22


"Ano ulit ang tanong mo?"


Parang mahuhulog ang puso ko ngayon. Hiro stared at me before glancing at the toy again, malalim ang iniisip. Bawat segundong hindi siya sumasagot ay mas lalo akong kinakabahan. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tama ba ang pagkakaintindi ko? 


"She likes Rapunzel, right?" seryosong sabi ni Hiro sa 'kin. 


"S-sino?" I blinked twice. 


"'Yong reregaluhan mo?" Hindi pa siya sigurado.


Halos hindi ako makahinga. Kinuha ni Hiro ang Rapunzel doll sa kamay ko at pumunta na roon sa cashier para bayaran 'yon. Tulala pa rin ako sa kanya, hindi pa napoproseso ang nangyari. 


Does Hiro know?! Or he was still clueless that I had a child?! Baka naman akala niya ay may pinagbibigyan ako ng mga laruan o may nireregaluhan ako palagi? Pamangkin ko, ganoon? Anak ni Sam? O ni Luna? Hindi ko alam! Ano ba ang sinabi ni Ericka?!


"Here..." Binigay sa 'kin ni Hiro ang paper bag.


Dahan-dahan kong kinuha sa kanya 'yon at sumunod kina Kyla palabas ng shop. Hanggang sa maupo kami sa mga kainan ay hindi mawala ang kaba ko. Eh, kung sabihin ko na kaya para wala na 'kong kinakatakot, ano? 


Pero may girlfriend siya. Paano naman 'yon? Nakakalungkot isipin para sa side ni Giselle. Ayaw ko silang masira, pero unfair naman 'yon para kay Avrielle. 


Bakit ba hindi ko na lang kasi tanungin si Hiro kung may girlfriend siya o wala para hindi na 'ko napapraning kakaisip dito?! Hahanap na lang ako ng timing. Masyado namang nakakailang kung bigla ko na lang siya tatanungin. 


"You're thinking too much." Hiro sat beside me, sipping on his fruit shake. 


"About what happened in Sam's party..." Humarap ako sa kanya. 


"The engineer is not your boyfriend." Inunahan na niya 'ko. "I already know that." 


Hindi ako nagsalita, tahimik na nakikipagtalo sa sarili kung tatanungin ko na ba siya o hindi, pero bigla na lang umupo si Kyla sa tabi ko para ikwento sa 'kin 'yong foreigner na nilandi siya kanina. 


"Oh, nakalamang ako ng isa sa 'yo, girl!" tumatawang sabi niya.


"What's that?" chismosong tanong ni Hiro.


"Ah, Cap! Nagpaparamihan kami nina Yanna ng mga lalaking magtatanong ng name or number namin, ganiyan, o kaya lalandi sa plane or airport. Palaging winner 'tong si Yanna! Miss Universe ko 'yan!" Humagikgik si Kyla.


Lumipat ang tingin sa 'kin ni Hiro, hindi nagsasalita ngunit bakas sa mukha ang pag-aakusa. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Napakadaldal naman ni Kyla! Bakit kailangan pang sabihin 'yon?! 


"Some passengers do that?" Hiro sounded annoyed. 


"Oo naman, Cap! Minsan nga, creepy, pinipiktyuran pa si Yanna tapos pinopost sa Facebook, o kaya naman vinivideohan! Nakakaloka!" pagpapatuloy ni Kyla. 


"That happens?" Hiro's brows furrowed before looking at me again. 


"Yes, Cap! Kawawa si Yammers!" Hinaplos ni Kyla ang buhok ko. "Anyway, bili lang ako ng ramen!" 


Pagkaalis ni Kyla ay naiwan na naman kami ni Hiro sa table. Brianna and our purser were seated at the other edge of the table, medyo malayo sa 'min. Si Caleb ay bumibili pa ng pagkain kaya wala pa rito. 


"Are you okay?" Hiro asked suddenly. "With... those men? Are you uncomfortable?" 


