Chapter Fifteen

Song: Stuck With U- Justin Bieber & Ariana Grande

Greeting

"I can't."

Hindi ako pumayag hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil iyon din ang araw ng alis namin ni Tito Chad patungong Milan!

Agad kong nakita ang pagkadismaya sa itsura niya. He's frowning at the camera now. Like he's making me take back that decision. Gusto niya atang makonsensya ako.

"Why?" he asked disappointingly.

"I'm going to Milan, remember? We're leaving on the 20th."

Bumagsak ang balikat niya. Kasabay naman noon ay ang paghiga niya sa kama niya. He placed his other arm behind his head, using it as his pillow. Nang dahil sa ginawa niyang iyon ay nakita ko ang pag-flex ng muscle niya. Nakasuot lang pala siya ng black tank top ngayon. Napalunok ako.

So... hindi niya pa ba ibababa 'tong tawag? Kakaligo ko lang naman pero bakit pinagpapawisan agad ako?

"Sayang naman..." aniya.

"At bakit ako ang tinatanong mo? I'm sure there are other girls who are willing to be your Paskuhan date!"

"E, ikaw ang gusto ko, e. Bakit?"

Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata sakanya 'yon. Sinamaan ko nalang siya ng tingin para makaiwas rin ako sa pang-aasar niya. Alam kong doon hahantong 'yun sa oras na makita niyang natigilan ako sa sinabi niya.

"Bakit? Natanong mo rin ba ako kung gusto kita?" tinaasan ko siya ng kilay.

He chuckled and shifted from his position. Hindi talaga nakakatulong na nakikita kong nagfeflex ang muscle niya dahil sa suot niya. What's the problem, Serena? You've been photographed with shirtless male models before pero hindi ka naman na-awkwardan ng ganito!

I had to fan myself secretly because this is definitely making my heart race.

"Bakit ko pa itatanong kung alam ko naman? Diba nga gusto mo pa akong halikan-"

"Ha? Anong sabi mo? Choppy ka ata." Pagmamaang-maangan ko.

Mas lumakas ang tawa niya. He bit his lower lip. Umiling siya sa camera at tinuro ako doon.

"Gusto mo talaga ulitin ko ha? Want me to come over so we can continue our smooch-"

"What the fuck?! Are you insane? Kadiri ka!"

Nakakainis na ang dami niya talagang oras na mang-asar! Sana talaga di ko nalang sinagot 'tong tawag niya! Ako pa tuloy nahihiya ngayon.

"I'm just kidding. You know that I won't force things on you."

I rolled my eyes. Ngumuso ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Pero paki ulit nga 'yung sinabi mo kagabi." Aniya, may halong pang-aasar na sa tono niya.

My forehead creased. "Anong sinabi ko?"

"Na ang bango ko at ang gwapo ko kamo."

My jaw dropped. I certainly did not say that! Kahit lasing ako 'no, di ko magagawang magsabi ng kasinungalingan! Fake news!

"Wala akong sinabing gano'n! Ang feeling mo!"

He smirked. "How can you be so sure? Did you even remember what happened after you drank last night?"

"Uh..." I stuttered. Sandali akong nag-isip at taas noo niyang tiningnan sa camera pagkatapos. May mapanghamong tingin siyang ibinibigay sa akin ngayon. "Oo naman! At wala akong natatandaan na may sinabi akong ang bango mo at ang gwapo mo 'no! As if!"

Maarte akong umirap sakanya. I look at him in disgust to save my dying ego. He gave me a mocking smile.

"Really? Then you must also remember how you challenged me to kiss you again?"

Mas lalo ko na siyang sinamaan ng tingin ngayon. I groaned in annoyance at pinandilatan ko siya ng mata.

"Did you seriously call to tease me? Baka palabas mo lang 'yang pag-aaya mo sakin sa Paskuhan para lang maasar mo ako! For all I know, may date ka na talaga at ginagawa mo lang akong reserba in case na hindi ka siputin noong totoong inaya mo!" akusa ko sakanya.

He was taken a back with that. Hindi makapaniwala siyang nakatingin sa akin. Mamaya maya pa ay naririnig ko na naman ang tawa niya. Ano? Lahat nalang ng bagay nakakatawa sakanya ha?

