Chapter Twenty
Song: klwkn- Mariah Dela Cruz (cover)
Eavesdrop
I woke up to someone's constant stirring beside me. I groaned and opened my eyes slowly.
"Umagang-umaga ang kulit mo agad!" reklamo ko.
I look at him and saw fear in his eyes, like I just violated him. My forehead creased. I scoffed when he tried to look underneath the blanket, trying to see if he still had his clothes on.
"Wala namang... wala namang nangyari diba?" Dominic asked nervously.
Umirap ako at dahan-dahang bumangon. Kinusot ko ang aking mga mata bago humikab. Pinuyat niya ako kagabi sa kakasikaso sakanya tapos may gana siyang mambintang ngayon!?
"Bakit? Sa tingin mo pag-tatangkaan kita? Excuse me!"
"No. I mean... I didn't take advantage of... anything, right?"
I smirked. "Don't worry, you didn't. You were so wasted. I bet you are too tired to even do anything stupid."
I heard him sigh heavily. Hinilot niya naman ang kanyang sentido at tsaka pumikit. Wala naman kasi talaga akong balak na tabihan siya dito sa kama. E, kaso nilagnat siya kaya napilitan akong bantayan siya hanggang sa masiguro kong maayos ang lagay niya.
He was also shaking uncontrollably last night that's why I felt bad if I'm going to leave him alone here. Hindi ko na nga binuksan ang aircon para hindi na siya lamigin pa lalo. Grabe na ang pag-aadjust ko sakanya ha?
I reached the glass of water for him. Dumilat siya at kinuha iyon sa kamay ko. I titled my head as I watch him drink. I pressed my palm on his forehead to check for his temperature. Nagulat siya sa ginawa ko kaya kumunot ang noo ko.
Ngumuso ako. Hindi na siya kasing init kagaya kagabi.
"Gano'n ka ba talaga kapag lasing? Nilalagnat pagtapos?" tanong ko. His eyes widened a bit.
"Nilagnat ako?"
"Yeah. Kaya hindi rin ako nakatulog sa kwarto ko dahil nakakaawa kang tingnan kagabi. But are you fine now? Masakit ba ang ulo mo?"
"A bit."
Tumango ako. Babangon na sana ako sa kama nang pigilan niya ako. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko bago ko muling i-angat ang tingin sa mata niya. I raised a brow at him.
"Thank you. I must've been such a pain in the ass last night. Pasensya na." aniya at tsaka nag-iwas ng tingin.
I smiled a little. "It's fine. Kumain na muna tayo bago ka uminom ng gamot. Mahalaga na may laman na muna ang tiyan mo. If you can't get up, I'll bring your breakfast here."
His eyes widened a bit. Mabilis siyang umiling at umayos na rin upang makabangon na sa kama.
"I'll help!"
"Baka mabinat ka pa! If you don't want to stay here, then just stay at the couch. Kaya ko naman!"
He frowned but in the end he nods his head in agreement. Nauna na akong tumayo sa kama. I put my hair up in a high ponytail as I make my way out of the room. Sumunod rin naman siya kalaunan sa akin.
I opened the TV to keep him entertained as I prepare our breakfast. Nilabas ko iyong bacon at eggs. I toasted some bread and made coffee for the both of us. Sinulayapan ko siya sa sala at nakitang nakatitig lang siya sa kawalan, parang may malalim na iniisip.
Agad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring abala sa ginagawa nang bumaling siya sa pwesto ko.
"May... may nasabi ba ako kagabi?" he asked curiously.
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. I pursed my lips and turned my back on him to put the egg on the pan. Halos pagpawisan ako sa tanong niyang iyon.
How can I forget? Habang hirap na hirap ako sa pag-akay sakanya, paulit-ulit niya namang sinasabi na mahal niya ako. He keeps on saying I love you like he's going to die if he's not going to repeat it to me. Alam kong lasing lang siya kaya niya nasasabi 'yon. He's not in the right state of mind so maybe he also didn't mean it.
"W-Wala naman." Sagot ko.
Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na hininga. Sumulyap ako sakanya para abutin ang asin. Nakatulala na naman siya at parang ang lalim ulit ng iniisip.
"Who drove us home?" he asked again.
