Chapter Seventeen
Song: The Great Unknown- Sarah Geronimo ft. Hale
Hurt
Mabilis ang naging takbo ng mga sumunod na araw. At dahil papalapit na nga ang graduation, mas lalo akong naging abala sa school.
Tito Chad has also been very busy preparing for his departure in 3 weeks. Habang nandidito pa siya ay talagang sinusulit niya ang panahon na magkasama kami.
"Itong kwarto ko, ikaw na ang gumamit nito. Ang kwarto mo dati gawin mo nalang guest bedroom o di kaya dito mo na patirahin si Dominic dahil madalas rin naman siya dito." pang-aasar niya habang inaayos niya ang mga gamit na dadalhin niya sa Milan.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ngumuso ako at humalukipkip. Pagilid ko namang isinandal ang sarili ko sa may pintuan habang pinapanood siyang mag-alis ng gamit sa loob ng cabinet niya.
Simula nang makita niyang suot ko iyong regalong binigay ni Dominic sa akin ay palagi nalang niya akong inaasar. Lagi nalang siyang nakakahanap ng pagkakataon na isingit palagi si Dominic sa usapan.
"Hindi mo na naman na kailangan ng walk-in closet dahil meron na dito sa kwarto ko. Mas mabuti nang guest room 'yon." Pagpapatuloy niya sa mga habilin niya.
Habang nag-aayos naman siya ay biglang tumunog ang telepono ko kaya napaangat ng tingin si Tito Chad sa akin. He gave me a meaningful look. Pumungay ang mata niya at may mapangasar nang ngisi sa labi ngayon.
I snorted. Kinuha ko ang telepono ko sa loob ng bulsa ko at upang tingnan ang mensahe ni Dominic.
"Kayo ha? Madalas kayong magkasama at magkausap. Ano na nga ba talaga kayo?"
Hindi ko pa nabubuksan ang mensahe ni Dominic ay agad naman akong natigilan sa tanong ni Tito Chad. My mouth parted in surprise.
Actually, hindi ko rin talaga alam ang isasagot sa tanong na iyan. I mean, Dominic and I weren't even talking about it. And also, it's still not clear to me about how I really feel for him.
Mamaya nadadala lang pala ako ng bugso ng dadamin dahil sa pinapakita niya. Gusto ko lang makasiguro dahil ayokong sumugal sa isang bagay na sa huli ay pagsisisihan ko rin. I've had enough share of pains.
"Uh... e-ewan ko po, T-Tito."
He let out a deep sigh. Bumagsak ang balikat niya at dahan-dahang tumango.
"Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo pa. It's good that you are guarding your heart dahil kagaya mo, Serena, ayaw rin kitang nakikita na nasasaktan. But just be sure that when you're ready for him, tell me. Baka makatulong ako."
Tumango naman ako. Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa. I still have confused thoughts. Hindi ko talaga alam kung may nararamdaman na ba ako para kay Dominic o wala. Maybe I'm only being in denial about it because of my fear from the past. Natatakot akong mangyari ulit 'yon kaya hindi ko ineentertain kung ano man ang nararamdaman ko.
Hindi ko talaga alam...
"I'm proud of you, Serena."
Napaangat naman ang muli ko kay Tito Chad. Tumayo na siya ngayon upang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kanan niyang kamay.
"I'm proud not because you're graduating soon but because you've been through a lot but you still keep on going," he continued. Bahagya naman akong napangiti sa sinabi niya. "I'm proud because it takes a lot of courage to look behind your past and to start trusting someone new again. And you know what makes me prouder?"
"What?"
"I'm proud... because you're trying."
Tito Chad gently caressed my face. Suminghap siya at doon ko lang napansin na lumuluha na pala siya ngayon. Pinalis ko ang luhang lumandas sa kanyang mukha. He chuckled softly.
Truth is, I'm trying because Dominic makes me want to. He makes me forget what it felt like to be sad. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. I sometimes even forget to put my guards up whenever I'm around him. Ewan ko ba. Sa tuwing kasama ko siya, nawawala ang paghihigpit ko sa sarili ko.