"You think so ill of me, Arielle. Kung meron man akong totoong inaaya, ikaw 'yon! But since you can't make it-"

"Maghahanap ka ng ibang maaaya?" pagputol ko sa sinasabi niya.

"Hell no! What I mean to say is that I'll just probably accept the fact that I'll become a third wheel to Arthur and Joanna since you can't make it. Hindi mo kasi ako pinapatapos, e."

I rolled my eyes. "Kaya nga maghanap ka ng bago mong aayain! Kilala ka naman sa university, e. Mag-tweet ka lang, sigurado akong maraming sasagot."

Bumagsak ang balikat niya at dismayado akong tiningnan.

"Ang kulit mo din, e, 'no? Ikaw nga gusto ko kaya bakit pa ako mag-aaya ng iba? Hindi lang ako mag-eenjoy!" reklamo niya.

Pasagot na sana ako nang makita kong napabaling ang tingin niya sa likod ng camera. I heard his door opened.

"Dominic, rinig na rinig ko 'yang boses mo sa kwarto ko!" boses ng babae iyon.

Namilog ang mga mata niya at napaayos siya ng upo. He raised one finger on the camera to signal me to wait. Tumayo rin siya at hinayaang nakatapat sa dingding iyong camera niya.

"Ate! Nakauwi ka na pala! I thought you're going straight to your house? What are you doing here?"

"Wow! You sound like you don't want me here huh? Bakit? Ayaw mong marinig na may kalandian ka diyan?!"

"Huh? Ano? Balik ka nalang sa kwarto mo, Ate. Di ba pagod ka sa duty mo? Kung ako sa'yo magpapahinga nalang ako." pang-susulsol niya.

I heard the girl chuckled. So, may mas nakakatanda pa pala siyang kapatid na babae. Hindi ko na narinig pa ang iba nilang usapan at sa tingin ko nagbubulungan nalang ang mga iyon. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko pa hinihintay na bumalik si Dominic, e.

Gustong-gusto makipag-video call?

Dominic went back to grab his phone after a minute. Agad ko siyang tinaasan ng kilay. Sinabi niya naman sa akin na kapatid niya iyong kausap niya kanina. He asked how I'm feeling afterwards. May kung ano pa kaming pinag-usapan hanggang sa mapunta na naman sa pang-aasar niya sa akin.

"Serena! Uminom ka na ng gamot!" rinig kong sigaw ni Tito Chad sa akin mula sa kusina.

"I need to hang up now. Kung may pang-aasar ka pang gagawin, hanap ka nalang ng iba mong biktima."

Dominic snorted. Malaki ang ngisi niya sa camera. Kumaway naman siya sa akin bago ako nagpaalam. Agad kong tumayo at nagtungo kay Tito Chad upang inumin na iyong gamot na binili niya para sa akin. May mapangasar agad siyang tingin na iginawad sa akin nang dumaan ako sa harap niya.

"Ang harot! May pa-video call pa!"

Dalawang araw bago ang alis namin ni Tito Chad ay naghanda na ako ng mga dadalhin ko. We went shopping yesterday dahil wala akong gaanong winter clothes. At dahil nga gastador itong Tito ko, kung anu-ano ang pinagbibili sa akin na designer clothes!

"Tito, I don't need this." Sabi ko sakanya habang pinipilian niya ako ng damit sa Gucci.

Kumuha pa siya ng isa pang damit at tinapat sa akin upang tingnan kung bagay.

"Oh, no! You need this!" aniya sabay bigay nung damit doon sa babaeng nakasunod sa amin. I sighed heavily in disbelief.

Nagpupumilit siya kaya wala akong ginawa. In the end, he ended up buying everything he asked me to try. Magaganda naman iyong pinili niya at lahat ay bagay sa akin. Gusto niya ay iyon pa ang mga dalhin ko sa trip namin sa Milan. Sa dami ng pinamili niya para sa akin baka abutin na ako ng tatlong bagahe at bukod pa ang hand carry doon!

Our flight is going to be at 6:10 PM. 4:30 palang ay nakarating na kami ni Tito Chad sa airport. After we settled everything, we then proceed to our lounge. According to him, we're going to have a three hour stop over at Abu Dhabi before we get to our connecting flight going to Milan.

