21
"Where are you going?"
Takang-taka si Avi nang iwan ko siya ulit sa opisina ni Luna. May party si Sam mamaya pero dahil hindi nga makakapunta si Luna sa kadahilanang may tatapusin pa raw siyang trabaho, sa kanya ko iiwan si Avi buong gabi.
"I'm meeting someone, anak," sabi ko at hinalikan siya noo. "I'll be back."
Nagmamadali akong umalis doon para i-meet si Hiro sa malapit na restaurant. Nilakad ko na lang 'yon dahil nga parehong street lang naman ng kumpanya nina Luna. I was just wearing an off-shoulder top, a pair of high-waisted pants, and white heels. Inipit ko na rin sa ponytail ang buhok ko para malinis akong tingnan.
Pagkapasok ko pa lang ay natunugan ko nang mahal ang mga pagkain dito. Tinanong ako kung may reservation ako at nang sinabi ko ang pangalan ni Hiro, pinasunod ako ng waitress papunta sa table namin.
Naroon na siya kaagad. He was wearing a white button-down dress shirt and a pair of maong pants. Tinupi niya ang sleeves hanggang siko, which made me look at his wrist. Nanuyo ang lalamunan ko nang makitang suot niya ang bracelet na binigay ko sa kanya noon, kasunod ng mamahalin niyang relo.
"You can sit down," sabi ni Hiro sa 'kin nang hindi ako kumibo.
Umupo ako sa tapat niya at nilapag ang puti kong handbag sa may gilid ng lamesa. Inaasahan kong maglalabas na siya ng dokumento ngayon pero hindi 'yon nangyari. He was busy texting kaya tumingin na lang ako sa labas. Katabi kasi namin ay ang glass wall kaya nakikita ko ang mga dumadaan.
"Sorry," Hiro said when his phone vibrated again on the table.
"Okay lang," sagot ko at nagpahalumbaba.
Sinagot niya ang tawag at bumaling sa ibang direksyon, mukhang iniiwasang marinig ko pero dahil malapit siya sa 'kin, kahit anong hina ng boses niya ay naririnig ko pa rin.
"What party?" Kumunot ang noo ni Hiro. "No, I'll be busy, I'm sorry."
Pinatay niya ang tawag at binalik na ang tingin sa 'kin. Hindi na 'ko nagtanong tungkol doon dahil hindi ko naman dapat pinoproblema 'yon. Masyado siyang abala sa pakikipag-text hanggang sa dumating na ang pagkain. Paminsan-minsan ay sumasagot pa siya ng tawag.
"I'm just out for lunch," mahinang sabi niya sa kausap niya. "No, it's for work. I can pick you up after this."
Tahimik lang akong kumakain ng baby back ribs habang may kausap siya. Nang ibaba niya 'yon ay pinatay na niya ang cellphone para wala nang tumawag o mag-text. He continued eating after that.
"Yanna?"
Muntik ko nang madura ang kinakain ko nang makita si Brianna na napadaan sa table namin.
"Bri!" Nataranta kaagad ako at umayos ng upo.
Lumipat ang tingin niya kay Hiro na tahimik lang na kumakain, walang pakialam at tinanguan lang siya bilang pagbati. Nang-aasar siyang napangiti ngayon.
"Hi Captain Juarez," magalang na bati niya.
"A-anong ginagawa mo rito?" Para akong nahuling may ginagawang illegal!
"Family lunch." She laughed again, watching me panic. "Sige na, baka nakakaistorbo pa 'ko. Enjoy your lunch, Cap, Yanna."
Napakurap ako at hindi nagsalita hanggang sa naglakad siya paalis, hindi matanggal ang ngisi sa mukha. Napasapo ako sa noo ko habang inuubos ang pagkain ko, naiilang na dahil baka iniisip niyang nagde-date kami ni Hiro! Paano sa trabaho?! Baka asar-asarin niya 'ko!
"Relax." Hiro sipped on his wine.
"Akin na kasi ang deed of sale nang matapos na 'to at makaalis na 'ko," nagmamadaling sabi ko sa kanya at tinabi ang plato ko.
"Why? You have a date, perhaps?" he casually asked while holding his glass of wine.
