Chapter Fourteen
Song: Higa- Arthur Nery
Paskuhan
"What?! Why would they ask us to do that?!"
Namilog ang mga mata ko nang malaman na iyon pala ang gusto nilang mangyari. That's the meaning behind it huh? Kiss with no malice for five seconds.
Ew! Kiss sila diyan! Ano sila? Hilo?!
Hinarap ni Dominic si Robert at umiling.
"'Wag na 'yan, pare. Ayaw namin."
Sumimangot si Robert at kinamot ang ulo. "Ano ba 'yan! Ang KJ naman! Minsan lang, e."
"Ibahin mo nalang trip mo, Bert. 'Wag na 'yan." seryosong banggit ni Dominic.
Ibinaling ni Robert ang tingin sa iba at hindi na pinansin pa si Dominic. May iba na siyang hinamon ng laro na iyon. He pointed at the guy beside me.
"O, Jerold! Ikaw nalang tsaka siya!" turo niya doon sa isang babae na nakisali sa couch namin. "Game! Five seconds! Walang malisya!"
Nakangiting lumapit iyong babae sakanya at walang pagaalinlangang kumandong sakanya bago tuluyang inilapat ang labi sa isa't isa. They kissed each other torridly and everyone started to count from one to five.
My eyes widened at the sight. Kulang nalang ay kainin na nila ang mukha ng isa't isa sa lala ng paghahalikan nila. I had to look away because I couldn't stand it.
Dominic leaned in to whisper something in my ear. "I'm sorry. Palit nalang tayo ng pwesto."
Tumango ako at nakipagpalit na sakanya. Katabi ko na ngayon si Arthur. He gave me an apologetic smile.
"Pasensya na. Mukhang may tama na si Robert, e. Sorry if that made you uncomfortable." Aniya. Tipid ko siyang nginitian.
"Okay lang. Hindi ko lang inaasahan na 'yun pala ang ibig niyang sabihin."
Joanna smiled a little at me. Mabuti nalang at may mga taong hindi sinakyan ang trip ni Robert. Lasing na talaga 'yun. Dapat diyan pinapauwi na!
Nang matapos si Jerold at 'yung babae sa paghahalikan ay hindi na umalis iyong babae sa pwesto niya. Dominic looked uncomfortable now dahil naglalandian na 'yung dalawa sa gilid niya. I unconsciously put my hand on his thigh.
"Usog ka." Sabi ko at binigyan siya ng espasyo.
Ngayon ko lang rin napansin na nakatingin na pala siya sa kamay kong nasa hita niya. Dali-dali kong inalis iyon. I pursed my lips.
"Sorry..." I mumbled.
Marami pang hinamon si Robert ng laro na iyon hanggang sa maubusan na siya ng enerhiya. That was intense! The last 3 minutes of my life consists of watching couples suck each other's mouth! Si Dominic at Arthur lang ang hindi nakipagparticipate sa trip noong Robert.
Halos matumba tumba na rin si Robert sa dami ng nainom. Kung sino-sino na ang pinagtitripan. Panay alok pa sa iba ng alak.
"Iuwi niyo na 'yan, bro. Baka kung ano pa ang gawin niyan dito." Utos ni Dominic sa isa pang kasama.
"Oo, bro. Baka di na kami makabalik dito dahil sa mokong na 'to." Ani Russel, isa sa kapwa varsity ni Dominic.
Tatlo silang umalalay kay Robert. Nagpaalam naman sila bago sila umalis. May iilan pang natirira dito. 'Yung iba bagsak na ang mga girlfriend. Kahit iyong girlfriend ni Arthur ay namamahinga na sa balikat niya. Umayaw na sa kakainom.
It's only 1 AM tapos bagsak na agad sila! Ang hihina! Buti pa ako kahit nakakailan na, di parin natatamaan! Matira matibay ata kami nitong nakahalikan ni Jerold dahil kami nalang ang natitirang kaya pang mag-shot.
Inabutan ko si Dominic ng shot dahil napansin ko kanina pa siya tumigil sa pag-inom. Akala ko ba hindi siya mahina? Back out agad?
