12
"Ang ganda."
Nakatingin ako sa baba at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Pinapanood ko ang mga ulap na nilagpasan namin. Ngayon, nasa ilalim na sila ng eroplano. Kinuha ko ang phone ko para picture-an 'yon.
"Water?" tanong ko kay Hiro.
Ang tagal na niya kasing nagpapalipad tapos mukha pa siyang busy na busy kaya hindi ko siya kinakausap. He looked at me for a second and laughed at my face. Nilahad niya ang kamay niya kaya dali-dali kong kinuha ang tubig ko para ibigay sa kanya. Binuksan ko pa.
"Malapit na ba?" tanong ko pagkabalik niya sa 'kin noong tubig.
"Miles far," he said, not looking at me.
I bit my lower lip and looked outside again, wondering how can Hiro manage to be that handsome while flying a plane? Malala na ata ang tama ko. Siguro nga iba talaga kapag passionate ang isang tao sa ginagawa niya. Iba 'yong glow. Ganoon din kaya ako kapag naabot ko na ang pangarap ko?
"Busuanga tower, RP-C 892, good morning," sambit niya sa headset.
"RP-C 892, good morning, go ahead," I heard a man said.
Tumingin ako sa mga ulap at binalik ang tingin kay Hiro nang magsalita ulit siya. May kung ano sa boses niya na 'kinakamangha ko. Hindi ko rin alam.
"Busuanga tower, we are 15 miles north east of the station at 8,500 feet, for landing," Hiro said.
"Roger. Report 5 miles inbound, descend to 1500. Runway 08 in use QNH 2992." Napakunot ang noo ko dahil hindi naintindihan ang sinabi ng lalaki.
"Will report 5 miles inbound at 1500. For runway 08 2992 RP-C 892," Hiro answered.
He glanced at me for a second and bit his lower lip, stifling a smile when he saw how confused I was.
Pinanood ko kung gaano siya ka-busy sa control wheels ng eroplano, completely dominating it. I admired him from where I was seated so I took a picture of him driving. Isa lang, promise. Ngayon lang. Napangiti ako nang mag peace-sign pa siya saglit ngunit hindi nakatingin sa camera.
"Ang ganda ng side profile mo, 'no?" pansin ko habang tinitignan ang litrato.
Ang perpekto ata masyado ng pagkakahubog sa mukha niya. He pursed his lips, which emphasized his jawline more. Nakabukas pa ang tatlong butones ng puting polo dahil nainitan kanina. Doon ko lang din napansin 'yong mukhang mamahalin niyang relo na nakahawak sa control wheel ng plane.
"Staring now, are we?" He laughed.
Umiwas kaagad ako ng tingin at kunwaring tinanaw ulit ang mga ulap. Parang may bumabaliktad sa tiyan ko kapag bumababa siya. Ganoon pala 'yon?
Hindi ko alam ilang minuto na ang nakalipas dahil abala akong tinitignan 'yong mga lupang natatakpan ng kaunting ulap sa baba. I looked at him again while he was checking something in the controls. Then, he fixed his headset.
"Busuanga tower RP-C 892, 5 miles passing 2,200 descending to 1,500 for landing."
Hiro was so busy with the control wheel. Ayokong ma-distract siya kaya tumahimik ako at napirmi sa inuupuan ko. Kahit paghinga ko ata ay gusto kong pigilan. Nakakakaba pala 'to.
"Roger. Join left downwind runway 08 report established," sagot ulit ng lalaki.
Air traffic control siguro? Malamang, Yanna!
"Will join left downwind runway 08 will report established." Hiro was so composed.
I felt the plane move or turn kaya tumingin ulit ako sa labas. I really didn't want to bother Hiro. Bukod sa abala siya sa control wheel or I don't know how they call that, seryoso pa ang mukha niya. Kinakabahan din ako dahil narinig ko ang 'landing.' So bababa na kami!
"Busuanga tower RP-C 892 established left downwind for landing," Hiro said again.
"RP-C 892 have you in sight report finals."
"Will report finals 892."
I bit my lower lip and watched our plane descend.
"Busuanga tower 892 finals," Hiro said again on the headset.