I bit the insides of my cheek, trying to stifle a smile. Sumandal ako sa inuupuan ko at humalukipkip habang nakatingin sa kanya, hindi makapaniwalang nagawa niyang itanong sa 'kin 'yon.
"Bakit curious ka?" Tumaas ang kilay ko.
"I don't see any wedding ring..." He glanced at my hand.
Tinago ko ang kamay ko at bahagyang natawa sa kanya. Ano ba ang ginagawa niya? Paniwalang-paniwala naman siya masyadong may relasyon kami ni Sevi! Uto-uto talaga!
"Are you flirting with me?" deretsong tanong ko.
His brow shot up and the side of his lips rose up when he placed the wine glass down on the table. Tiningnan niya 'ko saglit at nailang naman ako kaagad.
"You think so?" He titled his head a little to the side, not taking his eyes off me.
"I hope not." I shrugged.
"I hope not, too." He shook his head.
Nilabas niya ang deed of sale at nilapag sa harapan ko. May pinapaliwanag pa siya tungkol sa dokumento pero naalis ang tingin ko roon nang mapasulyap sa labas.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Avi na naglalakad, hawak-hawak ang kamay ni Luna. She stopped when she saw me and her face immediately lit up. Napatigil din si Luna nang may tumawag kaya sinagot niya 'yon.
'Mommy' ang basa ko sa sinasabi ni Avi habang kumakaway sa 'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko at tumingin kay Hiro, hindi na maintindihan ang mga sinasabi niya.
"Oh my god..." Napatayo ako nang makita kong muntik nang masagasaan ng bisekleta si Avi sa sidewalk.
"What? Why?" Kumunot ang noo ni Hiro at lumingon sa tinitingnan ko.
Luna was already off her phone and carried Avrielle up to avoid another possible accident. Kita ko ang kaba ni Luna habang kinakausap ang anak ko at hinahaplos ang mukha.
"What are you looking at?" nagtatakang sabi ni Hiro.
Dahan-dahan akong umupo ulit nang makitang wala namang nangyaring masama kay Avrielle. Binalik ko ang tingin kay Hiro na nakalingon pa rin sa may sidewalk, nagtataka kung bakit ako napatayo bigla sa kinauupuan ko.
"N-nasaan na nga tayo?" tanong ko para mabalik ang tingin niya sa akin. Hindi naman niya siguro nakita, ano?
"As I was saying..." Hiro went back to what he was discussing with me.
Tumango lang ako at pumirma sa mga dokumentong pinapapirmahan niya sa 'kin. Wala na 'ko sa sarili dahil sa kaba kanina kaya naman nawalan na lang ako ng pakialam.
"Are you okay?" tanong ni Hiro habang inaayos na ang mga dokumento.
"Yes." Tumango ako. "Tapos na ba? Una na 'ko."
Kinuha ko na ang bag ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Naglakad na 'ko kaagad paalis doon at hinabol sina Luna na tumawid sa kabilang daan para pumuntang coffee shop. Pagkapasok ko roon ay napalingon kaagad si Avi sa 'kin at kumaway.
"Are you okay? Are you hurt?" agad na tanong ko sa kanya pagkalapit.
"No, Mommy..." She shook her head. "I saw you, Mommy!"
"Yes, anak. I saw you, too." I sighed in relief nang makitang wala namang galos si Avi.
"Oh, nandito ka na!" gulat na sabi ni Luna pagkaharap sa 'kin, dala-dala na ang kape.
"Gaga ka!" Agad kong hinatak ang buhok niya. "'Yong anak ko, muntik na!"
"Aray ko, gago!" Hinampas niya ang kamay ko at inambahan ako ng suntok. "Hindi ko nakita! Sorry na! Pwede mag-sorry?" sarkastikong sabi niya pa.
Nakakunot ang noo ni Avi ngayon, pinapabalik-balik ang tingin sa 'min ni Luna, inaakalang totoong nag-aaway nga kami.
Ako na tuloy ang bumuhat kay Avi pabalik sa kumpanya nina Luna dahil wala akong tiwala sa babaeng 'to. Nakaupo lang ako sa sofa, hinihintay matapos si Kierra sa ginagawa niya para sabay na kaming pumunta sa party ni Sam sa BGC.