"It's uncomfortable," sagot ko. "But I'm serving them."


"You're not a fucking slave. You're not serving them." Hiro sounded mad. 


"At kapag gumawa ako ng eksena, saan ako pupulutin? Tanggal sa trabaho, hindi ba? Paano ako mabubuhay niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


"I'm sure as hell you won't get fired with that. Trust me." He looked at me in the eyes. Napakaseryoso ng mga mata niya. 


"Of course. You own the company." I laughed sarcastically. 


"My mother owns the company," he corrected. "I'm just her employee. My brother's the one operating it." 


"But you have a high position in that company, right?" 


"Well, I guess." He licked his lips and looked away. "No one knows that, though."


Hiro had always been humble. Simula pa noon ay wala siyang balak ipalandakan sa lahat na mayaman ang pamilya niya. Kung hindi pa sasabihin ni Samantha ay hindi ko pa malalaman ang tungkol doon. Naalala ko tuloy ang pagyayabang niya kay Sevi na pilot-engineer daw siya. Natawa ako nang bahagya.


"You're an engineer?" tanong ko sa kanya. 


"Yeah, I passed the boards," casual na sabi niya.


"Paano? You left the country after your graduation?" naguguluhang tanong ko.


Natahimik siya bigla at kinuha ang shake niya para uminom doon, nakatingin sa malayo. Sa mukha pa lang niya ay pansin ko nang malalim ang iniisip niya at may gustong sabihin. 


"I came back," mahinang sabi niya. 


Napatitig ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa 'kin. Halatang ayaw niyang pag-usapan pero gusto niyang malaman kong bumalik siya. 


"Oo nga, kaya narito ka, hindi ba?" paninigurado ko. "Pagkatapos mo magtrabaho sa Delta ay bumalik ka rito." 


"No." He laughed sarcastically. "I came back months after I left." 


My heart throbbed, remembering what happened before he left. He probably left with a heavy heart because of what I did. Guilt easily consumed me before I even knew. Gusto kong maiyak, inaalala lahat ng paghihirap ko noon, lalo na kay Avi. 


"But you were gone," dugtong niya. 


I was in Nueva Ecija that time and I also changed my number. Lumipat kami roon nina Mama habang pinagbubuntis ko si Avi. Sigurado rin akong hindi ako ilalaglag ni Samantha or my other friends kung sakaling pinagtanungan sila ni Hiro. It was so devastating for me. 


"It's okay. Masaya ka na ngayon," sambit ko. I really hoped so. 


"I wish." Hiro laughed with pain. 


Napatigil kami sa pag-uusap nang tumabi sa kanya si Caleb, dala-dala na ang tray ng pagkain niya. Umusog tuloy ako para makalayo at sakto namang dumating din si Kyla, mukhang badtrip. Masama niyang tiningnan si Caleb at binelatan naman siya nito. Napaka-mature naman ng mga tao sa paligid ko. 


"Cap! Inistalk kita sa Instagram! Kakilala mo pala 'yong Giselle? 'Yong sikat na model?! Idol ko 'yon! Pakilala mo naman ako!" makulit na sabi ni Kyla. 


"Uh, yeah." Naiilang na sabi ni Hiro. "I just saw her yesterday." 


"Omg, nandito na pala siya sa Pinas?!" excited na sabi ni Kyla. "Pati si Clea, 'di ba? Friends din kayo ni Clea?! 'Yong artista!" 


"I'm not close with Clea," maikling sagot ni Hiro at sumulyap sa 'kin saglit. 


"Ang dami mong kakilalang bigtime! Kapag magpapaparty ka, Cap, invite mo 'ko, ah! Iko-close ko lang 'yong mga 'yon!" 


"My birthday's getting near." Hiro glanced at me again. Bakit ba tingin nang tingin 'to sa akin? 


