18
"Do you want anything else?"
Napakunot ang noo ko kay Hiro habang naglilibot ako sa store at naghahanap pa ng mapapasalubong kay Avrielle. Hawak-hawak niya sa isang kamay niya ang Rapunzel doll at sinusundan ako habang nagtitingin ako. Kinakabahan tuloy ako sa kanya, e.
I looked at the some cute headbands Avi might like. I picked two, one with some pink and white flowers, and the other one with a cute crown. Binigay ko 'yon kay Hiro at tinalikuran na siya kaagad, tinatago ang ngisi.
Tustusan mo ang anak mo, aba!
Sa tagal niyang nawala, kulang pa ang gagastusin niya sa mga binibili ko ngayon para kay Avi kaysa sa mga ginastos ko sa pangangailangan ng anak ko sa loob ng halos limang taon.
Kumuha pa 'ko ng isang stuff toy ni Olaf at inabot ulit kay Hiro. Wala siyang sinasabi at tinatanggap lang lahat ng binibigay ko, tahimik at hindi nagrereklamo. Alam ko namang hindi siya mauubusan ng pera. Hindi naman para sa 'kin ang mga 'yon kaya hindi ako nahihiya. Para 'yon sa anak niya!
"'Yan lang. Thank you." I gave him a fake smile.
"Alright," he casually said and walked towards the cashier.
I was smiling while he was paying, pinag-iisipan na ang sasabihin ko kay Avi kapag inabot ko ang mga pasalubong na 'yon. Hindi ko matatanggi na paminsan-minsan, lalo na tuwing may nakikita siyang mga pamilya sa daan, tinatanong niya kung bakit may kulang sa aming dalawa. She would look for her father and ask about him from time-to-time. Ang sinasabi ko lang ay sasagutin ko siya kapag lumaki na siya, that was why she would always drink milk everyday, believing that she would grow faster when she drank milk.
I know that I can't hide the kid forever. Avrielle needed to meet her father, pero hahanap muna ako ng tyempo. Natatakot ako sa reaksyon ni Hiro at natatakot akong baka tanggihan niya si Avi. Kapag nangyari 'yon, hinding-hindi na 'ko magpapakita sa kanya. Hindi ko kayang masaktan si Avi nang ganoon.
Marami tuloy siyang dala paglabas namin ng store. Hinihintay na pala kami nila Kyla roon kaya naman pinauna ko si Hiro para hindi kami magsabay.
"Ang tagal mo naman, Yanna!" reklamo ni Kyla. "Ang haba na ng pila sa Journey! Ay, Cap! Nag-shopping ka 'ata, ah?"
Hindi sumagot si Hiro at ngumiti lang nang bahagya, hawak-hawak 'yong paperbag. Naglakad na rin kami kaagad para makasakay sa mga gustong sakyan nitong si Kyla. Mabuti na lang at walang matanda dahil nagpaiwan na naman ang purser namin. Mas gusto 'ata niyang maglibot mag-isa kaysa makasama kaming mga mas bata sa kanya. Sa kakulitan ba naman ni Kyla, mapapagod lang 'yon.
Pumila kami at sumakay sa dalawang ride. Mahahaba ang pila kaya naman paniguradong kakaunti lang ang masasakyan namin. Minalas pa 'ko sa pang-huling ride bago kami kumain dahil tigda-dalawa lang ang upuan. Magkatabi pa si Kyla at Brianna.
"Okay ka lang ba mag-isa, Miss Fernandez?" tanong ni Caleb na hindi alam kung saan uupo.
"Uh, oo naman," sagot ko kahit bahagyang natatakot sa ride.
"Ako kaya ko naman mag-isa! Sige na, Cap!" Tinulak niya nang bahagya si Hiro.
Kumunot ang noo ni Hiro at lumingon sa kanya dahil sa pagtulak nito kaya agad namang nag-sorry si Caleb, tumatawa pa. Natahimik ako nang umupo sa tabi ko si Hiro, tahimik lang at nakatingin sa ibang direksyon.
Nang magsimula na ang ride ay pumasok kami sa madilim na parang kweba. I pursed my lips and looked in front, getting awkward in the dark. Natatakot din ako dahil nararamdaman kong umaakyat 'yong ride.
"Ang dilim naman!" sigaw ni Caleb sa likod. "Baka may nagmo-MOMOL na riyan, ah?! Sana all!"
