Chapter Seven
Song: Unhinged- Nick Jonas
Dinner
Nang makalabas ako ng restaurant na iyon ay doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Agad akong nagtungo sa sasakyan ko.
Sa halip na buksan na ito ay itinungkod ko muna ang aking kamay sa hood nito at humawak sa dibdib ko. I shut my eyes and sigh heavily.
Ang bigat parin sa pakiramdam hanggang ngayon. My mother's words just keeps on repeating inside my head, making me want to believe it more.
"You killed her."
Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking palad. I don't know why my brother suddenly changed his mind about this matter. When Ariana and I were rushed to the hospital, I wanted someone to believe that it wasn't my intention and that I didn't kill her. Kuya Nate was my last chance.
Sa halip na pagaanin ang loob ko, umalis lang siya at iniwan ako doon. Sumama sa mga taong naniniwala na ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Ariana.
So, what difference does it make? A part of him still believed that I did it.
I don't always have to explain myself to them. I already stopped believing that I could still change their perception towards me. I'm done trying to please them.
"Okay ka lang?"
Napatalon ako at agad na hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon. I was surprised to see Dominic outside. He's alone.
"What are you doing here?" I asked.
Kunot noo kong pinasadahan ang paligid, baka nandiyan lang mga kaibigan niya. Kaya siguro siya nandito dahil gusto niya lang akong pagtripan.
"Sinaktan ka ba ng boyfriend mo?"
Nagugulohan ko siyang tiningnan. Anong boyfriend siya diyan?! Saan niya naman napulot ang ideya na 'yan?
"Ano? Sugurin ko na ba? Babanatan ko 'yun para sa'yo!" mas maangas niya nang sinabi ngayon. Sumuntok-suntok pa siya sa ere at nagpakitang gilas.
I couldn't help but stifle a laugh. Natigilan siya at pinanood ako habang natatawa.
"What boyfriend?! That's my brother!"
"Oh..."
Nawala na ang angas sa kanyang mukha at napalitan nang pagka-inosente. Binaba niya na rin ang mga kamay niya at tumayo ng maayos. He scratched the back of his head.
"Sorry... akala ko boyfriend mo. He-he."
I rolled my eyes and shake my head. I can't believe he didn't notice it. Halos kamukha ko lang si Kuya Nate kaya paanong naisip niya na boyfriend ko siya?
"Thanks for the concern but... I can handle him." Sabi ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ko.
"You mean... what you two are having right now isn't a romantic dinner date?"
Mabilis kong inangat muli ang tingin sakanya at natigilan sa pagpasok sa sasakyan. I turn to him again.
"What?! Yuck! Ano 'to incest?"
Nahihiya siyang tumawa. He scratched the back of his head again. Itinuko ko naman ang magkabila kong siko sa sasakyan. Ang kanan sa roof, habang ang kaliwa naman ay sa pinto nito. I cocked my head to the side.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Aren't you supposed to be with your friends? Bumalik ka na dun at baka hinahanap ka na nila!"
Pinagtulakan ko siya paalis dito di lang dahil nakakahiya sa mga kaibigan niya kung hindi dahil gusto ko na rin makauwi.
Namilog ang mga mata ko nang bigla niyang inilig ang sarili sa hood ng sasakyan ko. Humalukipkip siya at mukhang ayaw pa akong pauwiin.
"Nah. Mas okay dito. Mas presko."
"Okay? Then go disturb someone else. I want to go home." I shoo him away.
Ngumuso siya at mukhang nainis dahil sinira ko ang trip niya. Mabuti at madali siyang kausap at inalis niya ang sarili mula sa pagkakasandal sa sasakyan ko.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok muli nang mag-salita na naman siya. I look at him irritably. Hindi ba mapapagod ang bibig ng isang 'to sa kakadaldal?
"Pero... hindi mo talaga boyfriend 'yun?"
"Hindi nga!"
A ghost smile appeared on his lips. "Weh?"
"Wala akong boyfriend. Ano? Okay na ba? Pwede na akong makauwi?"
Dominic nods his head pleasingly. Papasok na sana ulit ako nang magsalita na naman siya. I groaned in annoyance. Sa susunod talaga magbabaon na ako ng duct tape para ipangtakip sa bibig ng isang 'to!
"Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend?"
I rolled my eyes and mocked him. Ano naman sakanya di ba?
"Sa bolero mong 'yan, wala kang nauto?"
