Chapter 3- Friends for Laugh

Saint

"Bye, dad..." My baby girl kissed me on my cheek then hugged me tightly before she went with Cami.
"I have school on weekdays. Sunduin mo ako sa weekend?" The little girl has me on her little finger.
"Of course. Mommy will message me your address." Tinitigan ko si Cami, challenging her to contradict me. Inabot ko ang cellphone ko sa kanya so she can key in her number.
"You have one week to talk to your parents," I told her when she hands me back my phone.

Nagpaalam si Cami sa mga kaibigan ko. Kumaway pa si Saint sa akin bago siya sumakay sa kotse ni Cami.

"Kailangan ko ng brandy." I told my friends ng humarap ako sa kanila.
"We assume na hindi mo alam na meron kang baby Saint." Jon told me. Nilapag ng isang waiter ang isang bote ng brandy. Nagsalin agad ako sa baso at tinungga. Nagsalin ulit ako bago sumagot.
"Kung hindi ko kamukha yung bata, baka itanggi ko pa. Ngayon ko lang nalaman, daddy na agad ang tawag sa akin. Pero kamukhang-kamukha ko si Saint. Cami even gave her my name." Ininom ko ulit ang isang shot ng brandy at nagsalin ulit.
"Hindi ko alam na may anak si Camilla." Carlos said. Tiningnan ko si Carlos then he raises his both hands.
"Walang nangyari sa amin." Mabilis na sabi nito.

Naihilamos ko sa mukha ko ang dalawang kamay.

"Bakit daw hindi niya sinabi sayo?" Tanong ni King.
Tumawa ako ng mapakla.
"Hindi ko gustong paniwalaan na hinanap nya daw ako. She gave her statement to the police. Pinakulong ako ng parents nya. I was accused of raping her ng makita nila kaming palabas sa motel ni Cami. And she has a fucking statement." Sunod-sunod na ininom ko ang sinasalin kong brandy hanggang tinungga ko na ang buong bote.
"Namatay si mama ng nasa kulungan ako. Si Allie ang nagpalibing sa kanya. Hindi ko nakitang nilibing si mama."

Allison tried to snatch the bottle to me pero pinigilan siya ni Carlos.
"Let him, sweetheart," Carlos said to her.

"Napakamatapobre ng mga magulang ni Cami. They made sure na masisisra ang buhay ko. And they surely did win." Pagkukwento ko.
"Hindi ako nakagraduate sa course kong Architecture. Kung hindi ako nahanap ng tunay kong ama sa kulungan, baka nandoon pa ako hanggang ngayon. Putang-ina..."

"What is your plan, now?" Tanong ni William.
"Magkakamatayan kami kapag pinagkait nila sa akin ang bata." I answered.
"Kailangan mo ng plano, Saint." Gab said.
"I will find out what info we can use against them."
Tumango ako kay Gab.
"Mukhang pera ang mga magulang ni Cami. Tumitingin sa tatak ng damit, sa kotseng dala. Sa sapatos na suot... Tanginang mga tao yun. Daig pa mga magulang nyo kung umasta sila. Parang pag-aari ang pagkatao ko kung titigan ako."

"Dalin mo ang Lambo kapag sinundo mo si baby Saint." Jack suggested.
I smirked at her. "Hayaan mong maglaway sila sa kotse mo." Sabi pa nito.
"Mustang ang kotse ko." I replied.
"Binigay na sayo ni Carlos yung kotse niya." Cailee commented.
"Seriously Saint, kuhanin mo na. Parang awa mo na, kuhanin mo na sa garahe." Sabini Carlos.
"Might as well dalin mo pagsundo kay baby Saint," Allison said.

"You need to talk to Auntie Sam tomorrow. She will help you fight for your case in case they resist for your rights." Khal suggested.
"Yeah, I need your help. Alam kong mahihirapan akong makausap ng maayos ang mga magulang ni Cami." I told them.
"Nandito kami for you, Saint. Or should we call you Saint Peter?" Biro ni Zoey.
"Binaon ko na sa limot ang pangalan ko." I chuckled.
"Nalito kami kung sino si Peter Anthony, brad. Parang alien sa pandinig namin."Rome joked.
Napailing ako habang nagtatawanan sila.

"Ang adorable ng anak mo, Daddy Saint." Beth said.
"Elizabeth..." Jon warned her. Heto na naman 'tong dalawa na ito.
"Ano masama sa Daddy Saint? Nakakalito kung sinong Saint ang pinag-uusapannatin. Dalawa na sila, noh." Sagot ni Beth.
"Parang may malisya daw kasi kapag ikaw ang tumatawag." Biro ni Jack.

Nakakagaan ng pakiramdam kausap ang mga ito.
"Everything will be alright," Allison told me. I rolled my eyes.
"Ayan na naman yang linyahan mo, Allison." Pangbabara ni Beth sa pinsan niya.
"Natatakot kami kapag ganyan ang sinasabi mo eh. May delubyo na dadating bago maging okay ang lahat." Dagdag pa ni Beth.
"Tanga, ikaw lang yung ganun. Puro ka kasi kalokohan. Binobosohan mo si Jon, kala mo hindi ka mahuhuli." Pangbabara ni Allison. Nagtawanan kami. Namula siBeth lalo na ng malakas na tumawa si Jon.

"Wala kayong pruweba." Sabi ni Beth.
"Kausap natin si lola?" Naghahamong tanong ni Allison.
"Kayo na lang... mandadamay pa kayo." Tanggi ni Rome.

Nagtawanan na naman kami. Tanggal problema na naman dahil sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top