"O, shot mo," sabi ko sabay abot ko sakanya nung shot glass. Umiling naman siya kaya nagulat ako. "Wow! First time! Akala ko ba di ka mahina?"
"Ano? Gusto mo pati driver mo lasing? Paano pa kita maiuuwi ng maayos sainyo ha? Sige nga!"
Umirap ako. "Sus! Edi ako magdadrive! Kaya kong magdrive kahit lasing! Konting tubig lang katapat niyan! Nagawa ko na 'yun dati 'no!"
His eyed widened a bit. Bumuka rin ang bibig niya sa pagkabigla.
"Arielle..." his tone sounded like a warning. Ang pagkabigla naman sa kanyang mukha ay agad na napalitaan na ng pag-aalala ngayon.
I raised a brow at him. Pansin ko ay parang gusto niyang magtanong pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"What?"
Sa inis ko ay ako nalang ang uminom ng shot na iyon dahil ayaw niya! Napansin siguro noong babaeng nakahalikan ni Jerold na kaya ko pang mag-shot kaya hinamon niya akong i-chug iyong bote ng cuervo na natitira.
Agad siyang binalingan ng tingin ni Dominic. He glared at her like he was mad dahil bigla-bigla itong nakikisali sa amin.
"No. She won't take it." Dominic answered for me. Tumingin siya sa akin at agad na umiling.
Tamad ko namang tiningnan iyong babae na halos pumutok na ang labi sa kapal ng lipstick! Pulang pula iyon at in fairness, smudge free dahil wala akong nakitang marka noon sa labi ni Jerold.
Mapanghamon akong nginisian noong babae kaya medyo nairita ako. She's smirking like she just won a war. I grit my teeth and scoffed insultingly.
"Akin na nga 'yan!" Sabi ko sabay hablot noong cuervo sakanya.
Mali ata siya ng hinamon! Favorite ko kaya 'to! Stupid! Kahit kunin niya pa 'yung bote sa kabilang table wala akong pakealam!
Huli na bago ako mapigilan ni Dominic dahil mabilis kong ni-chug iyong bote ng cuervo. The girl looked impressed when I finished. Mayabang ko siyang nginisian nang matapos.
"'Yan lang ba?" tanong ko habang inaabot iyong lemon.
"Arielle..." bulong ni Dominic sa akin, pinapatigil na sa ginagawa.
I hushed him and put my index finger on his lips. Pinandilatan niya ako ng mata. 'Wag na muna siyang maki-epal ngayon. Ayaw niya naman makisali kanina, e. Ayan tuloy at may ibang humamon sa akin!
Wala tuloy siyang nagawa kung hindi ang panoorin kami noong babae na magpalitan ng alak. Si Jerold naman ay mukhang naeenjoy ang panonood sa amin at paminsan-minsang chinicheer iyong babaeng nakahalikan niya.
Sinamaan ko ng tingin si Dominic dahil hindi man lang niya gayahin si Jerold! Kahit man lang moral support walang maibigay! Basta lang nanonood at paminsan-minsang sinasalo ang alak para sa akin.
"Tama na." aniya pagkatapos inumin ang isang shot na para sana ay akin.
I glared at him more. Inabutan ulit ako noong babae ng shot at bago pa makuha muli ni Dominic iyon ay naunahan ko na siya. Nakakarami na ako at pakiramdam ko, ano mang oras ay bibigay na ang katawan ko at baka magaya na rin ako kay Robert!
This girl never backs down! Ngayon lang ako nakaencounter ng babae na mas malakas pa ata uminom sa akin!
Medyo nahilo na ako pagkatapos nung huli niyang binigay sa akin. Hindi pa nakatulong na naiihi na ako ngayon!
"O? Suko na?" inangat niya ang tingin sa akin nang tumayo ako para magpunta ng cr.
Mataray ko siyang tiningnan. Kung hindi lang ako naiihi, talagang di ko titigilan 'yang hamon niya, e!
"Bawal mag-cr, girl? Maghintay ka diyan. Babalikan kita." Sabi ko sabay tumalikod na upang magtungo ng cr.
