Chapter 13

"What the hell are you doing here?" Kuya mouthed angrily when he got up to take an order for his girlfriend. Nakita kasi ako ni Ate Iris kanina at inalok kung gusto ko ba daw doon nalang sa table nila.

Of course, I refused.

"Akala ko ba sa baba ka?"

"Mas gusto ko dito." Inirapan ko siya. "Hindi ko naman kaayo dinidisturbo, ah?"

"Kahit na! Iris is worried, she wants you to join us! Akala ko ba sa baba ka?!"

Iniwan muna ako saglit ni Kuya para kunin ang isang strawberry smoothie. Kunot pa rin ang noo nito nang lumapit sa akin.

"Hindi ako pwede sa baba."

"At bakit?"

"Basta!"

He sighed tiredly and gestured to their table. "Sige, dun ka nalang sa amin."

"I'd rather go home!"

"Stop acting like a brat, Nadia!"

Parang maiiyak na ako sa pagtatalo namin ni Kuya. Normally, this argument wouldn't faze me but after what I just witnessed downstairs, I'm a big ball of emotional mess.

"Uuwi nalang ako." I said silently.

"Nadia—"

Hindi ko na pinansin si Kuya at dali-daling bumaba. Hindi ako lumingon sa kanan dahil alam kong naroon nakaupo sina Jazmine at Karlo. Mabilis lang ang lakad ko hanggang sa makasalubong ng tricycle sa labas. I immediately went home and locked myself in my room until it's time to go.

I was relieved it all happened just before the Christmas break. At least, ngayon na nasa Cebu ako, hindi ko na gaanong maiisip ang dalawa. Maraming mga pinsan at pamangkin na dapat pagtuonan ng pansin.

"Nadia, may mango float pa dito! Kaunti lang ang kinain mo!" Sita sa akin ni Tita Sabelle, sabay baling kay Mommy. "Nagda-diet ba itong anak mo, Cindy?!"

Tumawa lang si Mommy at hindi man lang ako tinulungan nang abutan ako ni Tita ng platito na may mango float. Pagkatapos ko daw ay kakain ulit ng spaghetti. I faked a smile and went out to the pool side, where my cousins are taking turns jumping into the pool.

I sat on one of the recliner chairs and one of my Titas dumped her toddler on me.

"Pakibantay muna ako, Nads, tutulong ako dun sa kusina."

I groaned when I realized that Stacey is eating ice cream and it's dripping all over my legs! She giggled when she saw me frowning and even offered me the melting cone.

"Ice cweam?"

Umiling lang ako at inabot ang tissue para punasan ang pisngi at bibig niya. Sinamaan ko ng tingin ang mga pinsan ko nang tuksuhin na nila ako pagkakita sa akin na nagbabantay ng bata.

"Nads!" Simoun, one of my elder cousins, walked towards me. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok nito habang pinupunasan ang mukha ng towel. "Buti nakapunta kayo?"

"Kailan ba kami um-absent dito?"

"Last year?" He laughed. "Iyon yung time na—"

"I don't want to talk about it."

He shrugged and reached for my plate. Siya ang kumain sa mango float na dala ko. Simoun and most of my cousins are studying in Cebu. Kaya hindi na rin kataka-taka na sobrang close nila kumpara sa akin.

"Sino 'yan?" Turo ko sa hindi kilalang lalaki na nakaupo sa bandang likuran. He looks so out of place.

"Si Ravi," he chuckled. "Third cousin natin. Hanep, diba? Pati mga third cousin, hinanap pa talaga ni Lola! Gusto ata ng grand reunion!"

"Sayang nga, eh. Pinakilala na sa ating third cousin kaya bawal na akong magka-crush sa kaniya!" Sabat naman ni Ana na nakikinig pala sa usapan namin. She was drying her hair using a towel while looking at Ravi.

I scrunch my face in disgust. "Ew."

"What? He's handsome!" Palaban naman ni Ana sabay baling kay Simoun. "Hindi ba, Simoun?"

Tumawa lang si Simoun. "Mukhang artista."

Napailing nalang ako at hinigpitan ang hawak kay Stacey nang mag-reklamo itong gusto niya nang umalis at maligo sa pool. Of course, she's not allowed! Baka patayin pa ako ng Mommy niya kung may mangyaring masama sa kaniya, 'no!

Kinuha na din ni Tita kalaunan ang anak niya. When I saw Tita Sabelle carrying a plate of spaghetti and looking for me, I immediately went to the pool so I would have an excuse not to eat anything.

