Chapter Twelve
Song: Fallen- Gert Taberner
Beautiful
The silence stretched between us as we sat near the Manila Bay. For some reason, I didn't want to go home yet. I was furious about what happened. Nirespeto naman ni Dominic ang katahimikan ko kaya di rin siya nagtangkang magsalita.
He suggested that we should go to Manila Bay to cool my mind off. I agreed because I seriously got no time to argue.
How can Samuel act like nothing has happened? Gano'n na ba talaga kakapal ang mukha niya? After what he did to me, he has the nerve to insult me?! How dare him!
Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. It was peaceful just hearing the strong wind blowing and the splashing of waves. 'Yun nga lang... kahit gaano pa kapayapa, pinapangunahan parin ako ng galit na nararamdaman.
I sighed heavily.
"Was that him?" basag ni Dominic sa katahimikan.
I opened my eyes again and turned to him.
"Who?"
Nanatili ang mga mata niya sa dagat. Sandali siyang sumulyap sa akin bago binalik muli ang tingin doon.
"Your ex?"
I bit the inside of my cheek and nod my head slowly. "Yeah... tragic."
If only I don't fall in love hard then I wouldn't be in this kind of situation. I mean, getting my heart broken after trusting it to someone―who I thought would take care of it―damaged me. That's why it took me a long time before I recovered.
All I wanted was someone to love me. I didn't ask for someone who would only break me more.
At kahit na ilang beses ko ring sabihin na okay na ko, tapos na at nakalimutan ko na iyon, hindi parin nawawala ang sakit. This is why I'm very careful with getting myself involved. I don't want to go through that same pain again.
I've been through a lot of bullshits already. Hindi ko na kakayanin kung pati ang huling tsansa ko sa masayang buhay ay sisirain din ako. Because for me, loving someone is like saving them in return.
"Ang pangit." Dominic made a face like he was disgusted by Samuel's face.
Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala siyang tiningan. I couldn't help but stifle a laugh.
Wow! Ganyan ba siya magpagaan ng loob?
He turns to me and shrugged his shoulders, showing me that he didn't regret saying it. Sabagay, kung ikukumpara rin nga naman siya kay Samuel, di hamak na mas gwapo siya.
"Oo nga, e." I said, agreeing with him.
Pinagdikit ko kasi sa isip ko ang mukha niya at mukha ni Samuel kaya napasangayon ako. Dominic has the very right to say that.
Natawa niya at tinungkod niya ang kanyang kamay sa likod upang suportahan ang kanyang katawan. He looked up to the sky.
"Was that your biggest heartbreak?" he asked.
Inalis ko ang tingin sakanya para ituon ito sa sapatos ko.
"Yeah... next to my sister's death." I muttered.
I'm grateful that he didn't ask me about Ariana's death when I already expected that he would. Maybe he respected that it was something so hard for me to talk about.
"I'm sorry." That was the only thing he managed to say.
I smiled a little. Hindi ko parin binabaling ang tingin sakanya kahit na nararamdaman kong titig na titig siya sa akin.
"It's okay. It's not your fault."
"No, I mean... I'm sorry that you have to experience it. I don't think you deserve it."
I scoffed. "Well, that's just how life is. Shit happens and you just need to learn, accept, and move on."
I glanced at him and saw him smiled a little without looking at me. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa langit, pinagmamasdan ang mga bituin. Napaangat rin ako ng tingin doon.
"How long did you two dated?"
"Ten months. I know it's not that long but it was the first time I fell in love so I gave my all. The reason why I got my heart broken real bad," I paused for a while. "I love hard, you know? Because I know how it feels to be loved so little."
"Does your parents know about this?"
Agad akong umiling. As if naman may mga pakealam 'yun sa nangyayari sa buhay ko. They couldn't care less about what I do. Kaya sigurado akong hindi rin sila interesado sa kung ano mang mayroon sa akin.
"No one knows except for Ariana and Tito Chad."
"Tito Chad?" doon siya muling napabaling ng tingin sa akin. His forehead creased a little.
"Siya 'yung kumupkop sa akin nung umalis ako sa amin. He's the one supporting me now."
He nods his head. Hindi ko mapigilang mapangiti. Tiningnan ko siya habang hindi parin nawawala ang ngiti. Alam kong nagugulohan siya sa pagngiti ko.
