30


"5 years late, huh?"


Napapunas kaagad ako sa luha ko nang umupo si Hiro sa tabi ko, bagong ligo ayon sa pang-amoy ko. Napatingin siya sa papel na hawak ko at bumuntong-hininga, inaalala ang naroon. 


"Ngayon ko lang nabasa." Pinunasan ko ulit ang luha ko gamit ang likod ng kamay. 


Hinawakan ni Hiro ang kamay ko para pigilan ako at siya ang nagpunas ng mga luha ko. Titig na titig ako sa kanya ngayon, mas lalo lang siyang minamahal dahil sa mensahe niya sa 'kin noong bumalik siya at wala ako. 


"It's okay. It was never too late." He kissed my forehead to calm me down. 


Hinawakan ko ang kamay niya at sinandal ang ulo sa balikat niya. Nasa tabi ko lang siya pero parang naroon pa rin ang pagkasabik sa 'king makasama siya. Kung pwede lang na ganito kami palagi, bakit hindi diba? Pero marami pa kaming responsibilidad sa mundo, at sa anak namin. 


"Thanks for coming back," mahinang sabi ko.


"I will always come back for you, Ashianna." He squeezed my hand. "And if I don't, just wait for me." 


We stayed like that for a minute before I decided to take a shower. Pagkatapos ko mag-shower at mag-toothbrush ay nagbihis na 'ko ng pajamas saka humiga sa kama, kung saan ko naabutan si Hiro na natutulog na at yakap si Avi. Humiga ako sa kabilang side at yumakap rin sa anak ko bago nakatulog. 


Napasarap ata ang tulog ko dahil pagkagising ko, wala na 'kong katabi. Wala na si Hiro at wala na rin si Avi. Dali-dali akong bumangon at naghilamos bago bumaba kung saan nakita ko si Hiro na nagwawalis, habang si Avi ay tinuturuan magdilig ni Mama sa may bakuran. 


"Wow, may bagong hire pala si Mama na kasambahay," sambit ko kay Hiro pagkababa ng hagdan. 


"Oo, buti nga gising na, eh." Inabot niya sa 'kin ang walis. 


Sinamaan ko siya ng tingin at umaktong ihahampas sa kanya ang lintik na walis na 'yon. He laughed and continued sweeping, habang ako ay dumeretso na sa may kusina, nagulat pa ako na naroon na si Tita dahil wala siya rito kagabi. 


"Nako, may trabaho ako kagabi! Nakakagulat ka, Yanna, at bigla-bigla ka na lang bibisita. May dala ka pang asawa!" pang-aasar niya. 


"Hindi ko asawa, Tita," I corrected.


"Sus! Doon din papunta 'yon!" Tumawa si Tita. 


Napailing ako at tumulong sa paghain ng mga plato. Mayamaya, may bata nang humahatak sa shirt ko dahil sa gutom.


"Malapit na, anak." Hinaplos ko ang buhok niya. 


"Okay, Mommy," mahinang sabi niya at nanguna nang umupo roon sa dining kahit wala pa namang pagkain doon. 


"Nako, Hiro, salamat, ha!" sabi ni Mama at kinuha ang walis. 


"Okay lang po. Hobby ko po talaga ang pagwawalis," plastik na sabi ni Hiro.


Malakas akong tumawa nang marinig 'yon kaya masama akong tiningnan ni Hiro. Tinikom ko ang bibig ko at tumabi kay Avi para kulitin siya, pero mas natahimik ata ako nang lumapit si Hiro at yumuko sa gilid ko para bulungan ako. 


"I hope you can still laugh the moment you remember what we did in your kitchen." I could feel his smirk. 


Namula ang pisngi ko at tahimik na nagsalin ng tubig sa may baso. Napainom tuloy ako dahil nailang sa presensya nina Mama! Ni hindi nila alam na may ginawa kaming kababalaghan ni Hiro sa countertop na 'yon. Ni hindi rin alam ni Avrielle na roon siya nagawa! 


