Chapter 7

"Sino yun? Manliligaw mo?"

"No."

"Uy, diba siya din ang kasama mo noon sa coffee shop?" Nakangiting tanong ni Kuya Cedrick.

"Kakilala ko lang yun. May nililigawan yung iba."

"Siguraduhin mo lang, Nadia, ha? Alam kong sinasabi ni Mommy na okay lang na mag-boyfriend ka pero bawal pa rin talaga!"

I rolled my eyes. "He's not my boyfriend."

"Pero bagay kayo!" Biglang sabat ni Mia. "Sure ka bang hindi ikaw ang nililigawan nun?"

"Hindi nga, eh!" Iritado kong sagot sa kaniya.

Napawi ang ngiti sa mukha ni Mia. Minata naman ako ni Kuya kaya napabuntong-hininga ako.

"Sorry, pagod lang ako."

She just nodded in understanding. I made the rest of the ride awkward. Ako ang naunang lumabas pagkarating namin sa bahay. Umakyat kaagad ako sa kwarto ko at nagpalit mula sa unipormeng suot.

When I checked my phone, there were several messages from Karlo.

Karlo Chi Ong
uy, galit ka? haha

Karlo Chi Ong
joke lang naman kasi yung kanina

Karlo Chi Ong
sorry!

Nag-seen lang ako at hindi nag-reply. Honestly, I don't know where my outburst is coming from... both in front of Karlo and inside the car. Naupo ako at tumitig sa kawalan. My phone beeped again.

Karlo Chi Ong
galit nga :(

Hindi ko na ginalaw ang cellphone ko hanggang matapos ang gabi. Andami ko na ngang problema, dadagdag pa 'tong si Karlo. Hindi na rin ako nagtaka na pinuntahan ako ni Kuya sa kwarto pagka-alis nina Kuya Cedrick at Mia.

"Mag-sorry ka kay Mia sa susunod na magkikita kayo. Ayusin mo ang sorry mo," he glared at me. It was clear that he was pissed. Siguro ay naipahiya ko siya kay Kuya Cedrick kanina.

"Oo na."

"Bawas-bawasan mo ang pagiging maldita mo, Nads. Hindi bagay sa mukha mo."

I just scoffed. Kuya Rico left shortly after that. Ako naman, ginugol ang buong gabi sa pagbabasa ng libro imbes na gawin ang assignment namin sa math.

Kinabukasan, maaga ulit akong inihatid ni Kuya sa eskwelahan. May gagawin daw siya sa campus kaya maaga din ang alis niya. Okay na din sa akin dahil mangongopya pa ako ng assignment sa kaklase ko, kung may magpapakopya lang naman. Hanggang ngayon ay hirap pa rin akong kausapin sila. Tanging si Sienna at Santin lang ang nagtitiis sa ugali ko.

"RK!"

I sighed when I heard Karlo's voice while I was walking in the corridor. Mayamaya pa ay nasa harap ko na ito, hingal na hingal. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Seen lang?"

"Apology not accepted."

Tumawa si Karlo at sumabay sa akin sa paglalakad. "Sige na, para ka namang girlfriend, eh! Dapat din ba kitang suyuin?"

"What?!" Irritated, I turned to him.

Karlo grinned. Parang hindi binasted ang isang 'to, ah? Bakit good mood 'to?

"Sorry na talaga. Hindi ko yun uulitin, promise."

"Sinong math mo?"

"Ha?"

"Sinong math mo?" Pag-uulit ko sa tanong, medyo iritado pa rin.

"Ah, Si Sir Longakit."

"May assignment din ba kayo?"

He nodded.

"Pakopya."

"Bati na tayo?" He asked happily while rummaging his bag.

Tama nga ako. Wala iyong laman kundi isang notebook, mga basurang papel, at hindi ko pa nakikita ang ballpen niya sa loob. Malamang parasite 'to sa classroom nila na hingi nang hingi ng papel o di kaya'y hiram nang hiram ng ballpen sa katabi.

"Ayan!"

Inabot sa akin ni Karlo ang lukot-lukot niyang papel. I squinted at the numbers. In fairness, maayos naman pagkakasulat. Ang dugyot lang ng papel na ginamit niya pero nababasa ko naman ang mga numero.

"Ibabalik ko sa inyo mamaya." Ani ko at isiniksik ang papel niya sa bag ko.

"Kahit bukas na. Wala naman kaming math ngayon."

I shrugged and went on. Iniwan ko na si Karlo bago pa humaba ang usapan namin. Nakita ko rin si Jazmine kasama ang mga kaibigan niya kaya umalis na ako.

