Chapter 6

"Nadia, salamat sa pag-accept sa friend request ko!" Masiglang bati sa akin ni Jazmine nang pumasok ako sa club room.

I smiled at her. Tumabi ang babae sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tapos ka na ba sa Wuthering Heights? Muntik na akong mabaliw sa librong yun!"

"Ah, oo..."

I glanced at the pink reading journal atop her books. Dalawang linggo na mula nang magkita kami ni Karlo sa mall. Malamang ay tapos na rin ang birthday niya dahil naibigay na ng lalaki ang regalo sa kaniya.

"Ako din, Nadia, pa-accept!" Si Tala na biglang sumulpot sa likuran namin. Hinihintay pa namin ang ibang members na dumating bago kami magsimula sa activity.

"Uh... sure."

"Ang cute ng reading journal mo, Jazz! San mo nabili?"

Napatingin si Jazmine sa journal niya na tinutukoy ni Tala. She smiled. "Bigay lang sa akin."

"Naks! Si Karlo ba?"

Biglang napawi ang ngiti sa mukha ni Jazmine. I noticed she's not comfortable when club members talk about Karlo. Kaya nga halos patago palagi ang pag-uusap nila tungkol sa dalawa dahil kapansin-pansin ang pagkakawala sa mood ni Jazmine.

"May tanong nga pala ako tungkol sa nakaraang book review..."

I changed the subject immediately to revert the attention from her. Itinuon naman ni Tala sa akin ang atensyon at hindi na nangulit pa tungkol kay Karlo.

After our read-aloud session, Jazmine and I were left to clean the room. May iilan pa naman kaming kasama pero nabu-bwisit na ako dahil palaging ako nalang ang naaatasang maglinis! Iyong mga officers sa club, halos hindi naglilinis dito, ako pa kaya?

Jazmine was silently sweeping the floor. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at lumapit ako.

"Napansin kong parang ayaw mo atang pag-usapan si Karlo?"

Bakas ang gulat sa mukha niya nang bigla ko siyang komprontahin tungkol doon.

She chuckled nervously. "Hindi naman..."

"Nanliligaw ba siya sa'yo?"

She slowly nodded.

"Eh paano yan? Ngayon pa lang na nanliligaw, nahihiya ka. Paano kapag sinagot mo na?"

Jazmine stared at the floor. She let out a sigh.

"Wala akong balak na sagutin siya."

Ako naman ang nagulat sa sinabi ng babae. I watched her face closely. Her expression is neutral. Even her eyes gave away nothing about her feelings for him... kung mayroon man.

"Uhm, pinapaasa mo lang?"

She shook her head. "Hindi ko pa alam..."

"Kawawa naman ang unggoy na yun," bulong ko pa.

"Ha?"

I shook my head and continued sweeping. We were silent for a bit until Jazmine spoke again.

"Don't you think he has too many female friends?"

"Ha? Si Karlo?"

Dahan-dahang tumango si Jazmine. Now that she's mentioned it... yes. He's always surrounded by girls. Kung hindi iyong mga babae sa grupo niya, mga ka-team niya naman sa volleyball. Sikat din siya maging sa section namin kasi nga matangkad at may hitsura.

"Yeah, I think so..."

"Nai-intimidate ako sa mga kaibigan niya. Lalo na iyong Celeste."

I stifled a laugh. Nai-intimidate siya doon? Eh ang liit-liit nun?

"Iyon lang ba ang rason kung bakit ka nagdadalawang isip sa kaniya?"

"Sana nga iyon lang..." she sighed. "Hindi, eh. May mas malalim pa..."

Hindi ko na siya tinanong kung ano iyon. I just think it's too personal. I also don't like how I know too much about the two of them. Eh ayoko ngang makialam sa kanila! Bahala na si Karlo na umasa sa wala...

Wala akong sinalihan pagsapit ng intrams. Hindi rin naman ako magaling sa sports at bawal din akong maglaro sa init ng araw. I presented my medical certificate to my teachers so that they would exempt me from the games.

"Ang daya! Ano bang meron? Ba't ka exempted?" Reklamo ni Sienna habang tinatali ko ang buhok niya. Maglalaro siya ng badminton mamayang hapon.

