14
"Road to 4th year!"
Nag-apir kami ni Sam at pinagdikit saglit ang fruit shake na iniinom namin ngayon sa isang malapit na restaurant sa may Katipunan. Kakatapos lang ng huling final exam ko kaya naman cine-celebrate naming dalawa sa isang lunch date.
"Paano 'yan? He's already leaving next week." Sumimsim si Sam sa shake niya.
"Huwag mo nang ipaalala sa 'kin." Umirap ako. "Kinakalimutan ko na nga. Paalala ka naman nang paalala dyan!"
"Nalulungkot ka?" Ngumisi siya bilang pang-aasar. "Pareho kayo ni Luna na malungkot ngayon. What's with May? Worst month."
"Bakit malungkot?" nagtatakang tanong ko.
"They broke up," pagbabalita niya sa akin.
Nagsalubong kaagad ang kilay ko dahil sa lahat ng tao, hindi ko ine-expect na sila pa ang mauunang maghiwalay. They were perfect for each other... pero siguro nga, hindi lahat ng taong minamahal natin, mananatili. Well, life goes on.
Wala naman tayong choice kung hindi masanay na mag-isa.
I looked at my phone when my period calendar popped a notification. Tinignan ko 'yon at na-realize na late na pala ako for 4 days. Matagal kong tinitigan 'yon, inaalis ang mga pangamba sa utak ko.
"4 days late is okay, right?" tanong ko kay Sam.
"I got late for 7 days. It's fine, I guess..." She shrugged then realized something. "But pills regulate your period, right?"
"Ewan ko." Umiwas ako ng tingin.
"Nagkaroon ka ba noong April?" tanong niya ulit.
"Ugh, oo. Dinugo ako noon, eh. Medyo napaaga nga lang," pagdadahilan ko.
"Are you sure hindi 'yon spotting?" mabagal na tanong niya, naninigurado. "Magkaiba ang period and spotting."
Hindi ako sumagot at inubos na lang ang pagkain ko. Nag-iba tuloy kaagad ang mood ko at parang naging praning na sa mga iniisip ko. Ni hindi ko nga naubos ang in-order ko kakaisip sa sinabi niya.
"Baka naman side effects lang ng pill," sambit ko habang nasa sasakyan kami ni Sam.
"Siguro. You said hindi naman kayo nag-sex noong naka-miss ka ng pill. Baka nanibago 'yong body mo noong back on track ka na ulit or something..." Sam convinced me.
Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana, mabilis pa rin ang tibok ng puso at kinakabahan. Pilit ko na lang kinalimutan 'yon hanggang sa makauwi sa condo ni Sam. Hindi na 'ko pwede sa dorm mag-stay dahil tapos na ang finals at tapos na rin ang kontrata ko roon sa dorm na 'yon. Sa pasukan pa ulit ako magre-renew.
Hindi ako nakatulog nang maayos pagkauwi pero nakalimutan ko rin nang tumawag si Hiro sa facetime. Nagpa-despedida party kasi sa kanya 'yong mga kaibigan niya at hindi ako sumama dahil gusto ko sa kanila muna ang oras niya. Kapag sumama ako, baka mapunta sa 'kin ang atensyon ni Hiro. Ayoko namang mangyari 'yon.
"Hey," bati ni Hiro pagkasagot ko.
Nasa may labas siya, sa pool side at tahimik doon.
"Hello, kumusta? Masaya ba?" tanong ko kaagad habang nakahiga sa kama.
"It's a despedida party, Yanna. Hindi ako masaya." He let out a short laugh and fixed his hair a bit.
"Bakit nasa labas ka? Iniwan mo mga kaibigan mo sa loob?"
He let out a heavy sigh and sat down on a lounge chair. "They're crying. I don't want to see it." He gave me a small smile.
Natahimik ako, iniisip ang mismong araw ng pag-alis niya. Iiyak din ba ako katulad ng mga kaibigan niya o kakayanin ko at magiging matatag? Parang mas gusto ko 'yong pangalawa. Ayaw kong umiyak. Ang bigat sa pakiramdam.
"Are you available on Tuesday?" tanong niya na nakapagbalik sa 'kin sa katinuan.
"Oo naman. Bakit? Saan tayo pupunta?" Alam ko na kaagad na may pupuntahan kami. Sinusulit na namin ang oras naming dalawa.
"Camping in Sagada."
"Ang layo noon, ah..." Tumawa ako. "Pero sige. Aalis ka naman na. Last destination na natin 'yon, 'no?"