Akala ko pagkain lang ang nagagawa sa kusina. Pati pala bata. 


"Oh, Avrielle, eat the vegetables," sabi ko kaagad nang maghain si Tita ng pagkain. 


"Mommy," reklamo niya kaagad, hindi pa nga nalalagyan ang plato niya. 


"Avi, you need to eat the vegetables. It will keep you healthy," malambing na sabi naman ni Hiro sa kanya habang nilalagyan ang plato. 


"Okay," Avi said in a small voice, but still pouting. 


"Aba, ang dali pumayag, ah." Ako na ang nagreklamo. May favoritism na rito! Nakakahalata ako! 


"Sorry, ako na ang ilalagay niya sa emergency contact niya sa school," pagyayabang ni Hiro sa 'kin. 


"Okay lang. Ikaw din ang aattend ng parents assembly." Umirap ako. 


"Ako ang aakyat sa stage." Hindi siya nagpatalo. 


"Ikaw ang nagluwal?" Tumaas ang kilay ko.


"Okay, baby. You win." Hiro held both of his hands up.


"Asus! Para kayong mga bata! Kumain na nga kayo!" singit ni Mama nang marinig ang pagtatalo namin ni Hiro. "Hindi pa mag-asawa ay nagtatalo na!" 


Kumain na lang tuloy kami. Pagkatapos ay nag-ayos na ulit ng gamit at naligo para bumalik na ng Manila dahil may flight pa si Hiro. Dumaan muna kami sa condo niya para makapagbihis siya ng uniform niya. 


"Do you have a flight tomorrow?" Hiro asked while buttoning his uniform. 


"Yes, to Qatar." Scheduled na 'yon bago pa kami mag-usap ni Hiro tungkol kay Avrielle kaya hindi ko pwedeng i-cancel 'yon. 


"How about Avi?" 


"Iiwan ko muna siya kay Sam," gaya ng dati. 


Umupo ako sa kama, pinapanood siyang magbihis ng uniform niya. I pouted, not wanting to let him go, but he needed to. Maraming pasahero ang naghihintay sa kanya. Masyado lang akong nagiging clingy ngayon. 


Nang makita niya ang hitsura ko ay lumapit siya at huminto sa tapat ko. He leaned forward and cupped my chin, smiling. 


"Are you sad?" he asked. 


"I miss you," pag-amin ko. 


He chuckled and leaned to give me a long kiss. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko. Nang bitawan niya 'ko ay tumingin siya sa mga mata ko. 


"When I come back, I'll marry you," he whispered. 


Napatitig ako sa kanya, nagtataka kung mali ba ang narinig ko. 


"I want to marry you," ulit niya, mas malinaw na ngayon. 


"Nagpo-propose ka ba ngayon sa 'kin?" nagtatakang tanong ko. 


"Well." He chuckled. "Not yet. I think we should talk about it first before I propose. Do you want to be married to me, Yanna?" 


Tumingin ako sa taas, umaaktong nag-iisip nang matagal para maasar siya but he was so patient. Hinintay niya talaga ang sagot ko habang nakatitig sa 'kin. 


"Depende sa hitsura ng singsing," I joked. 


"I'm going to Dubai so I could buy you a ring, babe." The side of his lips rose up. 


Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at marahang hinalikan siya sa labi, ang isang kamay ay nakahawak sa pisngi niya. He smiled through the kiss and moved his lips a bit. 


"I can't wait." I smiled at him. 


"Ah, I don't want to go now." 


Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako kaya bumagsak kami sa kama. Tumawa ako at sinubukang itulak siyang nasa taas ko dahil mabigat at baka malukot pa ang uniform niya. He looked hot in those. 


"Sige na. Baka ma-late ka pa." Tinapik ko ang likod niya habang nakayakap siya sa 'kin at nakabaon ang mukha sa leeg ko. 


"5 minutes," he whispered and hugged me tighter. 