I just laughed. I could play if I want to... but it's not recommended. And I really don't want to. Ayokong pinagpapawisan! Napakalagkit sa pakiramdam at naiirita kaagad ako...

"Good luck mamaya!"

"Salamat!"

Celeste messaged me to come with her to the gym. Manunuod daw siya ng basketball kasama ang mga kaibigan niya. Nagdadalawang-isip pa ako dahil wala naman akong alam sa basketball at baka hindi ko lang maintindihan. But I was bored and the club room was closed so I made my way to the gym.

Mainit na ang laro pagkapasok ko. Lamang ng tatlong puntos ang third year na ang kalaban ay mga fourth year players. Nakita ko kaagad sina Celeste sa bleachers sa ibabaw kasama ang mga kaibigan niya. In the group, I also saw Karlo.

"Oy, RK!" Bati niya sa akin. Itinulak niya ang katabing lalaki. "Dun ka, Ivo!"

"Tanginang 'to, makatulak ka, ah!" Reklamo naman ng lalaking tinawag niya na Ivo.

"Buti naman nahanap mo agad kami," Celeste smirked when I sat down.

I just smiled at her. Pinakilala naman ako ni Celeste sa mga kaibigan niya pero pareho kaming walang interes sa isa't isa. Silang dalawa lang ang kumakausap sa akin dahil busy siya sa pagchi-cheer noong fourth year na star player ng team nila.

"Nakita mo ba si Jazz?" Bulong sa akin ni Karlo.

I shook my head. "Mukha ba akong lost and found ng mga crush mo, Karlo?"

He laughed. "Nagtatanong lang, eh. Wala bang ganap ang book club ngayon?"

"Wala. Busy ang mga officers namin."

He nodded. "May laro ako mamaya. Nuod ka?"

I shook my head. "Ayoko. Baka bangko ka lang rin, eh."

Napanguso si Karlo. "Hindi ko na nga mahanap si Jazmine..."

I sighed and looked around. The game is growing intense. Halos mabingi na ako sa sigawan ng mga tao. There was only a few seconds left but the star player from the fourth year scored a three points shot that secured their victory. Nagsitayuan sina Celeste at mga kaibigan niya kahit na alam kong third year din ang mga ito at nakisigaw.

My eyes drifted to the entrance of the gym. Agad kong nakita si Jazmine kasama si Tala. They were both drinking smoothies from a stall nearby. Kaagad kong siniko si Karlo.

"Ayun si Jazmine..."

"Asan? Asan?"

"Tanginang mata yan," I cupped his cheeks aggressively. His eyes widened but before he could react, I pointed his head to the direction of the girl he's been looking for. Ramdam na ramdam ko ang paninigas niya. "Ayun, kita mo?"

Tumango naman si Karlo at nagmamadaling tumayo. Napatingin tuloy si Celeste sa kaniya.

"O, san ka pupunta, Karlo?"

"May nakalimutan lang."

Dali-dali na siyang umalis at bumaba sa bleachers. Celeste looked at him, confused. Napatingin ito sa akin.

"He's really serious with her, huh?" she stared at me.

Hindi na ako sumagot. Wala rin naman ako sa lugar para sagutin iyon. Hindi na rin ako nagtagal sa gym at umalis pagkatapos ng basketball. I heard volleyball will start after lunch. Hindi ko na nakita sina Karlo o Jazmine kaya si Sienna ang hinanap ko. Sabay kaming kumain at pinanuod ko pa siya sa badminton niya bago ako umuwi ng bahay.

I think the intrams helped them to get closer with each other. Ilang beses ko silang nakitang magkasama. Kung hindi sa gym ay nasa canteen namin. Jazmine would smile shyly at me. Si Karlo naman, ngising-aso na para bang naka-jackpot sa lotto.

Narinig ko lang rin na nanalo ang team nina Karlo. They will compete for the inter-school competition next month, kasabay ng mga nanalo din sa basketball at ibang sports.

"RK!"

Napabuntong-hininga ako habang naglalakad. Isa lang naman ang tumatawag n'yan sa akin at ito pa talaga ang bumungad sa umaga ko.