Humalakhak siya. Hinintay kong magsalita muli siya bago ko subukang pumasok ng sasakyan. Mamaya may sabihin na naman 'to, e.
"Sige na nga. Uwi ka na nga. See you around, Arielle!" he waved his hand at me.
"Ah!" I sighed in relief. "Finally!"
Sa wakas at nakapasok na ako ng tuluyan sa sasakyan ko dahil hindi na nagsalita pa si Dominic. Tumabi siya upang bigyan ako ng daan. I glared at him for the last time before I turn the wheels on and leave the place.
Maayos ang naging takbo ng mga sumunod na araw ko. Bukod sa pagtetraining sa football, naging abala rin ako sa maraming school works. Halos mag-tatapos na rin kasi ang first sem kaya masyado nang maraming ginagawa.
It was such a busy week for me. Biyernes na ngayon at may laban kami against Adamson. Bukas naman ay may dalawa akong magkasunod na shoot para sa catalogue ng isang sikat na local brand.
After those shoots, I plan to go to a club. It's going to be such a fulfilling week for me and I think that deserves a celebration!
Pagkatapos naming maghanda sa locker room ay nagtungo na kami sa football field. We did some warmups first before the committee started the game.
Pinakilala muna ang bawat players bago magsimula ang laban. Expected ko nang kaunti lang ang mga nanonood kaya inaasahan ko nang hindi magiging masyadong maingay ang laban.
It's already been thirty minutes since the game started and no one still manage to score a goal. It's an exhausting sport but it's fun. Tinungkod ko naman ang aking mga kamay sa aking tuhod habang naghahabol ng hininga.
Agad akong umayos ng tayo nang makitang nasa amin ang bola ngayon. I ran and raised my hand for them to see that I'm free. Ganoon nga ang ginawa ni Pauline kaya dali-dali ring nagtungo sa akin ang opposing team.
I tried not to let go of the ball from my feet. Ang daming sumusubok na agawin sa akin ito. I passed the ball towards Ashley who already positioned herself near the goal post.
There has been a clash going on dahil nag-aagawan na sila sa bola ngayon. I ran towards them and was surprised when the ball went up in the air. Sinubukang kunin ng goal keeper ng Adamson iyon pero lumagpas ito sakanya.
I took that as an opportunity to dive and hit the ball using my head and finally... we scored a goal!
I screamed in joy. Agad na nag-celebrate ang team para sa kauna-unahan naming goal. They went to me and hugged me tight.
"You did good!" puri ni Ashley sa akin. I smiled at her.
"Thanks." I said then I went back to my position again.
Habang naghihintay para sa bola ay nabigla nalang ako nang may sumigaw ng pangalan ko galing sa crowd. Agad na nagawi ang tingin ko doon sa sobrang kuryosidad. Galing iyon sa grupo ng mga lalaki na naka-engineering uniform.
I know because I saw that one of these guys is Dominic. May hawak pa siyang balloon at wagas kung iwagayway ito.
How the hell did this guy know that I have a game today?
"Go Serena de Chavez! Go number seven! Awoo! Awoo!" the group shouted again.
Nilapitan ako ni Pauline at mapang-asar na nginitian. She pats me on my shoulder.
"Supportive ah?" pang-aasar niya.
I made a face and glanced at the bleachers again. Nanatiling nakatayo ang grupo nila at ngayon ay nagsisitalon na. Napailing nalang ako at nagsimula nang tumakbo muli.
It's been roughly 60 minutes since the game started and the score now is 1-1. Nakapagpahinga na ako ng sandali at paulit-ulit na pinapaalalahanan ni Coach.
I drank from my water bottle and nod my head when he said that I need to focus. Paano ba naman kasi... kaunting takbo ko lang, sumisigaw na agad ang grupo ni Dominic! Ang bilis kong madistract dahil hindi naman ako sanay na maraming nanunuod ng laro namin.
"Yes, coach." Sagot ko.
Pinatayo niya ako at pinasok nang muli sa laro. As usual, Dominic's group shouted again when I entered back in the field.
"Go Arielle! Galingan mo! Pauwiin mo na mga 'yan! Matatalo din naman 'yan!" this time I know that it was Dominic who freaking shouted that. He's the only one who calls me Arielle!
I'm pretty sure that after this game, may makakaaway siya na galing Adamson nang dahil sa sinigaw niya! I snorted and just shake my head again. He's so weird.
30 minutes nalang ang natitira sa laban at kailangan na naming lumamang. I put my game face on at di na nagpadistract pa sa mga sigaw ng grupo ni Dominic.