"Ang ingay mo naman, Caleb!" sigaw ni Kyla sa harapan namin, pero tumili naman siya pagkatapos kaya mas maingay siya.
"Ang tahimik noong dalawa," sabi naman ni Brianna.
Napalingon ako kay Hiro na nakatingin lang sa harapan at walang reaksyon. Umayos ako sa inuupuan ko at inasahan na ang pagbagsak ng ride. It wasn't anything scary so I was just silent the whole ride. It was short. Sa haba ng pinila namin, ganoon lang kaikli ang ride. Sayang talaga sa oras.
"Tara, kain na tayo!" aya ni Kyla at nag-cling sa braso ni Brianna, excited kumain.
Ang haba ng mga pila sa kainan. Maswerte kami at nakakita kami ng restaurant na wala masyadong tao. Puro pasta at pizza ang sine-serve, perfect lang para sa cinecrave ko. Nakapila ako ngayon at pumipili ng pagkain. Sa harapan ko ay si Kyla at Bri. Sa likod ko naman ay si Hiro at Caleb.
"What's yours?" Napalingon ako bigla kay Hiro.
"Shrimp alfredo," turo ko sa menu.
"You can sit down. I'll order for us," maikling sabi niya.
Napakurap ako at nilabas ang wallet ko para bayaran sa kanya ang in-order ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya habang pinapanood akong kumuha ng pera.
"There's no need," he said in his low voice.
"Bakit?" Tumaas ang kilay ko sa kanya bilang pagprotesta. "Bakit hindi kailangan?"
"Okay, then." Hindi niya masagot ang tanong ko kaya pumayag na lang.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kanya bago ako naghanap ng mauupuan namin. Mabuti na lang ay may tumayo na kaya roon ako naupo. Kasya naman kami rito, eh.
"Girl, hindi ka kakain? Bakit nandito ka?" Binaba ni Kyla ang tray sa table.
"Uh, ano..." Hindi ko alam ang isasagot ko.
"In-orderan na siya ni Cap." Si Brianna ang sumagot para sa 'kin at tinago pa ang ngiti.
"Omg, libre?! Ako rin sana! Sayang naman! Nanlilibre pala si Cap!" Ngumuso si Kyla at umupo na sa tabi ni Brianna sa may tapat ko.
Hindi ako nagsalita at umiwas lang ng tingin habang hinihintay ang pagkain ko. Napaangat lang ang tingin ko nang ilapag 'yon ni Hiro sa table at umupo sa tabi ko. Kinuha niya rin ang plato at nilapag sa harapan ko, pati ang inumin. Pagkatapos, nilapag na rin niya ang para sa sarili.
"Grabe, iniwan ako ni Cap!" reklamo ni Caleb nang makarating sa table, dala-dala ang sariling tray. "Nakakahalata na 'ko, ah! May favoritism tayo rito!"
"Maingay ka kasi," pambabara ni Kyla sa kanya.
"Mas maingay ka sa 'kin, oy. Tara doon tayo! Tara sakay tayo! Tara kain tayo! Tara! Tara!" panggagaya niya pa.
Kyla made a face and rolled her eyes kaya natawa ako habang hinahalo ang pasta ko. Hiro ordered a different pasta at mukhang masarap din 'yon. Tinikman ko ang akin at nagustuhan ko rin kaagad ang lasa noon.
"Masarap ba?" tanong ni Hiro sa 'kin.
"Yeah." Tumango ako at tinulak nang bahagya ang plato ko palapit sa kanya. "Tikman mo."
Kinuha ni Hiro ang tinidor ko at sumubo roon sa pasta. Napakurap ako at conscious na tumingin kina Kyla pero abala sila sa pagkain nila kaya hindi naman nanonood. Nakita ko lang na nakangiti mag-isa si Brianna at naubo pa dahil natatawa.
"Try mine," alok ni Hiro.
Ginamit ko ang tinidor ko para kumuha ng maliit na persyento noong kanya at tinikman 'yon. Spaghetti 'yon na parang pizza. It actually tasted good.
"Ako rin, patikim ako nyan, Cap!" tuwang-tuwang sabi ni Caleb nang makita.
Nilapit din ni Hiro ang plato kay Caleb para makatikim sila. Sunod ay inalok din niya kila Kyla kaya todo kuha naman sila roon para matikman. Masyado talagang mabait si Hiro. Akala ko nga ay mauubos nila. Mabuti na lang at hindi.
