Chapter Two
Song: DNA- Lia Marie Johnson
Blame
I gasp for air as soon as I opened my eyes. Agad akong nakaramdam ng sakit ng katawan at ulo. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at napagtanto na nasa loob ako ng ambulansya.
I heard someone sighed heavily. May anong kaluskos din akong naririnig. I panicked.
Bago pa ako tuluyang makagalaw ay may humawak na sa akin at idinepina ako sa aking pwesto.
"Hi," a woman appeared in front of me. "Welcome back... I'm Julia. I'm a paramedic. It's okay... you're going to be fine."
"Where am I? Where am I?" tanong ko habang sinusubukan na magpumiglas.
"Miss, you have to stay still. Everything's going to be alright." alu ng paramedic.
I winced when I felt something painful on my right thigh. I realize that the more I move, the more painful it becomes. Sinulyapan ko iyon at nakita na may iilang bubog na nakabaon doon. Hinawakan ko rin ang ulo ko at naramdaman ang isang malapot na likido doon.
My hand started to tremble when I saw my fingers covered in my own blood. What just happened?
Ang huling alaala ko pa ay noong nasa sasakyan kami ng kapatid ko. Pagkatapos noon ay hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari.
"What is happening?" I asked the paramedic. "Nasaan ang kapatid ko? Nasaan si Ariana?"
"Shh... please, stay still. You got involved in a car accident. She's on the next ambulance. The both of you are going to be fine."
Labis akong nakaramdam ng kaba. We were involved in an accident? But I remember that I was driving safely! How come we were involved in an accident when all I'm trying to do is to be careful? I-uuwi ko pa ang kapatid ko ng maayos! Hindi pwede 'to!
"Is she okay? Do... Do... you know h-how she's doing?"
"I'm sorry, dear, but I don't. But another paramedic is attending her and I'm sure they're also trying to do their best to save her."
Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha ko. Dapat talaga hindi ko nalang siya sinama, e. Dapat hindi nalang siya nagpumilit. Kung hindi ko lang talaga siya hinayaan na sumama ay hindi sana mangyayari 'to.
"B-But... she's gonna be fine, r-right? Tell me she's going to be fine. Please..."
Hindi na ako nasagot ng paramedic dahil tumigil na ang ambulansya. Agad itong bumukas at mabilis akong dinaluhan ng mga doktor at nurses. Agad silang naging abala.
Lumingon ako upang hanapin ang isa pang ambulansya kung nasaan nandoon ang kapatid ko. I tried to move.
"Nasaan ang kapatid ko? Nasaan?!" sigaw ko.
Sinubukan kong magpumiglas pero pinipigilan nila ako. The moment we entered the emergency room, more medical professionals flocked around me.
Patuloy ako sa pagtatanong tungkol sa kapatid ko pero wala ni isa sakanila ang sumasagot sa tanong ko. They only keep on telling me to relax and that everything's going to be alright.
But how am I going to relax when I don't know what's happening with my sister?
Nakita ko ang pagpasok ng isa pang stretcher sa loob ng emergency room. Mas maraming nagtungong mga doktor at nurses doon. I tried to get up when I realized that it was my sister!
Agad nila akong hinawakan at pinigilan. I called out to my sister. Nakita kong nakapikit na siya at maraming dugo ang tumutulo mula sa kanyang ulo.
"Ariana!" I screamed.
Nagpupumiglas ako sa nga doktor na humahawak sa akin.
"You have to stay still." Pakiusap nito.
Hindi ko siya pinansin at patuloy na tinatawag ang kapatid ko. Hinawi ko ang kamay niyang sinubukan akong hawakan sa braso. I started crying.
"Ariana! Ariana!"
"It's okay, Serena. It's okay... I want you to look at me and I want you to breathe. Okay? Do you understand?" the doctor made me look into her eyes.
I look back at her in horror. My lips are trembling nonstop. Sinubukan kong tumango. Her eyes are begging me to trust her. Inabot ko siya habang nanginginig ang mga kamay.
"Please make sure that my sister is going to be fine. Please..." I begged. "Kahit siya nalang po ang iligtas niyo. Kahit siya nalang..."
