Chapter Eight

Song: Shrink- HONNE

Join

I woke up to the sound of my alarm. Sinadya kong maagang magising ngayon dahil paulit-ulit akong pinapaalalahanan ng agent ko na 'wag daw akong malate.

Kinuha ko ang aking telepono sa bedside table upang tingnan kung may panibago bang text si Teresa doon. Hindi na ako nagulat nang makitang meron nga. 5:30 palang ng umaga nang magtext siya.

Teresa 🙄:

Don't be late, Serena. Be there on time.

Me:

K.

Kinusot ko ang mata ko at bumangon na ng kama. Naghilamos muna ako at nagbihis bago ako lumabas ng kwarto para magpunta ng gym. Mamaya pa naman ang call time at maaga pa ngayon kaya may panahon pa ako para makapag exercise.

I was surprised to see Tito Chad awake. Naghahanda na siya ng umagahan. Ngumiti siya sa akin at lumapit.

"May shoot ka ngayon?" tanong niya.

Tumango ako at kumuha ng tinapay. Nanatili akong nakakagat doon habang nagsasalin ng tubig. Nagpaalam naman ako kay Tito Chad na pupunta muna akong gym.

Kaunti palang ang tao nang makarating ako doon. I set my timer so I'll become aware of my time. Mag-aayos pa kasi ako at baka mahuli ako sa shoot. Magalit pa sa akin si Teresa. Ayaw na ayaw pa naman nun ng late!

I did my usual workout routine. But this time I focused more on my abs, chest, and butt. I was doing my squats with the kettlebells when the foreigner who keeps on asking for my number entered the gym. Agad akong napairap.

Mabuti nalang talaga at patapos na ako dito. He immediately smiled once he saw me. Nilapag niya ang gamit niya at tsaka nagtungo sa akin. I couldn't help but roll my eyes again.

"Good morni-"

Hindi pa siya nakakatapos bumati ay tinalikuran ko na agad siya.

"Find someone else to bother. I'm busy."

He chuckled and sat on the bench next to me. Tiningala niya ako habang pinagpapatuloy ko ang pag-eexercise.

"Still playing hard to get huh?" may mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

I scoff. Padarang ko namang binagsak ang kettlebells na hawak. Muntikan nang matamaan ang paa niya nang dahil sa ginawa ko. He looks surprised.

"Just because I push you away all the time doesn't mean I'm already playing hard to get. That simply means that I'm not interested."

He chuckled, walang pakealam sa sinabi ko. Napailing nalang ako. Kaysa masira agad ang umaga ko sa papansin na 'to, kinuha ko nalang ang gamit ko. I was surprised when he smacked my butt. Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa!

Nilingon ko siya at tinampal ang kamay niya.

"Pervert!" I accused him.

He raised both of his hands in surrender. Hindi naman nawala ang ngisi niya sa labi.

Men really can't keep their hands to themselves 'no? Well, I'm not generalizing men pero parang hindi nabubuo ang araw nila nang wala silang binabastos. Gusto pa kami ang mag-aadjust para sakanila. Kesyo daw lalaki sila at hindi maiwasang makaisip ng kung ano kapag nakakita ng babaeng maiksi ang suot!

Ang sabihin niyo, bastos lang talaga kayo at utak munggo! Women don't dress up for men; they dress up for themselves. And there's also a difference between asking for it and saying no.

Tsaka duh? I'm wearing an appropriate clothing for gym! Anong nakapagtulak sakanya para mangbastos ng ganito?Dapat ba balot na balot ako dito para di ako mabastos? Gosh! Nasa utak na talaga nila ang problema!

Tatalikod na sana siya sa akin nang maunahan ko siyang suntukin sa kanyang mukha. He was taken a back with that. Nakita ng ibang nag-ggym ang nangyari kaya lumapit sila.

"Anong nangyayari?" Tanong ng isang lalaki na may mabuting loob. Pumagitna siya sa amin.

Napangisi naman ako nang makitang dumugo ang ilong ng foreigner na 'yon. He hissed and glared at me.

