Chapter 6- Meeting Gary

Cami

Napapangiti ako habang sinusundan ko ng tingin si Peter habang kinukuhanan niya ng picture si Saint sa tabi ng kotse niya. My daughter loves her father in an instant. Minahal ni Saint si Peter sa mga kwento ko. I told her from day 1 how wonderful her father is... Hanggang sa magkaisip siya, hanggang sa lagi niyang tinitingnan ang picture ni Peter noong college days. Noong mga panahong wala pa siyang tattoo at hindi pa siya ganyan ka...hot.

"Saan ninakaw yang kotse na yan?" Bulong ni mommy sa akin.
Oh God, please...just make her go away. Mabuti pa di daddy, kahit papaano, walang pakialam. Sobrang wala namang pakialam sa akin. He treated me like an ATM machine nowadays. And its fine, I will give them money as long as they leave me and Saint alone.
"Sa kanya yan." Sagot ko. Peter opens the car door for Saint. He buckled her seatbelt before he went to his side and they left.

"I doubt. Isa siyang hampas-lupa." Nakaismid na sagot ni mommy.
"Will you please stop, ma. Mas maganda ang kotse nya kaysa sa Camry nyo, so what?" Sarcastic na sagot ko bago ko siya iniwan. Nagmukhang taxi ang kotse ni mommy ng tumabi dito ang kotse ni Peter sa garahe.
"At least ang kotse ko galing sa malinis na pera." Sagot ni mommy. Yeah, right, galing sa pera ko. Malinis talaga dahil hindi na ako umuuwi ng bahay dahil sa OT maibili ka lang ng kotse na gusto mo.

Hindi ko alam bakit kilala ni Ian Montreal sila King... si Rome. I didn't know they were that rich. Parang ang simpleng tao nila kasi. Hindi kagaya ng circle of friends ng parents ko. Buti hindi alam ni mommy na kilala ko sila.

"Camilla, alam mo baang number ni Peter? Hinihingi ni Doc. Ian." Tanong ni daddy sa akin. Of course, si Ian ang nagpapatanong.
"Gusto kong magpa-aapointment sa kanya. I like to add some ink on my back." He replied.
"Mukhang mahal ang talent fee nya. Nakabili na ng Lamborghini eh. And his clients are famous." Sabi nito kay daddy. I almost...almost...rolled my eyes.
"Siya pala ang daddy ni Saint." Dagdag pa ni Ian. Ngumiti lang ako.
"Kukuhanin ko lang sa kwarto ko ang number ni Peter. Excuse me." Umakyat ako sa kwarto ko at iniwan ang walang kwentang party. Pagod ako sa kakaluto ng mga pagkain nila. Kailangan kong magpahinga.

Iniisip ko kung tatawagan ko si Peter or magtetext na lang. Nasa biyahe pa sila ni Saint at nagmamaneho siya. I am bitting my lips, thinking so hard then I decided to call him.

"Hello." He answered. Napapikit ako... His vocals are deep. So masculine... So him...
"Peter, sorry ha. Alam kong nagdidrive ka. Pinapatanong kasi ni Ian ang number mo. Ibibigay ko ba?"
"Yung Neuro-Surgeon na friend ng nanay mo?" Sarcastic natanong ni Peter. Hindi ko mapigilang tumawa.
"Yup. Bibigay ko ba? Magpapagawa daw sya sayo."
"Mommy, mommy... This car is really fast." I heard Saint said.
"Nakaloud speaker ka Cam. You can talk to her." Sabi ni Peter.
"Yes, it is, baby. Ganda ng car ni daddy?"
"Yes...Yes... It's very nice. And ang lamig ng aircon. Sana kasama ka namin mommy. Alam kong hindi ka masaya diyan." Sabi nito.
"Hindi masaya si mommy?" Tanong ni Peter kay Saint. Oh Lord...Ano na ang mga kinuwento ng anak ko?
"No... Lagi siyang pinapagalitan ni lola. And I heard mommy cried at night. Sana nga daddy, sayo na lang ako maiwan kapag nasa Italy si mommy." Sabi ni Saint. Napasinghap ako.
"Mag-uusap kami ni mommy mo about that, baby." Sagot ni Peter.
"Cami, we will talk about that." Direct nasabi ni Peter sa akin.
"Ibibigay ko ba?" Tanong ko ulit.
"Ang alin?"
"Yung number mo."
"Ahh...akala ko kung ano. Sige lang bigay mo." He answered.
"Ingat kayo. Be good Saint..." I told them.
"We will...mommy." I heard them chuckled. Napangiti ako. Ang saya ng mag-ama.

"Camilla, nandito na si Gary. Lumabas ka na diyan sa kwarto mo." Sigaw ni mommy sa labas.
"Lalabas na." I shouted back.
"Mommy... Bye... Ingat ka. Love you." Nadinig ko pa ang boses ni Saint. Hindi ko pa pala napatay ang phone.
"Bye baby. Ingat kayo. Love you." I closed my eyes for a whole and hang up my phone and went downstairs.

Pinakilala ni mommy si Gary sa akin. Gusto kong umiyak at tumawa ng sabay. Gary is half of my age. And he is bald and had a malice smile. Kinilabutan ako ng makipagkamay ako sa kanya at pinisil nya ang kamay ko bago bitawan.

My instinct told me to run, but I stayed in my place and force a smile. Mabuti at wala si Saint ngayon. Oh Lord, mukha siyang manyak na anytime ay tutulo ang laway kung titigan ako. I excuse myself and went to Ian. Binigay ko ang number ni Peter sa kanya. Nakinig ako sa kayabangan nya maiwasan ko lang siGary.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top