After eating, we took some pictures outside and explored Ariel's castle. It was so beautiful, lalo na sa loob. Mas malaking Disney princess section ang naroon kaya nagtingin na naman ako habang sila Kyla ay namimili rin ng souvenir.
Avi also liked Elsa and Belle. Si Elsa dahil gusto niya raw ng powers na ganoon at si Belle dahil matalino, mahilig sa libro, and also because she thought the beast was a dog until now. She found the beast cute.
Akala niya ay Chow Chow. Ganoon kasi ang nakita niyang aso ng kakilala ni Sam.
Bandang huli, wala rin akong nabili kaya lumabas na lang ulit kami nila Kyla. Inaabangan pa nila ang fireworks kaya naman tumambay muna kami sa labas at umupo sa bench. Umalis si Kyla at Brianna para maghanap ng churros pero masakit na ang paa ko kaya nanatili na lang ako sa bench kahit malamig. Madilim na rin kasi.
"Miss Fernandez, ano ulit first name mo?" tanong ni Caleb na umupo sa tabi ko. Hiro sat on the other side of him. Bale nasa gitna namin siya.
"Yanna na lang," sagot ko.
"Ang haba naman ng first name mo," panloloko niya. "Yannanalang."
"Nakakatawa ka," sarkastikong sabi ko at ngumiti.
"Ikaw naman! Pinapagaan ko lang ang atmosphere! Pakiramdam ko kasi ay ang bigat, o baka ako lang 'yon?" Kumunot ang noo niya at tumingin sa taas, nagtataka.
"Ikaw lang 'yon," sagot ko naman.
Sinara ko ang jacket ko nang dumilim na ang lumakas na rin ang hangin. Nilalamig na 'ko ngayon kaya napayakap ako sa sarili ko.
"Nilalamig ka? Ito, scarf ko! Suot mo muna!" Tinanggal ni Caleb ang scarf na nasa leeg niya at binigay sa 'kin.
"Uh, thank you," sabi ko na lang at tinanggap 'yon kaysa mamatay sa lamig.
Hiro was just looking in front with no reaction at all. Pinalupot ko ang scarf ni Caleb sa leeg ko at sumandal, yakap pa rin ang sarili ko.
"Popcorn! Gusto n'yo ng popcorn? Bibili ako? Ikaw ba, Cap?" Tumayo si Caleb.
"I'm fine," sambit ni Hiro.
Umiling din ako kay Caleb at tinanaw siya hanggang sa makalayo na siya sa inuupuan namin. Tahimik akong umayos ng upo at tumingin na lang sa katubigan sa harapan namin kung saan magkakaroon ng show.
"Are you cold?" Hiro broke the silence.
"Okay lang naman po, Cap," pormal na sagot ko ulit sa kanya.
"Can you drop the po and opo, please?" he politely asked. "I'm not that old."
"Okay, Cap," sagot ko ulit.
Natahimik ulit kami nang dumating na sila Kyla, dala-dala ang churros at binigyan pa kaming dalawa ni Hiro. Nang makabalik si Caleb ay nagsimula na ang show nila roon sa parang lake. Buong show, iniisip ko lang na sana narito si Avi ngayon dahil magugustuhan niya talaga 'yong palabas lalo na't lumabas ang mga paborito niyang Disney characters.
I sighed, missing my daughter. Palagi ko siyang iniisip tuwing nakakakita ako ng magagandang tanawin katulad nito. Ganoon yata talaga kapag may anak ka. Gusto mong nakikita rin nila ang nakikita mong magaganda. For sure, she would enjoy this.
Saglit lang ang fireworks at hindi naman bongga, kaya pagkatapos noon ay umuwi na kaagad kami sa may hotel, hindi pa kumakain ng dinner. Nagpalit na lang muna ako ng pajamas pagkatapos maligo at sinuot ang jacket ko para bumili ng makakain sa convenience store sa baba. Maganda kasi ang mga tinda nila sa convenience store. Gusto ko lang matikman.
Dala-dala ko ang scarf ni Caleb nang kumatok ako sa hotel room nila. I stood there for a few seconds, waiting for someone to open the door.
Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang pinto at si Hiro ang bumungad sa 'kin. He had a towel on his neck because of his wet hair, and he was only wearing his black pajamas with nothing on top. Napakurap ako nang mapansing lumaki ang katawan niya kaysa dati.
