23


"Avi, come here." 


Iyon agad ang sabi ko pagkabalik ko ng condo ni Sam. Naabutan ko siyang nakaupo sa sahig ng living room, nanonood ng cartoons habang umiinom sa maliit na baso ng gatas. Kaliligo lang niya dahil basa ang buhok. Nakasuot siya ng pink na sleeveless blouse at pink na pajama. 


"Avi," tawag ko ulit nang hindi niya 'ko lingunin. 


"Shh, Mommy." Kumunot ang noo niya habang nanonood. 


Nilapag ko ang bag ko sa sofa at umupo roon. Si Sam ay naliligo ata kaya wala rito. Hindi pa rin ako nililingon ni Avi at abalang-abala roon sa pinapanood. 


"You have a gift from Daddy," sambit ko. Agad siyang napalingon sa 'kin, nanlalaki ang mga mata. "Come here..." Napabuntong-hininga ako. 


Binaba niya kaagad ang baso sa coffee table at dali-daling tumayo para maglakad papunta sa 'kin. She looked so excited that she jumped on the sofa. Gumapang siya papunta sa 'kin at kumandong habang kinukuha ko sa bag ko ang box. 


"You saw Daddy?" inosenteng tanong niya.


"Yes, Avi..." 


Hiro knew that I had a child. Iyon ang pumasok sa isip ko nang bitawan niya ang mga salita niya bago bumaba ng sasakyan. He knew that I had a daughter! Pero hindi niya 'ata alam na sa kanya. Kung alam niya, panigurado ay kakausapin niya 'ko, hindi ba? 


"What's this, Mommy?" Avi got the box out of my hand. 


Binuksan niya 'yon gamit ang maliit niyang mga kamay at nakita ko kaagad ang liwanag sa mukha niya nang makita ang mamahaling hair pin doon. She smiled and looked back at me, giving the clip to me so I could put it on her hair. 


"You like it?" nakangiting tanong ko sa kanya pagkalagay ko ng pin sa buhok niya. 


"Can I see?" Humawak siya sa buhok niya.


Nilabas ko ang phone ko at binuksan ang front camera para makita niya ang itsura niya. She giggled and touched the clip on her hair. I took a picture of her smiling while holding her face with two hands. 


Napakaarte ng anak ko. Mana na kay Samantha. 


"Where's Daddy, Mommy?" Lumingon ulit siya sa 'kin. 


Parang nanuyo ang lalamunan ko, hindi pa alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko pa nasasabi kay Hiro na sa kanya si Avrielle. Gusto ko nang sabihin pero pinangungunahan ako ng takot. At isa pa, gusto ko munang kumpirmahin ang relasyon nila ni Giselle. Ayaw kong manggulo. 


"Soon, anak." Hinaplos ko ang buhok niya. 


"Okay..." Marahan siyang tumango. 


I spent the whole day with Avrielle at doon na lang nanatili muna sa condo ni Sam. Kinabukasan, wala pa 'kong flight kaya umuwi muna ako saglit para kumuha ng mga damit ni Avi at para mag-impake sa lipad ko kinabukasan. Napansin kong kulang na ang gatas niya at wala na ring vitamins kaya dumaan muna ako sa isang shop. 


Pumunta ako sa counter at nagpakuha ng vitamins for kids. Habang naghihintay ako ay umalis muna ako para maghanap ng gatas para kay Avi. She liked drinking milk. 


"Bro, I swear I'm getting so confused. Tingnan mo, nilalagnat na nga 'ko sa confusion, man..." Napalingon ako sa maingay na lalaking pumasok. 


Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Shan na kakapasok lang ng shop at kasunod niya naman si Hiro. Nagtama kaagad ang tingin naming dalawa pero agad din akong umiwas at nagkunwaring naghahanap ng gatas. 


"Biogesic," sabi ni Shan sa counter. 


Kinuha ko na lang ang gatas na nakita ko at bumalik na roon sa counter para bayaran 'yon, kasama 'yong vitamins na pambata. Hiro was quiet, staring at the box of milk. Umiwas lang ako ng tingin at hinintay bumalik ang nasa counter. 