Hindi ko pa rin itinuturing na close kami ni Karlo kaya hindi na ako nagtanong sa kaniya kung titigil na ba talaga siya sa panliligaw. Pero kapansin-pansing ilang araw na itong hindi nagpapakita sa club room namin. Dahil wala siya, tahimik na kami at payapa sa loob.

Ang weakshit naman ng lalaking 'to.

Jazmine is her usual self. Ngumingiti pa rin siya sa akin kapag nagkakasalubong kami sa hallway o di kaya'y nakikipag-usap kapag nakikita niya akong may binabasang bagong libro.

A week without Karlo in the club room feels new to me. Inignora ko ang paghahanap sa kaniya kahit na hindi naman ako ang ipinunta niya dito.

Kaya nang makita ko siyang pumapasok ulit sa club room isang hapon, hindi ko naitago ang gulat sa mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" I hissed when he pulled a chair next to me.

Kapansin-pansin ang paglingon ni Jazmine sa aming dalawa. Karlo turned to me, grinning like a lovesick puppy.

"Ano pa ba? Susuyuin ko ang mahal ko."

"Huh?!"

He chuckled when he saw my confused face. "Sa tingin mo ba magiging athlete ko kung sumuko ako pagkatapos ng isang talo sa laban? Hindi. Kaya iyon rin ang gagawin ko kay Jazmine."

My mouth formed an 'o' when he said that. I suddenly had a newfound respect for him. Akala ko talaga titigilan na niya ang babae.

"Tatanungin ko siya kung anong mali... kung anong nakaka-turn off sa akin para maitama ko. Tapos kung okay lang, manghihingi ulit ako ng chance. Baka kasi masyado lang akong agresibo sa kaniya."

I smirked. "You bet."

Karlo just smiled at me. Napangiti rin ako pero ibinalik ko na ang tuon sa nagsasalita sa harapan. Once we were done, I just watched Karlo make his way over Jazmine's desk. Mukhang bumati lang ito sa kaniya at umalis na rin.

That's nice. He's really taking it slow this time...

"Nadia, totoo bang nililigawan ni Karlo si Jazmine? Tapos nabasted siya?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasang libro. Ilang buwan na akong na-transfer dito pero ngayon lang ako kinausap ng mga kaklase kong babae. At si Karlo pa ang topic!

"Huh?"

"Close kayo, diba? Ito kasing si Rachel, matagal nang may gusto kay Karlo. Gusto lang sana naming i-confirm kung sila na ba talaga..."

"Paki ko dun?"

"U-Uhm... so sila ba?"

I shrugged. "Bakit ako ang tinatanong niyo? Wala ba kayong bibig? Itanong niyo mismo kay Karlo!"

Mukhang natakot pa ata sila sa pagmamaldita ko. They just nodded and swarmed off. Napairap ako sa ere at ibinalik ang tuon sa binabasang libro. I hate that I'm becoming a messenger of that jerk and I hate that they're also prying into their privacy!

Si Santin naman ang lumapit sa akin kaya mas lalo akong nairita. Pero mukhang nasanay na ata siya sa ugali ko dahil nakangiti pa rin ito.

"Birthday ko bukas, ah? Sama ka?"

"Ayoko."

He laughed. "Naroon si Karlo."

"Eh ano ngayon?"

"Hindi ba kayo close?"

"Hindi."

"Ah, si Sienna, naroon din. Kung gusto mong sumama, i-text mo lang siya. Alam niya kung saan ang bahay namin."

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Nagpunta na din ako ng club room pagkatapos ng klase namin. Santin is friends with Tala, so naturally, he also invited her.

"Sama ka na, Jazz!" Narinig ko si Tala pagpasok ko ng club room. "Naroon naman ako, eh. Ipapaalam kita sa parents mo."

"Hindi ako komportable sa mga party, eh..."

Lumipad naman ang tingin ni Tala sa akin. Ngumiti siya.

"Invited ka din ba sa birthday party ni Santin?"

Tumango lang ako dahil wala akong ganang makipag-usap sa kanila. Dumiretso ako sa upuan ko pero sumunod naman ang dalawa sa akin.

"See? Naroon din si Nadia kaya sumama ka na!"

"Ah, sige. Magpapaalam muna ako..." nag-aalangang wika ni Jazmine.

Hindi ako umimik. Eh hindi nga ako sigurado kung pupunta ako eh! Tapos ginawa pa akong bait ni Tala para pumunta si Jazmine sa party?

Ano namang gagawin ko dun eh dalawang tao lang naman ang kumakausap sa akin sa school? Tatlo kung isasama mo ang unggoy na si Karlo. Hindi ko rin maituring na kaibigan sina Tala dahil tungkol sa book club lang naman ang pinag-uusapan namin pero base sa takbo ng usapan nila, mukhang kaibigan na nga talaga ako sa kanila...