"What's up?!" Nagulat ako nang biglang pumasok si Sevi sa office ni Luna.
"Ano na naman?" bungad ni Luna sa kanya habang naglalaptop.
"Tito!" Tumayo kaagad si Avi at tumakbo sa kanya para yakapin siya. Binuhat naman kaagad siya ni Sevi at pinisil ang pisngi.
"Oh, nandito ka pala. May itatanong ako sa 'yo, eh." Tumaas ang kilay ko at pinanood siyang umupo sa kabilang dulo ng sofa, kandong na si Avi ngayon. "Hiro ba pangalan noong piloto n'yo?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Pilot!" Lumingon kaagad si Avi nang marinig 'yon.
"Oo, bakit mo alam?" Kinabahan ako bigla.
"Wala. Kaya pala familiar." Umiling siya at sumandal sa sofa.
Bumaba si Avi mula sa pagkakandong kay Sevi para ipagpatuloy ang pagda-drawing niya roon sa sahig. Sevi and Luna were discussing something about a project. Nang dumating si Kierra ay sumabay na 'ko sa kotse niya para makapuntang BGC. Baka kasi magloko na naman 'yong punyeta kong sasakyan at hindi ako makauwi.
Nag-dinner muna kami ni Kierra saglit kasama si Via bago kami dumeretso sa club. Pagkapasok namin doon ay marami nang tao pero wala pa namang nalalasing. Sinalubong kaagad kami ni Sam at pinaupo sa isang empty couch.
"Ang dami mo namang bisita!" sabi ni Via sa kanya.
"Of course! You should roam around, I invited a lot of personalities!" Naglapag kaagad si Sam ng apat na bote sa table namin.
Tumingin ako sa paligid at napansing pamilyar nga ang mga mukhang nakikita ko. Malamang nakita ko na sa TV o sa Instagram ganoon... o kaya naman ay sa YouTube. Lahat ata ng klase ng tao, pasok sa social circle nitong si Sam.
Isang bote pa lang ang nauubos nang bumalik si Sam para hatakin ako. Ipakikilala niya raw ako sa mga kaibigan niya at nagpahatak naman ako sa kanya. Lumapit kami sa isang couch ng mga lalaki. Grabe, lahat gwapo. Walang tapon.
"Hi guys! This is Yanna, best friend ko! Flight attendant!" pagpapakilala ni Sam.
Hindi kaagad sila nakapagsalita at tumitig muna sa 'kin hanggang sa may tumayo at agad inalok ang kamay niya sa 'kin, hindi inaalis ang tingin niya. "Kurt," pagpapakilala niya. "Do you want a-"
"Christian," siningitan kaagad siya noong isa niyang tropa.
Tinatanggap ko lang ang mga kamay nila dahil sunod-sunod na silang nag-alok sa 'kin. Hindi ko alam ang sasabihin ko at sumulyap lang kay Sam, nanghihingi ng tulong.
"Not your type?" bulong niya sa tenga ko.
"Mamaya na!" sagot ko.
Hawak-hawak niya ang kamay ko para hindi ako mawala habang dumadaan kami sa gitna ng mga tao. Napatigil siya nang mapadaan sa isang couch ng mga modelo dahil tinawag siya nito.
Napako kaagad ang tingin ko sa magandang babae sa gitna. She was wearing a short sparkling dress partnered with an expensive pair of heels. Her hair was on curls and her makeup made her even more beautiful.
"Giselle! Oh my gosh, you came!" Lumapit si Sam para makipagbeso roon.
Hindi ako makapagsalita, lalo na noong lumipat ang tingin sa 'kin ng magandang modelo. She was still smiling when she offered her hand to me. Nag-isip pa 'ko bago ko kinuha 'yon.
"I'm sorry, what's your name?" she asked. Her voice was so angelic.
"Yanna..." Parang nautal pa 'ko. Na-starstruck yata ako.
"Yanna! Sam's friend?"
Tumango ako. Nawala rin kaagad ang atensyon niya sa 'kin nang may lumapit sa kanya para magpa-picture. Nakatulala lang ako, bahagyang nagi-guilty dahil hindi niya alam na habang hinahabol niya si Hiro noon, nilalandi ko naman. Nakakahiya.