Patuloy sa pagragasa ang mga luha ko habang nakikiusap ako sa doktor. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinakiusapan na huwag kong isara ang mga mata ko.
Sa oras na iyon ay mas pipiliin ko pang maisalba ang buhay ng kapatid ko kaysa sa akin. Mas kailangan siya nila Mama at Papa kaysa sa akin. Mas gugustohin nilang makita na maayos siya.
"Honey, don't worry. They are other doctors who are also trying to fix her. Ikaw ang dapat asikasuhin namin. You flat lined a while ago and we're trying to prevent that from happening again."
Umiling ako at nakiusap muli.
"Please... kahit 'yung kapatid ko nalang po. 'Yung kapatid ko nalang po ang ayusin niyo. Nakita kong nakapikit ang mga mata niya. K-Kailangan niya-"
Naputol ang sinasabi ko nang marinig ko ang sunod sunod na pagtunong ng isang aparato malapit sa pwesto nila Ariana. Nilingon kong muli iyon.
Nakita kong nagkakagulo na sila doon. Everyone is on the rush and I feel like something has happened. I screamed.
"Ariana!" I turn to look at the doctor again. Hinawakan ko ang lab coat niya ng mahigpit. "Please... 'yung kapatid ko po. Siya nalang ang iligtas niyo, please..."
"Shh, honey... it's alright..."
Paulit-ulit nalang! Kanina pa nila sinasabi 'yan pero hindi ko maintindihan kung paano magiging okay itong nangyayari ngayon? This is the last thing I ever want to happen!
"Charge 160. Clear." Narinig kong sinabi ng doktor ni Ariana.
Muling nagawi ang tingin ko doon. Humarang naman ang isang nurse sa harap ko para hindi na iyon ang tingnan ko. Nagpumiglas akong muli.
"Ariana, please..."
For a moment, I became numb with everything that's happening. I just kept on crying and crying. Hindi ko na iniisip pa ang sakit na nararamdaman. All I could think about is Ariana's life.
She needs to stay longer. She needs to be saved.
"Charge 200. Clear."
Natahimik ang banda nila at ang tanging naririnig nalang ay ang mga sigaw ko. Everyone's trying to pin me down. I couldn't calm my nerves down knowing that I have no idea of what's happening with my sister.
I only stopped screaming when I heard a long bleeping of the heart monitor. My mouth parted in shock. Namilog rin ang mga mata ko nang makita ko ang pagbagsak ng kamay ng kapatid ko.
"No!" I cried out in pain. "Ariana, no! Oh, God!"
"Time of death... 2:30 AM." That was the last thing I heard before I started wailing.
No... Ariana can't be dead! Sinamahan niya lang naman ako sa club kanina ah? Bakit biglang ganito? Ano ba ang nagawa kong mali para ganito ang mangyari sa kapatid ko?
Hindi naman ako nagpakalasing dahil gusto kong masiguro na maayos ko siyang maiuuwi. Kaya... bakit biglang nagkaganito?
"Everything's going to be fine, sweetheart..." alu ng doktor sa akin.
I shake my head. I just kept on wailing. I can't find enough reasons to stop. Sobrang sakit. Akala ko pinaka masakit nang mangyayari sa buhay ko iyong ginawa sa akin ni Samuel, hindi pa pala.
Naninikip ang dibdib ko. I started gasping for air. Hinawakan ko ang palapulsuan ng doktor na nag-aasikaso sa akin. I shake my head to tell her to just let me gasp for air until I couldn't hold it anymore. I just died with my sister anyway.
Nataranta ang mga doktor kaya agad nila akong pinasakan ng oxygen. Umiyak ako. The doctor caressed my hair. She looks at me gently.
"It isn't your time yet, sweetheart..."
Nilingon kong muli ang banda nila Ariana. I wish I was there to hold her. Kung kaya ko lang siyang abutin, hahawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hindi ko na bibitawan pa ito.
I'm so sorry, Ariana... I'm so sorry...