"I really like talking with you," I said truthfully. "I feel comfortable. I feel like I can really say anything to you."
I looked away because I cannot stand the intensity of his stare anymore. Pinaglaruan ko nalang ang daliri ko. I heard him chuckled lightly.
"Did I gain your trust now?"
"No! Of course not!" agap ko.
Ano siya hilo? Ganon-ganon nalang 'yon? What I said wasn't everything yet! I just felt comfortable that's all. Parang gumagaan ang lahat kapag siya ang kausap ko. It was really a painful experience but talking about it with him just felt light.
Hindi rin ako ang klase ng tao na nagpapaligoy ligoy pa. If I feel something towards a person, I tell it to them straight away. Kung hindi ko sila gusto, hindi ko rin naman sila pakikisamahan dahil ayokong magpaka plastic.
I know I'm not nice. And I know that for a fact.
Dominic grinned at me. Ngumuso siya at tumango.
"Well... if you need someone to talk to or a shoulder to cry on," he pats himself on his chest. "I'm here. I will listen and I won't judge."
I gave him a grateful smile. "Thank you for your nice gesture but I don't cry anymore though. I'm done crying. I already shed all of my tears last year."
Totoo naman iyon. Tagtuyot na ang mata ko ngayon at wala nang maiiyak pa. And also, there's nothing left to be sad about. I already got my freedom. The only thing that's left in me were the painful memories that the last two years have given me.
I don't cry for people that doesn't care about me anymore. I'll just pretend that I don't have a heart so it won't get broken again.
Tumikhim si Dominic at kinagad ang pang-ibabang labi.
"I'm here for you, okay? If you need someone to remind you of how strong you are, then I'll gladly do that for you everyday."
I pursed my lips to hide my smile. I nod my head. Yep, Dominic Donovan is really not that bad. He's silly but when he's in a serious situation he knows how to act properly. He's just really annoying and very makulit.
But other than that, I've found out that he's actually a thoughtful person. He may not know the feeling because he's living a good and different life than mine, but I know he tries his best to understand so he can help.
"Thank you." I whispered.
Dominic smiled genuinely at me and reached for my hand. Bumaba ang tingin ko doon dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Inangat kong muli ang tingin sakanya.
"You're welcome, Arielle."
Hindi ko natagalan ang paninitig niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at bumitaw sakanya. He scoffed maybe because he felt that I became uneasy. Wala tuloy akong choice kung hindi ang mag-aya nalang na umuwi.
I know it's just a friendly gesture but there's a part of me that thinks that it has something more than that. It's not easy for me to be romantic, okay? I'm being careful because I don't want to fall with the wrong person again. That's why I'm trying to avoid any unnecessary feelings that might come into our way.
Sa halip na ibang daan na ang tahakin ni Dominic ay sinundan niya parin ako para masiguro na maayos akong makakarating ng condo. I already called him to tell him that he doesn't need to do it but he keeps on insisting. Hindi naman daw gaanong traffic at marami daw siyang oras.
Wala akong nagawa dahil nga makulit ang isang 'to. Wala rin akong mapapala kung patuloy akong makikipagtalo dito.
He honked his horn before he drove away. When I reached the parking lot, I immediately grabbed my phone inside my bag to send him a text.
Me:
Thank you for today. I really appreciate that you took time to stay with me. Ingat ka sa pagdadrive. 😊
Pinatay ko na ang makina ng sasakyan at lumabas na. Kinuha ko rin ang jersey na binigay niya. Wala pang ilang minuto pagkatapos kong isend ang text na iyon ay nakapagreply na agad siya.
Dominic:
You're welcome. And wow!!! Thanks for that smiley ha? Napangiti rin ako ❤
I rolled my eyes and typed my reply as I wait for the elevator to arrive.
Me:
Ang sabi ko mag-ingat ka sa pagdadrive! Bakit ka pa nagtetext?! Gusto mo madisgrasya?
Dominic:
Tatawag nalang ako. Miss na kita.
Hindi ko napigilan ang pag-ngiti. Sumabay pa 'tong amoy ng jersey niya dahil pinaulanan niya ng pabango niya! Pakiradam ko tuloy nandito lang rin siya. I could even imagine him doing silly things.
Hay naku! Iba nga talaga ata ang kamandang ng Dominic Donovan na ito! Kaya ang daming nahuhumaling sakanya, e.