Nagpaalam ako kina Mommy kinagabihan tungkol sa party. I was expecting them to say no. That way, I have a valid excuse not to go. Pero laking gulat ko na mukhang masaya pa ata si Mommy na magpa-party ako.

"You should go!" Untag niya sa akin. "Ihahatid ka ng Kuya mo at susunduin rin pauwi."

"May inuman ba d'yan, Nadia?" Tumaas naman ang kilay ni Kuya.

"I dunno." I shrugged. "Baka meron? Mga highschool na kami, eh. Atsaka, hindi naman ako umiinom."

"Siguruhin mo lang." banta niya pa sa akin.

I rolled my eyes. Eh ayoko ngang magpunta in the first place!

Friday night came and almost everyone was talking about the party. Saka ko lang napagtanto na sobrang rami pala talaga ng kaibigan ni Santin. Pati sa basketball team, meron din siyang mga kakilala.

Hindi naman siya gwapo pero matalino at mabait kaya siguro kaibigan ng lahat. At kung kaya niyang tiisin at tawanan ang pag-uugali ng isang tulad ko, malamang ay marami talaga siyang magiging kaibigan!

I gave him my word that I'll go to the party. Hindi ko pa alam kung talagang pupunta si Jazmine. I feel awkward chatting to her to ask if she'll go. Hindi naman kami gaanong ka-close.

Pagkatapos ng klase ay umuwi kaagad ako para makapag-ayos. I dressed in my usual baggy pants and a tiny crop top. Inilugay ko ang buhok at nagmakeup nang kaunti. Lip tint lang atsaka blush.

When Kuya saw me, he scowled deeply.

"Kita ko ang puson mo, Nadia."

"So?" I cocked a brow and started downstairs.

"Mommy!" Reklamo ni Kuya habang pababa kami. "Tingnan mo nga 'tong suot ni Nadia!"

Mommy looked up from her tea and smiled, appreciating my outfit.

"You look nice, dear."

"Nice?! Eh kita na ang tiyan, oh!"

"Ano ka ba, Kuya? Alangan namang mag-t shirt ako doon?!" Galit kong untag sa kapatid.

He groaned and followed me outside. Hindi ako umimik kay Dad nang madatnan ko siyang kakauwi lang, kasama pa ang driver niya sa labas.

Nauna akong pumasok sa sasakyan at hinintay si Kuya na makasunod. Nababadtrip pa rin ito sa suot ko pero wala na siyang nagawa kaya pinaandar nalang ang sasakyan.

"Alas dyez, Nadia, ah!" Banta niya sa akin habang nagmamaneho.

Hindi ako sumagot. I was busy on my phone. Santin texted me their address but I'm sure Sienna knows the way. Pinick-up muna namin siya sa bahay nila saka nagtungo sa subdivision kung saan nakatira si Santin.

We entered a huge subdivision and parked in front of a big house. Hindi lang pala matalino at palakaibigan, mayaman din pala. I could hear the music blasting inside. Hindi naman gaanong kalakas para makadisturbo ng mga kapitbahay pero klarong-klaro mo na may handaan talaga dito.

Nagpaalam ako kay Kuya habang sabay naman kami ni Sienna sa loob. I was shocked to see that even lower years are invited to the party! Seriously, buong eskwelahan ba 'to?

Sienna chuckled when she saw my reaction. "Marami talagang kaibigan si Santin."

"Obvious naman."

Kaagad kong nakita ang kumpulan ng mga basketball player na nag-iinuman na sa gilid. Some girls are lingering near the garden. Pumasok kami sa loob at hinanap ang birthday boy.

"Happy birthday." Tipid ang ngiti ko nang makaharap si Santin.

"Uy, nakapunta ka!" Santin's eyes sparkled when he saw me. Or us? Kasama ko si Sienna, eh!

"Happy birthday, Santin!" Si Sienna naman sabay abot ng regalo niya sa lalaki.

He laughed and accepted the gift. "Salamat, Sienna."

"No gift, no entry ba dito? Kasi ihahabol ko nalang ang regalo ko."

Mas lalong tumawa si Santin sa tinuran ko. "Ayos lang walang regalo. Maupo kayo, may pagkain d'yan. Titingnan ko muna sila Kael sa labas."

Tumango lang kaming dalawa. Sienna went to the table where the food is. Ako naman, iginala ang tingin sa malaking living room nila.

"RK!"

I groaned. Mayamaya pa, lumitaw ang mukha ni Karlo. He's with his friend, Ivo. Itinuro niya ito.

"Si Ivo! Naalala mo?"