"892 caution at the wind at 160, 15 knots gusting 22 cleared to land," the man answered.
Ano raw? Basta malakas ata ang hangin because Hiro became so busy with the controls, but he remained calm. Ninerbyos na naman ako at parang maiihi.
"Will take caution. Cleared to land 892," Hiro answered.
His one hand was on the wheel, and his other one on a control near it. Nerbyos akong kumapit sa seatbelt ko habang nararamdaman sa may bandang tyan ko ang pagbaba ng eroplano. Huminga ako nang malalim nang malapit na kami sa runway.
The plane smoothly touched the ground and slowly, bumagal ang eroplano. I looked at Hiro and he winked at me playfully before looking in front again.
At ayun nga ang unang experience ko sa pagsakay ng eroplano. Tuwang-tuwa ako nang makalabas kami ni Hiro ng airport, hatak-hatak ko ang maleta ko. Nagtagal pa kami nang kaunti sa loob dahil may ginawa pa siya pero ngayong nakalabas na kami, saka lang nag sink-in sa 'kin na nasa Palawan na 'ko!
Sinalubong kami ng isang driver ng van mula ata sa isang resort. Ilang minuto kami papunta sa may port at nang makarating, nagbangka naman papunta sa island kung saan kami tutuloy. Hiro was holding my hand the whole travel, parang ayaw nang bumitaw kahit mamawis pa 'yong palad namin.
Pagkarating namin, sinalubong kaagad kami ng staff. It was such a nice place at halatang exclusive! Napaisip tuloy ako kung magkano kaya ang pag-stay dito? Kakaunti lang ata ang tao kaya palagay ko sobrang mahal? Hiro didn't say anything about it.
"Good noon, Sir!" bati noong receptionist. "Normal reservation po or-"
"Elite member," Hiro stated while texting.
"Oh! Wait a minute po, Sir." Naging abala 'yong babae sa computer niya.
Naghihintay lang ako sa tabi, tinatanaw ang napakagandang dagat habang kausap ni Hiro 'yong babae at inaasikaso 'yong reservation. Sinubukan kong kumuha ng litrato ng dagat pero parang hindi nabibigyan ng hustisya 'yong nasa harapan ko. Masyado siyang maganda.
"Yanna, let's go." Lumingon ako kay Hiro.
He was already wearing his shades and he actually looked a little tired from flying a plane. Tumango ako at sumunod sa kanya papunta sa isang suite. Tumaas ang kilay ko pagkapasok dahil kinekwenta ko na sa utak ko kung gaano kamahal 'to.
"Pwede namang standard room na lang," sabi ko pagkalagay ng gamit ko sa may tabi ng cabinet.
Pagkapasok sa suite, may lalagyanan ng sapatos at may maliit na hallway papunta sa may kama. Ang colors lang ang white, red, and brown for the wooden but elegant bed. Pumasok ako sa malaking bathroom at mayroong malaking shower. Dalawa rin ang sink kaya nilagay ko ang mga gamit ko sa isa.
"It's okay, I got discounts since I'm a member," pampalubag-loob niya sa 'kin.
"Member ng ano? Gang?"
"They have this travel company where my mom signed me up as an elite member, that's what they call it, since we travel a lot. This resort is one of their partners." Talagang nagpaliwanag pa siya.
Hindi ko siya pinansin at inayos na ang mga gamit ko sa cabinet. Mas malinis pa ang pag-aayos ni Hiro kaysa sa 'kin. Nag color-coding pa siya sa sobrang bored niya. Ang dami ko kasing dala kaya ang tagal kong mag-ayos. Siya, kaunti lang.
"Ang dami mo pang pantulog, pwede namang wala na lang suot." Hiro laughed.
"Kasi ganoon ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"No, I'm very conservative." He smirked.
Nag-shower siya habang nag-aayos ako ng essentials ko sa may sink. Wala naman siyang pakialam kahit narito ako sa loob ng bathroom.
"Bilisan mo, maliligo na rin ako. Pakiramdam ko ang dami nang kumapit sa 'king mikrobyo," sabi ko.
Nagulat ako nang sumilip siya sa may shower, basa pa ang buhok.