Pagkalabas ko ng cubicle ay agad akong nagtungo sa sink upang maghilamos. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Okay pa naman ang make-up ko at hindi pa magulo. Ang pinagkaiba lang mula kanina ay mas namumula na ako ngayon dahil sa dami ng alak na nainom ko!
Hinawakan ko ang pisngi ko sabay tinuro ang sarili sa salamin.
"Kaya mo pa 'to. Hindi ka umaatras sa laban di ba?" I pep talked myself in the mirror.
Tangina naman kasi, e! Bakit ba ang lakas uminom nun? Saan ba 'yun pinaglihi?! Kanina pa 'yun shot ng shot kagaya ko pero bakit parang walang epekto sakanya ang lahat ng nainom niya?
Dismayado tuloy akong lumabas ng cr at hindi pa nakatulong iyong mapangasar niyang tingin sa akin habang pabalik ako ng couch. I rolled my eyes at her. Umusog na rin si Dominic para bigyan ako ng daan habang papalapit ako.
Pagkadaan ko sa harap noong babae ay nagulat ako nang bigla akong matisod sa paa niya! Normally I would snap at her right away but then I was more surprised when Dominic caught me in his arms. Napahawak ako sa balikat niya at sa hindi inaasahang pagkakataon, aksidente kong nailapat ang labi sakanya! Our eyes widened when we realized what was happening.
"Sorry!" paumanhin noong babae.
For all I know baka sinadya niya 'yan! Nang dahil doon ay tsaka ko lang napagtanto na nakahalik parin pala ako kay Dominic! What the fuck!?
"Di na pala kailangan ng five seconds, bro, e." pang-aasar ni Jerold sakanya.
Agad akong umiwas kay Dominic at napaayos ng tayo. Nagulat rin si Dominic sa nangyari at agad siyang napahawak sa labi na para bang nalabag ang pagkalalaki niya sa nangyari. Dali-dali akong naupo muli sa tabi niya at sumandal sa couch.
Kung namumula na ang pisngi ko kanina, lalo na siguro ngayon! Naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko nang dahil sa nangyari. Hindi ko magawang malingon si Dominic dahil nahihiya ako! I wasn't even expecting that!
At bakit sakto pa talagang bumagsak ako sakanya? Ano 'yun?! Calculated noong babae 'yung magiging bagsak ko? Engineer rin ba siya ha!?
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong napahilamos ng mukha si Dominic at sumandal na rin sa couch. Agad akong lumayo para hindi magdikit ang katawan namin. I gulped and turned my gaze towards Arthur who seemed surprised as well.
Ngumuso ako at inalis nalang ang sarili mula sa pagkakasandal sa couch. Inabot ko ang isang shot glass at agad na sinalinan ito ng tequila.
"It was just a kiss. It's not a big deal." I whispered to myself before I took a shot of tequila.
Ngunit kahit ilang beses kong sabihin sa sarili iyon ay hindi ko talaga matanggap! Fuck! That was my first kiss! Kahit ba saglit lang iyon! First kiss ko parin 'yon!
Back when I was still dating Samuel, I only kiss him on his cheek! Tapos etong si Dominic nahalikan ko agad sa labi, e... wala namang kami!?
Tangina! Isa-shot ko na nga lang 'to.
Nag-sunod sunod ang inom ko para lang maalis sa isip ko iyong nangyari. Ramdam ko na ang pagkahilo pero hindi parin ako tumigil. Kada pikit ko, pumapasok sa isip ko iyong paglapat ng labi ko sakanya kahit naman hindi sinasadya!
Hinilot ko ang aking sentido at kahit na gustong sumandal ay hindi ko magawa dahil alam kong nandoon si Dominic! Baka magdikit pa kami niyan! Even if my world is spinning now, mataas parin talaga ang pride ko at ayaw ko paring sumandal doon!
Konti nalang ay babagsak na ako dito. Gusto ko nang umuwi. Pero paano ko naman gagawin 'yun kung 'yung maghahatid sa akin ay nahihiya akong kausapin? The least that I want to do now is to talk to him after what happened!