"Manyak 'yan, Kuya. Kanina pa ako ginugulo at hinawakan pa ang pwet ko!" pagalit kong sinabi.

Lumapit iyong lalaki sakanya at pinagsabihan ito. He told him that he will file a complaint against him if he will continue this behavior. Walang nagawa ang foreigner at umalis nalang. Mabuti nga!

"Thank you, Kuya." Sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"Pagpasensyahan mo na 'yun at ilang beses ko na rin nahuhuli na nambabastos ng babae 'yan. Nakailang tanggap na rin ng complains 'yan kaya di ko alam kung bakit wala paring ginagawa ang management."

I rolled my eyes. Stupid ass management. Tsaka lang naman kikilos ang mga 'yan kapag magbebenefit sila. Kapag wala silang makukuha, wala rin silang gagawin.

May iilang babae rin na nagtanong kung okay lang ako. I nod my head before I exit the gym. Subukan lang talaga ng foreigner na iyon na abangan ako sa elevator at makikita niya! Walang pag-aalinlangan ko siyang papaulanan ng suntok!

Mabuti nalang at wala siya doon nang maghintay at pumasok ako ng elevator. Kunot noo naman akong tiningnan ni Tito Chad nang makabalik ako. Napansin niya kasi ang busangot kong mukha kaya agad niya akong kinamusta.

"Nandoon na naman 'yung foreigner, Tito." Reklamo ko.

"Ano ba namang foreigner 'yan! Hindi na nagtino!"

He groaned in annoyance. Tumayo siya at nagtungo sa telepono. Sigurado akong magrereklamo na naman 'to. Pumwesto na ako sa lamesa upang kumain ng light breakfast sinulyapan ko naman si Tito Chad na naghihintay sa sagot ng tawag niya.

"Hello?!" galit niyang bungad sa kausap. "Yes! This is Chad de Chavez! Pang-ilang beses ko nang nirereklamo ang foreigner na nambabastos sa pamagkin ko sa gym. Wala parin kayong ginagawa? Ano? Ilang babae pa ba ang hihintayin niyong bastosin ng manyak na 'yon bago kayo gumawa ng paraan?"

Natawa ako dahil kitang-kita ko kung gaano siya mainis sa kausap. Kumukunot pa ang noo at umiirap pa!

"Hoy! Hindi kami nagbabayad ng condo dues dito para lang mabastos kami ng isang foreigner na hindi naman dito nagmula! Mahiya siya! Dayo lang siya sa bansang 'to tapos siya pa may ganang umasta ng ganon! Ayusin niyo 'yan! Naku talaga! Hindi ako magsasawang tumawag dito hangga't wala kayong ginagawa! Sorry sorry kayo diyan. Anong magagawa ng sorry niyo?"

Natapos nalang ang usapan nila nang hindi parin nawawala ang inis niya. I told him about what happened in the gym and how I punch that pervert on his face. Nang dahil doon nawala ang inis niya at napalitan naman ng proud na ngisi. Natawa ako.

"Dapat lang sakanya 'yun! Apaka manyak! Pag 'yun talaga di pa pinaalis sa building na 'to, ako na talaga magpapaalis doon!"

Ngumiti ako. Pagkatapos ko namang kumain ay naligo na ako at naghanda na. I went towards my closet to look for something to wear. Ngumuso ako at nag-isip.

Magpaparty ako mamaya kaya babaonin ko nalang ang isusuot ko para do'n. I picked out a black cropped shirt with four buttons in front as something that I'm going to wear today. I partnered it with my pair of brown cargo pants and my Balenciaga chunky shoes.

While I picked a black spaghetti strap top and a gray plaid mini skirt with two buttons on each side para naman sa susuotin ko mamaya pag nagparty ako. Nagbaon na rin ako ng strappy heels to complete the look. Nilagay ko iyon sa paper bag na dala.

I grab my favorite Fendi baguette that Tito Chad gave me for my birthday last year. For those who didn't know, Tito Chad is rich-rich so he likes to spoil me with designer brands even if I told him not to. Magugulat nalang talaga ako at isang araw may panibagong pasalubong na naman para sa akin!