Pagkatapos ng ilang oras ay nakita ko ang pagpasok ng pamilya ko. Everyone's here and looks like they are all worried. Hindi nagawi ang tingin nila sa banda ko. They asked for Ariana first.
Sinundan ko sila ng tingin habang hinahanap nila si Ariana. Nagamot na ng mga doktor ang sugat ko. Naalis na rin ang mga bubog sa hita ko at natahi na rin ang sugat ko sa ulo.
Hindi na alintala sa akin na mas hinahanap nila si Ariana kaysa sa akin. Mas kailangan nilang malaman ang nangyari sakanya. Sigurado akong madidismaya sila kapag nalaman nilang ako ang nakaligtas sa aksidente sa halip na si Ariana.
Bumaba ang tingin ko sa hawak na bracelet. Inabot ito ng doktor sa akin habang inaayos nila si Ariana papuntang morgue. They allowed me to see her before transferring her at wala akong ginawa kung hindi ang paulit-ulit na humingi ng tawad sakanya. I just kept on crying and the doctors gave me space to mourn for my sister's death.
Nanginig ang labi ko habang pinagmamasdan ito. This was my gift for her 15th birthday. Aniya, ito na raw ang paborito niyang bracelet. May kamahalan iyon dahil nakuha ko ang pera gawa ng pagmomodelo. Isa siya sa mga sumusoporta sa akin pagdating doon kaya naisipan kong nararapat lang siyang bigyan ng gano'ng kamahal na regalo.
The doctor who took care of my sister is now talking to my family. Mahigpit na nakahawak si Mama kay Papa, habang ang mga kapatid ko naman ay nakikinig ng mabuti sa sinasabi ng doktor.
Mamaya-maya pa ay nabalot ang buong emergency room ng iyak ni Mama. She slumped down on the floor and Papa is trying to get her back up. Kitang-kita ko rin ang pagpipigil nito sa pag-iyak.
Ate Vicky burst out into tears. Si Kuya Johan ay bigong pinasadahan ng kanyang daliri ang kanyang buhok. Kuya Nate enveloped Ate Vicky into a hug. Napapikit ako at di na naiwasang maiyak.
Sana ako nalang... kung 'yun lang ang nangyari, hindi sana magluluksa ang pamilya ko ng ganito.
Pagdilat ko ay nagkatinginan kami ni Kuya Johan. His mouth parted. He immediately called the attention of our parents. Kahit na hindi pa tapos sa pag-iyak ay agad na inangat ni Mama ang tingin sa akin. Tumayo siya at nagtungo sa akin.
"Anong nangyari?" she demanded for an answer.
Natutop ang aking labi. Hindi ba nila itatanong sa akin kung ayos lang ba ako? Na kung nalagay din ba ang buhay ko sa bingid ng kamatayan?
But what would you expect, Serena? They don't care about you! Kaya bakit ka pa maghahangad ng ganyan?
"Anong nangyari?!" her voice thundered.
"I..." I stammered. "I'm so sorry."
Umiling siya at mas lalong umiyak. Sumugod naman si Ate Vicky sa akin. Mabuti nalang at nahawakan agad siya ni Kuya Nate kaya hindi nito nagawa ang gusto nitong gawin sa akin.
"Bakit mo siya sinama?! Bakit mo pa siya dinamay?!"
"Hindi ko siya d-dinamay! Aksidente ang-"
"Anong ginagawa niya at bakit kasama mo siya?" si Kuya Johan.
"Nagpumilit siya kahit na ilang beses ko siyang pinipigilan!"
"Kahit na, Serena! You should've known better! You-"
"Sa tingin niyo ba gusto ko rin 'tong nangyayari? Sa tingin niyo ba plinano ko 'to?!" My voice broke. "Hindi ko ginusto na mamatay si Ariana! If I could only trade my life with hers then I would. Alam kong mas gugustohin niyo pa iyon!"
Mabagal ang paghinga ni Ate Vicky habang nakatingin sa akin. Habang si Kuya Johan naman ay nanatiling nakakuyom ang bagang.