"Giselle, omg, how are you?!" Nabunggo ako ng babaeng lumapit sa kanya.
"Hey, careful." Mukhang nainis si Giselle sa babae at hinawakan ang braso ko para alalayan ako sa gilid.
"I'm so sorry!" sabi sa 'kin ng babae. "Anyway, kumusta na?! Long time no see! Kumusta na kayo noong non-showbiz boylet mo?"
"We're fine and happy." Giselle chuckled. "He's very busy these days..."
"At least he makes time for you, right? Sobrang sikat mo na! Kung ikaw nga, may time for him, e!" sabi noong babae.
"Hi." A woman with a margarita approached me.
Lumingon ako sa kanya at hinanap si Sam pero abala siya sa pakikipag-usap doon sa isang babae, tinatanong kung may gusto pa silang inumin. Binalik ko ang tingin ko sa magandang babae sa harapan ko. Sobrang familiar... Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya sa sobrang dalas siyang makita sa T.V?
"Clea," pagpapakilala niya at nilahad ang kamay niya sa 'kin. "Why are you alone out here?"
"Uh, Sam's busy," turo ko sa kaibigan ko.
"Clea!" Lumingon ako kay Giselle na nakipagbeso sa babae sa harapan ko.
Magkakakilala sila! Ako lang ang naiiba ritong hinihintay si Sam na matapos um-order doon ng alak. Nailang tuloy ako at tumingin sa paligid, hinahanap sina Kierra.
"Where's Captain Juarez?" rinig kong tanong noong Clea.
Parang nanlamig ako at napalingon sa kanila para marinig pa lalo ang pinag-uusapan nila, pero dahil maingay at malakas ang tugtog, hindi ko narinig. Giselle was laughing while saying something. Tinaas nito ang daliri niya at tinuro ang singsing doon.
"Oh my god, that's lovely!" sabi noong Clea. "That costs thousands, probably!"
"Yeah, it was a gift."
"Yanna, tara na!" Hinawakan ni Sam ang kamay ko at hinatak paalis doon.
Gulong-gulo na 'ko ngayon habang iniisip ang kanina. Nang makabalik sa couch ay humarap kaagad ako kay Sam para tanungin siya. Sigurado ay alam niya 'yon.
"Sinong boyfriend ni Giselle?" kinakabahang tanong ko.
"Of course, Hiro!" mabilis na sagot niya at inabutan ako ng shot glass. "Everyone knows that! Don't you know?"
Natulala ako sa kanya at parang nahirapan huminga. Nasaktan ako, hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa anak ko. Nakaramdam din ako ng guilt para kay Giselle dahil parang in-assume ko na nilalandi ako ng boyfriend niya. Maling-mali.
"Why? Are you seeing him again?!" gulat na sabi ni Sam sa 'kin. "Like... dating?!"
"No!" agad na tanggi ko.
"Okay. Sabi mo naka move-on ka na sa kanya so just relax and drink! I'll just talk to some friends!"
Napaupo ako roon sa couch mag-isa dahil umalis sina Kierra at pumunta sa dance floor. Nakatulala lang ako, iniisip kung ano na ang gagawin ko ngayon. Ang sabi ko kay Avrielle ay kakausapin ko ang Daddy niya pero ayaw ko namang makasira ng relasyon!
"Mabuti wala si Luna," rinig kong sabi ni Kierra nang bumalik sila ni Via sa couch.
"Oo nga. Nandito pala sila Kalix," sagot ni Via.
Napalingon ako at hinanap ang sinasabi nila. Nakita ko nga 'yong ex ni Luna, kasama ang dalawang lalaking kaibigan. Dumeretso sila sa kumpol ng mga modelo roon at bumeso sa iba. Napailing na lang ako at tinuon ang atensyon sa baso.
"Yanna! Hiro's here! I told you, she's with Giselle!" Kinalabit ako ni Sam.
Bumilis ang tibok ng puso ko at napalingon sa tinitingnan ni Sam. Hiro was looking around while walking but he stopped in front of Giselle's couch. Tinapik niya saglit ang balikat ni Kalix at nag-usap sila roon, hindi ko alam kung tungkol saan.