Kanina pa siya nananahimik diyan and to be honest, mas gusto ko pa nga 'yon kaysa asarin niya ako! Mas lalo lang akong mahihiya para sa sarili ko!
Muntikan na akong masubsob sa lamesa dahil sa pagkahilo kung hindi lang talaga ako nasalo ni Dominic. He moved closer to me to examine my face. Halos papikit na ako at napadilat lang muli nang hinawakan ni Dominic ang magkabila kong pisngi gamit ang isang kamay. Napanguso pa ako dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa pisngi ko.
"You're drunk." He stated.
"Hindi ba obvious?" I said sarcastically and removed his hand off of my face.
I almost fell on the table again and if it wasn't for Dominic's hands, baka may bangas na ako sa mukha ngayon. I'm fucking drunk! What the fuck?! I'm drunk! Ngayon nalang ulit nangyari 'to ah?
"Umuwi na tayo."
Tumayo siya at inalalayan ako para madala na niya palabas ng club. Ipinatong niya ang kaliwang braso ko sa balikat niya habang ang kanyang kanang kamay naman ay pumulupot sa baywang ko bilang suporta.
"Mauna na ako, Art. Lasing na, e." narinig kong sinabi niya kay Arthur.
Wala sa sarili naman akong kumaway at ngumiti sa kaibigan niya. I pointed at Joanna who's passed out now. Kumaway rin ako sakanya kahit na hindi niya makikita ang ginawa ko dahil nakapikit siya. Aren't they going home now? Bagsak na 'yang girlfriend niya oh!
"Sige, Dom! Ingat kayo!"
Naramdaman kong tumango lang si Dominic bilang tugon. He turns to me again and fixed his hold on me. Tiningala ko siya at matamis na nginitian. Naamoy ko ang pabango niya dahil sa lapit namin sa isa't isa.
"Hmm... ang bango!" I said as I sniff his neck.
"You're fucking wasted, Arielle."
Tumawa ako. Hirap na hirap akong maglakad kaya mabuti nalang at matiyaga itong si Dominic na alalayan ako. Nagpatuloy ako sa pagtawa hanggang sa makalabas kami ng club.
Sa tingin ko napigtas na ang pinakaiingatang pasensya ni Dominic dahil nagulat nalang ako nang bigla niya akong binuhat. I squealed and giggled as I wrap my arms around his neck. Inamoy ko siya ulit.
"'Yan ba 'yung pabangong ginamit mo sa jersey mo?" kuryoso kong tanong.
Masungit niya lang akong tiningnan kaya ngumuso ako. Wow! Sungit!
Habang patungo sa parking ay wala sa sarili ko siyang tinitigan. Ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa kaya ngayon ko lang siya natitigan ng husto. Panay lang ang titig ko sa mukha niya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa labi niya.
Uy! Nahalikan ko 'yan kanina!
Dominic stiffened when I touched his lip. Hindi niya alam kung titingin ba siya sa akin o pananatilihin niya itong serious aura that he's trying to pull off? I smiled to myself.
"Ang lambot. Isa pa nga." I said while still touching his lips.
Napabuntong hininga siya. Ilalapit ko na sana ulit ang mukha sakanya nang bigla niya akong binaba. I suddenly became disappointed so I frowned. Sinandal niya ako sa sasakyan niya habang binubuksan ang shotgun seat para sa akin.
He immediately slid me inside his car when he opened it. He put my seatbelts on. I smirked because I can feel how uneasy he is. He looked stiff and shy. Aww! Cute!
Nilapit kong muli ang mukha sakanya pero mabilis siyang lumayo sa akin. I glared at him, disappointed because he's not letting me kiss him again.
"Isa lang, e!" reklamo ko.
"No. Lasing ka na nga talaga."
Bumagsak ang balikat ko at dismayadong ngumuso. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito. I ran my fingers through his jaw. I saw his adam's apple moved. Dominic pursed his lips and tried his best to look at me in the eye.
"Ang bango mo 'no? Ang gwapo mo pa!"
The alcohol is definitely the one who's talking! Alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko sasabihin sakanya 'yan kapag sober ako! Baka pumuti na ang uwak, hindi ko parin magagawang sabihin sakanya 'yan.