Hindi siya nagsalita at bahagya lang na tumango. Nag-iba kaagad ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.
"My flight's on Friday," mahinang sabi niya.
Saktong pitong araw na lang pala talaga ang natitira sa 'min. Uuwi pa muna ako sa Laguna sa linggo at siguro roon na lang niya 'ko susunduin papuntang Sagada.
"Sige na, bumalik ka na sa mga kaibigan mo." Ngumiti ako para hindi niya mahalatang malalim ang iniisip ko at nasasaktan ako.
Tumango siya at pinatay ang tawag. Ang kaba ko kanina ay natabunan na ng sakit kaya ginusto kong matulog na lang para kahit saglit, hindi ako makakaramdam.
Maaga akong nagising dahil narinig ko si Sam na pumasok sa guest room, hinahanap ang charger niyang hiniram ko. Humawak ako sa ulo ko at umupo sa kama, masama ang tingin sa kanya dahil nagising ako.
"I'm gonna go jogging. Sorry." She gave me an innocent smile.
Nanatili akong nakahawak sa ulo ko, nahihilo. Napakunot ang noo ni Sam at hindi pa man nakakalapit sa 'kin, bumaliktad na ang sikmura ko kaya tumakbo ako papasok ng banyo.
"Yanna!"
Lumuhod ako sa tiles at dumuwal sa toilet bowl. Nasuka ko na ata lahat ng kinain ko kahapon kaya sobrang sama sa pakiramdam. Dumagdag pa si Sam na tumakbo papunta sa 'kin, hinahagod ang likod ko.
"May masama ata sa kinain natin," nanghihinang sabi ko.
"Yanna..." Hindi niya alam ang sasabihin niya pero alam ko na ang iniisip niya. Hindi... Hindi pwede.
Umiling ako at tumayo pagka-flush ng toilet. Naghilamos kaagad ako at nagmumog saka tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto. Narinig ko ang pagsunod ni Sam sa 'kin, alam ko na ang sasabihin.
"We ordered the same food. Hindi naman ako sumuka..." Maingat ang pagkakasabi niya.
Umupo ako sa sofa at niyakap ang unan, nakatulala, pilit tinatanggi ang isang bagay na kahapon ko pa iniisip.
"You need to go to your OB." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. She was trying to convince me but I kept on denying it.
Umiling ako. "Hindi ako buntis, Sam."
"Ashianna." She sighed and massaged her head. "I'm not saying that you're pregnant. I'm just saying that you should visit your OB to be sure. That's not normal anymore."
Umiling ulit ako at tumayo roon para pumuntang kusina, iniwan siya sa sofa. Binuksan ko ang ref at kumuha ng baso para magsalin ng tubig. Nakita kong sumunod na naman si Sam sa 'kin, nag-aalala.
"Maybe your last period wasn't a period. Maybe it's a bleeding caused by..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya.
"Hindi nga 'ko buntis, Sam!" iritang sigaw ko.
Tumahimik siya at nagtagal ang tingin sa 'kin, ngunit umiwas din nang tingnan ko siya nang matalim.
"Okay..." Dahan-dahan siyang tumango. "I'll just... jog for a little while."
Halatang malalim ang iniisip niya nang maglakad palabas ng condo. Nang mawala siya, napahawak ako sa dibdib ko. Parang nahihirapan akong huminga. Nahilo ako lalo sa lahat ng pala-isipang pumapasok sa utak ko.
I cooked myself a breakfast while waiting for Sam. Muntik ko pang masunog ang itlog dahil natutulala na lang ako bigla, iniisip kung paano nagtutugma lahat ng nangyayari sa 'kin. Hindi imposible pero... hindi ko tanggap.
"I'm home." Tumingin ako sa pinto nang marinig ko si Sam.
Tapos na 'kong kumain nang pumasok siya sa condo, pawis, at may dala-dalang maliit na paper bag. Tahimik siyang lumapit sa 'kin sa sofa at nilapag ang paper bag sa tapat ko. Nang tinitigan ko lang 'yon, bumuntong-hininga siya at siya na ang naglabas ng laman noon.
Nilapag niya sa coffee table ang dalawang pregnancy test. "Take it," she urged me.
"Ayaw ko," mariing sabi ko.
Hindi ako buntis.
"Just take it, Yanna," pag-pilit niya at binigay pa sa 'kin mismo.
Tinitigan ko 'yon, naluluha na sa kaba. Parang lalabas na mula sa dibdib ko ang puso ko.
