Chapter 11
Tumitig lang si Karlo sa akin, hindi makasagot. Hindi ko na rin hinintay ang magiging sagot niya nang mamataan ang kotse ni Kuya sa di kalayuan. I gave him a polite smile and walked away, still carrying my food with me.
Pagpasok ko pa lang ng kotse ay kunot na ang noo ni Kuya at galit na nakatingin sa akin.
"Karlo na naman? Wala ka bang ibang kaibigan?"
"Trust me, ito na ang huling beses na makikita mo akong kasama siya..."
Hindi ako sinagot ni Kuya at pabalang na pinaandar ang kotse. Against my own will, I glanced at Karlo's direction. He was still standing there, unmoving and silent. Bigla akong nakaramdam ng guilt pero inignora ko iyon hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
I picked up another book that night, a non-fiction book this time. I don't want to read fiction books right now because it will just fill my head with fantasies. Nakatulog ako sa pagbabasa ng bagong libro.
"Absent si Sienna?" Tanong ko kaagad kay Santin pagkatapos ng first subject namin. I was waiting for her this morning but she didn't show up. Hindi rin nag-text sa akin.
"Siguro. Itext ko?"
Umiling ako. "Huwag na..."
I'm too scared to appear like a clingy friend to Sienna, but I'm also torn with worry. Is she okay? May sakit ba siya kaya absent?
Mag-isa tuloy akong nakapila sa canteen pagsapit ng lunch. Inaasar-asar pa ako siyempre ng mga lalaki kong kaklase habang nasa linya kami. I ordered my food and looked around. Punuan na ang mga lamesa at wala ni isang mag-isang kumakain ng lunch nila.
"Nadia! Dito ka na!"
Napalingon ako sa boses ni Santin. I've never been relieved to hear his voice until now. Dali-dali akong nagtungo sa table niya at inilapag ang tray ko. May tray din siya sa harapan niya pero kapansin-pansin ang isang strawberry milk smoothie sa kaliwa niya.
"May kasama ka ba—"
"Nadia!"
I froze when I heard Jazmine's voice. Nakangiti niyang nilapag ang tray niya at naupo sa tabi ni Santin.
"Sasabay sa atin si Nadia, ayos lang ba?" Si Santin naman.
"Of course! Sit down, Nadia!" Natatawang wika ni Jazmine.
Alanganin akong ngumiti sa dalawa. It would be so rude of me to just walk away after being here with my tray. I would rather eat my lunch in the corridor alone but here we are...
"Pinag-uusapan namin ni Jazmine ang tungkol sa lakad natin ngayong weekend," ani Santin bago sumubo sa in-order niyang chicken adobo. "Sasama ka, diba?"
"Ah, tatanungin ko pa si Mommy..." palusot ko naman.
"Ang swerte niyo sa president niyo!" Si Jazmine. "Iyong section namin, walang kahit na anong ganap."
"Welcome ka naman pumunta, Jazz..."
My eyes drifted to the entrance when a loud group entered. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makitang si Karlo iyon at ang maiingay niyang kaibigan! He didn't see me at first, but of course, Celeste had to elbow him and point in our direction! An evil smirk appeared on her lips. Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Karlo, on the other hand, seems so shocked to see the two of us sitting together.
Maski ako, nagulat din, eh.
Umabante na ang grupo para um-order. Kahit na ang ingay-ingay ng canteen, dinig na dinig ko pa rin ang mga boses nila! The group sitting near us just finished their lunch, and of course, Ivo had to secure the table for his friends!
"Hoy, gago! Order-an niyo ko!" Rinig ko pang sigaw niya habang hinihila ang silya para makaupo.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ivo. He gave me a polite smile. Tumango lang ako sa kaniya at binalik sa kinakain ang atensiyon ko. Jazmine and Santin are talking about a common friend, and I felt out of place in this table. Binilisan ko nalang ang pag-kain para makaalis na ako rito.
"Jazz! Hi!"
