17
"Mommy, where?"
Tumingin ako kay Avi habang abala ako sa pag-iimpake ng mga damit niya. Tatlong araw kasi akong mawawala dahil sa layover sa Japan kaya naman tatlong araw ko rin siyang iiwan kay Samantha. Kung busy si Sam, ang sabi niya'y dadalhin na lang niya kay Luna o kaya kay Kierra. Baka kasi may photoshoot siya bigla.
"Tokyo, baby," sagot ko at sinara ang bag niya.
Hindi lang sa kanya ang inimpake ko, kung hindi ang mga gamit ko rin. Sinigurado ko na ngayong hindi ko madadala ang kahit anong sweater o t-shirt ni Captain Juarez!
Nang maalala ko siya ay napatingin ako kay Avi na busy sa kama, sinusubukang ipitan ang sarili niya gamit ang maliliit na kamay pero hindi naman siya nagtatagumpay. I suddenly felt guilt when I looked at her. Pinagkaitan ko siya ng pagmamahal ng ama, alam ko 'yon, pero natatakot din ako sa posibleng maging reaksyon ni Hiro kapag sinabi ko ang tungkol kay Avi.
Maniniwala kaya siya sa 'kin na siya ang ama ng bata? O baka isipin niya ulit na nagsisinungaling lang ako?
Avi somehow resembled her father with her attitude and intellect. Some physical features like her nose and lips also came from Hiro and the rest was mine. Hindi mapagkakaila na may hawig sila pero... maniniwala kaya siya?
"Sino'ng kasama po, Mommy?" Avi innocently asked.
Napalunok ako at umiwas ng tingin, nagkunwaring abala sa pag-iimpake pero hindi ko lang talaga siya masagot. Alam kong hindi niya alam ang tungkol kay Hiro pero bakit ba 'ko kinakabahan?
"Ang crew, Avi," maikling sagot ko, hindi na in-elaborate.
"Who's ang crew, Mommy?" she asked again, getting curious now.
I sighed and closed my small luggage. Pagkatapos, sumenyas akong bumaba na siya sa kama dahil papaliguan ko na siya bago matulog. Gumapang siya sa kama at bumaba pero hindi pa rin nakalimot sa tinatanong kanina.
"Who, Mommy?" ulit niya.
"Some flight attendants like Mommy, and also some... Uh... Pilots," hirap na hirap ko siyang sinagot.
"What's a pilot?" She tilted her head a little to the side.
Tumikhim ako at pinaupo siya sa isang pambatang upuan at kinuha ang shower head para basain ang buhok at katawan niya. She closed her eyes when the water came in contact with her face. I smiled a little.
"What's a pilot, Mommy?" she asked again.
Sobrang kulit! Parang si Hiro!
"The pilot is the one driving the airplane, Avi," pagpapaliwanag ko sa bata.
"Like a car?"
"Yes, Avi, but the airplane floats in the sky," sagot ko habang shinashampoo ang buhok niyang hanggang itaas ng balikat na ang haba.
Nang matapos ko siyang paliguan, binalot ko na siya ng twalya para patuyuin ang katawan at buhok niya. Pagkatapos, sinuotan ko siya ng pajamas na may mga bear design. She climbed on the bed with only one leg placed on the foam and the other was hanging.
"Mommy, help," she said, struggling.
Tumawa ako at tinulak ang pwetan niya para makaakyat siya sa kama. She crawled at the edge of the bed, sa tabi ng pader para hindi siya mahulog. Doon ko talaga siya pinepwesto.
Nag-shower na rin ako at nagbihis ng pajamas. Pagkabalik ko sa kwarto ay nakita kong nanonood na siya ng YouTube videos sa cellphone ko. Mabuti na lang ay naka-set 'yon para sa mga child-friendly videos lang kaya puro cartoons ang lumalabas.