"Whatever the result is, I will support and stay with you all throughout everything. Don't be scared. I'm here..." She held my hand and squeezed it a little. "We will figure it out together, okay?"
Tumango ako at dahan-dahang kinuha ang pregnancy test. Sumunod siya sa 'kin papasok sa kwarto ngunit nanatili siya sa labas ng C.R. Pinilit ko ang sarili kong maihi. Pagkatapos kong i-flush, tumayo ako at naghugas ng kamay, hindi tinitingnan ang resulta.
Tumingin muna ako sa salamin at huminga nang malalim bago tiningnan 'yon.
"Yanna?" Kumatok si Sam.
Nakatulala ako sa dalawang positive na pregnancy test na hawak ng nanginginig kong mga kamay. I stared at it, not feeling anything.
"I'll enter na, ha?" paalam ni Sam.
Narinig kong pumasok siya ng bathroom at agad lumapit sa 'kin para tingnan ang kalagayan ko. Kinuha niya ang dalawang test sa kamay ko at sinilip din 'yon para tignan ang resulta habang nakatulala ako.
"Oh my god..." She exhaled a shaky breath.
Napakurap ako nang ilang beses, hindi pa rin tanggap ang resulta.
"U-uh, not all pregnancy tests are legit." Sam panicked. "I'll call my OB to have you checked immediately so... so we will know..."
Hindi ako nagsalita. Wala akong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dito.
"Yanna..." Nang hawakan niya ang balikat ko, nanlambot ang tuhod ko at napaluhod na lang sa sahig habang tuloy-tuloy na bumubuhos ang luha ko. Sam immediately kneeled to hug me tight. "Shush," Sam whispered, tapping my shoulders lightly.
Nanginginig ang katawan ko habang umiiyak sa dibdib niya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa 'kin, umaasang tatahan ako roon, ngunit mas lalo lang lumakas ang iyak ko.
'I don't want a kid.'
Paulit-ulit ang mga salita ni Hiro sa utak ko kaya mas lalo lang nag-init ang mukha ko. Naghahalo na lahat ng emosyon ko. Takot, kaba, at galit para sa sarili ko. Hindi ko mahanap ang tuwa. Wala akong tuwang naramdaman.
"Ayoko nito, Sam," pag-iyak ko. "Ayaw ni Hiro 'to."
"Let's go to the clinic first just to make sure, okay? Be strong. I'll be with you." She tried to comfort me.
Natatakot ako sa lahat. Natatakot ako kay Hiro. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako sa pamilya ko. Natatakot ako para sa bata. Parang nahihilo ako sa lahat ng iniisip ko ngayon.
Nakatulala lang ako ngunit sinasagot ko lahat ng tinatanong ng doktor sa 'kin. Mahigpit na hinawakan ni Sam ang kamay ko habang hinihintay namin ang resulta at sasabihin ng doktor. Hindi ko na nga alam ang mga pinaggagagawa sa 'kin basta sumusunod lang ako.
"You're right, Miss Fernandez. You are almost 5 weeks pregnant."
Nabingi ata ako at hindi na naintindihan ang mga susunod niyang sinabi tungkol sa pagbubuntis. Sam was the one taking down notes for me. Siya rin ang nagtatanong para sa 'kin. Nakatingin lang ako sa baba, pinagdadasal na sana nananaginip na lang ako.
"So... here. May listahan ako ng mga healthy food for your pregnancy." Sam followed me to the living room, reading the list on her phone.
Humiga ako sa sofa at napatakip na lang sa mukha ko, unti-unting bumabalik sa katinuan.
Tangina, buntis ako.
Gusto kong umiyak ulit habang hinahaplos ang tiyan ko, nakatulala lang sa kisame. Pinangunahan ulit ako ng takot at kaba.
"Are you going to have the baby or not?" Umupo si Sam sa tabi ko. "I will support you in anything, Yanna. Are you going to have it?"
Nanatili ang kamay ko sa tiyan ko, malalim na pinag-iisipan ang lahat.
"I think it's better if you tell your family first." She sighed when I didn't answer.
Tumayo ako at nilagay ang pregnancy test sa plastic. Dumiretso kaagad ako sa kama pagkabihis. I curled up like a fetus, crying myself to sleep. Sa sobrang pagod ko kakaiyak, mabilis din akong nakatulog.
