24


"Cap?! Cap! Happy birthday!" 


Agad kong inurong ang upuan ko palayo nang makita si Caleb na may dalang plato ng pagkain, naglalakad na palapit sa amin. Sa likod niya ay si Kyla at Brianna. Nakangisi si Bri at nakatulala sa 'kin si Kyla, mukhang may nakita! 


"Thank you," pormal na sagot ni Hiro at umayos na ng upo. 


Umupo sa tabi ko si Brianna at sa tabi niya si Kyla na hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin. Nang tingnan ko siya pabalik ay umiwas siya at kumain na lang. Halata namang gulat na gulat siya masyado! Nakita ba niyang hinalikan ako ni Hiro?


"I'll greet some guests. Do you want to come with me?" mahinang tanong ni Hiro sa 'kin. 


"Uhm..." Napatingin ako sa mga kasamahan ko sa table. Ayaw ko namang maiwan dito tapos ma-hotseat! "Sige." 


Agad akong tumayo at humawak siya sa baywang ko para alalayan ako. Hindi niya inalis ang hawak niya sa 'kin hanggang sa makalapit kami sa iilan niyang mga bisita. Wala akong kakilala sa mga 'yon pero ngumingiti na lang ako kapag inaalukan ako ng kamay. 


"Girlfriend?" tanong ng lalaki kay Hiro, nakangiti.


"I wish." Hiro let out a sexy laugh. 


Nag-init ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Nakikipag-usap lang si Hiro doon habang ako ay tumitingin sa paligid. May ilang kababaihang nagugulat sa ayos namin at bubulong sa kasamahan. I felt so awkward! 


"Are you tired?" Bumaling sa 'kin si Hiro. 


"Okay lang." I gave him a small smile. 


Napatigil kami sa pag-uusap nang bigla siyang tinawag ni Shan dahil nariyan na raw ang cake. Pumunta tuloy si Hiro sa harapan at pinalibutan naman siya ng mga bisita. I was standing from afar, watching him laugh because of the big cake. I was guessing his friends bought that for him. Maganda pa ang design. 


They started singing the birthday song to him. I crossed my arms on my chest and watched him blow the candles. Everyone cheered for him and he thanked the visitors for coming. 


"After party, don't miss it," Hiro reminded everyone and smiled. "You can change your clothes and wear something comfortable but your attires can do." 


Sumandal ako sa may pader sa gilid, malapit sa may restroom. Nakita kong luminga siya sa paligid, hinahanap ako. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya at umalis sa crowd para puntahan ako. 


"Are you coming to the after party?" tanong niya sa 'kin. 


"Uh, kapag pupunta si Sam," sagot ko.


Nagbaon naman kami ng pamalit sa sasakyan ni Sam para kung sakaling pupunta siya ay may pamalit kami. Ayaw naman naming pumarty na ganito ang ayos. Ang hirap at masakit sa paa. 


"Hiro." Napalingon kami kay Kalix nang tawagin siya nito. 


"Bro." Ngumiti si Hiro at tinapik ang balikat nito. 


"Happy birthday," sabi ni Kalix kay Hiro at agad lumipat ang tingin sa 'kin. 


I gave him a small smile and he responded with a slight nod. May pinag-usapan pa sila ni Kalix, hindi ko alam kung tungkol saan. Tumalikod na lang ako saglit para kumuha ng cupcakes sa may mahabang table. 


Pagkabalik ko kay Hiro ay hinawakan niya ang baywang ko para hatakin ako palapit, saka siya kumagat sa cupcake na hawak ko. Napataas ang kilay ni Kalix at natatawang umiling. 


"PDA," nakangiting sabi niya. 


Napakurap ako at binawi na ang cupcake na hawak ko, naiilang dahil mukhang naiinggit 'tong ex ni Luna sa 'min. Hiro smirked and tapped Kalix's shoulder before turning around to get a glass of water on the table. Naiwan tuloy ako sa harapan ni Kalix.


"How is she?" Kalix suddenly asked with a fake smile on his face. 


"She's fine," sagot ko, alam na kaagad kung sino ang tinutukoy niya. "Sabihin ko na lang na kinukumusta mo siya-"


"Please don't," he cut me off. 