Saktong pagpasok ko ng elevator ay ang pagtunog rin ng cellphone ko, hudyat na tumatawag siya. I quickly answered his call.
"Hello!" Masaya niyang bati. "I miss you."
"Ang corny mo!!!" bungad ko naman sakanya.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin at nakita ang pamumula ng pisngi ko. Napahawak tuloy ako doon ng di oras. Ngumuso ako at halos pagalitan ang sarili dahil sa pamumula nang pisngi. Hindi naman siguro 'to dahil sa sinabi niya ano?
Tama! Dahil lang sa wine 'yan! Dami ko rin kayang nainom! That's definitely the reason why my cheeks are flushed.
"Kinilig ka naman." pang-aasar niya.
"Wala ka magawa ha? Magdrive ka nalang diyan para makauwi ka pa ng buo."
"Wala, e. Nagpamiss ka kasi kaya napatawag agad ako."
I snorted. "Ano? Hulog na hulog ka na agad sa akin? Akala ko ba crush mo lang ako?"
"Okay... sabi ko nga magdadrive na ako ng maayos." Aniya at hindi pinansin ang sinabi ko.
I laughed hard. Tamo! Pagdating diyan napapaiba agad siya ng usapan!
Ilang pang-aasar pa ang inabot niya sa akin bago niya tuluyang binaba ang tawag. Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ko habang papasok ng unit kaya hindi na ako nagulat pa nang may makahulugang tingin na sinalubong si Tito Chad sa akin.
He's still not asleep huh? Ilang araw na siyang puyat sa kakapanood ng Turkish drama na 'yan!
I walked towards him and kissed his cheek.
"Di ka parin tapos diyan, Tito?" tanong ko sabay turo sa pinapanood niya.
"Paano matatapos kung two hours kada episode? Parang nanonood na ako ng ilang movie, e!" humalukipkip siya at ngumuso.
Sus! Rereklamo pa siya, e, halos kabaliwan na nga niya 'yung lalaki dahil ang "gwapo" daw. Nakita ko naman ang pagbagsak ng tingin niya sa jersey na hawak ko.
"Ano 'yan?" kuryoso niyang tanong.
Agad kong nilayo 'yon at tinago sa likod. Umiling ako at umaktong wala lang iyon.
"Ah... wala. Napulot ko lang."
Geez! That was a lame excuse!
"Napulot daw!" he mocked me. "Napulot o binigay talaga ng kadate mo?"
"Wala akong kadate, Tito!" agap ko at namilog agad ang mata.
Goodness! That made it more obvious!
"Ikaw ha?! May dinedate ka atang basketball player at hindi mo sinasabi sa akin! Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" Tito Chad frowned and childishly looked away.
"Wala 'yun, Tito. Hindi-"
Hindi na ako nakaagap pa dahil mabilis niyang hinablot sa akin iyong jersey na binigay ni Dominic sa akin. Wala na akong nagawa pa at napasapo nalang ng noo. Wala rin akong ligtas sa isang ito, e.
Tiningnan niya ng mabuti ang jersey at agad na kumunot ang noo nang makitang pang UST ito.
"You're dating someone from your school, Sese?" tanong niya sabay inikot ang jersey upang makita kung kanino ito. Agad naman akong umiling.
"Donovan? Ito ba ang lakad mo kanina? Nanood ka ng laro ng Donovan na ito?"
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at dahan-dahang tumango.
"Paano mo nakuha 'to? Nagparaffle? Pinaagaw at nakiagaw ka naman sa mga fans?" binigyan niya pa ako ng mapangasar na ngiti.
Inirapan ko siya at naupo na sa tabi niya at sabay naming tiningnan ang jersey na bigay ni Dominic. Inamoy rin ni Tito Chad iyon at nagulat.
"Hmm... bango ha!"
"Bigay niya 'yan sa akin, Tito." Sabi ko. I leaned my head against the sofa. He turns his gaze towards me with wide eyes.
"Close mo 'tong si Donovan na ito?"
I shrugged my shoulders. Hmm... close na nga ba?
"Medyo."
Naningkit ang mga mata niya. Binalik niya ang jersey sa akin para kunin ang phone niya.
"Search ko nga kung sino 'yan!"