Nang dahil sa stop over na iyon ay ang dami agad pumasok sa isip ni Tito Chad! Gusto agad akong ipagshopping!

"I already have enough clothes, Tito! I don't need more!" reklamo ko habang binabanggit niya ang magiging plano niya.

Umiling siya at pabiro akong hinampas sa hita na para bang nagpapakipot lang ako sakanya.

"It's our first trip together, hija! Dapat lang na awrang-awra tayong dalawa doon 'no! Also, they have a lot of modeling agencies in Milan! Malay mo madiscover ka!"

Ngumuso ako at umiling. Suportadong suportado talaga siya sa akin lalo na sa pagmomodel ko, e. Kulang nalang talaga ipasok ako nito sa lahat ng castings, e!

"Tito, I am not yet ready to leave the Philippines. I want to stay until I graduate from college!"

"Malay mo lang naman, hija! At isa pa, maganda na marami kang mapopost sa Instagram mo! Madami na kayang nadidiscover doon ngayon."

Kung anu-ano pang plano ang sinabi niya sa akin hanggang sa tinawagan na siya noong boyfriend niya. He excused himself for a while so I was left alone on our couch. Kinuha ko nalang ang phone ko. I was surprised when there's a text from Dominic.

Dominic:

Are you at the airport now?

Me:

Yes. Enjoy Paskuhan!

Dominic:

Napairap nalang ako sa reply niya. Nung isang araw pa siya send ng send sa akin noong usapan nila ng mga teammates niya sa group chat nila. Tuwing tinatanong kung sino ang may date sakanila sa Paskuhan, lagi kong nakikitang reply ni Dominic ay 'sana all may date'. Hindi ko alam kung nagpapaawa lang ba siya o nangongonsensya siya.

Me:

Nasa school ka na ba?

Dominic:

Wala pa. I'm still getting ready. Do you like what I'm wearing?

He sent me a picture of him in front of the mirror. Nag peace sign pa siya doon sa litrato habang may kaunting ngisi sa labi. I examined his outfit. His style was simple. Naka white shirt lang siya na pinatungan niya ng navy blue bomber jacket. Itim ang kanyang pantalon at naka Nike shoes rin na puti.

Dominic:

What do you think, my stylist?

Me:

You look okay.

Dominic:

'Yun na 'yun? Wala man lang compliment?

Me:

'You look okay' is already a compliment, Dominic. 🙄

Natigil lang ang pag-uusap namin nang marinig ko nang tawagin ang flight namin. Tito Chad is already done with his call. Sa tingin ko ay narinig niya rin ang flight announcement namin kaya dali dali siyang bumalik sa pwesto kanina.

"Let's go! Let's go!" nagmamadaling sinabi ni Tito Chad.

Hindi na niya ako hinintay pang mag-lakad at mas nauna pa sa akin! Hula ko ay sobrang excited na siyang makita ulit si Luca kaya madaling-madali siya diyan.

Tito Chad booked us a business flight kaya maayos-ayos ang naging tulog ko habang patungo kami sa Abu Dhabi. He looked grumpy when he woke up pero nang makita ang mga designer shops sa loob ng airport ay para siyang nabuhayan. Mabuti nalang at may mga bukas pa.

"Tara dito, Serena! Mamili tayo ng damit!" aya niya sa akin habang papasok siya ng Burberry.

Bumili siya ng dalawang scarf doon at isa namang sweater para sa kanya. Nang matapos siya sa shop na iyon ay inaya ko naman siya magtungo sa cosmetic shop.

Nakita ko kasing may NARS doon. I've been eyeing the shade star woman from their collection because I really love the color! It was perfect for Christmas! I already checked it in the Philippines when we went shopping, pero wala silang shade na ganoon.

"Yes! Finally!" halos mapasigaw ako sa tuwa nang makita ko iyon. I picked up the tester and swatched it on my hand.

"Patingin." Ani Tito Chad kaya pinakita ko sakanya ang ginawang linya sa kamay ko gamit iyong lipstick. He nods his head pleasingly. "Maganda ha! Wala ka nang ibang gusto?"