Pagkatapos niyang kumustahin si Kalix ay nakipagbeso siya sa ibang modelong kaibigan, 'yong mga babae. Napangiti ako nang sarkastiko. Nakalimutan ko 'atang marami siyang kaibigan at sa lahat ng 'yon ay mabait siya.
He kissed Giselle's cheek and they talked for a bit. Habang pinapanood ko silang mag-usap ay umiinom lang ako. Parang hindi naman ako nalalasing kahit ilan pa ang mainom ko kaya tumayo na lang ako at sumama kina Kierra sa dance floor.
"Hi Yanna!" Napalingon ako kay Shan, 'yong kaibigan ni Hiro.
"Balik na 'ko sa table," biglang sabi ni Kierra at umalis.
Nakita kong sumulyap sa kanya saglit si Shan bago binalik ang tingin sa 'kin at ngumiti. Ngumiti na lang din ako sa kanya.
"Flight attendant ka na pala sa FlyAsia." Tumawa siya, nahimigan ko kaagad ang pang-aasar sa tono.
"Paano mo alam?" nagtatakang tanong ko.
"Wala, ano, I saw you on one flight." Alanganin siyang tumawa. "So how are you? Balita ko you're already married!"
"Huh?!" Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Congrats!" Dinikit niya ang baso niya sa hawak kong cocktail saglit para gumawa ng maikling tunog. "Who's the lucky guy?"
"Wala akong asawa." Umiling ako kaagad. Sino naman ang nagpapakalat noon ngayon? Bakit ba lahat ay iniisip na may asawa ako?
"Really?!" Parang natuwa pa siya para sa 'kin. "I mean, bakit naman?" Iniba niya ang tono niya.
"Busy ako," maikling sagot ko.
Anak ng! Ngayon sigurado na 'kong si Ericka ang nagbalita sa kanilang may asawa na 'ko! I mean, pinaglaruan ko lang naman si Hiro last time sa text dahil akala ko siya lang naman ang may alam at uto-uto, iyon pala alam din ng iba nilang kaibigan! May pakpak nga talaga ang balita.
Bumalik ako sa couch saglit para kumuha pa ng alak. Nagulat ako nang makitang nakatayo sa gilid noon si Hiro at mukhang may hinihintay. Dere-diretso lang akong umupo at kinuha ang bote para magsalin sa baso ko.
"Hey." Hiro sat beside me.
"Hey," maikling sagot ko at uminom.
Nanatili siyang nakatitig sa 'kin habang nagsasalin ako ng panibago. Seryoso lang ang mukha niyang pinapanood ako. Tumaas ang kilay ko at binigay sa kanya ang bagong shot glass para painumin siya.
"Are you okay?" he asked after taking a shot.
Inabot ko sa kanya ang lemon para sa tequila pero umiling lang siya. Wow, walang chaser-chaser. Sanay na sanay uminom.
"Bakit nandito ka?" tanong ko, nagsasalin ulit ng alak.
"I was invited," simpleng sabi niya. Tumango ako at binigay ulit sa kanya ang baso. Nagtataka na niyang tiningnan 'yon bago kinuha. "Kakainom ko lang, ah?" reklamo niya pero shumot din kaagad.
Kinuha ko ang isa pang shot glass at nagsalin. Tahimik lang ako habang pinapanood niya 'ko, sinusubukang basahin ang iniisip ko ngayon. Well, ang iniisip ko lang naman ay kung bakit siya nandito, eh 'yong girlfriend niya naroon sa ibang couch? Iniisip ko rin kung masisisi ba 'ko kapag nasira ang relasyon nila ni Giselle kapag sinabi ko ang tungkol kay Avi? O baka naman tanggihan niya ang anak ko.
Ang dami kong iniisip ngayon. Imposibleng mababasa niya lahat ng 'yon. Binigay ko na lang ulit sa kanya ang baso para painumin siya.
"Are you trying to get me drunk?" he accused now.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Natawa ako nang sarkastiko.
Hindi siya sumagot at ininom ang binigay ko. Magsasalin na naman sana ako pero kinuha na niya ang bote at tinungga ang natitira roon para wala na 'kong masalin pa sa baso. Napakurap ako at tiningnan siya.