"Gusto kong magpakatatag ka pa lalo ngayong nalalapit na ang pag-alis ko. I may not be here physically, but know that I am still here for you. You will never be alone, Serena."
"I know, Tito Chad. Wala rin naman akong ibang choice kung hindi ang magpakatatag. Dahil kung hindi, baka wala na ako dito ngayon." I said.
Tito Chad smiled sadly at me. He pulled me closer to him to hug me. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Don't worry. Hindi ka naman mag-iisa dito, hinabilin naman kita sa isang tao na sa tingin ko ay aalagaan ka." He whispered.
Napabitaw ako mula sa yakap niya para matingnan siya. My forehead creased.
"Kanino, Tito Chad?"
Ngumisi siya at umiling.
"Basta! Gusto ko lang na malaman mo na pinagkakatiwalaan ko siya." naningkit naman ang mga mata ko, sinusubukang hulaan kung sino ba ang tinutukoy niya.
"O siya! Tama na ang drama. May text pa nga pala sa'yo 'yang si Dominic. Baka importante 'yan. Mag-liligpit na ulit ako dito."
Tumango ako at lumabas na ng kwarto niya. Binuksan ko ang telepono ko upang basahin ang message ni Dominic.
Dominic:
Are you busy?
Me:
No. Why?
Dominic:
Can I call?
Hindi pa ako nakakareply ay nag-ring na agad ang phone ko. Napairap ako sa kawalan. May sarili talagang desisyon ang isang 'to, e.
"Hello?" tamad kong sinalubong nang sinagot ko ang tawag niya.
Nagtungo ako sa balcony. I closed the sliding door behind me. I leaned against the railing. Sinalo ko ang baba ko habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa telepono ko.
"Arielle, I have a question for you."
"What is it?"
"I heard from Felicity that you're having your graduation ball in two days. Are you going?"
Umangat ang kilay ko. "Why?"
"Do you... already... have a date?"
Hindi ko alam kung bakit bahagya akong natawa sa tanong niyang iyon. Ano naman kung may magiging date ako? May gagawin ba siya? At tsaka, kung may magiging date man ako, malamang kaklase ko lang rin.
"Bakit? Magpepresenta ka?" agad na gumuhit ang ngisi sa aking labi.
"Hmm... pwede rin."
"Feeling!" I spat. "But it will only be a waste though. I'm not going."
"Why?"
"It's not my thing."
Totoo naman. Bukod sa ayaw ko rin talagang magpunta, wala rin naman akong makakasama. I know I should make the most out of my last year in High School but I just don't feel like it. I also didn't want to be alone in a room full of people.
"But it will be your last party in High School! Don't you want to celebrate with your school mates for the last time?"
"I've already had enough parties, Dominic. And no, I don't want to celebrate with them." diretsa kong sagot.
Nang dahil doon ay nagbuga siya ng malalim na hininga. Umayos ako ng tayo. Pagilid ko nalang na sinandal ang sarili sa barandilya.
"Fine. I was just wondering. I thought you already have date. Stalk ko sana."
"Bakit mo naman gagawin 'yun?"
"Titingnan ko kung mas ba gwapo sa akin."
Napairap naman akong muli sa sagot niya.
May iilan nang mga kaklase ko ang pumorma sa akin noon pero umaatras din kalaunan pagkatapos kong prangkahin. Ito lang naman si Dominic ang hindi magawang tumigil kahit ilang beses nang tinutulak palayo. Kulit kasi, e.
"You're so full of yourself." I said while chuckling.
"Well... ako lang 'to, Arielle. Ako lang 'to." mayabang niyang sinabi.
Dalawang araw pagkatapos nang tawag na iyon ay nakatanggap ako ng mensahe sakanya na ikinagulat ko naman. Ngayon ang araw ng graduation ball namin at nanatili lang ako dito sa condo para tapusin iyong mga pinapanood ko.
Akala ko matatapos na ang araw ko na ganon-ganon nalang pero nang mag-text si Dominic, mukhang may ganap naman pala ngayon.
Dominic:
I'll pick you up at 7. Dress nicely. See you.
Napanguso ako habang binabasa ang text niya. Saan naman kaya ako dadalhin nito at kailangan ko pang magbihis ng maayos?