"Okay," mahinang sabi ko. 


Naputol ang pag-uusap namin nang humawak ulit si Hiro sa baywang ko, umiinom na ng tubig ngayon. He eyed Kalix for a bit and the latter raised his hands and laughed before walking away from us. 


"Do you want to go outside for a bit?" Hiro whispered. 


Tumango ako. Gusto ko rin ibigay sa kanya ang regalo ko nang pribado dahil nahihiya ako. Akin 'ata ang naiiba sa mga mamahaling regalo ng mga bisita niya. 


"Hiro! Happy birthday!" Napatigil kami sa paglalakad nang tawagin si Hiro ng babae.


"Elyse," he greeted and gave her a soft kiss on the cheek. 


Elyse looked elegant with her simple navy blue dress. Naka-ponytail ang mahaba ang tuwid na buhok at may suot na mamahaling hikaw. Lumipat ang tingin niya sa 'kin at bahagyang nawala ang ngiti.


Galit pa rin ba sa 'kin 'to? 


"We haven't seen you in a while," sabi ni Hiro kay Elyse. "How are you?"


"I'm fine." Ngumiti ulit si Elyse at sumulyap na naman sa 'kin. "Good evening, Yanna." 


Wow, first name basis. Natawa tuloy ako, may naaalala sa kanya. Imbis na mainis ay napapangiti na lang ako kaya mas lalo siyang naaasar. 


"Good evening, Elyse." I smiled at her. "I hope you're well."


"Of course I am well." She gave me a fake smile. "Ikaw? Are you well?" 


"Oo naman." Hindi nawala ang ngiti sa mukha ko. 


"Good for you, then. I'll just look for my brother," sabi niya at tumalikod na siya sa 'min.


Napatingin kami ni Hiro sa isa't-isa nang umalis si Elyse sa harapan namin. Umiling na lang siya at naglakad na ulit kami palabas ng venue. Sa pinakaharapan ay may sliding door papunta sa maliit na veranda. Umupo kami sa may bench, kaharap ang madilim na garden at sa taas non ang maliwanag na buwan. 


"Are you tired?" Hiro asked with concern in his eyes.


Umiling ako at binuksan ang purse ko para kuhanin doon ang maliit na box. Nang matanaw niya ay nakita ko sa mga mata niya ang pagkasabik mabuksan 'yon na parang batang binilhan ng bagong laruan. Nahihiya kong inabot sa kanya ang box. 


"What is this?" curious na tanong niya habang binubuksan 'yon. 


I bit my lower lip as I watched his eyes glow with the sight of the silver ballpen. Kinuha niya 'yon sa box at tiningnan ang gilid, kung saan nakalagay ang pangalan niya. 


"Happy birthday. Sorry, 'yan lang kinaya ko. Hindi 'yan kasing-mahal ng mga bigay sa 'yo pero-"


"This is priceless, Yanna," he cut me off. "Thank you for this." 


Binalik niya ang ballpen sa box at tinabi muna sa gilid. Umiwas ako ng tingin nang tumitig na naman siya sa 'kin. 


"Why did you come back?" mahinang tanong ko sa kanya. 


Hindi siya kaagad nakasagot. He shifted his weight, getting uncomfortable with the question but I knew he would answer it anyway. 


"I... didn't want you to go through it alone," he said in a hoarse voice, parang nahihirapang magsalita. 


"I already pushed you away." Yumuko ako para hindi niya mabasa ang iniisip ko. "Hindi ka ba galit sa 'kin? I said I was fucking other men-"


"I don't care," he hissed. 


"I got pregnant by..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Parang may kung-anong bumabara sa lalamunan ko at hindi na magawang magsalita. 


"I don't care. I can father that child, Yanna. Kahit hindi sa 'kin." He sounded mad. 


"Pero-"


Napatigil kaming dalawa nang biglang mag-ring ang phone ko. Dali-dali kong kinuha 'yon at kinabahan nang makita ang pangalan ni Kierra roon. Tumayo kaagad ako at sinagot 'yon, medyo malayo kay Hiro.


"Hello?" bungad ko. 


[Yanna, nilalagnat si Avi. 39 degrees.]