Tumabi ako sa kanya at umusog naman siya papunta sa 'kin para mayakap ko siya. Hinaplos ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya, nagpe-play pa ang video sa YouTube. Napatawa ako at kinuha na ang cellphone ko mula sa kamay niya at natulog na lang.
Maaga akong gumising para sa flight papuntang Japan. Ang flight kahapon ay hindi masyadong nakakapagod kaya nakauwi rin ako kaagad. Manila to Singapore, Singapore to Malaysia, at Malaysia to Manila lang iyon.
Hindi ko ginising si Avi at tahimik lang akong nag-ayos at nagsuot ng uniform. Pagkatapos ko mag-makeup at magpabango, lumapit na 'ko para gisingin siya. She opened her eyes a little but she still looked so sleepy. Binuhat ko na lang siya at yumakap siya sa may leeg ko, tulog na ulit sa balikat ko.
Sinabit ko ang bag niya sa may maleta ko at hinatak 'yon palabas ng apartment. Nang makarating sa sasakyan ay nilagay ko siya sa likod at sinuotan ng seatbelt. I left her again in Sam's condo and drove to our headquarters.
I was again with Kyla and Brianna, and our chief flight attendant na matanda. It was a short trip at kaunti lang ang pasahero kaya sapat na kami para sa eroplano. I wasn't always with Kyla and Bri during flights, katulad kahapon, pero ngayon kasama ko na naman sila.
"Good morning, Cap!" masiglang bati ni Kyla.
Lumingon ako kay Captain Juarez. He was in his uniform, hatak-hatak ang maliit niyang bagahe na kulay itim. He was texting but when he heard Kyla's greeting, he gave her a nod and a small smile. Napaiwas ako ng tingin nang lumipat ang tingin niya sa 'kin.
"Are we complete?" tanong niya at lumingon sa paligid.
"Cap!" Napatingin kami sa isa pang pilotong nagmamadaling lumapit.
He was young like Dylan, the other pilot last time sa flight papuntang Qatar. Naka-uniform din ito at hatak-hatak ang itim na bagahe.
"This is our first officer for this flight, Caleb," pagpapakilala ni Hiro.
"Good morning, Cap!" nakangiting bati ng lalaki. "Good morning, crew!"
Hindi ako nagsalita at kunwari'y abala sa pagtetext. Nang mag-briefing na ay saka lang ako umayos at nakinig. Hiro went over the flight details and reminded us of other things. Nang matapos, sumakay na kami ng service papuntang airport.
Some people would always look at us while we were on our way to the immigration. Namamangha siguro silang makakita ng mga mukhang nagmamadaling flight attendants on their heels, at mga piloto sa likod. Hindi naman kami nagmamadali. Matunog lang talaga ang heels namin.
"Gumawa ako ng itinerary natin." Tumawa si Kyla at kinuha ang papel mula sa bag niya para ipakita sa 'kin.
Sinulyapan ko lang 'yon at nakita ang napakaayos niyang itinerary sa Japan. Akala mo'y pupunta siya roon para magbakasyon. Pinasadahan ko 'yon ng tingin bago niya binawi at pinakita kay Bri.
Pagkalagpas namin sa immigration ay naglakad na kami papunta sa gate namin. I was walking a little faster, takot maabutan sa likod, at takot ding marinig ang boses ni Captain Juarez.
"Sama ba kayo, Cap? May itinerary akong ginawa!" sambit ni Kyla. Nanlamig ako bigla at bumagal ang paglalakad para marinig ang sasabihin niya.
"Can I see?" Hiro politely asked.
Lumingon ako saglit at nakitang tinitingnan na niya ang papel ngayon habang naglalakad. I looked in front again, umaaktong walang pakialam kung sasama siya o hindi. Hindi naman sa iniiwasan ko siya, pero naiilang ako sa kanya at nagui-guilty sa ginawa ko noon.
Nang makapasok sa eroplano, tinago ko na kaagad ang gamit ko at nagsimula na kami sa safety check. I checked if every seat has a life vest in good condition. Bri was busy with the galley and Kyla was assigned to check the seats in the business class.
