Chapter 10- I will be here

Saint

"Hello baby." Sagot ko sa phone ko. Kakalabas ko pa lang ng San Pedro ng tumawag si Saint sa akin.
"Daddy...Sunduin mo kami." Umiiyak na sagot ng anak ko. Napahinto ako bigla sa pagmamaneho.
"What happened?" I asked.
"Basta sunduin mo kami ni mommy. Please daddy... We need you." She begged.
"On the way na ako. Huwag mong ibababa ang phone. Ano ang nangyari, anak?" Mabilis akong nagmane-obra at bumalik sa subdivision nila Camilla.
Humihikbi si Saint... Matagal na itong umiiyak. Baka umiyak ito pagkahatid ko.

Nadidinig ko ang sigawan sa background pero hindi ko maintindihan.

"Si Cami ba yung sumisigaw?" Tanong ko sa kanya.
Ano ang nangyayari, Camilla?!
"Pinipilit nilang magboyfriend si mommy. Ayaw ni mommy. Alam kong ayaw niya. Sabi niya hindi siya magboboyfriend ng iba." Umiiyak na sagot ni Saint.
"Sino ang pumipilit kay mommy mo?" Tanong ko. Napakapit ako ng mahigpit sa manibela.
"Si lola." She replied.
"Malapit na ako, Saint. Huwag kang bababa hanggat wala ako." I told her.
"Ayaw nilang paalisin si mommy. Kailangan daw magbayad ni mommy ng ten million sabi ni lola." Lalong lumakas ang iyak ni Saint.
Napamura ako sa isip ko. Putang-ina yang nanay ni Camilla.
"Bumaba ka na Saint. Hilahin mo si mommy mo palabas ng bahay. Nasa labas na ako." I told her.

"Cami." Sigaw ko mula sa gate. No way in hell na papasok ako sa bahay nila. Huwag lang masasaktan si Saint at papatayin ko sila.

Basang basa ang mukha ni Saint ng lumabas sila ng bahay ni Cami. Namumula naman sa galit si Cami. Ano ang nangyari?

"Sige umalis ka. Sumama ka sa lalaking yan. Itapon mo ang buhay mo." Sigaw ng mommy ni Camilla habang palapit sila sa gate.Tinakpan ni Cami ang tenga ni Saint bago humarap sa mommy niya.
"Kukuhanin ko ang gamit naming mag-ina bukas. Magsasama akongpulis kung kinakailangan. Iawas nyo sa utang ko ang pagkakabili ko ng bahay, lupa at kotse. Ilista mo lahat mommy. Babayaran kita kung iyon ang paraan para makaalis sayo. Babayaran kita." Sigaw niya. Ngayon ko lang nakitang sumagot si Cami sa magulang niya.

Nanginginig siyang lumabas ng gate. Halos umakyat ang dugo ko sa ulo. Kung hindi siguro ako makikita ni Saint, baka sinuntok ko ang nanay ni Cami.

"Mommy, kinuha ko ang wallet mo saka cellphone bago ako bumaba kanina." I heard Saint said from behind. Tiningnan ko siya mula sa rearview mirror. Her eyes were swollen.
"Thank you, baby girl," Cami replied.
"Mommy, ayaw ko ng bumalik kina lola. Lagi niya akong sinisigawan." Napapikit si Cami sa sinabi ni Saint. My knuckles turned white dahil sa kapit ko sa manibela.
"Hindi na tayo babalik doon." Cami replied.
"Kay daddy nalang tayo tumira." Saint pleaded. Nanginginig ang kamay ni Cami ng pahiran niya ang luha na kanina pa niya pinipigilang pumatak.
"Oo naman, baby. Masyadong malaki ang bahay para sa amin ni papa." Sagot ko.

I let Cami silently cried. She's hiding from Saint. She's hiding her pain from Saint.

Umiiyak na yumakap si Saint kay papa pagdating namin. Cami weakly smile to my father.

"Ano ang nangyari?" Tanong ni papa sa akin. Kinarga niya si Saint at niyakap na parang sanggol pa ang anak ko.
"Pa si Camilla. Si papa ko." Pagpapakilala ko.
"Hello po. Pasensya na po sa abala." Nahihiyang bati ni Cami.
"Wala yun. Pumasok na kayo. Tumahan ka na apo. Nandito kana sa bahay. Ano ba ang nangyari bakit ka iyak ng iyak?" Tanong ni papa kay Saint.

Dinala niya sa kusina si Saint at iniupo sa kitchen counter. Pinunasan ni papa ang mga luha ni Saint bago binigyan ng tubig.

Cami is watching while silently crying.

"Your father loves Saint." She said softly. "I never have seen my parents holds Saint like that."
"Ano ang nangyari, Cami?" Tanong ko sa kanya.
"Nakakahiyang ikwento, Peter. Nakakapangliit ikwento." She replied while her eyes were blinded by her tears while looking at Saint and my father.

Parang pinipiga ang puso ko sa nangyayari?

"Try me, Cami." Matagal bago nagsalita si Camilla.

"My mother is forcing me to marry a man who is half of my age so I can pay my debts on them." She said. She laughs bitterly...
"Binebenta ako ng nanay, Peter. Sinisingil nya ako sa pagpapalaki niya sa akin at sa pag-aalaga niya kay Saint" Tuluyang umiyak si Cami.

Niyakap ko si Cami so I can hide my face to her. I will probably end up in jail kung kaharap ko ang nanay niya ngayon.

Anong klaseng tao ang mga magulang niya?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top