25


"Cap, Yanna, nandyan na 'yong service."


Lumingon ako kay Kyla at inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Hiro. Hindi niya inalis ang tingin sa 'kin at saglit pang nanatili sa kinatatayuan niya habang ako ay naglalakad na palabas ng airport.


Tumabi ako kay Kyla sa likod, kabado, at gusto nang maiyak. Sumunod si Hiro at sumakay roon sa harapan, malayo sa 'kin. Hindi ako makatingin sa kanya at tahimik lang siya buong byahe papuntang hotel. 


Parang gusto kong bumagal muna ang oras para makapaghanda sa lahat ng sasabihin ko kay Hiro. I owed him a lot. An apology, an explanation, the truth. Hindi ko napaghandaan 'to sa tagal kong pinagpaplanuhan na sabihin sa kanya.


Siguro nga kahit kailan, hindi ako magiging handa. Wala pala talagang right timing. Lahat ng 'yom, ginagawa ko lang sa utak ko para magbigay ng dahilan sa sarili na huwag sabihin. Gusto ko lang talagang patagalin. 


"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kyla sa 'kin nang mapansin ang hitsura ko. 


Tumango ako at hindi nagsalita. Nang huminto ang van sa tapat ng hotel ay parang ayaw kong bumaba. Alam kong hindi papalagpasin ni Hiro ang araw na 'to nang hindi ako nakakausap. Hindi siya tanga. Alam kong may namumuo nang impormasyon sa utak niya dahil sa sinabi ng anak ko. 


Ka-roommate ko si Kyla at katabi ng kwarto namin ang kina Hiro. Pagkapasok namin sa hotel room namin ay sumunod si Hiro. Nagulat si Kyla at tumingin sa kanya, hindi pa nabababa ang mga gamit. 


"Cap!" gulat na sabi ni Kyla. 


"U-uh, Kyla..." Lumingon ako sa kanya. "Mag-uusap lang kami." 


Pinabalik-balik niya ang tingin sa 'min ni Hiro bago siya tumango at dahan-dahang lumabas ng hotel room. Binitawan ko ang maleta ko at nilagay sa gilid, umaaktong abala sa pag-aayos ng gamit. Hindi ko pa nga natatanggal ang heels ko. 


"Could you please stop doing that?" narinig ko ang galit na boses ni Hiro.


Dahan-dahan kong binitawan ang bag ko at huminga nang malalim bago lumingon sa kanya. Matapang ko siyang hinarap, ngunit nanghina rin nang makita ko sa mga mata niya ang galit, pagtataka, at kalungkutan. 


"Tanungin mo na 'ko." I tried not to stutter. I was ready... or I was just pretending to be all along. Heto na 'yon, eh. Ito na ang pagkakataon kong aminin sa kanya lahat pagkatapos kong itago nang ilang taon. Paniguradong marami siyang gustong sabihin. Ako rin naman. 


Matagal niya 'kong tinitigan at kinuyom ang nanginginig na kamao. I knew he was trying to fight the sudden burst of extreme emotions that he had inside him. I bit my lower lip and stared at him with fearful eyes. 


"Is she my child?" nahihirapang tanong niya sa akin. His eyes were hopeful that I would say yes. 


Parang may kumirot sa dibdib ko at nahirapan akong huminga. I looked away, trying to stop myself from crying with that one question. Hiro's eyes shined with tears too as he waited for me to talk. I knew he was on the verge of crying and breaking down. 


"Yes," I whispered. 


He let out a heavy sigh and looked away, holding onto the wall to support his weight. Nakatulala siya ngayon, iniisip ang lahat habang nanatili akong nakatayo malayo sa kanya. Binagsak niya ang sarili at naupo sa kama nang manlambot ang tuhod niya sa nalaman. I started crying when I saw the tears streaming down his face. 


"Why..." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya.


"I'm sorry." I tried to wipe my tears away. My first apology... but I knew it was not enough. Alam kong kailangan niyang malaman. 