Sa halip na mag-aksaya pa ng oras ay tumayo na ako. Hinarap ko si Tito Chad na tahimik lang na ninanamnam ang hawak na popcorn.
"I'm going out tonight, Tito." I said to inform him.
Agad naman siyang napaangat ng tingin sa akin. There's a questioning look on his face.
"Saan ka pupunta at sino ang kasama mo?"
"Uh, as usual... si Dominic, Tito. I don't know where he's bringing me but he told me to dress nicely."
Agad namang namilog ang mga mata niya at napaahon sa tuwa. May iilang popcorn pa ang bumagsak sa kandungan niya dahil sa agaran niyang pagbangon.
"Ano?! Oh my gosh! Maybe he's bringing you out on a date! O baka manligaw na! Goodness! Tara na, Serena, at tutulungan kitang maghanap ng susuotin!" aniya sabay hila na sa akin patungo sa kwarto ko.
Hinayaan niya naman akong maligo na muna habang naghahanap siya ng pupwede kong masuot. Iniisip ko habang naliligo kung saan naman ako dadalhin ni Dominic at bakit bigla-bigla ata?
Pinapatuyo ko palang ang buhok ko gamit ang tuwalya ay hinila na agad ako ni Tito Chad papasok sa walk-in closet. Napatinaod ako nang dahil sa paghila niya. Mas excited pa ata ang isang 'to sa akin.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay may inimuwestra na siyang mga damit sa harap ko. Tinatapat niya iyon sa akin upang tingnan kung bagay ba. Pag hindi niya nagustohan, basta nalang niyang hinahagis kung saan.
I widened my eyes at him in shock. My room is completely a mess right now! Shoes, bags, dresses, and even my lingerie are all scattered on the floor!
Seriously?! Nagmukhang binagyo ang kwarto ko!
Napansin siguro niya ang pagpasada ko ng tingin sa buong kwarto kaya bahagya siyang tumawa. He smiled cutely at me.
"Don't worry, hija. I'll clean everything up for you. Ang mahalaga ngayon ay makahanap tayo ng susuotin mo! My gosh! Anong oras na ba?!" he slightly panicked while he looked over at my wall clock.
Nang makita niyang 6:30 na ay talagang nagpanic na siya! Kung ano-ano nang pinaghahanap sa loob ng closet ko hanggang sa may inihagis siyang dress sa akin. Sinalo ko iyon at hinarap sa akin upang makita ang kabuoan nito.
"Wear that! Maganda 'yan! I've never seen you wear it. Sayang!"
It was a gift from one of the brands that I've worked with. Hindi ko lang nagagamit dahil hindi naman ako makahanap ng paggagamitan!
Pumasok akong muli ng banyo upang magpalit. The dress is a champange colored silk dress. It has a cowl neckline while the back is bare. Manipis lang din ang strap nito. It ends inches below my knees.
Nang lumabas ako ng banyo ay hinila naman agad ako ni Tito Chad patungo sa vanity. Pinaupo niya ako doon at tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa buhok ko.
"Do your make-up. I'll help you blow dry your hair. Wala na tayong oras, Serena! Kailangan niyang mapanganga pag-dating niya dito!"
I scowled at him. Talagang kina-career niya 'to ha?
Habang abala ako sa make-up, siya naman ay abala sa pag-ayos ng buhok ko. After he blow dried it, he curled it to make it look more wavy. Mistulang para talaga siyang hairstylist dahil seryoso siya sa ginagawa.
While I was applying my blush, naging abala naman siya ngayon sa pag-pili ng hikaw na ipapasuot sa akin. He ended up choosing my Chanel drop earring.
Iniwan niya naman ako sa vanity upang maghanap ng sapatos na susuotin ko. Nagaatubili na siya dahil ilang minuto nalang ay parating na si Dominic.
He already sent me a message a while ago, telling me that he's already nearing. Nang sinabi ko kay Tito iyon ay talagang nag-panic na siya!
"Oh my gosh! Eto na!" sigaw ni Tito habang papalapit sa akin dala ang stilettos na napili niya.