"Me. I drove your Porsche, okay? Kaya 'wag kang magreklamo kung may gasgas 'yon."
Mabilis siyang napabling ng tingin sa akin at pinandilatan agad ako ng mata. I snorted. Sineryoso naman agad kahit joke lang!
"May gasgas?!" he asked hysterically.
"Syempre wala! What do you think of me? A reckless driver? Kung gano'n sana nakailang palit na ako ng sasakyan 'no!"
Umirap ako at binaligtad na ang nilulutong scrambled eggs.
"Plus, I'm not in a racetrack to speed up kahit na ang sarap paharurutin ng sasakyan mo. I have a cargo with me and that's you." Dagdag ko.
Pagkatapos kong lutuin ang itlog ay 'yung mga bacon naman ang isinalang ko. Napansin kong tumayo siya sa sofa upang dumiretso rito sa kusina. I turn my head to him curiously.
"What are you doing?"
"Where are the plates?" he asked as he opens a drawer.
"Ako na ang bahala. Just sit there!"
"I wanna help. Nakakahiya na sa'yo."
Umatras ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. I gave him a teasing smile.
"Wow! May hiya ka pa pala?"
He pouted and rolled his eyes on me. "Just tell me where the plates are."
"Alam mo hindi ko na kasalanan kung mahihimatay ka. Nagpupumilit ka, e." sabi ko at tinuro na sakanya kung saan nakalagay iyong mga plato.
"Tss. Anong tingin mo sa akin? Mahina ang resistensya?"
"E, bakit ka nilagnat kagabi? Ngayon lang ako nakakita ng lasing na nilagnat pagtapos."
"Aba malay ko! Baka nag-init kasi ako."
I look at him in disgust. Ngumisi naman siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sigurado akong double meaning iyang sinasabi niya! Nag-init dahil ano? Goodness!
"Ang feeling mo!" I spat and pushed him out of the kitchen.
Hinayaan ko naman siyang mag-ayos ng lamesa habang tinatapos ko ang pag-luluto. Kinuha niya na rin ang mga kapeng tinimpla ko at nilagay na iyon sa hapag.
Nang matapos ay kumuha na muna ako ng gamot para sakanya. Nilapag ko iyon sa tapat ng tubig niya bago ko binaba ang mga niluto ko. Naupo ako sa kabisera habang naupo naman siya sa tabi ko. We started eating.
"So..." Dominic started. "What are your plans for college? Saan ka mag-eenroll?"
"I already reserved a slot at a university nearby. Kilala 'yon bilang isa sa mga magagandang fashion schools dito sa Pilipinas. Mabuti na nga lang at malapit dito sa condo kaya hindi ako mahihirapan magpabalik-balik," paliwanag ko. "Ikaw? Anong plano mo?"
"Well... first off, I need to review for my boards first before I become hands on with my business. I'm also going to use my remaining year in varsity. You should watch all my games!"
I raised a brow at him. "Demanding ka? Paano pag busy ako?"
"Then it's fine! Kapag di ka nalang busy," he smiled. "Para naman may inspiration ako tuwing game."
Umismid ako at pinanliitan siya ng mata. "E, paano kapag nanood ako tapos natalo naman kayo?"
"Okay lang basta nandoon ka."
Natigilan ako ng sandali at napatitig sakanya. My mouth parted. Nagpatuloy lang siya sa pagkain na para bang hindi naman big deal iyong sinabi niya.
Is he sober now? Hindi na ba talaga lasing 'to? Talagang wala na 'yung tama niya? Sure na 'yon?
"Bakit?" tanong niya sabay baling ng tingin sa akin habang nakakagat siya sa tinapay niya.
I shake my head. "Wala... uh, kumusta nga pala ang business mo?"
"Hmm... okay naman. I'm still trying to come up with a name though. Ang hirap palang umisip. Baka naman may i-susuggest ka?"
"You're asking the wrong person for that, Dominic."
"Why not? Just tell me the first thing that comes into your mind."
Ngumuso ako at umiling. Kung ako pag-iisipin niya, wala lang siyang mapapala. Walang dating ang naiisip ko kaya baka ako pa ang sisihin niya pag walang tumangkilik doon.
"Come on! Just tell me!"
