Chapter 8
"Kumusta? Hindi ka ba nababagot?" Natatawang tanong ni Santin sa akin nang lumipat siya sa table namin.
I shrugged. "Hindi naman."
"Umiinom ka ba? May alak pa dun pero kung hindi, ayos lang din."
Umiling ako. "Susunduin ako ni Kuya kaya bawal akong uminom."
Santin nodded. Tiningnan niya naman ang mga kaklase naming maiingay.
"Hoy, kayo, baka nilalandi niyo na naman si Nadia!"
"Hindi kami talo! Ang maldita n'yan!" Kantyaw naman nila sa akin.
Tumawa lang si Santin at binalingan ako. "Mukhang mas magiging close mo pa ata ang mga kaklase nating lalaki kesa sa mga babae."
The girls already left to find a new table. Mukhang naiilang na sa akin at hindi na rin makasabay. I can't blame them. Girls tend not to like me. Ano pa bang dahilan kung bakit hindi ako makatagal sa Stella Maris? Buti dito at may kumakausap pa sa akin kahit papaano.
"Are you close with Jazmine?" I asked out of curiosity.
He nodded. "Oo, classmate kami simula elementary. Hindi naman siya ganun, eh. Kaso nabully noon kaya tumahimik pagka-highschool namin." He sighed.
"Bakit?"
"Ah, na-isyu lang sa pamilya nila noon. Pero okay naman na. Halos wala namang nakakaalam sa batch natin. Iyon nga lang, parang hindi na siya ang dating Jazmine na nakilala ko."
I just nodded. She could be really talkative if she likes the subject, especially when talking about books. Kaya hindi rin ako naniniwala na talagang tahimik siya dahil minsan ko na itong nakausap. Siguro sa maling tao, tahimik.
"Tingin mo bibigyan niya ulit ng chance si Karlo?"
"Hmm," Santin shrugged. "Hindi ako sure, sa totoo lang. Pero kilala ko naman si Karlo at okay naman siya. Okay din naman ang mga kaibigan niya. Maiingay lang ng konti, pero mababait naman sila."
"Talaga?"
"Oo," he laughed. "May crush pa nga ako noon sa kaibigan niya, eh. Si Lulu..."
"Oh? Hindi mo na crush ngayon?" Nagtaas ang kilay ko.
He smiled and looked at me. "May bago na akong crush..."
I didn't smile back. Gagong 'to! Akala ba niya manhid ako at hindi nakakaramdam?! Inabot ko ang juice at sumimsim mula doon. Ayoko pa naman ng ganitong klaseng pagpaparamdam! Mas naa-appreciate ko ang mga lalaking prangka at sinasabi ang totoo nilang nararamdaman!
Gaya ni Karlo?
I cursed myself when my mind wandered back to him! Eh ano ngayon kung gaya niya?! That doesn't change the fact that the jerk annoys me! Hindi ko mapunto kung ano talagang meron pero pikon na pikon ako sa kaniya!
Napatingin tuloy ako sa gawi nila. It looks like he's having fun with Jazmine. Klaro naman na nahihiya ang babae sa dami nila doon pero mukhang hindi naman siya pinapabayaan ni Karlo.
Tala flashed me an apologetic smile when our eyes met. Tumango lang ako sa kaniya. Siguro nahihiya kasi nag-detour sa kanila kahit na sinabing babalik daw sa table namin.
When Santin left to greet some other friends, Sienna and I decided to call it a night. Pagod na rin ako kaya kahit wala pang alas dyez ay nag-text na ako kay Kuya para sunduin ako. Mabilis naman itong tumalima.
After half an hour of waiting, he sent me a text that he's already waiting outside. Hinanap ko muna si Santin para makapagpaalam nang maayos.
"Happy birthday, ulit! Sa susunod na birthday na ang regalo mo," nakangiti kong wika sa kaniya.
Tumawa naman si Santin. "Uy, kahit huwag na..."
Out of the corner of my eye, I saw Karlo entering the house. Ngumiti siya sa akin.
"RK! Uuwi ka na?"
I nodded. Hinanap ng mga mata ko si Jazmine pero itong si Ivo naman ang kasama niya.