Wait... His birthday? Hindi ko alam 'yon, ah. Sabagay, hindi naman namin na-celebrate dati ang birthday niya. Isa pala 'yon sa mga hindi ko alam sa kanya. 


"I'm having a formal party. You guys can come. There's an afterparty too." Parang sa 'kin sinasabi ni Hiro 'yon dahil sa 'kin nakatingin. 


"Party?! Gusto ko rin!" singit ni Caleb.


"Luh, wala na." Umirap si Kyla. 


"Luh, birthday mo, ate?" sarkastikong sagot ni Caleb sa kanya. 


Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Mabilis ding lumipas ang oras at nagpatuloy na kami sa lipad namin hanggang sa makabalik na sa Pilipinas nang gabi. Pagkarating namin sa headquarters ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Hatak-hatak ko ang maliit kong maleta papuntang parking.


"Yanna..." Napalingon ako sa tawag ni Hiro. 


He walked until he was already in front of me. Taas-noo ko siyang tiningnan, hinihintay ang sasabihin niya. 


"Come to my birthday party." He looked and sounded nervous. 


"Kailan ba?" 


"Saturday." Inabot niya sa 'kin ang invitation na kanina pa niya hawak.


It was really a formal party sa itsura pa lang ng magarang invitation. Itim ang envelope at may gold na lining doon. It was plain but elegant, lalo na ang card sa loob. Naglalaman lang 'yon ng details tungkol sa party niya. Gaganapin iyon sa isang five star luxury hotel sa may BGC. Ang afterparty ay sa mansyon nila sa Makati. 


"Long gown?" tanong ko sa kanya.


"Not necessarily." He licked his lower lip a little. 


"Sige, pag-iisipan ko."


Tumalikod ako sa kanya at sumakay na sa kotse kong bulok. Nauna na 'kong nag-drive paalis at sumunod lang siya sa likod ko, ngunit lumiko rin dahil iba ang dadaanan. Gabi na at pakiramdam ko pagod na 'ko kaya napagpasyahan kong doon na lang muna matulog kina Sam, kung nasaan si Avi.


"How's the flight?" bungad sa 'kin ni Sam pagkapasok ko.


Umupo kaagad ako sa sofa para tanggalin ang heels ko at ibaba ang gamit ko. She was watching a Netflix movie with low volume dahil tulog na si Avrielle. 


"Dito muna 'ko matutulog. Pagod na 'ko," sabi ko pagkatanggal ng stockings. 


"Avi kept on talking about her father. May balak ka bang ipakilala sa kanya o ano?" seryosong tanong sa 'kin ni Sam. 


"Hindi ko pa alam."


Tumayo ako at hinatak ang gamit papunta sa isang kwarto para roon maligo. I took a warm shower and went to the sofa again in my pajamas. Umupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko, nakatingin sa kisame. 


"Nagkikita kami ni Hiro," pag-amin ko kay Sam. Napalingon kaagad siya sa 'kin. "Sa flight. Palagi kaming nagkakasama. Napag-isipan ko nang ipakilala si Avi sa kanya, pero hindi ko alam kung paano dahil... sabi mo sila ni Giselle..." I sighed. 


"Wait, wait..." Humawak si Sam sa ulo niya. "Are you sure? I mean, I'll support you anyway. I just want to know if you have thought about this thoroughly." 


"Paano ko sasabihin?" tanong ko sa kanya.


"Omg, make it climactic!" Excited si Sam na umayos ng upo para makaharap sa 'kin. "He's having a party, right? Why don't you tell him on his birthday and just go like... Happy birthday, Hiro. Ang regalo ko sa 'yo ay isang anak. Sana magustuhan mo." 


"Parang tanga naman, Sam." Umirap ako at sinipa siya. 


"O kaya, sige, ganito na lang." Sam cleared her throat. "Hiro, mix flour with water, what will you get? A... Dough-ter!" 