Kinabahan kaagad ako. Hindi sakitin si Avi at ngayon lang nilagnat! Noong linggong wala ako dahil sa flight, ang sabi ni Sam ay sinisipon daw 'yong bata kaya hindi ako pumayag na walang vitamins. Ngayon naman, may lagnat na!


[Hinahanap ka. Umiiyak na.]


"Sige, pauwi na 'ko." 


Nagmamadali kong kinuha ang purse ko at napansin 'yon ni Hiro kaya napatayo rin siya. Hindi na 'ko nakapagpaalam sa kanya at dali-daling hinanap si Samantha sa loob. Pwede akong magpahatid kay Hiro pero hindi ganoon kakapal ang mukha ko. Party niya 'to at siya ang may birthday. Hindi niya pwedeng iwan ang mga bisita niya rito. 


"Daan ka muna sa pharmacy," sabi ko kay Sam habang nagdadrive siya.


Dumaan nga kami sa pharmacy. Bumili ako ng gamot at 'yong nilalagay sa ulo para mabawasan ang init ng katawan niya. Pagkarating ko sa unit ay pinuntahan ko kaagad siya sa kwarto. Nakita ko siyang nakahiga roon at naka-pajamas na. Sa tabi niya, si Kierra na pinupunasan ang katawan niya. 


Nang makita niya 'ko ay umiyak na siya. Dali-dali akong lumapit at hinaplos ang buhok niya para tumahan siya. 


"Kumain na ba 'to?" tanong ko kay Kierra at tumango naman siya. 


Kinuha ko ang baso ng tubig sa may side table at pinaupo si Avrielle para makainom ng gamot. Tumahan na rin naman siya dahil nandito na 'ko. 


"Should I call a doctor?" tanong ni Sam sa 'kin. 


"Sige, please," sabi ko habang pinapainom ng gamot si Avi. 


"Tastes bad, Mommy," reklamo ni Avrielle, malapit na ulit umiyak. 


Nagsasalita pa naman si Avrielle, mainit nga lang ang katawan at umiiyak kapag wala ako kaya naman pagkatapos kong mag-shower, humiga na lang ulit ako sa tabi niya. Nang dumating ang doktor ni Sam ay chineck niya kaagad ang kalagayan ni Avrielle at tinanong kami ng ibang impormasyon. Si Sam ang madalas niyang kasama last week kaya naman siya ang nakakasagot. 


Ang sabi ng doktor ay normal pa naman ang lagnat ni Avrielle. Magpahinga lang daw at uminom ng gamot, tsaka kumain ng mga masustansyang pagkain para lumusog.


"Kapag hindi pa bumaba within 3 to 5 days at kapag lumagpas ng 40 degrees ang temperature, call me again. Tsaka kapag ayaw niyang kumain or wala siyang gana," dugtong ng doktor. 


"Thank you, doc." Nakahinga ako nang maluwag. 


"May flight ka sa Monday, 'di ba?" tanong ni Sam sa 'kin pagkahatid sa doktor palabas. 


"Hindi muna ako papasok." I sighed. "Kapag okay na si Avi, saka na 'ko papasok. Sana nga bumaba kaagad ang lagnat." 


Sa gabing 'yon, hindi ko na inuwi si Avrielle sa amin dahil maiiwan lang kaming dalawa. Mas magandang kasama ko si Sam para kapag may bibilhin ako ay may magbabantay sa kanya. Avi just slept the whole night. Gumigising ako para painumin siya ng gamot at para punasan ang katawan niya para bumaba ang temperatura niya.


Madaling-araw na at kakatapos ko lang siyang punasan nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'yon at lumabas ng kwarto para hindi magising si Avi sa ilaw ng phone ko. 


From: Hiro

Is everything okay? 


Nag-reply kaagad ako.


To: Hiro

Okay naman. Enjoy your after-party. 


Inaantok na 'ko kaya naman bumalik na 'ko sa kwarto para matulog. Kinabukasan ay Linggo. Maaga akong nagising dahil maaga ring gumalaw si Avi sa tabi ko. Bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto kaya sinundan ko siya. 


Kinuha niya kaagad ang remote ng TV, dala-dala pa ang stuff toy niyang shark habang may nakadikit na Koolfever sa noo. Napailing ako at dumeretso sa kusina para magluto ng umagahan niya bago ko siya painumin ng gamot. 