Karlo was grinning from ear to ear, like an idiot, when I turned to him. Sumabay siya sa paglalakad.

"Ang saya ng intrams ko!"

"Halata naman."

"Feeling ko may progress na kaming dalawa ni Jazmine!"

"Paano mo nasabi?"

"Hindi na niya ako tinataboy sa tuwing lumalapit ako sa kaniya, eh." He ruffled my hair. "Lucky charm talaga kita!"

"Hey, don't touch my hair!" Maarte kong sigaw sa kaniya saka inayos ang nagulo kong buhok. Unggoy na'to! Muntik pa akong malate kanina kaka-plantsa sa buhok ko tapos guguluhin niya lang?!

He chuckled. "Hindi ko alam kung anong sinabi mo sa kaniya pero salamat, ah?"

"Tanga ka ba? Wala naman akong sinabi..."

"Nag-iba lang kasi ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng birthday niya. O nagustuhan niya ang regalong ibinigay ko?"

I bit my lower lip when I remembered what Jazmine said. She's planning to reject him, right? And yet, here he is... happy as a bee. Kulang nalang ay sumayaw-sayaw ito sa hallway!

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa sa kaniya pero baka kasi mas lalong maging complicated! Paano kung nagbago pala ang isip ni Jazmine noong intrams? Baka gusto na niyang sagutin si Karlo ngayon?

Kasi kung tutuusin, tama din naman ang sinabi ni Karlo. Kung noon, sa club room niya lang ito nakakasama, ngayon ay nakakasabay na sa gym at sa canteen.

May usap-usapan na nga sa mga third year tungkol sa kanilang dalawa pero wala namang confirmation. I doubt Karlo is spreading information about them, knowing how reserved Jazmine is.

In the end, I kept my mouth shut. I don't want to meddle between the two of them anymore. Kung sasagutin siya, eh di mabuti! Kung hindi, better luck next time nalang, Karlo...

Besides, I have other things to worry about!

I was upset about Kuya Cedrick's new girlfriend lately... si Mia. That's right! I won't call her Ate.

Nakakainis ang babaeng yun! Panay ang post ng mga pictures nilang dalawa na para bang pinangangalandakan sa mundo na nobyo na niya si Kuya Cedrick. Gusto ko ngang i-block pero masyado namang halata. Di-ne-lete ko lang ang friend request niya pagkatapos ko siyang i-stalk sa Facebook at nakitang puro mukha lang ni Kuya Cedrick ang naroon kasama siya!

"Don't be such a stranger! You can also call me Ate Mia! You're like Cedrick's little sister!"

Nagngingitngit na ako sa galit dahil sa sinabi niya. Nadatnan ko kasi silang apat nina Kuya Rico, Kuya Cedrick, at isa pang babaeng classmate na may ginagawa sa sala namin. She waved happily at me, oblivious to my raging jealousy.

Ngumiti lang ako at umakyat na. I thought after buying art supplies, I would be able to paint again. But for some reason, I couldn't pick up the paintbrush. Nililibang ko nalang palagi ang sarili sa social media o di kaya'y pagbabasa ng libro.

I was on my bed when my phone beeped. Ibinaba ko muna ang binabasang libro at sinilip kung sino ang nag-chat sa akin.

Karlo Chi Ong
sent a photo

Karlo Chi Ong
ang cute, diba? bibigay ko kay Jazz!

I frowned at the picture of a teddy bear he just sent me. Bakit sa akin niya sini-send 'to? I quickly typed a reply.

Nadia Ronathan Diosanta
it's not bad

Karlo Chi Ong
grabe ka naman sa it's not bad, di mo maamin na cute?

Nadia Ronathan Diosanta
i'm not into teddy bears and stuff, so i don't really appreciate it

Karlo Chi Ong
paka-arte mo, RK. good luck sa magiging manliligaw mo HAHAHAHA

Hindi na ako nag-reply. I stalked Jazmine's Facebook profile again. She posted a picture of the latest book she's reading. Si Karlo na pabida-bida, naroon na naman sa comment section siya.

Karlo Chi Ong: Nice choice! Ganda nyan!

Jazzmine Anne Villucio replied: Thanks, Karlo!

