Chapter Five

Song: Dear Patience- Niall Horan

Name

Busangot parin ang mukha ko habang patungo kami sa restaurant kung saan kami inaya ni Ralph na kumain.

I just can't get over the fact that I was fooled by that annoying creature! Nasayang ang oras at pagod ko sakanya!

Kung gusto niyang magpapansin, then he's really doing a great job!

Napansin ni Van ang busangot kong mukha kaya niya ako mapangasar na tiningnan.

"Uy! Si Serena galit parin! Di ka parin makaget-over? Cute niyo naman, e!"

Umirap ako at humalukipkip.

Noong oras na bumalik ako mula race track ay panay na ang pang-aasar nila sa akin. Telling me that they've seen everything and that they ship us together! Oh, please!

The last thing I want to do in this life is to be involved with that guy! Sana lang talaga ay hindi ko na makita pang ulit ang lalaking 'yon! God only knows what I can do if I see him again.

Si Elisse naman ang lumingon sa akin. Kinurot niya ang pisngi ko kaya mabilis kong tinampal iyon paalis. I glared at her.

"Okay lang 'yan, Se! Para ka parin naman nanalo ng 50K nang dahil sa nangyari. Isipin mo nakahanap ka na ata ng forever!"

Humalakhak ang mga kasama ko sa sasakyan. I groaned. Isa pa ang mga 'to! Kanina pa talaga sila at hindi ako tinitigilan. Hindi nila malimutan ang nangyari kanina at paulit-ulit na binabalikan!

"Hindi ko gusto 'yon." Sabi ko.

Bahagyang inilayo ni Elisse ang katawan niya sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa akin.

"Weh? Di nga?" that question echoed around the car.

I groaned in frustration. Sa tingin nila gusto ko agad ang lalaking 'yon dahil lang tumigil ako para tulungan siya? Well, I'm just concerned because I saw how bad he fell from his motorcycle.

At isa pa, ayoko ring makonsensya. Kung sakaling nanalo man ako, baka nga sa pang papaospital ko pa magamit ang panalo ko!

"Okay ka dun, Serena! Secured ang future mo don!" sabi ni Cathy.

Kinunotan ko siya ng noo. Ngumuso ako. Why do I feel like they really know him? Is that guy even famous? O sadyang papansin lang siya kaya kilala siya ng lahat?

Humalakhak ang mga kaibigan ko nang dahil sa sinabi niya.

"Oonga, Sese!" sabat ni Gian. "Akalain mong pupusta 'yon ng ganong kalaki para lang kalabanin ka!"

"Pumusta nga hindi naman marunong sumunod sa usapan." I muttered a curse after that.

"Dapat kasi hindi ka nalang tumigil para hindi ka busangot diyan!" Si Ralph na natatawa tawa pa.

"Tapos ano? Sisingilin ko siya ng fifty thousand habang bali-bali ang buto niya? Mas mabuti nang tumigil ako kaysa magastos ko pa ang mapapanalunan ko sa pagpapa gamot sakanya!"

"Asus! Gusto mo rin kasi, e!" sabay na sinabi ni Van at Gian.

Nag-apir sila at tumawa dahil parehas sila ng sinabi. Tinuro nila ang isa't isa.

"Bro." si Gian, nakangisi pa.

"Brooo." Si Van na masayang tumatawa na ngayon. They fist bump each other.

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagtingin ng tanawin sa labas. Dumating na rin naman agad kami sa restaurant na tinutukoy ni Ralph. Nang tumigil ang sasakyan ay ako ang unang bumaba at pumasok ng restaurant.

Sinabi ko sa waitress kung ilan kami at agad niya kaming iginiya patungo sa bakanteng lamesa. Nauna na akong umupo.

Mamaya ay babalik pa kami sa race track para kunin ang aming mga sasakyan. Sinabay lang kami ni Ralph para nasa iisang kotse nalang daw kami at para hindi na rin kami mag-aksaya ng gas.