"Mommy, help," she said in her little voice.


"Anak?" Lumingon ako at nakitang hindi niya alam paano buksan ang TV. 


Lumapit ako at binuksan 'yon. Nilipat ko kaagad sa channel na pambata, 'yong paborito niya. Umakyat naman siya sa may sofa, handa nang manood. 


"No work, Mommy?" mahinang tanong niya sa 'kin.


"No work for Mommy first until you're okay." Ngumiti ako sa kanya. 


"I don't want to be okay now..." she said in a small lonely voice. 


Nawala ang ngiti sa mukha ko at matagal siyang tinitigan, pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya. Parang may kumirot sa dibdib ko. Ayaw niyang gumaling para hindi ako umalis? 


"Don't say that, Avi." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang baba niya para tumingin siya sa 'kin.


She pouted and looked away, about to cry now. May namumuo nang luha sa mga mata niyang kumikinang na kapag natatamaan ng ilaw. 


"Why are you crying?" Nag-alala kaagad ako.


Hindi pa naman siya umiiyak pero nang marinig niya ang sinabi ko ay tumulo na ang luha niya. Nalukot ang mukha ko at napaawang ang labi ko, pinapanood siyang umiyak nang tahimik sa harapan ko. 


"Don't leave, Mommy..." She sobbed. 


"Anak..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Mommy... Mommy needs to work for you."


Kahit anong paliwanag ko, alam kong hindi niya pa rin maiintindihan 'yon. Bata pa siya. Ito na nga ba ang sinasabi ni Hiro noon, kaya ayaw niyang magkaanak dahil palagi lang siyang wala. Hindi ko naman inaakalang ganito kasakit 'yon. 


I was reminded of my mother. Ito rin ang dahilan niya sa akin noon kung bakit siya wala... Pero ako, as much as I could, I tried to be there for Avrielle whenever she needed me. I knew I should be with her more often physically but I just could not leave my job. 


If only she had a dad... Sana may mag-aalaga sa kanya kapag wala ako, bukod pa kay Samantha. 


"I don't want..." Kinusot niya ang umiiyak na mga mata gamit ang maliit niyang kamay. 


I sighed and checked my phone for my next scheduled flight. Nang makita kong may layover ulit kami sa Japan for 4 days, pinagplanuhan ko na kaagad na isama si Avrielle. Nakuha ko na ang VISA niya last week kaya naman pwede na siyang sumama. 


"Do you want to come with Mommy to work?" malambing na tanong ko sa kanya.


Tumigil kaagad siya sa pag-iyak at lumiwanag ang mukha. 


"I can?" She clasped her hands and happily looked at me. 


"Yes. Kapag gumaling ka na, you can come with Mommy to work so eat healthy and drink your medicine, ha?" pamba-blackmail ko naman. 


Masyado tuloy ginanahan si Avi kumain at palagi pang tinuturo ang gamot para ipaalala at itanong sa 'kin kung iinom na siya o hindi. Bumaba na sa 38 degrees ang temperature niya ngayong araw kaya naman napanatag ako. At least bumababa ang temperature at hindi na siya sinisipon. 


"Sure. I can cancel my shoot. I will also meet a designer in Japan kaya pwede naman," sagot ni Sam nang inaya ko siya sa flight ko. 


"Thank you! Ako na bahala sa plane ticket mo," masayang sabi ko. 


"Ako na sa hotel. No worries. May business din naman ako roon," Sam offered. 


Samantha booked the same hotel as ours. Wednesday pa ang flight kaya naman may oras pa para bilhan si Avi ng damit pang-fall season. Panigurado ay lalamigin siya dahil hindi naman siya sanay sa ganoong klima. 


Kinabukasan ay Lunes. Hindi ako pumasok sa trabaho at nagpaalam naman na 'ko. Naging normal na ulit ang temperature ni Avrielle at masaya na siyang nagtatatakbo sa unit. 


"Where are we going, Mommy?" Avrielle asked while I was putting a shirt on her.


"We're going to the mall! You like that?" nakangiting sabi ko. 