"Pasensya na kung nadismaya kayo kasi ako 'yung buhay at hindi siya. Sa tingin niyo ba hindi ko rin hiniling na sana ako nalang 'yung nawala at hindi siya? Alam ko kasing mas kakailanganin niyo siya kaysa sakin. Kasi wala rin naman akong kwenta para sainyo at-"
"Enough!" Papa shouted. "This is not the right time for that!"
Ibinaling ko ang tingin sakanila. Galit na tingin ang iginawad ni Mama sa akin nang magkatinginan kami. Dinuro niya ako.
"You killed your sister, Serena! You killed her!" my mother blamed me. "You're the reason why she's dead. Kung hindi mo sana siya sinama, hindi sana siya mamamatay!"
Iyon na ata ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa buong buhay ko.
Kung sino pa talaga 'yung pamilya mo, sila pa talaga iyong mabilis manghusga sa'yo. Ni hindi nga nila alam kung ano talaga ang nangyari. Basta nalang nila ako hinusgahan dahil masama na ang tingin nila sa akin noon palang.
"But, Mama, I didn't-"
"No, no. You killed h-her," her lips trembled. "You hear me? You killed her."
Mabilis na tumulo ang luha ko. Kahit paulit-ulit akong umiling, hindi parin sila maniniwala. For them, I am the suspect. I am the reason why Ariana's dead.
Inalu siya ni Papa ay inilayo na sa pwesto ko. Nagpatuloy sa pagluluksa si Mama. Ang mga kapatid ko naman ay nanatiling nakatitig sa akin. Ate Vicky's eyes are already swollen from crying. Ang dalawa kong Kuya ay wala man lang ginawa at mas piniling manahimik.
Lumayo na si Ate Vicky sa amin. Agad namang sumunod si Kuya Johan sakanya. Kuya Nate stayed and looked at me sympathetically.
"You don't believe Mama, right?" tanong ko.
Kahit may isa man lang sa pamilya ko na naniniwala na hindi ako ang dahilan kung bakit namatay si Ariana ay talagang papaniwalaan ko iyon.
"I'm sorry, Serena..." bulong niya.
Pumikit ako at hinayaang tumulo ang luha ko. I nod my head. May kung anong punyal ang tumusok sa puso ko nang dahil sa sakit na nararamdaman.
I felt Kuya Nate's hand brushed my shoulder.
"Get well, Serena."
'Yun ang huling sinabi niya bago sumunod sa kung nasaan ang mga kapatid ko.
Mahigpit kong hinawakan ang bracelet ni Ariana. Do they think that her death doesn't affect me? Kung mas may nasasaktan man dito, ako 'yon.
Ariana's the only one who accepted me in this family. Siya lang ang labis na nakakaintindi sa akin. Siya lang ang hindi humuhusga sa akin. She's the only one who loved me. I feel like I lost a part of me.
Kung sino pa iyong natitirang nagmamahal sa akin sa pamilyang 'to, siya pa iyong nawala.
I only opened my eyes again when I heard Tito Chad's voice. Nag-aalala niyang inilibot ang tingin sa paligid. Agad niyang tinanong sa nurse kung nasaan ako. Mabilis siyang nagtungo sa akin nang makita niya ako.
Mas lalong bumuhos ang luha ko nang salubungin niya ako ng yakap. He's all that I have left. Siya nalang ang natitira kong pamilya.
"Oh, dear..." his shoulders started shaking. "I heard what happened. I'm so sorry..."
Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Hinayaan niya naman akong umiyak sa balikat niya.
"Are you alright, dear?" he asked.
Mas lalo akong naiyak sa tanong na iyon. My family didn't even bother to ask me that question. They only came to me to judge and blame me for Ariana's death. They never asked how I was. Hindi man nila tinanong kung nasasaktan rin ba ako.
Paulit-ulit na hinahagod ni Tito Chad ang likod ko habang pinapatahan ako. He keeps on telling me that everything's going to be alright soon.
I just hope it will because I don't think I'll be able to live with this pain my whole life.
Tito Chad is all that I have left. He's the only one who can make me believe that maybe... everything's going to be better soon. Siya nalang ang natatanging naniniwala sa akin. Kaya hindi ko kakayanin kung pati siya... ay mawawala rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top