Sinandal niya ang dalawang siko sa binti at napatakip na lang sa mukha, mabigat na ang paghinga. Para akong sinasaksak sa dibdib habang pinapakinggan ang patuloy na pag-iyak niya. Sunod-sunod na ring tumulo ang luha ko. 


"How can you..." His voice broke. "How can you do this to me... Fuck..." 


Tahimik akong lumuha, halos wala nang makita sa paligid ko. Mabigat ang paghinga niya at nakayuko na lang, nakatingin sa sahig at nag-iisip nang malalim. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula para ipaalam sa kanya. 


"I'm sorry..." Wala na 'kong masabi kung hindi iyon. Malaking kasalanan ang itago sa kanya ang sarili niyang anak... na umalis siya nang walang alam man lang. 


"Tangina, Yanna... Anak ko 'yon, eh..." He cried more. 


I bit my lower lip, almost tasting the tears coming from my eyes. Pinunasan ko ulit 'yon ngunit hindi sila tumigil sa pagtulo. My chest hurt a lot. Pakiramdam ko ay mamamatay na 'ko sa bigat ng dibdib ko. He was crying so hard in front of me that I already got worried. 


"All this time, I..." Umiling siya, lumuluha at hindi na matuloy ang sasabihin. Alam kong maraming tumatakbo sa isipan niya. "Almost five years, Yanna." He looked at me with so much regret. "Almost 5 years. How can you not tell me about it? I was with you for the past weeks! We were alone for countless times! How can you not tell me about her?!" 


"I wasn't ready..." I cried. It was just an excuse. I could never be ready about this. Not ever. 


"And when will you be?!" 


Mas lumakas ang iyak ko dahil sa sinabi niya. I felt so much guilt for hiding my daughter. Hindi lang ako may kasalanan kay Hiro, kung hindi pati na rin sa anak ko. She wanted to meet him so bad. She wanted to beg for his love. Hindi ko hinayaan lahat ng 'yon. I even lied to her countless times. 


At kung hindi pa kami nagkita ulit ni Hiro, hindi ko na sana talaga ipapaalam. I was prolonging my agony. Pinagkaitan ko ang anak ko ng pagmamahal ng isang ama... pero masisisi ba nila ako? Back then... Hiro strongly said that he didn't want a child. I was scared. I feared that he would abandon me and my child. It would hurt more than not tell him. 


I played safe. Ayaw kong masaktan sa posibleng magiging reaksyon niya kaya pinili ko na lang itago. 


"I was scared..." Napatakip ako sa mukha ko. "Na baka hindi mo siya magustuhan."


"That's my child! How heartless do you think I am?!" 


Kinuyom ko ang kamao ko at matalim siyang tiningnan. Hindi ba siya naman ang nagsabi na ayaw niya? At... ginawa ko 'yon para sa kanya. I sacrificed my love for him... so he can chase his dreams without worrying about a child. Without worrying about me. 


"You told me... that you didn't want a child back then. Tinanong kita ulit noong pinagbubuntis ko si Avrielle. Ang sabi mo ay hindi nagbago ang isip mo." Halos hindi na ako makahinga kakaiyak habang inaalala ang mga panahong ginusto kong sabihin sa kanya... If only his answer was different. 


"It was not in my plans, Yanna... I told you that it was not... But if it was with you, I was always ready to risk. Fuck, I could have risked everything I had. I could have sacrificed for us too. You did not have to carry all the burden... Because I... I would have also loved the child... and give her all I had. Kahit maubos ako, Yanna... That's my daughter..." Iyak siya nang iyak sa harapan ko, iniisip si Avrielle. 


"Tinago ko, Hiro... pero ginawa ko naman 'yon para sa 'yo, eh. 'Yon ang nakita kong tama noon. Bakit? Kung sinabi ko bang nabuntis mo 'ko, nandiyan ka pa rin ba sa posisyon mo ngayon?" nanghihinang tanong ko sa kanya habang umiiyak. 