"It's awful! 'Wag na!"
Sinimangutan niya ako kaya pinandilatan ko siya ng mata. O sige! Sino mas masusunod sa amin?
"Tell me! Kahit corny pa 'yan, I'll take it into consideration."
I rolled my eyes and gave in.
"The winery," his mouth parted at my answer. I made a face. "Ano? Okay ka na? I told you not to ask for it! Ang corny diba?"
"The winery huh?" he said while chuckling.
"If you're just going to mock me-"
"Oonga. Dapat hindi na ako nagtanong."
I glared at him and hit him hard on his arm. Tumawa siya ng malakas habang pilit na iniiwas ang sarili sa mga hampas ko. Damn you, Dominic! Pagkatapos kitang alagaan kagabi?!
"Don't worry I'll just name a wine after you."
My forehead creased. "Why would you do that?"
"Because you're special to me."
Agad akong napaiwas ng tingin sa sinabi niyang iyon. Sure na talaga? Di na talaga 'to lasing? Bakit kung ano-ano na ang pinagsasabi?
Nang hindi ako nagsalita ay nagpatuloy naman siya.
"Ikaw? Magpapatuloy ka sa pag-momodel?"
"Of course. Sayang din 'yon."
He nods his head in agreement. "Sabagay... so, do you have any scheduled shoot for next week?"
I curiously raise my gaze at him. "Bakit?"
"Nag-aaya kasi si Arthur at Joanna ng weekend getaway sa Batanes next week para i-celebrate ang graduation namin. I just thought of tagging you along with me since... wala ka nang kasama dito."
A small smile curved into my lips. "Titingnan ko. Baka kasi may biglaang mag-book sa akin so I really can't say. But if I don't have any... I'll join."
Masaya siyang ngumiti sa akin. "Really?"
"Yeah! Summer is still not over and I also miss the beach so... why not?"
"I'll let Arthur and Joanna know para maayos agad ang accommodation. You just saved me from being a third wheel though."
I rolled my eyes playfully at him. Nagpatuloy naman kami sa pagkain pagkatapos noon. I reminded him again about his medicine. May iilang t-shirts pa naman na naiwan si Tito Chad dito kaya pinahiram ko na muna sakanya iyon. Hindi naman cross dresser si Tito Chad kaya swerte siya at may maipapahiram ako sakanya.
Problema niya nalang 'yung undergarments niya. Basta ako, nagmagandang loob na ako. I already did my part.
"Maybe I should bring some clothes with me when I come over next time."
I crossed my arms over my chest and titled my head. "And why is that?"
"It's not so bad if I'll stay here once in a while, right? Para na rin may kasama ka."
"Wow ha! Di ka nalang kaya lumipat dito kung ganoon?"
Dominic smirked teasingly at me because of that. "Why? You want me to move in with you now? Can't get enough of me kaya gusto mo araw-araw kayong nagkikita?"
Ngumiwi ako at inirapan siya. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to!
"Excuse me? I can live a day without you. Ikaw lang ata 'tong hindi kaya, kaya kung saan-saan mo na ko inaaya. At kung titira ka man dito, syempre magbabayad ka ng renta 'no! Ano ka sinuswerte?"
He scowled at me. Mapangasar ko naman siyang nginisian.
"Magkano naman ang renta kung ganoon?"
"Mahal. Baka mamulubi ka."
"Walang discount? Gusto mo naman ako diba?" Dominic devilishly smirked at me. And he's using that card! Damn him!
Sa halip na sumagot ay hinampas ko siyang muli. Umiwas siya at ginamit ang braso niya upang panangga sa mga palo ko.
For the next day, I asked Teresa if there's any chance that I'm going to be free this weekend. Apat na araw pala kasi iyong bakasyon na tinutukoy ni Dominic kaya kailangan kong malaman kung may nakaschedule ba ako.
I didn't want to get his hopes up since it looks like Dominic really wants me to be there. I also really want to go since I've been dreaming of going to Batanes!
"You're free this weekend, Serena. Next week ang busy week mo. May dalawa kang fashion show at apat na shoots next week. Bakit?" kuryosong tanong ni Teresa nang tinawagan ko siya.
"Uh... kailan lahat ng 'yan?"