Ilang araw nalang ay pasko na. Dinala kaming lahat ni Lola sa Basilica de Santo Nino at Temple of Lea. Kapag kami-kami lang magpinsan, nagpupunta kami sa IT park o di kaya'y sa Mango Square para uminom.

I'm not allowed to drink, but it was still fun to be with them. Ravi is starting to loosen up with us. Maiingay kami dahil marami kaya palaging napapaalis ng mga establishment. Ayun tuloy, palipat-lipat kami ng bar hanggang sa magpasya silang sa bahay na ipagpatuloy ang inuman.

"Nads, walang boyfriend?" Tanong sa akin ni Ana habang naglalakad kami sa kahabaan ng IT park, naghahanap kung saan pwede makakabili ng inumin.

I shook my head. "Wala."

"I thought you transferred to a public school. Eh di may boys na din?"

I chuckled. "Hindi ako nag-transfer dun para mag-boyfriend."

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ang sobrang pagkahilo. I was sure I did not drink even a drop of alcohol! Kumunot ang noo ko habang pumipintig sa sakit ang ulo.

"Nads?" Nag-aalalang tanong ni Ana sa akin. "Shit! Simoun! Darwin! Kuya Rico!"

Tumigil sa paglalakad ang mga pinsan ko nang makita ang sobrang pamumulta ko. Most of them knew about my condition, so no one really forced me to drink. I guess the fatigue and stress of jumping from one bar to another triggered me.

So, instead of buying liquor, they rushed me to the nearest hospital. Kaagad namang nagpunta si Mommy pati na rin ang mga Tita ko. Sa labas pa lang ay rinig na rinig ko nang pinapagalitan ang mga pinsan ko sa labas dahil sa nangyari sa akin.

"It's a bad flare-up," wika ng doktor sabay baling sa akin. "I'll prescribe some anti-inflammatory drugs and corticosteroids. We will also do a urine test. Madalas sa ganitong mga sitwasyon, kidney ang tinatarget..."

His voice trailed off as I went back to sleep. Dalawang araw lang akong nanatili doon at kaagad na na-discharge. When I went back to the house, my cousins were tip-toeing around me. Ni hindi ako pinapasama sa kanila na uminom kahit naroon lang naman sila sa pool.

"Ano bang sinabi ko sa iyo noon?! Walang kwenta yang asawa mo, eh! Hindi ka nakikinig sa akin!"

Natigilan ako nang marinig ang galit na boses ni Tita Sabelle sa kwarto nila Mommy. I wanted to take a rest since I'm not allowed to mingle with my cousins.

"Ate naman..." pagak ang boses ni Mommy.

"Ma, you tell her! Noon pa natin sinasabi na gago ang asawa niya!"

I heard Lola sighed. "May mga anak sila, Sab. Hindi naman pwedeng basta-basta nalang hiwalayan ni Cindy ang asawa niya."

"Eh hindi na magbabago ang ganyang mga lalaki! Once a cheater, always a cheater!"

Pumikit ako nang mariin. Napalingon ako nang maramdaman ang mahinang pagkalabit sa akin ni Stacey. Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang nagpapakarga. I nodded and pulled her up, only to realize that my knees were wobbly.

"Pwede naman kayong lumipat ng mga bata dito sa Cebu! Mas marami pang makakatutok kay Nadia!"

"And what about her treatment, huh? Akala ko ba lilipad na kayo sa US ngayong taon para sa surgery niya?"

I sighed and silently walked down the hallway, carrying my niece with me. Lumabas ako at nagtungo sa pool kung saan sila nagkakasiyahan. Their eyes widened when they saw me.

"Nads! Anong ginagawa mo rito?!"

"Dapat nasa taas ka, nagpapahinga!"

"I'm okay..." I insisted and put Stacey down. Hingal na hingal ako gayong sobrang lapit lang naman ng nilakad namin.

Inabutan ako ni Ravi ng tubig.

"You okay?"

I nodded and took a grateful sip of the water. Naupo ako katabi ng bata at binalingan ang mga pinsan.

"It's fine, I can't sleep upstairs anyway..."

Nagsitanguan naman sila at pinagpatuloy ang inuman. Kuya Rico and other elder cousins have a separate group. They were drinking hard drinks. Binuksan ko ang cellphone. Most of the people are posting their holiday getaways.

Nagtagal ang atensyon ko sa post ng kapatid ni Karlo, si Karylle. They were lined up in front of a big table with their big family, wearing all shades of red as they grinned widely at the camera. Instead of traditional dishes, may peking duck, dim sum, at noodles sa lamesa nila. Ang Christmas tree naman ay puno ng mga hongbao na nakasabit.

"Are you friends with Karylle Chi Ong?"