He wore it for me while I put on my gloss. I did a nude make-up look at pinag-igihan ko rin ang pag-ayos ng wing liner ko. I'm actually happy that I did it excellently. Konti nalang talaga at mama-master ko na ang paglalagay noon.
Sakto naman at pagkatapos na isuot ni Tito Chad sa akin ang sapatos ay narinig namin ang pagkatok ni Dominic. Nanlaki ang mata niya at agad na napaayos ng tayo.
"Ako na ang kukuha." aniya.
He gave me a second look before he went out of my room. Tinitigan ko naman muli ang sarili sa salamin. I didn't overdo it, right? Simple lang naman ang ayos ko at sana angkop rin sa pupuntahan namin ni Dominic ngayon.
Pinasok ko naman ang gamit ko sa loob ng YSL envelope bag ko. I put all my necessities and my keys inside. Hindi ko kasi alam kung gising pa si Tito Chad pagbalik namin. Ayoko rin naman siyang maistorbo.
I heard the muffle of voices outside. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya nagmadali na ako dahil nakakahiya na paghintayin ang isang 'yun.
Paglabas ko ng kwarto ay sabay silang napabaling ng tingin sa akin. Dominic's mouth parted a bit. Sabay naming pinasadahan ng tingin ang isa't isa.
He's wearing a brown suit with almost the same color as mine. Hindi namin 'to pinag-usapan! Sadyang nagkataon lang! Bukas naman ang unang tatlong butones ng puting dress shirt ng suot niya. Nakatucked-in ito sa suot niyang trousers. I scoffed as I look at his Hermes belt.
Dominic ran his fingers through his hair. He licked his lower lip before he smiled at me.
"Hi." that was the first thing that he said.
"Ano bang meron? At saan naman tayo pupunta ngayon?" kuryoso kong tanong.
Humakbang na ako palapit sa kanila. Napasulyap ako kay Tito Chad na kulang nalang ay humiyaw na sa sobrang kilig. Mas namumula pa siya sa amin!
"It's a surprise, Arielle. Are you ready to go?"
Tumango naman ako at nagpaalam na kay Tito Chad. Yumuko si Dominic bago magpaalam sakanya. Nauna na siyang lumabas ng unit sa akin. I kissed Tito Chad a goodbye. Lalayo na sana ako sakanya nang pigilan niya ako upang may ibulong.
"Galingan mo ha?" I heard the humor in his voice so I glared at him.
"I'll see you later... or maybe tomorrow, Tito Chad."
Ibang tingin ang ginawad niya sa akin dahil sa sinabi kong iyon.
"Ay! Wala siyang balak umuwi! Dapat maging ready ka, hija! Gagalingan mo!"
"Baliw ka, Tito Chad!" I said as I hit him on his arm. "Baka tulog ka na pag-balik ko kaya baka bukas pa tayo magkita ulit! Anong galingan ko diyan?!"
"Ano ba 'yan! Balitaan mo agad ako ah? Baka may part two ang kiss!"
I glared at him again. Ang baklang 'to kahit kailan talaga!
Sumunod na rin naman ako kay Dominic kalaunan. Nang makarating kami ng sasakyan niya ay tinanong ko siyang muli kung saan ba ang punta namin pero hindi niya ako sinagot.
"Hindi na 'yun surprise kung sasabihin ko." sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.
I frowned. I gave him a puppy eye, iniisip na madadala siya sa pagpapaawa ko pero hindi dahil tinawanan niya lang ako!
"Just get inside, Arielle."
Dismayado kong binagsak ang balikat ko bago pumasok sa loob ng sasakyan niya. I put my seatbelts on as I watch him move towards the driver's seat.
"Saan naman kaya ako dadalhin ng isang 'to?" bulong ko sa sarili.
Nang makapasok si Dominic sa loob ay sinubukan ko siyang tanungin muli.
"Malayo ba?"
Hindi niya ako sinagot at may kung anong kinuha mula sa likod. Nagulat ako nang bahagya niyang itulak sa mukha ko ang bouquet of flowers. Napaatras ako at hinablot sakanya iyon. Sinamaan ko siya ng tingin.