"This is already fine, Tito Chad." I smiled at him.

Kung anu-ano pang pagsa-shopping ang ginawa niya hanggang sa mapagod kami. Hindi na kami lumabas ng airport dahil dito palang ay nag-enjoy na siya sa pamimili. Kumain kami pagkatapos at nang ilang oras nalang ang natitira para sa connecting flight namin ay nagpunta na kami ng lounge.

"Nagpunta ako ng Abu Dhabi nang walang paper bag na dala, aalis ako naman ako nang maraming dala! What have you done to me, Abu Dhabi?!" Tito Chad exaggeratedly said as he sat down on the couch beside me.

He faked cried while gently holding to his wallet. I scoffed and rolled my eyes at him. Dumadrama pa siya diyan alam ko namang hindi siya nauubusan ng pera! Sumandal ako sa couch at kinuha ang phone ko sa loob ng bag. I connected it to the free WIFI inside the airport so I won't get bored.

Una kong binisita ang Instagram ko. Halos puro pictures mula sa Paskuhan ang nakikita ko doon mula sa mga kaklase ko. I watched some of their stories until I came across Dominic's stories from last night. May iilang pictures siyang nirepost sa stories niya na galing sa iba niyang fans. Sumunod naman na story niya ay 'yung mismong event na.

He was recording the stage until he moved his camera to record Arthur and Joanna. Arthur was hugging Joanna from behind while the band was playing. Itinutok niya pa iyon sa ibang magkakasintahan na magkayakap sa paligid niya. I heard him shouting 'mga bastos!' that's why Arthur gave him a middle finger. The video ended with him frowning at the camera.

Ang sumunod niya namang story ay picture niya lang na kunwaring may inaakbayan. He even drew a person beside him para lang masabi na may kaakbay talaga siya. Bumaba ang tingin ko doon sa caption na nakalagay sa gilid. It was small and not really noticeable at first so I had to pause his story so I could read it.

Wish you were here :(

My mouth parted a bit. Wala naman siguro siyang pinapatamaan sa caption na 'yon pero bakit ang bilis ng pintig ng puso ko? Muntikan ko tuloy mabitawan ang phone ko nang marinig na tinatawag ang flight namin.

The flight going to Milan was exhausting. Halos natulog at nagbasa lang ako ng magazine buong byahe. Pinasuot na sa akin ni Tito Chad iyong scarf na binili niya sa Abu Dhabi dahil malamig ang klima ngayon. Agad namang niyakap ni Tito Chad si Luca nang dumating ang sasakyan nito.

"Serena! It's been a while!" bati niya sa akin. I went towards him to hug him. I smiled.

I already met him when I was 17. Siya naman ang bumisita noon kay Tito Chad sa Pilipinas. Nagkakilala kami dahil pinasama ako ni Tito Chad sakanya noon nung first time nilang magdidinner dalawa. I told him that I don't want to because it's their date and I don't want to disturb them. Pero nahihiya daw siya kaya pinilit niya ako.

Pero nung dinner naman halos maging hangin na ako sakanila dahil may sarili na silang mundo! It was okay with me though. Ang makita na masaya si Tito Chad noon ay masaya na rin ako.

"You've gotten taller, darling! I heard you've been doing well in modeling."

I smirked. "Ah! Tito Chad has been updating you about everything huh?"

"Of course! I also heard you're dating someone now."

My jaw dropped. Akala siguro ni Luca ay nabisto niya ako kaya niya ako kinurot sa aking tagiliran. Ngunit ang totoo talaga ay nabigla ako dahil pati iyon ay naibalita na ni Tito Chad sakanya!

"What?! That's not true! I am not dating anyone."

Naningkit ang mga mata niya sa akin at mukhang ayaw akong paniwalaan. I jokingly rolled my eyes at him before we went towards his car.

While we were on our way towards his apartment, I had time to capture the surroundings. It was my first time here in Europe. Halos sa States lang kasi iyong madalas naming puntahan noong bata pa ako. Kaya ngayong first time kong nandito sa Italy, hindi ko maiwasang mamangha.

Luca already provided us sim cards with unlimited data that's why I was able to record the surroundings. I pouted it on my Instagram story with the caption 'Good morning, Milan! 🇮🇹'.