Sa tagal ng laro at ginabi na kami dito sa field. Mas ginaganahan ako kapag ganitong setting. Mas hindi nakakahilo dahil sa init at mas nakakaenganyo na gumalaw.
The opposing team got the ball so my other teammates tried to snatch it from them. Nanatili ako malapit sa goal post gaya ng instruction ni Coach. I moved when they're getting nearer now. Pauline passed the ball to me pero agad rin naman akong nahabol ng kalaban.
I managed to keep the ball from me but it was just too difficult to score a goal from this position. Napapalibutan ako ng players ng Adamson kaya naman ay naghanap ako ng pupwedeng pasahan.
I saw that Ashley was free so I kicked the ball hard towards her direction. She almost lost the ball but thankfully she still managed to score a goal after kicking the ball hard.
Nanalo kami sa laban kaya naman tuwang-tuwa si Coach habang patungo kami sa locker room. Wala sa sarili akong napabaling ng tingin sa grupo ni Dominic. His friends are preparing to leave now habang siya naman ay nanatiling nakaupo habang pinapanood ang mga kaibigan na mag-ayos.
"Tama na ang pag-titig diyan! May sasabihin pa si Coach sa atin." Natatawang sinabi ni Ashley. Inirapan ko siya.
Sumunod nalang ako sakanila sa locker room at pinakinggan nalang si Coach na masaya kaming binati sa pagkapanalo. Pagkatapos naman noon ay naligo at nag-ayos na ako.
I wore a white printed shirt and I tucked it in my pair of mom shorts. I paired it with a white sneakers. I applied a little bit of make up so I wouldn't look pale. Sinuklay ko ang buhok ko at kinuha na ang bag ko para makaalis na.
"Enjoy sa date niyo ah?" si Pauline na mapangasar na nakangiti sa akin ngayon habang tinatali ang sintas ng kanyang sapatos.
Umismid ako at sinamaan siya ng tingin.
"Wala kaming date. Uuwi na ako." Paliwanag ko.
"Weh? Talaga? E, bakit nakita nila Ashley si Dominic na naghihintay parin sa bleachers? Ano 'yon naghihintay ng lindol?"
My eyes widened a little at that. Lumabas ako ng locker room upang kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ni Pauline. Baka mamaya niloloko lang ako nun, e.
Natigilan agad ako nang makita siya na tahimik na naghihintay sa may pinakababa na bleachers. Wala na ang ibang manonood doon at siya nalang ang natitira. He was texting someone when I came. Napansin niya siguro ang pagdating ko kaya siya agad napabaling ng tingin sa akin.
Mabuti naman at maayos parin ang itsura niya ngayon. Akala ko bubugbugin na siya ng mga taga Adamson matapos ng sinabi niya kanina, e.
"Hey! Congrats!" masaya niyang bati.
Tumayo siya kaya naman ako naglakad patungo sakanya.
"Thanks. I didn't know you're going to watch."
Dominic chuckled lightly. "Well, it was unplanned. Narinig ko lang kasi na may laro kayo kaya inaya ko agad tropa ko."
"Mukha ngang hindi planado." sabi ko at tiningnan ang uniporme niya. Mukhang pagkatapos ng klase, dito agad ang diretso nila ah?
Napatingin rin siya sa uniporme at tumawa muli. I pursed my lips.
"So..." I trailed off. "What are you still doing here? Wala na ang mga kaibigan mo ah?"
"Oh! That... uhm, actually..." he scratched the back of his head. Nag-iwas naman siya ng tingin. "Aayain sana kita."
"Saan?"
"Dinner."
My mouth parted in surprise. Hindi ko inaasahan 'yun ah? Dominic looked hopeful that I'm going to agree.
I know I'm annoyed by him but I also appreciated what he did today. Ngayon lang ako nakaranas na may magcheer sa akin sa laro. It was overwhelming, to be honest. Kung ito lang naman pala ang hinihingi niyang kapalit para sa suporta niyang iyon, sino ba naman ako para tumanggi hindi ba?
"It's okay if you don't want to. Baka kailangan mo nang umuwi. Next time nala-"
"Fine. Let's go get dinner." I cut him off.
Hindi pa ako nakakahakbang patungo ng parking ay nagsalita siyang muli. Nilingon siya.
"Talaga ba?"
Tinaasan ko siya ng kilay at mataray humalukipkip.
"Ayaw mo?"