Umayos ako ng upo at tiningnan na rin ang ginagawa niya sa phone. Nagpunta siya sa google at agad na nagtype.
Donovan UST
That was what he typed on the search bar. Napairap tuloy ako sa kawalan at natawa. Maraming articles ang lumabas doon, halos about sports kaya naman ay nagpunta si Tito Chad sa images at doon na nga sinubukang hanapin kung sinong Donovan ang nagbigay sa akin nitong jersey.
He clicked one of the pictures where Dominic was with his brother. Ngayon ko lang nalaman na nagkalaro pa pala sila bago makagraduate ang kapatid niya.
Inimuwestra ni Tito Chad ang cellphone sa akin. Tinuro niya ang picture.
"Sino dito? Parehas gwapo, e."
Ngumisi ako. Sumbong ko 'to sa boyfriend niya, e!
Dominic is a bit taller than his brother. Napansin ko rin ang pagkakaiba nila. Mas may soft features itong si Gio kaysa kay Dominic. Dominic has more of a bad boy with a soft heart aura.
Tinuro ko si Dominic. Tito Chad squealed and pushed me away because of so much excitement. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
"Ang gwapo ha! Bagay kayo! Jackpot 'yan! Pak na pak!"
Napailing nalang ako. Kinuha ko nang muli ang jersey at tumayo na. Nagpatuloy naman si Tito Chad sa pagtingin ng pictures ni Dominic.
"Serena! Pag naging kayo nito sasabihin mo agad ako! Dalhin mo dito at ipakilala mo sa akin!" sigaw niya bago ako pumasok ng kwarto.
"Hindi naman nanliligaw kaya hindi magiging kami!" Sigaw ko pabalik.
"Edi kapag nanligaw!"
The thought of Dominic courting me made my cheeks flushed again. Ano ba 'yan! Dahil talaga sa wine 'to, e!
Di ko napansin na may panibago palang text si Dominic. Agad kong binuksan iyon.
Dominic:
Home now. Thank you for watching our game kahit na talo. I really appreciate you coming to support. You should rest. Good night, Arielle. 😁
Naging abala ako sa mga sumunod na linggo dahil sa nalalapit na quarterly exam. Bukod sa madaming performance tasks, group works, individual requirements, photoshoots at pagrereview para sa exam ay sinamahan pa ito ng defense namin para sa aming research paper. Mabuti nalang at naitawid namin ng maayos ng grupo ko iyon dahil hindi namin kagrupo si Quenie kaya walang panira.
I feel bad for her group though. I saw how stressed their leader was dahil ang daming naminus na points sakanila dahil sa maling gawa ng part ni Quenie at dahil wala rin maisagot ito sa defense.
Madalas na rin kaming nag-uusap ni Dominic kahit na abala rin siya para sa kanilang finals. If we don't text each other, sa Instagram naman kami nag-uusap. Tito Chad is always asking me about him, too. Nagtatanong kung may progress na daw ba.
He's just too keen on pushing us together. Hindi naman sa ayaw kong mangyari 'yun, but... I believe that timing has to do with it. For now, I don't think it will happen. I just don't see it yet. At isa pa, we are both busy reaching our dreams. I don't think we have time for it. Mas okay na siguro muna na ganito. No strings attached.
At least it's safer. I'm just protecting my heart.
Abala ako sa paggawa ng aking reviewer nang tumunog ang cellphone ko. Dahil sa pagiging abala ay hindi ko namalayan na hindi pala ako nakapag-reply kay Dominic.
Dominic:
Ghoster!
My forehead creased at his sudden text. The hell is his problem now?
Agad akong nagtipa ng isasagot.
Me:
Hindi ako ghoster. Nakalimutan ko lang mag-reply.
Dominic:
You're forgetting about me now huh? ☹
Me:
Bakit? Special ka? Mas kailangan kitang unahin kaysa sa pagrereview ko?
Ngumisi ako pagkatapos kong isend sakanya ang mensaheng iyon.
Dominic:
Oh! Bukas na nga rin pala ang exam niyo? Okay. I won't disturb you anymore. Good luck ! Do well! Sana mas mataasan mo ng score si Felicity.
Joke!
May pahabol pa siyang text! Napakasama talaga nitong kapatid!
Me:
Pag ikaw bumagsak, isa lang ibig sabihin nun. Karma!