"San si Jazmine?"
"Ah, sinundo na kanina pa. Uuwi na rin kami."
Tumango lang ako at hinatak na si Sienna palabas. Nang makapasok kami sa sasakyan, kaagad akong nilingon ni Kuya.
"Hindi ka naman uminom, 'no?"
"Hindi nga!" Irita kong sagot sa kapatid.
"Hindi po kami uminom." Dagdag naman ni Sienna para matahimik na ang kaluluwa ni Kuya.
Tumango lang siya at nagsimula nang mag-drive. Una naming drinop si Sienna sa bahay nila saka dumiretso sa amin. When I got to my room, I stepped into the bathroom to clean myself. Hindi ko naman babasain ang buhok ko, magha-half bath lang.
When I got out of the shower, I checked my phone. Nagulat pa ako nang makitang may chat si Karlo sa akin.
Karlo Chi Ong
bigla kang nawala! Hahaha
Karlo Chi Ong
magician ka ba?
Karlo Chi Ong
pero seryoso, nakauwi ka na?
I bit my lower lip and typed a reply.
Nadia Ronathan Diosanta
i'm home
Karlo Chi Ong
👍
Napairap ako sa ere dahil mukhang pinagt-tripan na naman ako ng lalaking 'to! Dapat pala hindi ko na ni-reply-an! I opened my Facebook instead at post niya kaagad ang unang bumungad sa newsfeed ko.
It was a group picture of them in that table. Pero magkatabi sina Karlo at Jazmine sa litrato. Karlo, the usual monkey that he is, is grinning from ear to ear. Jazmine is smiling politely at the camera. The rest of the players were in high spirits in the photo, as well.
Karlo Chi Ong
Hindi ko naman birthday pero ako ang may regalo!
Parang tangang caption 'to! Buti sana kung sila lang dalawa sa picture, eh! Kawawa naman, mukhang hindi pa pinagbigyan ng picture na sila lang dalawa.
As expected, his friends infested the comment section.
Karylle Jane Chi Ong: gago san ka na hahaha lagot ka kay mommy
Luanne Rose Samaniego: am i seeing what i'm seeing right now? @Celeste Imarie Arellano
Celeste Imarie Arellano: so san dyan sa nakablue ang crush mo @Karlo?
Primitivo Escarra replied: ako kasi yun ahahaha
Avery Felicia Perez: kaya naman pala nawala sa isawan kanina eh hahaha lam na dis
Napansin ko ang kanina pa react nang react sa mga comment nila pero wala namang kino-comment. Para namang Arabo ang isang 'to sa bilis makalike! I clicked her profile. Sereia Montanez. Walang halos post sa Facebook nito pero mukhang kaibigan din ata nila. Hindi ko na 'to tanda.
I checked who liked the photo. Mostly his friends and schoolmates. Ni wala doon si Jazmine. Gusto kong humalakhak nang makitang online ito pero hindi man lang ni-like ang photo na pinost ni Karlo. Mukha kasing tanga, eh!
Ibinaba ko na ang cellphone at aabutin sana ang librong binasa ko kaso nasagi ng kamay ko ang plastic na laman ang mga art supplies na pinamili ko noon.
Sighing, I got up from the bed when the paintbrush fell. Ibabalik ko na sana pero napag-isipan kong maaga pa naman. I went to the terrace of my room, dragging my art supplies with me and setting up a canvas. Tumingala ako sa madilim na langit.
There's just black, blue, purple, and a hint of yellow and white tonight... not that complicated. This will do.
After almost a year of hiatus, I resumed painting that night.
Simula nung sumama ako sa party ay mas naging palakaibigan na sa akin ang mga lalaki kong kaklase. Lumalakas na ang loob nilang makipagbiruan sa akin at inaasar na din ako. May kaunting landi ang mga asar nila pero ini-ignora ko lang.
Mukhang pinayagan na din ni Jazmine na magpatuloy sa panliligaw si Karlo dahil nakita ko itong parang aso na nakabuntot sa kaniya. Oddly, none of his friends were teasing him. Ang iingay pa naman nila. Bakit kaya?