Dominic laughs and smiled cheekily at me. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya sa loob ng kanyang bulsa.
"Eto nga. Sabi ko nga tara na."
Lumapit siya sa akin upang sabayan ako sa paglalakad patungong parking lot.
I told him to lead the way as I drive my own car. Mukhang may alam siyang kainan sa malapit kaya doon ko siya sinundan. Tinext ko na ulit si Tito Chad na hindi ako doon makakapagdinner.
Tito Chad:
Okay. Si Nate ba ulit ang kasama mo?
Me:
Hindi po.
Tito Chad:
Omg! May kadate ka?
I chuckled as I type my reply.
Me:
Wala, Tito! Issue ka!
Hindi naman gaanong traffic kaya mabilis lang kaming nakarating sa kainan na napili ni Dominic. I parked my car beside him. Hinintay niya naman akong makababa bago niya ako sabayang maglakad patungo ng restaurant.
Kaunti lang ang tao nang makapasok kami. Pumwesto naman ako sa dulo at doon naupo. Sinundan ako ni Dominic. Nang dahil siguro sa tangkad niya ay napabaling ng tingin sakanya ang ibang kumakain. I rolled my eyes. Wallet at phone lang ang dala ni Dominic kaya hindi na muna siya nag-settle down at nanatiling nakatayo.
"Annyeonghaseyo?" He said. Kumunot naman ang noo ko sakanya.
"What?"
"Anong sa'yo kako." Tumawa siya.
Sinimangutan ko siya at sinamaan ng tingin. Tiningnan ko naman ang menu na nakapaskil sa dingding malapit sa counter. Puro chicken wings, burger, at fries ang meron dito. May mga shakes din.
I don't feel like eating rice today dahil may shoot ako bukas. Okay na siguro ang burger at fries. I told him my order. Huhugot palang sana ako ng pera sa wallet ko nang umalis na siya bigla. I called out to him.
"Hoy! 'Yung bayad ko!" sabi ko at pinakita sakanya ang dalawang isang daan.
Umiling siya at ngumiti. "Libre ko na. Nanalo kayo, e."
Ngumuso ako at binagsak ang balikat. Okay then, if he insists. Hindi na ako makikipagtalo dahil siya naman 'tong nagmagandang loob at nakatipid pa ako sakanya.
Habang umoorder naman siya ay nag-scroll ako sa Instagram. Kung kani-kanino na ang story na napanood ko at nagulat nang biglang kay Samuel pala itong nabuksan ko.
Based on his Instagram story, alam kong nagpaparty siya. Umangat ang kilay ko nang makita ang sumunod na story. He's with a girl at nakaakbay siya rito. Hindi ito iyong babaeng nahuli kong kasama niya noon. Iba na naman 'to.
Nabigla rin ako nang makita ang location sticker niya. He's in Okada right now. So, he's back in the country huh?
Inexit ko na ang Instagram app at sinara na rin ang phone nang makita kong papalapit na si Dominic habang dala ang mga order namin. He also ordered a burger. Ang pinagkaiba lang ng sa amin ay mas malaki ang kanya. Mukhang gutom na gutom ah?
Madami siyang inorder at may tig isa pa kaming basket ng fries. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ganito dapat ang inoorder niya pero kung gutom na talaga siya, wala na akong magagawa.
"Hindi ka ba kumain bago manood?" kuryoso kong tanong.
Umiling siya habang inaayos niya ang mga pagkain namin.
"Excited akong manood, e. Nakalimutan ko nang kumain."
Umirap ako dahil di ko alam kung nagloloko ba siya o hindi. Nagsimula rin naman agad kaming kumain.
"So," I started. "Anong pumasok sa isip mo at nanood kayo ng game?"
"I just thought of watching the game since I saw how good you played during your training."
"Nang dahil lang doon?"
"Gusto ko pang mamangha, e."
Inismiran ko siya. Hiniwa ko ang burger at tsaka naman sinubo iyon.
"Sorry nga pala kung hindi ka nakauwi agad dahil inaya kita. Di ko lang inasahan na papayag ka." Aniya.
"Why? Were you expecting me to refuse?"
"Kind of." He chuckled. "So, where do you live?"
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan at bahagyang natawa.
"Wow! Bilis mo ah? 'Yan agad tanong mo?"
"I'm just curious, Arielle. Tsaka ihahatid na rin kita kahit na may sasakyan ka. Baka magtanong sa'yo magulang mo kung saan ka galing, e. Ako na sasagot para di ka mapagalitan."