"Punyeta." Hinampas ko siya ng unan. "'Yong matino kasi! Kakausapin ko na lang siya nang masinsinan." 


"The more you plan it, the more the world will be against it. Ano'ng plano mo niyan?" 


"Damage control." 


Paano nga kapag kunwari bigla na lang madulas si Kyla? O kaya madulas ang bibig ko? O baka biglang may magsabi sa kanya? O kaya bigla niyang makita si Avrielle? Ano'ng mangyayari kapag ganoon? Magugulantang ako. Kailangan alam ko na ang sasabihin ko! 


"Mommy..." Napatingin ako kay Avi na nagising sa ingay namin ni Sam.


Kinukusot niya ang mata habang hawak sa isang kamay ang stuff toy niyang si Olaf. Naka-pajama siya na kulay puti. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya para buhatin siya. 


"Let's sleep na, baby," bulong ko at hinalikan siya sa pisngi. 


Pumasok ako sa kwarto at hiniga siya roon. Tinabihan ko siya at umurong naman siya palapit sa 'kin para mayakap ako. Dahan-dahan kong tinapik-tapik ang binti niya para makatulog siya kaagad. 


Nakatulog na rin ako pagkatapos noon. Wala akong flight kaya naman ang sarap ng tulog ko. Pagkagising ko ay wala na si Avi sa tabi ko kaya tumayo ako at naghilamos muna bago lumabas ng kwarto. 


Nakita kong nakaupo na sa sahig ng living room si Avi at nanonood ng Spongebob. Tutok na tutok siya sa TV habang yakap ang stuff toy niya, gulo-gulo na ang buhok. Sa kusina naman ay nagluluto si Samantha ng breakfast. 


"Good morning, senyorita! What do you want to eat today?" sarkastikong sabi ni Sam sa 'kin. "Except for d..." 


"Dry season ko, girl." Tumawa ako at umupo sa mataas na upuan, hinihintay siyang matapos sa pagluluto.


"I hate you so much. Sa kama ko kayo natulog ni Avi. You made me sleep in the guest room," reklamo niya. 


Tumawa lang ako at tinulungan na siyang maghain ng pagkain. Pagkatapos ay tinawag ko na si Avi para paupuin sa may dining. Tuwang-tuwa siya dahil walang gulay na niluto si Sam. Naghiwa na lang ako ng apple para naman may masustansyang kakainin 'tong anak ko. 


"Sam, pupunta ka ba sa birthday niya?" tanong ko sa kanya. 


Hiniwa-hiwa ko na ang hotdog na ulam ni Avi, pati na rin ang itlog para dere-deretso na niyang kainin. Medyo lousy pa siyang kumain gamit ang kutsara't tinidor, eh. Hindi pa niya masyadong abot ang lamesa kaya nahihirapan. 


"Oo, sasamahan kita. Kay Kierra mo na lang iwan si Avi," payo niya. 


"Birthday?" curious na tanong ni Avi habang ngumunguya. Lumaki tuloy ang pisngi. 


"It's your dad-"


"Avi, eat these after!" putol ko kay Sam at nilapag ang bowl sa tapat ni Avi na may lamang slices ng apple. 


"Yes, Mommy," walang reklamo si Avi dahil prutas 'yon. 


Napatingin ako sa phone ko nang biglang mag-vibrate 'yon. I already saved Hiro's number para hindi na 'ko nalilito. 


From: Captain Juarez

You can get my car now. 


Kumunot ang noo ko. Ang bilis naman niyang mag-proseso ng papel! Ginamitan siguro ng koneksyon nito! 


To: Captain Juarez

Saan ko pwedeng kunin? 


From: Captain Juarez

Pwede kong dalhin dyan. Nasaan ka ba? 


Napanguso ako at tumingin kay Avi na kinakain na 'yong apple. Tumingin din siya sa 'kin at ngumiti. I smiled back before typing on my phone again. 