He owns a shopping app kasi tapos may modeling agency pa siyang hinahandle kaya marami talaga siyang nakukuhang pera.

"Bye, Tito! Baka late na po ako makauwi mamaya since I plan on partying tonight." Sabi ko sabay hinalikan siya sa pisngi.

"May kasama ka?"

"No. I'll go on my own."

He nods his head. "Drink moderately, okay? Pag hindi mo kayang magdrive, tawagan mo ako at susunduin kita."

"Yes, Tito! I will. Bye! Love you!" kumaway ako bago tuluyang lumabas ng unit.

He's just the best! Kaya hindi rin talaga ako nagsisisi na umalis ako ng bahay, e. I love my life now. I know my limitations and Tito Chad knows that kaya hindi siya masyadong naghihigpit sa akin. Tama lang. Hindi masyadong nakakasakal di katulad nila Papa.

I went to the parking lot to get my car. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa pagdadausan ng shoot. Nang makarating ako ay agad akong binati ni Teresa.

"Oh finally, Serena! Just in time! It's good that you're not late today."

I gave her a fake laugh. She always teases me about being tardy during shoots. Minsan lang naman mangyari 'yun kapag madami akong school works na tinatapos.

I greeted some people at the set. Pagkababa ko palang ng bag ko ay dinala na nila ako agad sa fitting. They will be shooting five girls today (that already includes me) and as I've heard, tig tatlo kaming outfits na isshoot. We will be shooting for two different catalogs for this brand so I'm already expecting that this shoot will end late.

After the fitting, I went to the hair and make-up. Nakipagbeso ako kay Mikey-ang madalas ko nang hair and make-up artist-bago ako naupo sa make-up chair.

"Mabuti at free ka today, Serena. Wala masyadong school works?" tanong niya.

Umiling ako. "Kayang tapusin bukas kaya pumayag akong magpabook."

"Iba talaga ang time management skills mo, e."

We talked while he was doing my make-up. Nainform na rin ako na ako ang pangatlo sa aming lima na isushoot. Guess I'll do a lot of waiting huh?

Habang minemake-upan naman ako ni Mikey ay napagdesisyonan kong mag Instagram story. I did a boomerang first. I smiled and pouted at the camera. I put a 'shoot day' gif before posting it. Ang sunod naman na story ay habang tinatapos ni Mikey ang eyeshadow ko.

"Ay! Hindi ako handa, dai!" aniya nang hindi sinasadya siyang mahagip nang camera. Tumawa ako.

"O, smile ka na, Mikey!"

Nagsimula na siyang magpacute sa camera at nagpapout pa. Tinapos ko rin ang video at tinag siya. Wala pang five minutes pagkatapos kong ipost ang Instagram story ko ay nagreply na si Dominic doon.

Nauna ang fire emoji na reaction niya bago ang mismong message niya.

@domsdonovan: ganda naman po ni idol 😍 apakan mo po aq

I rolled my eyes at his message. A ghost smile appeared on my lips as I type my reply.

@arielleserena: sige hanggang sa mapisa ka

@domsdonovan: aww mapanaket si idol

Hindi na ako nakapagreply pa dahil tinawag ako sa panibagong fitting. Dalawa palang ang nafifit ko at ngayon lang naayos ang pangatlo. Panandaliang tinigil muna ni Mikey ang pagmemake-up sa akin para makapunta ako sa fitting room.

It was a busy set I must say. Pagkatapos sa fitting bumalik ulit ako sa make-up chair para ipatapos na ang buhok ko. Sakto at lunch time na nang matapos si Mikey. Aniya hindi ko na kailangan mag-alala sa lipstick ko dahil smudge free daw 'yon at magagandang produkto rin ang ginamit niya kaya hindi 'yon basta mahuhulas.

After I ate, I waited for thirty minutes before my turn. I did a lot of poses to show off the jeans and shirt that I'm wearing. Gano'n rin ang ginawa ko sa sumunod pang dalawa na outfit.