Tumawa ako at niyakap siya pabalik. Mabuti na lang at nasa living room si Avrielle, nanonood ng cartoons, kaya pwede kaming magharutan dito sa kwarto. 


"Tapos na ang 5 minutes." Tinulak ko ulit siya. 


"More..." He hugged me again and kissed my neck. 


I laughed and pushed him again. Baka mag quickie na kami rito kapag hindi pa siya tumigil sa kakayakap sa 'kin. He sighed and stood up, pulling me with him. 


Lumabas na kami ng kwarto at binuhat niya si Avrielle para mahatid namin siya sa headquarters. "Where are you going, Daddy?" curious na tanong ni Avi nang nasa sasakyan na kami. 


"Dubai." Hiro smiled while driving. 


"Where's Dubai? Is it far?" inosenteng tanong ulit ni Avrielle.


"Yes, it might take a lot of hours before I can video call, Avi," pagpapaliwanag ni Hiro. 


"Avi will wait..." Ngumiti ang anak ko. 


Tahimik lang ako sa sasakyan, iniisip kung ano ba ang gagawin ko pagkaalis niya dahil maiiwan na naman kami ni Avi. Naisip kong magkita-kita kami nina Sam saglit para kumain or mag-bonding ganoon, kaso hindi ko alam kung saan iiwan si Avi.


"Pwede ko bang i-invite sila Sam sa condo mo? We'll just hang out," paalam ko kay Hiro.


"Do what you want, babe." He held my hand for a moment to assure me. "It's our condo now."


Nilabas ko ang phone ko at nag-chat na sa group chat tungkol sa aya ko mamayang gabi. May mga trabaho kasi kaya kailangan mamayang gabi pa kami magkikita. 


Yanna: Mamaya, condo ni Hiro. 7 PM. 


Samantha: What is this? Orgy? 


Via: HAHAHAHAHAHA gaga 


Kierra: anong meron sa 'condo ni hiro'? Info please. 


Luna: Bragging lang siya na may sex siya sa condo mamayang 7 PM. 


Yanna: Bobo pag ako, sex agad? Kain tayo! I'll order food for us. Hang out lang.


Luna: Ok so englishera ka na? 


Via: Si Yanna lang 'yan


Yanna: Puta, sumagot kayo kung pupunta! 


Samantha: Wtf may schedule ako mamayang gabi I'm very very busy tonight babe I'm sorry I'm on my way na anong dadalhin cake ba or pizza


Kierra: G lang


Via: G lang


Luna: G lang kung may pogi


Yanna: Luna, hindi invited si Kalix. Pasensya ka na, ha, at mukhang nalungkot ka pa.


Via: #bawalmagmura


Luna: Yanna sana kapag makati likod mo hindi mo maabot 


Tumawa ako habang nagta-type kaya napasulyap si Hiro sa 'kin. Ngumiti lang ako sa kanya at pinakitang kausap ko ang malalandi kong kaibigan. 


Samantha: Kierra, bakit ka tahimik 


Kierra: Ulol n'yo


Luna: Shana all 


Kierra added Kalix Martinez to the group.


Malakas akong tumawa kaya napasulyap ulit si Hiro sa 'kin. Kierra just changed her nickname to that para kapag nakikita ni Luna sa inbox ay kabahan siya. 


Luna: GAGO KA KE KINABAHAN AKO SLIGHT 


Napatigil ako sa pagtingin sa phone ko nang makitang malapit na kami. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay bumaba na kami, kasama si Avi, para ihatid si Hiro hanggang sa loob. Hindi pwede si Avi pero kasama naman namin si Hiro. 


"Yanna!" Nagulat ako nang makasalubong si Bri. "Good afternoon, Cap!" 


"May flight ka?" tanong ko sa kanya. 


"Yes, kasama ako sa flight ni Captain Gonzales. Same with Captain Juarez!" nakangiting sabi niya sa 'kin at kumaway kay Avi. 


