mukhang ngayon lang din nagising muli si Carol.

Masarap ang pagkakaluto ni Nanay Nerissa ng umagahan. Habang nasa hapag ay pinapaalam ni Carol sa akin ang gagawin ko bukas. Nagtext rin daw iyong sekretarya ng may ari ng distillery at confirmed daw na sila ang susundo sa akin bukas.

Apparently, the company also hired a team to do my make-up and hair. They're also the ones who provided me a wardrobe which I'm going to use every time there's an event.

Pagkatapos ng event sa Friday ay may shoot ako sa susunod na linggo para sa isa pang brand. Nang tinanggap ko kasi ang proyektong ito, awtomatikong tinanggap na rin ni Carol ang iba pang offers sa akin dito sa bansa.

Totoo nga ang sinabi ni Tito Chad na magiging sobrang busy ko habang nandito kaya imposible na magkrus pa ang landas namin ng lalaking iyon.

After we ate, I went to the gym. Mabuti nalang at may sariling gym rin itong penthouse kaya hindi ko na kailangan pang bumaba.

It was such a lazy Thursday. Pagkatapos kong magpakapagod sa gym ay naligo at natulog ako maghapon. Gabi na nang magising ako at inabala ko nalang ang sarili sa panonood ng TV.

Hindi ko gaanong nagagawa ito nang nasa New York pa ako dahil madalas ay lagi akong fully booked o hindi kaya ay palipat-lipat ako ng bansa o State para sa iba't ibang proyekto. Now is the only time I get the chance to rest for real.

Ngunit simula bukas ay magiging abala na akong muli kaya sigurado ako na matagal na ulit bago ako makapagpahinga ng husto.

Maaga nagpunta ang glam team kinabukasan. Si Nanay Nerissa na rin ang nagasikaso sakanila habang naghahanda ako. Nang matapos ay agad nila akong hinanapan ng damit na babagay para sa event mamayang gabi.

They picked a red blazer dress for me. Hinanapan na rin nila ako ng babagay na alahas para sa suot ko ngayon. Napagdesisyonan kong prutas nalang ang kainin at huwag nang magpakabusog lalo na't sigurado akong may kainan ring magaganap mamaya sa event.

I was busy eating my fruits while the glam team is preparing me up, when I saw a notification popped out of my screen. It's a direct message sent from Instagram.

My forehead immediately creased when I saw who it is from.

@SamuelGuevarra: See you later, beautiful! x

The hell with this guy? I haven't talked to him for years and now he's hitting me up with this kind of message? Akala niya ba magpapauto pa ako sakanya? No way!

I cringed and decided to just ignore his message. Duh? What does he want now? Nabalitaan siguro niya na nakabalik na ako ng bansa kaya akala niya ay makukuha niya na naman ako sa ganyang salitaan niya.

News flash, mister: I'm over it! Pagkatapos mo ay may pumalit naman kaya kung akala mo ay hindi pa ako nakakamove on sa'yo, nagkakamali ka.

Pinanood ko lang ang glam team habang inaayusan ako. Tumagal lang ang pag-aayos sa akin dahil panay ang pagkuha nila ng litrato sa akin. Nalibang rin ako sa kwentuhan namin kaya hapon na nang matapos kami sa pag-aayos.

We had a mini photoshoot in front of the vanity. They did a glittery brown eye make up for me while they styled my hair into a sleek straight hair that is pinned behind my ears.

Nagsunod-sunod ang notifications ko dahil siguro inupload na ng make-up artist ang litrato ko mula kanina. I checked their photos. Magaganda rin kaya nilike ko.

I stand in front of the full-length mirror while the stylists flock at me. I took a snap of what's happening and posted it on my Instagram story. Naglagay ako ng location sticker kaya naman pagkatapos kong ipost iyon ay umani agad ako ng kabi-kabilang mensahe mula sa mga fans dito sa Pilipinas.

Binuksan ko ang iilang mensahe at nilike lang iyon at hindi nagreply.

@SerenaDCFansPH: Welcome back in the Philippines, Miss Serena! Enjoy your stay here po! 😁

After finalizing my look, I went in front of the selfie light for another round of mini photoshoot. I did a lot of poses. Seryoso ako sa ginagawa hanggang sa matanaw ko kung sino ang mga pumasok sa loob ng penthouse.