Nang matapos ay bumalik kami sa harapan, hinihintay na lang ang boarding ng mga pasahero. I almost jumped on my seat when Captain Juarez walked outside of the cockpit, holding Kyla's itinerary.
"I'll think about it." Binalik niya ang papel kay Kyla.
"Sure, Cap! Goodluck sa flight!" pahabol nitong malandi kong kaibigan.
Bumalik na kami sa mga pwesto namin nang mag-board na ang mga pasahero. I helped some with their luggages and seat directions. Ang daming pasahero kaya naman naging abala ako, lalo na sa mga pilit pinagsisiksikan ang mga bag nila sa compartment kahit hindi na kasya.
"Ladies and gentlemen, good morning. Welcome on board FR432. This is Captain Juarez speaking and I have some information about our flight."
Napatingin ulit ako sa cockpit bago ko tinuon ang atensyon ko sa pagche-check ng aisle.
"Our flight time today will be around 4 hours and 20 minutes and our estimated time of arrival in Tokyo is 1:50 PM. The weather in our route is good. The temperature at our destination is now 17 degrees Celsius, with clear sky. We wish you a pleasant flight and we hope to see you again soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today."
Abala ako sa pagche-check ng compartment para tingnan kung nakasara ba nang maayos ang lahat dahil malapit na ang departure.
"Ladies and gentlemen, all cellular telephones and other portable electronic devices, such as CD players and laptop computers, must be turned off and stowed for departure. Thank you," our purser announced.
Naglakad ulit ako sa aisle para tingnan kung may gumagamit pa ng cellphone at laptop, at para tingnan din kung naka-seatbelt na ang mga pasahero.
"Cabin Crew, doors on automatic, cross-check and report. Thank you." I heard Hiro's voice again.
The plane already departed from the gate. Bri and Kyla performed the safety demonstration in the economy at ako naman ang nag-perform sa may business class habang umaandar ang eroplano papunta sa runway. Pagkatapos, bumalik na ulit kami sa mga pwesto namin, hinihintay ang take-off.
"Cabin crew, please take your seats for take-off," Hiro announced again in his low voice.
We took our seats and fastened our seatbelt, waiting for the plane to speed up and ascend to the sky. Ito ang pinakapaborito kong parte, lalo na kapag nararamdaman ko siya sa may tiyan ko. Parang may kung-anong kumikiliti sa 'kin doon.
The plane started to ascend and we waited for the seatbelt sign to be turned off. Pagkatapos, balik na kami sa trabaho. Ako ang naka-assign mag-asikaso ng pre-orders ng mga nasa business class kaya naging abala ako sa pagtatanong kung may gusto ba silang kainin or idagdag sa mga orders nila.
I prepared the food in the galley and walked out again to distribute the orders. Dahil ako ang pinakamalapit sa cockpit, ako rin ang naka-assign maghatid ng inumin o pagkain sa cockpit, kung may gusto sila. We also checked our pilots from time-to-time to make sure that they were feeling well.
Sumilip ako sa cockpit, hawak ang trolley sa isang kamay. I pursed my lips as I watched Hiro seated on the left, taking over the controls and was busy on keeping the plane stable. Our first officer, Caleb, looked at me when he noticed me.
"Hello!" he greeted.
"U-uh..." Hindi ako makapagsalita. "Sandwich."
Abala kong nilapag doon sa lagayan ang nakahandang pagkain para sa kanilang dalawa. May mga snack naman sila roon pero minsan, pinapahatiran talaga sila ng pagkain dito. Hiro was so busy that he couldn't even look at the food.
Noon, sa maliit na eroplano lang siya nakaupo at ako ang kasama, pero ngayon, hawak na niya ang buhay ng marami. He was so focused and determined to secure our safety. I have always admired him for that.
"Thank you, Miss Fernandez," Hiro said, not looking.