Kinabukasan, hinatid ako ni Sam sa Laguna para hindi ako mag-commute papunta. Alam kong may schedule siya ngayon pero mas pinili niyang ihatid ako. Pakiramdam ko ay iniingatan niya na 'ko ngayon masyado dahil buntis ako.
"Are you going to be okay?" tanong niya bago ako bumaba. Tumango ako at hindi nagsalita. "Okay. Just give me a call if something happens."
Kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba sa sasakyan. Gabi na nang makarating ako sa bahay kaya sa hitsura ko pa lang, napansin na ni Tita Isabel na pagod ako. Nang makita ko ang pagka-abala niya sa pag-asikaso sa 'kin pagkapasok ko, parang gusto ko na ulit umiyak.
"Halika! Pinagluto kita!" Naghain na kaagad siya sa lamesa.
Dahan-dahan akong umupo at pinanood siyang lagyan ng kanin ang plato ko. Pati ulam ay siya na rin ang naglagay. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako habang nakatingin sa pagkain.
"Si Mama po?" tanong ko pagkapunas ng luha ko.
"Ah, nasa taas. Sandali lang at tatawagin ko."
Nang umalis siya sa kusina, pinilit ko ang sarili kong kumain. Ang hirap lalo dahil pinipigilan ko ang luha ko. Wala akong gana sa lahat ng ginagawa ko.
"Yanna! Anak! Nakauwi ka na!" Tuwang-tuwa akong sinalubong ni Mama ng yakap sa hapag.
Nang maramdaman ko ang yakap niya sa 'kin, doon na bumagsak ang luha ko. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya nang marinig ang iyak ko sa balikat niya.
"Sorry..." umiiyak na bulong ko.
"Anak, bakit?" Kumalas siya sa yakap at agad hinawakan ang mukha ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling habang umiiyak, hindi alam kung paano ko sasabihin ang lahat.
"Kumain ka muna." Pinunasan ni Mama ang luha ko, nagtataka pa rin kung bakit ako umiiyak.
"Buntis ako, Ma." I cried more.
Katahimikan ang bumalot sa hapag-kainan nang marinig nila ang sinabi ko. Mas lalo akong umiyak nang matulala si Mama sa 'kin, hindi alam kung paano tatanggapin ang balita ko sa kanya.
"A-ano?" Dahan-dahan siyang umayos ng tayo.
"Jusko po, Ashianna." Napasapo si Tita sa noo niya at umiling. "Sino'ng nakabuntis sa 'yo?!"
Umiling ako, pinipigilan ang sarili kong sabihin ang pangalan ni Hiro. Panigurado kapag nalaman nila ay kakausapin nila si Hiro at ayaw kong mangyari 'yon. Ang pinakahuling pwedeng mangyari ay ang malaman ni Hiro ang tungkol dito.
"Hindi ko po alam." Umiyak ako lalo dahil sa pagsisinungaling.
"Hindi mo alam?!" Tumaas ang boses ni Mama. "Yanna, ano ba naman 'to!"
Yumuko ako nang makita ang pagsapo niya sa noo niya, naluluha na. Hinayaan ko na lang isipin nilang marami akong lalaki araw-araw kaya hindi ko na alam kung sino kaysa malaman ni Hiro lahat ng 'to.
"Hirap na hirap na nga 'kong humanap ng pera para sa tuition mo, dadagdagan mo pa!" Hindi na alam ni Mama ang gagawin. "Hindi ka pa nakakapagtapos, Ashianna! Bakit mo naman ginagawa sa 'kin 'to?!"
Tuloy-tuloy lang na bumabagsak ang luha galing sa mata ko habang nakayuko ako. Wala na 'kong balak lumaban sa mga salitang ibabato nila sa 'kin ngayon.
"Wala tayong pera, Yanna! Ipalaglag mo ang batang 'yan-"
"Anne! Ano ba naman 'yan!" Pagputol ni Tita sa sasabihin ni Mama.
"Ano'ng gagawin ko, Isabel?! Gagapangin ko ang pang-gatas ng bata?! Kung gusto niyo, kayo ang gumawa ng paraan! Ano?! Saan tayo kukuha ng pera?! Wala na rin kami ni Raymond!"
Umiling ako at pinunasan ang luha ko. "Kay Lola," mahinang sabi ko.
"Jusmiyo! Nueva Ecija pa 'yon! Ano?! Payag kang doon ka muna tumira, ha?! Ay talagang matutulungan ka ng lola mo! Hindi kita masasamahan at galit sa 'kin 'yon simula noong ipagbuntis kita!" sigaw ni Mama.