It was only two minutes ago after I posted it when I received a message from Dominic. Nagreply siya doon sa story ko.

@domsdonovan: sana ako nalang si Milan

My forehead creased because I didn't get what he meant by that. It's only 11:10 in the morning here in Milan siguro ay hapon na sakanila kaya marami siyang time mang-istorbo ngayon. I started typing my reply.

@arielleserena: huh?

@domsdonovan: para naman binabati mo rin ako ng good morning.

I snorted and rolled my eyes even if he won't see my reaction.

@arielleserena: luh papansin

"Somebody's having her babe time over there, Luca." Narinig kong pang-aasar ni Tito Chad sa akin. I made a face and mocked him.

Narinig ko ang pagtawa ni Luca kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin mula sa rearview mirror.

Nang makarating kami sa apartment ni Luca ay agad kaming nagsettle down. He already fixed my bedroom for me and I thanked him. Maganda ang apartment niya at modern. Homey ang pakiramdam dahil may mixture ito ng white, brown, and taupe colors.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at natulog na agad. Nagising nalang nang tawagin nila ako for Dinner. Luca made some Italian dishes for us which I certainly appreciate. Masarap siyang magluto gaya ni Tito Chad.

Nang bumalik sa kwarto ay inabala ko nalang ang sarili sa pagtingin ng tourists attractions dito sa Milan hanggang sa makatulog akong muli.

It was already morning when I woke up again. Plano na naming mamasyal ngayon dahil ayaw raw mag-aksaya ng panahon ni Tito Chad. He also suggested that we should go Christmas shopping kahit na ang dami na niyang nabili noong nasa Pilipinas palang kami.

After I took a bath, I went towards my luggage to grab the outfit that I'm going to wear today. Tinamad kasi akong alisin pa ang mga gamit ko sa bagahe kagabi kaya hindi pa sila nakaayos sa closet ngayon.

I picked out a black turtle neck sweater and a high waist black skinny jeans. Kinuha ko rin ang black sock boots ko at sinuot ito. I didn't want to look like I'm going to a wake so I wore my Gucci belt on and grabbed my beige faux jacket.

I applied a little bit of make up and finally used the lipstick I bought back in Abu Dhabi. I just let my hair down and wore a sailor hat for my final look. Nilagay ko na rin ang mga necessities ko sa loob ng Fendi baguette ko bago ako lumabas ng kwarto.

"Wow! Is that the boots I bought for you?" Tito Chad asked and pointed at my feet.

I nod my head and join them on tbe breakfast table. Pinagmamayabang pa ni Tito Chad na siya ang namili ng mga susuotin ko kay Luca. May kung anu-ano pang shops siyang tinatanong rito at mukhang may balak na namang gumasta ng pera.

We first went to Milan Cathedral and then to Castello Sforzesco. Mistulang naging photoshoot ata ang nangyari dahil panay ang turo ni Tito Chad ng mga pwesto kung saan niya ako pipicturan.

"Dito naman." Turo niya sa pwesto kung saan tanaw ang buong Castello. He even instructed me to do some poses. Talagang kina-career niya itong ginawa niya.

Kung hindi siya ang nagpipicture sa akin, si Luca naman. Gano'n rin ang boyfriend niya! Kapag may nakitang magandang spot ay pipicturan ako. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko rin naman ang ginagawa.

"You should post it on your Instagram! A lot of agencies here in Milan are looking for a model to scout! You can be the next, Serena." Masayang ngumiti si Luca sa akin.

"I'll finish my studies in the Philippines first before I think about it. I want to have a degree."

"Oh... I understand. It's good that you got everything sorted out. Priorities first, chica." Aniya sabay inakbayan si Tito Chad. I smiled at the both of them.

Sila naman ang kinuhanan ko ng litrato ngayon. Huling pinuntahan namin ay ang Vittorio Emanuele. Nandito kasi halos ang mga luxury stores at dito rin gustong magtagal ni Tito Chad.

"Dito sa gitna! Dito ka, Serena!" excited na tinuro ni Tito Chad ang entrada noong mall.