Napailing ako. In-exit ko ang app at ibinalik ang tuon sa binabasang libro. Iniisip ko kung talaga bang binasa na ni Karlo ang libro na yun o ganun lang talaga ang comment niya para magpapansin kay Jazmine?

We got busy with our first quarter exam after the intrams. Sumasama ako sa mga kaklase ko kapag nag-aaral sila para lang maiwasan na makisabay kina Kuya dahil alam kong magkikita na naman ulit kami ni Kuya Cedrick.

Wala namang kasalanan ang lalaki pero naiinis pa rin ako sa kaniya! Siguro sa selos lang 'to, kasi ilang buwan din siyang naging single at malaya akong nakakatingin sa kaniya tapos ngayon biglang may girlfriend!

"May notes ka ba sa Science?"

Napatingin ako kay Santin na bigla nalang akong kinausap. He's been friendly with me kahit na minsan ay nasusungitan ko pa. Buti naman at hindi niya pini-personal ang pagsusungit ko sa kaniya kaya hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin kami.

"Wala, eh."

"Patay tayo d'yan," he chuckled.

I focused on reading and highlighting important keywords in my textbook. Wala munang kahit na anong activities sa club para daw makapag-focus kami sa exam. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Jazmine o si Karlo.

I wonder if he had already given her the teddy bear?

Knowing how she likes those cute stuff, I'm sure she would've loved it. I saw how gentle she is when using the reading journal that Karlo gave to her. Iniingatan niya nang mabuti ang mga bagay na binibigay sa kaniya.

Tumayo muna si Santin at nag-inat-inat. Tinanong niya ako kung may gusto ba ako sa canteen pero umiling lang ako. Some of my classmates left for a bit to buy some drinks while the rest continued to study. Nang makabalik sila, inabutan ako ni Santin ng bottled water.

"Kahit tubig nalang..."

"Uh, thanks."

I took a sip of the water and saw Jazmine walking out of the third year building from the corner of my eye. Mag-isa lang siya at may hawak pang kulay rosas na panyo. When she saw me, she smiled.

Ngumiti lang din ako pabalik at binalikan ang inaaral. We stayed late until Kuya texted me that he's on the way to pick me up. Isa-isa ko nang niligpit ang mga gamit ko at nagpaalam sa mga kasama.

"Bukas ulit, ah?" Si Santin sabay ngiti sa akin.

"Yeah, sure. Salamat sa tubig!"

I walked out of the school. Napagdesisyunan kong sa waiting shed nalang mag-antay. Bumagal lang ang paglalakad ko nang makita ko si Karlo sa labas, nakatayo sa harap ng isawan.

Bukod sa matangkad siya, agaw pansin din dahil dala-dala niya iyong teddy bear na pinicture-an niya at pinakita sa akin. Against my own will, I marched towards him. Kinalabit ko siya dahil nakatalikod pa ito sa akin.

"Oh, RK, ikaw pala!"

My brows raised in suspicion. It's obvious he's faking his tone and I could tell. Bumaba ang tingin ko sa teddy bear na hawak niya. Tiningnan niya rin ito.

He sighed.

"Tama ka, pangit talaga ang teddy bear na'to. Hindi nagustuhan ni Jazmine."

Nagulat ako sa tinuran niya. Me saying that it was ugly is perfectly normal. But coming from Jazmine?

He chuckled humorlessly. "Pinapatigil niya na din ako sa panliligaw."

"Uh, basted?"

He shrugged. "Wala naman siyang sinabi pero parang yun na din."

Hindi ako nakapagsalita. I've already seen it coming. Hindi ko lang alam na ngayon pa talaga, sa kasagsagan ng exam namin.

Inabot sa akin ni Karlo ang teddy bear.

"Gusto mo sa'yo nalang?"

For some reason, I got angry with what he did. Hindi iyong normal na pagkapikon ko sa kaniya. Uminit nalang bigla ang ulo ko at mas lalo pa akong napikon nang bumagal ang sasakyan ni Kuya. The windows rolled down and I saw Kuya Cedrick and Mia inside.

"No, thanks. Hindi ako taga-salo ng salin ng ibang tao, Karlo." I said coldly and walked away.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top