Chapter 2- Confrontation

Cami

"Daddy." Yumakap si Saint kay Peter. Ilang beses ko bang pinangarap ang tagpo na ito? Ilang beses kong ipinagdasal na maipakilala si Saint kay Peter.
"Mag-uusap tayo Cami." Peter told me before he hugged my daughter. Our daughter. God, they look so much alike.

"Camilla, umupo ka muna. Gusto mo bang tubig? Nanginginig ka." Allie holds my elbow and guided me in an empty seat.
"Mommy, si daddy, oh. Look, he has a lot of drawings." Nakangiting si Saint habang tinitingnan ang mga tattoo ni Peter sa braso.

"Oh Lord, nauuhaw ako. Sino gusto ng vodka?" Tanong ni Khaleesi sa amin pero walang sumasagot. Parang natulala lahat sa nangyari. Kahit naman ako natulala sa nangyayari.

"Saint, baby, can you excuse mommy and me for a while?" Tanong ni Peter kay Saint.
"Okay. You will come back, right?" Tanong ni Saint. Ngumiti si Peter at tumango kay Saint.
"This is Tita Allie, she is like a sister to me. I will leave you for a while. Mommy and I need to talk. Okay?" Pinakilala ni Peter si Allison kay Saint. My daughter immediately took her hand.

"Let's go Cami." Sabi ni Saint. His eyes were blazing with anger.
Nakatingin sa amin ang mga kaibigan niya pati si Saint na anak namin, so I force a smile and excuse myself then I followed Peter outside. Nagpakalayo-layo kami sa venue.

"Ano yun, Cami? May anak ako? And you kept it for how many years!" Sigaw ni Peter sa akin.
"Hindi ko alam kung saan ka hahanapin, Pete." I explained. "Bigla kang nawala."

"Ako pa ang nawala, Cami?... Putang-ina. Ako talaga ang sinisisi mo?!" Sagot ni Peter. Bakas sa kanya ang galit. Ano ang nangyari sa amin.
"Ilang taon na si Saint? Ten years old?" Palakad lakad si Peter sa harapan ko.
"Sa sampung taon, Cami, hindi mo ako hinanap."

"Hinanap kita. Wala na kayo ng mama mo sa bahay nyo sa Baguio ng pumunta ako." Naiiyak sa sagot ko. How frustrated this can be when I want to tell him everything pero wala akong mahagilap na sasabihin.
Nakita kong nagtagis ang mga ngipin ni Peter.

"And why will I believe you? Ang dali kong hanapin sa kulungan, Camilla." Mas lalaong sumabog sa galit si Peter. Kulungan?
"Nakulong ka?" Tanong ko.
Tumawa ng nangungutya si Peter.
"Pinakulong nyo ako, di ba? You gave a statement that I raped you and your parents made sure na makukulong ako kahit walang trial sa akin. So bakit ako maniniwala na hinanap mo ako? Ang daling hanapin ng kulungan."

No... No...

"No..." Para akong baliw na sinabayan ang sigaw ni Peter.
"I saved you." I told him.
"Tanginang save yan. Mukha ba akong nailigtas mo? My father saved me, not you. And salamat sa inyo ng pamilya mo, namatay si mama ng nasa kulungan ako. Salamat sa inyo... Kinuha nyo lahat sa akin pati ang chance kong makagraduate.But not this time, Camilla."

"No... I saved you, Peter. Hindi ako nagbigay ng statement..." I explained. Hindi akonagbigay ng statement... Ano ang nangyari?! Ano ang nangyari?

"I will fight for my right to my daughter. And your parents can die trying to stop me for all I care. Kahit gamitin ko ang mga kaibigan ko, Camilla. And you know them... I will win this time."

"Peter I'm sorry for your lost. Pero makinig ka naman. Hindi kita pinahamak. Merong mali sa nangyari, let me ask my parents." Umiiyak na pakiusap ko.
"You have taken so much from me. Hindi na ako papayag na pati si... si Saint kuhanin nyo ng tuluyan sa akin. Your parents are piece of shit, Cami. Goodluck kung may makukuha kang matinong sagot."
"Huwag kang magsalita ng ganyan sa magulang ko. They care for me dahil magulang sila." I replied.
"Then tell them that I came back galing sa lugar na pinagtapunan nila sa akin." He shouted.

"Peter, please. Let me handle this. May sakit sa puso si mommy. Hindi niya kakayanin ang gulo. Let me do this gently for her. I will not take your right from Saint. Just please, give me time." What a mess do we have?
"Nawawala ang pagiging tao ko pagdating sa mga magulang mo." Peter punch the tree nearby.
"They made sure na namatay si mama ng mag-isa. And they made sure na hindi ako makakalabas ng kulungan kahit pansamantala sa libing niya. Si Allison ang nagpalibing kay mama."

Napayuko ako dahil hindi ko gustong makita ang galit sa mga mata niya. His anger is eating him. Nahihiya ako sa ginawa ng mga magulang ko.

"Please, Peter..." I begged him... I begged him to calm down...I am begging him to at least be reasonable for my mother.
"I will contact you with regards to Saint, Cami. But your parents will not decide on this, but us. You hear me?"
"Yes." I died my tears and tried to regain my composure.

Bumalik si Peter sa venue at iniwan akong nakatayo mag-isa sa labas.

What do you expect, Cami? I asked myself. And my tears fall like a God damn dam. I can't stop. The pain is too much.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top