"I can still become a pilot while providing for my daughter, Yanna!" 


"And was that your original dream?! Simula pa lang, alam mo na sa sarili mo na aalis ka! Aalis ka para mag-aral sa pangarap mong flying school sa Florida. 'Yon ang plano mo, 'di ba? At putang ina, may sakit 'yong tatay mo, pero ano? Mananatili ka rito para saan?!" 


I stopped for a bit when he looked at me. The madness in his eyes was replaced by sadness and regret. The change in his emotions told me that I said something I shouldn't have. 


"Hindi pa ba sapat na mahal kita para manatili ako?" Tumulo muli ang luha niya. 


Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Humawak ako sa dibdib ko, dinadama lahat ng sakit doon nang maalala kung paano ko siya pinakawalan noon. I didn't have the chance to tell him that I loved him. 


"You were my only reason to stay, but you pushed me away," he whispered, crying. 


"Because I had to," nahihirapang sabi ko. "Lahat ng 'yon, ginawa ko para sa 'yo..."


"At anong kapalit?" He looked at me. 


Marami. Maraming naging kapalit. Hindi lang sa parte niya, kung hindi pati na rin sa parte ko. Naghirap ako mag-isa. Kinaya ko lahat nang mag-isa. Siya, hindi niya nakasama ang anak niya. Siya, ninakawan ng katotohanan. Ang dami kong pinagsisisihan, pero hindi kasama roon ang paalisin siya... ang pakawalan siya. Dahil kung hindi, wala siya ngayon sa harapan ko. 


"Akala mo ba ginusto ko 'yon, Hiro?" Mas bumigat lang ang pag-iyak ko. "Ilang beses kong hiniling... na sana naroon ka sa tabi ko. Hanggang sa pagkapanganak ko kay Avrielle, pangalan mo ang tinatawag ko. Hirap na hirap ako at umiiyak gabi-gabi... dahil gustong-gusto kitang makasama. I wanted to share the pain and happiness with you... Ginusto ko bang mahirapan mag-isa? Sa tingin mo ba naging madali para sa akin ang palakihin si Avrielle mag-isa?" 


He went silent for a moment after I talked. Then, he sighed and covered his face again, crying more. "I'm sorry I wasn't there... I'm sorry..." paulit-ulit na sabi niya. "You... did well." 


We stayed silent for a minute, trying to calm ourselves. Dahan-dahan akong umupo sa kabilang kama, nakatingin lang sa harapan at mabigat ang paghinga. He played with his hands for a bit, letting out a heavy sigh. 


"What's her full name?" mahinang tanong niya sa akin. 


"Avrielle Haven," nakayukong sagot ko. "Avi." 


"Avi..." he repeated, getting emotional again. "Fuck... Avi... The name of my child." 


"Yes... She's a nice kid. She's smart and brave too..." I described our daughter. "She's not demanding but she can get a little clingy whenever I'm leaving." 


"What else?" He looked at me, curious now. Parang gustong-gusto niyang malaman lahat. Anak niya rin naman 'yon kaya hindi ko siya pinagkaitan ng impormasyon. 


"She still drinks milk every night. She doesn't like vegetables, except lettuce. Her favorite fruit is apple... She also likes watching Disney movies."


"Rapunzel?" Hiro asked. Tumango ako. "Tell me more," he urged. 


"She's four. Her favorite color is pink and her favorite animal is a unicorn. Please don't tell her unicorns aren't real. She doesn't know that. And she also believes in Santa." I sighed. 


"And?" Hiro looked like he really wanted to know everything. 


Nag-isip pa 'ko. "She likes Frozen. She also likes Beauty and the Beast. She likes singing, but not that good at it. She's jolly. She smiles a lot, laughs a lot, lalo na kapag nakakain ng chocolates. She also like dogs, and she's scared of insects. She likes stuff toys. Niyayakap niya kapag wala ako, iniisip niyang ako 'yon." 


Hiro looked like he was hurt, iniisip kung gaano kalungkot para kay Avrielle ang matulog nang wala ako palagi. 