Tiningnan ko ang planner ko upang i-jot down ang magiging schedule ko. I heard Teresa flipping something.
"Ang dalawang fashion show sa Saturday. May isa kang shoot sa Tuesday, dalawa sa Thursday, at isa sa Friday."
Magusid akong nakikinig habang sinusulat ang lahat ng sinasabi niya. I bit my lip when I realized na tatamaan ang isa kong shoot sa Tuesday. Wala naman akong scheduled shoot ng Wednesday kaso wala naman ako sa posisyon para ipamove iyon. Ano ako? Special?
"Why are you asking? Aalis ka ba?" kuryoso niyang tanong.
"Oo sana. We're supposed to be back on Tuesday kaso meron pala akong shoot."
"Then just come back on Monday. You know we can't move the shoot, dear. Ang brand ang nag-schedule noon."
"I know! Kaya nga ako nag-tatanong diba?" I rolled my eyes.
Pagkatapos naman namin mag-usap ni Teresa ay ipinaalam ko agad kay Dominic ang schedule ko.
"We'll cut the trip short so you can attend your shoot." Aniya sa kabilang linya.
Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga. Sinalo ko ang aking noo gamit ang aking palad.
"Sorry kung mapuputol pa nang dahil sa akin."
He chuckled. "It's fine, Arielle. Arthur and Joanna can still stay if they want. Basta ako, uuwi ako nang kasama ka."
I pursed my lips. Kinapa ko naman ang pisngi ko dahil naramdaman ko ang pamumula nito. Gosh! It's been a while since I felt like this. Kaunting salita lang, kinikilig agad? Okay ka lang, Serena?
"Sige na, mag-aayos na ako ng gamit. What time are you going to pick me up on Saturday?"
"I'll come over on Friday so don't worry about the time on Saturday."
My brows rose. "And who told you, you can come over? Is this your condo now huh?"
"Tss. Kunwari pa. I know you want my company, Arielle. I'll stay in the guest room don't worry!"
Simula nang umalis si Tito Chad ay madalas na ngang nandito si Dominic. Kulang nalang ay dito na rin siya tumira sa sobrang dalas niya. Parang nagkakatotoo na tuloy iyong pang-aasar ni Tito Chad sa akin noon na gawin ko nalang daw kwarto ni Dominic ang kwarto ko noon.
Speaking of Tito Chad, he called last night to check up on me. Naging abala na rin siya sa pag-aasikaso ng business niya doon. Luca has also been hands-on and has been asking his colleagues to help.
Kitang-kita ko naman sa kanya na masaya siya sa ginagawa. That alone, made me even happier for him. Bukod sa pag-aayos rin ng business niya, humahanap siya ng agencies kung saan pwede niya akong i-recuit. Sabi niya kasi mas maganda rin daw kung may international agency na magrerepresent sa akin since rumarami na rin ang brands na kumukuha sa akin.
Pinaalam ko rin sakanya ang magiging bakasyon namin ni Dominic kaya binigyan niya lang ako ng kaunting paalala. Come Friday night, Dominic came over with a duffel bag on his hand. Masaya siyang ngumiti nang pagbuksan ko siya ng pinto.
"Kumain ka na?" agad niyang tanong.
"I was about to."
"Tamang-tama. I brought something!" pinakita niya naman ang tinake-out niyang Chinese food. I smiled and let him in.
"Alam ba ng mga magulang mo na dito ka nagpupunta lagi?" kuryoso kong tanong.
Pagkatapos niyang ibaba ang dala niya sa kwarto ay bumalik siya sa dining para tulungan ako sa paghahanda.
"Oo naman. It's not a big deal to them though. Kilala ka naman nila. Bakit?"
"Wala lang. Mas madalas ka kasi dito kaysa sa sarili niyong bahay. Baka lang nagtataka na ang mga magulang mo."
"Ayaw mo ba?"
Inangat ko ang tingin sakanya. He's got a questioning look on his face now. I scowled at him. Sa dalas na niyang nandito ngayon pa ba ako magrereklamo? I was just curious so I asked!
"Hindi naman-"
"Syempre gusto mo kasi gusto mo rin ako." Pagputol niya sa sinasabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Inambahan ko siya ng suntok. Humalakhak siya bago magsalin ng pagkain sa plato ko. Pinanood ko siya habang ginagawa iyon.