I didn't even get to admire the Architecture because Tito Chad was so excited on taking another pictures of me. May mga dumadaan doon pero kapag may nakikita namang nagpipicture ay gumigilid sila.

"You look so good in here!" pinakita ni Tito Chad ang picture na kinuha niya.

I smiled to agree with him. It almost looked like I was in a magazine cover. Dumagdag pa iyong magandang Architecture ng mall kaya mas lalong gumanda ang kuha. While waiting for Tito Chad and Luca to finish shopping, I busied myself by editing some photos that Tito Chad sent to me via air drop.

Napagdesisyonan ko na ipost iyon kuha ni Tito Chad sa akin dito sa mall dahil iyon talaga ang pinakanagandahan ako. I didn't write any captions and only put the location of the mall.

My photo was only posted about a minute ago and Dominic already liked it! 'Yung totoo? Wala bang pinagkakaabalahan ang isang 'to at parang lagi atang tambay sa Instagram?

The brute even left a comment!

@domsdonovan: enjoy milan! p.s. u look good tho

I smirked. Pag 'yang comment mo nakita ng kapatid mo, manghihinala na naman 'yun! I liked his comment and replied.

@arielleserena: tnx fan

Mabilis na nagdaan ang araw at sumapit na nga ang araw ng pasko. Abala ang dalawa sa pagluluto habang ako naman ay naging abala sa pagdedecorate ng hapag at ng bahay. They cooked a lot even if it's just us three. Sirang-sira na naman ang diet ko nito.

After we ate, we proceeded with our gift giving. Nabigla ako nang maglabas si Tito Chad nang malaking Chanel paper bag at iniabot sa akin ito. My eyes widened. Hindi na ako umasa pang bibigyan niya pa ako ng regalo dahil masyado na siyang maraming nabili para sa akin.

"Tito Chad..." I said, still surprised.

"You are already like a daughter to me, Serena. So let me provide you with things I think you deserve. I love you and don't you dare think that you deserve less. You deserve the world, hija."

I pouted and sat beside him. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, Tito Chad! I love you!"

Pagkatapos naman no'n ay binigay ko na ang regalo ko na binili ko para sakanya. He's been telling me about these boots so I took the initiative of buying it for him.

Bibili na sana siya nito nung nagshopping kami kaso pinigilan ko siya. Ayaw niya pang magpapigil noong una at desidido talagang bumili ngunit nadala ko naman sa maayos na usapan kaya hindi rin natuloy.

"I knew it!" sabi niya sabay turo doon sa paper bag na inabot ko sakanya. He squealed in excitement as he open my gift for him. "I love! Thank you, Sese!"

Binigay ko na rin ang regalo ko kay Luca. Ganon rin siya sa amin ni Tito Chad. He gave me a Dior perfume while he gave Tito Chad a new camera.

We were just chilling and having some wine when Tito Chad and Luca broke the news for me.

"We're planning on moving in together." Luca started.

My mouth parted in surprise. I knew this day will come. Halos araw-araw silang magkausap sa phone at halatang lagi nilang namimiss ang isa't isa kaya hindi na ako magtataka kung naisip nilang gawin na ito.

"Where? In the Philippines?" I asked curiously.

Kung sa Pilipinas naman ay ayos lang sa akin. Mas matutuwa si Tito Chad kapag gano'n.

I saw Luca pursed his lips. Tumayo naman si Tito Chad upang tumabi sa akin. He gently rubbed my shoulders.

"No, hija... uhm, he's asking me to move in with him... here... in Italy."

"Oh..." I didn't know what to say.

"If it's okay with you, I'm planning on moving in with him after you graduate from Senior High."

I saw hesitation in his eyes and I can see that he's having a second thought about this decision because he's thinking of my welfare. I smiled at him and held his hand.

"Of course, it's okay! I'm happy that you both decided to make this decision," I smiled at him. "By doing this, you're also helping me to live independently. Hindi ba't mas matututo ako sa buhay kapag gano'n?"

Tito Chad frowned. Kahit na maiiwan ng mag-isa sa Pilipinas, wala akong nakikitang mali sa desisyon na gagawin nilang dalawa. I'm actually very happy for them because they're taking a big step in their relationship. That only means that they're taking their relationship seriously.