To: Captain Juarez

I'm with Sam. Magkita na lang tayo sa mall mamayang lunch. 


From: Captain Juarez

Okay. 


Mabuti na lang at may dala akong gamit kaya naman pagkatapos kumain, naligo na 'ko para mag-ayos. I just wore a white skirt ending below my knees at sinuotan 'yon ng itim na belt. Pagkatapos ay nagsuot na lang ng fitted navy blue top na may buttons. Bahagyang kita ang abdomen ko tuwing tinataas ko ang kamay ko. Kapag hindi, okay naman siya. 


Nagpapatuyo ako ng buhok nang pumasok si Avi sa kwarto. "Where are you going, Mommy?" Umakyat siya roon sa kama ni Sam. She struggled for a bit. 


"I'm going out for lunch. Mommy's going to have a new car," masayang sabi ko sa kanya. 


"New car!" She clapped her hands. 


Tumawa lang ako. Nang matapos akong magpatuyo ng buhok ay sinuklay ko na 'yon at nagtangkang iipitan na pero biglang nagsalita si Avi. 


"Braid, Mommy," turo niya sa buhok ko.


"Ano, anak?" nagtatakang tanong ko.


"I want," putol na sabi niya. 


Nakuha ko ang sinabi niya at gusto ko mang tumanggi, parang hindi ko kaya. Umupo na lang ako sa sahig habang nasa kama siya ni Sam para mas mababa ako sa kanya. She giggled and tried to get my hair on her hands. She only knew how to braid her Barbies. Iyon lang ang kaya ng kamay niya. 


"Can I help?" tanong ko sa kanya.


Ayaw niya pero alam kong hindi kami matatapos dito kung hindi pa 'ko tutulong. It was just a simple braid, 'yong hindi dikit sa anit. Hinati ko lang sa tatlo ang buhok ko at tinuruan siya kung paano niya pagbabaliktarin ang mga 'yon. 


"Mommy, pin," turo niya sa hair clip sa may vanity table ni Sam. 


"Avi, those are yours," tanggi ko.


"Mommy, please..." She pouted. 


Bumuntong-hininga ako at kinuha ang mga hair clip ni Avrielle. Jusko po! Puro pambata 'yon! May mga bulaklak at butterfly pa pero hindi ko naman matanggihan. Ang mga puti lang ang nilagay niya sa may buhok ko kaya bumagay naman sa palda ko. 


"Late na 'ko, anak." Tumayo ako at hinalikan siya sa noo. "I'll be back. Stay with Tita-Ninang." 


Nagmamadali na 'kong umalis at bumaba sa condo ni Sam para mag-taxi na lang papunta sa mall para hindi ko na poproblemahin pauwi 'yong isa kong sasakyan. Sinusubukan kong ayusin sa kotse ang buhok ko dahil medyo magulo ang pag-braid ni Avi kahit tinulungan ko siya. Ang hirap lang kasi nakatalikod ako. 


From: Captain Juarez

Take your time. 


Hindi ko alam kung sarkastiko 'yon o ano. Ang alam ko lang ay kanina pa siguro siya naghihintay doon sa mall. Siya na ang pinapili ko ng kakainan namin at sabi ko ay huwag sa sobrang mahal para naman makapagbayad din ako para sa sarili ko. 


Nang makarating sa mall ay sa isang wings restaurant ko siya pinuntahan. Iyon lang daw ang nakita niyang mura pero maganda dahil pinipilahan daw. Natawa ako sa kanya. 


"Sorry, I'm late," nagmamadali akong umupo sa harapan niya at nilagay ang bag ko sa gilid. 


Hiro looked up when he heard me pero hindi nagtagal ang tingin niya sa mukha ko dahil lumipat 'yon pataas. He stared at my hair and bit his lower lip to stifle a smile. 


"What?" Tumaas ang kilay ko.


"Looks cute." Nagpahalumbaba siya, nakatingin pa rin sa buhok ko. 