"Avi has a lot of questions. She's a curious kid because she's smart. She's very very innocent. She also likes anything that is colorful like candies. She likes gummy bears, and also, it was her first time in a plane. Ngayon lang siya nakaalis ng bansa," pag-amin ko. 


"How was she?" He looked at me, concerned. "Was she alright? Riding the plane?" 


"Ninenerbyos siya kapag take-off at landing, pero kapag nakikita niya 'ko, kumakalma siya. During the flight, she's fine. Nanood lang siya ng cartoons at natulog nang kaunti. Kapag magsi-C.R, tinatawag ako gamit 'yong flight attendant call button." I laughed when I realized how cute she was. 


"Does she ask for me?" He was hopeful.


"Of course," sagot ko. He looked relieved. "Madalas ka niyang tinatanong sa 'kin noon at sinasabi kong ipapakilala ko siya kapag malaki na siya. Mas madalas ka na niyang tinatanong ngayon dahil pinangako ko sa kanyang kakausapin kita. Gustong-gusto ka na niya makilala." 


"Where is she?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. 


Hindi ako sumagot pero tumayo rin at kinuha ang hotel card bago lumabas. Sumunod siya sa 'kin hanggang sa makarating sa elevator.


"She's... very transparent." I sighed. "Baka magulat siya. Hindi ko siya sinabihang nandito ka dahil hindi naman ako handa. Kapag umiyak siya, bigyan mo lang siya ng oras para tanggapin lahat." 


Tumango lang si Hiro at hindi nagsalita, mukhang kinakabahan. Nang bumukas ang elevator, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bawat hakbang ko papunta sa hotel room nila ay parang pabilis nang pabilis 'yon. 


Kabadong-kabado akong huminto sa harap ng isang pinto. Huminga ako nang malalim bago pinindot ang doorbell. Hiro was behind me, waiting nervously. 


"Yes?" Binuksan ni Sam ang pinto ngunit nawala ang ngiti sa labi nang makita si Hiro sa likuran ko. "U-uhm..." 


"Si... Avi?" I asked nervously. 


"Nasa loob," sagot ni Sam at sumulyap ulit kay Hiro. "She's watching cartoons right now. D-do you guys want to come inside?" 


Tumingin ako pabalik kay Hiro at bahagya lang siyang tumango. Huminga ulit ako nang malalim bago pumasok sa loob. Huminto kami sa may tabi ng pinto at humarap ako kay Hiro para kausapin siya.


"Ako muna kakausap kay Avi," pagpapaliwanag ko. "Dito ka muna." 


Tumango si Hiro, hindi nagsasalita ngunit kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata. He looked nervous, but eager to see his daughter. 


"Papasok muna ako sa kwarto," paalam ni Sam sa 'kin. 


Naglakad ako papuntang living room at iniwan si Hiro sa tabi ng pinto. Nakita ko si Avrielle na nakaupo sa sahig at nanonood ng TV. Medyo magulo na ang pigtail niya dahil sa sobrang likot niya. Hawak niya rin ang teddy bear niya habang hindi inaalis ang tingin sa TV.


"Avi," I called. Lumingon kaagad siya sa 'kin at lumiwanag ang mukha nang maglakad ako palapit. Kinuha ko ang remote para patayin ang TV. I bent down so we could be on the same level. 


"Mommy!" She smiled. 


"Avrielle," kinakabahang tawag ko. "Daddy's here." 


Nawala kaagad ang ngiti ni Avrielle at naguluhan sa sinabi ko. Napakurap siya at tumingin sa paligid. Nang walang nakita ay tumingin siya pabalik sa 'kin, hindi nagsasalita. 


"Do you want to meet him?" Hinaplos ko ang mukha niya. 


"Of course, Mommy," she said in a soft voice. She sounded excited too. Hindi ko lang alam ang totoong magiging reaksyon niya kapag nakita na si Hiro. 