"So... what time are we going to leave tomorrow?" I asked.
"Early. Our flight is at 10. Maaga naman tayong makakarating ng Batanes kaya marami rin tayong oras para mag-libot."
Tumango ako. Nagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa magiging bakasyon namin simula bukas. I got everything ready. Nagdala ako ng mga summer dresses, shorts, bikinis, at kung ano-ano pa. Dominic got his own camera so I didn't brought mine anymore.
Pinaalala niya sa akin na magdala rin daw ng pang-hike dahil balak nilang umakyat sa Mt. Iraya sa pangawalang araw namin doon. Kaya naman nang dumating ang araw ng pag-alis namin ay maaga rin kaming gumising.
We booked a car that will take us to the airport. Nandoon na si Arthur at Joanna nang dumating kami. Dominic helped me load my bags on the baggage trolley habang binabati ko naman ang dalawa.
"Hi! Nice to see you again!" si Joanna.
Ngumiti ako at nakipagbeso sakanya. Sunod ko namang binati si Arthur.
"Buti at nakasama ka. We were afraid that you might be busy this week kaya buti nalang at hindi. At least... my brother here won't be alone. Baka mamatay 'to sa inggit, e." sabi ni Arthur sabay inakbayan ang kaibigan.
Dominic glared at him. Sabay-sabay kaming pumasok ng airport. Nanatili naman ako sa tabi ni Dominic habang nag-lalakad para makapag-check in na sa flight namin. I snorted as I look at his ID picture. It's not so bad actually. He still looks good. Hindi lang talaga ako sanay na ganito ang itsura niya kaya natawa ako.
Dominic glared at me when he saw what I was laughing at.
"Hindi naman pangit ah?" he defended.
"Hindi nga! You look like a baby here though." I teased and pinched his cheek.
He frowned at me before he wrapped his arms around my shoulders. He pulled me closer to him and snatched my IDs away from my hand. Binuksan niya iyon gamit ang isa niyang kamay.
"Tss. Unfair! It looks like you're just having a photoshoot."
Nagkibit ako ng balikat at mayabang na ngumisi sakanya. Pabiro niya akong sinamaan ng tingin.
"That's because I already know my angle. Give me that!" hinablot ko ang ID ko sa kanya.
Inalis naman ni Dominic ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin upang pumangahalumbaba sa may desk. He watches the lady do her job. Nang dahil sa ginawa niyang iyon napansin ko ang pamumula ng pisngi noong babae.
Paminsan-minsan siyang sumusulyap kay Dominic. She will even pursed her lips every time Dominic glances accidentally at her. I creased my forehead. Kinalabit ko naman si Dominic at tinuro sakanya ang mga gamit namin na kailangan nang i-check in.
Agad siyang sumunod kaya ako naman ang pumalit sa pwesto niya. Pumangahalumbaba ako at mapang-asar na nginisian iyong babae. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Kaya naman nang matapos kami doon ay mabilis kong hinablot ang kamay ni Dominic. Nagulat siya sa ginawa ko pero kalaunan ay siya rin ang nag-initiate na pagsiklupin ang mga kamay namin. I tried to act normal, like this wasn't bothering me at all. But in reality, the butterflies in my stomach has gone crazy!
"Oh, wow!" Arthur exclaimed.
Bumaba ang tingin niya sa magkasiklop na kamay namin ni Dominic. I suddenly felt awkward so I had this urge to let go of Dominic's hand. Ngunit hindi naman hinayaan ni Dominic iyon dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko at mapang-asar lang na nginisian si Arthur. They mocked each other.
Dominic and I are seated together. Ako ang nakapwesto sa may bintana habang siya naman ang nasa gitna. I pulled my dress down and hugged myself a bit because it's quite cold inside this plane. Napansin ata ni Dominic iyon.
"Are you cold?" he asked curiously.
I'm only wearing a maroon ruffed mini cami dress. Hindi ko naman din kasi inexpect na magiging malamig sa airplane kaya hindi na ako nagabala na kumuha ng jacket.
"Uh... a bit."