"Hi, RK!" Bati sa akin ni Karlo pagkapasok sa club room.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. May read-aloud session ulit mamaya at ako naman ang nakatokang magbasa. Ayokong sayangin ang laway ko sa kaniya.
"Ang gara nito, ah! San mo nabili?"
Biglang dinampot ni Karlo ang bookmark na gawa ko. I'm reading a romance fantasy book right now so I decided to paint a strip of paper with a blue-scaled dragon and rose thorns from the book. Iyon ang ginawa kong bookmark. Nakalaminate iyon at may satin ribbon sa dulo para madaling makita kapag isinara ko na ng libro.
"I made it."
"Wow! Talaga?" Namilog ang mata ni Karlo habang titig na titig sa bookmark ko. "Ang galing mo, ah!"
I smirked. "I know."
Tumawa nang malakas si Karlo saka ibinaba ang bookmark. Tinitigan niya ang mukha ko. "Hindi ka marunong magpakumbaba, 'no?"
"Anong mapapala ko sa pagiging pa-humble, eh alam ko naman talaga sa sarili ko na magaling ako?"
"Sige, ikaw na ang magaling! Ikaw na, RK!"
Umirap ako sa ere. Wala talaga 'tong kwenta kausap kahit kailan! Besides, it's not just talent. I poured blood, sweat, and tears into my art. Kung iaasa ko sa talento lahat, hindi ko alam kung saan ako pupulutin! I enrolled in a professional art class before to hone my talent and spent countless hours trying to perfect it only to lose my passion when I got the diagnosis about a year ago.
"Sana magaling din akong mag-drawing..." bulong ni Karlo.
I scoffed. "Lahat nalang, Karlo?"
He grinned at me. Hinanap ng mga mata ko si Jazmine pero mukhang wala siya rito.
"What's the deal with you and Jazmine? Pumayag na siyang manligaw ka ulit sa kaniya?"
"Yup!" He happily reported.
May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa sagot niya.
"Good for you."
"Hindi ko naman pala kailangan ng tulong mo, eh. Tama ka, hindi talaga kayo close. Ang sabi niya, nai-intimidate din daw siya sa iyo!" He laughed.
"She said that?"
"Oo, ang ganda mo raw kasi tapos talented pa... andami ding may crush sa'yo sa section namin kaso ayun nga, basura ang ugali mo."
Napaawang ang bibig ko sa gulat.
"What?!"
He laughed again. "Ide-deny mo pa? Maldita mo kaya! Kung hindi lang ako nasanay sa mga kaibigan kong babae, matagal na kitang nilubayan, eh!"
I scoffed. Alam ko namang pangit talaga ang ugali ko! Pero kailangan bang tawaging basura? Nakakasakit, ah!
"Ayaw niya ring ipaalam sa iba na bumalik ako sa panliligaw sa kaniya kaya secret lang natin 'to, ah? 'Tsaka, nararamdaman ko din na ayaw niyang ipaalam sa mga kaibigan ko kapag sinagot na niya ako..."
"Your friends are so loud." I commented.
He nodded. "Oo nga, mga pahamak."
Naputol lang ang pag-uusap namin nang pumasok si Jazmine. Karlo automatically went to her. Mukhang tinanggap na din nito ang teddy bear na bigay niya dahil nakita ko 'to sa background ng bagong picture ni Jazmine.
She posted a photo of her bookshelf. Punong-puno iyon. Sa ibabaw ng shelf, naroon nakapatong ang teddy bear na bigay ni Karlo. She doesn't have a lot of likers, but Karlo was so damn loud in the comment section that other people flocked into the post and started commenting things, too. Ang ending, in-off ni Jazmine ang comment section.
Napansin kong nagawan na ng shortcut ng Facebook ang profile nina Karlo at Jazmine. Maybe because I kept on visiting their profiles? It bothered me so I removed the shortcuts and told myself not to open the app for a while.
Instead of focusing on them, I decided to make an effort to be more friendly with the girls. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung pag-pyestahan nila ako at i-backstab dahil iyon rin naman ang nangyayari sa akin sa Stella Maris noon.