"Oh, co-pilot ka lang ngayon?" tanong ko kay Hiro. Tumango naman siya sa akin. 


Hinatak ni Hiro ang maliit na maleta at naglakad papunta sa crew niya para makinig na sa safety briefing. Nanatili kami sa gilid ni Avrielle, hinihintay matapos para makapagpaalam na kami nang maayos sa kanya. 


"Daddy!" Avi called when he saw them dispersing. 


Iniwan ni Hiro ang maleta roon at naglakad palapit sa 'min in his uniform. He bent down so he could be on the same level as Avrielle. 


"You're leaving now?" Avrielle pouted. 


"Yes, I'll be back in two days." Hiro pinched her cheek. 


"I will miss you..." Malapit nang umiyak si Avi.


Napabuntong-hininga si Hiro at tumingin sa palapulsuhan. Napatingin din ako roon nang tanggalin niya ang airplane bracelet na binigay ko at kinuha ang palapulsuhan ni Avrielle para isuot 'yon doon. Medyo maluwag nga lang. 


"I'll be back, okay?" He kissed Avi on her forehead.


Umayos siya ng tayo at tiningnan ako. I smiled at him and went in for a warm hug. Para namang ang tagal niyang mawawala. Hindi lang ako sanay dahil magkasama kami for the past few days. 


"Safe skies," I whispered on him.


He smiled and leaned for a soft kiss. "I love you," he whispered before letting me go. "Take care."


"Sige na, nandyan na 'yong service n'yo." I pushed him playfully.


He kissed me on my forehead before walking away with the crew, pulling his small luggage. He waved once more before he went out. 


"Let's go, anak." Hinawakan ko ang kamay ni Avi at naglakad na papuntang kotse. 


Pagkarating namin sa condo ay naglinis na kaagad ako at nag-order ng pagkain para sa aming lima. Si Avrielle ay dumeretso sa kama ni Hiro para umidlip saglit dahil nga hindi nakatulog nang maayos kanina habang nasa byahe. 


Unang-unang dumating si Samantha na may dala pang wine. Guguluhin sana niya si Avi pero tulog kaya tumulong na lang siya sa 'kin mag-ayos ng pagkain sa may dining. Sunod dumating si Via, at sabay dumating si Luna at Kierra na kagagaling lang sa trabaho. 


"Sana kasi pinapakilala mo muna sa 'min in person ang piloto mo, 'di ba?" sambit ni Via.


"Wala, may flight," maikling sagot ko sabay kagat sa pizza. "Sana pinapakilala mo muna sa 'min-


"Shut up..." Via cut me off. "Para namang hindi n'yo kilala."


"Well, yeah. Everyone knows him," singit ni Sam.


Ngumisi ako at hindi na nagsalita dahil baka mabato na 'ko rito. Ako ang pinakamagaling mamikon sa kanilang lahat kaya palaging ako ang nadedehado! Nananakit pa! 


"Blooming ka nga ngayon, Yanna! Dilig na dilig, ah?" Ngumisi si Luna. 


"Oo, something you can't do," barumbadong sagot ko. 


We watched a romance movie while eating, which made Sam and Luna cry because they were both cry babies. Sa simpleng ganoon lang ay iyak nang iyak! Nagkakatuluyan din naman sa dulo, eh! 


"Kailan bachelorette party mo?" tanong ni Kierra sa 'kin.


"Wala ngang engagement, bachelorette kaagad?!" Inambahan ko siya ng sapak. 


"Let's not talk about engagements, please..." Sam rolled her eyes. 


Napangisi ako sabay inom ng wine sa baso, hindi na lang nagsalita tungkol doon. Pinipigilan ko na lang talaga ang sarili kong magsalita sa mga bagay na dapat hindi ako nakikialam dahil hindi rin naman nila 'ko pinakialaman sa mga desisyon ko sa buhay. 


We didn't drink that much dahil may trabaho pa sila bukas at tsaka nasa kwarto lang si Avrielle. Baka lumabas siya at makitang lasing ang mga Tita niya rito. Bad influence! 