"Halika rito kung nagmamadali ka," sambit niya at sinara ulit ang pintuan ng shower.
Napairap ako pero hinubad ko na rin naman ang damit ko. Tinanggal ko ang ipit ko at binuksan ang pinto ng shower para makapasok ako. Hindi na siya nagulat at tumabi na lang para may space ako sa tubig.
"Wew," he teased, looking at my body.
We ended up fucking inside the shower kaya tumagal kami sa bathroom. He was covering my mouth while taking me from behind. Kumapit ako sa may tiles ng shower habang nanlalambot ang tuhod ko.
"Cum for me," he whispered.
Bagsak tuloy kami sa kama pagkatapos maligo. Pareho kaming napagod sa travel at mas lalo na siya dahil nagpalipad pa siya kaya agad siyang nakatulog. Gumalaw ako nang kaunti habang nakayakap siya sa 'kin patalikod sa kama.
We slept like that for around 2 hours. Nagising lang ako nang maramdaman kong wala na siya sa tabi ko kaya bumangon ako para hanapin siya. Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang lumabas sa shower, nakapagpalit na ng damit. He was wearing a black board shorts and a beach button-down polo in the color blue. May designs ng kaunting halaman doon.
"Let's go swim. Hurry up, sleepyhead! We need to catch the sunset." Pumalakpak pa siya para magising ang diwa ko.
Dali-dali kong kinuha ang pamalit kong bikini at pumasok sa C.R. para magbihis. Kulay navy blue ang two-piece kong dala ngayon. May pa-cross na strings sa may dibdib ko ang pangtaas at ang pambaba naman ay may pa-cross sa bandang hips. Nagpatong lang ako ng white shorts at see-through top.
Hindi ko na inipit ang buhok ko at nagsuot na lang ng shades bago kami gumayak papunta sa may beach area.
I asked him to take some pictures of me and he willingly obliged to my request, tuwang-tuwa pa nga. Ayoko sana pero masyadong maganda ang view para hindi makuhanan. Sobrang linaw ng tubig at angat na angat ang kulay blue green nito. Puti pa ang buhangin at hindi gaanong mainit ngayon dahil pahapon na.
"You're so beautiful," he said when I smiled at the camera.
Nawala tuloy ang ngiti ko at bahagyang uminit ang pisngi dahil sa sinabi niya. Tumawa siya sa hitsura ko at pinakita pa sa 'kin 'yong picture.
"You looked so flustered." He laughed again.
"Isa pa! Epal!" Sinipa ko siya nang mahina sa binti.
"Isa pa! Epal!" he mocked again in a child's voice.
Palagi niya na lang ginagawa 'yon at palagi rin akong napipikon. Parang hobby na ata niya ang panggagaya sa boses ko. Hindi naman parang bata, ah! Mas matinis nga ang boses ni Luna! Ang boses kong parang naghahamon ng away palagi.
He took some pictures of me in his film camera. May selfie pa kami roon at nang matapos kaka-picture, nauna na 'kong lumusong sa dagat, naka-bikini na lang ngayon.
"Sunset na! Omg, Hiro!" Tuwang-tuwang sabi ko habang naglalakad papuntang dagat, sinasalubong ang mga alon.
Tinuro ko pa 'yon at lumingon sa kanya na nasa buhanginan pa rin. He put his phone down and unbuttoned his polo so he could join me. Hinintay ko siya hanggang sa makalapit siya bago ako naglakad ulit palayo para malubog pa lalo ang katawan sa tubig.
Hiro caught me on my waist and pulled me closer. Umakbay ako sa kanya habang pinapanood namin 'yong pag-iiba ng kulay ng langit habang bumababa ang araw. I was smiling the whole time, amazed by the breathtaking view.
Naramdaman kong nakatitig si Hiro sa 'kin kaya lumingon ako sa kanya, naiwan ang ngiti mula sa panonood ng paglubog ng araw. Hindi niya inalis ang tingin niya sa mga mata ko at unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang lumapit siya para mahalikan ako.
Umawang ang labi ko at pumikit habang dinadama ang halik niya sa 'kin. Nakahawak na 'ko sa balikat niya ngayon at ang kamay niya naman ay nasa baywang ko. He moved his lips a little but it was slow... and passionate. It was full of emotions.