"O? 'Wag kang kikiligin ha? Ako lang 'to." mayabang niyang sinabi habang may kung anong pinapagpagan sa balikat.
"Ang feeling mo talaga kahit kailan!" binalingan ko naman ng tingin ang binigay niyang bulaklak sa akin.
Maganda ang mga bulaklak na nandoon at madalang na nakikita sa kung saan. Wari ko, mahal ang pagpapaayos nito.
"But... thank you for this."
A ghost smile appeared on his lips. At dahil hindi ko rin naman makukuha ang sagot na gusto ko sakanya, nanahimik nalang ako at naghintay na makarating kami sa kung saan niya ba ako dadalhin. Nakarating na kami ng SLEX, hindi ko parin alam kung saan ang tungo namin.
"You look good though." he said quietly, muntikan ko pang hindi marinig iyon. Mabuti nalang at matalas ang pandinig ko.
Did he purposely lowered down his voice because he thinks that I wouldn't hear it clearly? Is he shy?
Nang nilingon ko siya ay may mapang-asar na akong ngisi sa labi. Napairap tuloy siya sa akin.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Never mind!"
"Ano nga?" ulit ko. "Bakit ayaw mong ulitin? Hindi ko kaya narinig! O baka naman... nahihiya kang ulitin iyon?"
Dominic scoffs sarcastically. Sumulyap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay bago binalik ang tingin sa daan.
"It's nothing. Never mind."
Ngumuso ako at pinanliitan siya ng mata.
"Tss. Just admit that you find me good looking tonight. Wala namang mawawala sa'yo kung aaminin ka." pang-aasar ko.
"Wow! Arielle, please. 'Wag kang magmalinis dito. I see the way you look at me a while ago! You also find me good looking," siya naman ang ngumisi ngayon. "Gwapong-gwapo ka ba? 'Wag mong sabihing nafall ka na agad sa akin?"
Mapanginsulto akong tumawa. I can't believe him! How come he can think of a clap back so easily? Sa asarang 'to, palagi nalang ako ang talo, e!
Mataray ko siyang tinaasan ng kilay at humalukipkip.
"Ano naman kung nagwapuhan ako sa'yo? Maganda ang suot mo, e! And excuse me, it's not everyday that I find you attractive kaya 'wag kang mahangin diyan!"
Well... that was a lie. I find him attractive all the damn time and it's insane! It's also impossible to believe that there wasn't even a time where he doesn't look... good. Hindi rin naman kasi mapapagkaila iyon dahil kung sino man ang makakita sakanya ay tiyak na magagwapuhan rin sakanya.
He's tall and very charming. Marami talagang magkakagusto sakanya!
"So, nagagwapuhan ka nga sa akin?"
"Oh? Ano naman sa'yo ngayon?"
He chuckled. He massaged his chin like he was just so proud of himself. He find it hard to believe kaya dinadaan nalang niya sa tawa. I'm sure I'm not the first one to say that to him kaya ano pang pinuputok ng buchi niya diyan?
Habang nakatingin parin siya sa daan ay nabigla ako nang kinurot niya ako sa aking tagiliran.
"What the hell?!" I shouted. I widened my eyes at him.
"Fine, Arielle. I'll repeat it for you now. I said you look good tonight. Well, not just tonight. You look good everyday." he said then he winked at me.
I made a face and mocked him. Tumawa naman siya at pisngi ko naman ang kinurot ngayon. I slapped his arm.
Natapos nalang ata ang asaran namin nang makarating na kami sa Nasugbu. Hindi ko maiwasang magulat dahil hindi ko naman akalain na dito ang tungo namin! He should've told me that we're going to the beach! Sana nakapaghanda ako.
Nang makababa kami ng sasakyan ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. He gave me a questioning look.
"I'm wearing heels damn it! You should've told me that we're going here!"
"O diba? Nasorpresa ka ngayon!" the brute even laughed.
Hinampas ko siya gamit ang bag ko. Hindi niya ba nakikita na hirap na hirap akong maglakad sa lecheng buhangin na 'to ha?! Tuwang-tuwa pa ang lechugas na 'to!