"Yanna! You're here too," gulat na sabi ni Shan nang makita ako.


"Ouch," rinig kong sabi ni Hiro nang bigla siyang sikuhin ni Shan sa dibdib. 


"Hi," naiilang na bati ko at tumingin na sa harapan, ayaw makipag-usap sa kanilang dalawa. 


"Bumibili ka ng gamot? May sakit ka ba?" tanong ni Shan bigla. 


Napatingin ako sa vitamins na binili ko. Sa box noon ay may picture ng batang may yakap na stuff toy. Sinundan ni Shan ang tinitingnan ko at nagulat nang mapagtantong hindi para sa 'kin 'yong vitamins na 'yon.


"Oh," gulat na sabi niya. "Get well soon!" 


"Those are fucking vitamins, Shan." Hiro was so close to rolling his eyes. 


"Malay mo! You don't know, dude." Tumawa si Shan at kinuha na 'yong gamot niya para bayaran. 


"Ilang taon ang bata?" tanong ng nasa counter sa 'kin habang nilalagay sa paper bag ang mga pinamili ko.


Napasulyap ako kay Hiro saglit. He was looking at the woman in the counter, confused why she would ask that. Huminga ako nang malalim at binalik ang tingin ko sa harapan.


"Four." I cleared my throat. 


Tumango ang babae at binigay na sa 'kin ang paper bag, pati ang sukli ko. Hiro looked at me before his gaze went down to the paper bag. 


"Is that all?" Hiro asked. 


"Oo." Nagulat pa 'ko kaya mabilis na sumagot. 


He licked his lower lip a little and looked away. Bahagya siyang tumango at humalukipkip, hinihintay na matapos si Shan. 


"Saan ka papunta, Yanna?" tanong ni Shan sa 'kin at sumulyap kay Hiro. 


"Uh, Katipunan," sagot ko naman.


"Doon din kami papunta. See you when I see you." Kumaway siya sa 'kin.


Umiwas na 'ko ng tingin at tuloy-tuloy na naglakad palabas. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at nag-drive na pabalik sa condo ni Sam. Umakyat ako sa parking at bumaba ng sasakyan para buksan ang likuran. 


Kinuha ko ang maliit kong maleta at nilapag 'yon sa sahig. Pagkatapos ay kinuha ko na rin ang pink na backpack ni Avrielle na may lamang mga damit niya. Sa gilid ng bag ay nakalagay pa ang pink niyang water container na Rapunzel. 


Nilagay ko ang isang strap sa balikat ko at inangat ang handle ng maleta para hatakin na papuntang elevator pero nahulog 'yong water container kaya huminto ako at binaba ang bag bago pulutin 'yon. 


Hindi pa 'ko nakakayuko ay may pumulot na noon. Napakurap ako nang makita si Hiro sa harapan ko. Sa likod ay natanaw ko si Shan na kabababa lang ng sasakyan. 


"Let me help you with that," seryosong sabi ni Hiro at kinuha ang pink na bag na nilapag ko sa sahig.


Binuhat niya 'yon at nilagay ang water container sa gilid. Matagal pa niyang tinitigan ang design bago siya sumunod sa 'kin papunta sa abangan ng elevator. Naiilang tuloy ako!


"You have a flight tomorrow?" he casually asked, holding Avi's bag. 


"Yes, to Saudi," I said, refusing to look at him. 


Tumango lang siya at tumingin ulit sa bag ni Avrielle. I was sure that he knew something about my daughter! Hindi naman siya tanga para akalaing sa 'kin ang bag na 'yon. Ericka probably told him that I was with a child last time and the kid called me 'Mommy.' Although, I doubted that Hiro knew it was his.


"She's not sick... right?" Hiro asked carefully. 


Umiling ako kaagad, hindi pinapansin ang tumatambol na puso ko. Pakiramdam ko ay bawat salitang binibitawan niya ay sumusuntok sa dibdib ko. 


"Good," he whispered. 


Hindi man niya sinasabi, alam naming dalawa kung sino ang tinutukoy niya. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na kami roon at hindi na niya hinintay si Shan. May kinukuha pa raw sa sasakyan. 