"Anne! Masyado ka namang masakit magsalita sa anak mo! Pareho lang kayo ng pinagdaanan!" sigaw ni Tita.
Umiyak ako lalo nang marinig ang pag-aaway nilang dalawa.
"Hindi ko alam! Hanapin mo ang tatay niyan at manghingi ka roon ng pera!" sigaw ulit sa akin ni Mama. "May mga araw pang nandidiri ka sa mga ginagawa ko pero ganoon ka rin naman pala! Pareho lang pala tayo!"
"Hindi tayo pareho!" sigaw ko at napatayo na. "Hindi tayo pareho... dahil aalagaan ko ang anak ko... Mamahalin ko siya at pagtutuonan ko siya ng pansin, hindi katulad mo!"
"Ano?!" gulat na tanong niya. "Lahat ng 'yon, ginawa ko para mabuhay kita, Yanna!"
"Pinatay mo na lang sana ako!"
Napuno ng katahimikan ang kusina dahil sa sinabi ko. Napaiyak na rin si Tita sa nangyayari, hindi alam ang gagawin. Tuloy-tuloy lang na tumulo ang luha ko at ganoon din si Mama.
"Paano mo... nakakayanang sabihin 'yan, Yanna?" hindi makapaniwalang sabi ni Mama sa akin.
"'Yong galit na 'yon... hindi dahil sa mga ginagawa mo noon... hindi dahil sa trabaho mo noon. 'Yong galit na 'yon, dahil 'yon sa... mga panahong hirap na hirap ako, Ma... Pero wala ka sa tabi ko..." Nanginginig ang boses ko.
"Anong..." Hindi alam ni Mama kung ano ang tinutukoy ko.
Hindi niya alam dahil wala naman akong sinasabi. Hindi niya alam dahil wala naman siya noong mga panahong nabu-bully ako sa school. Simula pagkabata ko, inaasar na ako ng mga tao sa paligid ko dahil kay Mama... pero hindi ko siya sinisi. Galit ako... Galit ako dahil hindi niya 'ko sinamahang masaktan.
"I was... bullied a lot," pag-amin ko sa kanya. "Wala akong kaibigan dahil pinandidirihan daw nila ako. Marami ka raw lalaki... Kabit ka rin daw... Marami... Marami silang sinasabi tungkol sa 'yo na sinasabi rin nila sa akin... Pero umiiyak ako mag-isa. Hindi ko pinapakita sa mga taong mahina ako dahil pinalakas ko ang sarili ko. Ako... Ako ang bumuhat sa sarili ko noong bata ako... Dahil palagi mo 'kong iniiwan mag-isa. Doon ko na-realize na... No one will share the pain with me but me. Ako lang, Ma... Mag-isa."
"Ashianna..." Mas lalong napaiyak si Mama at napatakip sa mukha. "Hindi ko sinasadya..."
"Ilang beses akong napapaaway sa school! Ilang beses akong umuuwing may mga sugat dahil lumalaban ako pabalik! Pero pagkatapak ko sa lugar kung saan walang nakakakita sa akin, doon na ako iiyak... Ang hirap, Ma... Ang hirap-hirap maging mag-isa... Ang hirap masaktan mag-isa... At sasabihin mo sa 'kin ngayong ginawa mo 'yon para buhayin ako? Wala ka palagi dahil nagtatrabaho ka para sa akin? Hindi mo ba naisip na kailangan ko ng ina? Ma... kailangan kita... Kinailangan kita..."
Halos hindi ko na siya makita dahil sa mga luha ko. Ang labo na ng paningin ko. Ang sakit ng dibdib ko. Ang bigat.
"At sorry... Kung nagalit ako. I may not be the best daughter to you... but you must admit that you were not the best too. Galit ako sa 'yo habang lumalaki ako... dahil hanggang ngayon, mas pinipili mo ang iba kaysa sa 'kin. Sanay naman na ako... pero hindi ko maiwasang maisip kung... anak ba talaga ang tingin mo sa 'kin? O baka palagi kang wala dahil ayaw mong makita ang mukha ko? Kasi naaalala mong kamalian ako? Aksidente ako sa 'yo..." Mas lalo akong naiyak.
I felt like I was a mistake... a lot of times. Noong bata ako, sinasabi nilang iniwan daw ako ng tatay ko dahil ayaw niya sa akin... dahil aksidente lang daw ako. At noong mga panahong 'yon, ilang beses kong naisip na tanungin si Mama kung totoo ba ang lahat ng 'yon... pero kinimkim ko lahat. Hindi ko magawang tanungin dahil takot ako na baka isagot niyang oo.
