Chapter 14- Ako si Saint

Saint

Tapos na ang bagong tattoo shop namin malapit sa Grace Hotel. Nagbukas ng mga stall ang management ng Grace Hotel sa gilid ng parking area. Nilipat namin ang shop mula sa Baguio. Ink of Saints ang pangalan ng shop namin. Naghire pa kami ng ibang makakasama namin dahil hindi na namin kaya ni Nash ang dami ng client. Lalo na ng sinabi sa interview ni Carlos na ako ang tattoo artist nya.

Sumama sa amin si papa para makita ang shop bago ang opening sa lunes. Mahilig sa tattoo si papa. Siya ang nagturo sa akin magtattoo hanggang sa naging business ko na.

"Nice... Buti malaki ang shop na nakuha nyo ngayon." Nililibot ni papa ang bawat working station. Bawat isa ay merong sariling machine.
"Boss, saan ko pwedeng ilagay yung coffee machine?" Tanong ni Nash. Dinala niya mula Baguio ang coffee machine na binigay ni Allison sa amin.
"Sa pantry." Sagot ko.
"Saint, kailangan mo ng secretary." Sabi ni papa.
Napakamot ako sa batok. "Maglalagay ako ng post sa labas. Baka may kilala din sila Allison, magtatanong na din ako."

Nagkayayaan na naman ang mga walang magawa sa buhay na mga kaibigan namin sa Country Club. This time, they asked Cami to join us. Nagpaiwan si Saint sa boutique ni Tita Kaye. Kasama ang ibang mga bata.

"Daddy Saint, naghahanap ka daw ng secretary." Sabi ni Beth.
"Oo... Hindi ko na kayang sumagot ng mga tawag..lalo na at full ang sched ko." I replied.
"May ipapasok sana ako. Tamang tama siya, madami din tattoo. Tingnan mo din kung gusto mong kuhanin. Nakilala ko sa hospital, binabantayan ang kapatid na may sakit." Sabi pa ni Beth.
"Sabihin mo isend ang resume sa shop bukas kung gusto nya. Tomorrow naman ang opening namin."
"Cool. Sabihin ko kay Jolina." She replied.
"Babae?" Tanong ko. Napatingin sa akin lahat ng kaibigan ko.
"Mas effective ang babae when it comes to organizing," Cami replied.
"Alam mo ang ugali ni Nash di ba?" Tanong ko kay Beth. She rolled her eyes.
"Kung okay naman siyang makatrabaho kami, walang problema sa akin. Basta sabihin mo lang na puro kami lalaki sa shop." I told Beth.

"Hi Saint." Bati ng isang babae sa kabilang table.
Sabay-sabay humigop ng softdrinks ang mga kaibigan ko sabay iwas ng tingin sa babaeng bumati sa akin. Si Cami lang ang nakatingin sa amin.
"Naghahanap ka di ba ng secretary?" Tanong nito.
Kunwaring nasamid si Allison. Ang lakas ng ubo, kulang na lang matanggal ang baga.
"Magpapasa ako ng resume sayo ha." Sabi pa nito. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na hindi man lang ako tulungang barahin ang babae na parang napuwing ang mata dahil pikit ng pikit. Hindi siya pwede sa shop. Lumuluwa ang dede nito, baka hindi makapagtrabaho ang mga kasama ko kakaboso sa kanya.

"Ah...ehh..." Ano ang sasbaihin ko? Tiningnan ko si Cami. Nakataas ang isang kilay niya habang sumisipsip ng iced tea. Si Beth nakatingin sa langit na parang may kausap doon. Ang mga kuneho...kanya-kanya talaga sila ng iwas...

"Daddy." Tawag ni Saint. Lumapit ang anak ko sa akin saka yumakap at doon palang tumingin ang mga hinayupak kong mga kasama. Amuse na amuse sila.
"May anak ka na?" Tanong ng babae na hindi ko naman kilala.
Bumitaw si Saint sa pagkakayakap niya at tumingin sa babae.
"Yes... May anak na po si daddy ko. Ayun ang mommy ko, kung hindi mo po kilala." Tinuro ni Saint si Cami na nasamid sa hinihigop na iced tea.
Nakangising pinagmamasdan kami ng mga kaibigan ko.
"Kailan ka pa nagkaanak?" Tanong ng babae na parang niloko ko siya at ngayon niya nalaman na may anak ako.
"Ten years ago." Sagot ni Saint.
I heard my friends chuckled. Pilit nilang tinatago ang pagtawa nila.

Nanlaki naman ang mata ng babae.
"Bakit hindi ko alam 'to, Saint?" Tanong ulit ng babae.
"Ewan ko po sayo." Sagot ni Saint.
Hindi ko alam kung babawalan ko si Saint na sumagot... Bumabawi pa sa pagkakasamid si Cami. Hindi pa siya makapagsalita.

Saint gave the girl her puppy eye... She blinks...and blink...like an innocent girl.

Nahihiyang tumayo ang babae at umalis sa coffe shop. Doon nagtawanan ang mga kaibigan ko. Kumakalampag pa sa mesa ang mga hinayupak.
"Ganyan nga baby Saint. Bakuran mo si daddy para walang makalapit." Tinaas ni Beth ang kamay niya ang Saint gave her a high five.
"Saint, that's not polite." Cami said ng makapagsalita na siya.
"I didn't said anything wrong. Ikaw naman talaga mommy ko. Siya ang daddy ko."Pagdadahilan ni Saint.
"But she's not talking to you." Mahinahon na pangaral ni Cami.
"She said Saint. Ako si Saint." Katwiran ng bata.

Natatawa akong niyakap si Saint.
"Siya nga naman si Saint. Walang mali doon, mommy." I told Cami.
"Kinampihan mo na naman." I heard her said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top