Tahimik kami nang humiwalay pero nanatili ang hawak niya sa baywang ko. I closed my eyes again when he kissed my forehead and hugged me. Nagulat ako pero niyakap ko na lang din siya sa leeg. I heard his heavy sigh as he rested his chin on my shoulder.
"I wish we could stay like this forever," I heard him whisper.
Parang may kumirot sa dibdib ko pero nang pakawalan niya 'ko, ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang sinuklay ang basa niyang buhok patalikod.
"Hindi lahat ng hiling natutupad," I said softly. "At okay lang 'yon."
Ikaw ang hiling na hindi ko kayang tuparin, Hiro. Ikaw ang pangarap na hindi ko kayang abutin... dahil habang tumatagal, palayo ka nang palayo sa akin.
Pero ayos lang... Dahil kahit palayo ka sa akin, palapit ka naman sa pangarap mo.
Bumuntong-hininga siya ulit at humigpit ang yakap sa baywang ko hanggang sa magsawa siya at binitawan din ako. Bumalik kami sa may suite nang dumilim na para makapagbanlaw bago kumain ng dinner sa labas.
It was a buffet dinner kaya nabusog ako kaagad. Tuwing tumatayo pa si Hiro at kumukuha ng pagkain, may mga lumalapit sa kanyang babae at kinakausap siya. Nakangiti lang siya at umiiling tuwing may sinasabi sa kanya. Pagkatapos, babalik din.
"So friendly," bulong ko.
"Huh?" tanong niya. "Ano 'yon?"
Umiling ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Kinabukasan, maaga niya 'kong ginising para naman sa island hopping na naka-schedule. Excited ako kaya agad akong nag-ayos. Tatlong private islands daw ang pupuntahan namin ngayon.
Bawat isla ata na pinupuntahan namin, may nabibingwit na babae 'tong si Hiro. Napapahinto tuloy kami sa paglalakad kapag may lumalapit sa kanya.
"Where are you from?" ganong na noong foreigner sa kanya. "America?"
"No." Hiro just laughed and walked again.
Umakyat ulit kami sa may hagdan para makapunta roon sa maliit na kakainan namin dito sa isang isla na pinuntahan namin pero napahinto na naman kami nang may lumapit ulit.
"Hi-"
"I have a girlfriend, sorry." Hiro smiled.
Napatingin ang babae sa 'kin at bahagyang napahiya. Tumawa na lang ito at umatras kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Hiro. Nakarating din naman kami sa kakainan namin at mabilis pang dumating ang pagkain.
"Why are you grumpy?" tanong ni Hiro habang kumakain.
"Hindi naman, ah," sagot ko.
"You are grumpy." Inabot niya ang pisngi ko at sapilitang pinangiti ako pero umirap lang ako. "Tingnan mo! Sungit mo!"
"Ikaw naman, masyado kang mabait at approachable, kaya ang daming babaeng nagkakagusto sa 'yo rito," sabi ko habang binibilog sa tinidor ang pasta.
Nagulat siya sa sinabi ko at unti-unting sumilay ang ngisi sa labi. Sumandal pa siya at humalukipkip habang malokong nakatingin sa 'kin.
"Nagseselos ka pala?" he teased.
"Gwapo ka?" Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa siya.
"Don't worry, Yanna. Even if you double the amount of women asking for my name here, it still won't reach the amount of men staring at you wherever the hell we go." He looked around.
"Wala naman tumitingin, ah," sabi ko at tumingin pa sa paligid.
"Manhid." He shook his head.
"Baka sa boobs ko nakatingin, hindi sa 'kin," pagbibiro ko pero mukhang hindi siya natuwa.
Seryoso niya lang akong tinignan at binaba ang tingin sa dibdib ko. "You are more than that, Yanna. You are more than your body."
Umiling siya at bumuntong-hininga bago pinagpatuloy ang pagkain. Tumawa ulit ako at kumain na lang. Ang seryoso naman nito...