I was a kid... and I suffered so much. I questioned myself a lot of times. Kung pwede ko lang yakapin ngayon ang batang ako, ginawa ko na. Kung pwede ko lang siyang puntahan at samahan siya tuwing umiiyak siya, ginawa ko na... because she suffered so much.
Noong highschool, ilang beses kong niyayakap ang tuhod ko sa library, kung saan walang makakakita sa akin. Ilang beses kong tinatago ang mga sugat ko dahil sinasaktan ako ng mga estudyanteng may ayaw sa akin.
Kung hindi ko lang nakilala sina Sam, walang wala na 'ko ngayon... sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko.
"Anak, hindi..." Umiling si Mama at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. "I'm sorry... Sorry... Sorry kung wala ako... Sorry kung hindi kita nasasamahan... Kahit kailan, hindi ko inisip na isa kang kasalanan sa akin, anak... Marami akong pagkukulang sa 'yo, alam ko 'yon. Akala ko lang ay okay lang dahil ginagawa ko naman 'yon para sa 'yo... na nagtatrabaho ako para sa 'yo."
Tumango ako habang pinupunasan niya ang luha ko, pero mas lalo lang 'yon tumulo nang yakapin niya ako nang mahigpit at umiyak sa balikat ko.
"Ang anak ko... Pasensya ka na... Ang dami mong pinagdaanan dahil sa akin," bulong niya habang umiiyak. "I'm sorry..."
Naiwan akong umiiyak at umupo na lang sa hapag nang bitawan niya ako. Tahimik na nakatingin si Tita sa 'kin, kumalma na rin. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tapat ko, saka kinuha ang mga kamay ko.
"Gusto mo bang ipalaglag ang bata?" seryosong tanong niya.
Umiling ako at bumuntong-hininga siya.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Yanna?" tanong niya ulit. "Dahil kung oo, sasamahan kita sa Nueva Ecija at doon muna tayo sa Lola mo habang pinagbubuntis mo ang bata. Matutulungan niya tayo sa mga gastusin. Hindi niya man kami tanggapin ng Mama mo, ikaw, sigurado akong tatanggapin ka noon."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kayang magsalita. Ang dami ko nang nalabas. My mother prepared some more food for me. Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong ilabas lahat ng 'yon. Maybe it will take time to... forgive.
"Sige na, kumain ka muna. Kailangan mong maging malusog para sa bata."
Ayaw kong kumain dahil nawalan ako ng gana pero pinilit ko para may makain ang anak ko sa loob ng tiyan ko. Dinamihan ko pa para lang sa kanya.
Pagod na pagod akong humiga sa kama para matulog. Hindi ko na nareplyan ang mga text ni Hiro sa sobrang distracted ko. Kinabukasan, umagang-umaga ay dumuwal kaagad ako sa banyo. Mas lalo lang akong napagod dahil doon.
Umuwi si Mama pero hindi kami nag-usap masyado. Naiilang ako dahil nararamdaman kong bumabawi siya sa akin. Sinusubukan niya. Dumederetso kaagad ako sa kwarto ko pagkatapos kumain at hindi rin naman siya nag-aabalang puntahan ako roon, binibigyan ako ng oras.
From: Sam
Stress is not good for the baby!
Napangiti ako at binasa pa ang ibang sinend niya.
From: Sam
Internet said don't take hot baths, stay away from radiation and heavy-lifting, and also don't eat raw food. #keepthebabyhealthy
From: Sam
Get enough sleep and keep a balanced diet! #keepthebabyhealthy
Napailing na lang ako at tinago ang phone ko nang makaramdam ng antok. Kinabukasan ay Tuesday na kaya naman maaga akong gumising para mag-impake dahil alam kong maaga rin akong pupuntahan ni Hiro.
Natakot kaagad ako na baka mapansin niyang may iba sa 'kin kaya sinubukan ko talagang umaktong normal sa harapan niya.
"Oh, you ready?"
Nagulat ako nang makitang nasa baba na si Hiro at kausap si Tita. Nagkatinginan kaming dalawa ni Tita at mukha namang wala siyang sinabi kay Hiro.
"Ingatan mo si Yanna, hijo, ha," matinding bilin ni Tita. "Huwag mo hayaang madulas lalo na't aakyat kayo sa bundok. Huwag mo ring hayaang mainitan masyado at baunan mo ng maraming tubig para hindi mapagod. Isang gabi lang naman kayo roon, 'di ba?"