Tumango ako at naglakad na pabalik sa galley. I helped Kyla in preparing some food and drinks. It was a short flight kaya naman hindi kami gaanong napagod. Ang bilis din ng oras kapag flight attendant ka dahil marami kang ginagawa.
In just a few hours, the plane was already descending.
"Cabin crew, please take your seats for landing," Hiro announced.
We took our seats to prepare for the landing. Hiro, again, smoothly made the wheels of the plane touch the ground, of course minus the rough runway.
After sending our passengers off, we checked the cabin again, waited for the pilots, and left the plane. As expected, may service ulit kami, provided by the airline, para makarating sa hotel na binook para sa amin. Doon kami mananatili for 3 days.
Sumakay ako sa mas maliit na van at doon ulit pumwesto sa may first row. Kumunot ang noo ko nang sa second row dumiretso si Kyla at si Bri, at sa katabing solo na upuan ang purser namin. Wala na sa likod dahil naroon ang mga bagahe namin. Napatingin ako kay Caleb at kay Hiro na nasa labas ng van, hindi pa pumapasok.
"Ako na sa shotgun seat, Cap!" masayang sabi ni Caleb.
Hiro was about to protest but the young man already opened the shotgun seat of the van. Kinabahan kaagad ako at siniksik ang sarili ko sa pinakadulo. Hiro entered the van and sat beside me. Even if he left some distance between us, I could still smell his perfume.
Tahimik lang kaming dalawa ni Hiro sa first row ng seats habang maingay si Kyla at Bri sa likod namin. Ako, nakatingin lang sa bintana at si Hiro naman ay nakasandal lang at nakatingin sa harapan.
"Tahimik ba talaga si Miss Fernandez?" tanong ni Caleb na nasa harapan pero nakalingon sa amin.
"Si Yanna?" sagot kaagad ni Kyla. "Hmm, minsan! Pero maingay rin 'yan, eh!"
"Ikaw rin, Cap! Salita ka naman diyan!" kantyaw ni Caleb. "Ang tahimik n'yo namang dalawa!"
Mas lalo lang akong natahimik dahil doon, hindi alam ang sasabihin! It was so awkward! Pakiramdam ko ay nailang din si Hiro dahil doon.
"Magbo-bonding pa naman tayo mamaya! Saan tayo kakain? Gutom na 'ko!" Napaka energetic ng first officer namin. "Ikaw, Cap! Madalas kang nasa Japan. Saan magandang kumain?"
"I know a good restaurant near our hotel." Hiro engaged in the conversation now.
"Sige, sama ka tapos turo mo, Cap."
Parang gusto ko na lang manatili sa hotel bigla at magpatawag ng room service, pero baka naman masyado akong halatang naiilang kaya go with the flow na lang ako sa kanila, hindi nga lang nagsasalita.
The hotel room was actually big. Roommate ko si Brianna at roommate naman ni Kyla 'yong purser namin. Naligo kaagad ako pagkarating at nag-ayos ng sarili. Nagsisimula na ang fall season kaya naman malamig na sa labas. I just wore a pair of black high-waisted pants and a grey turtle neck. Pinatungan ko 'yon ng puting cropped top jacket. I let my wavy hair down and applied a light makeup. Sinuot ko rin ang hoop earrings ko at ang black boots na may heels, so I looked taller.
"Hot mumma!" pang-aasar kaagad ni Brianna nang makita ang ayos ko. "Yanna, para ka nang model kamo! Pwede ka nang mag-model!"
"Bestfriend ko ang model, hindi ako." Tumawa ako, naalala si Samantha.
"Seryoso! Kaya ang daming nanghihingi ng number mo sa mga pasahero, eh. Did you count today?" she asked.
We used to play that counting game. Bibilangin kung ilan ang magtatanong ng pangalan o number namin, o kaya ilan ang pasimpleng makikipag-flirt.
"Bakit kapag nandito ang ganda ng mood mo? Kapag kasama ang iba, may something sa 'yo!"