Tuesday na ngayon. Hindi ko siya dinala kahapon sa mall para makapagpahinga pa siya. Baka kasi bumalik ang lagnat, pero hindi naman nangyari 'yon. Mas naging energetic na nga siya kaya pwede ko na siyang dalhin ngayon. Pinatingnan ko rin siya ulit sa doktor ni Sam para mabigyan siya ng clearance to travel. 


Marami siyang binilin sa 'kin dahil unang beses sasakay ni Avi sa eroplano at bata pa kaya naman baka nerbyosin o ano. Baka nga sumakit ang tenga at umiyak kaya kinakabahan din ako. 


"Mall!" tuwang-tuwang sabi niya.


Hindi ko siya madalas dinadala sa mall dahil kapag nariyan ako, gusto ko lang magpahinga kasama siya. Tsaka, wala kaming pera para mag-shopping palagi, 'no! Kapag may kailangan naman siya, ako lang bumibili mag-isa. Pero ngayon, kailangan ko siyang isama dahil bibilhan ko siya ng maleta niya at damit. 


"Mommy, new car?" nagtatakang tanong ni Avrielle nang isakay ko siya sa likod ng Mercedes. 


Your daddy's car. 


"Yes, anak." Nilagay ko na ang seatbelt niya. 


She was wearing a cute navy blue dress partnered with blue sandals. Naka-pigtail din ang buhok at suot ang hair pin na bigay ni Hiro. Isa sa mga pinakamasayang ginagawa ko ay kapag binibihisan ko si Avi na parang manika ko. Ang cute niya lang. 


Nang makarating kami sa mall ay energetic siya. She was skipping through colored tiles. Sumasakit na nga ang braso ko dahil ang likot niya. Naisip ko tuloy na baka pinakain na naman ni Sam ng chocolates ang anak ko! 


"Para sa kanya po, Ma'am?" tanong ng saleslady sa isang shop. 


Tumango ako. Malamang, hindi ba? Nasa kids section kami nagtitingin kaya alangan namang para sa akin? Hindi ko na lang sinabi 'yon dahil baka sabaw na rin siya sa trabaho niya. Ganoon din naman ako minsan sa eroplano lalo na kapag long flight. Tinatanong ko nga minsan kung gusto nila ng blanket o kumot. 


I looked for some cute jackets. Dalawa lang ang binili ko sa kanya dahil hindi naman niya kailangan magpalit araw-araw. Isang pink trench coat lang 'yon at isang white na leather jacket. Ang liit kaya natutuwa ako. 


Binilhan ko rin siya ng long sleeves na may design na pambata dahil 'yon ang gusto niya. I also bought her grey gloves para hindi siya lamigin, pati na rin bonnet. Binilhan ko na rin pala ng pink boots para sa paa. 


"For what, Mommy?" Nagtataka na si Avi.


"Because it's cold there, anak," pagpapaliwanag ko. 


Pagkatapos ko siyang bilhan ng mga damit ay naghanap na kami ng suitcase para sa kanya. Pwede ko namang ilagay sa bagahe ni Sam pero maganda ring nakahiwalay ang kay Avi para kapag umalis siya, alam ko kung saan hahanapin ang kailangan ng anak ko. 


"The pink one, Avi?" tanong ko sa kanya. 


"Yes, Mommy." Niyakap niya ang maliit na suitcase. Kulay pink 'yon at may unicorn na design. 


I paid for it and put all the shopping bags inside para wala kaming bitbit. Kumain kami sa isang pizza restaurant. It was like having a date with my daughter. Kuntento na 'ko sa ganoon lang. 


"Daddy?" Avi asked me while eating.


"U-uh..." Napaiwas ako ng tingin. Heto na naman sa usapang 'to. 


Nawala na sa isip ko! Masyado akong naging abala kay Avrielle noong mga nakaraang araw at parang nawalan na lang ng oras mag-isip kung kailan ko ba sasabihin kay Hiro. Dapat ay aaminin ko na noong birthday niya ngunit biglang tumawag si Kierra kaya nawala na rin sa 'kin. 


Tiningnan ko ang details ng flight bukas at nakahinga nang maluwag dahil hindi naman pala siya ang piloto. 