Tumango si Dominic at agad namang hinunad ang suot niyang black bomber jacket. Now he's left with his plain white shirt. Pinatong niya ang jacket sa balikat ko. He winked at me after. What was that for?!
I scoff and rolled my eyes playfully at him.
Saglit lang ang naging byahe namin patungong Batanes. Hindi ko inasahang malamig pagkalabas namin ng airport. They rented a van that will take us to our hotel. Magkasama kami ni Joanna sa iisang room. Once we've settled down, lumabas kaming muli para mag-lunch.
We first went to Basco Lighthouse and the Vayang Rolling Hills. It was such a nice scenery that I almost wished that I was born here. Malakas at presko pa ang hangin. Malapit pa ang dagat kaya siguradong hindi nakakaburyo na tumira dito.
We took a lot of pictures together. Nagmistulang photographer itong si Dominic dahil siya ang panay kuha ng litrato sa amin.
"Patingin!" sabi ko pagkatapos niya akong kuhanan ng litrato.
Nandito kami ngayon sa Rakuh A Payaman. So far, Batanes has never disappointed me dahil sa sobrang ganda sa lugar na ito.
Lumapit ako kay Dominic upang tingnan ang mga litrato na kinuha niya sa akin. He showed me the pictures on his camera. I nod my head in satisfaction dahil halos magaganda ang lahat ng kuha niya. Papasa na 'to bilang Instagram boyfriend.
"Ayos ba?"
I smiled and nod my head. "Ikaw naman!"
Gano'n ang naging routine namin sa tuwing may panibago kaming pupuntahan. Pagkatapos niya akong picturan, siya naman ang pipicturan ko. Sometimes we'll take selfies together. Natigil lang kami sa pagkuha ng litrato nang mapunta kami sa San Carlos Borromeo Church.
Mayroon sila ditong blank book na maari naming sulatan. Si Arthur at Joanna nakakuha na ng kani-kanilang libro at pumwesto na upang magsulat. Kami naman ni Dominic, nagbasa muna ng mga nakalagay bago namin mapagdesisyonan na gumaya na rin sakanila Arthur.
I have no idea what to write. Halos lahat ng mga nabasa ko ay puro tungkol sa pagcecelebrate ng kanilang anniversaries o di kaya mga hiling nila. I glanced at Dominic who's now busy writing on his blank book. I smiled.
Dinampot ko na rin ang ball pen upang magsimula nang magsulat.
I wish to be able to come back here when we're both successful. Sana walang magbago sa amin at sana hindi mabilis matatapos ang kwento namin. I also hope that Dominic... is the one. -A.S.
I immediately closed the book after I finished. Nagkatinginan naman kami ni Dominic. I raised a brow at him.
"Tapos ka na?" I asked.
"Yeah. You?"
"Yes."
"Patingin ako."
Agad ko namang nilayo ang libro ko bago niya pa mahablot ito. Ngumuso ako at umiling sakanya.
"Patingin muna ng sa'yo." Sabi ko.
Gano'n rin ang naging reaksyon niya at nilayo sa akin ang librong kinuha niya.
"Ayoko rin."
I made a face and rolled my eyes at him. "Edi 'wag na nating tingnan!"
We made a deal that we're both going to read each other's wish if ever we come back here in Batanes. Sana nga at magkatotoo iyon.
Kinabukasan naman ay maaga kaming gumising para makapag-hike na sa Mt. Iraya. We've been hiking for two hours now at pagod na pagod na ako. Halos nakakapit na ako kay Dominic at pinipilit nalang ang sarili na tumuloy.
Napaupo nalang ako upang pagpahingahin ng sandali ang mga binti. I stretched my left leg.
"Come on, Arielle. Kaunti nalang." Dominic encouraged me.
I looked up to him and pouted. Napangiti naman siya dahil siguro mukha na akong kaawa-awa ngayon.
"Just a minute." Pakiusap ko.
Hindi ko naman inaasahan na kukuhanan niya ako ng litrato habang ganoon ang itsura!
"Why would you do that?!" napatayo na ako at sinubukang hablutin ang camera sa kamay niya.
I know he won't delete that so I'll do the honor!
"Because you look cute. Don't, Arielle. I'm keeping it. It's a remembrance." Aniya at nauna na siyang maglakad kaysa sa akin.