"Bebe ko!" Napatingin kaagad ako sa hallway nang kumaway si Kierra. 


"Tita!" Tumakbo kaagad si Avrielle palapit sa mga Tita niya at yumakap. 


Tinulak ko palayo sa 'kin sa table ang iniinom kong wine para hindi makita ni Avrielle. Agad binuhat ni Luna sa sofa si Avi at kinandong. 


"Do you still remember what I taught you?" Hinaplos ni Luna ang buhok niya. 


"Ano 'yan?" naguguluhang tanong ko.


"Come on, baby. Sing it to your Mommy," excited na sabi ni Luna. 


Tumingin sa taas si Avi, inaalala ang kung ano mang tinuro sa kanya ng tropa ko. Nagsalin muna ako ng tubig sa baso at ininom habang naghihintay. 


"Bakit Papa... Binawi mo pa..." Avi sang. 


Nasamid ako bigla sa iniinom ko at habang umuubo, madali akong tumayo at hinatak ang buhok ni Luna. Tumatawang tumayo ang gaga at hinampas ang kamay ko para mabitawan ko ang buhok niya. 


"Puking ina ka talaga!" Hinatak ko pa ang buhok niya pabalik. Naka ponytail pa naman. 


"Aray ko! Bakit? Ayaw mo ba? Si Avi ang susunod na sexbomb." Malakas siyang tumawa. 


"Oo! Isasali ko 'yong anak mong babae kapag nagkaanak ka!" Binitawan ko siya.


"Mommy, bad..." Avi pouted. 


"Hay nako, tingnan n'yo nga pinapakita niyo sa bata." Tinakpan ni Via ang mata ni Avrielle para hindi niya kami mapanood na mag bardagulan nitong si Luna. 


"Avi, who's your favorite Tita?" tanong ni Sam nang bumalik na kami sa pwesto.


"Unfair!" reklamo kaagad ni Kierra. 


"Tita-Ninang!" Tinuro ni Avi si Samantha. 


Tumawa si Sam at niyakap si Avrielle habang ang iba ay nakasimangot dahil hindi napili. Unfair nga naman dahil si Sam ang palaging kasama ni Avi! 


"But I love Titas," bawi ni Avi. 


"Yanna, mag-anak ka pa nga nang marami para mapili naman ako." Tumawa si Luna. 


"Pinipili ka naman kasi, eh.. Dalawa nga lang kayo." Malakas akong tumawa para maasar siya. 


Pinatulog ko na ulit si Avrielle pagkatapos noon at pagkabalik ko, marami nang alak na binili sina Kierra. Naglasing ang mga kaibigan ko kaya napaaga ang uwi. Si Sam ay dito na natulog dahil hindi na raw niya kayang umuwi pa. 


Natulog na rin ako sa tabi ni Avrielle sa kama ni Hiro pagkatapos kong mag-shower. Nagising bigla si Avi at lumapit sa 'kin para isandal ang ulo sa dibdib ko. 


"Daddy?" she asked, sleepy. 


"Daddy is still on his way to Dubai, anak." Hinaplos ko ang buhok niya para mas madali siyang makatulog. 


"Will he come back?" She looked up on me with her innocent eyes. Tumango naman ako sa kanya. "When?" 


"In 2 days, anak. Here, look at this." Kinuha ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang mapa ng mundo. "We're here..." I pointed at the Philippines. 


"We are?" curious na tanong niya ulit. 


"And then, Daddy will drive all the way here..." I traced the map until my finger stopped at Dubai. "It will take 9 hours for Daddy to go there." 


"I also want to drive there, Mommy." Mukhang determinado na siyang maging piloto.


"Yes, Avi, but you still need to grow up before you can become like Daddy," malambing na pagpapaliwanag ko. "Daddy and I will support you in whatever you want to do in the future." 


"I love you, Mommy," she whispered before dozing off to sleep. 