"Pag-uwi ng Japan, Avi." Nangako na 'ko sa kanya. Ito na talaga. Sasabihin ko na kay Hiro. Hahanap lang ako ng magandang timing. 


"Yay!" She giggled and bit on her pizza. "I'm meeting Daddy." 


"Are you excited?" nakangiting tanong ko. 


Mabilis siyang tumango ngunit nang may maisip, nawala rin ang ngiti sa mukha. Yumuko siya at ngumuso. "Bakit?" nagtatakang tanong ko dahil biglang nagbago ang mood niya.


"What if he doesn't like me, Mommy?" She pouted.


Parang may sumuntok sa dibdib ko. Kung ganoon, ilalayo ko si Avi sa kanya. Magre-resign ako sa FlyAsia kung kailangan para lang makalayo sa kanya. Masyadong masakit para sa 'kin kapag hindi niya tanggapin si Avi. 


"He will... so finish your food, anak," sabi ko na lang. 


Kinabukasan, maaga kong ginising si Avi bago ako umalis para paliguan at bihisan siya. She was wearing a pink long sleeves with a cute fruit design on it, a pair of grey leggings, and then her white leather jacket. Pagkatapos noon ay inimpake ko na ang mga kailangan niya. Sa maleta, nilagay ko ang mga damit niya, shampoo, sabon, pulbo, cologne, vitamins, at toothbrush. Sa backpack ay nilagay ko ang mga essentials katulad ng tissue, bonnet, gloves, towel, wet wipes, kumot, 'yong stuff toy niya, at iba pa.


"Hindi ka kasama, Mommy?" Kumunot ang noo niya. 


"Mauuna na 'ko, Avi. You'll be with Tita Sam. We'll see each other in the plane na, okay?" Hinalikan ko siya sa noo bago tumayo. 


Gaya ng sabi ko, nauna nga ako sa headquarters dahil kailangan mas maaga kami roon kaysa sa mga pasahero. Maaga akong nakarating dahil hindi na bulok ang sasakyan ko kaya naman nagpalipas muna 'ko ng oras doon. 


"Sis!" Hinampas ako ni Kyla. "Kumusta na si bebe girl?" 


"Uy." Lumingon ako sa kanya. Normal na ulit ang pakikisama niya sa akin pagkatapos ng birthday ni Hiro. "Okay na siya. Nandiyan siya mamaya pero huwag niyo na lang pansinin." 


"Omg, true?!" excited na sabi niya at umupo sa tabi ko. "Shit, sayang wala si Bri today! Ibang flight siya! Pero omg, makikita ko na ulit ang bebe!" 


Excited si Kyla dahil minsan niya lang talaga makita ang anak ko. Hindi na rin naman 'yon nagtagal dahil kinausap na niya 'yong iba pang kasama namin. I was on my phone while waiting for the pilots to arrive. 


"Good morning, Captain Juarez!" Agad na tumayo si Kyla.


Nanlaki ang mata ko at napatayo rin para lingunin si Hiro. He was already wearing his uniform with a small suitcase beside him. He licked his lower lip a little and fixed his hair. He looked so neat today because he shaved again. 


"Sorry for the sudden change. I just got notified by the airline." He held his phone up. "Captain Rivera is at the hospital. I'll be your captain for today." 


Parang nahugutan ako ng hininga. Nakita niya ang reaksyon ko kaya tumaas ang isang kilay niya sa 'kin. Oh my gosh... Bakit siya?! 


Dahan-dahan ulit akong napaupo habang hinihintay namin ang isa pang piloto. Hiro walked towards me and sat beside me. Kumakalabog na kaagad ang dibdib ko. 


"Why aren't you replying to my texts?" mahinang tanong niya para hindi marinig ng iba.


"I was... busy..." Hindi ako makatingin sa kanya dahil abala ako kakaisip kay Avrielle. Bakit ba narito si Hiro?! 


"Busy," he repeated sarcastically. "I thought you were sick. You did not come to work." 


Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na ang first officer namin. Hindi na 'ko makapagsalita mula headquarters hanggang sa makarating sa airport. Parang may bumabara sa lalamunan ko.