Nanatili akong nakayuko nang marinig ang boses ni Karlo kalaunan. His friends are carrying their food trays towards the table near us. Siyempre madadaanan kami kaya pinansin kaagad ni Karlo ang nililigawan.
"Hi, Karlo." Mahinhin ang boses ni Jazmine pag-sagot sa kaniya.
Karlo cleared his throat. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin. After a few seconds, I heard him talk again.
"Uh, doon kami, eh. See you around, I guess?"
"Yup, see you."
Doon pa ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan na siyang umalis. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa dalawa. Santin is following Karlo with his eyes. Nang makaupo na ito ay binalingan niya si Jazmine.
"Kailan mo sasagutin si Karlo?"
"Huh?"
Tumawa si Santin at inabot ang bote ng tubig niya. "Binigyan mo ng second chance, diba? Eh di sasagutin mo?"
Jazmine bit her lower lip. Napatingin naman siya sa akin kaya mabilis kong ibinaling sa pagkain ko ang tingin.
"Well... he's nice." She drawled lazily.
"Nice?"
"Mabait naman kasi ang tao, eh. I felt so guilty when I once told him to stop courting me."
"Pero pinagpatuloy niya naman, diba? Tapos binigyan mo ng chance?" Pagkaklaro ni Santin.
Jazmine slowly nodded. "I gave him a chance because he deserves it. He's sincere to me, I can feel it..."
Inabot ko ang tubig at sumimsim mula doon. I could feel his stare burning into the back of my head while I'm drinking my water. O siguro si Jazmine ang tinititigan niya ngayon? Nasa iisang table kami, eh.
"Bakit ka nagdadalawang-isip sa kaniya?"
"He has too many female friends," mapaklang tumawa si Jazmine.
Halos mabilaukan ako sa iniinom ko. Napatingin tuloy si Santin sa akin. I smiled at him and wiped my lips.
"Yun lang? Turn off ba sa mga babae kapag masyadong maraming babaeng kaibigan ang lalaki?"
"Para sa akin, oo. Eh sa'yo, Nadia?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong tanungin ng babae. Out of panic, I looked over at Karlo's table. Saglit na nagtama ang mga mata namin pero agad din akong umiwas.
"Uh, it depends..."
Jazmine sighed. "Tingnan mo ang table nila, oh. Isang lalaki lang tapos limang babae sila."
"Kapatid niya yung isa," natatawa namang puna ni Santin.
"Okay, so apat? Marami pa rin!"
Tumango-tango naman si Santin. "I see your point..."
"Pati iyong mga babae sa volleyball club, kaibigan niya rin! May mga kilala din siyang babae sa fourth year pati na rin sa basketball club! For sure, kaibigan niya din lahat ng mga babae sa classroom nila!" Jazmine said in distress.
"Pero palakaibigan naman talaga siya, diba? Big deal ba talaga yun?"
Tumawa lang si Jazmine. I am starting to grow uncomfortable with the flow of the conversation.
"Santin, Jazmine, mauna na ako. Tapos na ako, eh." Paalam ko kaagad pagkatapos ligpitin ang pinagkainan ko.
"Sige, Nadia. Kita nalang tayo sa classroom."
"See you sa club meeting bukas, Nadia!" Masiglang wika ni Jazmine.
I nodded at them and hurried out of the canteen. That was the most stressful lunch I've ever had! Pakiramdam ko ay hindi na ako humihinga habang pinag-uusapan ni Jazmine si Karlo!
Karlo saw me again at the waiting shed later that day, waiting for my brother. Tumingin lang siya sa akin saglit at ibinaling na ang atensiyon sa kausap niyang volleyball player din.
Nakaramdam ako ng kaunting bagabag dahil sa inaakto niya kahit na alam kong ako naman ang may pasimuno nito. But still, a small part of me was expecting that he would still act civil around me and not treat me as invisible...
Shit, what?
I pulled my hair out of frustration. Tuloy, sa Kuya kong masagana ang love life naibuntong ang galit ko. He teased me for not being seen with Karlo today, but I know at the back of his mind, he's happy that I'm not with a boy...