I groaned in frustration and tried to pushed myself to continue. We stopped for a while to rest. I busied myself by taking a picture of the scenery. Napasulyap ako kay Dominic na abala sa pagtanggal ng dumi sa sapatos niya. Kanina pa niya iyon kinakaskas sa sahig at mukhang frustrated na dahil sa mga dumi.
I smiled and took a picture of him. Narinig niya siguro ang shutter kaya siya napaangat ng tingin sa akin.
"Did you take a picture of me?" may pang-aakusa sa tingin niya.
"Of course not! Ang feeling mo!" sabi ko at tinalikuran na siya.
It was so fulfilling when we finally reached the top. I smiled, feeling a bit proud of myself. Pagkatapos namin sa Mt. Iraya ay bumalik na kami sa hotel upang magpahinga. After we ate our lunch, we went to a lot of beaches. Galing na kami sa Spring of Youth at Chavayan beach kanina at ngayon nandito naman kami sa Maydangeb beach.
"Let's go swim, Serena!" aya ni Joanna sa akin pagkatapos niyang hubarin ang suot niyang shorts. She's now on her mustard colored bikini.
Nakakailang bilad na kaming dalawa sa tubig. I guess she's also a fan of beaches just like me. Enjoy na enjoy niya ang dagat pati na rin ang mga buhangin.
I removed my tank top and my denim shorts to reveal the white bikini that I'm wearing. Nakita kong napasulyap sa gawi ko si Dominic na abala sa pag-aayos ng camera niya. Nang magkatinginan kami, agad siyang nag-iwas ng tingin.
Parehas lang rin naman kami ng naging reaksyon nang makita ko siyang hubarin ang tshirt niya kanina. I know he has a toned abs but I still got surprised to see how it was sculpted beautifully on his body.
I work out a lot and I guess nagbunga naman iyon dahil maganda ang pangangatawan ko dahil kailangan rin ito sa pagmomodel. Ngunit hindi ko rin naman maiwasang ma-curious kung paano niya naachieve ang ganoong pangangatawan gayong hindi ko siya madalas na makitang nagwowork out.
Tumakbo ako patungong dagat upang samahan na si Joanna. Nanatili lang kami sa mababaw na bahagi hanggang sa sumama na rin ang dalawa sa amin. I immediately looked away when I saw Dominic nearing. Sa halip na sa mukha niya dumiretso ang tingin ko, sa katawan niya pa talaga!
Gosh! Your dirty little mind, Serena! Ilang beses ka nang nakakita ng abs dahil sa trabaho mo, ngayon ka pa talaga naawkwardan ha!
"I heard we can cliff dive sa Torongan cliff, Dom. Let's try!" aya ni Arthur.
I do a lot of extreme sports but I will never dare to try cliff diving. I'm just so scared of doing it that's why I backed out when they asked me to join. Kahit si Joanna ay ayaw rin. Kaya nang matapos kami dito sa Maydangeb beach, doon naman ang sunod na tungo namin.
I wore my beach hat and my denim short and left my bikini top on. Habang naglalakad pabalik ay may napulot na bulaklak si Dominic. Humarap siya sa akin at nilagay iyon sa tainga ko. Bahagya akong nagulat.
I smiled and grabbed his hand as we walk together. Nang makarating kami sa Torongan cliff ay agad silang nagpaalam upang magpunta na sa tuktok. Joanna and I are both anticipating for their fall.
"I'm actually scared for them though. Mababato pa naman." Ani Joanna.
"Me, too. I don't know what has gotten into them to try this."
"Hay naku! 'Yang dalawang 'yan talaga kung ano ano ang sinusubukan! Pag 'yan nadisgrasya!" she pouted and crossed her arms over her chest.
Naputol lang ang usapan namin nang marinig namin ang paghiyaw ng dalawa, hudyat na nasa tuktok na sila. I squinted my eyes as I try to look up at them.
"Be careful!" sigaw ni Joanna sakanila.
Nakita kong si Arthur ang naunang magtungo sa cliff. Halos umiwas na ako ng tingin habang pinapanood siyang bumagsak sa tubig. He was screaming as he falls. Joanna sighed in relief nang umahon si Arthur.
"That was fun!" sigaw nito. "Dom, you're next!"