Hiro went straight to the cockpit and I wished he would just stay there the whole time. Well, hindi naman naka-business class sila Avi kaya hindi rin niya makikita kahit mag C.R. siya. Hindi pa 'ko handa! Ang plano ko, pagkatapos pa ng flight na 'to! 


Bakit naman kasi siya susulpot na lang dito?! 


"Sis, balik na sa pwesto," tulak sa 'kin ni Kyla. 


Agad akong pumunta malapit sa pintuan para salubungin na ang mga pasahero. Hindi ako masaya at parang natatae sa ngiti ko pero sinubukan ko pa rin. Naging totoo lang ang ngiti ko nang makita ko si Avrielle na hawak ni Sam sa isang kamay. She was wearing her pink backpack behind.


"Mommy!" turo niya kaagad sa 'kin.


"Welcome on board, Ma'am," bati ko kay Sam. 


"Thank you, alipin ko," nakangising sagot ni Sam. 


"Tangina mo," I mouthed so fast so no one would hear or even read what I just said.


"Mommy! Mommy!" Avi was so excited she was jumping.


Napatingin kaagad ako sa likuran niya. Hindi makapasok ang ibang pasahero dahil nakaharang pa sila Avi. Pinisil ko na lang ang pisngi niya at kinawayan siya para magpahatak na siya kay Sam. She was cute, but I got worried that she would call me during the flight. Sa economy pa naman ako naka-assign ngayon. 


"Cabin crew, please take your seats for take-off," Hiro announced. 


Napatingin ako kay Avi. She looked up, wondering where the voice came from. Then, she saw me looking so she smiled at me. Ngumiti na lang din ako sa kanya at umupo na, hinihintay ang pag-alis ng eroplano.


Nakatingin lang ako kay Avi nang biglang bumilis ang eroplano. She held Sam's hand out of fear. Tinakip niya ang isang kamay sa tenga dahil natakot sa tunog. I wanted so bad to go to her but I couldn't. 


Sam whispered something on her and she nodded. Tiningnan niya 'ko at binigyan ako ng ngiti para ipaalam sa 'kin na okay lang siya. She even giggled when the plane went up because she probably felt something tickling on her stomach. 


"Ladies and gentlemen, the Captain has turned off the Fasten Seat Belt sign, and you may now move around the cabin. However we always recommend to keep your seat belt fastened while you're seated," our purser announced. 


Tumayo na 'ko at pumunta sa galley para mag-ayos ng ihahandang pagkain. Pagkatapos, nag-ikot para magtanong sa mga pasahero kung may order sila mula sa menu. Avi jumped on her seat because of shock when I stopped in front of her. 


Naglapag ako ng juice para kay Avi at binigyan din siya ng pagkain. 


"Thank you, Mommy." She giggled again. 


Binuksan ko na rin ang juice at nilagyan ng straw bago nilapag ulit sa harapan niya. Si Sam naman ay coffee lang ang gusto kaya 'yon ang binigay ko. 


The flight was pleasant. Avi watched cartoons the whole time so she was calm. Hindi rin niya 'ko masyadong tinatawag. Kapag naiihi lang ay tinatawag niya 'ko. Sinasamahan ko pa tuloy. Ang hirap na kasama ang anak sa flight pero okay naman si Avi. 


"Good morning, ladies and gentlemen. This is Captain Juarez speaking."


Avi looked up again, unaware of her father's voice. I bit my lower lip as I watched her get curious about the announcement. 


"We've already started our descent procedure into Narita International airport. We expect to land at 11:35 in the morning as scheduled. If you want to adjust your watch, it is 12:05 noon in Tokyo now. The weather in Tokyo is sunny and the temperature is 17 degrees Celsius. We wish you a pleasant stay in Tokyo and we hope to see you again very soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today." 


Avi asked Sam some questions about the announcement. Sam explained to her in a soft voice. Tumango siya at hinanap ulit ako ng mga mata niya. Palagi niya 'kong hinahanap at hindi mapakali kapag hindi ako nakikita. 


Nang bumaba na ang eroplano ay nakita kong natakot ulit siya, but she shouldn't be because it was her dad driving the plane. We smoothly touched the ground and the plane started slowing down. 