The shoot for the first catalogue ended at five thirty in the afternoon. Hindi naman ako gaanong napagod dahil habang naghihintay sa turn ko ay nakakapagpahinga na rin ako.

The shoot for the second catalogue started right after. Gano'n lang din ang ginawa ko. Pagkatapos ng fitting ay dumiretso na ako sa hair and make up. The second catalogue is going to be for their summer collection kaya halos bikinis ang pinasukat sa akin.

"Ayusin lang natin ng kaunti ang make-up mo at gawin nating smokey eyes para mas maganda tingnan." Ani Mikey.

Tumango ako. More on natural looking kasi 'yung unang make-up. Mikey added some bronze shades on my eye make-up. Naglagay rin siya ng black eyeliner para mas mukha nang smokey.

I posted another Instagram story. It was taken by Mikey to show off my make-up. Kung anu-anong poses at pageemote ang ginawa ko sa camera gaya ng gustong mangyari ni Mikey. Pagkatapos no'n ay kinuhanan niya ako ng picture para daw ipopost niya sa profile niya.

Dominic reacted to my story again pero hindi ko na pinansin pa iyon dahil tinawag na ulit kami for dinner. The shoot for the second catalogue ended at eleven in the evening.

"That's a wrap!" the photographer announced.

Pumalakpak kaming lahat na nasa set. Nakipagyakapan rin ako sa mga kapwa modelo pagkatapos. Dala ko na ang paper bag dito sa set kaya dito na rin ako nagpalit bago ako magpunta ng club.

I already informed the owner that I'll be going so he already reserved me a table at the VIP. I even told him that I'm going to pay for it but he insisted! Pati drinks gusto niya ay ilibre pa ako pero hindi na ako pumayag dahil sobra-sobra na 'yon.

Being a model and having Chad de Chavez as your uncle has its perks. Nang dahil sa larangan na pinasok ko, ang dami kong nakikilala. Be it club owners, fashion icons, photographers, and the likes. I have an active social life. Ngunit kahit na gano'n ay hindi parin ako makahanap ng kaibigan na talagang mapapagsabihan ko ng lahat.

Pag sinabi mo kasing kaibigan hindi mo lang sila basta nakakasama tuwing masaya ka. Kung hindi nakakasama mo rin sila tuwing may problema at malungkot ka. 'Yung dadamaya ka sa lahat. Wala kasi akong ganon. The only friend that I have now is Tito Chad and he's a relative!

Hindi ko na inalis ang make-up ko at hinayaan ko nalang na nakakulot ang aking buhok. I checked myself out in the mirror before I head out. Halos tingalain ako ng ibang nakakasalubong papuntang parking lot dahil mas lalo akong tumagkad sa suot ko heels.

I strut towards my car and opened it. I put my Fendi baguette on the shotgun seat while I put the paper bag on the back seat. I applied a little bit of gloss before I drove towards the club.

"Hi, Serena! Oh my gosh! It's been a while!" salubong ni Georgina sa akin sa entrance ng club. Nakipagbeso ako sakanya.

"Mukhang packed ang club mo ngayon ah?"

Mayabang siyang nagkibit ng balikat sa akin bago niya kinuha ang kamay ko at hinila na papasok ng club.

"Let's go! I reserved you the best seat! Knowing you and your uncle, I already know what you wanted for a drink." She winked at me.

Napangiti ako nang marinig ko na ang malakas na upbeat music at ang amoy ng mga alak. Hinila ako ni Georgina paakyat ng VIP lounge.

"Here," turo niya sa couch sa gitna. May dalawa pa itong couch na katabi. Ang isa ay may mga tao na habang ang isa naman ay wala. "Are you sure you're going to be fine on your own?"

I nod my head and smiled. "Hindi ka pa nasanay! Go and entertain your guests. I'll be fine."

"Okay. Enjoy your drinks, Sese. You know where to find me!" she winked before she walks away from me.

Binati siya ng grupo sa kabilang couch nang mapadaan siya. Grupo iyon ng mga magkakaibigan na mukhang sa international school nag-aaral. Nagkibit nalang ako ng balikat at binalingan ng tingin ang mga alak sa harap ko.