Sumimangot ako at humawak sa buhok ko, kinakapa ang mga pambatang hair clips doon. Isa-isa ko silang tinanggal at tinago sa bag ko.


"Why did you take them off?" Hiro looked disappointed. 


"Eh 'di ikaw ang magsuot." Umirap ako. Tutal anak mo naman ang nagpumilit maglagay niyan, eh 'di ikaw rin, suotin mo! 


"I already ordered for us. Is that okay?" he asked, ignoring my remarks. 


Tumango lang ako at hinintay ang pagkain. Dahil kanina pa siya nag-order ay mabilis din namang dumating 'yon. It was funny how he chose a wings restaurant. Hindi bagay sa outfit niya. He was wearing a grey dress shirt and black pants, mukhang galing sa isang pormal na meeting. Tinupi niya ang sleeves niya hanggang siko at sinuot ang plastic gloves. 


Apat na iba't ibang flavors ang in-order niya. I was so excited to eat dahil matitikman ko ang ibang flavor. Laging garlic parmesan lang kasi ang ino-order ko kapag kumakain. Sinuot ko ang plastic gloves at kumagat doon sa mukhang maanghang na flavor. 


"Who can finish more wings?" paghahamon niya sa 'kin. 


Naging competitive tuloy ako at binilisan ang kain ko. Hiro stopped midway and stared at me while I was chewing. Hinubad niya ang plastic gloves niya at kumuha ng tissue para punasan ang pisngi ko. Napatigil tuloy ako. 


"Fine, you win. Eat slowly." Umiling siya at nilapag na ang tissue sa table after crumpling it. 


Umirap ako at binagalan nga ang kain ko. I can't believe we finished all of it. Buto na lang ang natira. Habang umiinom ako ng tubig ay nakita kong nagte-text na naman siya. Pagkatapos, sumagot ng isang tawag. 


"I'm busy, I can't pick you up," mahinang sabi ni Hiro. "No, I'm with my... Uh... co-employee." 


Tumaas ang isang kilay ko, iniisip kung si Giselle ba ang kausap niya. Hindi naman siya nagsinungaling pero kung tinatago niya 'yon, then isa siyang cheater! Napailing na lang ako sa kanya. Mukha pa 'kong kabit dito. 


"Let's go." Tumayo siya pagkababa ng tawag.


"Ang bill?" nagtatakang tanong ko.


"I already paid for it earlier." He smirked, tagumpay dahil naisahan niya 'ko roon!


Pagkalabas namin, akala ko ay aalis na siya pero nakasunod pa siya sa 'kin. Naghahanap kasi ako ng gown na susuotin para sa birthday niya. Mabuti ngang nandito siya para alam ko kung pasok ba sa theme niya ang susuotin ko. 


"You don't have to buy a dress," pigil sa 'kin ni Hiro. 


"Wala akong susuotin kung ganoon. Ano'ng gusto mo, nakahubad ako?" tuloy-tuloy na sabi ko.


Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Saka ko lang na-realize kung gaano kabastos pakinggan 'yon kaya nag-panic kaagad ako at tinalikuran siya, umaaktong naghahanap na ng gown. 


Kinuha ko ang isang wine red na evening gown. Manipis ang strap nito at malalim ang hati sa dibdib. Maluwag ang top ngunit sumikip sa may bewang. Ang palda ay may tatlong hati kaya kapag maglalakad ako ay makikita ang binti ko dahil sa slit. I liked that one kaya sinukat ko na kaagad. 


Lumabas ako para ipakita kay Hiro at tanungin kung pwede ba 'yon sa party niya. 


"It looks good." Tumango siya. "You can partner it with black heels." 


Tumango ako at nagbihis na ulit. I ended up buying that dress. Handa na 'ko sa birthday niya kaya naman wala na 'kong rason para hindi pumunta. Hiro got the paper bag out of my hand when we stepped outside the shop. 