Mabilis kong inangat ang aking tingin upang panoorin si Dominic. If something bad happens to him after his fall... I swear! He screamed at the top of his lungs when he started to jump. Nag-aabang na si Arthur sa pagbagsak niya.
My heart started to pound like crazy when it took Dominic a while before he floats into the water. Nakita kong may kung ano siyang kinakapa sa labi niya kaya mabilis na nagtungo si Arthur sakanya.
"Oh, no! I think something happened."
Sabay kaming nagtungo ni Joanna sa gawi nila. We waited for them until they reached the shore. I gasp when I saw Dominic's lips bleeding.
"What happened?" I asked.
Dominic tried to laugh but immediately winced in pain. "Nauntog ako."
Hindi naman pumutok ang labi niya. There's just a scrape in his lips and thank goodness because it wasn't deep.
"Saan masakit?" Tanong ko.
Tinuro naman ni Dominic ang kanyang upper lip. "Ito oh! Ang sakit."
He pouted. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "What do you want me to do? It's your fau-"
"Kiss mo."
My jaw dropped. Ang dalawa naman ay nagsimula nang maghiyawan at asarin kami. Dominic chuckled as he watches me. I can't believe him!
I pushed his face away as I try to fight off my smile.
Our last stop was Morong beach. We'll stay here until the night because we plan on having a bonfire. Nagamot ko na rin ang sugat sa ibabang labi ni Dominic kaya ayun at panay na naman ang pangungulit.
"Sure na? Walang kiss?"
Bumagsak ang balikat ko. I look at him in disbelief.
"Alam mo, ikaw lang 'tong nasugatan na sobrang demanding!"
"I just wanted to see if your kiss has a magical power."
Peke akong ngumiti sakanya. "Ha-ha. Very funny."
"Okay, then. If you don't want-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil sa mabilis kong pagpatak ng halik sa labi niya.
His eyes widened a bit. Hindi pa siya makapaniwala noong una ngunit ng lumipas ang ilang sandali ay napangiti nalang siya.
"Ano? Okay na?" I raised a brow.
"Aw!" he tried to act like he was in pain again. "Hindi pa. Masakit parin. Can I have another kiss?"
I rolled my eyes and still gave in. I gave him another kiss, longer this time. Bago pa niya maipulupot ang braso sa baywang ko ay lumayo na ako sakanya.
"O, tama na 'yan. Gahaman ka na." sinamaan ko siya ng tingin.
"E, paano pag masakit parin?" he pouted like a child.
"Edi sorry nalang." I smirked before went back to return the first aid kit inside our bag.
Kinagabihan naman ay naging abala na kami sa pag set-up ng magiging bonfire namin. Kami ni Joanna ay abala sa pag-aayos ng pagkain, habang ang dalawa naman ay abala sa mismong bonfire. We ordered foods and we're just setting it up on the table.
Iniwan kong sandali si Joanna doon nang mapansing naiwan ko pala sa loob ng bag ang phone ko. While opening up the bag, I heard Arthur and Dominic talking.
"Ano? Tinutuloy mo pa ba?" Arthur asked. "Alam mo, kung ako sa'yo, ititigil ko na. Malaking gulo 'yan kapag nalaman niya."
Natigilan ako ng sandali nang dahil doon. Hindi siguro nila napansin ang paglapit ko kaya patuloy parin sila sa pag-uusap. I didn't mean to eavesdrop but their conversation somewhat caught me off guard that it made me curious.
"Matagal na akong tumigil, Art," sagot ni Dominic sa mababang boses. "Hindi ko 'yun kayang gawin sakanya."
My forehead creased. What does that mean? At sino naman ang pinag-uusapan nila?
I heard Arthur chuckled. "Mabuti naman. I guess... you're starting to fall for her now huh?"
Bago ko pa tuluyang marinig ang sagot ni Dominic ay narinig ko na ang tawag ni Joanna sa akin. Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa loob ng bag at sinara ito.
"Serena, dumating na 'yung ibang pagkain!" sigaw niya.
"Okay!"
Nang dahil doon ay sabay na napabaling ng tingin sa akin si Arthur at Dominic. Both of them looked surprised. I smiled at them before I go back and help Joanna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top