Dominic:
Di ako babagsak. I'm busy doing well in school so I can provide you a good future. 😉
Me:
Ewan ko sa'yo. Malandi ka!
Dominic:
Hahahaha. Cute mo!
Sinadya kong maagang makarating ng school kinabukasan para may time pa akong makapagreview. Tatlo lang ang exam ko ngayon. Dalawang major at isa namang minor. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang minor dahil madali lang naman iyon.
Ang dalawang major naman ay kailangan talagang pagtuunan ng pansin dahil kung ibabagsak ko iyon, baka pumangit ang GWA ko! I have an impressive GWA by the way. Kaya siguro galit na galit 'tong si Quenie sa akin dahil hindi niya kayang magawang mahatak ang grades niya.
Madali lang ang naunang exam. Confident ako na mataas ang makukuha kong marka dahil lumabas naman ang lahat ng nireview ko. Pagkatapos ng unang exam ay mayroon kaming one hour break.
At dahil half day lang kami ngayon, ginamit ko nalang iyong oras para magreview para sa susunod na major exam. Naglakad ako sa fields at naghanap ng liblib at tahimik na lugar para makapagreview. When I found my spot, I quickly sat on the grass and leaned against the tree. Kinuha ko ang reviewer ko at nagsimulang basahin iyon.
Pagkalipas ng ilang minuto at nabigla ako nang may tumabi sa akin. Binaba ko ang reviewer ko at kunot noong tiningnan kung sino iyong tumabi sa akin. Dominic gave me a small smile. He looked tired. Binitawan ko ang reviewer ko.
"Are you okay?" I asked.
"I'm just tired." He pouted like a baby.
I pursed my lips. "Nag-exam ka na?"
"Yeah..."
"How was it?"
"Mahirap."
It's so unusual to see him not in the mood. Mukhang nahirapan nga talaga 'to sa exam nila ah? He's 4th year now so I'm sure, mahirap na talaga ang subjects nila.
I was surprised when he moved to fix his position. Nilagay niya ang bag niya sa gilid bago niya inihiga ang kanyang ulo sa aking kandungan. I looked down at him and raised a brow.
"What are you doing?" I asked curiously.
Dominic sighed heavily and just covered his eyes using his arm.
"I studied all night kaya wala pa akong masyadong tulog. Let me rest for a while. You can continue reviewing though. Don't be bothered."
Ngumuso ako. I examined him again. Nakakaawa naman pala ang isang 'to tuwing finals nila. It's good to know that he exerts a lot of time studying. Hindi katulad ng iba diyan na papetiks petiks lang.
I shrugged my shoulders and grabbed my reviewer again. I leaned against the tree so I can also feel comfortable. Ano? Siya lang masarap buhay diyan?
It was peaceful even if his head is on my lap. Hindi rin naman siya nanggulo habang nag-aaral ako. Ilang minuto na rin ang nakalipas simula nang humiga siya. Nakatulog na siguro 'to. Mamaya ko nalang poproblemahin kung paano ko siya gigisingin. I only have thirty minutes left before my other exams start.
Nawala lang ang tingin ko sa aking nirereview nang maramdaman ko ang paninitig niya sa akin. Inilubay ko sa mukha ko ang reviewer ko upang sinulyapan siya.
"What?" I raised a brow and creased my forehead.
He bit his lip to fight off the smile that's begging to come out of his lips. He shakes his head.
"Nothing..." he muttered. "You look beautiful."
Natigilan ako sa sinabi niya kaya agad ring nawala ang pagtataray sa itsura. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na mapangiti nang dahil sa naging reaksyon ko. I bit the inside of my cheek.
"You're blushing." He chuckled and pointed at my cheek.
Napahawak tuloy ako sa pisngi ko at naramdamang namumula na niya iyon. His chuckled turned into laughter now so I glared at him. Tuwang-tuwa talaga siya pag napapahiya ako 'no!?
Ngumuso ako at tinulak na ang mukha niya palayo. Hindi siya tumigil sa kakatawa. I tried to fight off the urge to smile and laugh with him. He turns his gaze towards me again. The smile didn't leave his face.
"Ano ba?!" suway ko sakanya.
Ngunit kahit anong pagpapanggap ang gawjn ko, hindi parin ako nagwagi dahil hindi ko na napigilan pa ang paglandas ng isang tunay ngiti sa aking labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top