I feel like my eyes formed into a heart shaped when I look at the alcoholic drinks in front of me. There's a bottle of Cuervo and a few shots of Bacardi. Ang iba panghimagas nalang.

I took the first shot of tequila. Kahit na mag-isa ay nagagawa ko paring mag-enjoy dahil sa masayang music. Nasa pang limang shot na ata ako nang dumating na ang mag-ooccupy ng kabilang couch.

They are a group of men. Sa itsura palang nila parang mga tapos na sila sa pag-aaral at may kani-kaniyang negosyo na. Kung hindi man gano'n mukha namang may asawa na ang iba.

"Kuya Benj, wait for me!"

Agad na namilog ang mga mata ko nang makita ko si Felicity na patungo doon sa couch. I shrink myself so she wouldn't see me. I didn't know she was the type to go to clubs!

Mabuti nalang at madilim at hindi niya ako napansin nang maupo siya sa couch nila. If she's here, then that only means that her brother might also be here! What the fuck! Baka asarin ako nun kapag makita niya akong mag-isang umiinom dito!

I glanced at their corner, halos puro lalaki ang kasama niya. Sa tingin ko puro pinsan niya ang mga ito.

"Is Ate Margaux and Ate Brittany going to come?" she almost shouted so that everyone in their couch can hear it.

"No. They're busy, Fel! Patients first ang mga 'yun." Ani noong lalaking tinawag niya kanina. Felicity frowned.

Halos ilubog ko na talaga ng tuluyan ang sarili ko nang makitang dumaan si Dominic sa tapat ko. He's wearing a short sleeved white polo and a ripped jeans. May dala siyang drinks. Kasunod niya naman ang isa pang lalaki na halos kamukha at kasing tangkad niya. The only difference is he looks more of a serious type.

"Let the party begin!" Dominic shouted happily sabay angat ng dalawang bote ng alak na hawak niya.

He lifts it up in the air like he's holding a dumbbell. I rolled my eyes. He's such a weirdo.

At dahil mukhang abala na sila, nagpatuloy na ako sa pag-inom. I moved a little closer to the table and reached for the shot of tequila. Nilagok ko iyon at hindi pa nakakapagchaser nang marinig ko ang pangalan ko.

"Serena! Hi!" it was Felicity.

Sigurado akong panget ang mukha ko nang nilingon ko sila dahil sa lasa ng tequila na gumuhit sa lalamunan ko. Felicity is waving at me. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't silang lahat ay nakatingin na sa akin.

My eyes moved towards Dominic. He now has a teasing smile on his lips. Sabi ko na nga ba, e.

"Are you alone?" she asked.

"Uh..."

"Join us!" aya ng lalaking katabi niya. Mukhang siya ang pinakamatanda sa lahat.

Nangapa ako sa salita. Felicity and I are not even close! This is so awkward! Gosh! I'm not even a part of their family kaya mas lalong hindi ako dapat makisali sakanila.

"Hindi na, Kuya Aiden. Ako nalang sasama sakanya." Dominic offered.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nakita kong tumayo na si Dominic. Napahilot ako ng aking sentido. Sinabi ko bang pwede niya akong samahan!? May sarili siyang desisyon? If only I didn't ran out of words to say, pinigilan ko na sana siya!

Tinapik noong lalaking kasama niya kanina ang balikat niya. May sinabi sakanya ito at tinanguan niya lang bilang tugon. Nakangiti na si Dominic sa akin habang patungo siya sa pwesto ko. Napansin ko namang nakangisi na ang iba niyang kasama sa kanya.

Oh, good lord!

"Hi, idol! Pwede na ba mag-paapak ngayon?" ani Dominic nang tuluyan na siyang makalapit. Walang pag-aalinlangan siyang umupo sa tabi ko.

Inirapan ko siya. Sana lang talaga ay hindi bigyang meaning ni Felicity ang ginawa ng kapatid niya. Ayokong maging usap-usapan sa pamilya nila, okay?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top