Tumayo si Avi, hawak-hawak pa rin ang teddy bear niya. Naglakad ako pabalik sa may tabi ng pinto at sinenyasan si Hiro na pwede na siyang pumunta sa may sofa. 


Avrielle looked at me with so much anticipation but her face changed when she glanced at the man behind me. Naglakad ako palapit kay Avrielle at tiningnan si Hiro. 


"Avrielle, this is your dad..." I tried not to stutter. "The pilot I was talking about, right, mahal?" I made her remember. 


Avi stared at Hiro for a bit before holding on the hem of my shirt. Bahagya siyang nagtago sa likuran ko at sumilip, nakatingin pa rin sa Daddy niya, parang minumukhaan ito. Hiro walked in front of her and bent down so they could be on the same level. 


"Hi..." Hiro smiled, trying to stop the tears from falling. "Avrielle..." 


Avrielle's grip on my shirt tightened while she stared at the man in front of her. Tinanggal ko ang kamay niya sa shirt ko at hinawakan na lang 'yon para kumalma siya at hindi matakot. Tumabi ako para magharap silang dalawa nang maayos. 


"Avi..." I squeezed her hand because she was not saying anything. 


Avi looked up to me. Parang pinipiga ang puso ko nang makita kung paano mamula ang ilong at pisngi niya. Nang ibalik ang tingin kay Hiro ay nagsimula na nga siyang umiyak. Napaawang ang labi ni Hiro at hindi malaman ang gagawin. Pakiramdam ko ay nilalabas ni Avrielle lahat ng hinanaing niya sa Daddy niya. He was not there when she was growing up... and also, maybe she got scared. 


"Hey..." Hiro tried to console her. 


Umiiyak pa rin si Avrielle kaya naluha na rin ako. Hiro hugged her and caressed her hair, trying to calm her down. Napatakip ako sa bibig ko habang umiiyak si Avi sa balikat ni Hiro. Hiro looked so much in pain, hearing his daughter cry. 


"I'm sorry," he whispered. "I'm sorry.." 


"Daddy..." Avi was sobbing so hard she couldn't form a sentence anymore. "You're... here..." 


"Yes... I'm sorry," ulit ni Hiro habang tumutulo na ang luha mula sa mga mata. "Don't cry, my love..." 


"You're not mad at Mommy anymore?" she asked in her small voice while trying to wipe her tears with her small hands. "Don't be mad at Mommy anymore..." 


"We..." Tumingin sa akin si Hiro, hindi alam ang sasabihin. Ang dinahilan ko kasi kay Avrielle ay nag-away kami ng Daddy niya kaya wala siya sa piling namin. "We are not fighting anymore... I'm not mad at her." 


"Are you... mad at me?" Umiyak ulit si Avrielle. Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata ni Hiro habang umiiling. "Then why... leave... Avi..." 


Naiyak ako lalo sa tanong ng anak ko. Ganoon din si Hiro na niyakap siya nang mahigpit. "I would never get mad at you, my love... I'm sorry..." paghingi niya ulit ng tawad, hindi alam kung paano itatago kay Avi ang iyak niya. 


"I waited, Daddy..." Yumakap si Avrielle sa leeg niya habang umiiyak sa balikat. "So you won't hate me anymore..." 


"What?" Halos hindi na makapagsalita si Hiro sa sobrang sakit. Tiningnan niya si Avrielle sa mga mata habang umiiyak ito sa harapan niya. "I... have already loved you even before you were born... I love you... so much that it hurts to be away from you." 


"You hate..." Umiling pa rin si Avrielle at nagtakip sa mata. "...me. That's why... you..." 


"Anak..." Lumapit na ako at lumuhod sa harapan niya para kausapin siya. Hinaplos ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya. "Daddy never hated you... It was mom's fault, okay? I... I pushed Daddy away... but we're not fighting anymore. Daddy... loves you so much."


Humarap ulit si Avrielle kay Hiro at umiyak sa balikat nito, may binubulong. Paulit-ulit lang na humihingi ng tawad si Hiro sa kanya hanggang sa kumalma ang bata. 