Tamang-tama at may aayusin rin ako sa race track pagbalik. Inuna lang namin kumain dahil gutom na kaming lahat at wala na talaga ako sa mood na makita pa ang lalaking 'yon.

He's just enough to ruin my day.

Sana lang talaga ay wala na siya doon pagbalik ko. Baka tuluyan ko na talaga siyang balian ng buto kung sakali.

My friends started to settle down on their seats. Inabutan kami ng waiter ng menu at agad kong inilibot ang mga mata ko doon para humanap ng makakakain.

It's a pizza parlor near the race track. Tamang-tama at nagke-crave rin ako sa pizza pagkatapos ng dalawang linggo kong pagdadiet dahil may tatlong magkasunod akong shoot noong isang linggo.

I was about to tell the waiter about my order when I saw the group of people who just entered the same restaurant. My mouth parted.

Ang kahilingan kong wag na siyang makita pa ulit ay mukhang hindi natupad.

"Ma'am? Your order po?" the waiter caught my attention.

Inalis ko ang tingin ko sa grupo ni Dominic at tiningala ang waitress para sabihin ko sakanya ang order ko. I let my friends decide what pizza they're going to order. Basta nasabi ko na ang pasta na inorder ko, okay na ako.

"Hey, look who just entered." Ani Gian sabay turo sa gawi nila Dominic.

Binalik ko ang tingin ko sa grupo nila. They are now talking to the waitress, probably telling how many they are. Sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung gaano mamula ang tainga ng waitress. Halos itabon na niya ang menu sa mukha niya para lang hindi mapansin ang pamumula niya.

I rolled my eyes. Ang mga kaibigan ko naman ay agad akong inasar. Nang dahil sa ingay na ginawa nila ay napatingin sa banda namin ang grupo nila. Dominic immediately caught my eye.

Pairap kong iniwas ang tingin sakanya at tsaka tumagilid para hindi ko na siya makita pa.

"Tara! Ayain nalang din natin sila dito sa lamesa natin!" aya ni Cathy.

Agad na namilog ang mga mata ko at umiling.

"No! I don't want to!" agap ko.

Sabay-sabay silang napabaling ng tingin sa akin. Nang dahil sa pagpigil ko ay mas lalo silang ginanahan na ayain nga ang grupong iyon na sumama sa amin.

I groaned in frustration.

"Paul, tara sabay na kayo sa amin!" tawag ni Ralph sa isa sa mga kaibigan ni Dominic.

Hindi ko na tinangka pang i-angat ang tingin ko sakanila. I'm starting to think that this was such a bad idea. Kung hindi lang talaga ako gutom, aalis na talaga ako dito!

Masayang pumayag ang magkakaibigan at agad na iniutos sa waiter na pagsamahin ang mga table namin. Tumulong naman sila sa pag-aayos.

At dahil ako ang nasa dulo at sa table namin idinuktong ang table nila, may naging bakanteng upuan sa tabi ko.

Kung talagang hindi papansin iyong Dominic, wag siyang tatabi sa akin!

Ngunit nabigla nalang ako nang may biglang tumumba sa tabi ko. Napahawak siya sa upuan ko kaya ako napabaling ng tingin sa taong iyon. It was him! He was aiming to seat beside me!

"Oh shit. Sorry. Humina ata ang tuhod ko mula sa bagsak ko kanina," sabi niya habang umaayos ng tayo. Mamaya-maya pa ay may namuo nang ngisi sa kanyang labi. "O baka naman... nafafall na talaga ako sa'yo?"

Agad na nagkantyawan ang mga kasama niya pati na rin ang mga kaibigan ko. Umismid ako at umirap. I moved to the side so my back will face him. I seriously have no time for him.

"Aw sungit."

I made a face. Nakita ni Elisse iyon kaya siya natawa. Kahit na naramdaman ko nang tumabi sa akin si Dominic ay hindi ko na tinangka pang lingunin siya.

Pumangalumbaba ako sa lamesa at tiningnan si Elisse.