"Yes?" he asked, rubbing the towel on his head a bit.
"U-uh, 'yong scarf ni Caleb." Inabot ko sa kanya 'yon.
"He's in the shower. I'll just give this to him." Kinuha niya ang scarf sa kamay ko. "Are you going out?"
"Uh, yeah, bibili lang ako ng food." Tumingin ako sa suot ko, conscious na dahil tinitignan niya rin.
"There's room service," he informed me.
"I want the food from the convenience store." Umirap ako. Nangingialam pa kasi! Eh, sa gusto ko nga 'yong pagkain sa labas!
"Can I come?"
Tumaas ang isang kilay ko at hindi pa 'ko nakakasagot, pumasok na siya ulit sa room nila para kumuha ng damit. He was already wearing a grey sweater when he stepped outside the room. Pagkatapos ay sinara na niya ang pinto at sumenyas sa 'king maglakad na.
Tahimik kaming sumakay sa elevator hanggang sa makalabas ng hotel. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko habang naglalakad papunta sa nakita kong convenience store kanina. Hindi naman 'yon malayo pero dahil kasama ko si Hiro maglakad, parang ang bagal ng oras! Atat na atat na 'kong magkahiwalay kami ulit!
"Where are you going?"
Napalingon ako kay Hiro na papasok na sana sa convenience store pero tuloy-tuloy akong naglakad palagpas. Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na pumasok doon, napahiya nang kaunti. Ang dami ko kasing iniisip!
I got myself some rice balls with salmon inside and also bought some bread. Hiro got himself a packed udon. Nauna na 'kong magbayad, takot na baka bayaran niya na naman ang pagkain ko.
"Is that all?" turo niya sa binili ko.
"Oo. Diet ako," pagdadahilan ko.
"Diet," he sarcastically said.
Ano ba ang pakialam niya?! Umirap na lang ako at naunang lumabas doon para maglakad pabalik sa hotel. Nakahabol naman siya kaagad dahil mas matangkad siya at mas mahaba ang biyas kaysa sa 'kin.
"You're not wearing your sweater today," he said while we were walking.
Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya, nagtataka. Ano na namang sinasabi niya bigla?
"Oh, sorry," he added when he realized something. "My sweater," he corrected.
I blinked twice and exhaled in disbelief. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya 'yon sa harapan ko! Sobrang kapal naman pala ng mukha niya! Na-badtrip kaagad ako at binilisan ang lakad ko.
"Sa 'kin 'yon. Binili ko 'yon," I reasoned out.
"Okay..." He shrugged, not buying it.
"Assumero," bulong ko.
Hindi na kami nagpansinan hanggang sa makarating kami sa hotel. Dere-deretso lang akong pumasok sa hotel room namin at nilapag ang mga pinamili ko sa may table, naiirita dahil kay Hiro.
"Oh, bakit badtrip ka? Saan ka galing?" curious na tanong ni Brianna.
"Wala, bumili lang ako ng pagkain," sabi ko at padabog na umupo.
"Kasama si Cap?" she asked. Kumunot ang noo ko at agad napalingon sa kanya, nagtataka kung bakit niya natanong 'yon. "Ah, hindi ba?" She looked away and hid her smile while fixing her things.
"Hindi," I lied. "Bakit ko siya isasama?"
"Wala lang."
Tahimik na lang akong kumain at pagkatapos kong mag-toothbrush at skincare, natulog na rin ako kaagad. 2nd day na 'to at tatlong araw lang ang layover namin. Kalahating araw lang ang mayroon kami bukas at may flight na ulit kami ng hapon kaya hindi namin masusulit gaano.
At least we had enough sleep because we woke up around 11 A.M. Nagpa-room service na lang kami para hindi na sayang sa oras dahil mag-aayos na kami ng sarili. Gaya ng sabi ko, matagal nga kasi kaming mag-ayos.
Hiro knocked at our hotel room while we were packing our things. Mabuti na lang at nasa shower si Brianna. Maghihinala ulit 'yon kapag nakita na naman si Hiro.
"Bakit?" tanong ko pagkabukas ng pintuan.
"Your... toys," he hesitated for a bit, realizing how funny it sounded.
Your daughter's toys, dumbass.
"Thanks," sabi ko at kinuha ang paper bag.