"Bakit ka nandito?" tanong ko, kinakabahan. 


"Visiting some friends," sagot niya naman. 


Tumingin na lang ulit ako sa pag-akyat ng numero sa elevator. Bawat pagdagdag ng number ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Ihahatid pa ba niya 'ko hanggang sa tapat ng unit? Sana ay hindi! 


Nang bumukas ang elevator ay lumabas ako. Kukuhanin ko na sana ang bag mula sa kamay niya pero lumabas din siya. Napakurap ako nang sinenyasan niya 'kong maglakad na. 


Huminto ako sa tapat ng unit ni Sam at humarap sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya pero tahimik niya lang na inabot sa 'kin ang bag. Kinuha ko 'yon, nakaiwas ang tingin sa kanya. 


"Safe skies." He gave me a small smile. 


"Y-yeah, thank you."


Naalala ko tuloy ang letter ko sa kanya. Nabasa niya kaya 'yon? Nahiya ako bigla sa mga sinulat ko roon. Ang iba ay hindi ko na nga matandaan. 


He was about to walk away when he suddenly heard Avi's giggle inside the unit. He glanced on the door for a moment before walking away. 


Nakahinga ako nang maluwag nang buksan ang unit. Nakita kong nakikipaghabulan si Avi sa aso ni Sam kaya tumatawa ito. Napailing na lang ako at nilagay ang mga gamit sa kwarto. 


"Bagong aso mo?" tanong ko kay Samantha.


"No, pinabantayan lang," sagot ni Sam habang nagluluto. 


"Hindi naman nangangagat 'yan, 'no?" nag-aalalang tanong ko dahil baka biglang kagatin si Avrielle. 


"Hindi, ah. Ang bait nga, eh..." Sam giggled and looked at the cute Golden retriever puppy. 


Weeks passed by so fast. Naging abala ako sa flight ngunit umuuwi rin naman kay Avrielle at sinisiguradong magkakaroon ako ng oras sa kanya. Hindi kami nagkita ni Hiro dahil iba ang piloto sa mga flights ko. I also met other flight attendants. Ngayong Friday ko lang ulit nakita si Hiro sa flight namin from Manila to Malaysia, Malaysia to Singapore, and Singapore to Manila. 


"Ladies and gentlemen, good afternoon. Welcome on board FR502. This is Captain Juarez speaking and I have some information about our flight. Our flight time today will be around 3 hours and 40 minutes and our estimated time of arrival in Manila is 7:25 in the evening, local time," Hiro announced.


"Anong magandang regalo kay Cap?" tanong ni Kyla sa 'kin habang nasa galley kami. 


"Eroplano," walang kwentang sagot ko at lumabas na.


Wala pa rin akong naiisip na regalo kay Hiro. Bibili na lang ako mamaya pagdating naming Manila. Last flight na namin 'to at pabalik na kaya naman medyo pagod na rin ang mga paa, pati ang utak. 


"The temperature at our destination is now 29 degrees Celsius, with clear sky... Ah... I would also like to remind our passengers not to take pictures of our cabin crew. Thank you and have a pleasant flight." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang announcement ni Hiro. 


"Omg." Tumawa si Kyla at hinampas ako. "Galit si Cap?" 


"Ewan..." I shrugged.


After ng safety demonstration, bumalik na ulit ako sa post ko sa may business class at naghintay ng announcement for take off.


"Cabin Crew, please prepare for gate departure," Hiro said in a low voice. 


It was a smooth flight. Pagkarating sa headquarters ay sumakay kaagad ako sa sasakyan ko para pumunta ng mall, maghahanap lang ng ireregalo kay Hiro. Naka-uniform pa 'ko, tinanggal lang ang scarf at vest, kaya naman tumitingin ang ibang tao. 


Sa tagal ng inikot ko, naisipan kong bilhan na lang siya ng mamahaling ballpen. Palagi kasi siyang may dalang ballpen sa flight. Nakalagay pa sa box ang silver na ballpen at may pang-ilaw sa ilalim para kapag madilim ay makakasulat pa rin siya. I asked to customize it. Pinalagay ko lang ang 'Hiro' sa may gilid ng ballpen bago ko pinabalot sa puting wrapper. I also bought a silver ribbon for it. 