Hindi ako sumagot at bahagyang kinabahan dahil baka mapansin nilang kakaiba ang hangin kapag nasa iisang lugar kami ni Hiro. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong muli.
We waited in the lobby for the two pilots, gutom na dahil lagpas na ng lunch time. Napalingon ako nang malanding tumili si Kyla dahil nakitang paparating na 'yong dalawa. Hiro was wearing a brown sweater and a pair of black pants, together with a black scarf on his neck. It was casual and perfect for the season, kaya naman lubos kung makatili 'tong si Kyla.
"Lead the way, Captain!" Caleb gestured his hands.
Nasa likod ako nina Brianna, nagpapahuli sa lakad. Hindi sumama ang purser namin at tulog daw kaya hindi na ginising ni Kyla.
Sumunod lang kami kay Hiro papunta sa isang magandang Japanese restaurant. Sa tingin pa lang, halatang mamahalin na at masarap. We sat down in a table for 6 kahit lima lang kami. I muttered a curse when Hiro sat in front of me. Umiwas kaagad ako ng tingin at kunwari'y abala sa phone.
"Kung ano sa 'yo, 'yon ang akin," sabi ko kay Kyla.
"Paano kapag diet ako at water lang gusto ko?" balik niya naman sa 'kin.
"E'di water lang."
"Their steak tastes good," rinig kong sabi ni Hiro kay Caleb.
"Steak na naman," I unconsciously said.
Kumunot ang noo nina Kyla at napatingin sa 'kin nang bigla na lang akong magsalita. Nanlaki ang mata ko at binalik ang tingin ko sa kanila. Hiro pursed his lips and looked away with amusement in his eyes.
"Anong steak na naman? Ngayon lang nga tayo mag-steak?" naguguluhang sabi ni Kyla.
"Ako. I ate steak... yesterday," I lied to save myself.
Tumango sila at hindi na pinansin. Napainom tuloy ako sa tubig ko at sumulyap kay Hiro na nakapahalumbaba na ngayon at nakatingin sa ibang direksyon. Muntik ko nang mabuga ang tubig nang bigla siyang lumingon sa 'kin.
I put the glass down and coughed a little.
"Are you okay?" Hiro was hesitant to ask.
"Yes po, Cap," pormal na sagot ko at pinunasan ng tissue ang bibig ko.
Hindi siya nagsalita at humalukipkip na lang, nakaiwas na ng tingin ngayon. We waited for our orders and when it came, we already started eating. Kinuha ko ang kutsilyo at tinidor para hiwain ang steak ko. They really did order a steak and some sushi.
Medyo nahirapan ako sa paghiwa ko ng steak. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o mahirap lang talaga siya hiwain. Bakit hindi naman nahirapan sina Kyla? Baka nako-conscious ako dahil nasa harapan ko si Hiro.
"Do you want mine?" Hiro asked again.
Napalingon si Kyla at Caleb sa kanya nang magtanong siya pero binalik din ang atensyon sa pagkain.
"Okay lang, Cap," sagot ko at sinubukan ulit hiwain ang steak.
He didn't push me and just started eating. Nahiwa ko na rin naman kaya kumain na lang din ako. Tahimik lang ako at nakatingin sa plato habang kumakain, hindi na nakikinig sa usapan nila Kyla.
"Cap! Disney sea raw bukas! G?" rinig kong sabi ni Caleb.
"Yeah, I have nothing to do anyway." Hiro casually answered.
"Yay!" Kyla clapped her hands. "Yanna, ikaw? Hindi ka nagsasalita diyan. Sasama ka, 'di ba? Oo o oo?"
"Sasama ako," sabi ko.
Duh! Gustong-gusto kong makapunta sa Disneyland kahit Disney Sea pa 'yan, ganoon din 'yon! Hindi ako mapipigilan ng presensya ni Hiro.
After eating, we went out and rode a taxi to Ginza. Para siyang shopping street with designer brands. Wala naman akong balak bumili kaya nakasunod lang ako kina Kyla. Sa tingin ko rin naman ay magtitingin lang sila at hindi bibili.