My phone beeped while I was inside the car. It was a text from Celeste.
From: Celeste
nakauwi na u? hahaha
To: Celeste
omw home, why?
Kumunot ang noo ko habang naghihintay ng reply niya pero hindi naman dumating. I shrugged it off and leaned against the window, trying not to think about him.
"Nakakainggit naman!"
"Gusto ko rin ng volleyball player na nagbibigay ng bulaklak just because!"
Natigilan ako sa hamba ng club room namin dahil sa narinig. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang malaking sunflower bouquet na dala-dala ni Jazmine. Her face is so red with all the teasing, but she was fighting a smile from spreading on her lips. Puring-puri si Karlo dahil sa malaking bouquet na ibinigay niya.
Siyempre, mga high school pa kami. To receive a bouquet this expensive is such a big deal to us!
I took a deep breath and stepped inside. Magwawala na talaga ako kung makikita ko pa si Karlo dito sa loob bukod sa bulaklak na ibinigay niya kay Jazmine! Buti naman at dumalang na ang pagbisita niya dito sa club namin kaya nakakahinga pa rin ako nang maayos.
Maging si Tala ay tinukso-tukso din si Jazmine bago pa nag-start ang meeting namin. It's hard to concentrate because the damn flowers are on my face! Sa sobrang laki nito ay inilagay ni Jazmine ang bulaklak sa bakanteng desk at siyempre, sa harapan ko pa! Para akong sinasampal na...
Na ano, Nadia? Subukan mo!
I groaned inwardly. Pakiramdam ko ay mababaliw na ata ako. Sa simula lang naman 'to, diba? For sure, I will get used to seeing the two of them together. Lalo pa ngayo't mukhang sasagutin na talaga ni Jazmine si Karlo dahil sa mga effort nito sa kaniya.
When I got home that day, all I could think about was the sunflowers he gave her. Sobrang naiiyak na ako sa frustration. Bakit ko pa ba kailangang maramdaman ang mga bagay na ito? Hindi ba pwedeng mag-aral nalang ako nang matiwasay? Iyon naman talaga ang pinunta ko si St. Agnes, diba? Bakit nandito ako sa sitwasyon na 'to ngayon?
My phone beeped. Napatingin ako nang makita ang text ni Celeste sa akin.
From: Celeste
bahay ka na?
To: Celeste
what's going on?
i'm starting to think you have a crush on me
From: Celeste
sis, hindi tayo talo hahaha
so, bahay ka na?
To: Celeste
yes, why?
From: Celeste
wala lang :)
Napailing ako at itinago ang cellphone. She's acting weird right now. What the hell is going on?
Maaga akong natulog dahil maaga din ang call time namin kinabukasan. When I asked Mommy if I could join them, I was hoping she would say no. That way, I have an excuse not to go. Pero mukhang tuwang-tuwa pa ito at baka in-assume na din niya na may mga bago na akong kaibigan sa section namin.
Naligo ako at nagbihis habang ka-text si Santin. I wore a pair of denim shorts with frayed hems and a white sheer top. Sa loob ay kulay itim na bikini top sakaling gustuhin kong maligo mamaya para hindi na ako mahirapang magbihis. Nag-apply din ako ng sangkatutak na sunscreen bago lumabas ng bahay.
Santin and some of my classmates were already waiting when I got to our meeting place. Sienna waved happily at me.
"Ang chicks mo!" Biro niya sa akin.
I laughed but I was actually so relieved to see her. Akala ko kasi napano na dahil dalawang araw na absent. Wala pala daw magbabantay sa nakababata niyang kapatid kaya kinailangang um-absent muna.
One by one, our classmates arrived. Dahil iyong bahay nina Santin ang pinakamalapit sa resort, sa kanila din niluto ang mga dadalhin namin mamaya. Nag-ambagan lang kami para sa mga ingredients tapos iyong mama ni Santin ang nagluto para sa amin.