"Palit tayo." Sabi ko.

Ngumuso siya at agad na umiling. "Ayoko nga! Diyan ka na!"

Inirapan ko siya. Wala talagang pakisama!

Natapos na rin sa pag-oorder ang grupo ni Dominic. Masaya ang usapan nila. Mas pinili kong 'wag nang makisali sakanila at manahimik nalang. Nanatili akong nakahalukipkip habang hinihintay dumating ang order ko.

"Suplada mo naman." The guy beside me commented.

Umangat ang kilay ko. I scoffed insultingly as I turn to him.

"Pake mo ba?" mataray kong sinabi sakanya.

Tumawa siya at mayabang nga ngumisi. He shifted from his seat so he can focus his gaze on me. I glared at him.

Napansin siguro ng mga kasama namin ang tension sa pagitan namin kaya agad silang sumipol at nang-asar na.

"Ayan na nga po! Mag-aaway na sila!" ani isang kaibigan ni Dominic. Siya iyong lumapit sa amin kanina.

At dahil nga nasa amin 'yung atensyon, tinalikuran ko na si Dominic para hindi na kami gumawa pa ng kahit anong ingay. Nakakahiya sa ibang kumakain dito.

"Stop it. Hindi na ata siya natutuwa." Narinig kong sinabi ni Dominic.

Mabuti at alam niya! Halos tumirik na talaga ang mata ko paitaas sa kakairap ko. Mabuti nalang at dumating na ang mga order namin kaya natigil rin agad sila sa pang-aasar sa amin.

The waitress placed my order in front of me. I thanked her. Sunod niya namang binigay ang order ni Dominic. Pinasalamatan niya rin ang waitress kaya agad itong namula.

"You're welcome, sir."

Kumunot ang noo ko. Anong pinagkaiba ng thank you ko sa thank you ni Dominic at bakit siya lang ang may you're welcome? Palibahasa kasi gwapo.

I started eating my order as soon as everyone's order has been served. Ralph gave me a slice of pizza and placed it on my plate.

"Thanks." sabi ko at nginitian niya naman ako.

Naramdaman ko naman ang pagbaling ng tingin ni Dominic sa amin. I didn't dare to look back at him even if I felt that he moved.

I was surprised when he slid the basket of mojos in front of me. I turn my gaze to him out of curiosity.

"Mojos?" he looked hopeful.

"No thanks." sabi ko sabay iwas ng tingin sakanya.

He chuckled. Hinila niya naman pabalik ang mojos sa table nila. Tinawag ko naman si Van upang ipaabot sakanya iyong basket ng mojos na inorder namin. He put two mojos on my plate.

I heard Dominic let out a sigh.

"Anong pinagkaiba nun?" he muttered.

I raise a brow at him. "May problema ka?"

Nilingon niya ako pagkatapos niyang sumubo ng pasta. He wiped his mouth using the table napkin.

"Wala naman. Pero bakit hindi mo tinanggap 'yung akin? It tastes the same? Wala namang lason 'yung akin."

"Because it tastes better if it came from my friend."

"Aren't we friends?" he asked like there's something meaningful behind it.

"No! Of course not!"

"Then let's be friends." Aya niya na para bang ikakatuwa ko 'yon.

Binaba ko ang kubyertos ko na hawak upang mas harapin siya. Nakita kong napasulyap na rin ang iba niyang kaibigan sa amin pero binalewala niya lang kami. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan.

"Why would I want to be friends with you?"

Dominic pouted his lips and shrugged his shoulders. "Dahil kaya kitang pasayahin?"

"I don't need another clown in my life."

He looked at me with so much amusement. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Bakit, Mr. Dominic, ngayon ka lang ba nasabihan ng ganyan? Sanay ka ba na lagi kang pinagbibigyan ng mga babaeng nilalapitan mo?

"Hindi ko naman hinahangad na maging clown sa buhay mo." Kumuha siya ng isang mojos at tsaka kinagat iyon. "Hangad ko lang na maging parte ng buhay mo."