Maliit lang 'yon kaya nilagay ko sa bag ko bago umuwi sa condo ni Samantha. Dito na 'ko matutulog dahil sabay kaming pupunta sa party ni Hiro kinabukasan. We already asked Kierra to sleep here para may magbantay kay Avrielle. 


"Mommy, leaving?" tanong ni Avi habang nagpapatuyo ako ng buhok. 


"Yes, baby. I'll just attend a birthday party," sagot ko. "Tita Kierra will look after you. Uuwi rin ako mamayang midnight, okay? Sleep early." 


Tumango siya, suot-suot ang hair clip na binigay ni Hiro. Halos hindi na nga niya hubarin 'yon. She loved it so much, not because it looked pretty, but because her Dad gave it to her. 


Samantha did my makeup. Mas magaling siyang mag makeup kaysa sa 'kin dahil kailangan niya 'yon sa shoot kapag biglaang wala ang makeup artist niya. She made me look fierce but elegant on my look. She finished with putting a dark red lipstick on my lips. 


Inipit ko sa bun ang buhok ko at nag-iwan ng iilang strand ng buhok sa harapan para kulutin 'yon. It looked like a messy bun, but it still looked elegant and formal. Sinuot ko ang kwintas na binigay ni Hiro bago sinuot ang dress ko for tonight. 


Sam was just wearing a shining silver gown with a slit on the side, revealing her right leg. Kinulot niya lang ang dulo ng buhok at nag makeup. Avi was watching us dress up. 


"Pretty," turo niya sa 'kin. 


Ngumiti ako at napalingon sa may pintuan nang marinig ang pagdating ni Kierra. Bumaba si Avi sa kama at tumakbo para salubungin siya. 


"Ano'ng regalo mo kay Hiro bukod sa anak?" tanong ni Sam habang nagsusuot ng earrings. 


"Uh, ballpen..." Nakakatawang pakinggan.


"Ballpen?" Kumunot ang noo ni Sam. "For?" 


"Wala akong maisip." Umirap ako. "Ikaw ba?" 


"Perfume." She shrugged. "I don't know kung anong gusto niya. Choosy pa ba siya? Well, sabagay, he's yummy, right?" 


Binato ko siya ng unan at tumatawa siyang umiwas doon. Pagkatapos mag-ayos ay kinuha ko na silver purse na pinahiram ni Sam. 


"Mommy, bring me food." Avi pouted.


"Anak..." Gulat akong napalingon sa kanya. "H-hindi pwedeng mag-uwi ng pagkain doon." 


Naimagine ko tuloy ang sariling may dalang Tupperware at kumukuha ng pagkain mula sa pa-catering ni Hiro. Nakakahiya!


"Cake?" Ngumuso si Avi, hindi nagpapatalo.


"Cake!" ulit ko. "Ugh, bibilhan na lang kita, okay?" 


Lumapit ako para halikan siya sa ulo bago kami umalis ni Sam. Iisang kotse na lang ang dinala namin para hindi na hassle. Traffic pero sakto lang ang dating namin sa mamahaling hotel. Sam handed the key to the valet and went out of the car. 


Tahimik lang kaming naglakad papasok sa may venue. It was really a luxurious hotel! Manghang-mangha ako sa kagandahan ng interior noon. May mga ginto pa, halatang mamahalin. Marami rin kaming nakitang mga naka-formal attire, papunta rin siguro sa party ni Hiro. 


"Relax," bulong ni Sam sa 'kin bago kami pumasok sa malaking venue. 


It was large. Ito ang unang formal party ng mayayaman na dinaluhan ko kaya naman medyo na culture shock ako. Everyone was dressed so elegant and formal. Hindi pa maingay. Maraming nag-uusap-usap habang may hawak na champagne at may mga table sa harapan. Sa likod, cocktail table naman. 


Ang liwanag ng venue at kumikinang pa ang kisame dahil sa mga chandelier. Tama nga ako at may pa-catering sa magkabilang gilid ng venue. I looked around and saw a lot of familiar faces. Models, artists, socialites, businessmen, lahat 'yon. 