It was a short flight from Tokyo to South Korea, then South Korea to Tokyo, then from Tokyo to Manila. Tatlong leg kaya gabing-gabi na nang makabalik kami sa headquarters. Wala akong lipad bukas kaya naman masusulit ko ang araw ko kasama si Avi. I'll also look for a new car. Look lang pero hindi ko pa bibilhin.
"How's your car?" tanong ni Hiro nang magkasalubong kami sa parking.
"Gawa na," sabi ko at binuksan ang pintuan para sumakay na.
May naisip ako kaagad tungkol sa sasakyan kaya lumingon ako sa kanya, pinag-iisipan pa kung itatanong ko o hindi. He opened the door of his car and was about to get in when he noticed me staring.
"Do you... want to ask something?" He closed the door again softly.
"Are you selling one of your old cars?" tanong ko.
I wouldn't mind a secondhand. Mas mura 'yon pero delikado lang dahil baka mas mahal pa ang pagpapagawa ko sa mga sira noon kaysa pagbili ng bago.
Hiro, in his uniform, looked at me and titled his head a little, getting confused. His hand played with the key of his car while thinking.
"I think I have a silver Tesla," he said in a low voice.
"How much?" curious na tanong ko.
"Uh..." He looked away and scratched his head a little. "I haven't thought about it. I'll just message you."
"You don't have my number." Umirap ako.
"Right," mahinang sabi niya nang mapagtanto.
I already changed my number when I went to Nueva Ecija, pinagbubuntis pa lang si Avi noon. Hiro got his phone out but he stopped. Tiningnan niya 'yon nang matagal, nag-iisip. Pagkatapos ay tinago niya na lang ulit 'yon at binuksan na ulit ang pinto ng sasakyan niya.
"We'll see each other next week," maikling sabi niya at sumakay na sa sasakyan niya.
May flight na naman kasi ako kasama siya, papuntang Atlanta. Nang makaalis na siya ay sumakay na rin ako sa sasakyan ko para mag-drive papunta sa condo ni Sam. Gabing-gabi na nang makarating ako roon.
"Gising pa si Avi?" bungad ko sa kanya.
"Borlogs na," sagot niya. Saan naman natutunan nito 'yong pinagsasasabi? Parang nakasama niya 'ata si Luna ngayong araw, ah. "Sleeping, Yanna." Trinanslate pa niya.
Dumeretso ako papuntang kwarto ni Sam para buhatin na ang anak ko. Nagising siya nang buhatin ko siya pero nakatulog din ulit sa balikat ko.
"Nandito ka lang buong araw?" nagtatakang tanong ko kay Sam.
"Umalis ako kaya iiwan ko dapat siya sa office nila Kierra, pero wala sila roon kaya kay Sevi ko binigay." Sam laughed. Ah... Si Sevi pala.
"Jusko, baka dinala noon sa site, ah?" Napailing ako. "Baka bukas, maging engineer naman na ang gusto nitong si Avi."
Pabago-bago 'yon! Noong sumama kina Luna, gusto naman daw maging architect. Noong sumama kay Sam, gusto maging model. Mabuti na lang at hiwalay na si Luna at Kalix. Kung hindi, baka gusto na rin maging abogado.
Nang makauwi, nag-shower na ko kaagad at tinabihan na si Avi sa kama. She scooted over when she felt my presence so I hugged her.
"Do you want to build a snowman?"
Nagising ako nang marinig na naman ang kantang 'yon. Pagkadilat ko, nakita kong nanonood na naman ng Frozen si Avi gamit ang cellphone ko, nauna palang magising kaysa sa 'kin. She was wearing her cute sky blue pajamas. Nakadapa siya sa kama at nakalapag ang phone ko sa foam habang nanonood siya.
"Ang aga pa, Avi, ha." Napailing ako at tumayo na para ipagluto siya ng breakfast.
I just cooked fried rice, egg, and hotdog. Naghanda na rin ako ng vegetable salad para ipakain kay Avi. Nakakunot kaagad ang noo niya nang pumunta sa dining, hatak-hatak ang stuff toy na teddy bear. Nang makita ang gulay ay tumili siya at agad tumakbo pabalik sa kwarto.
"Avrielle!" sigaw ko para pabalikin siya.
Tumatakbo ulit siya nang bumalik pero hindi na maipinta ang mukha. Umakyat siya sa may upuan at nakangusong umupo roon. Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya at dinamihan ang gulay.
"Ayaw, Mommy." She wanted to cry.
