Chapter 23- Nagkabalikan na ba?
Cami
Nagising ako na maliwanag na sa kwarto.
"Morning." Bati ni Peter sa akin.
"Anong oras na? Si Saint?" Tanong ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. 7:30am. Hindi nag-alarm ang cellphone ko.
Pinigilan akong bumango ni Peter. Pinatong niya sa hita ko ang isang bed table na may breakfast.
"Magbreakfast ka na. Nakaalis na si Saint. Hinatid ni papa. Hindi ka na namin ginising dahil mukhang pagod ka." Sabi ni Peter. Ano nakain nito? Bakit biglang ang bait?
Merong tocino, itlog, sinangag at coffee with cream, just the way I like it. Tinitingnan ko si Peter habang iniinom ko ang coffe ko.
"Ano nakain mo?" Tanong ko.
"Sa mall na tayo maglunch. Nood din tayo ng sine later." He didn't answer me but said something that made me stop my coffee midway.
"May sakit ka ba?"
"Si papa na ang susundo kay Saint. We have this day to ourselves."
"Peter, wala ka namang malalang sakit?"
Tumawa siya. "I'm perfectly fine. Just make amends with you." He replied.
Kung lagi ka bang ganyan, eh di... wow.
"Okay," I said.
Hiniwa ko ang tocino at itlog saka ko sinubo kasabay ng sinangag.
"Sino nagluto?" Tanong ko kay Peter.
"Ako." He replied.
"Totoo?"
"Yup. Hindi nga lang kasing sarap ng luto mo pero pwede na sabi ng anak mo." He replied.
Natatawa akong sumubo pa ng tocino.
"Wala ka bang pasok ngayon?" Naitanong ko bigla.
"Nope. I am all yours today." Sagot nito.
"Okay... kailangan ko ding tumingin ng kotse. Samahan mo ako mamaya?"
"Anong kotse ang gusto mo? Audi? Mini?"
Natawa ako sa choices nya.
"Hindi yun. Ang mahal nun. Yung kaya ko lang bilin."
"Dalin kita sa showroom mamaya." Sabi nito.
"Okay..." I shyly replied.
Ano ang susuotin ko? Jeans? Dress? Ugghhh...
I end up with my floral dress and my flat ballet shoes. Comfortable yet girly. Kumain kami sa isang Italian Resto and Peter whispered to me.
"Mas masarap ang luto mo." He said. Nahihiya akong yumuko para hindi niya makita ang namumula kong mukha.
Napapansin ko ang mga babae na nakatingin kay Peter. He is oblivious of their stare. He is busy looking at the movie that is now showing. Nakalabas ang mga tattoo ni Peter sa braso niya. His shirt did a lot of emphasizing on his body. Isa siyang walking HOT stick na ang sarap titigan.
After namin manood ng sine, niyaya nya ako sa isang showroom na malapit lang daw sa mall.
"Ayaw ko dito." Pigil ko kay Peter. Hihimatayin ako sa mga kotse na nakadisplay. BMW, Mini, Audi, Volvo, Bently, Mercedez at Porsche.
"Maniningin lang tayo." Natatawang pigil sa akin ni Peter ng tumalikod ako.
"Hi..." Bati sa amin ng isang Sales Agent. "Can I help you?"
"Yes. Actually, I am looking for my father. Can you tell Mr. Gatchalian that I am here? I am Saint." Sagot ni Peter. Tinitigan niya ang Sales Agent na nakatingin lang sa kanya.
"Susunod ka ba? O irereport kita?" Nakataas ang kilay ni Peter na tanong sa agent.
Hindi pa rin tuminag ang Agent. Naiinis na nilabas ni Peter ang cellphone niya at tinawagan si tito.
"Pa, nandito kami sa main showroom mo. Nakamulala ang isang Sales dito ng sabihin kong anak mo ako."
Kinurot ko si Peter sa tagiliran para bawalan. Wala akong nakurot na taba.
"You don't have to say that," I whispered to him.
Bumaba si Tito mula sa second floor.
"Ah...nagpakita ka din dito, Saint. Hi Camilla." Bati nito sa akin.
"Dito po kayo nagtatrabaho?" Tanong ko.
Tito chuckled. "You can say that." He replied.
"Siya ang may-ari ng Laus Group of Companies." Sagot ni Peter.
"What? As in?..." Manghang tanong ko. Fucking shit... Sila Peter ang may-ari ng pinakamalaking dealership ng kotse sa buong Pilipinas! At hindi lang kotse ang business nila, meron din silang mga Casa at car insurance.
"Pa, naghahanap ng kotse si Camilla." Peter told his father.
"Uggg... yung Mirage lang po sana nag hanap ko." Nahihiyang sagot ko.
Umiling si Tito Pedro. "Hindi ko ipapagamit sa inyo yung kotse na yun. It's not safe. Alam mo bang nasagi lang ng gulong ng kotse ko ang bumper nun, nayupi na agad. I recommend Volvo. Para safe kayo ng apo ko."
"Tito, kasi po...Ano..." Napakamot ako ng ulo.
"Mamili ka na. Para mapadeliver na ni papa." Sabi ni Peter.
"O kaya, Mini. Bagay sa inyo ng apo ko yun. Meron pang ibang kulay sa Casa kung gusto mo." Sabi ni Tito Pedro.
"Tito, ano po kasi... Hindi ko po kaya yung mga kotse nyo dito..." Nahihiyang sagot ko.
"Etong batang 'to. Para saan pa at naging boyfriend mo si Peter. Sa kanya din mapupunta lahat ng ito. Mamili ka kung ano ang gusto mo at iuwi nyo na." Iniwan kami ng papa sa isang agent.
"Tito...hindi ko po..." Habol ko ka Tito Pedro.
"Mamili ka na, mommy." Peter winked at me at tiningnan ang iba pang kotse na nakadisplay.
Boyfriend?!... Mommy?!... Breakfast in Bed! A movie...date?
"Peter... nanliligaw ka ba?" Tanong ko sa kanya ng sundan ko siya sa nakadisplay na Porsche.
"Ha? Akala ko nagkabalikan na tayo..."
"Ano?"
He exhaled na parang si Saint ang kausap niya. He embraced me and kissed me on my forehead.
"Mga ilang date pa ba bago mo ako sagutin ulit?" Tanong nito.
Natatawa akong bumitaw sa pagkakayakap niya.
"Alin ba ang pinakamurang kotse dito?" I asked instead. Diyos ko, kinikilig ako baka magtatalon ako sa tanong ni Peter. He rolled his eyes but smile never the less.
———————
A/N
shit na malagkit...bakit ganun?! Kinikilig ako sa mga kindat mo.
busy ako mga beh, kaya 3 lang ang UD...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top