"Tell that to me when you're sober."
I snorted. I poked his cheek using my index finger.
"Gusto mo sigurong ulit-ulitin ko 'yan sa'yo 'no? Gusto mo ba talaga ako ha? Feel na feel mo ata, e!"
A ghost smile appeared on Dominic's lips. He raised a brow as if he's challenging me.
"Pano pag sinabi kong oo? Anong gagawin mo?"
Umatras ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. Nanatili lang siyang nakatititg sa akin at nang hindi ako sumagot ay pinirmi na niya ang kamay ko at sinara ang pinto ng sasakyan niya. Umikot siya para makapasok sa driver's seat. I bit the inside of my cheek.
May gusto siya talaga sa akin? Hindi nga?!
Agad ko siyang nilingon nang makapasok siya sa loob. He inserted the key to start the engine. Saglit siyang sumulyap sa akin.
"Talaga? Gusto mo ako?" hindi ko mapigilang mapangiti habang tinatanong sakanya iyon.
Umirap lang siya sa akin bago ginalaw ang gear.
"Sige nga! Kung gusto mo ako... kiss mo nga ulit ako, oh! Dali!" hamon ko. I giggled.
Natigilan siya sa sinabi ko. Natawa siya ng bahagya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. His grip on the steering wheel tightened.
"Dali! Duwag ka naman!"
I crossed my arms over my chest. Tinaasan ko siya ng kilay habang hinihintay siyang gawin iyong hamon ko.
"Ano? Nabaliw ka na sa saglit na kiss na 'yon at gusto mo pang ulitin?"
"O-"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mabilis niyang tinakpan ang bibig ko gamit iyong kamay niyang nakahawak sa gear kanina. I glared at him. Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko at hinawak-hawakan iyon. He took a deep breath.
"Goddamn it." I heard him whisper under his breath.
"Lambot din ng kamay mo. Tamad ka sa bahay niyo 'no? Madami siguro kayong katulong."
Inangat ko ang malaki niyang kamay at tinitigan ito. Ano kaya ang feeling kapag... I immediately stopped and giggled to myself when I realized what I was thinking. Ang wild naman nun!
Huy, Serena! Maghunus dili ka nga!
Binawi niya tuloy ang kamay sa akin. Sumandal ako at humalukipkip. Hinayaan ko nalang na dalawin ako ng antok habang nasa byahe kami pauwi ng condo.
I woke up with a throbbing headache. Napahawak agad ako sa ulo ko pagkabangon ko sa kama. Dali-dali akong tumakbo patungong banyo nang maramdaman kong nasusuka ako. Lumuhod ako sa tapat ng bowl at isinuka ang lahat ng ininom ko kagabi.
"O, gising na pala ang prinsesa."
Nabigla ako nang sumulpot si Tito Chad sa labas ng banyo. I groaned and massaged my head. The hell just happened?
"Ano? Masaya uminom?" may halong pag-aasar ang kanyang boses. "Get up now. I prepared a soup for you to help you sober up."
Inalis niya ang sarili sa pagkakasandal sa pinto upang bumalik sa kusina. I sighed heavily. Ang dami ko bang nainom? Ngayon nalang ulit ako nagkaganito ah?
Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili sa salamin. I look like a wreck! Kahit tanggal na ang make-up ay mukha parin akong binagyo! Naghilamos ako at nag toothbrush dahil amoy ko pa ang alak sa hininga ko.
And how the hell did I end up in my bed? Tiningnan ko ang suot kong damit at nagulat nang iba na iyon. What the fuck? Sino ang nagpalit ng damit ko?!
"Tito Chad!!!" I screamed.
Dali-dali siyang bumalik sa banyo at nag-aalalang tumingin sa akin.
"Anong problema?!"
"Sino nagpalit ng damit ko?"
Umirap siya sa naging tanong ko. Lumapit si Tito Chad upang alalayan akong lumabas ng banyo.
"Nandito kagabi 'yung kaibigan kong babae. Si Avi! Ano? Ikaw lang pwede uminom? Ako rin 'no!" He rolled his eyes. "We drank some wine last night. She's the one who changed your clotbes because you were so wasted when Dominic took you home."