Carol greeted them and shook their hands. Iginiya niya sila patungo kung nasaan kami. My jaw dropped. Agad na lumandas ang mapaglarong ngisi niya sa kanyang labi.

"Hello, beautiful. I told you I'll see you later." Samuel said.

Umalis ako sa kinatatayuan upang salubungin siya. My forehead remained creased because I don't understand what is happening.

"What are you doing here?"

He scoffs. "I'm one of the boss. You're working under me now."

He stands confidently in front of me while I remained confused. He's one of the boss? At kailan pa naging distillery ang business niya?!

"You're kidding me."

"I'm afraid I'm not."

Standing in front of me is Samuel Guevarra. The man who caused my biggest heartbreak when I was sixteen. The bastard who cheated on me. He's the reason why I had trust issues with men. The reason why I became distant and didn't want to love again.

Bakit pa nga ba kasi magmamahal kung sa huli'y lolokohin at sisirain ka lang rin pala?

Ngunit kahit na gano'n ay nagawa ko parin magmahal at magpaloko sa iba. I got over Samuel because of him. Natuto ulit akong mag-tiwala nang dahil sakanya. I told him my deepest and darkest secrets including the heartbreak that I experienced with Samuel. I trusted him with everything.

Pero sa huli ay niloko niya lang ako at pinaniwala na mahal niya ako. Nang dahil sakanya, mas ginusto kong umalis ng bansa at wag nang bumalik pa.

I glared at him. I know for sure that he's planned something that's why his company asked me to become their endorser.

"What do you want now huh, Samuel?"

He shrugged his shoulder and acted like he's innocent.

"I just want to work with you, Serena, that's all."

Pinanliitan ko siya ng mata. I don't trust his words anymore. Pagkatapos niyang hindi magparamdam ng ilang taon, ito ang isasalubong niya? Parang wala lang nangyari ah?

He beamed at me. Sunod naman nagpakilala sa akin ang isa niyang business partner. This distillery is one of the subsidiaries of their company in which they want to expand in the future. Samuel wanted to use me again for his gain. Dun niya lang naman ako kilala.

How dare him act like nothing happened years ago? We didn't even have proper closure after we ended. Like for him, his cheating incident isn't big of a deal anymore.

"You know each other?" nakangiting tanong sa amin ni Carol.

"Unfortunately... yes." Sabi ko sabay inirapan si Samuel.

I heard him chuckle as I went back to the glam team for some final touches. Nanatili lang nakangisi at nakatanaw si Samuel sa akin habang inaayusan ako. My mood suddenly turned sour. I don't know how I'll get through this event without getting irritated at him.

Isang limousine ang maghahatid sa amin sa event. Malelate na kami sa event dahil nag-away pa kami ni Samuel. He's just so annoying! He couldn't stop on teasing me like are we even close?

Pasalamat siya at pinapakisamahan ko lang siya dahil sa kontrata na meron ako sa companya nila! Bakit ba kasi hindi niya nilagay niya contract iyong totoong pangalan ng kompanya nila na Guevarra & Co., Inc. para naman aware ako na siya pala ang kumuha sa akin diba?

Nanatili akong walang emosyon at kibo habang nasa byahe. Tipid ko lang sinasagot ang mga tanong ng kasama ni Samuel. Pagkatapos noon ay nananahimik na ulit ako.

There are already a lot of media waiting for our arrival. Nang tumigil ang limousine sa tapat ng building ay agad na nagsilapitan ang mga iyon sa amin.

The driver opened the door for us. I almost got blinded by the lights because the moment I stepped out of the limousine, cameras kept on flashing on my face.

The bodyguards handled them that's why we were able to pass by freely. Samuel offered his hand to help me climb up the stairs. Tinitigan ko lang ang kamay niya at nilagpasan siya. He chuckled and kept his hand to himself.

Kahit sa pag-akyat ay nakasunod parin ang media sa amin. Tumigil ako sa tapat ng entrada. I noticed that this is such a big event for a company who's trying to launch a new business venture. O hindi kaya ay isa itong business party na kung saan nila napagdesisyonan ibahagi ang bago nilang business?