"You know how I hated to leave you alone, Serena, but I promise you that I'm still going to support you financially and morally! Hindi kita pababayaan kahit na nasa malayo ako."

I smiled gratefully at him. I don't want to be selfish with him dahil ganoon rin naman siya sa akin. Kung anong gusto ko, lagi niyang sinusubukan na punan iyon. He'd always think of my happiness before his and I guess it's time for me to do the same for him.

"Alam kong ito ang makakapagpasaya sa'yo kaya hindi kita pipigilan," I said. He held my hand tighter. "What will happened to your business now?"

I directed the question to the both of them. Si Luca ang sumagot noon.

"We're planning on adapting his app here in Italy. With this, he could reach more people and maybe... just maybe... he might get bigger than Amazon."

Natuwa naman ako sa nalaman na iyon. Talagang nagtutulungan sila para sa magiging tagumpay ng isa't isa. I somehow want that kind of relationship wherein you support each other's endeavors and lift each other up when necessary so you can both achieve your dreams.

"Don't worry, hija, once we go home in the Philippines, I'll arrange some papers and I will name our unit after you. It's yours from now on."

"Tito Chad, you don't have to..."

He held my cheek and caressed it softly. "I have to. That's the least I can do after I leave."

Nanatili akong tulala sa kwarto habang iniisip na kaunting panahon nalang rin pala ay dito na maninirahan si Tito Chad. Malungkot isipin pero hindi ko parin mapapagkaila na masaya ako para sakanya. He's doing this for his relationship and his own happiness and I understand that feeling.

Para maiwasan nang isipin ang kahihinatnan ng buhay ko pagkaalis ni Tito Chad ay kinuha ko nalang ang phone ko upang mag-scroll sa aking social media accounts. A lot of people greeted me a Merry Christmas and I tried to reply to everyone.

Huli kong binuksan ang Instagram ko. Unang bumungad sa akin ang post ni Felicity. It's their family picture. Kasama ng iba niyang pinsan ang mga asawa nila at lahat sila'y nakangiti sa camera. May mga bata na rin na kasama doon at hula ko, anak iyon ng nakatatanda nilang pinsan.

My eyes then lingered towards Dominic who's beside his brother. Nakaakbay siya rito at ngiting-ngiti silang dalawa sa camera. Dalawang picture ang pinost ni Felicity at ang isa ay wacky. Sa pangalawang picture ay pabirong nakahalik si Dominic sa kapatid at ang kapatid niya naman ay supladong nakatingin sa camera na akala mo'y nandidiri sa ginawa ng kapatid.

Nanood rin ako ng Instagram stories nila ni Dominic at nakakatuwang panoorin ang pamilya nila. Kitang-kita mo talaga na magkakasundo sila. They are playing games at mukhang laging talo si Gio kaya lagi siyang napapagtripan. I replied to Dominic's Instagram story.

@arielleserena: Merry Christmas to your family and your family ONLY

I already greeted my family a Merry Christmas and none of them even bothered to greet back. Not that it was a big deal though. I already expected it.

Dominic replied after a minute.

@domsdonovan: aww bakit di ako kasama? Di mo ko love? 🥺

@arielleserena: hindi

@domsdonovan: yikes

Nagpatuloy ang pamamasyal namin sa Milan. Marami na rin kaming napupuntahan at talagang sinusulit namin ang pamamasyal bago kami bumalik ng Pilipinas para sa enrollment.

Tito Chad will always make me wear extra outfits na akala mo ay Milan Fashion Week na.

"Oh! I have an idea! You should go back here before Milan Fashion Week! Malay mo madiscover ka!" aniya habang patuloy akong pinipicturan.

Luca agreed with him and even encouraged me again to try entering one of the biggest agencies here in Milan. Nang dahil sa mga litratong kinukuha nila para sa akin ay dumadami rin ang post ko sa Instagram. Doon ko napapaghalataan na avid liker ko 'tong si Dominic.

Nang sumapit ang bagong taon ay nakatanggap akong muli ng mensahe kay Dominic mula sa Instagram.

@domsdonovan: Happy new year, Arielle! I hope I can get to spend more time with you this year. Take care always. ✌

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top