My eyes widened and my jaw dropped. Naupo ako sa kabisera at hinayaang hainan ni Tito Chad ng sabaw. Kuryoso ko siyang tiningnan.
"Dominic took me home?"
"O? Sino pa ba dapat?" mataray niya akong tinaasan ng kilay. "Ayaw mo pa ngang bumitiw sakanya habang hinihiga ka sa kama mo, e! Clingy ka ha?"
Napahawak ako sa aking bibig nang dahil sa gulat. Ano bang pinaggagawa ko kagabi?
"And not just that ha! Habang hinihilamusan kita, paulit-ulit kang nakikiusap sa akin na i-kiss kita! 'Yung totoo ha? Anong nangyari kagabi?" pinandilatan niya ako ng mata.
"What?! I did that?!"
"Oo! Pasalamat ka at wala na si Dominic dito nun kung hindi... nakakahiya! Umamin ka nga sa akin, Serena! Naghalikan kayo 'no?" pang-aakusa niya sa akin. "At hindi ka satisfied nang matapos kaya gusto mo pa? Malanding 'to!"
Napasabunot ako sa aking sarili nang unti-unting bumalik ang alaala mula sa nangyari kagabi. We accidentally kissed last night! Nang dahil din doon ay nagsunod-sunod ang pag-inom ko dahil nahihiya ako sa nangyari. Hindi ko na naalala pa ang mga pinagsasabi ko sakanya kagabi dahil malakas na ang tama ko. But I bet they were all embarrassing!
Oh my gosh! What I have I done? Pinahiya ko lang ata lalo ang sarili ko sakanya! I'm sure he's going to use that against me! Baka asarin pa ako nun tungkol sa mga pinagsasabi ko kagabi!
Kahit hindi pa nauubos ang sabaw na hinanda ni Tito Chad sa akin ay bumalik agad ako sa kwarto ko upang kunin ang cellphone ko. Nakita kong may dalawa nang text si Dominic doon.
Dominic:
Good morning. Drink some aspirin or ibuprofen after you eat. That might help you with your headache.
Text me if you're already awake. I have something to ask.
My eyes widened. He has something to ask? Ano naman 'yun? Tungkol ba 'yun sa mga pinagsasabi ko kagabi? Kung ano man 'yun, hindi totoo 'yun! Nasabi ko lang siguro 'yun dahil lasing ako!
"Serena! Bumalik ka dito at ubusin mo 'tong sabaw na hinanda ko sa'yo! Mamaya ka na lumandi!" sigaw ni Tito Chad sa akin mula sa kusina.
Bumalik ako doon habang nag-aalala ko siyang tiningnan.
"Tito Chad... ano pang pinaggagawa ko kagabi?"
He leaned in towards the table. Pumangalumbaba si Tito Chad sa lamesa at tiningnan ako.
"Hindi ko alam ang nangyari nung iniwan ko kayo ni Dominic sa kwarto habang naghahanda ako ng panghilamos mo. Wala si Avi doon dahil naghahanap ng damit mo. Ang tanging nakita ko lang, e, ayaw mong bumitaw sakanya!"
"Tapos?"
"Pagbalik ko, nakita ko na panay titig ka at haplos ka sa mukha niya. Bumitiw ka lang dahil ako na ang pumalit sa pwesto niya. And yet... you keep on reaching out to him! Na para bang ayaw mong pakawalan! Ang malanding 'to!" pabiro niyang kinurot ang tagiliran ko.
I cursed under my breath. Damn!
Humigop ako ng sabaw. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang magpatuloy si Tito Chad. Ako na talaga ang nahihiya para sa sarili ko. Gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon sa totoo lang!
"Alam mo kulang nalang umiyak ka noong nagpaalam na si Dominic. I offered him to stay but he told me that you won't like it if you see him in the morning! He's such a gentleman, you know? Magalang na bata at mabait!" he looked up as if he's dreaming of Dominic. Napapangiti pa sa kawalan ang gaga!