"There, it's empty." Binaba niya na ang bote sa lamesa. "Now tell me what the problem is."
Hindi ako sumagot at napatitig lang sa kanya. Bakit niya nasabi 'yon? Bakit ang bilis niyang malaman na may iniisip ako tungkol sa kanya?
"Do you want to talk outside?" Tumingin siya sa paligid.
"Bakit? Baka magselos si Giselle?" deretsong tanong ko.
"Who?" Kumunot ang noo niya, hindi narinig ang sinabi ko.
Umiling lang ako at kinuha ang bag ko para i-text si Kierra na umuwi na kami. Pagod na 'ko kakaisip. Napapagod pa 'ko lalo rito dahil ang ingay at ang daming tao.
"Where's your engineer?" he asked now, looking around.
Right, ang sabi ni Sevi ay susunod na lang daw siya rito. Matutulog daw muna siya at napuyat. Baka naman hindi na nagising 'yon, ah? Bakit wala pa rin dito?
"I don't know," sagot ko.
Nilabas ko ang cellphone ko para tanungin si Sevi kung nasaan na siya pero napatigil din nang biglang may umupo sa kabilang tabi ko. Natawa ako kaagad nang makita si Sevi na kakarating lang. Sumulyap sa kanya si Hiro, seryoso ang mukha.
"Black Label na lang natira? Pucha, ayaw ko nito, e," reklamo niya sa 'kin at kinuha ang bote.
"I can order more bottles," sagot ni Hiro sa kanya.
Tumingin sa kanya si Sevi at medyo nagulat pa nang makita siya, mukhang hindi napansin kanina.
"Sige, p're," maangas na sagot ni Sevi.
"What do you want?" Tumayo si Hiro at kinuha ang menu sa ilalim ng lamesa.
"Kung saan ka mahina," pagbibiro ni Sevi.
"None."
"Sige. Kahit ano na lang."
Tumango si Hiro at umalis saglit para um-order ng alak sa counter. Gulat na gulat ako sa pangyayari. Kanina, habang nag-uusap sila ay pabalik-balik ang tingin ko sa kanila dahil pinagigitnaan nila 'ko!
Bakit biglang naging competitive 'tong si Sevi?!
"Tangina, hinahamon ata ako ng inuman, erp," tumatawang sabi sa 'kin ni Sevi.
"Gago, anong problema mo?" Siniko ko siya.
"Wala, ah! Baka siya ang may problema sa 'kin!" Sumimangot si Sevi. "Tingin pa lang, parang gusto na 'kong suntukin, eh!"
"Bobo ka talaga, Sevi." Hinampas ko ang binti niya.
"Crush ka siguro noon." Malakas na tumawa si Sevi at uminom doon sa baso niya.
Natahimik ulit ako nang bumalik na si Hiro, dala-dala ang apat na bote. Dalawang Cuervo at dalawang Jager. Dumating din ang waiter at naglapag ng Red Bull, tsaka dalawa pang Hennessy. Ano ba 'to?! Magpapatayan ba sila?!
"O, Yanna, tanggero ka," sabi sa 'kin ni Sevi.
Punyeta, nadamay pa 'ko.
Umirap ako at kinuha ang dalawang shot glass para lagyan ng Jager. Naglagay din si Hiro ng Red bull sa baso at pagkatapos, nilapag sa magkabilang baso ang dalawang shot glass na may lamang Jager. It was called the Jager bomb.
"Cheers," Hiro said.
Napailing ako nang magpaunahan pa silang inumin 'yon. Para akong tangang nagsasalin ng alak sa kanilang dalawa. Tuloy-tuloy lang silang dalawa.
"You're an engineer right?" tanong ni Hiro kay Sevi bigla.
"Oo, p're." Tumango si Sevi. "Ikaw? Piloto?"
"Pilot-engineer."
"Wow, sana all," bulong ni Sevi sa 'kin.
Tumawa tuloy ako at agad tumigil nang balingan ako ni Hiro gamit ang seryoso niyang mga mata. I bit my lower lip to stay quiet. Nararamdaman ko ang tensyon kung saan ako nakaupo ngayon.