Nang bumaba na ang mga pasahero ay nakahinga ulit ako nang maluwag. Kumaway si Avi sa 'kin habang buhat ni Sam. Hawak niya sa isang kamay ang Rapunzel doll niya. 


"I'll see you at the hotel." Hinalikan ko ang pisngi ni Avi. 


Nang mawala na sila, saka lang lumabas ng cockpit sila Hiro. Tumaas ang kilay niya nang makitang kabado ako. 


"What's with that face?" tanong niya nang makalapit sa 'kin. 


"Wala. Excited lang ako sa layover!" My voice sounded fake. 


"Do we have a problem?" He tilted his head a little to the side. 


"Wala, ah!" Umiling kaagad ako. 


Naglakad na kami palabas at dumaan ng immigration. Kyla and the other flight attendants decided to buy food from the convenience store inside the airport kaya naman nanatili pa kami roon. Tutal, wala pa naman ang service. 


Umupo ako sa bench at uminom ng tubig. Hiro went inside the convenience store to buy water. 


"Mommy!" 


Muntik ko nang madura ang iniinom ko nang biglang tumakbo sa 'kin si Avi at niyakap ang baywang ko habang nakaupo ako sa bench. Napakurap ako at tiningnan si Sam sa malayo, may kausap sa phone. 


"A-avi!" Lumingon kaagad ako sa paligid. 


"Are you coming with us?" she asked, smiling. 


"No, anak. I have a service. Go to Tita Sam now..." I tried to push her away before Hiro could see us. 


"Okay." Ngumuso siya at lumingon sa paligid para hanapin si Sam. "Candy! Mommy!" Tumuro siya sa convenience store.


Napaawang ang labi ko at agad na napatayo nang bigla siyang tumakbo papunta roon at hinawakan ang isang pack ng candy. Parang nanghina ang tuhod ko nang makitang nagbabayad si Hiro roon sa counter. 


Sinubukang abutin ni Avi ang candy kaya nabitawan ang Rapunzel doll niya. Hiro was about to walk out when he saw my daughter struggling with the pack of candy. 


He stopped for a bit to stare at Avi before handing her the candy. Pinulot din niya ang Rapunzel doll at inabot sa bata.


"Fuck," bulong ko at nagmamadaling tumakbo palapit doon.


Hiro bent down so he could look at my daughter up close. He just stared at her while Avi was thinking if she should get the candy or not. 


"Avrielle!" I called in panic. 


Sabay na napalingon sa 'kin si Hiro at Avi. Avi was smiling but Hiro was serious. His dark eyes pierced into me. It was like he was telling me something. I knew already what was running inside his mind. 


"Pilot, Mommy!" turo ni Avi kay Hiro. 


"Y-yes, anak. Let's go," nauutal na sabi ko bago hinawakan ang kamay niya para hatakin siya paalis. 


"My daddy is a pilot, too!" 


My jaw dropped. 


Kita ko kung paano dumaan ang gulat sa mga mata ni Hiro. Nakita ko rin kung paano siya naguluhan, pero nawala rin nang tingnan ulit ang hair clip na suot ni Avi. Namukhaan niya na ngayon kung kanino galing 'yon.


"I like your hair clip," Hiro said softly. 


"Daddy gave it to me." Avi smiled and touched her hair clip. 


Hiro's brows furrowed immediately as he stared at the kid. 


"Really..." Hiro licked his lower lip a little. 


His eyes turned a shade darker when he looked at me, confused and mad at the same time. Dahan-dahan siyang tumayo at mariin akong tiningnan. 


"Avi!" Napatingin kami kay Sam na nagmamadaling maglakad palapit. 


Hinawakan niya ang braso ni Avi at may binulong para sumama 'yong bata sa kanya. Nilapag ni Avi ang candy pabalik sa lagayan bago sumama kay Sam. 


Hindi ako makatingin kay Hiro. His look was so intense and my heart was beating so fast. Aalis na sana ako para sundan sila Avi nang bigla niyang mahigpit na hawakan ang braso ko para pigilan ako. 


Kinagat ko ang ibabang labi ko habang dinadama ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang sakit niya sa dibdib. Hiro's jaw moved aggressively as his eyes became filled with so much emotion. 


"We need to talk," seryosong sabi niya.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top