Kaso, sa tuwing nakikita ko silang masayang nagkukuwentuhan tungkol sa mga girly stuff, medyo naiinggit ako. Sienna is not like that with me. Pormal palagi ang usapan namin at nararamdaman kong hindi pa ako pwedeng mag-open ng mga ganyang topic sa kaniya.
I wanted to have someone I could talk with about girly stuff, too. I like makeup and art and coffee and clothes and chick flicks. I also discovered that I like reading books ever since I joined the club. Gusto kong may mapag-usapan tungkol sa mga bagay na iyon.
So far, in St. Agnes, it's only Karlo who knows that I paint. Ni hindi ko mabanggit kay Sienna. Hindi ko rin alam kung magiging interesado siya. I also noticed that she's not into fashion and doesn't care much about her appearance. Basta malinis, okay na siya.
"Siya yung transferee, diba?"
"Balita ko maldita raw..."
"Ay, kinaganda niya yan?"
I sighed when I heard rumors about me again. Akala siguro hindi ko naririnig dahil nakasuot ako ng headphones at nagce-cellphone. Ako ang nauna sa classroom at dahil wala pa sina Santin o Sienna, wala rin akong kausap.
So much for trying to find new friends...
"RK, RK!"
Kumunot ang noo ko nang makitang papasok si Karlo sa classroom namin. Tuluyan ko nang hinubad ang headphones na suot at tiningala siya. Excited naman nitong inabot sa akin ang isang piraso ng papel.
"Ano 'to?"
"Nakita ko lang sa bulletin board kanina, may pa-art contest pala ngayong darating na St. Agnes Day! Sali ka?"
I frowned. "No."
"Bakit? Eh ang galing mong magpinta! Same lang naman yan, diba?"
I scanned the paper again. They accept all kinds of mediums, but the participants must follow the theme. The art contest will be held on the day of the school festival. Pero ang registration, hanggang sa katapusan ng linggo nalang.
"Eh ayoko!"
"Diba sabi mo, magaling ka? Bakit hindi ka sumali?" Kumuha pa ng silya si Karlo at naupo sa harap ko. Nginisihan niya ako. "Paano natin malalaman kung magaling ka talaga kung ayaw mong sumali?"
"I'm not into contests..."
"Just think of it as a challenge! Paano ka mag-grow n'yan kung hindi ka nakakarinig ng kritisismo mula sa iba?"
I sighed and glanced at the paper once again. This monkey has a point.
"Sige na, sali ka na! Kakaibiganin ko ang judge para tumaas ang tyansa mong manalo!" Biro pa niya.
I glared at him. "Ang kulit mo, ah? Nasan ba si Jazmine? Bakit ako ang pinu-purwesiyo mo?"
He laughed. "Absent yun ngayon, may check up..."
Tumango ako. It seems like they have gotten really close. Ang huling chat pa namin ay iyong nag-send siya ng thumbs up sign! I wonder if they're chatting every night? If yes, anong mga topic nila?
"Kapag nanalo ka, ililibre kita sa isawan!" Masayang wika ni Karlo.
What a brilliant idea! As if I'll eat street foods!
"Hindi na!" I swatted his hand away when he started playing with the wire of my headphones. Patingin-tingin na din dito ang mga babae kong kaklase at alam kong pag-uusapan na naman kami.
"Aww, sige na—"
"I'll join the contest but you don't have to treat me out like a child." I said sternly.
"Ayaw mo ba ng isaw?" Tanging sabi niya.
I rolled my eyes.
"Sorry naman! Yun lang kaya ng budget ko, eh!" Tumawa pa ito at tuluyan nang binitawan ang wire ng headphones ko. "Pero sali ka, ah? Ic-cheer kita." He smiled and stood.
Ibinalik niya sa dating ayos ang upuan saka nagpaalam. Sienna had already arrived. She gave me a questioning look when she saw Karlo leaving but I didn't say a word.
Dumapo ulit ang tingin ko sa papel na hawak. I sighed...
Sige na nga.
Sige na nga... sa contest. Sige na nga... sa isaw. Ngayon lang naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top