Napatalon ako sa gulat nang bigla akong kinausap ni Ravi. Nakatitig din siya sa picture na tinititigan ko.

"Not really... her brother..." I trailed off, not knowing how to describe my relationship with Karlo. I cleared my throat. "They're both my schoolmates."

Tumango si Ravi.

"Why? Do you know her?"

"Volleyball player, diba? Pati na rin iyong kambal niya?"

Tumango din ako. He must be sporty, then, if he knows the Chi Ong siblings.

My phone beeped. Celeste is messaging me again.

From Celeste:
Advance Merry Christmas! :)

To: Celeste
Advance Merry Christmas, too!

Nanlaki ang mga mata ni Ravi nang balingan ko siya.

"Y-You know her, too?"

"Sino? Si Celeste?"

Hindi siya nakasagot sa akin. Instead, he reached for his drink and took a huge gulp.

"Are you close with her?" Mahina niyang tanong.

"I guess? Palaging nagti-text sa akin, eh. May crush ata 'to sa akin," I chuckled.

Mas lalong namula ang mukha ni Ravi. "How can you say that? Are you saying she's gay?"

I shrugged and showed him all of her text messages. Napaawang ang bibig ni Ravi sa gulat.

"See? She has a crush on me," I smirked.

Ibinalik ni Ravi sa akin ang cellphone at tahimik na uminom. Mukha na itong miserable ngayon.

"Maybe she's BI?"

"You'd have to ask her. Ang hirap namang mag-assume..."

"Mahirap nga." He groaned.

Pumasok muna kami saglit para kumain ng Noche Buena. Masigla sina Mommy at mga kapatid niya na para bang hindi sila nagtalo sa taas kani-kanina lang.

Pagkatapos kumain, bumalik sila sa labas para ipagpatuloy ang inuman. It's almost 12. I leaned in my chair and gazed at the sky full of stars. It's like the skies are celebrating with us.

My phone beeped again. Muntik ko na itong mahulog nang lumabas ang pfp ni Karlo sa notifications ko.

Karlo Chi Ong:

I know you told me not to talk to you anymore

Hindi mo na kailangang mag-reply pero

Karlo Chi Ong:

Merry Christmas and Advance Happy New Year RK!

Karlo Chi Ong:

ayan, isahan na para hindi ka mabwisit sa akin hahaha

Napangiti ako habang binabasa ang chat niya. Bakit pati boses niya, naririnig ko sa isipan ko? I shook my head. Biglang naghiyawan ang mga pinsan ko sabay takbo kaya napatingin ako. One of my cousins accidentally pushed me and my phone nearly slipped out of my hand.

"Ano ba yan?!" Reklamo ko.

Tinawanan lang ako ng pinsan sabay takbo habang hinahabol naman siya ni Darwin. I looked back at my phone and my eyes widened when I realized that I fucking pressed the call button! And he fucking answered!

Tumatakbo na ngayon ang oras sa screen ko...

My heart thumped as I placed the phone in my ears.

"Hello?" Naririnig ko si Karlo sa kabilang linya.

I pressed my eyes shut, cursing my idiot cousin over and over again!

"Hello, RK? Prank call ba 'to?"

"Karlo," I breathed deeply and glared at my oblivious cousin. "Sorry, napindot ko lang."

He laughed out loud. "Ginagamit ko din yang palusot, RK."

"Eh napindot ko naman talaga?!" Galit kong turan sa kaniya.

He's still laughing. The idiot is still laughing and it was like music to my ears!

"Sige, story mo yan, eh. Syempre, napindot mo lang."

"Ibababa ko na—"

"Wait, wait!"

"What?"

"Wala bang Merry Christmas, Karlo at Advance Happy New Year, d'yan? Kung hindi mo "napindot" ang call button, eh di seen lang ang greeting ko sa'yo?"

I sighed. "Merry Christmas, Karlo, at Advance Happy New Year. Happy?"

He chuckled. "Merry Christmas, RK... Advance Happy New Year din."

We were silent for a moment. Pinapakiramdaman ko lang siya at ganun din siya sa akin.

"Four, three, two, one... Merry Christmas!"

Nagsigawan ang mga pinsan ko. May isa pang nagpasabog ng confetti kaya nag-iyakan ang mga batang maliliit sa sobrang gulat. I glared at him. Kaagad niya namang hinabol ang mga bata para aluin ito.

"Uhm, RK, ibababa ko na 'to. Tumatawag si Jazmine, eh."

Bumalik ang atensyon ko sa cellphone. "Yeah, of course."

He ended the call immediately. I stared at the clock.

12:02 am.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top