I don't know because I don't want to ask anymore. If it's a business party then I hope that my family isn't here. Ayoko na silang makita pa at sigurado ako na 'yun din ang gusto nila. They never asked about me ever since I moved out. Gano'n sila kawalang pake sa akin.

Kung pupwede lang isnobin itong si Samuel buong gabi ay talagang ginawa ko na! But Carol reminded me to act accordingly. Gusto niya maging engage ako sa mga future investors or consumers!

Agad kaming pinagkagulohan ng mga bisita nang tumabi na sa akin si Samuel.

"Natuloy pala ang pagkuha niyo sakanya, Samuel! Congratulations!" bati ng isang lalaki.

Hindi naman nagbago ang itsura ko at nanatiling seryoso. Ngingiti lang ng kaunti paminsan minsan. Hindi nila kami nilubayan hanggang sa nakaupo na kami sa aming pwesto.

Samuel pulled the seat out for me. I glared at him before I took a seat. Habang hindi pa nag-uumpisa ang event ay may iilan na sumusubok na kumausap sa akin. Most questions are about my work. Agad rin naman natatapos ang usapan dahil tipid lang lagi ang sagot ko.

The program started with the host's opening remark. Pinakikilala niya ang panauhin ng event na ito. Samuel got mentioned and he smiled proudly at me. Kinunotan ko siya ng noo.

Proud ka na niyan?

Tumayo lang kaming muli nang tinawag na kami ng host. I think this is the time where Samuel and his business partner will launch their new product. He offered his hand to me again. I declined it. Hindi ko siya kailangan. Hindi ako lumpo para hindi makayanan na umakyat ng stage kasama siya.

He laughed again because of my cold treatment towards him. What is he expecting from me though? To be all smiles like him? I don't want to pretend that I'm enjoying this when the truth is I just want to get the hell out of here!

Agad na napunta ang atensyon sa amin nang sa oras na tumayo na kami sa harap ng entablado. I remained behind Samuel's back.

"It is with great pleasure to announce that the Guevarra & Co., Inc. will be launching their new business venture." Sabi ng host.

The host holds the microphone out for him. Kinuha niya naman agad iyon at agad na nagpasalamat dito.

"Thank you so much for the sweet introduction, Madeleine," the host smiled sweetly at Samuel. I rolled my eyes.

"As you've heard, this new business venture of the Guevarra & Co., Inc. started out a few years ago but we only finalized it now since we all thought that this is the best time to launch it. Guevarra & Co., Inc. is known to be one of the best when it comes to chemical engineering and manufacturing," Samuel started. "It is with great pleasure to announce that our company decided to build its own distillery called La Distilleria wherein Ms. Serena de Chavez is going to be the one to endorse the product. Ms. Serena would you like to add anything?"

Nakangisi siya sa akin nang inabot niya ang micropono sa akin. I wanted so bad to glare at him kung hindi lang talaga kami nasa harap ng entablado ngayon.

"La Distilleria produces different kinds of product like wines, beers, vodka, gin, whiskeys and rum. La Distilleria plans on exporting these products in Germany, Taiwan, Finland, U.S. and some parts of Asia when this business becomes a success. It also offers a unique tropical flavored liquors by using mangoes and calamansi to also promote Filipino agriculture. As their brand ambassador, I hope to make their products known worldwide."

I smiled at everyone after I finished my script. Ang plastic!

Pagkatapos ko ay galit kong binalik ang micropono kay Samuel na malaki na ang ngiting ibinibigay sa akin ngayon. I pushed the microphone towards his chest. Halos pasuntok ko nang binalik iyon sakanya.

"Ohh... easy there, Serena."

Inirapan ko nalang siya at hindi na siya pinansin pa ulit. Nagpatuloy siya sa pag-sasalita hanggang sa ibinalita niyang isa sa mga produkto nila ang wine na iniinom ng mga bisita ngayon.

I noticed the amused look on everyone's faces after he said that. Hindi siguro inasahan na sila Samuel ang provider ng wine sa event na ito. A sneaky move there, Mr. Guevarra. Natikman ko nga rin ang wine na iyon kanina at masarap nga.

Agad kaming bumaba ng entablado pagkatapos. I noticed a group of people stood up as we go down the stage. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang mga ito sa akin.