Pagkauwi namin, nauna akong nag-shower kaya ako ang naunang mahiga. Kinuha ko ang phone ko at chineck ang IG stories niya habang naliligo siya. My heart fluttered when I saw the video from yesterday. Naglalakad ako sa dagat habang kulay orange ang langit dahil sa paglubog ng araw. Basa ang buhok ko at naka-bikini. Tinuro ko ang magandang langit at lumingon sa kanya, nakangiti.
'Beautiful'
Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinimas ko pa 'yon, umaasang kakalma sa simpleng ganoon lang. Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto na malalim na ata ang hulog ko at mahihirapan na 'kong akyatin 'yon.
Mayroon pa siyang video na tawa siya nang tawa sa background dahil tinutulak niya 'ko sa may bamboo platform tapos parang paiyak na 'ko, kumakapit sa kamay niya.
The lagoons were so beautiful. Sobrang surreal para sa 'kin tuwing naaalala ko ang kanina. Nakaupo kami sa may bamboo platform at palutang-lutang lang 'yon sa lake. Napakaganda rin ng mga bundok at rock formations na nakita namin.
I felt so happy that I experienced all of them with Hiro. Kung bibigyan ako ng pagkakataong ulitin 'to, siya pa rin ang pipiliin kong kasama, kahit masakit sa huli.
"Anong iniisip mo diyan?" tanong ni Hiro pagkalabas ng bathroom, tapos nang mag-shower.
"Wala." Ngumiti ako sa kanya at umayos ng higa.
Lumapit siya sa 'kin at pinatakan ako ng halik sa labi bago pumunta sa cabinet para mamili ng susuotin, nasa leeg pa ang towel at basa ang buhok.
"Do you like me?" I asked.
Napatigil siya sa paghahalungkat ng damit at lumingon sa 'kin, nakakunot ang noo at nagtataka sa sinabi ko.
"Of course I like you," seryosong sabi niya.
I smiled to myself and nodded, pilit iniignora ang tibok ng puso ko. That was enough for me. Mukhang na-realize niya ang sinabi niya kaya umiwas ng tingin at nailang bigla. Natawa ako sa jitsura niya at niyakap na lang 'yong unan para matulog.
Kinabukasan, we went scuba-diving to see the reefs and some extraordinary fishes. Hindi ako marunong pero inalalayan ako ni Hiro. He held my hand underwater so I won't be scared.
Napangiti ako at tinuro 'yong mga coral reefs, manghang-mangha dahil ngayon lang ako nakakita noon. Hinatak pa 'ko ni Hiro palayo para lumapit sa mga isda roon. Nalungkot ako nang kinailangan na naming umahon dahil mauubos na ang oxygen sa tank namin.
After scuba-diving, we went to Coron town so we could buy some food and hopefully find cheap souvenirs. Hindi naman magulo masyado pero nanibago ako dahil maraming tao at maingay ang mga motor at tricycle.
Hawak ni Hiro ang kamay ko habang bumibili ako ng pandesal sa nadaanan namin. Nakaputi akong flowy dress na hanggang tuhod at si Hiro naman, naka-shorts at shirt lang. May suot pa siyang itim na sombrero.
"Anong palaman nito?" tanong niya sa 'kin pagkabigay ko ng pandesal.
"E'di wala!" Tinuktokan ko ang ulo niya.
"Bakit wala?" reklamo niya naman sa 'kin. "I told you I want the cheese bread."
"E'di bumili ka! Libre ko na nga 'yan, nagrereklamo ka pa!" pakikipagtalo ko naman.
Tumawa siya sa sinabi ko at pinisil ang pisngi ko, nanggigigil. "Ang cute mo talaga. Ang sarap mong tirisin," sabi niya at binitawan ang pisngi ko.
Hindi niya binitawan ang kamay ko habang naglalakad kami. Pumasok kami sa isang souvenir shop at kaunti lang ang binili ko para lang naman kila Tita at kina Sam. Si Hiro, akala mo barangay ang pasasalubungan, e. Ang daming tinitingnan at kinukuha.
"Okay na 'yong keychain! Hindi mo naman bibigyan lahat ng kaibigan mo, 'no? Ang dami noon," pagpigil ko sa kanya.
"No, I'm buying for your friends," sagot niya.