"Ano ako? Bata?" inirapan ko siya.
"Yeah. You're only eighteen, right?"
"Well, almost nineteen. Pero sabagay... gurang ka na nga pala."
He laughed insultingly. "Ang mukha kong 'to? Gurang na? You need to have your eye checked. Baby face 'to, uy!"
Tinuro-turo niya pa ang mukha niya na para bang pinagmamalaki niya iyon. Tumawa ako.
"You surely know how to build yourself up huh?"
"I'm just proud of what I have, Arielle. Ikaw ba naman maging ganito kagwapo, hindi ka ba magiging proud?"
Kapal ng mukha!
Umiling nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain.
"But I'm serious though. Ihahatid nga kita. Para ka rin makilala ko ang future in-laws ko."
"I don't live with them kaya hindi mo na ako kailangang ihatid dahil hindi mo rin naman sila makikilala." Sabi ko nang hindi ko inaangat ang tingin sakanya.
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa fries at sumubo noon. Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko.
"Why? Do you... live alone?"
Ngumisi ako at inangat ang tingin sakanya. I cocked my head to the side.
"Bakit? Close tayo para sagutin ko 'yan?"
He glared at me. "Damot mo naman, miss."
"Tsaka ka na magtanong pag close na tayo."
Hindi ko agad naintindihan ang ngiti niya. The next thing I know, he's back to teasing me again.
"'Yun oh! May balak siyang i-close ako."
I snorted. Pairap ko nalang na iniwas ang tingin sakanya. Inubos ko naman ang fries ko.
"Why not? You're actually not that bad." I said truthfully.
Maybe I judged him way too much. He may be annoying because he likes to tease me. But then... I figured that he's also kind and thoughtful.
"I'm actually very touched by that, Arielle..." mapangasar niya naman akong nginitian.
Kung pwede ko lang talagang ibuhos ang iced tea sakanya para wala 'yang ngisi niya ay talagang ginawa ko na!
"Ewan ko sa'yo."
Pagkatapos naming kumain ay nagpumilit na naman siyang ihatid ako. Hindi ako pumayag dahil hindi naman kailangan. At isa pa, pag nakita siya ni Tito Chad, sigurado akong hanggang next week akong aasarin nun!
"Hindi na nga! Kaya ko nga! Kulit mo!" Sabi ko at medyo iritable na sa kakapumilit niya.
"Okay. Di na! Gagalit ka agad, e."
Para siyang bata na ngumuso pagkatapos niyang sabihin 'yon. Pinatunog ko na ang sasakyan ko at pumasok na. Nanatili namang nakasandal si Dominic sa kanyang sasakyan at hinintay akong makaalis.
He waved his hand to me. "Ingat ka. Salamat nga pala."
I smiled a little at him. "Ikaw rin. Salamat rin, Dominic."
Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang sinabi ko ang pangalan niya. Inirapan ko nalang siya bago tuluyang nagdrive pauwi.
Nanonood si Tito Chad ng movie sa Netflix nang abutan ko siya. Agad na napabaling ang tingin niya sa akin.
"Kumusta ang date, hija?" tanong niya.
"Okay lang," agad naman akong natigilan nang dahil sa naging sagot ko. "I mean... okay lang dahil di date 'yun!"
Humalakhak si Tito Chad. "Kunwari ka pa! Nabusog ka naman ba?"
Pasagot na sana ako nang bigla niyang duktungan ang sinasabi niya.
"Ng pagmamahal?"
I made a face and mocked him. Mas lalo naman siyang tumawa. Iniwan ko siya sa sala at nagtungo na ng kwarto ko upang ilapag na ang aking mga gamit. Pagkaupo ko ng kama ko ay nagvibrate agad ang phone ko sa sunod-sunod na notifications.
Dominic Stefan Donovan sent you a friend request
@domsdonovan followed you
@domsdonovan sent you a message
Una kong chineck ang message niya sa Instagram ko.
@domsdonovan: Wow! Famous! Pa-follow back po idol 🥺
Wala sa sarili ko namang binisita ang Instagram profile niya. He only has a few posts but he has a lot of followers! I have six thousand followers on my Instagram tapos ako pa famous?! Siya nga itong may 10.7k followers diyan, e!
I typed my reply to his message.
@arielleserena: idol pa fansign po
@domsdonovan: sige isa munang kiss
@arielleserena: kadiri ka
Umirap ako at tumawa. Sa huli inaccept ko rin ang lahat ng iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top