"Samantha Vera! Wow, looking good!" Napatingin kami sa lalaking sumalubong sa kanya, may dalang malaking camera. 


Samantha smiled for the picture and brought me with her. Ngumiti na lang din ako, hindi labas ang ngipin dahil naiilang ako. 


"Model?" tanong sa 'kin ng photographer. 


"No." Si Sam ang sumagot sa 'kin at tumawa pa. "Excuse us, please." 


Hinatak na niya 'ko paalis doon para pumunta sa isang table ng mga modelo. Tinawag kasi siya kaya sumunod na lang din ako sa kanya, lumilingon sa paligid para hanapin kung nasaan sina Kyla. 


"Samantha!" Tumayo si Giselle at humalik sa pisngi ni Sam. 


Napatingin kaagad ako sa kanya. She was wearing a champagne-colored satin dress and her hair was in soft curls. Sobrang ganda niyang tingnan at ang tangkad pa. Mas matangkad ata siya sa 'kin o baka sa heels niya lang 'yon.


"Hello! Yanna, right?" She smiled at me. 


"Hi," bati ko. 


"Have you eaten already? Pwede na kayong kumuha ng food." Giselle smiled elegantly. "Come on, I can accompany you, ladies." 


Sumunod si Sam sa kanya kaya sumunod na lang din ako. She was so nice. Nakakatakot siyang saktan kung sakaling sabihin ko kay Hiro ang tungkol kay Avrielle. She treated the visitors like it was her party. That was sweet. 


"Nabati niyo na si Hiro? Nandito lang siya kanina." Lmingon si Giselle sa paligid habang kumukuha kami ng pagkain. 


"Hindi pa. We'll look for him after eating," sagot naman ni Sam. 


"Basta he's with the guys, I think? Anyway, I'll just look for my man. Enjoy the night." Giselle kissed Sam's cheek at lumipat sa 'kin para bumeso rin.


I just smiled at her but it faded when she was already out of my sight. Kaunti lang ang kinuha ni Sam kaya kaunti lang din ang sa akin. Hindi naman ako ganoon nagugutom. 


Umupo kami ni Sam sa isang separate table na walang tao para ma-reserve na rin namin para kina Kyla mamaya. Sa tingin ko kasi ay late ang mga 'yon. 


Habang kumakain ako ay lumingon ako sa paligid, hinahanap si Hiro. There, I saw him in his perfectly-fit charcoal suit, talking with some men while holding a glass of champagne. He looked formal but he was smiling while talking to them. 


Muntik na 'kong mabulunan nang biglang magtama ang tingin namin. He gave me a small smile before glancing back at the man he was talking to, nakikinig sa sinasabi nito. Nang matapos itong magsalita ay tinapik niya sa balikat at naglakad papunta sa pwesto ko.


Napaiwas ako ng tingin at binaba ang kutsara't tinidor ko sa plato. Alam kong papunta na siya sa akin. 


"Hi." Hiro pushed back the chair beside me so he could sit on it. 


Tumingin lang ako sa kanya. Hinatak niya ang upuan palapit bago siya naupo, nakaharap pa sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa paligid, conscious sa mga makakakita. 


"Happy birthday, Hiro!" sabi ni Sam. 


"Thank you." Hiro looked at her and smiled. 


"Where can I put my gift?" Tinaas ni Sam ang isang paper bag. 


"Oh, there's a table for that." Lumingon si Hiro at tinuro 'yong isang table sa harapan na puno ng regalo. 


Tumayo si Sam at umalis para ilagay ang regalo roon. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Hiro! Ganito pa ang ayos namin, halos dumikit na ang binti niya sa 'kin. 


"L-lalagay ko na rin regalo ko roon." Sinubukan kong tumayo pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.


"No, give it directly to me," Hiro said, staring at me. 


"Mamaya na," sabi ko.


Sumulyap ako sa table ng mga regalo at nahiya bigla dahil ang lalaki ng paper bag." Puro designer pa ang tatak. Tama ngang sa kanya ko na lang i-abot ang regalo ko para siya lang ang makakakita. 


Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at nanood lang siya sa 'kin. "I'll get you a glass of water." Tumayo siya bigla. 


Pinanood ko siyang maglakad paalis. Napatigil siya sa paglalakad nang makasalubong bigla si Giselle. He smiled at her and stopped walking. Lumapit si Giselle at hinaplos siya sa braso, nakangiti at may sinasabi. 


Tumango si Hiro at humalik saglit sa pisngi ni Giselle bago kumuha ng tubig sa gilid. Pabalik na sana siya pero kinausap na naman siya ng iba pang babaeng modelo, binabati siya dahil birthday niya. He glanced at me when the woman kissed his cheek softly. 


Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nabulunan na siguro ako at namatay, hindi pa rin niya nadadala ang baso ng tubig sa 'kin sa dami ng kaibigan niya. I looked around again, looking for his family. Narito ba? O exclusive lang sa mga kakilala ang party? 


"Sorry." Hiro put the glass of water on the table before sitting down beside me again. 


Tumango lang ako at uminom doon sa baso, tapos nang kumain. Kinuha na rin ng waiter ang plato ko kaya naman malinis na ulit ang table sa harapan ko. 


"I talked to some friends," pagpapaalam niya kaya siya natagalan. 


"Okay," maikling sagot ko.


I silently placed the glass on the table, refusing to look at him kahit alam kong nakatitig siya sa 'kin ngayon. Tumayo siya saglit para hatakin pa nang mas malapit ang upuan sa 'kin at umupo ulit, hindi inaalis ang tingin sa 'kin.


"Stop staring," inis na sabi ko. 


"You look alluring," he complimented. 


"Thanks." Tumahimik na ulit ako, hindi pa rin siya tinitingnan. Nilibot ko na lang ang paningin ko at nakita si Kyla at Brianna na kumukuha na ng pagkain, mukhang kakarating lang. "May pupuntahan lang ako." Tumayo ako at iniwan siya roon.


Mabilis akong naglakad papunta kina Brianna. Nagulat pa silang dalawa nang sumulpot ako sa harapan nila. Kyla was in white and Brianna was in navy blue, nakaayos din. 


"Drink for the lady?" Napalingon ako sa lalaking nag-alok.


Sa 'kin siya nakatingin kaya sigurado akong ako ang inaalok niya. Hindi ko siya kilala at matanda ang itsura. Siguro ay nasa forties na kaya naman kumunot kaagad ang noo ko. 


"No, thanks," tanggi ko kaagad. 


"Have I seen you before?" tanong niya ulit para mapigilan ako sa pag-alis. "A model, perhaps?" 


"No, Sir," pormal na sagot ko ulit. 


"Are you sure you don't want a drink?" 


Tatanggi na ulit sana ako nang biglang may kamay na pumalupot sa baywang ko, pulling me closer to him. Napalingon ako kay Hiro na matalim ang tingin sa matandang nasa harapan ko. 


"She already said no, Salvador," Hiro said in a low voice. 


"Captain!" bati ng lalaki. "Send regards to your mother. Is she around?" 


"No, she's not," malamig na sagot naman ni Hiro, matalim pa rin ang tingin. 


"Well, then. Have a great night." The man bowed and smirked at me before leaving. 


Agad akong lumayo kay Hiro para matanggal ang hawak niya sa baywang ko dahil marami ang napatingin sa 'min, kasama na si Kyla. Nakita kong naguguluhan siya at may binubulong kay Brianna. 


Tuloy-tuloy lang akong naglakad pabalik sa table at umupo roon. Kumuha pa 'ko ng champagne sa dumaang waiter. Naramdaman kong nakasunod sa 'kin si Hiro at tumabi na naman. 


"Are you mad at me?" He tilted his head a little to the side, confused. 


Umiling ako at hindi nagsalita. 


"May problema ba?" he asked again. 


Sumsimsim ako sa champagne saglit, nakatingin sa harapan habang nasa gilid ko siya. Lumapit pa siya sa 'kin at nilagay ang kamay sa may sandalan ng upuan ko. I consciously looked around and saw some visitors looking at us. Walang hiya si Hiro. 