"You don't even know how hard it is to walk on the sand with heels! I hate you!" I complained.
Umirap siya at mamaya maya pa ay lumuhod na sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin. Nagulat nalang ako nang ilahad niya ang kamay niya sa akin. I raised a brow.
"What?" I asked.
"Your foot."
"Why?"
"I'll remove your shoes."
My mouth parted. Agad ko siyang tinulak upang pigilan siya sa gagawin.
"I can do it. You don't need to-"
"Just give me your foot, Arielle. Di ko naman puputulin 'yan."
I clenched my teeth and looked at him angrily. Natawa siya sa reaksyon ko. Kinuha niya namang pagkakataon iyon upang tanggalin na ang sapatos ko. I held onto his shoulder to support my weight.
Nang matapos siyang alisin ang sapatos ko ay siya nang nagpresenta na magdala noon para sa akin. He offered his arm to me. Tinanggap ko naman iyon.
"My surprise is right there." He whispered.
Agad kong inangat ang tingin upang tingnan kung ano ang tinutukoy niya. My mouth parted in surprise. Sa gitna ng buong baybayin ay may naka set-up na table doon. There was a tent draping around the set-up at napapalibutan iyon ng mga ilaw sa ibabaw.
May apat na tao na naghihintay sa gilid no'n. Lahat sila ay nakangiti habang naghihintay sa paglapit namin.
"What..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa pagkabigla.
"Your uncle told me that you haven't experienced going to prom. You also didn't attend your graduation ball tonight so I thought of making this simple surprise for you that will make you experience what it felt like those and... oh god! Let's just go." aniya sabay hila sa akin.
He mmust've felt that he's starting to sound so cheesy that's why he stopped. Napahilamos siya ng mukha gamit ang kanyang palad habang patungo kami sa dinner table.
"Good evening, Ma'am. Good evening, Sir." bati nila sa amin.
I bowed my head a bit to greet them back. Nginitian ko sila. Dominic pulled the chair out for me.
"Are you cold?"
"Uh... a bit."
Malamig ang simoy ng hangin ngayon at sleeveless pa naman itong suot ko ngayon. Kung hindi lang kasi nag secret 'tong si Dominic edi sana nakapaghanda ako!
Dominic stripped off his blazer to put it around my shoulder. Inayos niya ang pagkakapatong noon sa balikat ko bago siya magtungo sa pwesto sa harap ko. I smiled gratefully at him.
"Welcome to Pico Sands Hotel, Ma'am and Sir. Would you like us to serve your foods now?" tanong ng isang lalaki na naka Hawaiian shirt.
"Yes, please." Dominic answered.
Yumuko ang lalaki at tsaka nagtungo sa kung saan. Mamaya-maya pa at may lumapit na namang muli upang magsalin sa wine glass namin. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa pagkamangha. May tumutugtog pang slow music sa kung saan.
Nang masalinan ang wine glass ni Dominic ay inangat niya ito at inilapit sa akin, asking for a toast. Ngumuso ako at sinunod na ang gusto niyang mangyari. A ghost smile appeared on his lip.
Maybe it's true when they say that women craves action. I, myself, can feel that now. I just don't believe in words anymore because at some point, you never know if they're telling the truth or not. But with actions, you can really see how genuine and passionate they are for you.
Words just don't interest me anymore. Well, maybe now... I am ready to have a real love. I admire Dominic for his consistency. He's trying to prove to me that what he told me before is true. He's trying to win my trust so that's exactly what he's doing and he's... succeeding.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo naman kami sa baybayin. May nakalatag na beach blanket doon. May basket sa gitna at may panibago na namang bote ng wine doon.
I scoffed. "May isa pang surprise?"
Dominic turns to me and winked.
"I'm that sweet, Arielle."
"Tss." I rolled my eyes.
Inalalayan niya ako patungo sa beach blanket. Nakasabit parin sa balikat ko ang suit niya. Pinauna niya akong naupo doon sabay siya naman ang sumunod. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakalatag sa blanket.
There's red wine, fruits, and a box of pepperoni pizza in it. I bit my lip as I glance over at Dominic who's busy folding the sleeves of his dress shirt until his forearm.