"Naku! Mabuti nalang talaga at wala na siya noong nakikiusap kang halikan ka! Ako ang nahihiya para sa'yo, e. You keep on saying "Kiss mo pa ako. Isa pa! Dali!"" he said while mimicking my voice. Umirap siya sa akin.
He nudged his head at me. "Paano ka ba kasi hinalikan at parang gustong-gusto mo pa? Was it torrid? Passionate? Sloppy? What!?"
Pinandilatan ko siya ng mata dahil hindi ko kinaya ang bulgar niyang tanong.
"Hindi kami naghalikan! Aksidente lang 'yun!" depensa ko sa sarili.
"Asus! Aksidente! E, bakit parang gusto mo pa ulit?"
"Hay naku, Tito Chad! Ayoko na!" paki-usap ako at tinapakan na ang tainga ko.
"O, siya. Ubusin mo 'yan ha? Lalabas lang ako saglit at bibili ako ng gamot para sa sakit ng ulo mo! Take a bath after because you stink!"
Sinimangutan ko siya at sinundan siya ng tingin habang palabas ng unit. Inubos ko nalang ang hinanda niyang sabaw sa akin at hinugasan ko ang pinagkainan ko nang matapos. Ginamit ko ang oras ng pagligo ko para mag-isip nang pwedeng sabihin kay Dominic.
What should I tell him? Ni hindi ko nga maalala ang lahat ng pinagsasabi ko kagabi maliban nalang sa sinabi ni Tito Chad sa akin! Baka naman mamaya hinamon ko ulit siya ng halikan? Gosh! Please! Magpakain na kaya ako sa lupa ngayon?
After I finished taking a bath, I went to my closet to grab something to wear. I took a pair of velvet shorts and a white tank top. I was brushing my hair when I decided to pick up my phone to reply to Dominic's texts.
Me:
Whatever the hell I said last night, don't believe anything. Hindi totoo ang lahat ng 'yon! Lasing ako at hindi ko alam ang sinasabi ko.
Dominic:
Okay? Then give me a reason not to believe this article.
Napamura ako nang nagsend pa talaga siya ng link! Nakapagresearch na agad siya para lang may mapanglaban sa akin ha?!
I opened the link. "Drunk Talk Isn't Just Nonsense, According to Study". That was what the web page says.
Unang bumungad sa akin ang statement na proven daw ng isang study na mas honest ang isang tao kapag lasing siya. That's because alcohol prevents self-control and it makes people care less about the consequences. May kung ano-ano pang rason ang nakalagay doon at hindi ko na binasa!
Damn you, Dominic! Handang handa ka talaga!
Me:
Bakit mas marunong pa sa akin 'yan? Sinong publisher niyan ha? Tell them to stop spreading false information!
Dominic:
Okay, sige. Gusto mo pa ng isa pang kiss?
I groaned in frustration. He remembers!
Me:
Kiss mo ulo mo!
Muntikan ko nang mabitawan ang telepono ko nang bigla siyang tumawag sa Facetime! Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Kapag hindi ko naman sinagot, sasabihin nun nahihiya ako sakanya! Kapag naman sinagot ko, aasarin niya lang ako. Either way, wala parin akong takas!
I took a deep breath and sighed heavily before I answer his call. Nakangiti agad siya sa camera nang sinagot ko iyon.
"Triny kong i-kiss 'yung ulo gaya ng sabi mo. Kaso hindi ko magawa, e. Tingnan mo." Bungad niya. Ngumuso-nguso siya sa camera at ginalaw galaw pa ang ulo para humanap ng paraan upang magawa iyong sinabi ko. Umirap ako.
"Bakit ka tumawag?"
"May itatanong nga kasi ako sa 'yo."
Hindi pa rin nawawala iyong mapangasar na ngisi sa kanyang labi kaya mas lalo akong nainis.
"Ano 'yon?" I asked lazily.
He pursed his lips. Kinagat niya naman ang pang-ibabang labi bago magpatuloy sa pagsasalita. He scratched the back of his head like he's hesitating if he should continue or not.
"Okay..." he took a heavy blow as he calms himself down. Nagpatuloy siya pagkatapos. "Are you free on the 20th?"
"Why?"
"Will you be my Paskuhan date?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top