Sa pinakamurang resort kami nagtungo. Katabi lang nito ang iilang mamahaling resort kagaya ng Clean Beach at Flotsam & Jetsam. Naririnig ko pa nga ang iilan kong mga kaklaseng lalaki na pupuslit daw sila sa Flotsam mamaya para makabili ng inumin. I frowned at them.
"Buti naman pumunta ka, Nadia!" Si Agustin, isa sa mga kaklase kong naging ka-close ko pagkatapos ng birthday ni Santin.
"Miss mo na agad ako?" I smirked at him.
Tumawa nang malakas si Agustin. "Hindi, ah!"
"Tangina neto, gusto mo lang manligaw kay Nadia, eh!" Kantiyaw naman ni Crisanto.
"Basted agad," I rolled my eyes.
"Ayoko nga! Gusto kong magka-girlfriend ng sweet, 'no!" Palaban naman ni Agustin.
"Tigil-tigilan niyo nga si Nadia," sumama ang tingin ni Santin sa dalawa pero nagtawanan lang ang mga ito.
Nang makarating kami sa resort, kaagad na kumuha ng cottage si Santin para mailapag at maayos na ang mga pagkaing dala namin. Sienna asked me if I wanted to swim already. Tutok na tutok pa ang araw kaya humindi na muna ako.
"Nadia, bibili ako ng ice. Sama ka?" Alok ni Santin nang makitang mag-isa nalang akong nakaupo habang nag-uunahan ang mga classmate namin sa dagat.
I shrugged and stood to follow him. Lumabas kami sa mismong resort dahil wala na daw silang yelo.
"Huwag mong seryosohin ang mga sinasabi nina Agustin kanina, ah? Baka kasi ma-offend ka o ano..."
I shook my head. "They're just fooling around with me. I guess that means we're friends?" Nakangiti kong tanong sa kanila. "Tumatapang na silang magbiro sa akin, eh."
He laughed. "Siguro..."
Bitbit ni Santin ang dalawang supot ng ice pagbalik namin sa resort. Nang makapasok kami sa entrance, natigilan kaming dalawa sa paglalakad nang makita ang dalawang matatangkad na bulto sa harapan.
"Putangina mo ka, ang laki-laki ng lubak sa daan, hindi mo nakita?!"
"Eh di ikaw ang mag-drive ng motor sa susunod! Gago!"
"Mas maayos pang mag drive si Yari sa iyo!"
I stared at Ivo and Karlo in shock. They were both standing in the lobby, sweating and dirty. Iyong isang manggas ng kulay green na t-shirt ni Ivo ay may putik samantalang si Karlo naman ay marumi din ang suot na shorts. May maliliit na pangos pa silang dalawa.
"Karlo!" Tawag ni Santin sa lalaki.
Bumagal ang paglalakad ko nang lumingon si Karlo sa amin. Ivo frowned even deeper.
"Anong nangyari sa inyo?" Natatawang tanong ni Santin.
"Itong siraulong 'to, pa-drive drive ng motor tapos ihuhulog lang pala ako sa kanal!" Ivo ranted.
Karlo laughed. "Kakausapin namin ang nagbabantay kung pwede ba kaming makiligo muna sa CR nila, magbabayad lang kami..."
Tumawa naman si Santin habang pinagmamasdan ang hitsura nilang dalawa. Kulang nalang ay sakalin ni Ivo ang kaibigan.
Hindi ako gumanti sa ngiti niya. Santin looked like he wanted to chat with them, so I offered to bring the ice back to the cottage.
"Tanginang buhay 'to, ayokong mag-amoy kanal sa bahay nila Raya," narinig kong bulong ni Ivo habang inaamoy ang kili-kili niya sa mismong harapan ko.
I scowled at him. Tumaas lang ang kilay niya at nginisihan ako. Naririnig ko pa siyang nanghihingi ng sabon mula kay Santin dahil ayaw niyang bumili dito.
Napalingon ulit ako kay Karlo nang mapansing tumahimik ito. He gave me a small smile when our gazes met. Tumango lang ako sa kaniya saka umalis na dala-dala ang natutunaw na yelo...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top