"Are you bringing someone with you?" tanong niya habang naglalakad kami. 


"Si Sam," maikling sagot ko. 


Tumango siya at sumunod lang sa 'kin. Maghahanap na 'ko ng heels ngayon at pagkatapos, mga accessory naman. Hiro was patiently waiting for me. Nakaupo siya roon habang nagtitingin ako ng mga heels. All women inside the shop would look at him. Ang tangkad niya kasi at naiiba siya sa mga nandito. 


"Oh my god, Akihiro Juarez!" Napalingon ako sa lalaking lumapit sa kanya. "I wasn't expecting to see you here! How are you?!"


"I'm fine." Hiro was formal. 


"I'm writing an article about Giselle! Mind if I interview you for a minute? Are you busy?" umaasang tanong ng lalaki at inayos pa ang salamin niya. 


"Interview for what?" Hiro arched a brow and glanced at me. 


Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring naghahanap ulit ng sapatos. Ayaw kong ma-issue sa kanya 'no! At mas lalong ayaw kong ma-issue sa relasyon nila ni Giselle! Hindi ko naman alam na makakasalubong namin ang isang... journalist? 


"I'm just going to ask a few questions about your relationship with her. You were her longest partner, right?" masayang sabi ng lalaki. 


"I'm busy." Umiling si Hiro, gusto nang umalis. 


"Oh, may kasama ka?" Lumingon sa paligid ang lalaki. "Friend ba? Sino? Model? Artista? Socialite?"


Nailang kaagad ako roon. Lahat ba ng tao ay ine-expect si Hiro na puro ganoon lang ang mga kaibigan? Ganoon ba siya kataas? Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang itim na heels para manghingi ng size.


Umupo ako sa sofa kung saan nakaupo si Hiro, hinihintay ang heels ko. The guy looked at me when he noticed Hiro staring at me. 


"Model?" the guy asked me. 


Kumunot ang noo ko at mabilis na umiling.


"Really? You should be a model!" Dali-dali siyang umupo sa tabi ko at abalang naghanap ng calling card sa wallet. "Artista, pwede rin! Pwede kang leading lady ni-"


"She's not interested," sagot ni Hiro para sa 'kin. 


"Oh, you know each other?!" 


Hindi ko na sila pinansin at sinukat na lang ang heels. Ayos naman siya kaya pumunta na 'ko sa counter para magbayad. Hiro was still talking to the guy, halatang naiirita na simula noong inalok akong maging artista. Wala naman talaga akong interes sa ganoon. 


"Wait, are you friends with Samantha?" habol sa 'kin noong lalaki pagkatapos ko magbayad.


"Yes?" Tumaas ang isang kilay ko.


"Is it true na may anak na siya?!" agad na tanong niya.


Nagulat kaagad ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita kaagad. I immediately knew he was pertaining to my child! Chismis ba 'yon?! Na may anak na si Sam?! 


"No," agad na tanggi ko. 


"That's enough." Tumayo si Hiro at naglakad palapit sa 'kin. "We're going now." 


Hindi na niya hinintay ang sinabi ng lalaki at humawak na lang sa balikat ko para maalalayan ako paalis. Akala ko ay tatanggalin na niya ang akbay niya sa 'kin pero hindi niya ginawa hanggang sa makapasok na kami sa isang jewelry store. 


Nagtingin kaagad ako ng mga necklace. Hiro went to the other side to look for some too. May gusto ako pero masyado palang mahal dito kaya naglakad na 'ko palapit kay Hiro para ayain siya paalis. Napatigil ako nang makitang abala siya sa pagtitingin doon ng singsing. 


"Regalo mo?" tanong ko, naalala 'yong kay Giselle.


"No," tanggi niya kaagad. 


"Speaking of, required bang may dalang regalo sa birthday mo?" 


He laughed at that. "No, just bring yourself." He smiled. 