Kinuha ko naman ang wine glass at inabot sakanya ang isa. Once I opened the wine, I poured some on my glass and then his.
"Thanks." He muttered.
Kaunti palang naman ang nakakain namin kanina kaya may gana pa akong umubos ng isang box ng pizza. Halos magunahan pa kami ni Dominic nang iisang slice nalang ang natitira. We ended up sharing.
Nang matapos kainin ang pizza ay kumuha ako ng isang pirasong grapes at kinain iyon. Inangat ko ang magkabila kong paa. I hugged my knees together as I rest my chin on it. I closed my eyes to hear the sound of waves crashing into the shore.
"Thank you for doing this," I said. "It reminded me of how genuinely romantic I was before. The time where I still have so much hope for things— until it came to the point where... I don't believe in things that relates to love anymore."
Dumilat ako at nilingon siya. Nakatungkod na ang kamay niya sa kanyang likuran upang suportahan ang katawan habang tahimik na pinakikinggan ang mga alon.
"Posible pala 'yun 'no?" sabi ko. He turns to me and raised a brow. "Kahit na sanay ka namang mag-isa, dadating parin 'yung panahon na may kakailanganin kang tao. I used to trust everyone who would listen to me with everything, you know? Until I got hurt so many times that I stopped trusting.
"But... then you came into my life and at some point... your presence made me feel better than my solitude. You gave me a reason to hope for things again. Inisip ko na baka kasi... nagkamali lang ako. Na hindi naman lahat ng tao sasaktan ako."
"W-What happened before, Arielle?"
Am I ready to tell him everything? Am I ready to trust someone new again?
I sighed heavily and shut these thoughts off. I will never know the answers to it if I don't try to open my heart again.
Maybe this time... I am ready. I'm ready to have a real love. One that I will be sure and not to be confused about. A love that is ready for me, too. Love that I could trust in.
"I grew up... feeling like an outsider in my own family. Simula nang hindi ko sinunod si Papa sa kung anong gusto niyang marating ko, nag-iba ang trato niya sa akin. He wanted me to become a doctor just like Kuya Nate, but I didn't want to. I'm a firm believer of doing things that makes us happy. Alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko ang sinasabi ni Papa, hindi ako magiging masaya. He likes to take control of our lives. Sa aming lahat, ako lang ang hindi sumunod. My sister, Ate Vicky, is a lawyer now. Habang si Kuya Johan, Engineer. Si Kuya Nate, nag-dodoktor.
"Ako... sinusunod ang gusto para sa sarili. Malayong-malayo sa gusto ni Papa para sa akin. And ever since they started treating me ill, I conditioned myself to just be thankful dahil kahit na gano'n, pinalaki parin nila ako. Binuhay... pinakain... gano'n," nagkibit ako ng balikat.
"So, I lived my whole life thinking that I was alone. Pinamukha rin ng mga kapatid ko sa akin na ang yabang ko para gawin ang sa tingin ko ay tama. Na ang ambisosya ko. Na ang sama kong anak para hindi sundin si Papa.
"I have learn to live my life the hard way because I know how important it is to feel and be strong. I know what it feels like to be lonely and invisible. Mabuti nalang at nandiyan si Ariana... dahil kahit papano, someone's checking up on me. Someone understands me because I'm in constant battle with my own self and my own head."
"And it was a year after I caught Samuel cheating on me... Ariana died." mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
The pain that her death has caused me will never go away. When she died, a part of me died along with her. I will always blame myself for it kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ako ang may kagagawan no'n.
I told him how Ariana saw my devastation after I broke up with Samuel. I told him how she stopped me from doing anything stupid that night because she thought I was also mad at my father after he called me worthless.
But the truth is... I just wanted to forget. Gusto kong kalimutan kung bakit nagawa ni Samuel sa akin 'yun. Gusto kong malaman kung ano ba ang nagawa kong mali o ang pagkukulang ko para humantong kami sa gano'n.
"Their treatment of me worsened because they blamed me for her death. Especially my Mom. She was the one who continually blame me for it. Kahit ilang beses kong ipagpilitan at ipagsigawan na hindi ko kasalanan, hindi sila naniniwala. Sa tingin nila sinasadya ko iyon dahil gusto kong magpapansin.