We went inside Dior to look for some perfume. Nakasunod lang ako kina Kyla pero nagtingin na rin naman ako at nag-spray nang kakaunti sa maliit na papel, inaamoy 'yon. Caleb was looking for some men perfume and Hiro was just standing near me.
Tinaas ko ang kulay pulang lalagyanan at nilapit 'yon sa ilong ko para amuyin saglit. Kumunot ang noo ko at binaba kaagad 'yon nang hindi magustuhan ang amoy. I heard Hiro's laugh beside me. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay kaya umiwas siya ng tingin.
"This one's good." He pointed at the pink bottle.
Kinuha ko 'yon at nilapit sa ilong ko pero hindi ko siya lubusang maamoy. Hiro got the perfume bottle out of my hand and held my wrist to spray the perfume on it. Then, I pursed my lips and glanced at him.
Nang tingnan niya rin ako ay umiwas ako at inamoy na lang ang pabango. Tama siya. Mabango nga 'yon pero hindi ko naman afford kaya binaba ko na lang. Wala akong balak paggastusan 'yon. Inuuna ko pa ang mga pangangailangan ni Avi.
"What do you think?" Hiro asked for my opinion.
"I think... you know a lot about women's perfume," sagot ko at tumalikod na para magtingin pa sa paligid.
Pagkatapos sa Dior ay lumipat naman sila sa Chanel. Wala naman silang binibili at puro tingin lang pero dahil doon, napapatingin din tuloy ako. Hindi naman ako interesado pero maganda nga ang mga bag. Nang mapagod kakalakad ay nanguha ng pictures sina Kyla. Gusto ko rin pero nahihiya ako.
"Yanna, dali na! Pipicture-an kita! Ang ganda mo pa naman lalo sa outfit mo ngayon!" Tinulak-tulak ako ni Kyla.
"Huwag na," sambit ko.
"Isa! Model nga kita, eh! I'm practicing my photography skills!" Galit na si Kyla.
Bumuntong-hininga ako at pumwesto sa tinuturo niya. Pinasandal niya 'ko sa may lamp post at nagpamulsa ako habang nakatingin sa camera, walang reaksyon sa mukha. I was so conscious because the two pilots were watching.
"Ngumiti ka naman! Ano ba 'yan! Pang-Instagram 'to, oh!" Kyla urged me more.
I smiled at the camera but after the shot, the smile immediately faded. Lumapit ako para tingnan ang kuha niya sa camerang dala niya. It was actually good. Nag-improve si Kyla sa pangunguha ng litrato.
"Anong Instagram n'yo?" tanong ni Caleb.
Nag-follow-an sila ng Instagram ngayon at tahimik lang ako. Hindi ko naman na binubuksan ang Instagram ko at ibang social media accounts. Facebook lang minsan.
"Ikaw, Cap?" tanong ni Caleb.
"Akihiro," sagot ni Hiro.
Iyon lang kasi ang username niya mismo. Hindi pala siya nagpalit. "Finollow na kita, Cap! Ikaw, Miss Fernandez?" tanong ni Caleb sa 'kin.
"Ashiannakim, pero hindi ko na ginagamit masyado," sagot ko.
Tumango si Caleb at may kinalikot sa cellphone niya habang nasa gilid kami ng daan. Kinuha ko ang phone ko para picture-an ang street ang mga building.
"Huh? Finofollow n'yo na pala isa't-isa, Cap, eh!" Napalingon kaagad ako kay Caleb.
"H-huh?" Hindi ako makapagsalita.
Napalingon si Brianna at tinignan kaming dalawa ni Hiro. Natahimik ako at lumingon sa ibang direksyon, walang balak magpaliwanag. Bahala na si Hiro.
"I guess so," Hiro answered.
"Ayos! Mutuals na tayo! Followback n'yo 'ko, Miss Fernandez at tsaka Cap! Pala-post pa naman ako. Kailangan ko ng likers." Ngumisi si Caleb.