When I walked pass them, that's where I noticed that they're my family! Eto na nga ba ang sinasabi ko, e.

My jaw dropped. Nanatiling nakaupo si Mama at ni minsan ay hindi man lang ibinaling ang tingin sa akin. Tiningnan ko ang mga kapatid ko na galit na nakatingin sa akin.

"What are you doing here?" Kuya Johan asked angrily.

Nanatili akong nakatitig sakanya. I clenched my jaw. Pinasadahan ko ng tingin ang grupo nila. I noticed that they all have a spouse now. Lahat sila ay pare-parehas lang ang tingin sa akin, mukhang galit na galit.

"Bakit ka pa bumalik dito? Nandito ka ba para gulohin ulit ang buhay namin?" si Ate Vicky.

Ambang lalapit na sana siya sa akin nang humarang naman si Samuel sa pagitan namin.

"Excuse me but-"

Hindi na naituloy pa ni Samuel ang kanyang sinasabi dahil nagsimula nang umiyak si Ate Vicky habang sinusubukang lumapit sa akin. Kuya Johan at Kuya Nate tried to stop her.

Guess they're still not done in blaming me for Ariana's death. Galit parin silang lahat sa akin nang dahil doon. Heck, I don't think they'll get over it.

"Nabalitaan mo rin ba ang pagkamatay ni Papa kaya ka nandito ulit ha? Sino naman ang gusto mong isunod sa amin, Serena? Sino?!" she shouted.

We're causing a scene now. Ang ibang bisita ay nakikiusosyo na at lumalapit pa upang alamin kung anong nangyayari. I glanced at my mother who remained motionless. She didn't even bother on stopping her children from going after me. Walang wala talaga siyang pakealam pagdating sa akin.

"Bakit ka pa bumalik?! Tahimik na ang buhay namin simula nang nawala ka! Gusto mo na naman ba kaming gulohin ha? Umalis ka nalang ulit dahil mas gugustohin pa namin 'yon!"

"Wala akong balak gulohin ang buhay niyo. Nandito ako para-"

"Ohh!" Ate Vicky laughed insultingly. "You expect us to believe that? Hindi ba't doon ka naman magaling? Ang gulohin ang buhay namin? Kaya bakit ka pa nandito bakit ka pa-"

She was about to advance to me when suddenly a new figure appeared in front of us. Napaatras ako at agad na nanikip ang dibdib nang mapagtanto kung sino ito.

Ate Vicky's words didn't hurt me but Dominic's appearance did. Mabilis na nangilid ang luha ko habang pinapanood siyang pigilan si Ate Vicky.

"Stop! Stop it!" aniya habang hawak ang braso ni Ate Vicky na kanina niya pa gustong ipanampal sa akin.

Humagulhol nalang si Ate Vicky at niyakap siya ng kanyang asawa. My lips started to shake when he finally turns to me.

"Arielle," he called.

Sinubukan niya akong abutin pero agad akong lumayo sakanya. A tear streamed down my face as I look at him with so much pain. His eyes remained fearful. Gusto niya pa sana akong abutin muli pero lumayo ako at tuluyan nang lumabas ng venue.

He is the reason why I didn't want to come back here anymore. It's because of him why I decided to leave this country for good.

I can still tolerate my family's treatment to me. Hindi ko kailanman gagawing dahilan iyon para lumayo. But because of what Dominic did to me, it pushed me to run away and never come back.

I thought it might take a while before I see him again while I am here. Hindi ko akalain na nakakadalawang araw palang ako dito ay nagkrus na agad ang landas namin.

I wiped my tears away. Natigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong may humawak sa palapulsuan ko. Mabilis akong napalingon sakanya.

"Arielle..."

I raise my gaze at Dominic with so much fear. Painful memories of him flashed through my mind. He's the only person who used to call me by that name. I've never hated that name so bad until him.

I've come face to face with the guy who fooled me years ago. My plan of avoiding him while I am here is totally nonsense now. Kahit anong gawin ko, magkukrus parin talaga ang landas namin.

It's time to face my heartbreak even if I've been avoiding this for years. I just can't shrug all these emotions aside knowing that after all these years, it is still so painful to me.

Maybe the only right thing to do now is to accept the fact that there's no turning back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top