"I'm here now," Hiro whispered to our daughter. Umayos ng tayo si Avi at tumango. Hiro smiled at her and softly wiped her tears with his thumb. "Shush..." Hiro touched Avi's face and kissed her on her forehead.


Avi went to me and held on my shoulder habang pinupunasan ko ang luha sa mukha niya. Hindi na niya maalis ngayon ang tingin niya kay Hiro, parang kinakabisado ang mukha ng Daddy niya kung sakaling aalis ulit. She was now scared of him to leave again. 


"Daddy," Avi called and held her hands up. 


Hiro stood up and carried her. Yumakap si Avi sa leeg ni Hiro at sinandal ang ulo sa balikat nito. Napabuntong-hininga na lang ako at pumunta sa may maliit na fridge para kumuha ng tubig. 


Pagkabalik ko, nakakandong na si Avi kay Hiro sa sofa at pinapakita ang laruan niya. Hiro was listening to her and smiling. 


"You want to see Rapunzel?" malambing na tanong ni Hiro. 


"Yes!" Mabilis na tumango si Avi. 


Binigay ko na lang ang bote kay Hiro para siya ang magpainom kay Avi habang abala sila roon, nag-uusap. Napanguso ako, nagseselos na pero binigay ko na sa kanila 'yon dahil matagal silang nahiwalay sa isa't-isa. 


Naglakad ako papasok ng kwarto at nakita si Sam na naglalaptop. Nang makita ako ay nag-aalala siyang tumayo para lapitan ako. "How was it?" tanong niya kaagad. 


"Makakahinga na nang maluwag." Ngumiti ako sa kanya at umupo sa kama.


"So what's your plan?" Kumunot ang noo ko. "Are you guys going to marry now? He's not with Giselle pala! I was wrong!" 


"Siraulo ka!" Hinatak ko ang buhok niya at hinampas niya ang kamay ko. "Maghihilamos lang ako." 


Pumasok ako sa C.R. at naghilamos ng mukha para hindi halatang umiyak ako. Pagkatapos, tinanggal ko na rin sa bun ang buhok ko. Ang scarf at vest ko ay tinanggal ko na rin. Ni hindi na pala ako nakapagpalit. 


Lumabas ako saglit sa sofa at sumunod si Sam sa 'kin. Nakita kong nakatulog na si Avrielle sa dibdib ni Hiro, mukhang napagod sa flight at kakaiyak. Lumapit ako para buhatin si Avi at hiniga ko siya sa kama ni Sam. 


"Pagod siya," sabi ko kay Hiro nang sumunod siya sa 'kin sa kwarto. 


Nanatili siyang nakatayo roon habang naglalakad ako palapit sa sliding door papuntang veranda. Sumandal ako sa railings at tiningnan ang mga ilaw galing sa matataas na building. Niyakap ko ang sarili ko dahil nilamig sa hangin. 


Napalingon ako kay Hiro nang maglapag siya ng jacket sa balikat ko at pagkatapos, sumandal din sa tabi ko, nakaharap sa mga ilaw. 


"Galit ka ba sa 'kin?" Lumingon ako sa kanya.


He gave me a small smile before shaking his head. I felt relieved. Akala ko ay may sama pa siya ng loob sa akin dahil sa pagtago ko sa anak namin... but I was glad that it went well. 


"I'm mad at myself," he answered.


Hindi ako nagsalita, hinihintay na lang na dugtungan niya ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit nahihirapan lang... o kaya naman ay pinipigilan ang sarili. 


"I should have been there for the both of you..." He swallowed hard, on the verge of crying.  


"It was my fault," pag-ako ko ng kasalanan ko. 


"No, you did what you thought was best for me. I'm sorry for not appreciating your sacrifices."


Binalik ko ang tingin ko sa harapan, dinadama ang malamig na hanging humahampas sa aming dalawa. It felt... comforting to hear him say that he appreciated everything I did for him. 