"May pasalubong ako sa 'yo. Kapag hindi mo inubos 'yan, hindi ko ibibigay," pamba-blackmail ko.
She pouted again and held her small fork and spoon with her hands. She lousily ate with her utensils and forced herself to eat the vegetables. I giggled, watching her do that.
"You can't hate vegetables, Avi. They're good for you," sabi ko habang kumakain.
"Not good," protesta niya. "Tastes bad." She pouted again.
Napailing na lang ako. May natira pa sa plato niya pero tumakbo na siya babalik sa kwarto para hindi ko na siya mapilit kainin 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako at inubos 'yon bago ko niligpit at hinugasan.
Pagkabalik ko sa kwarto, nakaupo na siya sa gitna ng kama, nakangiti at excited nang makuha ang pasalubong niya. I bit my lower lip and opened my small luggage so I can show her the toys... her father bought.
"Rapunzel!" Avi pointed at the doll I was holding.
Tuwang-tuwa siya at tumalon-talon pa sa kama nang ibigay ko ang doll sa kanya na nasa box pa. She sat down again and tried to open the box with her tiny hands, so excited to play with it.
"Mommy, I can't open," she said in a small voice.
"We also bought you headbands, baby." Kinuha ko ang isang headband at sinuot sa kanya.
"Who's 'we,' Mommy?" she innocently asked, holding the headband on her head.
Natahimik ako at hindi siya sinagot. Kinuha ko na lang ang Olaf na stuff toy at pinakita rin sa kanya. She yelped and got it from my hands, then she hugged it tight.
"Thank you, Mommy!" Tumayo siya sa kama at niyakap ako sa leeg.
I bit my lower lip, getting guilty for not giving credit to the one who actually bought it. Noong binili naman 'to ni Hiro, hindi niya alam na para kay Avrielle. Kapag sinabi kong binili 'to ng Daddy niya para sa kanya, baka naman umasa si Avi. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hindi ako nagsalita at niligpit na ang mga gamit ko. Pagkabalik ko, hawak na niya ulit ang cellphone ko at nagii-scroll doon. Umupo ako sa tabi niya para tingnan ang ginagawa niya sa Instagram feed ko.
Napatigil siya sa isang litratong pinost ni Kyla. It was our group picture in front of the small globe in Disney Sea. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang matagal siyang nakatingin doon.
"Mommy, it's you." Tuwang-tuwa niya 'kong tinuro.
"Y-yes, anak."
She continued staring at the photo and suddenly pointed at Hiro's face. Nanlaki ang mata ko at mas lalong kinabahan.
"Who's this, Mommy?" she innocently asked.
Napalunok ako at hindi nakasagot kaagad. Bakit bigla niyang tinatanong? Nahahawigan ba siya?
"T-that's..." I stuttered. "That's the pilot, Avi."
"Oh." Tumango siya at tiningnan pa ulit 'yon.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa kamay niya para buksan ang YouTube. Mas magandang 'yon na lang ang tingnan niya para hindi ako nalalagay sa awkward situation katulad ngayon. I felt so guilty now. Ni hindi niya kilala ang sarili niyang ama. I shouldn't do that to her.
"Avi," tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa 'kin at binitawan ang cellphone para makinig sa sasabihin ko. Lumapit ako sa kanya sa kama at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Do you want to meet Daddy?" maingat na tanong ko.
Her facial expression changed. Umawang ang labi niya at napakurap, titig na titig sa mukha ko dahil sa gulat. She looked so innocent and fragile in front of me, I couldn't afford to hurt her with Hiro's possible reaction.
"Daddy?" she asked again just to be sure that she heard it right.
"Yes, Avi..." Inayos ko ang buhok niya. "Do you want to meet him?"
She blinked again and looked up, thinking. "Malaki na 'ko, Mommy?" she asked.
I bit my lower lip to stop my tears. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang akala niya dahil iyon ang sinasabi ko sa kanya, na kapag lumaki na siya, ipapakilala ko na ang Daddy niya.
"No, you're still a baby." I chuckled. She was still my baby.
"I want to meet." Tumango siya, nakangiti na ngayon. She looked so adorable, especially her cute cheeks when she smiled with so much joy and excitement.
"Okay. I'll try to... talk to him, Avi," sabi ko, hindi nangangako sa kanya.
"Really? You'll do that for me, Mommy?" She put her hands on her face.
"I'll do anything for you, Avi." I kissed her forehead.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top