"Yes po, Tita." Ngumiti si Hiro, walang ideya kung bakit mas mahigpit si Tita ngayon.
"Tara na." Hinatak ko na siya palabas para wala nang masabi si Tita.
Naka-leggings lang ako at pink na sando. May baon din akong jacket dahil malamig daw doon sa tuktok ng bundok na 'yon. Hiro was wearing a black jogging pants and a white long sleeves shirt.
"Ready?" Hiro asked, smiling. Tumango ako sa kanya at ngumiti rin. "Road trip, here we go!"
Mas lalo akong napangiti sa pagkasabi niya noon dahil alam kong masaya siya, o kaya ginagawang masaya 'to para sa 'kin. I appreciated his effort kaya inalis ko na muna lahat ng lungkot at takot sa 'kin. Bahala na sa lahat.
Matagal ang byahe kaya naman nakatulog ako, lalo na't kulang ang tulog ko dahil maaga nga akong gumising. Nagising lang ako sa isang stop over kung saan binilhan ako ni Hiro ng pagkain. I was glad it was a healthy one.
"You're eating a lot. Do you want mine?" He offered his sandwich as well.
Umiling ako. "Okay na 'ko."
"No, busog pa 'ko. Sa 'yo na," he urged me to get it.
Kinuha ko na lang 'yon at kinain para sa baby. Natawa siya dahil mukha akong gutom pero kinakain ko lang talaga 'yon para maraming laman ang tiyan ko.
Padilim na nang makarating kami roon. Iniwan niya muna ang sasakyan niya sa parkingan ng isang travel agency at nag-bus kami paakyat sa may kabundukan. It was already a little cold when we arrived there. Aakyatin pa namin 'yong bundok. Mabuti na lang at may kaunting araw pa kaya hindi nakakatakot.
"We need to go faster. Malapit nang dumilim," sambit niya habang naglalakad kami paakyat.
Kinuha niya ang dala ko at siya na ang nagbuhat, kahit ang dami na niyang dala. Dala rin niya ang tent namin at ang malaki niyang bag. Hinawakan niya pa ang kamay ko para alalayan ako.
"Good, may mga kasama tayo, oh!" Nakangiti si Hiro nang ituro ang natatanaw naming mga tent doon. May dalawa ata o tatlo.
Napahawak ako sa tiyan ko nang makarating kami sa may taas, kung saan namin iseset-up ang tent, malapit doon sa mga taong nauna sa 'min makarating. I helped Hiro with the tent but he told me to just sit down and rest.
"Are you okay? You look tired." Hiro pursed his lips. "Here. You can lie down."
Tinuro niya ang tent at nilatag na niya ang dalawa niyang makapal na kumot para mahigaan namin. I smiled at him and entered the tent. May dala siyang lamp at nilapag doon sa gilid para may ilaw kaming dalawa.
"Kanina ka pa tahimik," sabi niya pagkaupo sa tabi ko.
"Wala. Pagod lang ako," pagdadahilan ko.
"I should't have made you do this..." He sighed. "I'm sorry. I just want to see the sunrise."
"Ano ka ba!" Lumingon ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Okay lang sa 'kin 'to. Huwag kang mag-sorry." I felt bad because I probably ruined the mood.
He gave me a small smile but I wasn't convinced so I leaned and gave him a soft kiss. He closed his eyes and caressed my cheek, kissing me more. Nang humiwalay ako, napabuntong-hininga siya at umiwas ng tingin, halatang may iniisip na iba.
"Kung sasabihin mo ulit sa 'kin na pwede kang manatili, huwag ka nang magsalita." Tumawa ako para gumaan ang pakiramdam niya.
Hindi siya nagsalita at niyakap lang ang tuhod niya. Natanaw ko sa palapulsuhan niya ang bracelet na bigay ko kaya kinuha ko ang kamay niya at hinawakan 'yon. Sinundan niya ng tingin ang kamay naming magkahawak.
"Hindi kita ihahatid sa airport pero baunin mo 'yong isusulat ko sa 'yong letter," sambit ko.
"What letter?" Kumunot ang noo niya.
"A farewell letter."
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at agad iniwas ang tingin sa 'kin. Binaba ko ang tingin ko sa kamay namin at hinigpitan lalo ang hawak sa kanya, ayaw na siyang pakawalan.
"Ayaw mo pa rin bang magkaanak?" tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Yeah." He did not hesitate to say it. "It's not included in my plans. Why?"