Pagkatapos namin sa Ginza ay umuwi na rin kami sa hotel para makapagpahinga. Kinabukasan ay maaga kaming gumising para maaga ring makarating sa Disney Sea. We took the train on the way there and Hiro served as our tour guide dahil siya ang nakakaalam kung paano pupunta roon.
Lalabas na sana ako ng train nang biglang hinawakan ni Hiro ang braso ko at hinatak ako pabalik. Nabunggo tuloy ang likod ko sa dibdib niya.
"Hindi pa," maikling sabi niya at binitawan ako.
Napatingin ako sa taas ng pinto at nakitang nasa resort pa lang pala kami at hindi pa sa mismong Disney Sea. Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Brianna was looking at us again but when I looked at her, umiwas siya at hindi natago ang ngiti.
I was wearing my white sneakers, maong pants, tuck-in pink sweater and the white jacket from yesterday. Inipit ko ang buhok ko sa ponytail para hindi ako mahirapan kapag nasa rides na o ano man.
"Let's take a picture! Groupie!" tuwang-tuwang sabi ni Kyla at naghanap pa ng ibang tao para picture-an kami.
Dali-dali niya kaming hinatak sa may blue globe. Tahimik na sumunod naman sina Hiro at Caleb, and then we smiled at the camera. Nag-peace sign pa 'ko sa susunod na shot. Kyla was so energetic when we entered Disney Sea. It was big at maraming tao pero sa tingin ko mas marami naman kapag weekend.
"Let's get matching headbands!" suggest na naman ni Kyla.
Napabuntong-hining ako at sumunod na lang sa kanya papasok sa store. I looked for some minnie mouse headbands. Kinuha ko na lang ang sparkling pink at sinuot sa ulo ko. Tinignan ko pa 'yon sa salamin.
"Cap! Ikaw din! Dali!" sambit ni Kyla.
Natawa tuloy ako at lumingon kay Hiro na nakatayo lang doon at walang balak bumili ng headband. Si Caleb nga ay nagsusukat na, eh. Siya lang ang hindi.
"KJ," bulong ko.
Tumaas ang kilay niya at kumuha ng sparkling blue na mouse headband, muntik nang maging katulad ng design noong sa akin. Sumimangot ako nang makita ko siya sa repleksyon ng salamin, sinusukat 'yon.
"Hala, ang cute," sambit ni Brianna kay Hiro.
Inayos ni Hiro ang buhok niya pagkatanggal ng headband, mukhang hindi natuwa at napilitan lang. Naglakad pa 'ko sa mga laruan at napahinto sa tapat ng mga stuff toy. I leaned to look for some cute designs para kay Avi. Favorite niyang Disney princess si Rapunzel kaya naghanap ako roon.
"Rapunzel..." bulong ko habang naghahanap.
"Here." Napalingon ako bigla kay Hiro.
He was pointing at the Disney princess section. Tahimik akong naglakad papunta roon at nagtingin ng mga dolls. Hiro was looking at it too, paniguradong nagtataka kung bakit mahilig pa 'ko sa mga Disney princess.
"Rapunzel," turo ko sa mataas na shelf.
Hiro reached for the Rapunzel doll and handed it to me so I can look at it. Tahimik kong tiningnan 'yon pero nang makita ang presyo, napabuntong-hininga na lang ako at binalik sa mas mababang shelf dahil 'yon ang abot ko.
"You won't get it?" Hiro asked.
"I don't have cash with me," dahilan ko at tumalikod na.
"I'll pay for it." Hiro got the doll again and handed it to me.
I bit my lower lip, thinking of Avi right now. Pinabalik-balik ko ang tingin ko kay Hiro at sa Rapunzel doll. He tilted his head a little to the right, still wondering why I wanted a doll.
Para sa anak mo 'yan, gago!
"Sige, thank you," mahinahong sagot ko.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top