"Huwag kang masyadong malapit." Binaba ko ang baso sa table. "Baka may magselos." 


Kumunot ang noo niya. "Sino ang magseselos?" 


I shrugged and tried to find Giselle in the crowd. Baka mamaya ay masabunutan na lang ako rito bigla. 


"Where's your girlfriend?" Tumingin ako sa kanya.


"My girlfriend's here..." He moved his face closer to me. 


I blinked twice before looking away again, hindi na kinakaya ang titig niya. 


"Oo nga, nasaan?" tanong ko ulit. "Si Giselle?" 


"Giselle?" He arched a brow. 


He stared at me for a moment before biting the insides of his cheek, trying to stop himself from smiling. Tumaas ang kilay ko sa kanya at uminom ulit ng champagne, hindi nakukuha kung bakit mukhang natutuwa siya ngayon. 


"Iba ata ang nagseselos." The side of his lips rose in amusement.


"Uh..." Hindi ako nakapagsalita, medyo napahiya roon. "Giselle mentioned about dating a non-showbiz guy. Alam ng lahat na ikaw 'yon." 


"Me?" He chuckled. 


"Sino pa ba?" 


"Kalix?" 


Umawang ang labi ko at lumingon sa kanya, gulat at naguguluhan. Mas napangiti siya nang makita ang hitsura ko. 


"She's dating Kalix Martinez right now. If you want proof, look behind you." Hiro laughed. 


Lumingon nga ako at nakitang magkasama si Kalix at Giselle ngayon habang nakikipag-usap sa ibang kaibigan. Napakurap ako, gulat. Naalala ko kaagad si Luna. Naka-move-on naman na siguro 'yon, ano? 


"You're cute when you're jealous." He chuckled and held my hand under the table. 


Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkapahiya. Inubos ko na lang ang champagne sa baso at padabog na nilapag 'yon. Hiro was still looking at me with amusement in his eyes. 


"I'm very single," Hiro said meaningfully. 


He was single! My god! Samantha, ang fake news mo! Nakakainis! 


Tumingin ako pabalik kay Hiro, inis pa rin, hindi sa kanya, kung hindi kay Samantha. He was smiling when our eyes met. Then, he pulled my chair closer to him. 


"I like your necklace." His hand left mine to touch my neck. 


Kumabog ang dibdib ko at umayos ng upo, nakakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. 


Hiro's hand went down to my thigh so he could pull me a bit closer. I closed my eyes when he leaned to give me a soft kiss. 


It was soft and simple. He sucked my lower lip a little before letting me go. Dumilat ako at nakitang nakatitig siya sa 'kin, humor in his eyes. 


"Sino pang pinagseselosan mo?" He raised a brow, obviously teasing. 


"Wala akong pinagseselosan." Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. Ano 'yon?! Bakit niya ako hinalikan?! At bakit ako pumayag?!


"Are you sure?" He wasn't convinced. 


Wait, if he was single, sino ang parati niyang kausap sa phone? 


"Sino 'yong... Uh... Katawagan mo?" 


I couldn't phrase it better. I still sounded jealous! Kahit hindi naman! 


"You're jealous of my mom?" He chuckled, obviously enjoying this.


His mom! 


"Hindi ko sinabing nagseselos ako." Umirap ako sa kanya. Pakiramdam ko ay pinapahiya ko lang ang sarili ko sa mga sinasabi ko. 


"Okay, Ashianna." He shook his head. "It's my turn now." 


"Ano?" Lumingon ako sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya.


"Nagseselos ako sa engineer mo," seryosong sabi niya. 


Kumunot ang noo ko at muntikan nang matawa sa sinabi niya. Bakit masyado naman siyang straightforward?! Akala ko pa naman ay itatanong na niya ang kay Avi kaya kinabahan ako. Ito lang pala! 


"Sevi's harmless." Umiling ako. 


Kawawang Sevi. 


"I don't care." He rolled his eyes. 


"Ang suplado mo naman," natatawang sabi ko. 


"If you want an engineer, I can be an engineer." He stared at me. "So just choose me." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top