"But how can they even say that kung hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko? They judged me too quickly. They made themselves believe in things that are not even real just to put the blame on me. Just because I'm aloof and steel-hearted doesn't mean I already wanted that to happen."
"It's not your fault, Arielle." Dominic tried to reach for me.
Iminulat ko ang mata ko at tiningnan ang kamay niyang nakahawak na sa akin ngayon.
"I wish to believe it isn't. But their constant blame on me already made me believe that maybe... it was really my fault. Sana nga hindi ko nalang siya sinama ng panahon na 'yon. Sana nga nakinig ako. I almost died that night as well. According to the doctor, I flatlined but I immediately returned back into life."
Dominic gasp.
"Nang nalaman ng magulang ko 'yon, parang wala lang sakanila. Dahil siguro... mas gugustohin pa nila 'yon. Mas pipiliin pa nilang ako nalang ang mawala kaysa kay Ariana."
Dominic moved closer to me. He wrapped his arms around me and made my head rest on his shoulder.
"You can cry, Arielle. Your feelings are valid. It's not your fault."
I scoffed. Bahagya ko siyang tiningala.
"I already told you... I don't cry anymore. Sometimes I feel like there's a need to—like now. But... tears just don't come out. I didn't want to be weak again."
"Crying doesn't make you weak, Arielle. It's a sign that you're still a human that gets hurt. You don't have to tell everything to me now. Take your time. I already appreciate that you tried to open your heart tonight. It means so much to me." He smiled. He tucked some strands of my hair behind my ear.
"Come on. My surprise doesn't just end here." he stood up.
My forehead creased. Tumayo na rin ako. "Meron pa?"
"Of course!"
Pagkaangat niya ng isang daliri ay marami na agad ang nagsilapitan sa banda namin. There's a group behind us who's holding different kinds of instruments. Tumango si Dominic kaya agad rin silang nagsimulang tumugtog.
Inilahad ni Dominic ang kanyang palad sa akin. Tiningnan ko ito bago inangat muli ang tingin sakanya. He smirked at me.
"Let's dance the night away, Arielle. Can I have this dance?"
He curtsied a bit as if he's asking a princess to dance with him. I chuckled and accepted his hand. Agad niya namang pinulupot ang kanyang braso sa aking baywang. Hindi parin naaalis ang ngisi niya sa labi habang nakatingin ng diretso sa aking mata.
He pulled me closer as we started swaying with the music. It was calm and peaceful. I could never ask for more. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitonh klaseng ginhawa.
Hindi ko maiwasang matawa habang isinasayaw niya ako. Aakalain mong nagda-dance sport siya sa pinapakita niyang mga galaw. Nang inikot niya ako nagulat nalang ako nang hilahin niya ako palapit sakanya. I squealed a bit.
We're just too close with each other right now that I can't find the courage to look at him in the eye. Ramdam ko na titig na titig siya sa akin kaya nahihiya akong iangat ang tingin sakanya.
My heart started to pound faster. Napalunok ako nang bigla niyang hinawakan ang baba ko upang siya na mismo ang mag-angat ng tingin ko sakanya. Nang magkatinginan kami, nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko.
He moved his face closer. And without any ado, he pressed his lips on mine. Agad akong napapikit nang maramdaman ko ang labi niya sa akin. I held onto his arm has his hand circled around my waist to deepened the kiss.
His lips started to move against mine. Sinabayan ko iyon at sinubukang suklian din ang mga halik na binibigay niya sa akin. It was gentle and sweet. Just enough for me to realize that I don't have to be in denial about my feelings anymore.
I like him... and I'm sure that I'd be his, if he asked.
We were both panting heavily when we parted from the kiss. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. I hear his heavy breathing as he rests his forehead against mine. Ang mga kamay niya ay nanatiling nakahawak sa pisngi ko, marahang hinahaplos iyon.
I sighed heavily before I raise my gaze at him. Kung ibibigay ko na ang buong puso ko sakanya, iisa lang ang tanging hihilingin ko...
"Please don't hurt me." I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top