"It must have been tough for you..." His eyes shined, reflecting the light of the buildings in front of us. "And I just can't imagine that you went through all of it alone... I should have been there." 


Napaawang ang labi ko nang lumuha muli siya. Naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko. 


"I shouldn't have left..." He exhaled a shaky breath. 


"No. Tiniis ko lahat, Hiro. Lahat ng 'yon, kahit gaano kahirap, hindi ako sumuko dahil sabi ko sa sarili ko na kung kaya kong masaktan para sa pangarap ng iba, dapat kinakaya ko rin para sa sarili ko. Naging maganda naman ang kinalabasan, hindi ba?" I gave him a small smile. 


"But it hurt..." He cried. "It hurt so much." 


Tumulo na rin ang luha ko nang makita siyang nanghihina. Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan, kahit noon pa man. 


"When you said that you were... fucking other men... It hurt so much, Yanna," pagpapatuloy niya. 


"That was a lie. Gusto ko lang na umalis ka," pagpapaliwanag ko. 


"Fuck, I was so close to staying. I was so close to giving it up. Isang sabi mo lang na manatili ako, hindi talaga ako aalis. I was waiting for you to say it, but you didn't..." Nag-uunahan sa pag-tulo ang mga luha niya. "I wanted you to... I wanted you to say it so badly..." 


"How could I ask for you to stay? Sino ba 'ko noon?" I laughed sarcastically, feeling pain on my chest. "We just used each other for sex-"


"Bullshit," he cut me off. 


"Hindi ba?" Lumingon ako sa kanya, naghahanap ng malinaw na kasagutan mula sa kanya. 


"That's not true. I was so in love with you." 


Hindi ako nakapagsalita at iniwas ang tingin. Sinandal ko ang dalawang siko sa may railings at tumingin lang sa harapan. 


"And back then, I only wished for the time to stop so we could have more time before I left. I hated the sunrise because it represented another day. Another day for other people was less time for us... and I didn't like it." 


"But we watched the sunrise in Sagada." 


"I loved it, only because you were standing right next to me... but it hurt." He gave me a painful smile. "It hurt so bad... I just pretended everything was okay, but honestly, at that time, my heart was being cut into pieces." 


Naalaala kong nakangiti siya noon, at ako lang ang nagtatago ng mga iyak ko. Hindi ko naisip na nasasaktan din siya noon, dahil hindi pa naman niya sinasabi sa 'king mahal niya 'ko. Pero ako, alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya noon. 


"Narinig kitang umiiyak noong gabing 'yon sa Sagada," he said in a hoarse voice. "Ang sakit sa 'kin." 


"Alam ko nang buntis ako noon..." I sighed. "At wala talaga akong balak sabihin sa 'yo para makaalis ka nang walang iniisip." 


"Sa tingin mo ba hindi kita iisipin?" seryosong tanong niya. "I've thought of you... every passing day." 


"Saglit mo lang ako iisipin pero alam kong makaka-move-on ka rin. Makakahanap ka ng bago sa America, doon kayo manunuluyan, at doon ka magkakaroon ng pamilya. Lahat 'yon, napag-isipan ko na." Tumango ako. Iyon naman talaga dapat ang plano. 


"You think so?" Hiro let out a sarcastic laugh. 


"Yes..." mahinang sagot ko.  


"Then why am I here now?" 


Nagkatinginan kaming dalawa, ngunit agad din akong umiwas nang hindi kinaya ang bigat ng titig niya. Bakit nga ba? Hindi ba ikaw lang din ang makasasagot? 


"Minahal mo ba 'ko?" nahihirapang tanong niya. 


Napasinghap ako at tumingin sa ibang direksyon. That was it. I had another chance... to tell him my unsaid feelings. 


"Ako ang unang natalo sa 'ting dalawa..." I smiled bitterly. 


Hiro shook his head and sighed. "I doubt that," he said meaningfully. "I fell in love with you first... You just didn't notice it." 

________________________________________________________________________________

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top