"I love you..." I kissed her forehead. 


Binuksan ko ang Instagram ko para mag-scroll saglit hanggang sa maisipan kong tingnan ang profile ni Hiro. It warmed my heart to see his bio. 


@akihiro

Pilot-Engineer. Father. 


His profile picture was our family picture. Nakita ko pa ang isang post niya. Mukha lang ni Avrielle ang naroon, nakangiti at nakasuot ng minnie mouse headband. Ang dalawang kamay ay nakahawak sa mukha at nakangiti sa camera. Ang susunod na picture ay tumatawa at ang susunod ay nakanguso. I smiled by myself, admiring her.  


akihiro: I love you. 


Sa susunod na post ay ako naman. It was a selfie of us. Nakahalik ako sa pisngi niya at nakatingin sa camera habang siya ay nakaakbay sa 'kin. Hawak ko pa ang kamay niya. 


akihiro: And you. 


Binaba ko muna ang phone ko at tumayo para magtimpla ng gatas dahil kahit anong kalma ng puso ko, hindi pa rin ako makatulog. I looked at the time. Malapit nang mag 2 AM. 


"Can't sleep?"


Napalingon ako kay Sam na nakasandal na sa may breakfast table at pinapanood akong magtimpla ng gatas. 


"Oo, hintayin ko na lang ang text ni Hiro. Pa-landing na 'yon." Chineck ko ulit ang phone ko pero wala pa. 


"Tulog na si Avi?" tanong niya. 


"Yes." Lumapit ako sa kanya at nilapag ang gatas sa breakfast table. Umupo ako roon at napansin ang itsura niya. "Ikaw? Kumusta ka?" 


"I'm fine." She smiled at me. 


Samantha had always been like this. She never liked bothering other people with her problems, kaya minsan ay wala akong kaalam-alam na may pinagdadaanan na pala siya. Malaki lalo ang problema niya sa pamilya niya. 


"Anyway, I'll take care of Avi tomorrow right? May flight ka," she changed the topic.


"Sam..." I held her hand and squeezed it a little. "Thank you." She smiled back at me and laughed a bit. 


Sam was always there for me, before my pregnancy, during, and even after. I could not ask for more. Naisip ko lang na baka hindi pa 'ko nakakapagpasalamat sa kanya nang lubos sa lahat ng ginawa niya para sa 'min ni Avi. Parang siya na nga ang tumayong tatay ni Avi, eh. Napakarami niyang nagawa at nasakripisyo para sa amin. 


"Oh come on, it's nothing..." She shook her head. 


"Wala lang. Thank you." I tried to make light of the situation. "Hindi ko alam kung paano ko mababalik lahat ng ginawa mo para sa 'kin." 


"Just be happy..." She smiled sweetly. "That's all I want." 


Iyon lang din ang hiling ko sa kanya. Sana maging masaya siya at ang iba pa naming mga kaibigan. Sana maging masaya sina Luna, Kierra, at Via. They were there for me, and so I will be there for them whatever happens. 


Kinuha ko na ang baso ng gatas nang maubos ko at tumalikod na habang nagii-scroll sa news feed ko. 


 "Oh my god!" Napasigaw si Sam nang mabitawan ko bigla ang baso at nabasag 'yon sa sahig. 


I stopped walking and stared at the latest news headline I just read. Sumikip ang dibdib ko at parang nahilo, nabingi, sa paligid ko. 


"Sam..." I called. 


Nanghina ang tuhod ko at napakapit sa countertop upang hindi ako bumagsak. Nagmamadaling pumunta sa 'kin si Sam at kinuha ang phone ko para tingnan ang nakalagay roon. 


Paulit-ulit kong nakikita ang litrato roon ng eroplano sa utak ko. It was on fire, thick smoke coming from the engine, cockpit wrecked on the runway, including the wings. 


'FlyAsia Flight FR658 crash-lands at Dubai Airport' 


"Hiro," I whispered. 

________________________________________________________________________________

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top