"Tama na 'to." Hindi na 'ko nagsalin nang maubos na nila ang isang Jager at isang Cuervo. "Alcohol poisoning na 'yan."
Inis akong tumayo at pinabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa, nakapamaywang na ngayon. Umangat ang tingin sa 'kin ni Hiro bago binalik kay Sevi.
"Your girlfriend's mad," bitter na sabi ni Hiro, kulang na lang ay umirap.
"Girlfriend amputa," sabi ni Sevi.
"Wife?" Tumaas ang kilay ni Hiro.
"Wew, ewan ko sa inyo. Bakit nadadamay na naman ako rito?!" naguguluhang sabi ni Sevi.
Natahimik ako, pati si Hiro. Mabuti na lang ay dumating na si Sam at inaya si Sevi na ipakilala sa mga kaibigan niya. Tumayo naman si Sevi pero nang matanaw ang tinuturo ni Sam ay umatras din.
"Gago ka ba, Sam? Andoon si Kalix!" Napakamot ng ulo si Sevi.
"Ano naman?! Let's go!"
"Baka suntukin ako!" Niyakap ni Sevi ang sarili niya at umatras lalo.
Nang mawala sila ay naiwan na naman kaming dalawa ni Hiro. Tahimik akong umupo at hinintay si Kierra sa couch para makauwi na 'ko.
"I'll go for a drink." Tumayo si Hiro at umalis sa couch namin.
Iyon na ang huling pag-uusap namin. Pagkatapos noon ay umuwi na rin kami ni Kierra at kinabukasan, gumising ako nang maaga para sa flight, medyo may hangover pa pero kinaya ko naman. It was like that the whole week. Hiro and I didn't see each other again dahil hindi naman siya ang piloto ng flight ko buong linggo.
Ngayong araw lang kami magkikita ulit papuntang Tokyo. Nang makarating ako roon ay nagbe-briefing na kaya humabol na lang ako. Hiro was serious again today kaya hindi ako nagsasalita.
"Ladies and gentlemen, good morning, this is Captain Juarez speaking," I heard Hiro's voice.
Naging abala ako sa flight at nang namigay na ng pagkain sa business class, sumilip na ulit ako sa cockpit para i-abot ang hininging tubig ni Caleb. Kumuha rin ako ng isa pa para kay Hiro.
"Thank you, Yanna," maikling sabi niya.
Napatingin si Caleb sa kanya, gulat.
"Miss Fernandez," he corrected.
"Y-you're welcome, Cap," mahinang sabi ko at agad umalis doon.
That was so awkward! First name basis?! Sa harapan pa talaga ni Caleb?! Ano na lang ang iisipin niya ngayon? Hindi na nga ako nakatakas sa pang-aasar ni Brianna, eh!
"Just tell me that you're dating. I won't tell anyone," bulong ni Bri sa 'kin habang naglalakad kami palabas ng eroplano.
"We're not dating," agad na tanggi ko, hila-hila ang maliit kong maleta sa airport.
"Weh?" Hindi pa rin siya naniniwala.
"May girlfriend siya, okay?"
"Sure ka hindi ikaw 'yon?" Tinaas-baba niya ang kilay niya sa 'kin.
Hindi ko siya sinagot dahil hinatak na siya ni Kyla sa isang shop. Pumasok kami roon sa souvenir shop ng Disney, sa likod namin ang dalawang piloto. Automatic na hinanap ko kaagad ang disney princess section doon.
"Are you looking for Rapunzel?" Hiro suddenly asked.
Napalingon ako sa kanya, gulat dahil bigla na lang siyang napunta sa tabi ko.
"Oo," mahinang sabi ko, tinitingnan ang isang set sa taas.
There was a Rapunzel doll with long hair. May kasamang suklay roon at damit, kumakanta pa. Nang makita ni Hiro na tinitingnan ko 'yon ay inabot niya kaagad at binigay sa 'kin.
"Cute," mahinang bulong ko.
"Is Rapunzel her favorite princess?" Hiro asked.
"Yes," wala sa sariling sagot ko.
Natigilan ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Mabilis akong bumaling sa kanya, muntik pang mabitawan ang laruang hawak ko.
"H-huh?!" naguguluhang tanong ko.
_______________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top