Binigyan ko ng malungkot na ngiti ang sarili ko at tumungo, pinipigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko. Tamang desisyon ang huwag sabihin sa kanya... Alam ko namang hindi niya magugustuhan 'yon. Mas mabuting sarilihin na lang. Aalis na siya... hindi ko siya pwedeng bigyan ng isa pang sakit sa ulo.
"Ako rin," mahinang sabi ko. "Hindi ko rin plano magkaanak."
"Why? I think you'd be a great mom, though." He squeezed my hand.
Doon tumulo ang luha ko na agad ko ring pasimpleng pinunasan gamit ang kamay ko. Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi niya makita ang mga mata ko.
"Talaga?" nahihirapan kong tanong. "Sa tingin mo?"
"Yes. You're brave. The type to sacrifice everything for her child, you know? I can see that in you."
Pumikit ako nang mariin at naramdaman ang luha na dumaloy sa pisngi ko. I bit my lower lip to stifle a sob. It took a lot for me to calm myself.
"Siguro nga..." I tried not to stutter.
Believe me, Hiro... I wanted to be that type of mother too... pero natatakot akong baka hindi ko magampanan nang maayos sa anak natin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
I was thinking of it the whole time. Noong yumakap siya sa 'kin sa pagtulog, doon na tumulo ulit ang mga luha ko. Mabuti na lang at nakatalikod ako at tulog na siya kaya hindi na niya nakita o napansin. Binaba ko pa ang tingin ko sa braso niyang nakayakap sa tiyan ko. I smiled to myself while tears were running through my cheek.
Yakap ka ng tatay mo, anak.
At least, kahit sa isipan ko lang 'yon, gumaan ang pakiramdam ko... but it still hurt so much. I cried more and tried to stifle my sobs. Hiro... was so clueless about everything. Ang bigat sa pakiramdam ng may tinatago sa kanya.
Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Hiro para mag-abang ng sunrise. May ibang tao rin na nag-abang kaya naman lumipat kami ng pwesto. Doon kami sa malayo para walang tao at kami lang dalawa. It was cold and foggy.
"Did you cry?"
Gulat akong napatingin kay Hiro nang bigla siyang magtanong.
"Your eyes..." He sighed.
"Hindi. Puyat lang ako. Ang aga mo kaya akong ginising!" pagdadahilan ko.
"Really..." He wasn't convinced but he just nodded and gave me a small smile.
I stared in front, holding my water container, watching the clouds move slowly below and in front of us. It was such a nice view, like I was riding a plane.
"There! It's rising!" turo ni Hiro sa araw.
Napatingin ako sa araw habang unti-unting lumiliwanag ang paligid namin. Hiro was smiling the whole time, so I smiled, too. Masaya siya at okay na sa 'kin 'yon. Ayaw kong sirain ang kasiyahan niya ngayon. He looked carefree, na parang wala siyang iniisip. Na para bang hindi siya aalis... na para bang hindi niya ako iiwan.
Kami... Na para bang hindi niya kami iiwan.
Unti-unting lumiwanag ang langit, pati na rin ang kapaligiran namin. Tumingin ako kay Hiro at pinagmasdan kung paano tumama ang sikat ng araw sa mukha niya habang nakatingin siya sa harapan at kinukuhanan iyon ng litrato.
Umakbay siya sa 'kin at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya nang mapansing nakatingin ako sa kanya. It was cold but his warmth comforted me.
"Kaya ko naman nang wala ka, 'di ba?"
He looked at me for a second and immediately avoided my gaze.
"Of course." He swallowed hard. "At least we'll have something in common. We'll look at the same sky everyday, but in different colors."
"Ngayon pa lang, gusto ko nang sabihin..." Humawak ako sa kamay niyang nakaakbay sa 'kin. "I'm very proud of you, Hiro."
"Come on, we still have two whole days. Don't bid your farewell yet." He laughed but the pain was so evident in his eyes.
Kung pwede lang pabalikin ang araw na unti-unting tumataas sa kalangitan ngayon, ginawa ko na, dahil isa lang iyong simbolo ng bawas na oras naming dalawa.
"May mga bagay akong hindi sinasabi sa 'yo, pero sana maintindihan mong ginagawa ko lahat 'to para sa 'yo, ha?" Humarap ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya, pinipigilan ang mga luha ko.
"Like?" He arched a brow.
Ngumiti ako sa kanya.
"Wala," sagot ko.
Mahal kita.
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top