Natawa naman siya nang makita kung gaano ako nandiri sa sinabi niya. He smiled like he just won a battle. Umirap ako at umiling.

"Oh, please..."

Kinuha ko muli ang kubyertos ko para ituloy na ang naudlot kong pagkain.

"I'm Dominic." Pakilala niya ulit.

'Yung totoo? Ilang beses niya bang balak magpakilala sa akin? Alam ko na ang pangalan niya! Tumatak na iyon sa isipan ko dahil isa na siya sa mga taong kinaiinisan ko.

I snubbed him and continued eating. From my peripheral vision, I saw him suppress a smile while he sips from his water.

Ang babaw ng kaligayahan ng isang 'to. Lahat nalang nakakatuwa para sakanya! He must be living a damn good life that he thought he can radiate his happiness to me.

"Okay. Snob me all you want, Arielle."

Nabitin ang pagsubo ko sa ere nang banggitin niya ang first name ko. Dahan-dahan akong napalingon muli sakanya. How the hell did he know that?! He's such a stalker!

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

He only shrugged his shoulder instead of answering my question. I grit my teeth.

"Stalker ka 'no?" paratang ko sakanya.

Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. He's looking at me like I said something ridiculous. Parang gusto niya akong mahiya sa sarili ko.

"Wow! I do a lot of things everyday and stalking is not one of them. I got no time for that. Only thirsty men do the stalking."

Umismid ako sa sinabi niya. Dami pang sinabi. Hindi nalang niya sagutin ang tanong ko kung paano niya nalaman ang pangalan ko!

"Well, I don't care. And don't call me Arielle. No one calls me that."

"Then... what should I call you then? Baby? Love? Babe? Sweetheart? Honey? What? You choose."

Mabilis na nag-init ang dugo ko. Hindi pa nakakatulong ang mapaglaro niyang ngisi. He's enjoying this huh?

Hindi ko na pinahalata sakanya ang inis ko. Sa halip, nginitian ko siya. Mukhang nagbago naman ang mood niya nang dahil doon, namangha siya. Inilapit ko ang mukha ko sakanya nang hindi ko tinatanggal ang ngiti sa labi.

Lumapit rin siya sa akin, mukhang inaantisipa ang gagawin ko.

"E, kung bigwasan kaya kita?" bulong ko sakanya.

He gasp.

"Wow. Brutal."

I rolled my eyes. Lumayo na ako sakanya. Tinitigan ko nalang ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana nang dahil sakanya.

"But seriously. If no one calls you Arielle, then let me be the only person who calls you that."

"Okay," he face lit up. "Dahil ito na rin naman ang huling pagkikita natin kaya ito na rin ang huling beses na tatawagin mo ako niyan."

He teasingly smirked again.

"Hindi ka sure..."

Bahala ka nga diyan sa buhay mo!

"I'm Dominic Stefan Donovan. And it was nice meeting you, Arielle Serena de Chavez."

My jaw dropped. I'm starting to think that this man did his research before he decided to annoy me. And Donovan? Kaano-ano niya si Felicity?

He wiggled his brows at me when I turn to him again.

"Kaano-ano mo si Felicity?"

Sumimangot siya. "Ouch. Dun ka pa talaga ang curious at hindi about sa akin?"

Seriously... kailan ba ako sasagutin ng maayos ng lalaking ito?

"Just answer my goddamn question!"

"She's my sister."

Umatras ako at tinitigan siya. I tried looking for their similarities. I'm surprised that they're related.

Felicity has been my classmate ever since Grade 11. We're not close and I don't even remember talking to her. But I think she's one of the nicest people in the class. Hindi siya kabilang sa mga taong kinaiinisan ko doon.

Malaki ang pagkakaiba nila ng kapatid niyang ito. Felicity is always curious but she's not irritating. Hindi katulad nitong kapatid niya na saksakan ng kulit!

"K." I replied. "Wala na akong pake."

"Ikaw? May kapatid ka ba?"