Nagulat ako at lumingon sa kanya. "Huwag na, bumili na 'ko para sa kanila. Pa-good shot ka naman masyado." Tumawa ako.
Pagkabili ng souvenirs, sumakay kaming bangka at pumunta sa isang isla kung saan kami nag-rent ng motor para makapunta sa tuktok ng bundok. Maganda raw kasi ang view doon.
"You want to drive?" Hiro asked me.
Ngumisi ako at kinuha ang susi ng motor. Sinuot ko ang helmet at umupo roon. Umangkas naman siya sa likod ko at humawak sa baywang ko. Walang pasabi ay pinaharurot ko kaagad ang motor paakyat.
"Jesus," he muttered when I sped up. "Yanna, slow down. It's dangerous."
Napanguso ako at binagalan nga dahil malubak na ang daan. Baka tumalsik pa kaming dalawa rito at tsaka baka bawian niya 'ko pauwi! Siya pa naman ang piloto ng eroplanong sasakyan ko! Baka gumanti siya roon at ipahamak buhay ko!
"Ang sarap ng buhok mo, ah," sabi niya.
Tumawa ako at naramdaman kong inipon niya ang buhok ko sa isang kamay niya hanggang sa makarating kami sa tuktok. Tinanggal ko ang helmet ko at bumaba ng motor, tinatanaw ang dagat sa baba, at ang mga bundok.
"Wow," bulong ko.
"Yeah, wow, nahilo ako sa motor," nakahawak si Hiro sa ulo niya. "Ako na ang magda-drive pabalik."
Masama ko siyang tinignan at humalukipkip, hindi natutuwa sa sinasabi niya ngayon. Magaling naman ako mag-motor, ah! Nakarating nga kami rito, eh!
"Sige na, ikaw na." Sumuko rin siya.
Kinabukasan, nagpahinga lang kami sa resort at tanghali nang nagising. New Year's Eve kaya nagpapahinga lang kami ngayon. Mamaya kasing gabi ay doon daw kami sa may hidden beach. May ganoon pala rito. May hinanda daw siya sa picnic area para roon namin salubungin ang New Year.
"Walang tao, ah," sabi ko nang makarating kami sa hidden beach area ng resort.
"Hidden nga, e," pambabara niya sa 'kin.
"Ah, talino mo talaga," sarkastikong sabi ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarating kami sa picnic area na sinasabi niya, malapit sa hidden beach. Maraming fairy lights na nilagay roon at sinabit sa maliit na puno at poste. Sa tabi noon ay mayroong table for two. Mayroon ding mga kandilang natatakpan ng tela sa buhanginan. Sa tabi naman noon, may nakalatag na picnic blanket at dalawang unan.
Tumawa ako at naalala 'yong huling ganito namin. Mas maganda nga lang ang set-up ngayon at mas kaswal ang suot namin ngayon. Naka-maong shorts lang ako at off-shoulder na white. Naka-bun ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up. Siya naman, nakaputing polo at black shorts.
"Fancy," sabi ko nang may lumapit na waiter.
Nag-order si Hiro ng dinner para ngayong gabi at pagkatapos, umalis na 'yong waiter. Nagpahalumbaba ako sa lamesa at pinapaglaruan ang wine glass ko na may lamang tubig.
"Uuwi na tayo bukas, diba?" tanong ko.
"Yes, we'll go home. I'll stay in your house for a bit," sagot niya.
"Bakit? Wala ka bang sariling bahay?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"My family's in U.S. and I don't want to feel lonely so let me stay at your house for the meantime," he pleaded.
Dumating na 'yong pagkain kaya tumigil muna kami sa pag-uusap. Nang matapos kumain, umupo na lang muna kami roon sa may blanket na nakalatag sa buhanginan. Niyakap ko ang tuhod ko habang nakatingin sa dagat.
"How's your mom like?" tanong ko.
"Well," he licked his lower lip. "She's... I can say, elegant. My friends actually admire her for being a strong woman. Her personality's strong but she's soft-spoken. Why are you asking?"
"Wala lang. Sa kumpanya niya ako maga-apply pagka-graduate ko, eh." Tumawa ako.
"FlyAsia is really your dream, huh." He gave me a small smile.
