Chapter 19- Chicken Curry
Cami
Masayang umuwi si Saint kasama si Peter. I thought I will have a sad daughter after our talk but nope... she is happy and I think more than happy when she came home.
"Hi mommy." She kissed me and embraced me na muntik ko ng mabitawan ang lasagna na kakahango ko lang sa oven.
"Ang dami mo yatang niluto. Stress ka na naman?" Natatawang puna ni Peter. He is leaning on the door. Arms over his chest. Sa loob ng halos 11 years naming hindi nagkita, bakit bigla siyang tinubuan ng mga muscles sa katawan?
Hindi ako nakasagot sa tanong niya... He knows me...hindi ko naman maitatanggi na nastress ako kakaisip... I am over thinking of things...
"Dalin mo na lang sa shop nyo yung iba bukas para may food kayo." Sagot ko.
"Okay. Nasa kwarto lang kami ni Saint if you need anything." He smirked before he went up.
Nagkaroon kami ng routine ni Peter at Saint. Every morning, ako ang naghahatid kay Saint sa school, si Peter naman ang nagsusundo sa hapon. Saint sleep in between me and Peter and everynight I can see them whispering with each other. My daughter end up hugging Peter when she sleeps. Lagi niyang hinahanap ang daddy niya sa pagtulog. At nasasanay na ako... God nasasanay na akong nakatabi silang dalawa.
"Napag-isipan mo na ba kung saan mo itatayo ang resto?" Tanong ni Peter ng makatulog na si Saint habang nakayakap sa kanya.
"Tingnan ko muna siguro yung vacant space sa Grace Hotel." I replied.
S slow smile creeps to his face and I forgot to breathe.
"Okay." He replied.
"Merong shop si Allie doon. Oil Essentials yata ang pangalan ng shop niya. Katabi ng Sweet Bells kung gusto mo siyang dalawin."
Mabagal akong tumango sa sinabi ni Peter.
"Meron bang left over ngayon?" Tanong niya.
"Wala eh. Sakto lang ang niluto ko ngayon."
"Sayang naman. Mas gusto ko yung pinapabaon mo sa akin kaysa mga fast food."
"Pagluluto na lang kita bukas. Anong oras ba ang lunch break nyo?"
"Talaga? Kahit anong oras pwede akong magbreak. Pwede ba yung chicken curry mo?" He requested.
"Okay. Ihahatid ko na lang before 12pm." I replied softly
Ngumiti na naman si Peter. Jesus ko, bakit naadik akong tingnan si Peter.
"Goodnight Cami." Pinatay ni Peter ang lampshade sa tabi niya.
"Goodnight." I whispered.
Maaga akong gumising para ihanda ang iluluto kong chicken curry para kay Peter. After kong maihatid si Saint sa school, nagluto na ako at inayos sa lalagyan. I made some for Allison too.
Nagmamadali akong naligo, nagdrier ng buhok, naglagay ng kaunting make-up and I am ready to go.
Alam naman ni Peter na pupunta ako kaya hindi ko na siya tinawagan na on the way ako. I parked his mustang sa tapat ng Oil Essential shop. Tamang-tama naman at nandoon si Allison.
" Camilla...". Salubong niya. She hugged me na parang ang tagal na naming magkaibigan pagkapasok ko sa shop niya.
"Napadami na naman ang luto ko. I hope kumakain ka ng chicken curry." Tinaas ko ang dala kong dispossable container.
"Wow...thank you. Tamang-tama, hindi ko alam ang kakainin ko ngayong lunch. Magpapakuha na lang ako ng rice. Sabay na tayong kumain." Sabi niya.
"Ihahatid ko pa yung pagkain ni Peter." I told her.
"Naku nga, nagrequest pa ang kumag na yun. Sige balik ka dito ha. Sabay na ba kayo ni Peter kumain?"
"Baka... Sige babalik ako. Titingnan ko din ang vacant space na sinasabi ni Peter para sa resto na balak namin itayo." I said.
"Ay wow... O sige, hintayin kita dito. Tawagin ko din ang mga desperate housewives." She chuckled. Natawa ako sa nickname nya sa mga babaeng kaibigan.
"Sige, maya na lang Allie. Babalik ako, promise."
Nakangiti akong naglakad papunta sa shop ni Peter dala ang lunch nila. Kitang-kita naman kung alin ang shop niya. Ink of Saints.
"Hi...Can I help you?" Tanong ng isang babae sa reception. She has a lot of inks and her purple curled hair is in riot on top of her head. Ang dami niya ding piercing sa magkabilang tenga.
"I am looking for...Saint." I replied. Hindi siya kilalang Peter for sure.
"Sorry, puno ang schedule ni Boss. Merong namang vacant ang ibang artist..Gusto mong tingnan ang portfolio nila?" She said. Parang kabisado na niya ang sasabihin dahil hindi siya kumukurap habang nagsasalita.
" Ah...hindi ako magpapatattoo." I said.
Sumimangot ang babae. Bumaba ito sa mataas na upuan niya saka humarap sa akin na nakapamewang.
"Look, ayaw kong maging bastos, Miss. Pero kung hindi ka magpapatattoo at magpapacute ka lang kay Boss Saint, pwede bang lumabas ka na. Tattoo shop 'to, hindi bar." Mataray sa sagot sa akin ng babae.
Napakurap ako at unti-unting namula. Nakatingin sa aking ang ibang tao sa loob ng shop. Lumabas din sa cubicle nila ang ibang kasamahan ni Peter.
"Ah... sorry. Pakibigay na lang 'tong lunch niya. Pakisabi dumaan si Cami." Inabot ko ang shopping bag na dala ko sa babae. Hindi inabot ng babae ang bag. Napatakip siya ng kamay sa bibig ng sabihin ko ang pangalan ko.
"Ikaw si Cami? Camilla?" Tanong niya. Tumango ako.
"Naku patay. Sorry, akala ko isa ka sa mga wannabe. Teka, tawgain ko si boss." Nagmamadaling umalis sa harapan ko ang babae.
"Boss, nandito na yung girlfriend mo." Sigaw niya. Napamaang ako sa nadinig. Naglabasan isa-isa ang ibang tao sa cubicle at tiningnan ako.
"Ikaw si Cami?" Tanong nung isang lalaki na kasamahan ni Peter na kanina pa nakamasid sa amin ng babae sa reception. Tumango ako.
"Ang ganda mo pala." Sabi nito. Palabas si Peter ng cubicle niya ng sumagot ang lalaki at binatukan niya ito.
"Bumalik ka nga sa cubicle mo, Nash." Sabi ni Peter.
"Sorry, hindi na ako nakatawag." I told him. He just smile at inabot ang dala kong shopping bag. Hinila niya ako papunta sa likod ng mga cubicle nila, papunta sa pantry habang tinitingnan kami ng lahat ng tao sa shop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top