"Bakit? Close tayo para sagutin ko 'yan?"

Tingnan mo nga naman ang isang 'to! I just met him now and he already has the guts to ask me a personal question? Who does he think he is?!

He hissed. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"You keep on hurting my feelings, Arielle."

I glanced at him. "That's what I intend to do."

Mabuti nalang talaga at natapos na ang iba sa pagkain at nagkaayaan nang mag-uwian. Bago pa ako makasakay sa sasakyan ni Ralph ay narinig kong tinawag ako ni Dominic.

Hindi ko siya nilingon habang hinihintay si Elisse na makapasok ng sasakyan. Mukhang binagalan pa ng babaeng ito ang pagpasok dahil gusto niyang marinig ang sasabihin ni Dominic.

"This won't be the last time you'll see me. Get yourself ready because we're going to deal with each other a lot."

Nahigyawan ang mga kasama niya. Hindi ko na inalam pang ang ginagawa nila dahil naiirita na talaga ako.

I groaned and pushed Elisse inside the car. Natatawa-tawa pa siya habang umaayos ng upo. Agad kong sinara ang pinto ng sasakyan ni Ralph, hindi na nag-abala pang kausapin ang Dominic na 'yon.

"Kinikilig naman ako!" sabi ni Elisse.

Sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis ang naging byahe at mabuti nalang hindi na bumalik ang grupo ni Dominic sa track. Maayos kong nagawa ang dapat kong gawin. 

Pinaubaya ko nang muli kay Fred ang motor ko. Sabi ko ay itetext ko nalang siya ulit kapag naisipan kong mag-race ulit. Tumango naman siya at nagpasalamat nang inabot ko ang bayad ko sakanya.

Umuwi agad ako pagkatapos. Tito Chad texted me a while ago asking if I'm going to eat dinner at our condo. I replied him with a yes.

Kaya naman nang pagpasok ko ay naabutan ko siyang naghahain na.

"Tamang-tama ang dating mo. Tara na at sabayan mo na ako dito."

"Sige po, Tito. Ibababa ko lang ang mga gamit ko."

Tumango siya kaya agad akong nagtungo sa kwarto ko upang ibalik sa dating pwesto ang mga gamit na dala ko kanina. I showered quickly and changed my clothes.

Nakaupo na si Tito Chad sa kabisera nang lumabas ako. Napabaling siya ng tingin sa akin. Naupo ako sa tabi niya at agad na nagsalin ng tubig para sa amin.

"How's your day?" he asked.

"Fun. But not that fun."

His forehead creased. Pagkatapos niyang kumuha ng kanin ay inabot niya ito sa akin para makakuha ako.

"Ha? Bakit naman?"

"There's this annoying guy..." at doon na nagsimula ang kwento ko tungkol kay Dominic.

Buong dinner ata puro siya lang at ang inis ko sakanya ang pinag-uusapan namin. Natutuwa si Tito Chad sa kwento ko at paminsan-minsang nagtatanong.

"Bakit? Gwapo ba?" he asked a meaningful question.

Muntikan na akong mabilaukan sa tanong niyang iyon. Mabuti nalang at naabot ko agad ang tubig.

I'll be lying if I said that Dominic doesn't look good. In fact, he is. He's tall. I feel like he also has a body of an athlete. He has a sharp jaw and a pointed nose. Mapupula rin ang labi niya. In short, he's just too good looking.

'Yun nga lang nakakairita siya kaya wala rin.

Damn! I can't believe I noticed everything about him!

"Okay lang." I answered halfheartedly.

Naningkit ang mga mata ni Tito Chad sa akin, mukhang hindi naniniwala. Inismiran ko siya.

"Sus! 'Yang okay okay mo na 'yan, alam ko ang ibig sabihin niyan! Kilala kita, Serena. Ayaw mo lang sabihin na gwapo talaga 'yon kaya paokay-okay ka pa diyan!"

I rolled my eyes at him. He chuckled.

"Fine. Whatever." I said and continued eating my dinner.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top