"Oo, balita ko kasi maganda raw talaga ang trato nila sa mga empleyado nila at mataas pa magbigay ng sahod. Na-salestalk ata ako nina Kyla pero 'yon nga. Sabay-sabay kaming mag a-apply doon. Matatanggap kaya kami?"
"If they don't accept you, then it's a shitty airline." He laughed.
"Airline niyo 'yon," pinaalala ko lang sa kanya.
"I don't care." Nagkibit-balikat siya. "It's their loss."
Masyado naman siyang supportive sa 'kin na siniraan pa ang sarili nilang kumpanya. Ngumiti na lang ako at tumingin sa orasan. Malapit na pala mag-12 AM. New Year.
"Hiro," tawag ko.
Lumingon siya sa 'kin at tinaas ang isang kilay, hinihintay ang sasabihin ko. "Kailan ang alis mo?"
He looked away and licked his lower lip. "May," he answered. "Four months from now."
Natahimik ako at tinantya sa utak ko kung sapat na ba ang tagal na 'yon para masulit ko ang oras ko sa kanya. Papatagalin ko pa ba o sisimulan ko nang kalimutan 'yong nararamdaman ko para sa kanya? O itutuloy ko ba at hihintayin ko siya kahit wala namang kasiguraduhan ang pagbalik niya?
Hindi ko 'ata kaya ang long distance relationship. Masyado pa 'kong bata para mag-settle sa ganoong set-up, lalo na't ngayon, wala naman kaming solid na tiwala sa isa't-isa. Mas masakit 'atang subukan kaysa kalimutan.
"Excited ka na bang umalis?" nakangiting tanong ko kahit ako 'yong hindi excited.
"I was." He let out a short fake laugh.
Was?
"But now, I feel lonely. Should I just cancel my flight?" he asked, smiling.
"Bakit mo ika-cancel? Sayang 'yon. Tsaka wala ka nang dahilan para manatili rito, 'no. Graduate ka naman na noon tapos may lisensya ka na rito. Abutin mo na pangarap mo roon sa Florida. Mas mahalaga 'yon sa kahit ano," sabi ko kahit parang tinutusok ng karayom ang puso ko.
Lahat ng 'yon, taliwas sa gusto kong sabihin.
"Hindi masamang piliin ang pangarap, Hiro," I assured him.
Hindi siya nagsalita kaya binalot kami ng katahimikan. Napatingin ako sa orasan at agad tumayo nang makitang malapit na pala ang panibagong araw. Kinuha ko 'yong box ng lusis sa table at 'yong lighter doon para masindihan namin.
"Dali! Malapit na!" sambit ko sa kanya at tumakbo sa may buhanginan, malapit sa dagat.
Sinindihan ko ang lusis at binigay sa kanya ang isa. Tinapat ko 'yon sa dagat at pinanood kung paano siya umilaw. Napangiti ako habang pinapanood 'yon at seryoso lang si Hiro na nakatingin sa 'kin.
"3.. 2.." bilang ko habang nakatingin sa relo ko. "1! Happy New-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halikan ako ni Hiro sa labi. Nilayo ko kaagad ang lusis mula sa amin at dinama ang halik niya sa 'kin. He didn't move his lips. He just stayed like that and slowly let me go.
We stared at each other's eyes for a few seconds until we heard the fireworks. Napahiwalay kaagad ako sa kanya at tumingala sa langit para panoorin ang iba't-ibang kulay ng paputok na 'yon.
"Happy New Year!" sigaw ko.
Humarap ako kay Hiro at nakitang hindi siya nakangiti kaya ngumuso ako at pinahawak sa kanya ang lusis ko. Pinisil ko ang dalawang pisngi niya para pilit na i-ngiti 'yon.
"Smile na," I urged him. "Maging masaya muna tayo sa nangyayari ngayon kaysa malungkot sa mangyayari sa susunod."
He bit his lower lip and looked away. Nang maubos ang lusis, binaba niya muna 'yon sa buhanginan. Umupo siya sa blanket at tinanaw ang dagat habang nakatayo ako sa harapan niya.
"I don't want to leave you," mahinang sabi niya.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top