Tumango lang ako. Pareho kaming hindi interesado sa isa't isa kaya nag-iwas lang din siya ng tingin. Ang alam ko, second year pa 'to, eh.

"Invited ka rin pala..."

"Is she going to come?"

"Sino?"

"Jazmine."

Karlo smiled. "Hindi ko pa alam, eh. Kanina ko pa hinahanap. Mukhang hindi ata pupunta."

Tumango lang ako at iniwan ang dalawa. Tinabihan ko si Sienna at kumuha na rin ng sariling plato.

"Sa labas nalang tayo kumain. Naroon ang ibang classmates natin."

Nagpatianod lang ako sa kaniya, dala-dala ang plato ko. Some of my guy classmates said hi to me. Tipid lang na ngiti ang isinagot ko. My girl classmates, who were obviously frightened with me, went silent when we got to their table.

"May boyfriend ka na ba, Nadia?" Usisa nila sa akin.

"Wala."

"Baka boyfriend talaga ang pinunta mo dito sa St. Agnes? Kasi puro babae kayo sa Stella Maris?" Biro pa nila.

"Mga tanga." I said nonchalantly, biting into my chicken.

Imbes na ma-offend gaya ng mga babaeng pinagmamalditahan ko, nagsitawanan lang sila.

"Ano bang type mo?"

I immediately thought of Karlo. Lahat siguro ng kabaliktaran niya pwera sa pagiging matangkad. Moreno, tahimik, at matalino. Iyon ang gusto ko.

I shrugged. "Kahit ano naman."

"Ano? Wala ba kaming pag-asa, Nads?"

"Maka-Nads? Close ba tayo?"

Ako naman ang tinawanan nila. Napipikon na ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Bakit ba kasi ako kinakausap ng mga unggoy na 'to? The girls are too afraid of me while all the boys want to do is flirt with me. Wala ba akong magiging matinong kaibigan dito?

Ayusin mo muna ang ugali mo, a small voice in my head said. Napailing ako at pinagpatuloy ang pag-kain.

"Nadia!"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Tala is happily walking towards us, arm in arm with Jazmine. Nagulat ako dahil nakaladkad niya talaga dito ang babae.

I was expecting her to dress conservatively but was shocked when she showed up in a mini dress and a pair of sneakers. Maganda naman ang hugis ng katawan niya at matangkad rin kaya bagay sa kaniya. Iyon nga lang, klarong-klaro na naiilang siya sa suot dahil kanina pa niya hinihila pababa ang dress niya.

"Hi!" Tala beamed when they arrived at our table.

Nagsikuhan naman ang mga lalaki kong classmate. They were obviously struck by Jazmine. Eh talaga namang maganda siya. Mahinhin nga lang at tahimik. She gave them a polite smile when she saw they were all looking at her.

"May pagkain sa loob." Sabi ko na parang ako ang may birthday, at pag-aari namin itong bahay.

"Great! Pwede ba kaming maki-table dito?"

"Oo naman!" Halos sabay-sabay na sagot ng mga gunggong na kaharap ko. Parang kanina lang, ako ang nilalandi ng mga 'to, ah?

Sinundan ko ng tingin sina Tala at Jazmine habang papasok sila ng bahay. Sinalubong naman sila ni Santin kaya natigilan ang dalawa. I even saw Santin hug Jazmine briefly. Mukhang matagal nang magkakilala. The girls entered the house.

Ibinalik ko ang tuon sa kinakain.

"Nanliligaw daw si Karlo kay Jazmine?" Narinig kong tanong ng isa kong kaklase na lalaki.

"Hindi ako sure, pero nakita ko silang dalawa noong intrams."

"Eh mukhang nabasted?"

"Tanga, si Karlo na yun. Hindi yun tumatanggap ng pagka-basted!"

Nagsitawanan sila. Tama naman. Iyon din ang sinabi ni Karlo sa akin. Hindi na ako magtataka kung biglang susulpot yun ngayong narito na si Jazmine.

And I was right. While Tala and Jazmine were making their way back to us, carrying their plates, Karlo suddenly showed up. Medyo nahiya pa si Jazmine sa kaniya pero nakita kong tumango ito.

Sumunod ang tingin ko sa kanila. Iginigiya na ni Karlo si Jazmine sa table nila, kung saan nakaupo ang mga basketball at volleyball players. Naroon din si Ivo at iyong star player na pinanuod namin noong nakaraang intrams.

"Badtrip naman! Ninakaw pa talaga sa 'tin si Jazmine!" Rinig kong usal ng mga kaklase ko.

I smirked at him. "Bakit? Sa tingin mo may pag-asa ka doon?"

Nagsitawanan lang sila. Si Karlo nga, wala. Kayo pa kaya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top