Nakakahiya naman 'yon. Sigurado akong may dalang regalo lahat ng bisita niya at nakakahiya kapag ako lang ang wala. Nag-isip na kaagad ako ng magandang iregalo sa kanya. Parang lahat naman kasi mayroon na siya kaya ang hirap mag-isip. Lahat naman ay afford niya. 


"Tara na. Hihiram na lang ako kay Sam ng necklace." 


"Wait here. I'll just get something." Tumigil si Hiro sa paglalakad. 


Naghintay ako sa bench doon. Ilang minuto lang ay nakabalik na siya, hindi sinabi kung saan siya nagpunta.


Naglakad na kami sa parking kung nasaan ang sasakyan niya, na magiging sasakyan ko rin. Pagkakita ko pa lang sa malinis na puting Mercedes, parang nag-play sa utak ko ang mga memorya ko roon. Nakakakilabot! 


"Here." Binigay niya sa 'kin ang susi. "I'll teach you about the controls." 


Binuksan ko ang sasakyan at pumasok sa driver's seat. Doon naman siya umupo sa shotgun seat at tinuro ang mga controls doon, tsaka tinuruan din ako kung paano gamitin ang monitor doon. Tumango lang ako, nakikinig sa kanya. 


"There. You're good to go," sabi niya at tinapik ang dashboard.


"Paano ka uuwi?" nagtatakang tanong ko. 


"I'll book a grab." He shrugged. 


Natawa ako dahil parang bumaliktad ang sitwasyon namin.


"Hatid na kita," mayabang na sabi ko. 


"Wow..." He was amazed.


Umayos siya sa kinauupuan niya at nagsuot ng seatbelt. Nilagay niya rin sa GPS kung saan ko siya ihahatid para may masundan ako. Doon siya sa isang restaurant nagpapababa. Naisip ko tuloy kung may date sila ng girlfriend niya. Parang mali naman 'atang kakain siya kasama ako tapos may date siya pagkatapos kasama ang girlfriend niya. I felt bad. 


Tahimik lang kami at nakikinig sa kanta habang nagda-drive ako. The Mercedes was cool. It was smooth, kaya pala paborito niyang sasakyan 'to noon. Ang linis pa ng labas pati loob. Halatang iniingatan.


I stopped in front of a restaurant. Tinanggal niya ang seatbelt niya at humarap sa 'kin. "Thank you." He gave me a small smile.


"Give me your bank details so I can pay you immediately," pagpapaalala ko. 


"Okay..." Tumango siya at bababa na sana nang biglang may maalala. "Wait."


May kinuha siya sa bulsa niya. Nilabas niya ang isang manipis na puting box at inabot sa 'kin. Nakakunot ang noo ko nang tanggapin 'yon. 


Pagkabukas ko, bumungad sa 'kin ang maganda at kumikinang na necklace. It was simple but elegant, with small diamonds on it. Tumingin ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.


"A gift." He smiled more. "You can wear it with your dress." 


"W-wow, thank you," sabi ko, nakatingin pa rin sa magandang necklace. 


Mahal 'to, ah! Bakit niya 'ko bibigyan ng ganito? Normal pa ba 'to?! Hindi naman niya siguro binibigyan lahat ng kaibigan niya ng mamahaling mga alahas, 'di ba? 


"Oh, and also..." 


Nagsalubong ang kilay ko nang may kuhanin na naman siya. It was another small box. Mas maliit nga lang sa binigay niya sa 'kin kanina. 


"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko bago buksan. 


Bumungad sa 'kin ang isang maliit na hair clip. It was a silver clip with purple stones on it, forming a cute flower. Agad akong napatingin sa kanya, mas nagtataka na ngayon dahil hindi naman 'yon bagay sa susuotin ko. 


"Give it to her. It's a gift," maikling sabi ni Hiro bago bumaba ng sasakyan.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top